50
sa ibat-ibang larang Wikang Filipino Paggamit ng

Paggamit ng Wikang Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Paggamit ng Wikang Filipino

sa ibat-ibang larang

Wikang Filipino

Paggamit ng

Page 2: Paggamit ng Wikang Filipino

ANG SALIGAN NGAdministrasyong PNOY

SA PAGGAMIT NG

Wikang Filipino

Page 3: Paggamit ng Wikang Filipino

Ayon kay

Asec. Jan Mikael dL CoTanggapan ng Pangulo

Ang Filipino ang wika ng bayan. Iba-iba man ang rehiyon at probinsyang ating pinanggagalingan,nasa magkabilang panig man tayo ng mesa sa mga usaping pampulitika,malinaw na binibigkis tayo ng iisang wika. Para kay Pangulong Aquino, wikang Filipino ang nagsisilbing lunan para tayo’y magkaunawaan at makapagdiskurso tungo sa paghanap ng mga makabuluhang solusyon sa mga suliraning kinakaharap natin bilang isang bansa . Ginagamit din niya ang Filipino para ihatid sa karaniwang mamamayan ang magagandang balita ng tuwid na daan, at para himukin silang lalong makiambag sa pagpapalawig at pagsusumikap na gawing permanente ang transpormasyong tinatamasa natin sa kasalukuyan. Taliwas nga ito sa sistemang pinalaganap ng mga dating nasa kapangyarihan, na ikinubli sa likod ng masasalimuot na termino at wikang burukratiko ang totoong nangyayari sa pamahalaan.

Page 4: Paggamit ng Wikang Filipino

Kung dati, wika ang nagsisilbing balakid para magkaisa ang taumbayan; ngayon, sa paggamit ng Filipino,hindi lang nailalapit ng Pangulo sa karaniwang mamamayan ang mga programa at plano ng gobyerno, kundi ay napagbubuklod tayo para magbayanihan. Ang hangarin ng pangulo : maipabatid sa mamamayan ang halaga ng pagkakaunawaan at ang tungkulin ng bawat isang makilahok sa pagpapatibay sa kultura ng kredibilidad at katapatan sa lipunan . Higit sa pagiging pangunahing instrumento ng pagdadayalogo at pakikipag-ugnayan,para sa Pangulo, repleksyon ang wikang ito ng malawakan at positibong transpormasyong nangyayari sa ating pamayanan. Kasabay nga ng pag-unlad ng Filipino bilang wika, ang pag-angat naman ng antas ng diskurso,kamalayan, at pagkakaunawaan sa kalakhang lipunan. Sa huli, para sa Administrasyong Aquino, instrumento ang wikang Filipino upang iparating sa taumbayan ang isang katotohanan: tayo ang gumagawa ng pagbabago, at tayo rin lang ang magpapayabong nito.

Page 5: Paggamit ng Wikang Filipino

Ayon kay ATTY. ROMULO B. MACALINTALManananggol na Pilipino na nagmamahal

sa Wikang Filipino

1. Ang probisyon ng Saligang Batas na nag-aatas na palaganapin at paunlarin ang Wikang Pambansa. Ito ay nakasaad sa SEKSYON 6, Artikulo XIV kung saan sinasabing :

Ang Wika ng Batas

Page 6: Paggamit ng Wikang Filipino

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nililinang,ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa

umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at

sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga

hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng

Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo

sa sistemang pang-edukasyon.

Page 7: Paggamit ng Wikang Filipino

Sa ilalim naman ng Seksyon 7, Artikulo XIV, ito naman ay nag-aatas na :

“Ukol sa layunin ng komunikasyon at

pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng

Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,

Ingles.”

Page 8: Paggamit ng Wikang Filipino

2. Sa kabila ng nasabing probisyon

at atas ng ating saligang batas

kaugnay ng pagpapalaganap ng sarili nating wika, ang tanong ay ano sa kasalukuyan ang

kalagayang pangwika sa ating

mga batas o pagpapatupad ng

batas

Ano sa

kasalukuyan

ang

kalagayang

pangwika sa

ating mga

batas o

pagpapatupad

ng batas?

