12
Ang Manggagawa Ang Manggagawa - -

Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang "Ang Manggagawa" ay ang buwanang publikasyon ng Parokya ni San Jose Ang Manggagawa, Cloverleaf, Balintawak, Quezon City. Nilalayon nitong magbahagi ng katesismo at mga balitang may kaugnayan sa ating Simbahan para sa mga nasasakop ng parokya.

Citation preview

Page 1: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

Ang Manggagawa Ang Manggagawa --

Page 2: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

22 -- Ang ManggagawaAng Manggagawa

S peechless. Tongue-tied. Dumbstruck.

Kapag ganito ang tema ng iyong ga-

gawing kasulatan, parang napakahirap

sumulat dahil nga patungkol ito sa kata-

himikan. Walang sinabi na dapat walang sasabihin!

Pero kailangan nating magsulat ng ―walang sinabi‖

para maingay nating maipahayag ang isa sa mga

tanyag na katangian ni San Jose.

Walang sinabi si San Jose! Katangian ng isang

nabibighani. Kapag humarap ka sa isang magandang

nilalang, ‗yung iniidolo mo, ‗yung pinapangarap

mo, at naunahan ka ng kanyang pambihirang taglay,

ubod ang galak mo! At sigurado, hindi na kailangan

pa ng wika para maipaliwanag ang tuwa.

Nanahimik si San Jose dahil siya ay maligaya.

Nanahimik si San Jose dahil natagpuan niya at na-

mangha siya sa ganda ng balak ng Diyos para sa

ating lahat. Nanahimik si San Jose dahil nagdiwang

ang kanyang kalooban, pinasulyap sa kanya ang

Diyos na ubod ang kabutihan.

Walang sinabi si San Jose! Buntung-hininga ng isang

hindi karapat-dapat. Kapag hindi mo na matanto

ang mga nangyayari dahil alam mong wala kang

sapat na lakas, tumatahimik tayo para tanggapin na

may mas dakila pa sa atin. Pag-amin na ang buhay

ay tungkol din sa pagpaparaya. Na hindi lahat ay

ating kaya. Na makakapos tayo sa ating mga gina-

gawa. Nanahimik si San Jose ‗di lamang dahil ma-

saya siya pero dahil nabatid niyang hindi siya karap-

at-dapat. Nanahimik siya dahil alam niyang pinili

siya ng Diyos kahit na siya ay may takot ang

pagdududa. Nanahimik si San Jose dahil kapag hu-

marap ka sa pagmamahal ng Diyos, pagpapakumba-

ba ang mararamdaman nating lubos.

Walang sinabi si San Jose! Ang ingay ng pagiging

tahimik ay nakikita sa husay ng kanyang gawa.

Madalas ang mga tahimik na tao ay may malalim na

pagsunod. Wala nang masyadong sinasabi pa, su-

musunod na. Ang ibang maraming salitang binibita-

wan pagdating sa pagsunod ay madalas, mga laway

ay nasasayang. Magaling sa salita, talo naman sa

gawa. Si San Jose, hindi nagsalita, pinatunayan sa

gawa! Kahit sa panaginip, wala siyang wika, pero

hindi matawaran ang kanyang ginawang pangan-

galaga sa banal na pamilya, Jesus at Maria.

Nanahimik si San Jose, sumunod sa Ama, ang nag-

ingay ay ang biyaya!

Sa pagdiriwang natin ng ika-53 taong pista ng ating

patrong San Jose, ang Manggagawa, maalala muli

natin ang tahimik niyang katanyagan. Magsaya,

magpakumbaba, at sumunod sa kalooban ng Ama.

Ipangalat natin ang ligayang kaloob ng Diyos kay

San Jose at sa ating parokya. Magdulot tayo ng ngiti

sa ating kapwa. Tahimik na kagalakan para sa isa‘t-

isa. Hindi tayo karapatdapat, matuto tayong

magpakumbaba. Upang sa kahuli-hulihan, magtiwa-

la tayo at sumunod sa kanyang pagpapala. Walang

sinabi si San Jose, hindi dahil wala siyang napala.

Walang sinabi si San Jose, dahil siya ay tahimik na

manggagawa!

Maligayang Kapistahan po sa ating lahat!

Salita - Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao

Gospel Readings:

May 5: John 1:1-17

May 12: John 20:19-31

May 19:

Mark 15: 43-47; 16:1-8 May 26: John 5:1-15

Page 3: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

Ang Manggagawa Ang Manggagawa -- 33

B uwan ng Mayo. Marami ang nananabik sa

buwan na ito dahil ang itinanging araw para

sa ating mga mahal na ina ay ipinagdiriwang

sa buwang ito. Ang Mother's Day ay gina-

ganap tuwing ikalawang linggo ng Mayo. Sa pagkakata-

ong ito, minarapat ng tanggapan ng Ang Manggagawa

na mag-feature ng isang pitak na magbibigay papuri sa

mga natatanging ina ng parokya. Sino pa ba ang maiisip

natin kundi si Mommy Flor na ina ng ating Kura Paroko

mismo. Kaya nga nang kami ay makatiyempo, hindi na

namin pinalampas ang pagkakataon na amin siyang

kapanayamin matapos maihatid ang ating Mahal na Bir-

hen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay sa Antipo-

lo.

Siya si Florecita Chavenia – Dumlao, o mas kilala sa ta-

wag na Mommy Flor sa ating parokya. Ang panganay sa

limang supling nina Jose Cardano Chavenia Sr. at Salud

Carino na parehong tubong Albay ay ipinanganak

noong February 6, 1953 sa Malinao, Albay. Ang

kanyang ina ay nagsilbi bilang guro at ang ama naman

niya ay principal ng paaralang elementarya.

Nang siya ay magkuwento tungkol sa kanyang ina, ang

isang bagay daw na natatandaan ni Mommy Flor na

ugali ng kanyang ina ay ang pagiging lubos nitong

madasalin. Bukod sa mga tradisyunal na mga panalangin

sa bawat araw, naroon din si Nanay Salud at nanana-

langin para sa mga bokasyon ng kanyang mga anak

tuwing alas-tres ng hapon. Hindi nakapagtatakang

mangyari na sa tatlong kapatid na lalaki, dalawa ang

tuluyang pumasok ng seminary, isa ay naging ganap na

pari.

Sa puntong ito, iisipin mo na si Mommy Flor ay may

bokasyon din na magmadre, subalit itinadhana nga

yatang siya ay makakilala ng isang binata na kalauna'y

naging kabiyak ng kanyang puso at naging ama ng ating

kura paroko. Si Daddy Narciso at si Mommy Flor ay

nabiyayaan ng apat na anak na sina Rev. Fr. Gilberto

Fortunato II, at ang mga kapatid nito na sina Jose Nar-

ciso II, Eugenio Severino, at Ma. Gracita (Ging- ging).

