8
EditorYal Ilunsad ang opensiba sa edukasyon at propaganda para sa pambansang demokrasya! Maramihang sumanib sa batayang masa! Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan Edisyon Abril 2017 anakbayan.org anakbayan phils @anakbayan_ph Sa harap ng tumitinding krisis panlipunan sa ilalim ng sistemang malakolonyal at malapyudal, dapat higit na paghusayan ng kilusang kabataan ang pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos para sa pambansang demokrasya at mahigpit na pagsanib sa batayang masa. Susi sa pag-abante ng kilusang kabataan sa kasalukuyan ang paglulunsad ng opensiba sa edukasyon at propaganda sa pambansang demokrasya; at maramihang pagsanib sa pakikibaka ng batayang masa. Sustinidong kilusang masa para sa malawakang edukasyon at propaganda sa pambansang demokrasya ang tuntungan sa malawakang pag-oorganisa at malakihang pagpapakilos sa mga kabataan. Mula sa mga tampok na pagkilos at daluyong ng kilusang kabataan sa kasaysayan, makikita ang papel ng masigla at walang humpay na kilusang edukasyon para palayain ang kaisipan ng mga kabataan mula sa pagkapasibo tungo sa militanteng pagkilos. Dapat ilatag ang mga andana ng programa sa edukasyon para sa pagpapalawak, para sa konsolidasyon, para sa mga estudyante, kabataan sa komunidad, at iba pa. Dapat patapusin ang pinakamarami ng mga kurso at talakayang nakahanay sa Pambansa Demokratikong Paaralan (Padepa). >> Ituloy sa p.2 Ano ang nasa likod ng reporma sa GE sa UP? #OccupyBulacan o bakit ang maghimagsik ay makatarungan Mga manggagawa, kontraktwal pa rin sa bagong DOLE order Bakit may welga sa mga plantasyon sa saging? p. 3 Ang pagbawi ng Hacienda Luisita p. 3 Paano tayo binubulok ng transportasyong bulok? p. 6 Ano ang mga pakana ni Trump sa Korea at Syria? p. 7 Harasment sa mga mamamahayag sa kampus p. 7 Nagulantang ang buong bansa nang Marso 8 ngayong taon ay inokupa ng mga libu-libong maralitang tagalungsod sa pangunguna ng Kadamay ang 6,000 na nakatiwangwang housing unit sa anim na relocation site sa Pandi, Bulacan. >> Ituloy sa p.8 Bakit umani ang panukalang reporma sa General Education program ng University of the Philippines ng matinding protesta mula sa mga mag-aaral, guro, at kawani sa pamantasan? >> Ituloy sa p.4 Tuloy pa rin ang kontraktwalisasyon sa sektor ng mga manggagawa kahit ibinida ng rehimeng Duterte at ng kanyang kalihim sa paggawa ang pagwawaksi nito mula pa lang noong elektoral na kampanya. >> Ituloy sa p.5 NG KABATAANG MAKABAYAN Para kay: Balangay: Address: HULING HAPUNAN NG MGA NAGHAHARING URI

>> Ituloy sa p - · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

  • Upload
    ngonhu

  • View
    341

  • Download
    66

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

EditorYal

Ilunsad ang opensiba sa edukasyon at propaganda para sa pambansang demokrasya! Maramihang sumanib sa batayang masa!

Opisyal na Pahayagan ng AnakbayanEdisyon

Abril 2017

anakbayan.org

anakbayan phils

@anakbayan_ph

Sa harap ng tumitinding krisis panlipunan sa ilalim ng sistemang malakolonyal at malapyudal, dapat higit na paghusayan ng kilusang kabataan ang pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos para sa pambansang demokrasya at mahigpit na pagsanib sa batayang masa.

Susi sa pag-abante ng kilusang kabataan sa kasalukuyan ang paglulunsad ng opensiba sa edukasyon at propaganda sa pambansang demokrasya; at maramihang pagsanib sa pakikibaka ng batayang masa. Sustinidong kilusang masa para sa malawakang edukasyon at propaganda sa pambansang demokrasya ang tuntungan sa malawakang pag-oorganisa at malakihang pagpapakilos sa mga kabataan.

Mula sa mga tampok na pagkilos at daluyong ng kilusang kabataan sa kasaysayan, makikita ang papel ng masigla at walang humpay na kilusang edukasyon para palayain ang kaisipan ng mga kabataan mula sa pagkapasibo tungo sa militanteng pagkilos.

Dapat ilatag ang mga andana ng programa sa edukasyon para sa pagpapalawak, para sa konsolidasyon, para sa mga estudyante, kabataan sa komunidad, at iba pa. Dapat patapusin ang pinakamarami ng mga kurso at talakayang nakahanay sa Pambansa Demokratikong Paaralan (Padepa).

>> Ituloy sa p.2

Ano ang nasa likod ng reporma sa GE sa UP?

#OccupyBulacan o bakit ang maghimagsik ay makatarungan

Mga manggagawa, kontraktwal pa rin sa bagong DOLE order

Bakit may welga sa mga plantasyon sa saging? p. 3

Ang pagbawi ng Hacienda Luisita p. 3

Paano tayo binubulok ng transportasyong bulok? p. 6

Ano ang mga pakana ni Trump sa Korea at Syria? p. 7

Harasment sa mga mamamahayag sa kampus p. 7

Nagulantang ang buong bansa nang Marso 8 ngayong taon ay inokupa ng mga libu-libong maralitang tagalungsod sa pangunguna ng Kadamay ang 6,000 na nakatiwangwang housing unit sa anim na relocation site sa Pandi, Bulacan.

>> Ituloy sa p.8

Bakit umani ang panukalang reporma sa General Education program ng University of the Philippines ng matinding protesta mula sa mga mag-aaral, guro, at kawani sa pamantasan?

>> Ituloy sa p.4

Tuloy pa rin ang kontraktwalisasyon sa sektor ng mga manggagawa kahit ibinida ng rehimeng Duterte at ng kanyang kalihim sa paggawa ang pagwawaksi nito mula pa lang noong elektoral na kampanya.

