16
‘TRATUHIN KAMI BILANG TAO’ MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

‘TRATUHIN KAMIBILANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWASA QATAR

Page 2: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

“Pakitulungan kami, ang kumpanya namin… hindi kamipinasahod nang apat na buwan. Wala kaming pera para sapagkain o upa. Kung magsusumbong kami sa labor office, baka mawalan kami ng trabaho. Pakipadala ang liham na ito sa kung sinumang makakatulong sa amin.”Email na natanggap ng Amnesty International mula sa mga manggagawa sa Qatar, Hulyo 2013

Tinatayang may 1.35 milyong dayuhan–karamihan ay mula sa mga bansa sa Asya kabilang na angBangladesh, India, Nepal, Pakistan, Pilipinas at Sri Lanka – ang nagtatrabaho sa Qatar. Sa kasalukuyan, mga migranteng manggagawa angbumubuo sa 94 porsiyento ng kabuuang bilang ngmga manggagawa sa bansa. Mabilis na lumalakiang kanilang populasyon ng Qatar, dahil na rin sapagrecruit sa mga migranteng manggagawa natumatanggap ng mababang pasahod para

suportahan ang paglago ng imprastraktura sabansa. Inaasahang madadagdagan pa ang bilangna ito sa mga darating na taon habangnaghahanda ang Qatar para sa 2022 FIFA WorldCup. Dahil dito, lalong mahalaga na magkaroon ngmatatag at mabisang mga batas, sistema atpanuntunan na magpoprotekta sa mga karapatangpantao ng mga migranteng manggagawa. Subalitayon sa pananaliksik ng Amnesty International,napag-alamang malayo pa ito sa katotohanan.

Maraming pang-aabuso ang kinakaharap ng mgamigranteng manggagawa sa Qatar sa kamay ng mgakumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan. Sa ilangkasong inimbestigahan ng Amnesty International,kabilang sa mga pang-aabusong ito ang sapilitangpagpapatrabaho (forced labor) at ilegal napangangalakal ng mga tao (human trafficking).Pagdating ng ilang manggagawa, natutuklasan nila na ang sahod, oras, at maging ang klase atkondisyon ng magiging trabaho nila ay ibang-iba sa ipinangako sa kanila. Karamihan din sa mgamigranteng manggagawa ay nakakaranas ngpagkaka-antala o ang tuluyang di pagtanggap ngsahod, at di-makataong uri ng pabahay mula sakanilang mga employer. Mayroon ding kapangyarihanang mga employer na pigilan ang mga migrantengmanggagawa na lumipat o umalis ng trabaho namaaaring mauwi sa pagkakaipit ng mgamanggagawa sa loob ng bansa. Kung hindi i-renewng mga employer ang mga residence permit,

Amnesty International Nobyembre 2013 Index: MDE 22/011/2013

QATAR INDIA

SRI LANKA

NEPAL

BANGLADESH

PAKISTAN

ILAN SA MGA PANGUNAHING BANSANG PINANGGAGALINGAN NG MGA MIGRANTENGMANGGAGAWA SA QATAR.

INDONESIA

PHILIPPINES Itaas na larawan: Labing-isang lalaki mula Indiaat Sri Lanka ang naghihintay na mapirmahan ngQatari Ministry of Justice ang mga pekengdokumentong nagsasabing natanggap na nila ang kanilang mga suweldo – bagay na kailanganpara makuha nila ang mga kanilang papeles atnang payagan na silang makaalis ng bansa.Walong buwan na nilang hindi natatanggap angkanilang mga suweldo. Sinabi nila sa AmnestyInternational na nanunuluyan sila sa isang bahayna walang kuryente o malinis na tubig atdalawang araw na rin silang hindi nakakakain.Doha, 2013.

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Ipinapakita mg mapang ito ang kabuoang lokasyon ng mga lugar at hangganan. Ang mga lugar na may kulay ay nagpapakita lamangng administratibong kontrol ng mga teritorya, at hindi ang perpektiba ng Amnesty International sa usapin hinggil sa pinagtatalunanghangganan.

Page 3: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

nanganganib na maaresto at mapaghinalaang“ilegal” ang mga nasabing manggagawa.

Ang kawalan ng respeto para sa mga karapatan ngmga migrante ay nakapagdudulot ng matindi atmatagal na paghihirap hindi lamang sa mgamigranteng manggagawa, kundi maging sa mgapamilya nilang umaasa sa kanila. Nasaksihan ngAmnesty International na kinakaharap ng mgamanggagawa ang matinding kakulangan sa pagkainat paninirahan sa mga kalunos-lunos na kondisyon,kung saan walang kuryente, malinis na tubig-inumin owastong sanitasyon. Para sa maraming naglahad saAmnesty International ng sinapit nila, hindi natataposang bangungot sa kanilang pag-uwi dahil makalipasang mga buwan o mga taon ng pagtatrabaho sapinakamayamang bansa sa mundo, umuuwi silanghindi na nga natanggap ang sahod, baon pa sa utang.

Ang Labor Law, na dapat ay nagtatanggol sa mgamigranteng manggagawa laban sa pananamantala, ay hindi naipapatupad ng husto at hindi pasumasaklaw sa ilang kategorya ng mga manggagawagaya ng mga domestic worker. Dahil dito, madalangang mga kaso kung saan napapanagot ang mgamapang-abusong amo.

Marami sa mga opisyal ng Ministry of Labor at Ministryof the Interior ang nagbigay ng positibong pahayag nanangangakong protektahan ang mga migrantengmanggagawa. Bagama’t may mga isinagawa nangaksyon para tugunan ang mga pang-aabusong ito,

may mga hakbangin pa rin ang hindinaisasakatuparan o kaya’y di pa rin sapat kungibabatay sa mga pandaigdigang panukatan.

Tinututukan ng briefing na ito ang dalawang grupo ng manggagawa na partikular na nanganganib namaabuso: mga construction at domestic worker. Sinusuri nito kung paanong nailalagay sa panganib ng mga batas sa Qatar ang mga migrantengmanggagawa, at kung paanong mas pinapadali pa ng mga probisyon ang pang-aabuso ng mga employer.Ang mga nilalaman ng dokumentong ito ay batay samga pagbisita ng Amnesty International sa Qatar atmga panayam sa mga migranteng manggagawamismo at sa mga nagtatanggol sa kanilang mgakarapatan; mga recruitment agency; mga kumpanyangnagbibigay ng trabaho; at mga opisyal ngpamahalaan. Nananawagan ang AmnestyInternational sa mga kinauukulan sa Qatar namagpatupad ng ilang pangunahing rekomendasyonpara maprotektahan ang mga karapatang pantao nglahat ng migranteng manggagawa doon.

