Click here to load reader

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

  • View
    998

  • Download
    121

Embed Size (px)

Text of Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

  1. 1. Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino Tinalakay ni: Rochelle S. Nato Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Dolores R. Taylan et.al (Akda) Aurora E. Batnag (Koordineytor)
  2. 2. Matalakay ang sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika. LAYUNIN Makakapagtala ng mga halimbawang pangungusap sa bawat bahagi ng pananalita.
  3. 3. Bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of speech), o kauriang panleksiko, Ito ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihingbahaging panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
  4. 4. BAHAGI NG PANANALITA I. Mga salitang pangnilalaman (mga content word) 1. Mga nominal a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
  5. 5. Mga Uri ng Pangngalan 1 PANTANGI - pangngalang ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao, bagay o lunan. Lagi itong nagsisimula sa malaking titik. halimbawa: Panay, Setyembre, Saligang Batas
  6. 6. 2. PAMBALANA - pangngalang ginagamit sa sinumang tao o anumang bagay, lunan o pangyayari nang walang pagtatangi. Ito ay nagsisimula sa maliliit na titik. halimbawa: pulo, gusali, dokumento
  7. 7. Kasarian ng Pangngalan 1. Panlalaki hal. ama, lolo, tandang, itay, tatay, boy 2. Pambabae hal. reyna, ina lola, nanay, ate, inahin 3. Di-tiyak hal. bata, manok, kapatid, aso, pusa 4. Walang Kasarian hal. mesa, kahoy, bag, lapis, papel
  8. 8. b. Panghalip (pronoun) - mga salitng pnghalil sa pangngalan. Mga uri ng panghalip 1 Panghalip na panao 2. Panghalip na pananong 3. Panghalip na panaklaw 4. Panghalip na pamatlig
  9. 9. Mga Halimbawa Panao - ka, niya, amin, iyo, ikaw, mo Pananong - ano, alin, ilan, sino, kanino Panaklaw - lahat, sinuman, anuman Pamatlig - ito, iyon, doon, diyan, heto, ganito
  10. 10. Pumunta ako sa tindahan Binili ko ang tinapay Kumain ako ng tinapay kaninang umaga Mga Halimbawang pangungusap 2. Pandiwa ( verb) - ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
  11. 11. 3. Mga Panuring (modifier) a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip May apat na anyo ang mga pang-uri. Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda, Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
  12. 12. Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting- puti,araw-araw gabi-gabi. Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting- aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.
  13. 13. b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang- abay Mga Uri ng pang Abay: 1. Pamanahon hal. araw-araw 2. Panlunan hal. kina, kay 3. Pamaraan hal. nang, na, 4. Pang-agam hal. baka, wari, parang 5. Panang-ayon hal. talaga, siyempre, opo 6. Pananggi hal. hindi, di, ayaw 7. panggaano (tinatawag ding pampanukat) 8. Pamitagan hal. paggalang 9. Panulad hal. higit na magaling
  14. 14. II. Mga Salitang Pangkayarian (functions words) 1. Mga Pang-ugnay (Connectives) a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag- uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay hal. at pati, ni, subalit, ngunit b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag- uugnay sa panuring at salitang tinuturingan hal. na, ng
  15. 15. c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita hal. sa, -ng
  16. 16. 2. Mga Pananda (Markers) a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip hal. si, ang, ang mga b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri hal. ay
  17. 17. Magtala ng mga tig 2 halimbawang pangungusap sa bawat bahagi ng pananalita. Gawain 1. Pangngalan 2. Panghalip 3. Pandiwa 4. Pang- uri 5. Pang- abay