Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    1/8

    16 - Ang Manggagawa

    Parish Priest | Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao

    This Months Contributors | Bro. Elorde A. Calimoso, Sis. Rizalina H. Carbonell Bro. Ferdinand R. Marcelo,

    Sis. Mary Grace F. Pablo, Bro. Danilo A. Reyes

    Lay-out | Bro. Mark Angelo A. Ordonio

    Ang ManggagawaBuwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jos e ang ManggagawaCloverleaf, Balintawak, Quezon City

    TNANBU

    Ang Manggagawang Manggagawauwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang ManggagawaCloverleaf, Balintawak, Quezon City, Telepono Bilang 361-5840

    IKAW NA PANGINOON! IKAW NA!Ecce Homo! Ang ating maririnig na sinambit ni Pila-

    to noong si Hesus ay pinakita niya sa mga tao. Narito

    na ang sinasabi ninyong may kasalanan pero wala

    naman siyang maling matagpuan. Pero dahil sa udyok

    ng mundo, sa buyo ng tao ang Panginoong Hesus ang

    naging salarin. Umako ng katayuan natin. Ipinako sa

    Krus para tayo ay palayain. Ikaw na Panginoon!

    Ikaw na Panginoon ang pangtubos sa aming lahat.

    Ibig sabihin para tayong nakidnap ng kasalanan. At

    minarapat ni Hesus na siya na ang maging kapalit

    upang tayo ay maligtas. Ang masaklap dito, hindi

    naman tayo sapilitang dinukot ng kasalanan. Ang ma-

    hirap dito alam ng Panginoon na kusa tayong suma-

    ma. Ginusto nating magpatangay, bakit pa tayo

    susunduin? Bakit pa tayo tutubusin? Ikaw na

    Panginoon, salamat sa pagsalba mo sa amin.

    Ikaw na Panginoon ang aming paglaya. Kapag tinubos

    ka na, lalaya ka na. Subalit kadulad ng isang preso sa

    totoong buhay, nalilimutan natin ang tunay na biyaya

    ng kalayaan. Pinalalaya tayo pero hindi naman natin

    inaalagaan ang ating kinabukasan. Basta ka na lang

    bang pakakawalan ng walang patutunguhan? Hindi

    ito para bumalik ulit sa kasamaan o hikayatin ang isat

    -isa na ganyan ka na lang. Paglaya sa kabutihan.

    Paglaya galing sa kadiliman. Paglaya na sa Panginoon

    ang tagpuan.

    Ikaw na Panginoon ang pagmamahal. Noong sinabi

    ni Pilato na Ecce Homo hindi niya lamang sinasabi

    na ito ang pnagbibintangan ninyo. Hindi niya lamangpinamumukha sa kanila na wala siyang kasalanan.

    Ecce Homo ito ang tao! Ito ang pagmamahal. Tinuro

    sa atin ng Panginoon ang pinakasimpleng kahulugan

    ng pagmamahal. Ikaw. (sundan sa Pahina 2)

    T

    BAKASYONNA ! ~HABEMUS PAPTAYONG PAPA ~ANG D IWA NGPAGBOBOLUNTAKAWALANG PAKBUKO ~ PAHINA

    Tampok

    FISHERMANS

    Kasama sa mga

    ng isang Santo

    Ring, Annulus

    AnelloPiscatorio

    ermans ringay p

    Pedro, isang m

    isang liham ni

    1265 sa kanyang

    Grossi, ginamit

    pribadong sulatmen. Ang sings

    rong ginto kung

    imahe ni Sa

    nangingisda, kas

    galan ng bagong

    niRev.Fr.GilbertoFortunatoIIC.Dumlao

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    2/8

    2 - Ang Manggagawa

    (IKAW NA PANGINOON, mula saPahina 1)Kung hindi ako nagmamahal

    sino ako? Sino ka kapag walang pag-

    mamahal. Ang tao ay pagmamahal at

    ang pagmamahal ay tao. Ecce Ho-

    mo, ako ang pagmamahal mo!

    Sa pagdiriwang natin ng Muling

    pagkabuhay at paghahanda natin para

    sa ika-53 kapistahan ng ating parokya.

    Pati na rin sa nalalpit nating pagsang-

    kot at pagtatanod ng mga bagong

    ihahalal na mga pinuon ng bayan.

    Maligayang pagbati po sa ating lahat.

    Magsama-sama tayo na maglingkod

    bilang mga tinubos ng Diyos. Maging

    malaya at makisangkot sa Kanya. Mag-

    mahal sapagkat ang pagiging tao mo

    ay katibayan ng Diyos na pag-ibig. At

    si Hesus ang patuloy na magpapaalala.

    Si Hesus ang ating pangtubos, paglaya,

    at pag-ibig. Ikaw na Panginoon! Ikaw

    na!Happy Easter!!!