ANG SPONSORSHIP LAW“Ang pangunahing katangian ng sponsorshipprogram ay nakadaragdag ito sa dependency ng mgamigranteng manggagawa sa kanilang mga sponsor,kung saan mas nalalantad sila sa iba’t-ibang anyong pagmamalabis at pang-aabuso.”Pangwakas na obserbasyon ng UN Committee on the Eliminationof Racial Discrimination, Qatar, Marso 2012

Saklaw ng Sponsorship Law ang lahat ngdayuhang manggagawa sa Qatar. Sa sponsorshipsystem, mabisang naitatali ang mga migrantengmanggagawa sa isang “sponsor” na kanila ringemployer, na maaring isang indibidwal okumpanyang naka-base sa Qatar.

Sa ilalim ng batas, maaaring pigilan ng mgaemployer ang mga manggagawana magpalit ngtrabaho; harangan ang pag-alis nila sa bansa; o ipawalang-bisa ang residence permit nila. Hindi maibibigay o maire-renew ng mgamanggagawa ang kanilang mga residence permit(kilala rin bilang “ID”) ng walang pahintulot ngkanilang employer at ang bawat manggagawangwala nito ay nanganganib na maaresto.

“May mga nakakulong dahil wala silang mga ID,may mga iba naman na pinapakawalan. Pero itoang dahilan kaya hindi na kami lumalabas.”Migranteng manggagawa, Marso 2013

Dapat na isauli ng mga employer ang passport ng mga manggagawa pagkatapos makuha angkanilang residence permit, ngunit hindi ito ginagawang karamihan.

Marami sa mga migranteng manggagawa nanakipag-usap sa Amnesty International aynagsabing hindi nila malalabanan ang mgaabusadong sponsor dahil sa takot na paghigantihansila ng mga ito. Binibigyan ng Sponsorship Law ang

Index: MDE 22/011/2013 Amnesty International Nobyembre 2013

Page 4: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

mga employer ng mga kasangkapang legal namaaari at talagang ginagamit para takutin ang mga manggagawa at pilitin silang magtrabaho, sa kabila ng kanilang kalayaan sanang mag-resign,lumisan ng bansa o maghain ng reklamo laban sa kanilang amo. Kailangang isumbong ng mgaemployer ang mga manggagawang tumatakas(“absconded”ang salitang ginagamit ng gobyerno ng Qatar para ilarawan ang mga manggagawangumalis nang walang pahintulot ng amo). Maaari itong magresulta sa pagkakakulong,pagbabayad ng malaking multa, at pagpapa-deportsa mga manggagawa. Dahil sa hindimakakapagpalit ng trabaho ang mga migrantengmanggagawa ng walang pahintulot ng kanilangamo, maging ang mga nalinlang sa takda atkondisyon sa kanilang pinapasukan ay napipilitangmagpatuloy ng pagtatrabaho para lamangmabayaran ang mga inutang nila sa kanilangpangingibang-bayan.

MGA EXIT PERMITSa ilalim ng Sponsorship Law, kailangang kumuha ang mga migranteng manggagawa ng exitpermit mula sa kanilang mga employer paramakaalis ng bansa. Nasa kapangyarihan ng mgaemployer na pigilan ang mga migrantengmanggagawa na umuwi para sa taunangpagbabakasyon o pagtatapos ng kontrata.Hinahayaan ng batas na ito na pagtrabahuhin ngemployer ng mas matagal ang mga manggagawa,gamit ang dahilang inaasikaso at prinoproseso padi-umano ang detalye ng kanilang pag-alis.Hinahadlangan ng sistema ng exit permit angmaraming manggagawa na maghain ng reklamosakaling sila man ay maabuso.

Malabo, komplikado, at mahabang proseso angpagpapahintulot sa mga migranteng manggagawana makaalis ng bansa sakaling hindi magawa o ayaw magbigay ng kanilang employer ng exit

permit. Inamin ng mga miyembro ng pamahalaan ng Qatar na mahirap panatilihin at ipagtanggol ang mga manggagawa sa kasalukuyang sistemang ganito.

"Mahirap na panatilihin ang sistema sa exit permitsa kasalukuyan nitong porma… Ihinahalintulad itosa pang-aalipin. Hindi ito maaaring manatilingganito.”Dating Prime Minister Sheikh Hamad bin Jassim bin Jabor Al Thani, 2007

Kinilala ng National Human Rights Committee ng Qatar ang tinatawag nitong “negatibong asal” ng mga sponsor sa “di-makatarungang pagkait sakarapatan ng mga empleyado na makakuha ng exitpermit para makaalis ng bansa”. Gayunpaman,nananatili ang ganitong sistema hanggang sanailathala ang pinakahuling Sponsorship Law noong 2009.

Amnesty International Nobyembre 2013 Index: MDE 22/011/2013

Page 5: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

“Nais kong ipahayag ang aming pagkadismaya sa pagtrato ninyo sa halos 100 manggagawangIndian na puno ng pangarap sa pagpunta saQatar. Hindi ninyo na nga sila binayaran ng ilangbuwan, pinagmulta ninyo pa sila para langmakabalik sa kanilang bansa.”Liham mula sa Deputy Chief of Mission ng Indian Embassy sa Doha para sa isang constructioncompany, 21 Mayo 2013

Ang bagong-tayong Ras Laffan Emergency andSafety College ay matatagpuan may 50 minuto sa hilaga ng Doha, ang kabisera ng Qatar.Ipinagmamalaki ng mga kinauukulan ng Qatarang state of the art na pasilidad na ito. Subalit,para sa ilang migranteng manggagawa mula saIndia, Nepal at Sri Lanka na tumulong sapagpapatayo ng campus, ang pagtatrabaho sa Qatar ay isang karanasan ng paulit-ulit na pag-abuso at paglabag sa kanilangkarapatang pantao.

Malaki ang pagkakaiba sa dapat na nakakamit ngmga migranteng manggagawa kumpara sa nagingpagtrato sa kanila. Matapos itigil ng kumpanyaang pagbabayad sa mga manggagawa sakalagitnaan ng 2012, nahirapan na silangtustusan ang kanilang pagkain at iba pangpangunahing pangangailangan. Noong Nobyembre2012, tumigil na sila sa pagtatrabaho makalipasang ilang buwang hindi nila pagsuweldo. Ninaisna rin nilang umalis ng Qatar. Ngunit hinditinupad ng kumpanya ang pangako nito sa mgamanggagawa na makaalis ng bansa. Walangdumating na tiket ng eroplano o exit permit athindi isinauli ng kumpanya ang mga pasaporte ngmga manggagawa. Nabigo rin ang kumpanya nabigyan ng valid na residence permit angkaramihan sa mga ito, kung kaya’t kinakaharapnila ang malalaking multa at panganib namaaresto kung tatangkain man nilang lumayokahit man lamang mula sa pintuan ng kanilang tinutuluyan.

