4
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan ISPESYAL NA ISYU MAYO 1, 2018 N akikiisa ang Naonal Democrac Front-Southern Tagalog sa lahat ng manggagawang Pilipino at mamamayan sa kanilang panawagang kagyat na ibasura ang kontraktwalisasyon at wakasan na ang “endo” sa bansa. Sa okasyon ng paggunita sa Labor Day o Pandaigdigang Araw ng Paggawa ngayong Mayo Uno, nararapat lamang na dakilain ang lahat ng manggagawa ng daigdig na nakibaka at patuloy na nakikibaka para sa kaseguruhan sa trabaho, disenteng hanapbuhay, nakabubuhay na sahod, karapatan sa pag-uunyon, pagwewelga at iba pa. Sa araw ding ito, napapanahong singilin ng mamamayang Pilipino ang rehimeng US-Duterte sa pangako nitong ibasura ang kontraktwalisasyon sa bansa. Manggagawang Pilipino, magkaisa upang wakasan ang kontraktwalisasyon at neoliberal na paghahari sa bansa! Sa loob ng halos dalawang taong paghahari ng rehimeng US-Duterte, hindi pa rin naibabasura ang kontraktwalisasyon bagkus ay sinuhayan pa nito at higit na pinalala sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment Order 174. Nananaling nakapako ang pangako ni Duterteng wakasan ang kontraktwalisasyon, pangakong bukambibig nya noong panahon ng eleksyon hanggang pag-upo sa estado-poder. Sadyang walang balak ang rehimeng US-Duterte na ibasura ang kontraktwalisasyon matapos ipagwalang- bahala ang panukala ng iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawang magwawakas sa “endo”. Simula’t sapul, hindi ang mga manggagawa ang pinakikinggan ni Duterte kundi ang mga kapitalistang pangunahing nagsasamantala sa murang lakas paggawa at pinapaburan ang neoliberalismong inilalako ng imperyalismong US sa bansa. Hangga’t hindi nakakawala ang Pilipinas sa gapos ng imperyalistang pandarambong at pagsasamantala, Pahayag ni Patnubay de Guia Tagapagsalita, NDF-ST

Manggagawang Pilipino, magkaisa upang wakasan ang ... · ang pambansang industriyalisasyon. Kasabay nito, malinaw sa mga manggagawa ng TK na hindi basta isusuko ng mga imperyalista

  • Upload
    others

  • View
    14

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

ISPESYAL NA ISYU MAYO 1, 2018

Nakikiisa ang National Democratic Front-Southern Tagalog sa lahat ng manggagawang Pilipino at mamamayan sa kanilang panawagang kagyat na ibasura ang kontraktwalisasyon at wakasan

na ang “endo” sa bansa. Sa okasyon ng paggunita sa Labor Day o Pandaigdigang Araw ng Paggawa ngayong Mayo Uno, nararapat lamang na dakilain ang lahat ng manggagawa ng daigdig na nakibaka at patuloy na nakikibaka para sa kaseguruhan sa trabaho, disenteng hanapbuhay, nakabubuhay na sahod, karapatan sa pag-uunyon, pagwewelga at iba pa. Sa araw ding ito, napapanahong singilin ng mamamayang Pilipino ang rehimeng US-Duterte sa pangako nitong ibasura ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Manggagawang Pilipino, magkaisa upang wakasan ang kontraktwalisasyon at neoliberal na paghahari sa bansa!

Sa loob ng halos dalawang taong paghahari ng rehimeng US-Duterte, hindi pa rin naibabasura ang kontraktwalisasyon bagkus ay sinuhayan pa nito at higit na pinalala sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment Order 174. Nananatiling nakapako ang pangako ni Duterteng wakasan ang kontraktwalisasyon, pangakong bukambibig nya noong panahon ng eleksyon hanggang pag-upo sa estado-poder.