Nagtapos mula sa University of the East – Manila sa kur-

song BSBA Major in Finance and Accounting, siya ay

nakapagtrabaho na sa Johnson and Johnson Philip-

pines at Mobile Oil Phils. Inc. Sa kasalukuyan, siya

ang Junior Auditor ng Audit Department ng Diocese

of Cubao.

Ang isang bagay na lubos na ikinagulat ko ay sa anim

na taong pagkapari ng kanyang panganay, hanggang

sa ngayon ay hindi pa rin lubusang makapaniwala na

isa nang ganap na pari si Fr. Gilbert.

―Sa aking palagay, hindi yata nababagay ang aking

anak na si Gil (tawag ni Mommy Flor sa ating kura)

na maging pari, dahil siya ay napaka-karaniwang bata.

Likas na makulit, at laking Maynila pa kaya hindi ko nai-

sip na seryoso niyang tatahakin ang pagpapari noon,‖

sabi ni Mommy Flor.

―Pero nakita ko sa kanya ang pagpupursige na pumasok

noon sa seminaryo. Naroong kinausap ako ng aking

anak na kung hindi man palarin na makapasok sa mga

seminaryo dito sa Maynila, ay kanyang susubukan pa rin

ang pagpasok sa seminaryo sa probinsiya sa Albay,‖ dag-

dag pa niya

Marami pa siyang karanasan na talagang nagpapalakas

ng kanyang kutob na may malakas na bokasyon ang

kanyang anak. Kwento pa niya: ―Kahit pa nang siya ay

nag-aaral na at ―napagkatuwaan‖ ng ilang mag-aaral sa

kanilang paaralan, hindi naisip ni Gil na bumitaw. Ang

kagandahan pa nito, na siyang nagpapakita ng kaganda-

hang loob ng ating kura, ay nang sinabi pa niya na sana

ay huwag matanggal sa paaralan ang mga kamag-aral na

―natuwa‖ sa kanya. Naroon pa na habang ginagamot si

Gil, hawak ang dextrose at rosaryo sa kanyang kamay at

nananalangin na maging maayos ang lahat.‖

―Isa pang bagay na nakapagpalakas ng kanyang bokasy-

on ay ang pagiging malapit nito sa kanyang mga tiyu-

hing pari. Tuwing bakasyon kasi noon, isinasama si Gil

sa probinsya ng mga tiyo niyang pari (Sina Fr. Jun at Fr.

Nestor). Tuwing Hulyo din ay umuuwi siya sa aming

probinsiya dahil sa kapistahan ng aming patron na si San

Joaquin at Sta. Ana.‖

Gaya ng ilang inang naghahanap ng kapalaran ng kanil-

ang mahal sa buhay, humingi ng payo at senyales mula

sa taas ang kanyang ina. Naroon na humingi siya ng

payo sa Obispong pinsan ni Nanay Salud na si Bishop

Nestor Carino, na nagsabi

na hayaan munang

mag-enjoy ang bata

(sundan sa Pahina

11)

Salita - Bro. Danilo R. Reyes

Page 4: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

44 -- Ang ManggagawaAng Manggagawa

HAPPY MOTHER‘S DAY, MAMA MARY!

Salita - Bro. Elorde A. Calimoso

M araming pamilya ang magdiriwang ng

Mother‘s Day ngayong buwang ito. Sa

hirap na dinanas nila sa pagbubuntis, pan-

ganganak hanggang sa pagpapalaki ng ka-

nilang mga anak, marapat lang na parangalan ang mga

ina sa buong mundo.

Siyempre, tulad ng ibang ina, kasama ring dapat paran-

galan ang iisang Ina ng Sanlibutan, si Mama Mary. Bilang

parangal sa kanya, magandang balikan ang ilang sinabi ni

Mama Mary sa Biblia. Mabibilang lang sa daliri ang mga

talatang ang Ina mismo ang nagsabi.

Isa na rito ang kasalan sa Kana. ―Nang ikatlong araw ay

nagkaroon ng kasalan sa Cana ng Galilea. Naroroon ang

ina ni Jesus. 2 Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay

inanyayahan din sa kasalan. 3 Nang magkulang ang alak,

sinabi ng ina ni Jesus sa kaniya: Wala na silang alak.

4 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, ano ang kinalaman ng

bagay na ito sa akin at sa iyo? Ang aking oras ay hindi pa

dumarating.

5 Sinabi ng kaniyang ina sa mga tagapaglingkod. Gawin

ninyo ang anumang sasabihin niya sa inyo.‖ (Juan 2:1-5)

May pagninilay si Pope Benedict XVI sa mga sinabing ito

ng Ina. Sa una: Wala na silang alak, walang hiniling si

Mama Mary kay Hesus, lalong hindi niya ito inutusan.

Para sa dating Santo Papa, itinuturo ng Ina ang isang

paraan ng pagdarasal. Ipinaubaya niya kay Hesus kung

ano ang gagawin, sinabi lamang niya na ubos na ang

alak. Alam na rin ito ng kanyang anak, pero bilang im-

bitado sa kasalan, concern si Mama Mary sa sitwasyon,

nais niyang tumulong. Pero hindi niya pinangunahan

ang anak.

Minsan kasi iginigiit natin sa Diyos ang gusto natin.

Kahit gaano kamakatwiran ang idinarasal natin, kahit

marami pa itong matutulungan, ang itinuturo sa atin ng

Ina ay ganap na pagsuko sa kung ano ang nais ng

kanyang anak.

Sa pangalawa: Gawin ninyo ang anumang sasabihin niya

sa inyo, na sinabi ni Mama Mary sa mga tagapaglingkod

sa handaan, itinuturo niya ang ganap na pagsunod sa

sinasabi ng anak. Ito rin ang sinasabi ng Ina sa ating la-

hat: sundin natin ang sinasabi ni (sundan sa Pahina 11)

ANG AKING INA

Salita - Bro. Ferdinand V. Flores

Dibuho - Sis. Alyzza Mae Dayego at Bro. Aljin Cabrito

P uso ko'y pahimlayin, Inay. Upang yaring

hamog ng gabing tiwasay ay madama ko bilang

damping halik ng iyong anak. Ay! Irog kong

Inay...

Habang nagbibrain-storming ng magiging lathalain para

sa isyung ito, iyan ang awiting aking paulit-ulit na kina-

kanta. Dahil ng mga araw na ito, ang Mahal na Ina, Bir-

hen ng Antipolo, Ina ng Kapayapaan at Mabuting Pagla-

lakbay ay bumisita sa aming Parokya. Kaugnay nito ay

ang nakaka-excite na gawaing ibinigay sa akin ng aming

editor-in-chief.