Page 9: Paggamit ng Wikang Filipino

3. Nauunawaan ba ng higit na nakararami nating mga mamamayan ang ating batas na halos lahat ay nakasulat sa salitang Ingles? Nagkaroon na rin ng hakbangin ang ating Kataas-taasang Hukuman upang ang Wikang Filipino ay magamit sa mga pagtitiis sa mga hukuman. Ano ang nangyari sa nasabing hakbang ng ating Kataas-taasang Hukuman? Ano ang sinasabi ng ating mga panuntunan sa mga Hukuman o sa ilalim ng Rules of Court sa paggamit ng Wikang Filipino sa mga inihahaing mga petisyon,mosyon at ilan pang kasulatan sa ating mga hukuman? Ito ba ay nabibigyang katuparan upang mapalaganap ang ating wika?

Page 10: Paggamit ng Wikang Filipino

4. Mga kasalukuyang sagabal, balakid o problemang kinakaharap ng mga pinuno o ahensiya ng pamahalaan o maging ng mga pribadong sektor na kasama sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino at ano ang maaaring nating gawin upang mabigyan ng kalutasan ang

nasabing mga suliranin sa

pagpapaunlad ng ating Wikang

Pambansa?

Page 11: Paggamit ng Wikang Filipino

5. Sa larangan ng batas o sa mga hukuman, ang malaking balakid o sagabal sa paggamit ng wika ay ang katotohanang marami tayong iba’t ibang salita depende

kung saang lalawigan o rehiyon tayo nanggaling. Bagama’t ang tagalog ang

sinasabing ginagamit at nauunawaan ng higit na nakararaming Pilipino, iilan pa rin

sa ating mga Mahistrado ,Hukom, Prosecutors, Stenogphers at mga kawani o tauhan ng mga hukuman ang masasabing

may kasanayan o maliwanag na nakakaunawa at nakakapagsalita sa wikang

Tagalog.

Page 12: Paggamit ng Wikang Filipino

6. Ang Kataas-taasang Hukuman sa pamumuno noon ng Kataas- taasang Mahistrado ( Chief Justice) Reynato Puno ay nagsimula ng isang proyekto kung saan hinihikayat niya ang mga hukom na gamitin ang salitang Tagalog sa mga paglilitis. Ito ay nagsimula sa ialng mababang hukuman sa Bulacan. Naging Maayos at katanggap-tanggap sa mga may kaso ang nasabing pamamaraan ng paglilitis. Ngunit hindi lahat ng hukuman ay nagagampanan ang ganitong uri ng paglilitis.

Page 13: Paggamit ng Wikang Filipino

7. Mga mungkahi upang mabawasan hindi man tuluyang malutas ang mga suliranin sa pagpapalaganap ng ating wika sa larangan ng batas:

a) Ang Kataas-taasang Hukuman ay dapat bigyan ng malalim na pag-aaral ang bagay na ito. Hindi ito dapat bigyang pansin lamang tuwing dumarating ang Buwan ng Wikang Pambansa.

Page 14: Paggamit ng Wikang Filipino

b) Dapat ding maging bahagi ng pag-aaral sa batas ang kahit isang unit (one unit) sa paggawa ng mga dokumento o kasulatang ligal na gamit ang Wikang Filipino.

c)Maaring magbuo ang Kataas-taasang Hukuman ng isang grupo o komite na pamumunuan ng isa nilang Mahistrado na may kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat sa Wikang Pambansa na makakasama ang ilang kinatawan ng mga sektor na may kaugnayan sa pagpapalaganap na ating wika.

Page 15: Paggamit ng Wikang Filipino

Ang nasabing grupo o komite ang siyang babalangkas ng mga panuntunan o alintuntunin kung paano magagamit nang maayos ang Wikang Filipino sa ating mga hukuman ,hindi lamang sa paglilitis kundi maging sa paggawa ng mga ligal na dokumento na gamit ang sarili nating wika.

d) Kailangang ito ay masimulan kaagad . Matagal na itong binibigyang pansin tuwing Buwan ng Wikang Pambansa ngunit sa sandaling matapos na ang pagdiriwang na ito, parang doon na rin natatapos ang ating pagkalinga sa Wikang Filipino.