    A

    I-ayos ang iskrambol na mga salita upang tumugma sa dakilang turo ni San Pabl

    taga Colosas. Basahin ang Colosas 3:12-15.

    Dahil kayoy hinirang ng Diyos, minahal niya at pinili para sa kanya dapat kayo

    1.________________________, 2.____________________,3.__________________

    (maginbaha) (itmaba) (pamakumba

    4.________________________ at 5.____________________.6._________________

    (nahimahon) (istimapag) (pagmasiyase

    kayo sa sa isat- isa at 7.__________________________ kayo kung may hinanak(wadpamagta)

    kaninuman. At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang 8._____________

    (big ipag)

    buklod ng ganap na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa inyong puso ang 9._______

    (angya

    kaloob ni Kristo, sapagkat iyan ang

    kung bakit kayo tinatawag sa iisang

    10._________________________ kay

    (matmagsapala)

    Ang OSSUARIO DE SAN JOSE ay bukaspara sa lahat ng gustong magpalaan

    ng lugar ng paghihimlayan. Tina-

    tawagan po ang mga nagmamay-ari,

    may reservation, at mga may kata-

    nungan, na sumangguni sa booth sa

    patio ng ating simbahan tuwing

    Linggo.

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    3/8

    14 - Ang ManggagawaTNLKNNN

    Apr 7 Divine Mercy Sunday

    Apr 8 Dakilang Kapistahan ngPagpapahayag ng MagandangBalita tugkol sa Panginoon

    Apr 13-21 Pagbisita ng Pilgrim Image ngBirhen ng Antipolo

    Apr 21 Good Shepherd Sunday;PANATA Sunday; KASAMASunday; World Day Prayer forVocations

    Apr22-30 Nobena sa Karangalan ni SanJose ang Manggagawa

    Apr 25 Kapistahan ni San MarcosEvangelista

    Apr 27 Kumpisalang Bayan

    Apr 29 Paggunita kay Santa Catalinade Siena

    May 1 Dakilang Kapistahan ni SanJose ang Manggagawa;

    Binyagang Bayan

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    4/8

    4 - Ang ManggagawaSUOAAAN

    niBro.DaniloA.Reyes

    BAKASYON NA!No more classes, no more books, no

    more teachers, dirty looks, yahoo!!!

    summer time!!!

    Isa itong sikat na katagang binigkas noon

    ni Bugs Bunny, isang cartoon character,

    nang magpalabas sila ng isang episodesa

    TV tungkol sa bakasyon. At ngayong

    bakasyon na nga, anu-ano naman ang

    mga pwede nating gawin?

    Nariyan at parang nang-eengganyo ang iba't ibang palabas sa telebisyon na mga summer get-

    awayskatulad ng mga lugar malapit sa dagat, mga resort at iba't ibang pasyalan na magbibigay

    ng feeling bakasyunista para sa mga pupunta rito.

    Pero alin nga ba ang magandang gawin ngayong bakasyon na? Sa mga bata, ito ang panahon

    para dumalo sa mga summer clinics ng iba't ibang sports activities tulad ng swimming, chess,

    basketball at iba pa. Mayroon naman na naggugugol ng oras sa ballet, sa arts, o sa piano les-

    sons.

    Sa ating mga kabataan, ito rin ang pagkakataon para sa mga gimik to the max dahil wala nang

    assignmentsat pasok sa eskwela na maaapektuhan, kaya todo na ang kasiyahan (Facebook un-

    limited: umaga hanggang gabi). Mayroon namang ilan na ito na ang kanilang pagkakataon para

    makatulong nang husto sa mga gawaing bahay.

    Pero kung ating pagninilayan, paano natin mabibigyan ng mas makahulugang pagkakataon ang

    mga panahong meron tayo ngayong bakasyon?

    Sa ating parokya, nagpaplano na rin ang PPC na magkaroon ng outing, katulad ng outingnatinnoong nakaraang taon sa Laguna, kung saan may tatlong bus ang nagamit, bukod pa sa pansaril-

    ing sasakyan ng ilan, sa pagba-bonding ng mga taga-parokya. Nagkaroon tayo noon ng masa-

    sayang sandali (Amazing Race SJWP style) sa pagsasama-sama ng mga kabataan at beterano

    habang umuulan at ginagawa ang iba't ibang challengesat katanungang hindi pala alam ng kara-

    mihan (nakakagulat na ilan lamang ang nakasagot sa kung ano ang ibig sabihin ng PAKISAMA,

    at ang pinakamahirap na tanong ata sa lahat (isa lamang ang nakasagot ng tama) ay kung ano

    ang Vision Mission ng ating parokya.

    Bakit kaya mahalaga ang Vision at Mission.? Ah, parang ganito rin ang dapat nating maging

    batayan sa ating mga gagawin hindi lamang ngayong bakasyon, kundi sa kahit anong sandali ng

    ating buhay. Ang Vision dapat natin ay ang makasama ang AMA sa langit sa hinaharap. Ang

    Mision natin ay maipalaganap ang tamang pananampalataya, na matatagpuan sa ating Simba-

    han, na itinatag mismo ni Jesus.