Ito ang ilan sa mga kabataan aking natanong kung ano

ang kanilang masasabi sa kanilang mga pinakamamahal

na Ina, Nanay, Mama, Mommy.

"Si Mama (Juanita Caranto) may pagkamadaldal pero

diyan nya ipinakikita sa amin ang kanyang pagmamahal.

Higit sa lahat napaka-sweet niya. Mahal na mahal kita

Ma!" Jeym Caranto - Parish Secretary, SJPYM-JAM

"Thoughtful si Mama (Marilyn Duarte). Sobrang mahal

na mahal ko yan." KC Duarte - Children‘s Ministry

"Mahal na mahal ko si Mama (Juliet Labaclado). Siya'y

mabait, at matulungin sa mga gawain." Julius Labaclado -

Tiples de San Jose, JR Lector and Commentator

"Siya (Marlyn Patriarca) ay mabait, masipag at mapag-

mahal. Salamat Mama sa lahat ng iyong ginagawa para

sa akin." Clarisse Patriarca - SJWPYM-JAM, Jr Lector and

Commentator

"Siya (Emily Dote) ay maganda. Siya'y mabait. Maraming

salamat Mama sa lahat ng pag-aaruga mo sa amin." Ja-

mie Dote - Children Ministry, Jr Lector and Commenta-

tor

Page 5: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

Ang Manggagawa Ang Manggagawa -- 55

LIGAYA NG PAGIGING ISANG INA

Salita - Sis. Irene A. Santos

A ng mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay, na 'di

nagtatantya ng halaga at 'di naghihintay ng ka-

palit, pagbibigay walang pasubali"

Ito'y isang awit na aking naiisip sa tuwing aking

maaalala na ako'y isang nang ganap na ina. Minsan ako'y

namamangha sa biyaya sa aking kandungan. Hindi ko

inakala na darating sa aking ang ganitong kahalagang

grasya, ang maging nanay.

Nang malaman ko na ako nagdadalang-tao, bukod sa

hatid nitong galak, may takot din akong naramdaman.

Takot na baka hindi ko Magampanan ang atas na

gawain na kasama sa pagiging ina.ngunit ang takot ay

Napawi nang maisip ko si Mama Mary at ang kanyang

pagbubuntis. Hindi madali ang pinagdaanan Niya lalo

pa‘t isama ang panahon nila na salat sa teknolohiya. Ah

kaya ko ito! Ano pa ang pananampalataya at pag-asang

aking sinasabi na aking taglay. At idagdag pa ang pag-

ibig na Diyos ang pinagmumulan. Kayang-kaya ko nga

ito. Yes sa pagiging nanay!

Naging mas ganap ang ligaya sa paglabas ni Enchoy

(Enchoy ang tawag namin sa kanya pero Enzoñigo Pablo

ang buong pangalan niya), ligaya na kayang pasayahin

ang mga gabing walang tulugan at mga araw na walang

tigil sa mga gawain na paulit-ulit. Kahit pagod at puyat,

kayang mong sabihin ng maluwag sa kaloo-

ban "ok lang" at may 'di maipaliwanag

na saya na nadarama sa kung saan.

Ang maging nanay ay pamumuhay

sa pag-ibig, walang hinihintay na

bayad, isang hiwaga, may ka-

pangyarihang taglay na pu-

mawi ng takot, magpatatag

ng pananampalataya,

magpalakas ng pag-asa

at magpalalim ng

pag-ibig. Isang

pagtawag na

paglimot at pag-

sasaisang tabi ng

sarili at unahin

ang iba.

Salamat sa Diyos!

"Chef ang nanay ko (Marivic Dayego). Maalaga at strict.

Ma, itatry ko po magpakabait." Alyzza Dayego -

SJWPYM-JAM, Children‘s Ministry

"Si Mama (Teresita Pablo), makulit na seryoso, palabiro,

mabait at mapag-alaga. Thank yo sa advices na

ibinibigay mo sa akin. Sa patuloy mong pag-aalaga."

Grace Pablo - SJWPYM-JAM

"Simple lang, masipag, mapag-alaga sa aming lahat lalo

na sa mga apo. Ma (Corazon Catay), sana makasama ko

pa po kayo ng matagal." Marlon Catay - SJWPYM-JAM,

EHMC

"Si Mama (Emmie Gonzales) may pagkagalante. Napaka-

strict pero mapagmahal. Mama, thank you for being a

good mother to all of us. Especially to me. We really

love you much. God bless you!" Justine Gonzales -

Bukang Liwayway Prayer Group

"Supportive, mabait at maunawain. Pagpatuloy lang ang

pagiging masayahin at mapaggabay sa aming pagla-

lakbay bilang supportive na magulang. Love you Mama

(Manuelita Faustino)!" Ryantom Faustino - SJWPYM-

JAM, SPES, Ministry of Altar Servers, Parish Staff

"Maalalahanin at laging nakasuporta sa akin lalo na sa

aking mga gawaing Simbahan. Ma (Annie Halique),

maraming salamat po sa paggabay sa akin. Patuloy mo

po ang pagiging masiyahin at pagiging matulungin sa

iyong kapwa. I love you po, Mama." Jerome Halique -

SJWPYM-JAM, SPES, Ministry of Altar Servers

"Matiisin, mapagmahal at supportive. Salamat sa lahat ng

oras na kahit pasaway ako inuunawa at minamahal mo

pa rin ako. I love you (Christyrel Nallares) <3 po." Chris-

tine Nallares - Children‘s Ministry

(sundan sa Pahina 10)

Page 6: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

66 -- Ang ManggagawaAng Manggagawa

San Jose bilang Pari ng Banal na Mag-anak

Isa sa mga matandang kaugalian ng mga Hudyo ay ang pamumuno ng bawat

ama ng tahanan na pangunahan ang pagsamba at paglapit ng kanyang mag-

anak patungo sa Diyos. Isa ito sa mga katangian ng ating Patron na

pamunuan ang kanyang pamilya patungo sa Diyos. Ang kanyang

marubdob na pag-ibig sa Diyos ang patuloy na nag-aakay sa kanya at sa

kanyang Banal na Mag-anak kasama ang Mahal na Ina at ang ating

Panginoong Hesukristo upang lalo pang mapalalim ang ugnayan sa

Diyos na dakila. Isa itong katangian ni San Jose na dapat na tularan ng

bawat ama ng tahanan upang tulad niya, ang bawat ama ay kina-

kailangang pangunahan at pamunuan ang bawat pagsamba at paglapit sa

Diyos upang lalo pang lumalim ang ugnayan ng bawat pamilya sa Diyos na

Lumikha.