“Hawak ng kumpanya ang passport ko. Hindi nilaito ibibigay sa akin hanggang makapunta ako ngimmigration... mayroon ding 3000 riyals [US$824]na multa para sa [residence] permit ko na napaso

noong Pebrero 2011. Sinabi ng kumpanya, 'kung gusto mong umalis, kailangan mongbayaran ang multang ito'.”Migranteng manggagawa, Marso 2013

Paulit-ulit na humingi ng tulong ang mgamanggagawa mula sa maraming institusyon sa Qatar, kabilang na sa Ministry of Labor,ngunit di sila nagtagumpay. Sa mga unangbuwan ng 2013, dose-dosenang manggagawaang naipit pa rin sa bansa na walang sahod atwalang paraan para makauwi. Nang makipag-usap ang Amnesty International sa mgamanggagawa noong Pebrero 2013, nakikitaanna sila ng desperasyon at depresyon na dala ngstress mula sa kanilang sitwasyon atpangamba na hindi nila masuportahan angmga pamilya nila sa kani-kanilang bansa.

“Araw-araw ay umiiyak ang misis ko at sinasabingumuwi na raw ako...Hirap na hirap kami sa pera.Araw-araw nang nagtatanong ang mga anak kokung kailan uuwi ang ama nila.”44-taon gulang na Indian welder na dating nagtatrabahosa isang construction company, Mayo 2013

Noong Pebrero 2013, pinaabot ng AmnestyInternational ang kalagayan ng mga manggagawasa Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Labor,Ministry of the Interior, at sa National HumanRights Committee, upang himukin ang mga itong umaksyon at resolbahin ang sitwasyon ng mga manggagawa. Sa unang bahagi ng Marso 2013, may 30 hanggang 40 namanggagawa na ang nakauwi sa kanilang bansa.Karamihan sa kanila ay nagbayad ng multa atbumili ng sariling tiket pauwi. Para ibalik ngkumpanya ang passportsa kanila, karamihan ay kinailangang lumagda sa mga papeles nanagsasaad na natanggap na nila ang lahat ng sahod at benepisyo na ipinangako ngkumpanya—kahit iilan lamang ang nakatanggapng kaukulang sahod sa kanilang pag-alis.

Noong Hulyo 2013, nakauwi na sa wakas ang huling tatlong manggagawa, isang taonmakalipas na itigil ang pagpapasahod sa kanila.

Index: MDE 22/011/2013 Amnesty International Nobyembre 2013

5

PINAGARALANG KASO

Naniniwala ang Amnesty International na angsistema ng exit permit ay isang paglabag sakarapatan sa malayang pagkilos (freedom ofmovement) at napapahintulutan nito ang pang-aabuso sa mga karapatan ng manggagawa.Sa ilang kaso, ginagamit ito para isailalim ang mga manggagawa sa sapilitang pagtatrabaho.

Day-off ng mga migranteng manggagawa saindustrial area ng Doha, isang Biyernes, 2013.

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Page 6: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

HINDI MAKA-ALIS, MAPANGANIB KUNGMANANATILI SILALabag sa batas na kumpiskahin ng mga employerang passport ng mga manggagawa. Ayon sa Ministryof the Interior, kapag ipinagkait ng mga employer angpassport sa ganitong paraan, maaaring maghain ngreklamo ang mga manggagawa. Ngunit sa maramingkaso, sa kabila ng paglapit sa Ministry, naghihintaypa din ang mga manggagawa ng mahabangpanahon at nananatili ng matagal sa bansa.

Dapat na i-renew ang mga residence permit ng nasaoras. Kapag hindi ito naisaayos ng mga employer,may ipinapataw na multa sa mga ito na dapat nilangbayaran bago payagang umalis ng bansa ang mgamigranteng manggagawa namamasukan sa kanila.Kung hindi makapagbayad o ayaw magbayad ng mgaemployer, mismong ang mga manggagawa pa angnagbabayad ng mga multa para lamang makauwisila. Nanganganib din na maaresto ang mga walangbalidong residence permit sa mga ID check at hindisila makakakuha ng government health card upangmakatanggap ng subsidized at non-emergency naserbisyong pangkalusugan (hindi kailangan nghealthcard para makakuha ng pang-emergency napangangalaga). Dahil mga migrante lang angapektado, nangangamba ang Amnesty Internationalna maaaring may diskriminasyon na nagaganap sakasalukuyang sistema ng serbisyong pangkalusugan.

Ikinalugod ng Amnesty International ang pahayag ngpamahalaan ng Qatar noong Oktubre 2012 tungkolsa pagbuo nito ng grupong tatalakay at mag-rerepaso ng Sponsorship Law, bagama’t wala pangnababatid na karagdagang impormasyon patungkolsa anumang desisyong nagawa na ng nasabinggrupo. May mga agam-agam din na ang ilan sa mga pagbabagong tinalakay ng pamahalaan sa publiko ay hindi sapat upang tumugon sa mga pandaigdigang panukatan. Halimbawa,bibigyan pa rin ng kapangyarihan ang mga employer na pigilang umalis ng bansa ang mga migranteng manggagawa.

ANG LABOR LAW AT PAGKAMIT NG KATARUNGANNagbibigay ng mahahalagang proteksiyong legal samga manggagawa ang 2004 Labor Law ng Qatar atmga kaugnay na batas nito. Subalit, may ilangmalalaking grupo ng mga migranteng manggagawaang partikular na hindi isinama, kabilang na angmga domestic worker. Walang proteksiyon ang mgamigranteng mangagawa na di sakop ng batas ngQatar sa mga usapin gaya ng haba ng oras ngtrabaho; mga leave at day off; proseso ngpagrereklamo sakaling may pang-aabuso;pangangalagang medikal; o sapat na matutuluyan.

May matitinding pagkukulang din ang Labor Law at ang pagpapatupad nito maging sa mganasasaklawang manggagawa. Halimbawa,nakokompormiso ang pagpapatupad ng batas dahilsa kakulangan sa bilang ng mga inspektor, atmababang multang ipinapataw sa mga mapang-abusong employers. Hindi rin pinapayagan ng batasna sumapi ang mga migranteng manggagawa samga unyon (trade union).