>> Ituloy sa p.5

N G K A B A T A A N G M A K A B A Y A N

Para kay:

Balangay:

Address:

HULING HAPUNAN NG

MGA NAGHAHARING URI

Page 2: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

2 EDITORYAL

>> Mula sa p.1

Dapat palawakin at pasiglahin ang pag-aaral ng tungkulin ng kabataan, lipunan at rebolusyon, anti-imperyalismo at sosyalismo, anti-rebisyunismo at Marxismo-Leninismo-Maoismo.

Dapat idaos ang mga sirkulo ng pag-aaral, mga pagtitipon para sa mga talakayan at indibidwal na pagbabasa at pag-aaral sa loob ng mga organisasyong masa, sa mga institusyong umuugnay sa malawak na masa ng sektor na tuwirang nag-aadres sa malawak na masa ng kabataan.

Dapat maging mapanlikha sa mga pamamaraan para akitin sa progresibo at rebolusyunaryong pag-aaral ang malaking bilang ng mga kabataan. Dapat imaksimisa ang internet at social media para sa pagpapalaganap ng materyales, talakayan at debate, at pagpapaunlad ng mga pammamaraan.

Dapat pasiglahin ang Ikalawang Kilusang Propaganda. Dapat ilantad ng kabataan ang imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo bilang ugat ng mga suliranin ng mamamayan. Suriin ang araw-araw na mga suliranin ng masa sa balangkas na anti-imperyalista, anti-pyudal at anti-pasista.

Itaas ang pampulitikang kamulatan at militansya ng masa sa pagharap sa mga suliranin sa araw-araw. Dapat ilantad at itakwil ang mga neoliberal na mga ideyang itinataguyod ng imperyalismo at mga ahente nito. Dapat ipalaganap ang mga tagumpay ng sama-samang pagkilos at mga

paglaban ng masa sa kanayunan para maging inspirasyon sa mamamayan sa kalunsuran at sumanib sa paglaban ng masa.

Ang mga aktibista at mga kasapi ng organisasyong masa ay dapat umabot sa pinakamaraming hindi pa organisado sa pamamagitan ng mga grupo para sa propaganda at edukasyon. Dapat nilang tanganan ang diwa ng walang pag-iimbot na paglilingkod sa masa, pagkatuto mula sa masa, simpleng pamumuhay at puspusang paglilingkod. Dapat nilang ilaan ang paparaming oras sa pagtungo sa mga paaralan, pabrika at komunidad para maglunsad ng mga pag-aaral at talakayan, pag-oorganisa, pulong masa, mga pangkulturang aktibidad at iba pa. Dapat itayo ang Padepa sa pinakamaraming mga paaralan, komunidad at pagawaan.

Dapat ilunsad sa mga pamantasan ang opensibang propaganda at edukasyon para itakwil ang burgis na mga ideya at kaisipan na paghihiwalay sa mga mga kabataan mula sa pakikibaka

ng masa. Dapat walang pagod na dalhin sa mga kampus ang mga isyu ng anakpawis: mula sa mababang sahod, mataas na presyo, demolisyon, panunupil at iba pa. Dapat ding dalhin ang mga usapin ng mga magbubukid sa pangkalahatan at mula sa iba’t ibang rehiyon.

Dapat ilunsad ang makabayan at anti-imperyalistang edukasyon para labanan ang kontrol ng US sa ekonomiya, pulitika at militar. Dapat ipaglaban ang makabayang edukasyon at palaganapin ang mga akda at araling patriyotiko.Dapat ilunsad ang mga pakikibakang masa para sa demokratikong karapatan ng masa na tinutuntungan para higit na ilantad ang bulok na sistemang reaksyunaryo at ipalaganap ang pangangailangan ng rebolusyonaryong paglaban para ibagsak ang buong sistema.

Dapat gawing kongkreto ang pagtangan sa oryentasyon na malawakang sumanib ang kabataan sa batayang masa sa pamamagitan ng aktwal na maramihang pagtungo ng lumalaking bilang ng mag-aaral at intelektwal sa hanay ng mga magsasaka, manggagawa at anakpawis. Dapat mag-ambag sa malawakang pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanay ng masa.

Dapat ikampanya sa hanay ng mga kabataan ang “paglilingkod at pagkatuto mula sa masa.” Gamiting pagkakataon ang mga lakbayan ng magbubukid, mga barikada, welga, at mga pakikibakang anti-pasista para dalhin sa masa ang paparaming bilang ng mga mag-aaral.

Dapat tiyakin ang mga pagsindi, pagtugon at pag-abante sa batayang antas: mga balangay, organisasyon at mga institusyon. Matamang subaybayan ang mga kongrektong disenyo at breyktru sa mga gawain, at paalon-alon na mga pag-abante at mga tagumpay. Mabilis na tasahin ang praktika, tanganan ang mga aral, at igpawan ang kahinaan.

Ang malawakang kampanyang edukasyon at propaganda ay dapat gawing tuntungan ng malakihang pag-oorganisa at pagpapakilos ng kabataan at mamamayan. Sa pag-abot sa milyon-milyong mamamayan, nag-aambag ang kilusang kabataan sa pangkalahatang pag-abante ng kilusang masa tungo sa mga pag-aalsang bayan at malalaking protestang bayan. Dapat malakihang tumungo sa kanayunan ang mga kabataan para mag-ambag sa pag-angat sa panibagong antas ng pambansa demokratikong kilusan.

PATNUGUTAN

Punong Patnugot: Karlo Mongaya

Mga Kawani: Alexia Fuentes, Angelo Suarez, Donna Miranda,Gem Aramil, Gena Myrtle Terre,

John Levi Masuli, Reeza RosaladaVencer Crisostomo

Paglalapat at Disenyo: Paula Sabrine,Cristian Henry Diche, Nona Al-Raschid

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email [email protected].

Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan

Pebrero-Marso 2017 Edisyon

Ang mga dakilang guro. Larawan mula sa Southern Tagalog Exposure.

“Dapat palawakin at pasiglahin ang pag-aaral ng tungkulin ng kabataan, lipunan at rebolusyon, anti-imperyalismo at sosyalismo, anti-rebisyunismo at Marxismo-Leninismo-Maoismo.

Page 3: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

3BALITA

Welga sa mga plantasyon ng saging sa Mindanao, matagumpayMatagumpay na napabasura ang iskemang pakyawan sa mga plantasyon ng saging sa Compostela Valley, Mindanao matapos ang sabayang mga welga ng mga manggagawang bukid ng Sumifru Philippines Corporation, isang dambuhalang kumpanyang Hapones.

Napilitan ang Sumifru management na ibasura ang iskemang pakyawan matapos ang 13-oras na welga sa mga packing plant at field operations ng Sumifru na inilunsad ng 9 na unyon sa ilalim ng National Federation of Labor Unions-

Natulak ang management na ibalik ang mga sinibak na opisyales ng unyon at bawasan ang dagdag na ektaryang tinatrabaho ng bawat manggagawa sa ilalim ng mapagsamantalang iskemang “gardening systems”.

Nagsisilbing inspirasyon ang mga matatagumpay na pakikibakang ito sa pakikibaka ng mga magbubukid at manggagawa sa buong bansa. Tinatawagan ang mga kabataan na malakas na sumuporta sa mga labang ito at sumanib sa pakikibaka ng mga manggagawa at magsasaka.

Kilusang Mayo Uno (NAFLU-KMU) noong Abril 18.

Sa ilalim ng iskemang pakwayan, nag-tatrabaho ng mahigit 12 oras sa isang araw ang manggagwang bukid sa Sumifru habang tumatanggap lamang ng average ng P310 kada araw.

Naging matagumpay din ang 9 na araw na welga mula Abril 10 hanggang 19 ng mga manggagawa sa Musahamat Farms International, isang sub-sidiary ng kumpanyang Kuwaiti na Sabel International Group.

Lapanday Food Corp. kapit-tuko sa lupang inagaw mula sa mga magsasaka ng DavaoNabigong bawiin ng Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Association, Inc. (MARBAI) ang lupang sakahang inagaw sa kanila ng Lapanday Foods Corporation sa pagtangka nitong okupahin ang nasabing lupa noong Abril 21.

Naglabas ng writ of installation ang Department of Agrarian Reform

(DAR) noong ika-11 ng Pebrero upang ibalik ang mga magsasaka sa kanilang lupain.

Hiningi rin ang kooperasyon ng Philippine National Police (PNP), ngunit sa halip na hawiin nila ang daan para makapasok ang mga magsasaka’y nagtayo pa sila ng mga barikadang nakapalibot sa lupang

sakahan. Nagmistulang kapit-tuko ang Lapanday sa pagpipilit nito na hindi kilalahin ang mga atas ni DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano.

Sa katunayan, ipinamahagi na ang 145-hektaryang lupain ng San Isidro Plantation sa Tagum City, Davao del Norte sa MARBAI noong 1996 sa

Larawan ni Nadja De Vera.

ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ibinigay ang lupa sa mga magsasaka noong Disyembre 2016, ngunit pinalayas sila ng Lapanday. Pinagbabaril ng mga armadong guwardiya ng Lapanday ang mga magsasaka, kung saan pito ang nauwing sugatan.

Okupasyon ng Hacienda Luisita: Mgapader, winasak ng mga magsasakaWinasak ng daan-daang magsasaka ang mga pader na nakatayo sa paligid ng 384 ektaryang parte ng Hacienda Luisita na inaangkin ng RCBC Bank at Luisita Land Corporation (LCC) sa umaga noong Abril 24, 5 taon matapos ilabas ng Korte Suprema ang desisyong ipamahagi ang lupa ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka.

Sa pangunguna ng Alyansa ng Manggagawang-bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) at Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng tiwangwang na lote ng Hacienda Luisita noong Abril 23. Ang lupang inangkin ng RCBC at LCC ay hindi saklaw sa ipamamahagi sa mga magsasaka dahil sa land conversion ng lugar noong 1996.

Ayon sa Ambala, dapat ipamahagi ang lahat ng

agrikultural na lupain sa Hacienda Luisita – isang panawagan na suportado rin ng makasaysayang desisyon ng Korte Suprema. Subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito natatamasa ng mga magsasaka.

Patuloy na pinapahirapan ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita ng laganap na aryendo o leaseback scheme na pinapalala pa ng iskemang tambiolo o huwad na iskema ng pamamahagi ng lupa sa pamamagitan ng lottery raffle na ginawa sa ilalim ng rehimeng Aquino.

Sa harap ng panunupil ng militar at private army ng angkang Cojuangco-Aquino, patuloy na lumalaban ang mga magsasaka para sa kanilang lupa at kabuhayan. Nagsisilbi itong hamon sa kabataang Pilipino na sumuporta at makilahok sa okupasyon ng mga plantasyon at mga pakikibakang magbubukid.

Larawan mula sa Davao Today.

Page 4: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

4

Ipinasa ang panukalang bawasan ang General Education (GE) program sa University of the Philippines (UP) Diliman, ang huling kampus sa buong UP na gumawa ng iskemang ito, sa pulong ng University Council nito noong Marso 20.

Mula sa dating mandatoryong 45 units, ang bawat kolehiyo ay malaya nang magpataw ng minimum na 21 hanggang 45 units. Bumuhos ang matinding protesta mula sa mga mag-aaral, guro, at kawani laban sa panukala na ayon sa kanila ay bahagi ng neoliberal na layong higit na iayon ang UP at edukasyon sa mga dikta ng pamilihan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binago ang GE program ng UP. Noong 2001, halimbawa, ipinasa sa UP Diliman ang Revitalized General Education Program (RGEP), isang modelo ayon sa “libreng pamilihan” kung saan maaaring pumili ang mga estudyante nang kursong GE nais nila.