Ang buhay ni San Jose na puno ng kababaang-loob at tapat na pagsunod at

ang kanyang buhay panalangin ay isang halimbawa na dapat nating tularan.

Higit na mabuti para sa bawat ama ng tahanan na maipakita ang katangiang

ito sa kanyang pamilya upang turuan ang kanyang mag-anak higit sa

lahat ang kanilang mga anak upang mapalapit sa Diyos at

mapalalim ang kanilang ugnayan at pakiki-isa sa kalooban ng

Diyos at akayin ang buong mag-anak patungo sa buhay na nais

ng Diyos para sa ating lahat. Nakatutuwang isipin na kung ang

bawat ama ng tahanan ay kakikitaan ng kababaang loob na

umaakay sa kanyang mag-anak at nakiki-isa sa pagdiriwang ng

Banal na Eukaristiya ay siguradong ang kanilang mga anak ay

magiging mabuting Kristiyano na may tapat na pag-ibig sa Diyos at

laging handang sumunod sa kalooban ng Diyos.

*****

San Jose, bilang Hari ng Banal na Mag-anak

Karaniwan nang sasagi sa ating isipan ang maharlikang pag-

diriwang, magagarang kasuotan, mga tagapaglingkod at

hindi mabilang na kayamanan at malawak na kaharian.

Ito ang madalas na sumagi sa ating isipan sa tuwing maii-

sip natin ang buhay ng isang hari tulad ng karaniwang

napapanood natin sa iba‘t ibang palabas sa telebisyon

at pelikula, gayon din sa mga nababasa nating mga

kasaysayan at sa mga nobela: ito ang pagka-

unawa ng mundo sa pagiging isang hari.

Namuhay si San Jose bilang hari ng Banal na

Mag-anak. Hari na kung saan ay ipinakita

niya ang tunay na kahulugan nito sa

kanyang pagiging tapat sa pag-ibig ng

Diyos at kababang-loob na paglilingkod.

Bilang isang anluwagi ay itinaguyod niya

ang kanyang Banal na Mag-anak sa maran-

gal na pamumuhay at tapat na paglilingkod

sa Diyos at sa kapwa. Naglingkod siya mula sa

simula pa nang tanggapin niya ang Mahal na

Ina upang maging kanyang esposa na mag-

tataguyod at magtatanggol sa Mesiyas na

ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos upang

Salita - Bro. Ferdinand R. Marcelo | Dibuho - Sis. Alyzza Mae F. Dayego |

Disenyo ng Pahina - Bro. Mark Angelo A. Ordonio

I sa sa mga kahanga-hangang katangian ng ating patrong si San Jose ay ang kanyang kabaaang-loob

at tapat na pag-ibig na laging handang sumunod sa kalooban ng Diyos. Wala mang gaanong nai-

sulat ang Banal na Kasulatan sa kanyang mga katangian at mga gawain, higit na naipakikita sa Ba-

nal na Kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos ang tahimik niyang paglilingkod, pagsunod at pakiki-isa

sa kalooban ng Diyos at sa bawat misyon ng ating Panginong Hesukristo bilang Pari, Hari at Propeta.

Page 7: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

Ang Manggagawa Ang Manggagawa -- 77

maisakatuparan ang kaligtasan ng sangkatauhan.

Sa pagsasagawa ng ating Panginoong Hesukristo ng kalooban ng Diyos, sa Kanyang mga pagpapagaling sa mga

may karamdaman at sa Kanyang pagtuturo ay ipinakita Niya sa atin ang tunay na kahulugan ng pagiging isang

Hari: na ang Anak ng Tao ay hindi naparito upang paglingkuran kung hindi upang maglingkod. Sa buhay ni

San Jose at ng Banal na Mag-anak, nawa‘y masalamin sa ating mga buhay ang tunay at tapat na

paglilingkod sa Diyos at kapwa sapamamagitan ng taos-pusong pagsunod sa kalooban ng Diyos.

*****

San Jose bilang Propeta ng Mag-anak

Tanyag din ang ating Patron sa kanyang mga panaginip. Bago pa man niya pakasalan ang Mahal

na Birhen at tanggapin bilang kanyang esposa ay nais na niya itong tahimik na hiwalayan

upang lalo siya nitong mapangalagaan ngunit sa pagpapakita sa kanya ng Anghel ng

Panginoon, buong puso niyang tinanggap ang Mahal na Birhen upang maging katu-

wang niya sa pangangalaga sa ating Tagapagligtas.

Makalipas ang ilang panahon, nang lumaganap ang Mabuting Balita na isinilang na ang

Mesiyas, naging banta ito sa kaligtasan ng Banal na Sanggol kung kaya‘t ang Anghel ng

Panginoon sa kanya‘y muling nagpakita: ilayo mo ang sangol dahil masama

ang banta ni Haring Herodes ang mensahe sa kanya ng Anghel ng Diyos.

Dahil dito, agad siyang nagpasya upang ilayo ang Mag-Ina at naging

pangunahing tagapagtanggol ng Manunubos at naisakatuparan ang

nais ng Diyos at naging propeta ng kanyang sariling pamilya.

Hindi lang dahil dito kung bakit ang Patrong si San Jose ay

maituturing din bilang isang propeta. Ang kanyang pagtuturo

sa Batang Jesus upang mapalapit sa kalooban ng Kanyang

Ama ay isa ring katangian ng pagiging propeta. Si San Jose

ang gumabay at umakay sa Batang Jesus patungo sa kaba-

nalan at mamuhay na naaayon sa kalooban ng Kanyang

Ama. Sa mga munting halimbawa ni San Jose ay makikita

ang kanyang katapatan sa Diyos na patuloy na nagtuturo at

nagpapakilala sa kadakilaan ng Lumikha sa pamamagitan ng

kanyang mga payak na gawa, bagaman hindi siya gaanong

nagsasalita. Nagiging mas mabisa ang pagiging isang prope-

ta kung isinasabuhay ng bawat isa ang kalooban ng Diyos

na Lumikha.

*****

Sa ating panahon sa ngayon, iba‘t ibang mangangaral

ang ating mapakikinggan ngunit kung ating susuriing

lubos, sino nga kaya ang nagpapahayag ng tunay na Salita ng Diyos?

Ang pagsasabuhay ng Ebanghelyo ang tunay na nagpapakita ng mga

aral ng Diyos dahil ang Ebanghelyo ang puso ng lahat ng pagpapakilala

ng Diyos sa tao dahil ang Ebanghelyo ay walang iba kung hindi ang

ating Panginoong Hesukristo.