    Kaya nga ngayong bakasyon, ang isa sa dapat nating iniisip... Masisiyahan kaya ang Panginoonkung katabi Ko Siya ngayon sa ginagawa o gagawin ko? Dapat lang talagang maging makabulu-

    han ang ating bakasyon. Ano ba ang pwedeng maitulong ng katulad kong kabataan sa simba-

    han? Sa aking gagawin, sana makatulong ako sa pagbubuklod buklod ng ating mga kasama lalo

    na sa simbahan. (sundan sa Pahina 13)A

    (BAKASYON NA!, muOo nga pala, malapit na an

    makakatulong ang mga kaba

    rito. Meron ding panawagan

    na eleksyon, siguro kahit k

    may maipapakita akong ma

    para makatulong dito. At sa

    pas ng dalawang buwang

    kong sulit ang naibigay na

    Panginoon. Naging makabu

    naging masaya ang bawat a

    lakbay sa mundong ito ngayo

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    5/8

    12 - Ang ManggagawaANTNN April 1- Ria Eloize Caedo, Alfred Mabalatan, Ana Lisa Pablo, Joy Patriarca, Ednalyn Villanueva |

    April 2- Francisco Bahia, Gregorio de Jesus | April 4 - Sevilla de Bauden, Fyka de Chavez, Gigi

    Godoy, Joyce Magpantay, Ramona Pelagio, Judith Pia Samson | April 6- Purisima Bolalin | April

    7- Epifania Almaden, Berliza Martinez | April 9- Jefferson Cabalquinto, Leslie Nueva| April 11-

    Willie de Jesus, Darrel John Reyes | April 12 - MJ Buenaventura, Dolores Coronado, Joel Gar-

    gantiel, Jit Lee Papa | April 13- Carmelita Carlin, Jouella dela Torre, Elvira Lleva, Vincent Carl San

    Diego | April 14- Jamiely Dote, Elvira Lleva | April 15- Gary Aquilizan, Judy Martinez | April 16-

    Lily Casalan | April 17- Nenelita Camila, Jerome Ibo, Malou Ordonio | April 18 -Robeliza Dia-

    varro, Ida Tecson | April 19- Marilyn Duarte| April 20- Edgardo Lacanaria | April 21- April Ber-ja, Aicee dela Cruz, Vi Paderon, Ernesto Sagana | April 25 - Marlon Catay, Badette Dimaano,

    Marissa Oros | April 27- Rose Abaigar, Ma. Ina Joy Abes, Autemia San Pedro | April 28 - Ervin

    Cublara, SJWP JAMmers 3rd Anniversary | April 29- Corazon Batimana, Edwin Carullo

    (HABEMUS PAPAM, mula sa Pahina 5)Nang magkasama-sama na silang muli sa Casa Santa Marta, pabironiyang sinabi sa mga Kardinal na kasama niya: Sa lahat ng bumoto sa akin, patawarin nawa kayo ng

    Panginoon sa ginawa ninyo. Isa pang kapuri-puri sa kanyang ginawa ay matapos ang mga pangyayaring

    ito, simple siyang nagbalot ng kanyang bag at nagbayad sa renta ng apartment na kanyang tinutuluyan

    upang magsilbing halimbawa para sa iba.

    Ang kababaang-loob na ito ng ating bagong Santo Papa ay kanya nang isinasabuhay noon pa man. May

    mga balitang nakalap na noong siyay isang Arsobispo pa lamang, hindi siya tumira sa palasyo ng arsobispa-

    do. Sa halip, siya ay nangungupahan lamang sa isang apartmentat sumasakay ng bus papunta sa simbahan.

    Hindi lamang iyan, siya rin ang nagluluto ng kanyang sariling pagkain.

    Tunay na kapuri-puri ang katangian ng ating bagong Santo Papa. Lutang na lutang ang kanyang pagiging

    mabuting halimbawa para sa ating lahat. At gaya rin dito sa Pilipinas, ilan sa mga isyu na binabatikos sa

    kanya ay ang kanyang pagtuligsa sa ilang maseselang usapin sa li punan katu-lad ng same sex marriage, abortion, libreng pamamahagi ng contracep-

    tives (mariin niya itong tinutulan hanggang sa sumapit sa hindi nila

    pagkakasunduan ni Pangulong Cristina Fernandez ng Argentina).

    Subalit para sa ating mga Katoliko, naiintindihan natin ang kanyang

    pananaw ukol dito. Kailanman ang mali ay hindi magiging tama

    kahit pa ang karamihan sa paligid natin ay gumagawa nito.