Page 16: Paggamit ng Wikang Filipino

Sa madaling salita,kailangan tuluy-tuloy ang ating paggawa at pananaliksik ng mga pamamaraan ng katuparan ang ating pangarap na ang ating ay magkaroon ng kanyang buhay at pagdakila sa mga sumusunod na araw at ating lahi o henerasyon

Page 17: Paggamit ng Wikang Filipino

8. Mungkahing Resolusyon na maaaring bigyang pansin ng

Komisyon sa Wikang Filipino sa kanilang Pambansang Kongreso :

Isang Resolusyong nagmumungkahi sa Pag-aaral Hukuman na pag-aralan kung maaaring maging

bahagi sa pag-aaral ng Batas ang kahit isang unit (One Unit) na may kaugnayan sa pagtitiis at pagawa

ng mga dokumneting Ligal na gamit ang wikang Filipino.

Page 18: Paggamit ng Wikang Filipino

9. Kalakip din nito ang isang kopya ng isang mosyon ( kahilingan ) na

inihain ko kamalian sa ating Kataas-taasang Hukuman sa isang kasong

aking hinahawakan kung saan gingamit ko nang buo ang Wikang

Filipino. Ito ay nais kong ibahagi sa lahat upang patunayan na kaya

nating gawin ang maglitis sa hukuman o gumawa ng mga

dokumentong ligal na gamit ang sariling Wika.

Page 19: Paggamit ng Wikang Filipino

PAGTUTURO NG

FilipinoBILANG

PANGALAWANG

WIKA

Page 20: Paggamit ng Wikang Filipino

Ayon kay

GALCOSO C. ALBURO

DepEd, Marikina

Halos 26 na taon na ang Nakalilipas nang kilalanin

ang Filipino bilang pambansangwika ng

Pilipinas sa ilalim ng 1987 Konstitusyon. Hanggang ngayon ay patuloy ang mga kontrobersiya sa

wikang ito at ito’y normal kasabay ng kanyang pag-

iral sa lipunang Pilipino ngunit papaano nga ba ito

epektibong maituturo bilang pangalawang wika sa kabila ng mga isyu na

ipinupukol dito?

ABSTRAK

Page 21: Paggamit ng Wikang Filipino

Ano-ano ang mga dahilan ng pagtuturo ng Wikang Filipino sa bansa? May mga tiyak na katangian at kakayahan bang dapat taglayin ang mga gurong magtuturo nito? Sino-sino ang mga target na mag-aaral? Ano-ano ang mga bagay na dapat mabigyan ng malaking konsiderasyon sa pagtuturo ng pangalawang wika? Ano-ano ang mga dulog at estratehiyang maaaring gamitin sa pagtuturo ng pangalawang wika? At gaano ba kadali o kahirap, ang pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika?

Page 22: Paggamit ng Wikang Filipino

Sa panayam na ito ay ilalatag ang mga pangunahing dahilan sa pagtuturo ng wikang Filipino. Tatalakayin dito ang mga bagay na matutugunan sa pagtuturo ng Filipino tulad ng pagiging maka-konstitusyon, literasi ng mamamayan, pambansang kamalayan,at tulay sa pandaigdigang kasanayan at pakikisangkot.

Ilalahad din ang mga katangian / kahingian sa isang guro sa Filipino na magbibigay sa kanya ng karapatan at kapangyarihan para magturo ng pangalawang wika. Gayundin,tutukuyin ang tiyak at target na mga mag-aaral na angkop at handa para sa pagkatuto/pagtatamo ng pangalawang wika

Page 23: Paggamit ng Wikang Filipino

Iisa-isahin ang mga bagay na dapat bigyan ng malaking konsiderasyon sa pagtuturo ng pangalawang wika upang ito ay maging epektibo at magkaroon ng magandang resulta. Ilalatag ang iba’t ibang dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino.

Sa kabuuan ay tatayahin kung gaano kadali o kahirap ang pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika.