Nawa‘y ang aral ni San Jose at ang kanyang mga halimbawa ay mag-

turo sa atin ng daan patungo sa puso ng ating Panginoong Hesukristo

na tunay na daan, katotohanan at ng buhay. San Jose ang Manggaga-

wa: patnubayan mo kami at akayin ang bawat mag-anak sa buong

mundo na mamuhay gaya mo. Nawa‘y maihatid namin ang ating

Panginoong Hesukristo sa puso ng bawat tao. San Jose ang Manggaga-

wa, patuloy mo kaming ipanalangin na nawa‘y tulad mo, angkinin

namin si Cristo.

Salita - Bro. Ferdinand R. Marcelo | Dibuho - Sis. Alyzza Mae F. Dayego |

Disenyo ng Pahina - Bro. Mark Angelo A. Ordonio

I sa sa mga kahanga-hangang katangian ng ating patrong si San Jose ay ang kanyang kabaaang-loob

at tapat na pag-ibig na laging handang sumunod sa kalooban ng Diyos. Wala mang gaanong nai-

sulat ang Banal na Kasulatan sa kanyang mga katangian at mga gawain, higit na naipakikita sa Ba-

nal na Kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos ang tahimik niyang paglilingkod, pagsunod at pakiki-isa

sa kalooban ng Diyos at sa bawat misyon ng ating Panginong Hesukristo bilang Pari, Hari at Propeta.

Page 8: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

88 -- Ang ManggagawaAng Manggagawa

Ang bawat katauhan sa listahang ito ay tumutukoy sa

mga katawagan sa Mahal na Birheng Maria. Ang bawat

titik na bumubuo sa salitang ‗AVE MARIA‘ na siyang

pagbibigay-galang sa ating Mahal na Ina ay dala ng mga

kabataang nagsisipag-ganap na anghel sa prusisyon.

Reyna Abogada (Queen Advocate/Lawyer)- ta-

gapagtanggol ng mga mahihirap at naaapi. Nakasuot

siya ng itim na toga at may hawak na malaking libro

Reyna Justicia (Queen Justice)- isang imahe ng tina-

tawag na ―salamin ng katarungan‖ (mirror of jus-

tice). Siya ay may hawak na timbangan at espada

Divina Pastora (Divine Sheperdress)- Siya ay may

hawak na tungkod

Reyna delos Angeles (Queen of Angels)- Siya ay may

dalang bungkos ng mga putting bulaklak at napapali-

butan ng mga anghel

Luklukan ng Karunungan (Seat of Wisdom)- Siya ay

may tangang bibliya

Susi ng Langit (Key of Heaven)- may hawak na dala-

wang susi, isang ginto at isang pilak

Reyna de las Estrellas (Queen of Stars)- may hawak

na tagdan na may bituin

Rosa Mystica (Mystical Rose)- tangan ay isang

bungkos ng mga rosas

Puso ni Maria/Corazon de Maria (Heart of Mary)-

hawak ay pusong kulay rosas

A ng flores ay salitang

Espanyol na ang ibig

sabihin ay bulaklak. Ang Flores

de Mayo (Flowers of May) na kilala rin sa

ibang katawagan na Flores de Maria (Flowers of Mary)

ay tumutukoy sa buong pagdiriwang na ginaganap

tuwing buwan ng Mayo bilang pagpaparangal nating

mga Katoliko sa Mahal na Birheng Maria. Isa itong kau-

galian kung saan ang kabataan at matatanda sa komuni-

dad ng bawat bayan ay nagdarasal ng Santo Rosaryo at

nagsisipag-ipon ng mga iba‘t ibang klase ng mga maga-

gandang bulaklak at ibinubungkos sa iba‘t ibang pama-

maraan upang ialay sa Mahal na Birhen at pagkatapos ay

magsasalu-salo ng mga inihandang pagkain.

Sa mga lalawigan, gaya sa Bicol, ang Flo-

res de Mayo ay ginaganap tuwing Miyerkules

at Sabado sa buwan ng Mayo na pinangungunahan ng

mga kasapi ng Legion of Mary. Samantalang sa Katalu-

gang rehiyon naman, nagsimula itong maging kaugalian

at pagdiriwang matapos ang pagpapahayag ng dogma

ng Concepcion Imaculada (Immaculate Conception)

noong 1854 at matapos ang paglalathala ng bersyon ni

Mariano Sevilla ng aklat ng debosyong pinamagatang

―Flores de Maria‖ na kilala rin sa mas mahaba nitong

pamagat na ―Marikit na Bulaklak na sa Pagninilay-nilay

sa Buong Buwan ng Mayo ay Inihahandog nang mga

Deboto kay Maria Santisima‖ noong 1867.

Ang mga Pilipino ay mahihilig sa mga kapistahan at pagdiri-

wang at ito ay ginagawa nila taun-taon. Sa buong bansa, sa

tuwing sumasapit ang buwan ng Mayo bilang buwan ng

tag-init ay sinasabi nilang ito ang pinakamakulay at pin-

akamagandang buwan ng taon dahil ito ang panahon

kung saan ipinagdiriwang ang ilan sa mga makulay na

kapistahan — ang Flores de Mayo at ang Santacruzan.

Salita - Sis. Mary Grace F. Pablo | Disenyo ng Pahina -

Bro. Mark Angelo A. Ordonio

Page 9: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

Ang Manggagawa Ang Manggagawa -- 99

A ng Santacruzan naman o Sagala ay isang marin-

gal na parada na ginaganap sa iba‘t ibang lugar

sa ating bansa tuwing buwan ng Mayo na nila-

lahukan ng mga kabataan at kadalagahan. Ito

ay ipinagdiriwang bilang pag-alala sa mala-alamat na

paghahanap ng banal na Krus ni Reyna Helena, ina ng

magiting na si Constantino (Constantine the Great).

Ayon sa alamat, 300 taon na ang nakakaraan matapos

ang kamatayan ni Kristo sa edad na 75, nagpunta siya sa

bundok ng Kalbaryo kung saan ipinako ang Panginoong

Hesukristo upang magsagawa ng paghahanap sa banal

na Krus. Ayon naman sa ibang alamat, ang magiting na si

Constantino ay panakang nawalan ng pag-asa ng siya ay

humarap sa isang pakikipaglaban sa isang matapang na

Romanong Emperador na si Maxentius noong 312 AD.

Ngunit nang tumingala siya sa kalangitan isang gabi ay

nakita niya ang tanda ng Banal na Krus na may mga

katagang ―In hoc signia vinti‖ o nangangahulugang ―Sa

pamamagitan ng tandang ito, ikaw ay magwawagi,‖ at

dahil sa kanyang paniniwala sa nakitang pangitain, na-

pagtagumpayan niya ang kanyang pakikipaglaban kasa-

ma ng kanyang hukbo sa mga sundalong Romano. Nag-

ing simula ito ng kanyang pagyakap sa relihiyong Kristi-

yanismo. At matapos nga ang paghahanap sa banal na

Krus sa Herusalem at pagdala pabalik ng Roma ay nagka-

roon ng masayang piging ng pagpapasalamat.