Ang pinakahuling reporma sa kurikulum ay naglalayong mas bigyang-diin ang mga ispesyalisadong kurso at teknikal na kasanayan at paliitin ang puwang sa pag-aaral ng kasaysayan, wika, at kulturang Pilipino upang pabilisin ang produksyon ng mga graduate na nakaayon sa pangangailangan ng malalaking dayuhang korporasyon.

Sa madaling salita, ang mga pagbabagong ito sa GE program ay bahagi sa mas malawak na balangkas ng pagrereistruktura ng edukasyon upang lalong umayon sa pangangailangan ng neoliberal na globalisasyon para sa mura at siil na paggawa.

Binabandera ang mga ito ng UP sa ngalan ng “internasyunalisayon” ng tersiyaryong edukasyon at pag-aayon nito sa mga pagbabago na dulot ng pagpapatupad ng programang K-12. Sa katunayan, matagal na itong tinutulak ng mga dayuhang multilateral na ahensiya katulad ng International Monetary Fund-World Bank at patuloy na ipinapatupad ng rehimeng Duterte.

Kasabay ng pagpapatupad ng K-12, bahagi ito ng kabuuang pagrereistruktura ng sistema ng edukasyon upang lumikha ng malaking balon ng semi-skilled at skilled laborers sa buong mundo na magkukumpetisyon para sa papababang sahod.

Maging ang mga guro, kawani, at manggagawa sa UP ay hindi ligtas sa panganib na dulot ng pagbabawas ng GE program at pagsadlak sa kanila sa mas mababang sahod at mas malawakang kontraktwalisasyon. Maaalis sa trabaho ang maraming nagtuturo ng mga sabjek sa GE habang mapipilitan

ang iba na lumipat mula sa antas ng kolehiyo patungo sa mas mababang antas ng hayskul.

Sa huli, pinapalakas lamang ng mga “reporma” sa GE ang kolonyal at reaksyonaryong simulain ng unibersidad noong itinatag ito bilang American University of the Philippines upang magsanay ng mga burukrata at teknokrata noong 1908.

Sa gayon, hindi mahihiwalay ang GE “reforms” sa patuloy na pagpapatupad ng rehimeng Duterte ng mga neoliberal na patakaran ng nagdaang mga administrasyon. Kakambal nito ang patuloy na deregulasyon sa matrikula at iba pang mga bayarin na nagdudulot ng ibayong pagpapahirap sa mga kabataan at kanilang mga magulang.

Kasingtuso rin nito ang paghahain ng huwad na “libreng edukasyon” na sa katunayan ay pambansang pagpapatupad ng socialized tuition system ng UP na matagal nang nalantad bilang iskemang humuhuthot ng kita mula sa mga mag-aaral.

Sa gitna ng tumitinding terorismo ng estado at pasistang atake ng mga armadong galamay ng rehimen laban sa mamamayang Pilipino, ginagamit ang sistemang edukasyon upang higit na hubugin ang isipin nating mga kabataan na lalong maging kolonyal at pasista. Sa pamamagitan ng mga neoliberal na reporma sa edukasyon, higit na hinihiwalay ang mga kabataan sa kalagayan ng masa at nilalayo sa kritikal na pag-iisip at kapasyahan na sumanib sa laban ng sambayanan.

Dapat samantalahin ang malawakang pagkadismaya ng mga mag-aaral at kaguruan sa nabubulok na sistemang edukasyon para abutin ang pinakamaraming bilang sa progresibo at makkabayang pag-aaral at mga kurso sa Pambansa Demokratikong Paaralan. Dapat pasiklabin ang kilusang masang edukasyon at pambansa demokratikong rebolusyong pangkultura sa hanay ng mga kabataan at intelektwal.

Sa harap ng lumalalang kolonyal, komersyalisado, at pasistang katangian ng sistemang edukasyon, kinakailangang ibayong isulong ang pambansa demokratikong pakikibaka na siyang magsisiguro sa isang makabayan, siyentipiko, at pangmasang edukasyon.

LATHALAIN

Ano ang nasa likod ng mga reporma sa GE program sa UP?

PAG-AYON SA DIKTA NG PAMILIHAN

Larawan mula sa Philippine Collegian.

Ang paglabas ng Commission on Higher Education (Ched) at Department of Budget and Management (DBM) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ay naglalantad sa “Free Tuition Policy” (FTP) ng rehimeng Duterte na walang iba kundi ang pambansang pagpapatupad ng kinamuhiang “socialized tuition scam” ng University of the Philippines.

Lumalabas na ang nilalalaman ng IRR ay sumusunod lamang ng atas ni Pangulo Duterte para gawing kondisyonal ang implementasyon ng FTP. Sa ilalim ng IRR, tanging ang mga dati nang benepisyaryo ng 4Ps at mga scholarship ang makakatanggap ng libreng matrikula. Ang natitira ay mabibigyan ng benepisyo batay sa kanilang “per capita household income”.

Sa halip na bigyan ng libreng edukasyon ang lahat ng mag-aaral sa mga State Universities and Colleges (SUCs), ang bogus na FTP ay lalo lamang magsasadlak sa kanila sa mas malalang komersyalisasyon sa pagsunod nito sa modelo ng STS kung saan 1 sa 10 mag-aaral ay humihiling ng loan at 3 sa 4 ay nag-aapela para sa mababa na bayad.

Nananawagan ang Anakbayan sa mga kabataan sa buong bansa na ilunsad ang malalaking protesta para ipaglaban ang libreng edukasyon sa lahat ng antas, pagtigil sa pagtaas ng matrikula at pagbasura sa iba pang mga bayarin.

“Free Tuition Policy”: Socialized tuition scam sa

pambansang antas

Page 5: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

5LATHALAIN

ang posisyon nila sa trabaho at kahit kailan ay maaari silang tanggalin ng mga employer.