    Malaking hamon at malaking responsibilidad ang sa ngayoy nakaa-

    tang sa kanyang balikat. Subalit sa anumang pagsubok na kinaka-

    harap, mahihirapan nga talaga ang kahit na sino na labanan

    ito kung mag-isa lamang. Kung nasa atin ang Panginoon,

    wala na tayong dapat ipangamba pa.

    Halinat sama-sama nating ipagdasal ang ating

    bagong Santo Papa. At huwag nating kalilimu-tan, pati na rin ang ating mga kaparian.

    Habemus Papam, at pagpupugay sa ating

    mga Katoliko!

    HABEMUS PAPAM!: MAY BAGO NA TAYONG PAPAMabilis na napagdesisyunan ng mga Kardinal na dumalo sa Conclave ngayong taon an

    ika-265 na tagapagmana ni San Pedro sa pangangalaga sa 1.2 bilyong Katoliko na nasas

    Matapos lamang ang ikalimang botohan (ikalawang araw ng Conclave), isang bagong

    na ang nahirang ng mga Kardinal sa Roma noong ika-13 ng Marso.

    Ang bago nating Santo Papa

    nal Jorge Mario Borgoglion

    Siya ang kauna-unahang Pa

    mula sa hanay ng mga Hes

    rin mula sa Latin Americ

    masarap sana sa pakiramda

    nagging papa ay isa sa mganatin, makikita pa rin natin

    ng banal na Espiritu Santo s

    susunod na Santo Papa. Siy

    Papa na pumili ng pangal

    isang pagbibigay-pugay sa sa

    Francisco ng Assissi, na katu

    may mababang kalooban, m

    sa mga mahihirap at nap

    tao.

    Ilan sa mga kahanga-hanga a

    na ipinakita ni Papa Francis

    sumusunod:

    Noong nahalal siya bilang Santo Papa, bago niya tanggapin ang malaking responsibilid

    niyang siyay isang makasalanan, subalit nakahanda siyang tanggapin ang kalooban ng

    Siyay nakatayo nang ito ay mangyari sa halip na naka-upo gaya ng ibang Santo Papa.

    Bago siya lumabas sa balkonahe, hindi na niya hinayaang gamitin ang tapakang pedesta

    upang maging kapantay lamang siya ang mga kardinal nang siya ay ipinakilala bi

    Santo Papa. Isang simpleng Magandang gabi ang kanyang pasimula sa kanyang talu

    pagbabago sa halip na sa tradisyunal at pormal na pamamaraan sa gayong pagkakatao

    Suot niya sa gabing iyon ay ang puting kasuotan ng papa sa halip na kasama ang pula

    Pati ang krus na kanyang suot ay yaong kanyang ginagamit noong siyay Obispo pa, a

    ginamit ang gintong krus na ginamit ng mga papang nauna sa kanya.

    Bago niya binasbasan ang mga tao (isang tradisyon sa ganitong pagkakataon), siya ay yu

    sa kanyang baywang na nagsisimbulo ng malaking paggalang sa mga kaharap niya, a

    basbasan/ipanalangin siya (at si Pope Emeritus Benedict XVI) bago niya ibigay a

    pagbabasbas. Isang bagay na ngayon pa lamang nangyari sa buong kasaysayan ng Simba

    Matapos ang sandaling ito, tradisyon na ang sumasakay sa Pope Mobile ang bagong

    pabalik sa kanilang tinutuluyang lugar, ang Casa Santa Marta; ang ibang mga Kardina

    babalik sa naturang lugar sakay sa isang bus. Subalit sa pagkakataong ito, pinauna niy

    Mobile at sumakay siya sa minibus kasama ang i ba pang mga Kardinal. (sundan sa Pahin

    MABABANG-LOOB. Si Pope Francis I, ang ika-266 na SantoPapa ng Simbahang Katoliko, ay kilala sa kanyang pagiging

    mapagkumbaba, matulungin sa mga aba, at malaking

    dedikasyon sa komunikasyon bilang tulay ng pakikipag-

    ugnayan ng lahat ng uri ng tao.

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    6/8

    6 - Ang Manggagawa

    ANG DIWA NG KUSANG LOOB NA PAGBOBOLUNTARYOMagbo-volunteerako!!!

    Ang sabi ng ilan sa ating mga kapa-

    rokya: Saan? Sa PPCRV. Wala

    namang bayad dun eh. Kaya nga

    volunteer ang tawag, di ba?

    Bakit kaya kaunti na ang nagbibigay sa

    atin ng pagpapahalaga sa pagsisilbi

    nang walang kapalit? Ito mismo ang

    nakaharap kong pagsubok sa pag-

    oorganisa ng PPCRV sa parokya. Paano

    ko nga ba ito malalampasan, at paanoko aakayin ang aking mga kaparokya sa

    totoong diwa ng pagboboluntaryo?

    Unang dapat sigurong malaman ng

    mga taong hinihikayat ko ay kung para

    saan ang gagawin naming pagbo-

    volunteer. Ano ang mga kaisipan na

    dapat tumatak sa aming isipan kung

    bakit kami makikialam sa halalan ngayong 2013?