Siyam na araw ng pananalangin bilang pagsasaalang-

alang sa Banal na Krus ang magaganap bago ang pagdiri-

wang ng Flores de Mayo at Santacruzan. Ang pagdiri-

wang na ito ay ipinakilala ng mga Espanyol at mula

noon ay naging bahagi ng tradisyong Pilipino na tinang-

gap natin ng buong kasiyahan, pag-ibig at pagmamahal.

Sinusundan ang prusisyon ng tugtog ng rondalla habang

umaawit ng panalanging ―Dios Te Salve‖ o Aba Ginoong

Maria habang naglalakad at tangan ang may sinding kan-

dila ang mga deboto. Kadalasan, sa ilang mga lalawigan

nakaugalian na matapos ang prusisyon ay magdiriwang

ng Santa Misa kinagabihan at magkakaroon ng pag-

titipon na pangungunahan ng alkalde ng bayan hudyat

ng pagtatapos ng pagdiriwang.

Reyna de Santisimo Rosario (Queen of the Most Ho-

ly Rosary)- dala ay isang malaking rosaryo

Reyna Luna (Queen Moon)- kumakatawan sa bu-

wan bilang trono ni Maria bilang ―Babae ng Paha-

yag‖ (Woman of the Apocalypse)

Reyna Candelaria (Queen of Candles)- tangan ay

may sinding mahabang kandila na sumisimbolo sa

pagkadalisay ni Maria

Reyna Paz (Queen of Peace)- dala ay isang kalapati.

Reyna de los Patriarcas (Queen of the Patriarchs)-

tangan niya ay isang baras na kahoy.

Reyna de los Propetas (Queen of Prophets)- hawak

niya ay isang orasan (hourglass)

Reyna de los Confesores (Queen of Confessors)- ha-

wak ay isang balumbon (scroll)

Reyna de los Martires (Queen of Martyrs)- dala ay

koronang tinik o kaya ay pusong sugatan

Reyna de los Apostoles (Queen of Apostles)- hawak

ay palma ng pagpapakasakit

Reyna de los Santos (Queen of Saints)- tangan ay

gintong korona na sumisimbolo sa ―korona ng mga

santo‖ (Crown of Saints)

Reyna del Cielo (Queen of Heaven)- dala ay isang

bulaklak at pinalilibutan ng dalawang anghel

Reyna de las Virgenes (Queen of Virgins)- hawak ay

isang rosaryo o kaya ay liryo at pinalilibutan ng da-

lawang maliliit na anghel (sundan sa Pahina 10)

Page 10: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

1010 -- Ang ManggagawaAng Manggagawa

(ANG AKING INA, mula sa Pahina 5) "Mapagmahal at

masipag sa lahat ng gawain. Supportive at mabait. Sala-

mat po sa lahat ng pag-aaruga mo po sa amin. Kahit na

minsan hindi kami sumusunod sa inyo, lagi nyo kaming

sinusuportahan. Thank you po, Mama (Liza Gomez) .

We love you." Analyn at Ana Gomez - Children‘s Minis-

try

"Ang Mommy ko ay ang taong tunay na nakakakilala na

ng talaga sa akin. Siya ang sandalan ko sa anumang oras.

Siya din ang aking idol. Higit sa lahat siya ang nag-

sakrapisyo at nagmahal ng tunay sa aming mga anak

nya. Proud ako anak niya ako!" Regina Gudoy - Lectors

and Commentators Ministry, Cursillo Movement

"Masipag at laging subsob sa trabaho. Salamat sa iyo, Ina

(Gloria Banaag), kundi dahil sa‘yo hindi ako lalaking

may takot sa Diyos, matutong umunawa at maging re-

sponsable. Salamat sa iyo ina, kahit na sa panahong wala

si ama pinilit mong pagsikapan palakihin kami ng maay-

os. I love you Mama Gloria :) <3" Aizo Banaag -

SJWPYM-JAM, SPES, Ministry of Altar Servers

"My mom is the best girl in town: my bestfriend, my

girlfriend and my strength. My bestfriend, she keeps pro-

tecting me in many ways. Kahit madalas pasaway ako.

My girlfriend, we really love each other. Selosa sya sa

mga naging kasintahan ko kaya nga wala pa sa plano ko

ngayon ang magkaroon ng inspirasyon kasi she's my in-

spiration ever since. My strength, though weary keeps

bothering me, nevertheless, lagi siyang andyan para

icheer-uo ako, pagpahingahin ako, alagaan, di nya alin-

tana ang kanyang pagod that's why she's my strength

that I'm still moving forward. Thinking all the positive

ways to cheer her up and the reason why I'm still stand-

ing up. I love you Mom!" Rexel John Baetiong -

SJWPYM-JAM, SPES, Ministry of Altar Servers

*****

Ako napakapalad kong lubos, espesyal dahil dalawa ang

ina ko. Si Cherry at si Boots. May pagkamadaldal sila,

usual sa pagiging ina. Ito ang paraan nila para mai-

padama nila sa akin na ako'y kanilang pangalagaan. May

pagkamayabang kasi ako kaya naiinis ako kapag gina-

gawa nila iyon. Pero sila ang isa sa dahilan para ako'y

tuloy na magpursige sa laban ng buhay. I love you Ma-

ma and Mommy. Patuloy ako sa pananalangin para sa

patuloy nyong kalakasan.

Tunay ngang kulang ang isang lahthalin upang itala ang

mga kabutihang katangian ng ina.

"Sana'y di magmaliw ang awit ni nanay, awit ng pag-ibig

habang ako'y nasa duyan."