Kaya naman hindi makakuha ng mga benepisyo at karapatan ang mga manggagawa. Ni hindi sila makasama bilang miyembro ng unyon ng kumpanya, at hindi rin sila makapagtayo ng sarili nilang unyon dahil sa takot na bigla silang tanggalin. At kahit direkta namang may kinalaman sa kanilang negosyo ang trabaho ng mga empleyado, tinatanggap sila sa trabaho bilang mga kontraktwal na panandalian lamang maninilbihan at agad ding mapapalitan ng panibagong grupo ng mga empleyadong pagkakaitan din ng mga karapatan.

Ito ang naging paraan ng malalaki at dayuhang negosyo upang mabawasan ang gastos nila sa pagpapasweldo sa mga empleyado. Dapat matatag na labanan ng mga manggagawa ang lahat ng porma ng kontraktwalisasyon at igiit ang dagdag sahod kasabay ng pagtatakda ng pambansang minimum wage sa buong bansa.

Tuloy pa rin ang kontraktwalisasyon sa sektor ng mga manggagawa kahit ibinida ng rehimeng Duterte at ng kanyang kalihim sa paggawa ang pagwawaksi nito, na pangako niya noong eleksyon. Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Department Order No. 174 series of 2017 (DO 174) noong ika-15 ng Marso, bilang pagtupad umano sa pangako na pupuksain na ang “endo” o “end of contract.” Inamiyendahan nito ang pagsasakatuparan ng mga probisyon sa ilalim ng kasalukuyang Labor Code tungkol sa kontraktwalisasyon.

Ngunit wala itong pinagkaiba sa DO 18-A na pinalitan nito: binago lang ang pagkakasulat ng ilang probisyon, ngunit iisa pa rin ang diwa–pinapayagan pa rin ang kontraktwalisasyon na matagal nang pasakit sa mga manggagawang hindi nakakatanggap ng benepisyo at laging nasa bingit na matanggal sila sa trabaho.

Walang pinagbagoMalinaw pa rin ang DO 174 na ipinagbabawal ang “labor-only contracting” samantalang pangangasiwaan lamang ang iba pang porma ng contracting na pinapayagan ng batas. Lumang tugtugin na ito dahil ito naman talaga ang nilalaman ng DO 18-A. Sa labor-only contracting, ang agency ay nagbibigay lamang ng mga tauhan, hindi lamang ng serbisyo, sa kumpanya na siyang tunay na employer ng mga manggagawa.

Sa halip, inalis pa nga ng bagong panukala ang pagbabawal sa kontraktwalisasyon kung saan ang trabaho ay ginagawa sa labas o malayo sa lugar ng kumpanya. Bukod pa rito, ang trabaho ng manggagawa ay dapat direktang may kinalaman sa industrya upang maituring na kontraktwalisasyon, hindi tulad dati na kahit ang trabaho’y kinakailangan lamang ng kumpanya. Ibig sabihin, hindi na malinaw kung kasama ba sa ipinagbabawal ang “outsourcing” ng ilang serbisyo na walang kinalaman sa pangunahing negosyo at ginagawa sa labas ng kumpanya.

Nakasaad din na ang mga manggagawa ay regular na mga empleyado ng agency, at

hindi ng prinsipal na kumpanya. Maituturing lang na “direct employer” ang kumpanya kapag natuklasang sangkot sa labor-only contracting ang ahensya. Hindi rin ito bago, dahil ito naman talaga ang nakalagay sa lumang DO 18-A. Kaya kahit wala na ito sa bagong kautusan, tatluhan pa rin (employer-agency-manggagawa) ang relasyon sa ganitong sistema.

Ang naiba lang sa DO 174, inalis na nito ang pagpayag sa kontraktwalisasyon kung para ito sa madaliang pangangailangan ng negosyo. Tumaas na rin sa P5 milyon ang kailangang paid-up capital ng mga korporasyon at net-worth naman ng single proprietorship, para maituring na “lehitimong” contracting agency.

Inatasan din ang mga ahensya na kailangan nitong mahanapan ng panibagong trabaho ang mga manggagawa nito sa loob ng tatlong buwan. Kung hindi, kailangan nitong bayaran ng separation benefits ang mga empleyadong kontraktuwal. Malayo ito sa hinihingi ng mga manggagawa at ipinangako ng gobyernong alisin ang pagkuha ng manggagawa gamit ang mga ahensya, at sila’y dapat maging regular na empleyado ng mismong kumpanya.

Mapanlinlang ang iginigiit ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na Kongreso lamang ang

Mga manggagawa, kontraktwal pa rin sa bagong DOLE order

makakapagbago ng Labor Code upang tuluyang ipagbawal ang kontraktwalisasyon. Ayon sa Artikulo 106 ng Labor Code, maaaring ipagbawal o pangasiwaan ng DOLE ang kontraktuwalisasyon.

Para sa kapitalMula noong inilabas ang DO No. 10 noong 1997, nagkaroon ng tinatawag na “permissible” o pinapayagang kontraktwalisasyon, kaya um-usbong ang mga ahensyang nangangalap lamang ng mga tauhan upang gawin ang trabahong dati’y nakalaan para sa mga regular na empleyadong direktang kinukuha ng mga kumpanya. Sinundan din ang kautusang ito ng iba pang department order na paulit-ulit lang na pinapayagan ang ganitong pamamalakad.

Dahil sa sistemang ito, naging gawain na ng mga kumpanya ang paggawa ng limang-buwang kontrata para sa mga manggagawa, at saka na lang i-re-renew o muling pipirmahan, para manilbihan ulit sila ng lima pang buwan. Sa ganitong paraan, walang kasiguraduhan

Larawan mula sa Kilusang Mayo Uno.

“Binago lang ang pagkakasulat ng ilang probisyon, ngunit iisa pa rin ang diwa–pinapayagan pa rin ang kontraktwalisasyon na matagal nang pasakit sa mga manggagawa.