Page 24: Paggamit ng Wikang Filipino

ANG PAGBUO NG MGA KAGAMITANG

PAMPAGTUTURO SA PANAHON NG ICT

Page 25: Paggamit ng Wikang Filipino

Ayon kay BERNIE C. SANTOS Mataas na Paaralang Ateneo de Manila

Kapansin-pansin na ang paglawak ng pamumuhay na pinaliligiran ng

teknolohiya-ang pagkakaroon ng buhay-birtuwal. Para sa

kasalukuyang kabataan, ang information and Communications

Technology o ICT ay bahagi ng araw-araw na pamumuhay. At ganito na rin ang karamihan ng ating mag-aaral.

Page 26: Paggamit ng Wikang Filipino

Karaniwan na nilang ginagamit ang kanilang mga smartphone para maitala ang mga pangyayari sa kanilang buhay, para maiayos o maorganisa ang kanilang buhay.

Pinalitan na rin ang spiral notebook ng pindot-friendly notebook,laptop,tablet. Kahit nga ang dating mahirap na pagsulat ng notes na nasa pisara ay isang click na lamang sa pagkuha ng picture sa kanilang cellphone. Sa larangan naman ng pananaliksik,hindi na sila pumupunta sa silid-aklatan , magpupuntahan na sila sa internet café.

“Google Anak” sabi sa isang komersyal sa radyo.Dahil sa search engine na ito, hindi lang isang silid-aklatan ang napupuntahan nila kundi ,mga silid-aklatan sa loob at labas ng bansa. Sa isang pindot, ilang segundo lang ay nakikita mo na ang lahat ng bagay na may koneksyon sa nais mong saliksikin. Kahit mga book notes,o mga pagsusuri at pag-aaral sa libro, kuwento, o paksang sinasaliksik ay agad na makikita. Instant! May resulta agad ang paghahanap.

Page 27: Paggamit ng Wikang Filipino

Ayon din sa ilang survey ng McCann sa mga kabataan , sa pagpasok ng ika-21 siglo, mas maraming oras ang ginugugol ng mga mag-aaral sa paggawa ng mga gawaing-pampaaralan. Noong taong 2000, 100 minuto , noong 2005 ay 123 minuto. At kalimitan pa nito hindi sa sariling tahanan ginagawa ang pag-aaral. Kalimitan silang nagkikita-kita sa isang lugar upang magsagawa ng study group o group project. Gusto nila ito dahil may pagkakataon silang magsama-sama na hindi nalilimitahan ng apat na haligi ng silid-aralan, ng seat plan ng guro. May pagkakataon silang gumalaw, mag-usap, magtalakayan,at magkamali nang hindi masyadong pinapansin.

Page 28: Paggamit ng Wikang Filipino

Mahilig sila sa study group. Ayon sa kanila, mas mabilis silang natututo rito. Kaya naman kahit nasa sariling

bahay na sila, may ka-study group na rin sila. Ganyan na katindi ang network ng mga mag-aaral ngayon.

Kapag nasa harap na sila ng computer malamang may ka-chat na iyan sa facebook. Dito na sila nag-

uusap,nagkukuwentuhan at nagtuturuan

Page 29: Paggamit ng Wikang Filipino

Ayon sa isang lektyur ni Bb. Emily Abrera, President,Harrison Communications at Chairman Emeritus, mcCann Worldgroup, sa Jesuit Basic Education Commission (JBEC) Congress 2009 , ang kasalukuyang nating mag-aaral ay:

May high tolerance for noise Stressed Sanay na multi-tasking Mahilig din sa social networking At hindi mna mahusay sa

pagsasalita o pagsusulat-hindi na magaling sa wikang Filipino at kahit sa Ingles.

Page 30: Paggamit ng Wikang Filipino

Ang cellphone ay ekstensyon na rin ng kanilang sarili. Ayon nga sa isang pag-aaral ni Dr. Reena Estuar, ang cellphone ay mahalagang kagamitan na rin sa pagpapahayag ng sarili. Pagmamahal, pagkadismaya,pagkalungkot,pagkabigla na dito na ipinararating. Pero mahirap basahin dito ang damdamin… Sa text mahirap malaman ang damdaming kasa-kasama ng mga salita-tuloy,higit silang desensitized,manhid sa mga damdaming ipinahayag. Hindi agad nakukuha ang mga damdaming nakapaloob sa ipinahayag sa kanila.