    Naalala ko ang sinabi ni Fr. Arnel, na siyang adviser namin sa Public Affairs Ministry ng Diocese

    ng Cubao. Ang sabi niya, gawin natin ang ating dapat gawin; ang mali ay mali kahit walang

    nakakakita. Kailangang maramdaman ng ating mga kababayan ang ating presensiya sa halalan.

    Bantayan natin ito at siguraduhing maayos at malinis.

    Ang pagiging volunteeray isang pastoral work. Ito'y isang gawain na bunga ng pagmamahal:

    pagmamahal sa bansa, pagmamahal sa Diyos. Ang kasarapan nito, pag nagvolunteer ka sa

    PPCRV, hindi ka bayaran. Sa gayon ay kumikilos ka nang ayon sa pagmamahal. Matapos ang

    ginawa mong paglilingkod, ano ang mararamdaman mo? Dignified. Masaya. Kuntento. May pa-

    kiramdam ng pagiging fulfilled. At may prideka sa iyong nagawa. Bagay na hindi mapapantayan

    kung ikaw ay nagsilbi sa isang politiko na gumastos para makuha ang serbisyo mo. Hindi nga ba't

    may kasabihang ang kabutihang ginawa mo, hayaan mo nang ang langit ang magsukli sa iyo.

    Dahil kung dito pa lang sa lupa ay nabayaran ka na, wala ka nang tatanggaping gantimpala mula

    sa langit.

    Huwag daw akong mawalan ng pag-asa sabi ni Fr. Arnel. Maraming tao ang nangangailangan

    lamang ng konting kiliti at siguradong magbibigay hindi lamang ng panahon, kundi pati sariling

    kayamanan, makapaglingkod lang.

    Tandaan natin, sa Bibliya, maaari nating ikumpara ang mga gawain ni Hesus at ng Diyablo. Kung

    papansinin natin, si Hesus ay laging nagwiwika ng mga bagay tungkol sa kanyang sarili at sakanyang relasyon sa Ama. Ang Diyablo naman, ibang tao ang laging pinatutungkulan. Laging

    gumagawa ng issuesat sa ganitong paraan, nawawala ang kanyang pananaw tungkol sa kanyang

    relasyon sa Ama; nakakalimutan ng tao ang kanyang pangunahing dahilan (sundan sa Pahina 9)PAMPAMANNKOKO

    niBro.DaniloA.Reyes

    A

    magtuturo sa mga mahihirap at mayayaman. Bawat isa sa atin ay may limitasyon, suba

    akamatinding sakit na maaari nating maranasan ay ang pagkaparalisado ng ating kalu

    hadlang sa atin upang makapaglingkod sa Diyos dito sa lupa.

    Sino siya? Abangan ang kasagutan sa susunod na isyu ng ANG MANGGAGAWA.*****

    Isa siyang Pilipinong migrante, karpintero, sakristan at misyonaryong katekistang Katoli

    martir kasama si Beato Diego Luis de San Vitores noong 1672. Sa pamamagitan ng kan

    onaryong gawain, maraming Chamorros ang naging Romano Katoliko. Siya ay tinang

    (pinagpala o mapalad) ng Santa Iglesia Romana Katolika noong ika 5- ng Marso, 20

    Papa Juan Pablo Segundo.

    Noong kanyang kabataan, siya ay sumama sa mga paring Hesuita at dahil siya ay nagsilang mga Hesuitang ordenes, maaaring nakasalamuha niya ang mga ito sa i sa sa mga paa

    tag nila sa Cebu , Iloilo o Bohol. Kasama siya sa mga binatilyong katulong ng mga parin

    pumunta sa Guam noong 1668. Sa kanilang pagpupunyagi ay marami ang nakatangg

    Sakramento lalong lalo na ang binyag.

    Ang balak na pagpatay sa kanya ay nagsimula nang ang isang Tsino na nagngangalan

    magpakalat ng mga maling paratang na ang mga misyonero ay nilalason ang mga katu

    sa pamamagitan ng kanilang pagbubuhos ng tubig (halimbawa nito ay binyag)sa ritwal