Maaaring ilipat sa Ministry of Labor ng mgamanggagawang may hinaing laban sa kanilangemployer ang kanilang reklamo kung saklaw sila ng Labor Law upang matulungang maihain angkanilang kaso sa korte. Subalit, maaaring abutin ng ilang buwan bago maresolba ang mga kasonghumahantong sa korte. Maaaring paulit-ulit nakailanganin ng manggagawa na dumalo sa mgapagdinig na malayo sa kanilang tinitirhan.

Malaking dahilan ang mga hadlang na ito para hindiituloy ng mga manggagawa ang kanilang reklamo;karamihan sa kanila ay hindi binabayaran habangdinirinig ang kaso. Para sa mga manggagawa nanagpupursiging ituloy ang reklamo, karaniwannilang ginagastos ang anumang perang naitabi nilahabang nasa Qatar o kaya’y nanghihiram sila samga kaibigan para makabili ng makakain omatugunan ang mga gastusin para sa kaso,

dahil walang sistemamg nagbibigay ng ayudanglegal (legal aid system) para sa kanila.

Marahil ang pinakamahirap na kinakaharap ng mgamanggagawang naghahangad ng katarungan sapamamagitan ng Labor Court ay ang mga bayarin nakaraniwang hinihingi ng korte para sa ulat ngdalubhasa (expert report). Ang 600 riyals (US$165)na bayad ay karaniwang kumakatawan sa halosisang buwang sahod ng isang construction worker.Ang pagkalap ng naturang halaga ay isang hadlangpara sa karamihan ng mga manggagawa, lalo na’tmaaaring kasama sa mismong inirereklamo nila anghindi pagtanggap ng sahod. Marami sa mga

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

Amnesty International Nobyembre 2013 Index: MDE 22/011/2013

6

Si Bhupendra, isang migranteng manggagawamula sa Nepal. Qatar, Marso 2013.Matapos siyang malumpo dahil sa isangaksidente sa lugar na kanyangpinagtatrabhuhan noong Hunyo 2011,nanirahan siya sa Qatar ng walang sahodhabang inilalaban sa korte ang kumpensasyonpara sa pinsalang kanyang natamo. Naka-uwi lamang siya noong Hulyo 2013,makaraang manalo sa kaso at matanggap ang kumpensasyon.

Page 7: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

manggagawang nakausap ng mga tagapagsaliksikng Amnesty International ang nagsabing iniurongnila ang mga kaso nila nang hingan sila ng bayadpara sa nasabing ulat ng dalubhasa (expert report).

“Ipapadala ng Labor Department ang kaso sa korte at doon ay kailangan mong magbayad ng 500 o 600 riyals [US$137 o US$165]. Paanong mababayaran ng manggagawa ito? Parang inaakyat mo ang Mount Everest.”Representative at the embassy of a labour sendingcountry, Doha, 2013

Sa kasalukuyan, hindi pinahihintulutan ang mgamigranteng manggagawa na sumali o bumuo ngunyon (trade union). Naiulat na tumatanggap ngmga mungkahi ang pamahalaan na bumuo ngkomite na "tutulong [sa mga manggagawa atemployer] na makamit ang mga karapatang itinakdasa Labor Law ng Qatar". Subalit, tanging mga Qatari lamang ang pinapayagang maging bahagi ng komite; magkakaroon ng karapatan ang mgamigranteng manggagawa na bumoto, ngunit hindipara tumakbo at maging bahagi ng komite. Ang ganitong sistema ng komite ay hindi naaayon sa mga pandaigdigang panukatan patungkol sakalayaan sa pakikianib (freedom of association).

Hinihimok ng Amnesty International angpamahalaan ng Qatar na tugunan ang mgapagkukulang ng Labor Law at ipatupad ito sa lalongmadaling panahon upang matiyak na natutugunanng Qatar ang mga tungkulin nitong protektahan angpandaigdigang karapatan ng mga manggagawa.

Index: MDE 22/011/2013 Amnesty International Nobyembre 2013

7

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Page 8: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

Amnesty International Nobyembre 2013 Index: MDE 22/011/2013

8

1 Balot ng ulap ang isang construction site nanapalilibutan ng mga magagarang tahanan atmga corporate skyscrapers sa Doha, 2012.

2 Mga migranteng manggagawa sa Al AttiyahMarket sa industrial area ng Doha, Oktubre2012. May isang araw na day-off, kadalasanay Biyernes, kada isang linggo ang mgamigranteng manggagawa.

3 Business District sa Doha, Marso 2013.Noong 2012, kinilala ng Forbes Magazineang Qatar bilang pinakamayamang bansa per capita sa buong mundo

4 Tirahan ng mga migranteng manggagawa,Doha.

5 Mga migranteng manggagawa sa industrialarea ng Doha, Oktubre 2012. Karamihan samga migranteng manggagawa sa Qatar aynaninirahan sa mga pabahay na malayo samga business at residential district.Hinaharap din ng marami sa kanila angnegatibong pakikitungo ng mga Qatari.

6 Mga construction workers sa Doha.Mahigit kalahating milyong migrantengmanggagawa ang nagtratrabaho salumalagong industriya ng konstruksyon sa Qatar.

7 Isang migranteng manggagawa sa labas ngkaniyang tinitirhan sa isang camp, Oktubre2012. Ginagamit na din ng employer angtinitirahan ng mga manggagawa bilangbodega ng mga pintura at kagamitang pang-konstruksyon. Labag sa mga regulasyon ngQatar ang pag-iimbak ng mga kagamitangpang-konstruksyon sa labas ng kusina atmga tulugan ng mga manggagawa.

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

1

3

4

2

5

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

© A

mne

sty In

tern

ationa

l© R

icha

rd M

esse

nger

© O

mar C

hatriw

ala

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Page 9: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

Index: MDE 22/011/2013 Amnesty International Nobyembre 2013

9 ‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

6

7

© R

icha

rd M

esse

nger

© S

haival D

alal

Page 10: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

MGA CONSTRUCTION WORKERPinaniniwalaang magkakahalaga ng mahigit saUS$220 bilyon ang paglago ng konstruksiyon saQatar sa paparating na dekada. Ayon sapinakahuling census, mayroong 2,519 naconstruction companies sa Qatar noong 2010. Ang mga kumpanyang ito ay employer ng 503,518migranteng manggagawa: 500,674 na kalalakihanat 2,844 na kababaihan.