Page 31: Paggamit ng Wikang Filipino

Ganito na nga ang mga tinuturuan natin. Ganito na sila ngayon , at ibang-iba sila sa atin noon. At paano na sila bukas? Hindi lingid sa kaalaman ninyo na ang mga estudyante nating nasa ikaapat na antas ay malamang na magtatapos sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo at maghahanap ng trabaho sa 2022 o 2023. Ang mga nasa Grade 1 nama’y sa 2028 o 2029. Hinahamon tayo ng kasalukuyang panahon na ihanda sila sa kinabukasang malabo pa sa atin ang itsura. Hinahamon tayong ihanda sila sa mga trabahong hindi pa natin alam kung ano.

Sa pagdagsa ng mga Ipad, sa pagsulpot ng mga baging Iphone,tiyak na magtuturo na tayo sa mga batang iPinoy. Hinahamon tayong hubugin ang mga mag-aaral na ito,na lumaki na at natututo sa pamamagitan ng mga imaheng nakikita sa screen, habang tayo namang mga guro ay

hinubog sa pamamagitan ng mga salita at libro.

ANG HAMON

Page 32: Paggamit ng Wikang Filipino

Isa itong malaking hamon…

Idagdag pa natin dito,karamihan ng mga paaralan sa buong mundo ay nilalandas na ang pagtatatag ng mga paaralang nababagay sa ika-21 na siglo , na naniniwalang kinakailangan ng bata ang 21st century skills upang maging matagumpay sa kinabukasa. Kinakailangan daw niya ng-critical thinking and problem solving, creativity and innnovation,communication,collaboration .

Sabi rin sa isang dokumento ng DepEd, sa bagong K-12 curriculum,tinatangka nitong hubugin ang mag-aaral na maging-functionally literate and holistically developed Filipino- na matapos ang 13 taon ng pag-aaral sa basic education ay nakahanda na ito sa pagtatrabaho o sa pagnenegosyo o sa lalong mataas na edukasyon. Bumuo ang DepEd ng kurikulum na may pagtutuon sa national and global concerns,at may balanced assessment.

Page 33: Paggamit ng Wikang Filipino

Ngayong alam na natin kung ano ang pangkaraniwan nating mag-aaral,alam na rin natin ang reporma sa edukasyong tinutungo ng ating pamahalaan,paano na natin kakargahinang responsibilidad sa babyan na hubugin ang kabataan nito upang higit na mabuhay at umasenso sa kinabukasan? Ano-ano ang dapat na gamit/sandata nating dala upang tumugon sa panibagong hamon sa atin?

Page 34: Paggamit ng Wikang Filipino

Sa isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer (Hunyo 23, 2913) na Teachers: Level-up, be tech savvy” , binanggit na… the basic of teacheing had not changed but the “process and the technologies have”. Ayon din sa artikulo,kasabay ng pagsulputan ng mga education websites sa mundo ng internet, higit din naman ang nagiging kasanayan ng mga kabataan sa paggamit ng teknolohiya… the problem is the teachers are left behind.

Isa raw sa pinakamalaking suliranin ng guro sa loob ng silid-aralan ay: Delivery of content and skill.Paano nga ba ituturo ang creativity, collaboration,critical thinking? Matagal na itong nakasulat sa mga dokumento ng kurikulum.ng ating mga silabo, ‘di ba? Sa aking palagay, may mahigpit na pangangailangan na dapat itong sadyain. Sapat pa bang ituro ko sa kanila ang kuwento ni “impeng Negro” at Noli me Tangere, at sa pagtalakay ng mga ito’y gamitin ang gabay na tanong sa librong ipinagamit ng paaralan,at harinawang mahasa sila sa mapanuring pag-iisip? Dapat yatang isaisip nating maituro sa kanila ang “Impeng Negro” kasabay rin ng pagsadya na hasain sila sa mga kasanayang nabanggit na kanina.