Page 6: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

6 KULTURA

Talamak ang mga nanghahamak sa nagpoprotestang mga tsuper ng taxi, nangungutya sa kanilang laban kontra ride-hailing apps gaya ng Grab at Uber. Ayon sa kanilang husga, tama lang daw na ang pasahero’t kita’y maagaw ng modernong paraan ng pagpara ng sasakyan mula sa makaluma’t mababantot, mula sa walang modong moda ng pampublikong transportasyon na taxi; walang karapatan daw ngumawngaw ang mga tsuper na nangongontrata, namimili ng pasahero, tumatangging magsakay maski ng matatandang de-saklay.

Ang mga paghuhusgang ito’y nagbabaling ng lingon palayo sa mga kondisyon ng paggawa ng mga taxi driver para tutukan ang pansariling pribilehiyo. Totoo namang kahit intindihin pa nila ang sitwasyon ng tsuper—nangongontrata dahil tinataga ng operator sa boundary, namimili ng pasahero dahil kinakain ng trapik ang kaunting tirang take-home pay—talo pa rin sila: Natatanggihan pa rin ang pasahero, nakakaltasan pa rin ang pasahero sa trabaho dahil nale-late, nagbabayad pa rin nang sobra ang pasahero, naaabala pa rin ang pasahero.

Pero pagtalikod din sa kapakanan ng pasahero ang pagtalikod sa kapakanan ng tsuper. Ang ride-hailing apps ay pagpapaigting lamang ng pagkakait ng serbisyo publiko sa mga mamamayan at pagpuksa sa karapatan ng mga tsuper bilang manggagawa. Imbes na wakasan ng gobyerno ang boundary system na nagkakait sa mga tsuper ng mga benepisyo’t regular na sahod—imbes din na isulong ang pagtaas ng minimum wage at pagtigil sa kontraktuwalisasyon—at nagtutulak sa kanilang mamili ng pasahero’t mangontrata, ipinaubaya na lamang nila sa pribadong sektor ang kalakaran ng paggawa sa transportasyon. Sa Uber at Grab nga naman, may sentralisadong pagpuksa sa iligal na pamimili ng pasahero’t pangongontrata: Pinadali na ang pamimili gamit ang ligal na awtomatikong pagtatagpo ng pasahero’t tsuper, pinadulas na ang pangongontrata gamit ang ligal na mekanismo ng pangingikil batay sa demand o surge pricing,

Transportasyong bulok, kaisipang bugok ni Angelo Suarez

pinalakas na ang kakayahan ng konsumer ireklamo ang masagwang serbisyo dahil sa ligal nitong mekanismong pang-surveillance kung saan awtomatikong nakakabit ang kakayahan ng tsuper pumasada. Sa bulok na punto de bista ng petiburgesyang sinanay na ng burukrata kapitalismong mapagkaitan, isang kabutihan—karapatan pa nga—ang pagbayarin ng pinataas na pasahe gamit ang surge pricing imbes na pabigat, imbes na pagkitil sa access sa pampublikong transportasyon.

Itong sistematisasyon at awtomatisasyon ng panggigipit sa manggagawa, nakakamit sa pagwawaksi ng pamahalaan sa responsibilidad ng estado pagdating sa mga utilidad gaya ng pampublikong trans-portasyon, at nagagawa ang pagwawaksi sa pamamagitan ng pribatisasyon. Ito rin ang pagwawaksing naghihintay sa mga jeep. Retorika ng modernisasyon ang bukambibig ng gobyerno, kasangkapan para isuko sa kontrol ng malalaking negosyo ang isang mura’t tradisyonal na moda ng transportasyong kasalukuyan pang kontrolado ng maliliit na operator at tsuper. Sa katunayan, hindi labag sa loob ng mga manggagawa ang modernisasyon—sino ba naman ang tatanggi sa pasadang pinabuti’t pinahusay, pinadali ng teknolohiya? Pero imbis na tulungan ng gobyernong makapagmodernisa ang maliliit na operator upang tulungan silang makapagsilbi sa taumbayan, ibabaon sila nito sa utang, kung hindi man aagawan ng kabuhayan,

sa pamamagitan ng sapilitang paglipat sa mamahaling e-jeeps na bukod sa hindi abot ng kapos na bulsa ay hindi rin akma sa lansangang di patag.

Ayon sa mga matapobreng kritiko, kontra-modernisasyon raw ang mga jeep, kontra-pagbabago, at kontra-serbisyo. Pero kung nakatuon ang modernisasyon sa pagpapataba ng tubo ng malalaking negosyo at hindi sa pagpapahalaga sa parehong tsuper at pasahero, walang dudang kontra-serbisyo ito, at ang kontra-serbisyong pagbabago ay dapat ding kontrahin. Hindi na dapat lingid sa kaalaman ng pasaherong sa pasahe babawiin ng korporasyon ang ginastos sa modernisasyon, at nasa interes ng pasahero ang makibaka sa tabi ng tsuper at maliit na operator para tutulan ang korporatisasyon ng jeep. Pero sa kasanayan ng mga kritikong magbayad para sa kaunting ginhawang obligasyon naman ng estado ibigay sa lahat, kapuwa manggagawa ang itinuturing na kaaway imbis na estadong kontrolado ng malalaking burgesya komprador na ginagawang negosyo ang serbisyo.

Mga tren ang bumuo ng pundasyon para maging mapagbantay tayo sa ipinangakong modernisasyon ng pribatisasyon at korporatisasyon, pero tila hindi pa rin natututo ang gobyerno rito. Para bang hindi pa sapat na leksiyon ang kilometrikong mga pila, ang daan-daang pisong nakakaltas sa sahod dahil sa naantalang biyahe papuntang trabaho. Isang araw matapos ang four-day maintenance nito noong Mahal na Araw, umusok ang isang bagon ng MRT; pinababa ang mga pasahero’t naantala ang operations nitong pribatisadong linya ng tren. Isang linggo ang nakalipas, parehong MRT at LRT naman ang may limitadong serbisyo; bukod sa kulang ang mismong mga tren (di aabot ng kalahati ng available trains ang bilang ng aktwal na pinaaandar sa mismong riles) ay halos nangalahati rin ang biyahe ng mga ito. Ang payo ng mga opisyal ay gumamit na muna ng ibang moda ng transportasyon para palipasin ang panandaliang aberya, pero ang tunay nilang mensahe ay lunukin na lamang natin ang pambubusabos ng malalaking negosyong may kontrol sa mga tren at lumalagok ng pasahe’t buwis na itinatabi para dito dulot ng matagalang aberya ng pribatisasyon.