Para sa maraming malalaking proyekto sa Qatar,ang nagmamay-ari o kliyente ay isang institusyon saQatar na bahagi o may malapit na kaugnayan sapamahalaan. Ayon sa Middle East Economic Digest,sa pagitan ng mga taong 2012 at 2020, tinatayanggagastos ng US$117.5 bilyong kapital angpamahalaan para sa mga proyekto, kabilang na angpagpapatayo ng mga stadium at imprastrakturapara sa nalalapit na 2022 FIFA World Cup. Dahil dito,maraming kumpanya sa buong mundo angnahahalinang pumunta sa bansa para makibilangsa mga kumpanyang nakabase dito at manguna samga proyekto na may komplikadong supply chain atmahihigpit na deadline.

Madalas ay kinakaharap ng mga construction workerang kalunos-lunos na uri ng tirahan at peligrosongkalagayan sa pinagtatrabahuhan. Ayon sa isangsenior medical officer sa pangunahing ospital ngDoha nitong 2013, mahigit sa 1,000 katao ang naa-admit dito bawat taon na may mga pinsalangnagmula sa pagkakahulog sa mga construction

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

Amnesty International Nobyembre 2013 Index: MDE 22/011/2013

10

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Page 11: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

sites; 10 porsiyento sa mga kasong ito ay nauuwi sapermanenteng kapansanan.

Bagama’t nagtakda ang mga kinauukulan sa Qatarng mga panukatan para sa mga tirahan ng mgamigranteng manggagawa, sa katotohanan, masmasahol dito ang nararanasan ng karamihan samga migranteng manggagawa. Malawakangproblema ang pagsisiksikan, at karaniwangpinagkakasya ang may 10 hanggang 15 katao saisang maliit na silid. Malaking panganib din na walao di-gumagana ang air conditioning, kung saanmaaaring umabot sa 45oC ang temperatura.Karaniwang problema rin ang mga umaapaw na imburnal at mga poso-negrong walang takip. Ang mga compound na hindi nalilinis, hindi regularna nakokolekta ang basura, at maduming palikuranat kusina ay mga problemang nakadaragdag sapamumugad at pagdami ng mga insekto.

Bukod pa rito, ang atrasadong bayad at mganegatibong epekto ng Sponsorship Law aynangangahulugan na napipilitang magtiis ang maraming construction worker sa mgamapagmalabis na kondisyon sa kanilang trabaho.

Nag-uugat ang kalunos-lunos na pagtrato sa mgaconstruction worker sa negatibong pakikitungosakanila. Narinig ng Amnesty International mula sa isangmanager ng isang nangongontratang kumpanya naang isang liham mula sa mga empleyadong Nepali aykatumbas ng “liham mula sa mga hayop."

Karamihan sa mga pang-aabusong naiulat saAmnesty International ay dinanas ng mgamanggagawang nagtatrabaho sa maliliit nakumpanyang nangongontrata sa may 50 hanggang200 na manggagawa. Subalit, nangangamba angAmnesty International na ang ilang project owners at

malalaking contractors, kabilang na ang mgamultinational construction companies sa Qatar, ay bigo rin sa kanilang pananagutang protektahanang mga manggagawang nagtatrabaho sa kani-kanilang mga site. Lubhang mahalaga para sa mga pandaigdigang kumpanya at mgaorganisasyong Qatari, gaya ng Qatar 2022organizing committee, na pamahalaan ang kanilangmga sub-contractor at pigilan ang mga pang-aabusong nagaganap sa kanilang mga proyekto.

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

Index: MDE 22/011/2013 Amnesty International Nobyembre 2013

11

MGA ESTADISTIKANGNAGSISIWALAT

90%sa mga manggagawa ay nakaranas nang maitago ng employer ang passport

56% ay walang health card mula sa pamahalaan, na kailangan upang makatanggap ng lunas mula sa mga pampublikong ospital

21%ang “minsan, bihira o hindi kailanman” nakatanggap ng sahod sa tamang oras

20%ay nakatanggap ng sahod na naiiba sa ipinangako sa kanila

15%ay gumagawa ng trabahongnaiiba sa ipinangako sa kanila

Source: Batay sa survey sa 1,189 low-income namanggagawa sa Qatar na isinagawa noong 2012 ang pag-aaral na pinondohan ng Qatar National Research Fund.

Larawan sa kaliwa: Mga tambak ng basura saisang labor camp sa industrial area ng Doha,March 2013. Hindi nakakabayad ang nasabingkumpanya ng regular para sa koleksyon ng mgabasura, napagalaman din ng AmnestyInternational na mayroon silang problemangpang-pinansiyal.Gitna: Isang migranteng manggagawa sakanyang silid-tulugan sa loob ng isang laborcamp. Nakahanda na ang kanyang mga bagahesa pag-uwi, Qatar 2012. Karaniwang sobrangsiksikan ang mga manggagawa sa kanilangtinutuluyanItaas: Mga migranteng construction worker saDoha, Marso 2013.

© S

haival D

alal

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Page 12: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

12

DOMESTIC WORKERS“Ano ang isang bagay na nais kong mabago?Tratuhin kami na parang tao.”Domestic worker, kausap ang Amnesty international, makalipas ang isang buwan matapos umalis sa kaniyang amo,Doha, Oktubre 2012

Ayon sa 2010 census, may 130,000 katao, kung saan80,000 ay kababaihan, ang nagtatrabaho sadomestic sector. Ang pinagsamang epekto ngSponsorship Law, kung saan hindi nabibilang angmga domestic worker para sa proteksiyong itinakdang Labor Law, at ang pagkabukod o mismongpaninirahan ng mga manggagawang ito sa tahananng kanilang amo, ay nagdudulot ng kakaibangpanganib para sa grupo. May kinakaharap silangmas malaking hadlang upang magkamit ngkatarungan at makatakas mula sa mga mapang-abusong sitwasyon.

“Ang grupong ito, na natatago ang kalagayan salikod ng mga pader ng bahay ng kanilang amo, ay walang kaduda-dudang pinaka-nanganganib namaabuso at mapagmalabisan. Higit pa sa epekto ngsponsorship system at iba pang dahilan upangmabiktima, napapalala ang kanilang kalagayan ngmahinang legal framework na nakapalibot sakondisyon ng kanilang pinagtatrabahuhan.”UN Special Rapporteur sa trafficking in persons, lalo na ng mgakababaihan at kabataan, kasunod ng pagbisita niya sa Qatar,Bahrain at Oman noong 2006

“Natuklasan namin habang nag-iimbestiga sa mgahousemaid at driver na nakatakas mula sa kanilangmga sponsor na ang pagmamaltrato, karahasan satahanan, sobrang pagpapatrabaho (sa Ramadan) at kawalan ng day-off sa isang Linggo ay ilan sa malalaking problema na nag-udyok sa kanilaupang tumakas.”Director ng Search and Follow-up sa Ministry of the Interior, 2011

Kadalasang nire-recruit ang mga domestic workergamit ang mga pangako, na kung minsan aysinusuportahan ng mga detalyadong kontratangnaglalaman ng magandang sahod para sa walongoras na pagtatrabaho sa isang araw, at anim naaraw sa isang linggo na pagbabantay ng mga bata.Subalit, pagdating nila sa Qatar, maaaring ibang-iba ang kakaharapin ng mga kababaihan, na magtatrabaho ng napakahahabang oras,pitong araw sa isang linggong paglilinis, pagluluto at pagbabantay sa maraming bata,habang tumatanggap ng mas mababang sahod na di-ayon sa napag-usapan. Marami rin ang nag-uulat ng di-makataong pagtrato mula sa kani-kanilang mga amo.