ANG PAGBUO NG MATERYAL

Page 35: Paggamit ng Wikang Filipino

Subalit magagawa lamang ito kung matutugunan din natin ang isa pang suliranin: ang ma-engage ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.Kailangan nating mahuli ang kanilang kiliti upang mapanatili ang kanilang atensyon,lakas,at isipan sa ating mga ipinagagawa sa kanila.

Dati ang guro ay mga tagakonsumo ng material na ibinaba sa kanila ng administrasyon o ng mga ibinababa sa ating textbook ng mga palimbagan.Ngayon,kailangang maging handa na tayong maging aktibo sa pakikisangkot sa pakikibahagi sa pagbuo ng mga materyales.

Pag-usapan natin ang ilan

Page 36: Paggamit ng Wikang Filipino

Pumili tayo ng napapanahon. Mahihirapan ang mag-aaral na pumasok sa tekstong

kaharap niya kapag hindi sila makaugnay. Kung ang wika ay luma,kung ang mga

pangyayari sa naratibo ay wala sa sakop ng kanilang karanasan,mahihirapan tayong makuha ang sigasig nilang

makipagtalakayan sa atin. Kailangan kasing komonekta sa previous knowledge

ng mag-aaral sa sakop ng kanilang karanasan.

Maaari tayong kumuha sa mga kulturang popular-dahil sanay na sanay naman

silang makaengkuwentro ng mga imahen,dito na tayo mag-umpisa.

TEKSTONG MAKAKAENGKUWENTRO

Page 37: Paggamit ng Wikang Filipino

Ilang halimbawa nito ang sumusunod: Dokumentaryo (tulad ng

dokyu,krusada,iWitness, Storyline) Komiks- anong komiks kaya ang

magugustuhan nila? Tingnan ninyo ang Bayan Knights o kaya’y ang Timawa ni Glenn Alanguilan.

Pelikula( The Healing at Bakit Hindi Ka Crush ng Crush mo Telenovela (Juan Dela Cruz at Cassandra Warrior Angel) o kahit komersyal tulad ng Mcdo at Jollibee.

Page 38: Paggamit ng Wikang Filipino

Sa mga babasahin,kahit nasa high school na, subukin pa rin ninyo ang mga kuwentong pambata –( Chenelyn , Sandosenang sapatos, Uuwi na ang nanay kong si Darna, Humadapnon)

Sa dula (William)Sa damit na nobela- pero script ng pelikula

(Lumayo ka nga sa Akin ni Bob Ong)Awit (Tatsulok ni Bamboo, Sirena at

Walang natira ni Gloc9Poster,dulang panradyo( Gabi ng Lagim)

Diyaryo, magasin o kahit romances

Page 39: Paggamit ng Wikang Filipino

At kapag nakuha na natin sila,kapag natutuwa na sila,kapag unti-unti na natin naibabalik ang pagtangkilik nila sa pagbabasa ng Panitikang Filipino, saka na natin bigyan ng luma/klasiko (Si Ama, Impeng Negro, Ang kuwento ni Mabuti, Mabangis na Lungsod , Impong Sela, Nagbihis na ang Nayon at iba pa) – mabuti pa rin bigyan sila ng mga babasahin tulad nito dahil malaking tulong ito sa pag-uugat nila bilang mamamayan ng bayang Pilipinas.

Maaari tayong magsimula at gawing teksto ang kanilang nakakaengkwentro sa kasalukuyan,ngunit hindi pa dapat mawawala na kailangang maiuwi pa rin na maitulak ang mag-aaral na magbasa upang mahasa rin sila kung ano ang mahusay na pagpapahayag at pagsusulat.

Sa paghahanap ng teksto,huwag matakot kung sa unang tingin ay mabigat ang teksto o hindi nababagay sa edad nila. Huwag nating maliitin ang kakayahang umunawa ng mga mag-aaral. Matindi rin ang kanilang lohikal na pag-iisip at patutunayan iyan ng mga laro nilang ginagawa sa kompyuter. Sa kasalukuyan , nagiging mabigat na lamang ang teksto dahil sa wikang ginagamit nito.