    Misa. Noong ika-2 ng Abril 1672, dumalaw sila ni Padre Diego sa Tumhon. Napag-ala

    merong bagong ipinanganak doon kaya pinuntahan nila ang ama nito na si Matapang

    ting Kristiyano at kaibigan ng mga misyonero ngunit dahil sa mga maling paratang

    tumiwalag. Siya ay namatay matapos tamaan ng sibat sa kanyang dibdib at tagain sa u

    ang kanyang kasamang si Padre Diego. Matapos na sila ay paslangin, hinubaran nila ang

    itinali sa malaking bato at itinapon sa dagat.Ayon sa dokumento ng mga kasaysayan sa Roma, siya ay gumamit ng sinaunang K

    tinawag na Doctrina Christiana na itinuturing na unang simpleng libro ng katekismo n

    mga relihiyoso noong unang araw na itinatag ang Kristiyanismo sa Pilipinas. Dahil sa p

    niya ayon sa sakripisyo para sa relihiyon ng Romano Katolika, siya ay ti nanghal na In

    ng Roma. Ito ay nagsasabing siya ay namatay ng dahil sag alit ng mga taong ayaw sa K

    relihiyon at pananampalataya. At dahil sa uri ng kanyang pagkamartir at pagkamatay

    hiningan ng pruweba ng Roma para patunayan na siya ay isang Beato. Ngunit kinaila

    hingan ng patunay paramaging tituladong Santo, na siya naming naganap noong 20

    magitan ng isang babaeng negosyante na di umanoy nabuhay matapos mamatay ng d

    na strokeat comatose.

    Ginugunita ang kanyang kapistahan tuwing sasapit ang ika-2 ng Abril. Siya ay kilalan

    mga kabataang Pilipino, mga sakristan at mga manggagawang Pilipinong naninilbih

    bansa.

    Sino siya? Abangan ang kasagutan sa susunod na isyu ng ANG MANGGAGAWA.Tampok sa nakaraang isyu (Tomo 2, Isyu Bilang 3 Marso 2013): San Jose ang Mangga

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    7/8

    10 - Ang ManggagawaSNSY

    niSis.RizalinaH.Carbonell

    Siya ay isinilang sa isang may kayang pamilya ng mga magsasaka sa cuvillly,Pransiya. Bagamat

    naging mapayapa at simple ang mga unang taon sa buhay niya,kinailangan niyangmaghanap-

    buhay nang malug at maghirap ng kanyang pamilya.Dahil sa kanyang interes sa relihiyon at sa

    pagtulong sa mga maysakit at mahihirap, ginugol niya ang kanyang libreng oras sa pagtuturo ng

    katesismo sa mga kabataan at sa mga magsasaka.

    Nang siya ay umabot sa gulang na 30, dinapuan siya ng isang misteryosong sakit. Naparalisado

    siya nang masaksihan niya ang tangkang pananakit at pagpatay sa kanyang ama.Sa sumunod na

    dalawang dekada ipinagpatuloy niya ang kanyang pagtuturo ng katesismo bagamat nakaratay sa

    kanyang higaan.Nagbigay siya ng mga paying espirituwal sa maraming taong lumalapit at nakariri-

    nig ng kanyang kabanalan.

    Noong taong 1789,panahon ng rebolusyon ng mga Pranses, inusig ng hukbong rebolusyonaryo

    siya, nang malaman nilang tinutulungan niya ang mga takas na pari. Siya rin ay itinakas ngkanyang mga kaibigan palabas ng Cuvilly sakay ng isang karitong puno ng uhay.Ilang taon siyang

    nagtago sa Compiegne, na nagpalipat lipat ng bahay sa kabila ng tumitinding sakit ng kanyang

    katawan. Panandali-an siyang nawalan ng kakayahang magsalita.

    Sa halip na panghinaan ng loob, ang panahong ito ng pag-uusig sa kanya ay naging isang pagka-

    kataon upang lumago ang kanyang pananampalataya.Ito rin ang panahon na nagkaroon siya ng

    pangitain. Nakita niya sa kalbaryo ang maraming madreng nakasuot ng abito at narinig niya ang

    tinig, Masdan ninyo ang aking mga anak na binigyan ko ng isang institusyong may marka ng

    krus. Paglipas ng panahon, nakilala niya ang isang mayamang babae na si Francoise Blin de Bour-

    don, na nagkaroon din ng interes sa pagtuturo ng pananampalataya tulad niya. Noong 1803,

    itinatag niya sa tulong ni Francoise ang

    Institute of Notre Dame, na ang

    pangunahing layunin ay magturo sa

    mahihirap gayundin sa mga kabataangbabaeng kristiyano at mga katekista. Nang

    sumunod na taon matapos mamanata ang

    mga unang madre ng institusyon ng Notre

    Dame, gumaling siya sa kanyang karamdaman.

    Siya ay nakalakad na muli pagkalipas ng maha-

    bang panahong pagkalumpo.

    Mula sa pagkakatatag ng Sisters of Notre

    Dame hanggang sa kanyang kamatayan, siya

    ay palaging naglalakbay upang magbukas ng

    mga paaralan sa Pransiya at Belgium. Pu-

    manaw siya noong 1816 at kinilala si-

    yang santo ng simbahan noong 1969.

    Ang pagkalumpo niya ay hindi naging

    hadlang sa kanya upang makapa-

    glingkod. Sa kabila ng kanyang

    paghihirap nagawa niyang mag-

    tatag ng isang kongregasyon na

    KAWALANG PAKIALAMNapag-usapan na natin ang prideat selfishness na pinag-uugatan ng mala-impyernong

    marami sa mga mag-asawa ngayon. May isa pa, at ito ang tiyak na puputol sa relasyon

    asawaindifferenceo kawalang pakialam ng mag-asawa sa isat isa.