Partikular na problemang kinakaharap ng mgakababaihang nagtatrabaho sa bahay ng kanilangemployer ang karahasang batay sa kasarian(gender-based violence), kabilang na angkarahasang sekswal. Mas apektado rin ang mgadomestic worker sa pagsasa-kriminal sa Penal Codeng mga relasyong sekswal sa labas ng kasal. May ilang kababaihang nagsumbong sa mga

awtoridad na sila ay ginahasa, at sa halip namatulungan ay naimbestigahan pa dahil sa "mga bawal na relasyon” (illicit relations). Isang babae ang nagsabi sa Amnesty Internationalkung paano niya tinawagan agad ang pulis matapossiyang gahasain ng isang lalaking nanloob sa bahay ng kaniyang amo noong Pebrero 2012.Kinasuhan siya ng “bawal na relasyon” atnabilanggo ng halos apat na buwan. Noong Hulyo2013, napag-alaman ng Amnesty International na patuloy ang paglilitis sa nasabing babae; napag-alamang walang maayos pagsisiyasat angisinagawa sa reklamo niyang panggagahasa.

Karaniwang nag-uulat ang mga kababaihang nire-recruit mula sa Pilipinas para magtrabaho sa Qatarna nilinlang sila tungkol sa sasahurin nila. Sinabi saAmnesty International ng isang residente ng Doha natumutulong sa mga Pilipinong migrante na:

“Madalang na sinusunod ang $400 na kontrata.Binibigyan sila ng pamalit na kontrata sa wikangArabic, at maraming ibinabawas sa kanilangsahod, kasama na ang mga ‘recruitment charge’at ‘residence permit renewal fee’.”

Iniulat rin ng mga kababaihan na ibang-iba anghaba ng oras ng kanilang trabaho at uri ngtrabahong ginagawa kaysa sa mga ipinangako sakanila. Maaaring napakatindi ng epekto ngpanlolokong ito sa kanilang pag-iisip. Sinabi ngmga opisyal sa Psychiatric Unit ng Hamad Hospital(ospital na tumatanggap ng mga construction at

12

Amnesty International Nobyembre 2013 Index: MDE 22/011/2013

Page 13: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

domestic worker) sa Amnesty International na angpagkabalisa (anxiety) o matinding kalungkutan odepresyon na dulot ng panloloko tungkol sa trabahoay ang mga pangunhaing dahilan ng pagkaka-admit sa Psychiatric Unit. Bawat taon, may 30babaeng domestic workers ang ina-admit sa unit,higit na marami kumpara sa iba pang propesyon;ang pinakakaraniwang dahilan ng pagkaka-admitay tangkang pagpapakamatay (suicide).

Maraming domestic workers ang nag-ulat nadumanas sila ng kahihiyan at mapang-abusongpagtrato. Habang nasa Qatar sila, makokontrol ngemployer ang halos bawat aspeto ng buhay nila.Marami ang hindi pinahihintulutang umalis ngbahay. Marami ang nag-uulat na kinakandado silasa loob ng bahay tuwing aalis ang kanilang amo.

“Karamihan sa kaso ng mga domestic workers ay ang hindi pagpapahintulot ng paggamit ng cell phone. Pagdating ng empleyado – maging Sri Lankan, o Indonesian man – kinukuha namin angkanilang cell phone. Kung bibili ka ng cell phonenang walang pahintulot at natuklasan ito ngsponsor, iisipin nila na mayroon kang kasintahan."Kinatawan ng isang recruitment agency sa Doha,Marso 2013

Maaaring maging napakahirap para sa mgadomestic worker na magpaalam sa kanilang mgaemployer. Dahil dito, marami ang umaalis nangwalang paalam, na tinuturing ng mga kinauukulanbilang pagtakas (absconding).

“Pagkatapos kong sabihin na gusto kong umalis,sinabi sa akin [ng amo ko], ‘papatayin kita kungaalis ka ng bahay ko’. Kung minsan kapag sinabikong gusto kong umalis dahil sinisigawan ako o sinasaktan ako ni Madam, sasabihin ni Madam na ‘Kung gusto mong umalis ng bahay kopagtatrabahuhin kita ng sampung buwan na walang sahod’.”Domestic worker mula sa Pilipinas, 2013

Kapag tumakas mula sa mga mapang-abusongemployer ang mga domestic worker, mas malamangna kaharapin nila ang pagkakakulong atdeportasyon kaysa sa tulong. Karamihan ngkababaihan sa deportation center ng Qatar ay mgadating domestic worker. Marami ang humihingi ngtulong mula sa kani-kanilang embahada. Sinabi saAmnesty International ng isang kinatawan ngbansang pinanggagalingan ng mga manggagawana ang mga ito “ay dumarating na problemado atkaraniwang hinihiling na makauwi sa sarilingbansa, pero may ilan ding humihiling na malipat saibang amo”.

Naunang inihayag ng mga opisyal ng pamahalaanna sa unang bahagi ng 2010, may ihahaingpartikular na batas na magbibigay-linaw sa “mga karapatan at tungkulin” ng mga domesticworker. Subalit, wala pang malaking pagsulong nainaanunsiyo patungkol dito.

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

Index: MDE 22/011/2013 Amnesty International Nobyembre 2013

13

Gitang Larawan: Mga migranteng manggagawasa Indonesia patungong Middle East, Hunyo 2011. Madalas na nalilinlang ang mga migranteng domestic workers tungkol sa matatanggap nilang sahod at kondisyon ng kanilang pagtatrabahuhan. Madalas nabinabalewala at pinapalitan ang mga kontratang mga baguhan sa sandaling makarating sila ng Qatar.Itaas: Ipinapakita ng isang migrantengmanggagawa ang mga pinsalang nakuha sapananakit ng kanyang amo, 2013. Sinabi niyasa Amnesty International na paulit-ulit siyangsinaktan ng kanyang employer sa loob ng 17buwang paninilbihan dito.