Tamang magalit ang mamamayan sa gobyerno dahil sa maraming kakulangan nito sa paghahatid ng epektibong serbisyo publiko. Pero ang pribatisasyong kaakibat ng burukrata kapitalismo sa estado, lalo lamang ipagkakait ang serbisyo publikong ipinagkakait na nga pamahalaan sa mga mamamayan nito. Bukod sa mismong transportasyon, unti-unting pinabubulok na rin ng pribatisasyon ang perspektiba ng petiburgesyang sang-ayon sa motibo ng kapital na palaguin ang tubo kaysa karapatang pantao, palawigin ang negosyo imbis na serbisyo. Para kitilin ang pagkalat ng kabulukan sa public utilities gaya ng transportasyon, dapat paigtingin ang panawagan para sa mga karapatang taliwas sa motibo ng burukrata kapitalismo, at tulungang buksan ang mga mata ng bayan, lalo na ng petiburgesya, na sila rin ay manggagawang may lakas-paggawang sinasamantala ng malalaking burgesya komprador.

“Bukod sa mismong transportasyon, unti-unting pinabubulok na rin ng pribatisasyon ang perspektiba ng petiburgesyang sang-ayon sa motibo ng kapital na palaguin ang tubo kaysa karapatang pantao, palawigin ang negosyo imbis na serbisyo.

Page 7: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

7

ng Philippine Army na ilalagay diumano sa imbestigasyon ang lahat ng mga publikasyon sa rehiyon na aktibo sa CEGP.

Noong Marso 23, binantaan din ng mga pulis ang mga mamahayag sa The Nexus, opisyal na pahayagan ng mag-aaral ng Baao Community College.

Noong Marso 31, hinaras naman ng pulis ang mga dumalo sa porum na inorganisa ng CAST Chronicle, opisyal na publikasyon ng mag-aaral sa Pangasinan State University. Ang patnugot ng pahayagan na si Jericho Samson ay Ilocos Chairperson ng CEGP.

BALITA

Harasment sa mga mamamahayag sa kampus sa Bicol at IlocosNaging biktima ng paniniktik at pagbabanta ang mga kasaping mamamahayag sa kampus ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa Camarines Sur, Bicol at Ilocos nitong buwan ng Marso.

Noong Marso 17, pinuntahan ng mga pulis ang opisina ng The Pillars, opisyal na pahayagan ng mag-aaral ng Ateneo de Naga University upang maniktik tungkol sa mga aktibidad ng CEGP sa rehiyon. Ang patnugot ng The Pillar na si Jan Joseph Goingo ay CEGP Vice Chair for Luzon.

Ayon kay Goingo, naglabas ng memorandum ang PNP sa Bicol at 9th Infantry Division

Mariing kinundena ng International League of People’s Struggles ang mga imperyalistang hakbangin ni Donald Trump na lumalabag sa soberanya at karapatan ng mga inaaping mamamayan mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Nanawagan din ang grupo ng ibayong paglaban sa imperyalismong US.

Sa umaga ng Abril 7, naglunsad ng isang missile airstrike ang US sa isang Syrian airfield sa utos ni Trump bilang pagtugon umano sa isang kontrobersyal na “chemical sarin attack” sa Khan Sheikhoun, 30-milya mula sa timog ng lunsod Idlib sa Syria.

Inakusahan ng Estados Unidos ang pangulo ng Syria na si Bashar al-Assad bilang salarin umano sa likod ng nasabing atake. Pinabulaanan naman ito ni Assad at iginiit na pawang gawa-gawa ito ng US bilang bahagi ng destabilisasyon umano laban sa kanya.

Inakusahan din ng Rusya ang US na sumusuporta sa mga teroristang grupo gaya ng Al Qaeda at ISIS (Islamic State) na diumano’y siyang nasa likod ng mga pag-atake na ito sa mga sibilyan sa Syria.

Noong Abril 8, binalaan ni Trump si Kim Jong Un ng DPRK na magpapadala ito ng mga barkong pandigma papuntang North Korea sakaling ituloy ng DPRK ang mga plano nitong missile launch tests kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Kim Il Sung, ang takapagtatag ng bansang DPRK.

Noong Abril 14, binomba rin ng US ang isang hinihinalang kuta ng ISIS sa Afghanistan gamit ang tinatawag nitong “Mother of All Bombs” o MOAB na siyang isa sa pinakamalakas na non-nuclear bomb sa arsenal ng US.

Iligal na pag-aresto sa 57 maralitang lungsod sa QCAabot sa 57 maralitang lungsod na kabilang sa grupong Kadamay ang iligal na inaresto noong Abril 3. Walo sa inaresto ay mga senior citizens na habang 16 naman ay mga menor-de-edad. Kinasuhan ang 41 sa kanila ng trespassing at pamimilit at pinagbabayad ng P14,000 na pyansa bawat isa.

Inaresto sila isang araw matapos sinimulan nila ang pag-okupa sa bakanteng lote sa Apollo, Tandang Sora sa Quezon City kung saan deka-dekada na silang nakatira bago dinemolis ang kanilang komunidad noong maagang bahagi ng taong 2016.

Nanatili ang mga nawalan ng tirahan sa lansangan malapit sa Apollo nang mahigit siyam na buwan subalit nagpasya silang okupahin ang nakatiwangwang na lote matapos silang pagbantaan ng Metro Manila Development Authority na palalayasin sa kalsada.