May 1 - Editha Cabasan, Faye Cueto, SJWP 53rd

Anniversary | May 2- Ralph Philip Caoile |

May 3 - Mardeliza Esdrelon, Mercedita Salting |

May 4 – Siegfred Ramos, Coforina Santos, Di-

vine Tolentino | May 7 - Ma. Antipolo Parman,

Carl Emiel Ventura | May 8 - Nieves Decano,

Lolito Dingding | May 9 - Leonida Aridon, Irene

Fabros, Lutgarda Uy | May 10 - Antonia Buena-

ventura, Remedios Esdrelon | May 11 - Bob

Tuscano | May 12 - Rosemarie Arellano| May

14 - Imelda Samson, Emman Catabay | May 15

– Victoria Pinlac, Lilibeth Rosas | May 20 – Car-

lo Soriano | May 21 – Gloria Austria | May 24 –

Melecia Conde, Mary Jane Quatchon, Miriam

Quatchon | May 25 – Amang Gabriel | May 28

- Emilia Nolasco |May 29 – Delia Mabulac

|May 30 – Mely Mamangun

(FLORES DE MAYO, mula sa Pahina 9)

Reyna de las Flores (Queen of the Flowers)- Siya ang

tinuturing na Reyna ng Flores de Mayo na may ha-

wak na bungkos ng bulaklak

Reyna Emperatriz- isa pang paglalarawan kay Reyna

Helena bilang ina ng emperador na nagkaloob sa

kanya ng titulong ―Augusta‖ na ang ibig sabihin ay

emperatris o Inang Reyna

Reyna Helena (Queen Helena)- ang huling miyem-

bro ng prusisyon at kumakatawan kay Helena ng

Constantinople na nakatagpo sa banal na Krus. May

hawak siyang maliit na krusipiho na sumisimbolo sa

kanyang pagkakahanap dito

Constantino (Constantine)- isang batang lalaki na

kumakatawan bilang ang batang emperador na kon-

sorte ng Reyna Helena

Mga sanggunian: www.philippinecountry.com/

p h i l i p p i n e _ f e s t i v a l s / s a n t a c r u z a n . h t m l

at en.wikipedia.org/wiki/Flores_de_Mayo

AT

IN

G T

AN

DA

AN

Parish Priest |Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao

This Month‘s Contributors| Bro. Elorde A. Calimoso,

Bro. Ferdinand R. Marcelo, Sis. Mary Grace F. Pablo,

Bro. Danilo A. Reyes, Sis. Irene A. Santos,

Bro. Ferdinand V. Flores

Graphics | Bro. Aljin Cabrito, Sis. Alyzza Mae F. Dayego

Lay-out | Bro. Mark Angelo A. Ordonio

Ang Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng

Parokya ni San Jose ang Manggagawa

Cloverleaf, Balintawak, Quezon City

Page 11: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

Ang Manggagawa Ang Manggagawa -- 1111

(SI MOMMY FLOR, mula sa Pahina 3) sa labas muna ng

seminaryo at ipasok na lamang pag kolehiyo na ito.

Minsan ay napadaan siya sa Quiapo at humingi ng sen-

yales mula sa itaas, at habang nakamasid sa imahen ay

para bang ibinigay ang kanyang hinihingi nang ‗di kawa-

sa'y may naghagis sa kanya ng bulaklak ng sampaguita.

Nang siya ay tumingin sa pinanggalingan ng bulaklak

nakita niya ang isang lalaki na wari'y tinatawag siya at

humihingi ng kung ano sa kanya. Tinugunan niya ito sa

pagbibigay ng kanyang panyo, subalit sa puntong ito ay

naging malinaw na sa kanya ang ibinibigay na mensahe

ng Panginoon.

Kwento pa niya, ―Nang nakatapos na ng kursong Philos-

ophy si Gil at nagkaroon ng pagkakataon na siya'y

lumabas panandalian sa seminaryo, natanggap siya sa

isang telecom company subalit makalipas lamang ang

maikling sandali, hayun at siya'y muling nagbabalot na

ng kanyang mga gamit at nais nang bumalik sa semi-

naryo. Sabi niya sa akin, hindi ang seminaryo ang

nagpalabas sa kanya kundi sarili niyang desisyon na

lumabas muna, subalit dahil malakas talaga ang tawag ng

kanyang bokasyon, muli na naman siyang tinawag at

hinatak ang kanyang mga paa tungo sa seminaryo.‖ Sa

puntong ito, matapos kausapin ni Mommy Flor ang Spir-

itual Director ng kanyang anak sa seminaryo ay pinayapa

nito ang kalooban ng ina at sinabing sila na ang bahala

sa kanyang anak.

Naroon din na dumanas sila ng matinding pagsubok sa

pagkakasakit ng kanyang ama, at sa wari'y di na maka-

pagpapatuloy ng pag-aaral ang kanyang panganay. Dito

binanggit ni Gil na siya na nga ang bahalang humanap

ng tutulong sa pagpapaaral sa kanyang sarili hanggang sa

magtapos. Ang mga kapatid niya naman ay hindi rin

bumitaw sa kanilang pangarap at patuloy na nagsumikap

upang makatapos ng pag-aaral. Maging si Ging-ging ay

nagtinda ng yema noon para lamang may pandagdag na

baon sa pagpasok. Sa awa ng Diyos, lahat naman sila ay

nakapagtapos.

―Sa ngayon, kahit ganap na pari na si Gil ay patuloy pa

rin siya sa pag-aaruga sa aming pamilya na parang padre

de pamilya. Very close kami at hindi din siya nagpapaba-

ya sa kanyang mga kapatid. Sa tuwing nadadaan nga

siya sa Diocese ay hindi siya nakakalimot na humalik sa

akin kahit pa ito ay oras ng siyesta o tulog ko. Minsan

tuloy, nag-aalala na ako na baka sabihin talagang may

pagka-stage mother ako. Pero talaga lamang very sweet

at napakamaaalalahanin itong si Gil. Ang hindi pa alam

ng marami, Si Gil ay marunong maglaba, maghugas ng

plato at marami pang gawaing-bahay. Pero alam natin

lahat na siya ay matulungin at mapagmahal sa pamilya,

kamag-anak at pinsan. Napakalakas din ng kanyang

pananampalataya. ‖

Nang tanungin naming siya kung ano ang ipinapayo niya

sa anak, sinabi niya: ―Maaaring malapit nang dumating

ang panahon na si Gil ay mamamaalam na sa inyong

parokya anumang oras, at ang dapat niyang gawin ay

mag-iwan ng legacy at huwag nang masyadong maging

attached, dahil sa hinaharap, ito ang magpapahirap sa

kanya sakaling kailangan na niyang lisanin ang

parokyang kanyang pinagsilbihan sa mahigit apat na ta-

on na.‖

Hanggang sa ngayon ay lubos ang aming kasiyahan na

makilala hindi lamang si Mommy Flor kundi pati na rin

ang ating kura paroko. Isang mabuting halimbawa ang

ipinakita sa atin ni Mommy Flor sa kung paano maging

isang ina, na kahit anuman ang dumating na pagsubok,

at maging ang kanyang pagkakakilala sa kanyang anak,

ipinaubaya pa rin niya sa Diyos ang kapalaran ng anak.

At naroon siya upang suportahan ang desisyon na gina-

wa ng kanyang si Gil hanggang sa ngayon. Nakatutuwa

at nakaka-inspire ang mga kaalamang ito tungkol kay

Mommy Flor.

Sa iyo Mommy Flor, at sa lahat ng ina sa ating parokya,

Happy Mother‘s Day po!