© R

euters/B

eawiharta

© A

mne

sty In

tern

ationa

l© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Page 14: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

Amnesty International Nobyembre 2013 Index: MDE 22/011/2013

14

© Amnesty International

(Photo: Ricardo Ramírez Arriola)

PINAG-ARALANG KASO NI MARIA

Si Maria (hindi niya tunay na pangalan), isang24-taon gulang na babae mula sa Pilipinas, ay pumunta sa Qatar noong 2012 paramagtrabaho bilang kasambahay (housemaid).Lumagda siya ng isang kontrata sa isangrecruitment agency sa Pilipinas na magbibigay sakaniya ng sahod na 1,450 riyals (US$400) kadabuwan. Nang dumating si Maria sa Qatar,sinabihan siya na 800 riyals ($220) lang angibabayad sa kaniya kada buwan. Sinabi rin ngpamilyang pagtatrabahuhan niya na hindi munaibibigay ang sahod sa kaniya at babayaran ito ngbuo sa pagtatapos ng kanyang kontrata.

Kinuha ng opisyal ng immigration ang passport niMaria pagdating niya ng Qatar. Ibinigay ito sarecruitment agency nang sunduin siya sa airport.Kinuha din sa kaniya ang kaniyang cell phone, ID at iba pang dokumento nang dumating siya sabahay ng kaniyang employer. Kinuha ang mgadamit niya at kinailangan niyang magsuot nguniporme sa lahat ng oras. Sinabihan si Maria nahuwag makikipag-usap sa iba pang mgakasambahay at huwag ding makipag-usap sasinuman kapag sinasamahan niya ang kanyangamo sa labas ng bahay. Pinapayagan siyangtumawag sa kaniyang ina nang 20 minuto kadadalawang linggo.

Kasama sa mga trabaho ni Maria ang pag-aalagasa tatlong maliliit na bata, paghahardin atpaglilinis. Nagsisimula siyang magtrabaho nang5:30 ng umaga hanggang hatinggabi. Hindi siyabinibigyan ng day off at hindi pinapayagangmagsimba.

Pagkatapos na tumakas ang isang kasamahanniyang domestic worker dahil isang taon na itonghindi nababayaran, sinaktan ng employer siMaria at ang isa pa niyang kasama sa trabaho.

“Nagalit siya dahil sa babaeng umalis.Tinulak niyaang ulo ko sa inodoro at sinabunutan niya ako.Umiyak ako. Sinabi niya, ‘tumayo ka, ipapadalakita sa agency’. Umiyak din ang isangbabae.Tinulak din siya ni Madam. Nang subukanng babae na umalis tinulak siya ng manager ngbahay. Sinabi ng babae, ‘huwag, huwag’ at tinulaksiya ulit ng manager. Nagtago ako sa kusinakasama ng mga bata. Natakot ako.”

Nagtrabaho si Maria sa bahay ng halos apat nabuwan na hindi nakakatanggap ng anumang sahod,bago siya nagpasyang tumakas. Subalit, natuntondin siya. Ayon kay Maria, nagalit ang agency naumalis siya at sinabing nagpasiya ang employer niyana hindi siya papayagang makakauwi ng Pilipinas.

“Sabi nila, ang problema ay ayaw akong bigyan[ng sponsor] ng exit visa o sahod. Sabi ko, kuninnila ang sahod ko at ibili ng tiket, pero sabi nila'hindi mo tinapos ang kontrata mo – apat nabuwan ka lang nagtrabaho'… Sabi nila 'maaarikang magtrabaho sa ibang amo, pero may utangkang pera'. Sabi ko, hindi ko hinihingi ang sahodko; gusto ko lang makauwi.”

Nang makilala ng Amnesty International si Maria,hawak pa rin ng dati niyang amo ang lahat nggamit at dokumento niya.

“Sinabi ng agency ko na dapat akong magtrabahosa ibang amo, pagkatapos ay ibibigay nila angsahod at passport ko… nagpunta ako sadeportation center noong nakaraang linggo, sabinila hindi ako makakaalis nang walang passport.”

Larawan sa kanan: Mga migrantengmanggagawa na nagluluto at naglilinis sa laborcamp, Qatar, 2012.Ikalawang larawan: Isang labor camp na walangkuryente, Al Khor, Marso 2013. Pinutulan ngkuryente ang kampo noong araw na iyon dahilnabigong magbayad ang employer. Makikitanginiilawan lamang ang kampo ng mga floodlightsng kalapit na football stadium na nasa likurannito. Ang World Cup sa 2022 ay pinagpa-planuhang ganapin sa Al Khor.

Page 15: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

Hinihimok ng Amnesty International ang Qatar naisa-batas ang ILO Convention No. 189 tungkol samarangal na pagtatrabaho para sa mga domesticworker, isama ang mga probisyon nito sapambansang batas, at isakatuparan ito sa iba pangkaugnay na batas, polisiya at mga gawi.Nananawagan din ang Amnesty International sa mgakinauukulan na baguhin ang Labor Law upangmaprotektahan ang lahat ng mga manggagawa,kabilang na ang mga domestic worker, atmagpakilala at magpatupad ng batas na lilitis sakarahasan sa tahanan (domestic violence), kabilangna ang karahasan laban sa mga domestic worker.

SAPILITANG PAGPAPATRABAHO ATHUMAN TRAFFICKINGNagtala ang Amnesty International ng ilang kaso ng mga tao sa Qatar na nalinlang sa uriat kondisyon ng kanilang trabaho, at mgamanggagawang nagtatrabaho ng sapilitan.Gumagamit ng iba’t-ibang paraan ang mga amonila para magawa ito, kabilang na ang: Pag-ipit atdi-pagbabayad ng mga sahod; pag-ipit ng mgapagkakakilanlan (ID) o iba pang mahalagangpersonal na gamit; panlilinlang o mga huwad na pangako tungkol sa uri at kondisyon ngtrabaho; pagpigil sa kalayaan sa pagkilos; at pisikal na pagkakakulong sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.

Naidokumento rin ng Amnesty International angmagkakaibang uri ng pagbabanta na ginagamit ngmga amo sa mga manggagawa kabilang na ang:mga multang pinansiyal tulad ng mga multa sahindi pagtatrabaho o mga banta ng hindi pagbabayadsa dapat nilang sahurin; pagsusumbong sakinauukulan at pagpapa-deport; at pisikal na karahasan.