Ayon sa mga inaresto, walang basehang dineklara ng lokal na pamahalaan na may fire hazard ang lugar upang bigyang-katwiran ang demolisyon. Aabot na sa mahigit 4,000 pamilya sa Metro Manila ang dinemolis at nawalan ng tirahan sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Mga imperyalistang pakana ni Trump sa North Korea at Syria

Pagtangka ng mga magsasaka sa Davao na bawiin ang lupang kinamkam ng Lapanday Food Corp.

Page 8: >> Ituloy sa p -  · PDF filesektor ng mga manggagawa kahit ibinida ... Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Uma), sinimulan ng mga magsasaka ang okupasyon at bungkalan ng

8 LATHALAIN

Pinaratangang ‘pagnanakaw’ at tinawag na ‘anarkiya’ ang matagumpay na mobilisasyon ng Kadamay. Karamihan sa mga nag-okupa ay tinaboy sa kanilang mga tahanan at ilang taon nang walang bubong sa kanilang mga ulo.

Samantala, ang mga in-okupang housing unit ay hindi bababa sa limang taon nang nakatiwangwang. Ang tinuturong dahilan ng National Housing Association (NHA) ay kawalan diumano ng demand para sa mga nasabing housing unit. Ito ang nag-udyok sa Kadamay na magpasyang angkinin ang mga bahay.

Sa halip na pakinggan ang hinaing ng mga okupante, binantaan pa sila na marahas na paaalisin sa mga inokupang relocation site. Ngunit hindi nito natakot ang libu-libong maralita. Dahil sa kanilang sama-samang pagkilos, napilitan si Presidente Duterte na magdeklara na walang magaganap na pagpapaalis sa kanila.

Neoliberalismo sa pabahayBakit natiwangwang ang 6,000 pabahay samantalang libu-libong maralita ang walang sariling tahanan? Bagama’t may posturang makabayan ang rehimeng Duterte, nananatiling nakatayo ang neoliberal na sistemang tinungtungan ng

lahat ng nagdaang rehimen. Sa kasalukuyan, mayroong 1.5. milyong informal settler sa buong bansa, 39% nito ay nasa loob ng Metro Manila. Ayon sa datos na nilabas ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) noong December 2016, tinatayang may 2.02 milyong kakulangan sa pabahay sa buong bansa. Tinatayang lolobo ito sa 6.80 milyon sa 2022: halos 797,000 na Pilipino ang dumadagdag sa numerong ito bawat taon.

Sa kabilang banda, may 52, 341 nakatiwangwang na unit ng pabahay sa buong bansa ayon sa NHA. Ang malaking diskoneksyon na ito ay maiuugat sa patuloy na pagkiling ng pamahalaan sa neoliberalismo, kung saan ang mga proyektong may kinalaman sa mga sosyal na pangangailangan tulad ng tubig, kuryente, edukasyon at pabahay ay isinasagawa sa pamamagitan ng public-private partnership o PPP.

Pinag-aagawan ng malalaking korporasyon ang pabahay bilang negosyo dahil maraming ganansya dito, ayon sa inilatag na batas ng pamahalaan. Ayon sa RA 7279 o Urban

Development and Housing Act (UDHA), makakakuha ng 30% kaltas sa taxable income ang sinumang makaakibat ng gobyerno sa negosyong ito. Ilan pa sa mga benepisyo ay exemption sa capital gains tax, value added tax, transfer tax at donor tax.

Dahil kaakibat ang pribadong interes ng mga malalaking kumpanya sa mga proyektong ito, malinaw na prayoridad nito ang kikitain ng mga pribadong korporasyon imbes na tugunan ang interes at pangangailangan ng mga maralitang Pilipino Sa madaling salita, ang kasalukuyang sistemang pabahay ay hindi serbisyo kundi negosyo.

Nakabalangkas ito sa ibina- anderang “Dutertenomics“ ng kasalukuyang administrasyon, na bagamat nakapostura ayon sa paglikha ng imprastraktura ay patuloy na nakayakap sa neoliberal na pagtaguyod ng pribadong interes.

Karamihan sa mga proyektong pabahay ng gobyerno ay hindi abot-kaya, lalo para sa mga lugmok sa kahirapan. Ang isang Bistekville na

Nagulantang ang buong bansa noong Marso 8 nang okupahin ng mga libu-libong maralitang tagalungsod sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang 6,000 na nakatiwangwang na pabahay sa anim na relocation site sa Pandi, Bulacan.

pabahay, halimbawa, ay may amortisasyon na Php 2,273.84 kada buwan sa loob ng 30 taon. Karamihan sa mga maralitang tagalunsod ay kulang pa ang kinikita para sa pagkain at iba pang gastusin. Karamihan din ay hindi kwalipikado para sa Home Mutual Development Fund (HMDF) at Pag-IBIG. Ang mga pabahay ay hindi lamang maliliit kundi sub-standard at patsi-patsi ang pagkakagawa. Wala ring maiinom na tubig at elektrisidad.

Inspirasyon sa pakikibakaSa harap ng kalunoslunos na kalagayang ito, nagpapatuloy ang Kadamay sa pagsulong ng kapakanan at karapatan ng mga maralita. Nagtutulungan ang buong komunidad upang masiguro ang mga batayang pangangailangan at mapabuti ang kanilang kabuhayan. Sa pakikipagtulungan sa iba pang sektor, naglulunsad ng mga pag-aaral sa pambansang demokrasya at pinapatibay ang organisadong lakas ng maralita.

Sa huli, pinapakita ng Occupy Bulacan ang pagiging makatarungan ng paglaban ng maralita laban sa mga neoliberal na atake sa mamamayan. Nagsisilbi itong patunay sa kapangyarihan ng organisado at militanteng sama-samang pagkilos upang igiit ang demokratikong interes ng mamamayan.

#OccupyBulacan: ang maghimagsik ay makatarungan

“Pinapakita ng Occupy Bulacan ang pagiging makatarungan ng paglaban ng maralita laban sa mga neoliberal na atake sa mamamayan.