(HAPPY MOTHER‘S DAY, mula sa Pahina 4) Hesus; sa

maraming niyang aparisyon ito rin ang sinasabi ni Ma-

ma Mary. Minsan kasi pinipili lang natin ang susundin

natin, iyung madali at tumutugma sa gusto natin. Ka-

pag labag sa kalooban natin, hindi natin sinusunod.

Para kay Pope Benedict, ―double yes‖ ito kapag naga-

wa natin. Dahil pagsunod ito kay Hesus at sa Diyos

Ama. Kaya walang bubuti pang paraan ng pagpaparan-

gal sa Ina ng Sanlibutan kundi ang pagsunod sa kanyang

bilin.

Happy Mother‘s Day, Mama Mary!

Page 12: Ang Manggagawa Vol 2 Issue 5 (May 2013, Fiesta Issue)

1212 -- Ang ManggagawaAng Manggagawa

ELEKSYON NA!

Salita - Bro. Danilo R. Reyes

Ngayong taon, muli na namang maghahalal ang mga

Pilipinong nasa hustong gulang upang pumili ng mga

bagong uupong tagapaglingkod ng sambayanang Pilipi-

no.

Sa pagkakataong ito, muli sana nating isa-isip na ang

ating karapatang bumoto ay sagrado at dapat na gi-

nagamit ayon sa kalooban ng Diyos AMA. Paano natin

itong maisasagawa?

Sa nakaraang kongreso, lubhang nakakalungkot na nai-

pasa ang RH Bill, at maraming nagtuturo sa ating

pananampalataya ang nababahala dahil sa kasaysayan ng

mundo, ang RH Bill ang nagiging susi upang isunod na

ang mga batas na hindi naaayon sa turo ng simbahan.

Susunod na marahil ang diborsyo, ang same sex marriage

at iba pa. Sayang at bagamat mahigit 80 bahagdan ng

Pilipino ay sinasabing Katoliko o Kristiyano, mukhang

iilan lamang, lalo na sa hanay ng mga mambabatas, ang

nakakaunawa sa pananaw ng simbahan hinggil sa usap-

ing ito. OO at naisabatas na ang RH Bill, subalit sa nga-

yon, sa bisa ng temporary restraining order ay iniutos ng

Mataas na Hukuman na magsagawa ng debate ukol sa

pagpapatupad nito.

Subalit hanggat ang mga manunungkulan sa ating kon-

greso ay mga taong walang pagpapahalaga sa turo ng

simbahan, mga taong sekularista, na ang Diyos ay wa-

lang kinalaman sa kanilang gawain, hindi malayong

mangyari na magkakatotoo nga ang pinangangamba-

hang ito ng ating simbahan.

Kung magpapadala na naman tayo sa popularidad,

mukhang tayo ay lumalaban sa isang talunang pakikidig-

ma. Ito na ang pagkakataon natin na ipahayag ang ating

pananampalataya, sa pamamagitan ng tamang pagpili ng

mga taong manunungkulan sa ating pamahalaan. Sa pa-

mamagitan ng ating boto, maipapakita natin na ang

Diyos an gating sinusunod at ang kanyang kalooban ang

mahalaga sa atin.

Sa katatapos lamang na halalan ng Santo Papa, hindi nga

ba‘t ang kalooban na rin ng Diyos ang naghari. Bagamat

maraming pangalan ang lumutang bilang magandang

kandidato upang maging kasunod na santo papa (ayon

sa pananaw ng mundo o media), kasama na si Cardinal

Tagle, isang taong hindi inaakala ang nahalal. Ang ka-

gandahan nito, makikita natin na sa ganitong gawain,

hindi naging mahalaga ang popularidad. Ang pangan-

gailangan ng simbahan sa panahon ngayon ang siyang

tinugunan, at hindi nga ba‘t sa unang araw pa lamang ng

bagong santo papa, Papa Francisco, marami na siyang

pinahanga. Litaw na litaw ang kanyang kabutihang loob,

kababaang loob at pagiging simple. Naging sagrado din

ang paghalal ng santo papa dahil hindi kinakailangang

maimpluwensiyahan ng pananaw ng mundo ang gina-

wang pagpili ng kahalili ni Pedro. Hindi maingay, hindi

magulo, may kaayusan, may kahulugan.

Hindi ba‘t ito ang hinahangad nating halalan? Bakit hindi

natin ito tularan? Ngayong Mayo 13, nasa atin ang de-

sisyon. Halina‘t ayusin ang ating kinabukasan. Maghalal

ng tamang kinatawan sa pamahalaan. Manindigan at

ipaglaban kung ano ang tama at ang katotohanan. Ma-

halaga ang buhay. Ginagabayan naman tayo ng simba-

han, kaya sana naman ay huwag maging matigas ang

ating bumbunan at huwag sayangin ang ipinaaabot sa

ating kaalaman.

At hindi rin kaila sa atin na bawat isang Kristiyano ay

may misyong makahari, makapari at makapropeta.

Paano naman natin ito maisasabuhay sa ganitong

panahon ng halalan. Malalim ang kaisipang nababalot

dito, pero isa-isahin natin.

Makapari - Ipasok natin ang panalangin sa ating pagpili

ng ating bagong hala na mga pinuno. Hingin natin ang

gabay ng Espiritu Santo upang tayo'y makaboto ng tama

at naaayon sa kalooban ng Ama. Huwag nating ihiwalay

sa ganitong gawain ang ating Panginoon, sapagkat sa

lahat ng bagay, dapat ang Panginoon ang ating unahin

at bigyan ng pagpapahalaga.

Makapropeta - Ituring natin na tayo rin ay nagtuturo sa

mga kabataan at sa mga susunod na henerasyon ng ating

lipunan at simbahan sa pamamagitan ng tamang pagpili

ng mga kandidato. Gabay ng simbahan, Kilatisin ang

kandidatong. Mahalaga na ang ating iboboto ay may

Karakter, Kakayanan at Katapatan, lalo't higit sa mga

utos ng ating simbahan.

Makahari - Haring simbolo ng tunay na paglilingkod.

Maglaan tayo ng panahon upang ipakita sa buong sam-

bayanan at sa mundo na sagrado ang ating boto, at hin-

di natin hahayaan na magsawalang kibo sa mga nang-

yayari sa ating paligid. bantayan natin ang halalan. Mag-

ing mapagmatyag. At ibigay ang serbisyong naaayos pa-

ra sa atng bayan. Lalo na sa panahong ito ng hal-

alan. Ipakita rin natin sa mga kabataan na may kaka-

yanan tayong maghalal ng mga taong tunay na mag-

lilingkod.

Misyong makapari, makapropeta at makahari: kaya

nating tugunan, kahit pa sa panahon ng halalan.

Eleksyon na. Aksyon na!