Ayon sa ILO Convention No. 29 na nilagdaan ngQatar, may dalawang mahalagang elemento angforced labor: sapilitang pagtatrabaho atmakatotohanang banta ng parusa. Sa PalermoProtocol (UN Protocol to Prevent, Suppress andPunish Trafficking in Persons, Especially Women and Children), na isinabatas din ng Qatar, angpanlilinlang sa uri at kondisyon ng trabaho ay isangmahalagang elemento ng human trafficking atsapilitang pagpapatrabaho.

Sa ilang kaso, ang uri at tindi ng mga pang-aabusong itinala ng Amnesty International aykatumbas ng sapilitang pagpapatrabaho o humantrafficking ayon sa mga pandaigdigang batas(International Law).

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

Index: MDE 22/011/2013 Amnesty International Nobyembre 2013

15

PINAG-ARALANG KASO NI GRACE

Si Grace (hindi niya tunay na pangalan), 20-taongulang na babae mula sa Africa, ay dumating saQatar noong Agosto 2012 para mamasukan bilangdomestic worker sa isang European na employer.Sinabi niya sa Amnesty International na bago siyaumalis ng bansa niya, nakausap niya ng direktaang pamilya kung saan siya mamasukan atpinangakuan siya nito ng sweldong 800 riyals(US$220) bawat buwan at mga day off. Subalit,nang dumating siya sa Qatar, sinabi ng amo niyana sasahod lang siya ng 730 riyals (US$200)bawat buwan, at wala siyang day off. Pinayaganlamang siyang umalis ng bahay nang dalawangbeses sa pagitan ng Agosto 2012 at Marso 2013para magsimba.

Nang kausapin ng Amnesty International si Grace noong Marso 2013, tatlong buwan lang sapitong buwang pagtatrabaho niya ang binayaran.Ilang ulit niyang tinanong sa amo niya kungmaaari ba siyang umuwi, pero sinabi nito na hindi siya pauuwiin kung hindi niya babayaran ang mahigit na US$700 na halaga ng orihinalniyang flight papuntang Qatar, halagang di niyamaibibigay dahil hindi niya natanggap ang sahodniya. Hawak din ng employer ni Grace ang mga IDat passport niya, at pinagbantaan pa umano siyang karahasan.

© P

riva

te

© A

mne

sty In

tern

ationa

l

Page 16: Mga Migranteng Manggagawa sa Qatar

Ang Amnesty International ay isang pandaigdigang organisasyon na may mahigit 3milyong taga-pagtaguyod, kasapi at mga aktibistang kumikilos sa loob ng 150 bansa atteritoryo na nangangampanya upang wakasan ang mga pag-labag sa karapatang pantao.

Mithiin namin ang isang mundo kung saan tinatamasa ng bawat tao ang lahat ngkarapatang pantao na nakatakda sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga KarapatangPantao o UDHR at iba pang pamantayang internasyunal.

Kami ay may kasarinlan mula sa anumang uri ng pamahalaan, ideolohiyang pulitikal,ekonomikong interes o relihiyon. Kalakhan ng aming pondo ay mula sa aming mgakasapi at donasyon mula sa publiko.

Index: MDE 22/011/2013Tagalog

Nobyembre 2013

Amnesty InternationalInternational SecretariatPeter Benenson House1 Easton StreetLondon WC1X 0DWUnited Kingdom

amnesty.org

16

Dapat gawin ng Pamahalaan ng Qatar:

n Isaayos ang Sponsorship Law para makalayaang mga migranteng manggagawa mula sakontrol ng kanilang mga employer, kasama na angpagpayag sa mga ito na umalis ng bansa kunggugustuhin nila;

n Isakatuparan ang mga karapatan ngmanggagawa sa batas ng Qatar sa pamamagitanng pagpapalawig sa Labor Law upangmaprotektahan maging ang mga domestic worker; at

n Puspusang ipatupad ang Labor Law parapigilan at papanagutin ang mga employer nanang-aabuso at nagmamalabis sa mgamigranteng manggagawa.

Dapat na gawin ng Qatar 2022 organizingcommittee at malalaking construction companies:

n Mangako sa publiko na igagalang ang mgakarapatang pantao at maglalagay ng sapat atangkop na sistema para malaman at mapigilanang mga pang-aabusong nagaganap bilangresulta ng kanilang mga operasyon. Kabilang nadito ang pagbibigay-pansin sa gawain ng ibapang grupo gaya ng mga sub-contractors atsuppliers. Mabilis na aksiyunan ang mga pang-aabuso kung saan nagaganap ang mga ito.

Dapat na gawin ng mga bansangpinanggagalingan ng mga migrantengmanggagawa:

n Protektahan ang kani-kanilang mgamamamayan laban sa mga mapagsamantalangrecruiter at mga ahente na nanlilinlang sa mgamanggagawa na tumanggap ng mga trabaho saQatar na hindi naaayon sa kanilang inaasahan.

‘TRATUHIN KAMI NA PARANG TAO’MGA MIGRANTENG MANGGAGAWA SA QATAR

MGA REKOMENDASYON

Si Reza (hindi niya tunay na pangalan), isanglalaking Asyano, ay dumating sa Qatar noong 2010para magtrabaho bilang cook sa isang tahanan.Nang dumating siya, sinalubong siya sa airport ngkanyang employer at dinala agad sa disyerto paramagtrabaho bilang pastol ng kamelyo. Isa itongtrabaho na hindi saklaw ng Labor Law. Dahil dito,hindi ito samasailalim sa mga labor inspection.

Sinabihan si Reza bago dumating ng Qatar nakikita siya ng 1,000 riyals (US$275) bawat buwanngunit binayaran lang siya ng 900 riyals (US$247)sa isang buwan. Nang makilala siya ng AmnestyInternational noong Oktubre 2012, nakatira siya saisang tolda na walang air conditioning o tubig.Hindi siya pinapayagang umalis sa lugar na iyon o

pumunta ng mosque para manalangin. Pitongaraw sa isang linggo siyang nagtatrabaho sadisyerto, mula 5:00 A.M. hanggang 11:00 P.M., at dalawang oras lamang ang pahinga niya sakalagitnaan ng araw.

Sinabi ni Reza na gusto na niyang iwanan angtrabaho niya at umuwi, pero natatakot siyangmagsabi sa kaniyang sponsor dahil nagagalit itokung may anuman siyang hiling, at umaasa siyadito para sa pang-araw araw niyang pagkain atinumin.

PINAG-ARALANG KASO NI REZA

Larawan sa itaas: Lugar na pinagtatrabahuhan ni Reza.Pamalat: Labor Camp para sa mga manggagawa ng industrial area sa Doha, Marso 2013.© Amnesty International

© A

mne

sty In

tern

ationa

l