    Lahat ng mag-asawa ay nakararanas ng pagtatalo na minsan ay nareresulta

    pagkakaunawaaan. Nararanasan ito kahit pa ng mga mag-asawa na matagal nang naglil

    simbahan, pati na rin ng mga mag-asawang aktibo sa tina-

    tawag na renewal movement.

    Sa mga munting away na i to na nauuwi sa di-pagkakaunawaan

    maaaring magsimula ang indifferencesa isat isa. Sintomas nito

    ang madalas nating marinig sa mga mag-asawa: Hindi na lang

    namin pinag-uusapan (usapin na sanhi ng di-pagkakaunawaan)

    para maiwasan ang away.

    Marami sa mga mag-asawa ang hirap magbukas ng usapan o topicna ikagagalit o ikas

    loob ng asawa. Magsasawalang-kibo na lang ang isa at magpapanggap na parang wala

    yari. Sa halip na maiwasto at magkaroon ng nagkakaisang pananaw ang mag-asawa sa p

    pababayaan na lang ito hanggang sa lumipas ang isyu.

    Nagkaroon nga ng kapayapaan sa pagitan ng mag-asawa pero artipisyal lang. Dahil

    nagkaroon ng closuresa isyu, malamang na susulpot uli ang usaping naging dahilan ng p

    at malamang uli, mas malala na ito. At ang dating sugat sa kalooban ng isa, hindi lang m

    walalalim pa. Kapag nagkagayon, dalawa ang maaaring resulta: mas matinding awa

    yapaang bunga ng walang pakialaman sa isat isa. Sa ikalawang sitwasyon, unti -unti na

    hiwalay ang mag-asawa bagamat nagsasama pa sa iisang bubong.

    Indifferentna sila sa isat isa. Pinakikisamahan na lang ng isa ang kanyang asawa dah

    anak pero unti-unti nang naglalaho ang pag-ibig sa pagitan ng dalawa.

    Tuluyang magwawasak ng pagsasama ng mag-asawa kapag pumasok pa ang prideat s

    ng bawat isa. Wala nang gustong magbigay, magpakumbaba at umunawa sa isat isa.

    Simple lang ang solusyon para hindi umabot ang mag-asawa sa sitwasyong walang

    manan, pero hindi madaling isagawa: regular dialogue. Hindi lang karaniwang kuw

    mag-asawa, kundi masinsinang pag-uusap ng mga problema at isyu sa pagsasama.

    Ilan sa mahalagang dapat tandaan sa pagsasagawa ng dialogue: maging bukas ang

    ipapahayag ng bawat isat. Iwasan ang sisihan. Ang layunin ng dialogueay hindi para

    kung sino ang mali, kundi para magkasundo. Malaking tulong rin ang tamang kondisyo

    po o timing, at atmosphere sa pag-uusap halimbawa matapos mag-dinner sa labas

    mainam kung magsisimula sa short opening prayer at magtatapos sa brief closing

    Kailangang magpursige ang isat isa na isaaayos ang bawat hindi pagkakaunawaan at b

    komunikasyon ang mabisang paraan para rito. Sa ganitong paraan din maitataas ang unawaan ng isat isa at pagsasama ng mag -asawa.

    GOSPEL READINApril 7: John 20:11-18

    April 14: John 21:1-19

    April 21: John 10:27-30

    April 28: John 13:31-33

  • 7/28/2019 Ang Manggagawa Vol 2 Issue 4 (April 2013)

    8/8

    8 - Ang ManggagawaSNAAAN

    BUKOLuntian man o ginintuan ang balat, tiyak na ang bunga ay mayroong tubig na sa uhaw ay papaw-

    ing ganap. Ito ang buko ang punong punung-puno ng buhay dahil sa maraming katangiang

    taglay. Mula sa balat hanggang sa ugat, pagkain at inumin sa gamit ay sapat. Sangkap ng sabon,

    langis, walis at palaspas, maging panghimagas ay mula sa puno ng niyog na matayog. Puno ng

    buhay sa taoy tumutulong at nagbibigay ng saysay, sa marami niyang gamit tiyak ang nais ay

    makakamit. Biyayang dulot maging sangkap ng gamot na sa karamdamay nagbibigay ng lunas.

    Paano nga kaya nagaganap na ang tubig ay nababalot ng matigas na balat? Busilak na kalooban

    na singputi ng bulak at singtingkad ng kulay ng ginto o ng karaniwang pilak!