Page 40: Paggamit ng Wikang Filipino

Pagkatapos magpabasa o makaengkuwentro ang mag-aaral,tiyaking magbigay din ng mga nakaiintrigang tanong-mga tanong na hindi basta-bastang masasagot ng oo o hindi, ng tama o mali. Itulak ang mag-aaral na hindi lang tatanggapin ang tekstong nakasalamuha,itulak silang lumampas pa sa karaniwang kahulugan ng mga salitang nabasa o narinig at mga imaheng nakita.

GABAY NA TANONG

Page 41: Paggamit ng Wikang Filipino

• Ilang halimbawa na ang:

Ano ang magagawang mag-aaral ukol sa ginagawang recycling ng paaralan?

Ano ang papel ng kabataan sa panahon ng eleksyon?

Ano ang maimumungkahi ko kay Kapitan upang higit na maging ligtas ang mga bata sa aming barangay?

Page 42: Paggamit ng Wikang Filipino

• Dahil mahilig sila sa group work at gusto nilang nag-uusap, kaya bigyan ng gawaing magtutulak sa mga mag-aaral na magkaroon ng interaksyon sa isa’t isa. Kung nagpabasa lang ng kuwento o kabanata at nagtanong ng sino ang tauhan, ano ang nangyari, magiging pasibo ang tugon ng mag-aaral sa mga tanong na ito. Ibig sabihin , sa paggawa ng textbook,module,lesson plan, kailangan na ma raming ehersisyo at itutulak ang mag-aaral na mag-usap ukol sa aralin. Itulak natin, sa ating mga pagtatanong, ang mag-aaral na tingnan ang isang konsepto o isyu mula sa iba’t ibang perspektibo. Hindi na sapat ang copy paste ng impormasyon para bumuo ng bago o ilapat ito sa mga bagong suliranin.

Page 43: Paggamit ng Wikang Filipino

Dahil nga sa karamihan ng mga mag-aaral ay biswal, higit na mauunawaan nila ang isang paksa o konsepto kapag sinasamahan ng mga imahen ang talakayan. Karaniwan nagagamit ng guro sa kanyang pagpapaliwanang ang powerpoint, keynote,at prezi. Mabuti na ito lalo na kung hindi napupuno ang bawat slide ng mga salita kundi mga larawan.

PAGGAMIT NG MGA TUNOG AT IMAHEN

Maaari ding gumamit ng video sa pagtalakay ng mga kabanata ng nobela. Halimbawa na sa pagtuturo ng El Filibusterismo. Sa pananaliksik gamit ang youtube, makikita na narito ang pelikulang El Filibusterismo na ginawa pa noon 1962. Narito rin ang maraming proyekto ng iba’t ibang mag-aaral na na-upload na nila at maaaring gamitin ng ibang guro at mag-aaral para masuri.

Page 44: Paggamit ng Wikang Filipino

Maganda ring simulan ang mga aralin sa paggamit ng MTV o di kaya’y maikling lektyur na nakuha mula sa internet.

Page 45: Paggamit ng Wikang Filipino

• Hindi pa rin dapat mawala ang mga pagtatayang tradisyunal-ang paggamit ng lapis/bolpen at papel. Dapat paring maghanda ng mga pagsusulit na – multiple choice, tama o mali,pagtukoy dahil may mga partikular na kasanayan na sinasananay ito, Subalit kung makagagamit kayo ng Learning Management System, tulad ng Moodle, Edmodo, at Edu 2.0 , maaari na kayong makagawa ng mga pagsusulit na sinasagutan ng mga mag-aaral gamit ang kompyuter at internet. Ang maganda rito,agad itong naiwawasto at naipapaalam sa mga mag-aaral ang resulta. Agad ka ring makakukuha ng item analysis upang masuri kung saan karaniwang nagkamali ang mga mag-aaral.

• Subalit kung nagnanais ng Balanced assessment , kailangan din nating maghanda para sa Awtentikong Pagtataya ( Authentic assessment). Sa palagay ko, marami na rin kayong alam rito, subalit hayaan ninyo akong itala ang ilan. Narito ang ilang halimbawa:

PAGTATAYA

Page 46: Paggamit ng Wikang Filipino

Sa larangan ng pagsulat- paggawa ng blog(indibidwal man o pangkatan). Pagpapadala ng e-mail

sa alkalde, sa pamahalaan, sa barangay, o sa punongguro. Paggawa ng character sketch ng mga bayani ng internet games. Pagbuo ng wiki. On-line group discussion- kung makagagawa kayo ng facebook account,maaari kayong magpost ng tanong o opinion at ang mag-aaral naman ang magbibigay ng comment.