    Tulad ng buko, ang taoy nagtataglay ng maraming katangiang handog ng Maykapal. Nais ng

    Diyos na tayo man ay maging sangkap na papawi sa pagkauhaw ng ating kapwa na sa pag-ibig

    ay salat. Inaanyayahan Niya tayong makibahagi sa Kanyang paghahari at maipadama ang pag-

    ibig na nagpapagaling at pumupukaw sa natutulog na diwat kalooban. Nais Niyang tayo man ay

    maging pagkain para sa ating kapwa na magbibigay ng panibagong lakas upang harapin ang

    bawat hamon ng kahapon at ng bukas. Paano nga kaya tayo magiging sangkap at maging gamot

    na magbibigay ng lunas?

    Natatandaan pa ba ninyo nang sabihin ng ating Panginoong Hesukristo na Siya ay nauuhaw?

    Hindi nga bat hindi ito ang unang pagkakataon na nasambit ng ating Panginoon ang ganitong

    katagat pangungusap? Matapos na maglakbay ang ating Panginoon sa ibat i bang landas habang

    Siya ay nagturo at nagpapagaling ng mga karamdaman, Siya ay naupo sa tabi ng balon at hum-

    ingi ng tubig sa balon ni Jacob. Isang Samaritana ang nooy nagsasalin ng tubig sa tapayan nang

    ang Guro ay manghingi at sa kanya ay mangusap. Isa kang Judio at isa akong Samaritana, ang

    wika pa niya ngunit nang madama ang pag-

    ibig ng Panginoon, ang Samaritay na-

    ghandog ng tubig at pagmamahal at

    napawi ang sariling pagka-

    uhaw. Siya ang tubig na

    bumubukal sa bawat kalulu-

    wang naghahanap, pu-

    mapawi ng ating pagka-

    uhaw Siya sa atin ay

    laging matapat.

    niBro.FerdinandR.Marcelo

    Sa Kanyang muling pagkabuhay, ating balikan ang buhay ng nakaraan. Tayo ba ay tu

    maging tubig, pagkain o gamot para sa ating kapwang nanlilimos ng kaunti nating pana

    sa ating buhay ang tubig na pumapawi ng pagkauhaw sa pagmamahal ng ating mga mag

    Nakatikim na ba kayo ng bunga ng buko na nahinog ng panahon? Hindi nga bat ka

    bungang puting-puting tulad ng bulak? Paano nga kaya tayo magiging buko ng kasa

    Paano natin maipadarama sa ating kapwa ang busilak na kaloobang singtingkad ng gint

    nga kaya tayo magiging sangkap na gagamot sa pagkauhaw ng pagmamahal ng ating

    kapatid at mga anak?

    Itanim mo man ang buko sa lungsod o sa nayon, maging sa abalang lansangan o sa ta

    tiyak na ang puno ng buko ay tutubot mamumungang ganap. Tayo man ay tulad ng

    katanim, tiyak na magbibigay ng saysay at magbibigay ng ginhawa sa kapwa at sa ating

    bawat isa sa atin ay may handog at kaloob, mula sa Maykapal na tunay na bukal ng pagmamahal. Nais Niyang tayo ay makibahagi sa Kanyang paghahari at nais Niyang i

    walang hanggang pag-ibig. Naway ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon ay ma

    gong buhay na uusbong at maging pagpapala at biyaya para sa ating kapwa.

    Sinu-sino ang buko ng buhay mo? Paano mo papawiin ang pagkauhaw ng iyong kapwa

    daan ng pagpapala? Naway ihatid tayo ng Diyos sa ganap na liwanag at pabukalin

    Kanyang pagmamahal upang tayo man ay maging puno na punong-puno ng buhay. N

    ating mga gawa ay tumubo at maghatid ng panibagong pagpapala. Naway bumuka

    tunay na pagmamahal upang maging salamin ng pag-ibig ng Diyos na dakila. Naway a

    tubig na bumubukal sa bawat kaluluway pumawi ng pagka-uhaw at magbigay ng pani

    ating sarili at sa ating kapwa upang laging hanapin ang Diyos na muling nabuhay.

    (Inaanyayahan ang lahat na magmasid sa kapaligiran. Sa maraming simpleng bagay, ha

    ng buhay. Sa susunod na isyu ng Ang Manggagawana tampok sa Sangkapayapaan: AK(ANG DIWA NGmula sa Pahinanilalang ay ang kanyang pakikipagre

    siyang karapat-dapat sa lahat ng kany

    kain.

    Para tayo ay maging epektibong ma

    natin ang ating sarili. Kilalanin natin a

    tayo sa ating sarili. Sa huli, ang dapat n

    ang ating sarili at ang relasyon natin

    nagawa natin ito, magiging maliwanag

    Tayo ngayon ay narito, hindi lamang

    teer. Narito tayo upang kumatawan

    ipaalam sa tao kung ano ang tama a

    tayo, bakit? Dahil mayroon tayong

    kayamanan, na ating ibinabahagi sa k

    tayo ay pinagpala.

    Halika't magvolunteer na sa PPCRV!