Sa larangan ng pagbigkas – Paggawa ng podcast ng talumpati, rap o awit

Ilan pa sa maaaring ipagawa ay ang sumusunod:

o Magpagawa ng photo essay o photo story gamit ang instagramo Magpasulat ng bugtong o salawikao=in na pwedeng i-post sa

facebook o bilang tweeto Magpagawa ng video dialogue ukol sa tauhan ng isang nobelao Magpasulat ng kuwento gamit ang chat tool ng Google talko Magpatukoy ng mga detalye ng binasa gamit ang mga larong Who

wants to be a Millionaire, Jeopardy ,Family Feud at Are you Smarter than a Flight Grader (may mga downloadable template ang mga ito)

Page 47: Paggamit ng Wikang Filipino

• Subalit higit sa lahat, bilang guro, kailangan nating maghanap ng madlang magbabasa, manonood, makakakita ng gawa ng ating mga mag-aaral. Kasama ng kanilang kahilingan sa social networking, sabayan natin ito ng pagkonekta nila sa ibang madla. Maghanap tayo ng madlang magkakaroon sila ng epekto o maririnig ang kanilang boses. Kaya nga mahalagang mai-upload o mai-share ang kanilang mga gawa upang maramdaman din ng mag-aaral na may maiaambag sila sa lipunan. Halimbawa na ang pagpapadala nito sa mga istasyon ng radyo o telebisyon.

• Isang payo lang sa pagpapagawa nito. Alalahanin din na gumawa ng rubrics-ingatang matukso na mapunta sa pagiging production number lang ang mga ito. Mahalagang mapaunawa ang layunin ng proyekto sa mag-aaral sa simula pa lamang ng pagbuo nito.

Page 48: Paggamit ng Wikang Filipino

Bilang pagtatapos, nais ko lang sabihin na upang magtagumpay sa ating tungkulin, kilalanin natin ang mga

mag-aaral. Pasukin natin ang kanilang mundo, ang kanilang pintuan. Nangngahulugan ito na, maliban sa pag-aaralan natin ang ating ituturo, pag-aaralan din natin ang

mga gagamitin nating estratehiya ng pagtuturo. Samakatuwid, hinhingan din tayo ng panahon na

magbabad sa teknolohiyang nauuso sa kasalukuyan.

Itulak natin ang ating sarili na maghanap ng material, na tatangkilikin nila ang panitikan ng bayan. Dahil kapag

nakuha natin sila,lan=bis na magiging madali na mapalabas na natin sila sa ating pintuan, sa ating layunin

na hubugin silang nakahanda para sa kinabukasan.

PAGLALAGOM

Page 49: Paggamit ng Wikang Filipino

Ayon sa artikulong isinulat ni Dr. Benilda S. Santos,

“ sa ating panahon ng agham,komersyo at kompyuterisasyon ng komunikasyon,kailangang-kailangan ang mga mamamayang matalino at mahusay na nakapagpapahayag ng sariling palagay ,ideya,pilosopiya o kaalaman . Hindi na panahon ng mga mamamayang kimi o takot sa tanga o mangmang, kundi panahon ng mapg-usisa, nag-iisip, malakas ang loob sa harap ng mga pagbabago at higit sa lahat, palabasa at nagsusulat. “

Page 50: Paggamit ng Wikang Filipino

Kaya’t itulak natin ang mga mag-aaral na magbasa, magsulat, at makalikha ng

materyal. Hamunin natin silang mag-isip, magpahayag, magtanghal. Bigyan natin sila ng mga mapanghamon na tanong at Gawain upang tumubo silang masigasig at mapanuri.

Sa susunod, hindi na problema ang produksyon ng bagong materyal o

kagamitang pampagtuturo dahil na lagi na itong updated ng mga ipinapasa sa inyo ng

inyong mag-aaral.

PAGLALAGOM