Sadyang walang balak ang rehimeng US-Duterte na

ibasura ang kontraktwalisasyon matapos ipagwalang-bahala ang panukala ng iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawang magwawakas sa “endo”. Simula’t sapul, hindi ang mga manggagawa ang pinakikinggan ni Duterte kundi ang mga kapitalistang pangunahing nagsasamantala sa murang lakas paggawa at pinapaburan ang neoliberalismong inilalako ng imperyalismong US sa bansa. Hangga’t hindi nakakawala ang Pilipinas sa gapos ng imperyalistang

pandarambong at pagsasamantala,

Pahayag ni Patnubay de GuiaTagapagsalita, NDF-ST

MAYO 1, 20182 KALATAS

MAYO 1, 2018Ispesyal na Isyu

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected] balikwastk.wordpress.com

mananatili ang mga hambalos ng neoliberalismo tulad ng labor only contracting at iba pang iskema ng pleksibilisasyon sa paggawa. Sa ganitong mga tindig ni Duterte, mahirap nang asahan ang kanyang rehimen na maibsan ang pagdurusa ng mga manggagawang Pilipino.

Sa Timog Katagalugan pa lamang, nagpapatuloy at lalo pang tumitindi ang pakikibaka ng mga manggagawa laban sa kontraktwalisasyon. Mula nang umupo sa pwesto si Duterte, higit pang lumala ang kalagayan ng mga manggagawa. Bagama’t malaki ang ibinigay na pag-asa ng DOLE at ng kanyang rehimen noong panahon ng peace talks, nagmistulang buladas lamang ang pangakong iregularisa ang libu-libong manggagawang kontraktwal sa rehiyon. Wala pa sa dalawang porsyento ng 29,202 manggagawang dinesisyunang dapat gawing regular ang kinilala at niregularisa ng mga pagawaang kanilang pinapasukan. Hanggang sa kasalukuyan, nanatiling 80-90% ng mga manggagawa sa rehiyon ang kontraktwal at ang mga inilalabas na kautusan ng DOLE ay pawang mga pakitang-tao lamang at hindi tiyak na naipatutupad.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nireregularisa ang mga manggagawa ng Technol Eight at Sun Logistics, ng Yazaki Torres na may mahigit sa 15,000 manggagawang kontraktwal, mahigit sa 6,000 sa EMI

Yazaki sa Cavite, habang aabot sa 14,000 sa pagawaan ng Epson sa Batangas.

Sa Takata Philippines, may 3,900 kontraktwal na nakaambang mawalan ng trabaho dahil sa planong pagbebenta nito sa korporasyong Amerikano. Hindi malayong sapitin ng mga manggagawa ng Takata ang nangyari sa mga manggagawa ng MIESCOR (Meralco) sa Sto. Tomas, Batangas nang magsara ito ngayong taon matapos linlangin ang mga manggagawa.

Isang tampok na laban ngayon sa rehiyon ang pakikibaka ng mga kontraktwal na manggagawa ng Coca-Cola Femsa Philippines sa planta nito sa Sta. Rosa, Laguna. Naitulak ng mga manggagawa ng Coca-Cola ang DOLE upang maglabas ng desisyon na gawing regular ang 675 na manggagawang kontraktwal ngunit hindi pa rin ito naipatupad.

Ang napipintong pagbubukas ng peace talks sa pagitan ng NDFP at GRP ang nagbibigay ng pag-asa sa uring manggagawang matugunan ang kanyang mga kahilingan hanggang sa maksimum na ipatupad ang pambansang industriyalisasyon. Laman ito ng ikalawang adyenda sa usapan na Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms (CASER). Ngunit nakasalalay ito sa sinseridad ng rehimeng US-Duterteng tugunan ang hinaing ng mga manggagawa.

Ngayong Mayo Uno, dapat na padagundungin ng lahat ng manggagawa ang kanilang lakas at galit laban sa anti-mamamayan at anti-manggagawang rehimeng US-Duterte. Kailangang igiit nila ang pagpapatuloy ng peace talks at kagyat na pagbubuo ng kasunduan sa repormang sosyo-ekonomiko. Kasabay nito, hindi nila dapat tantanan ang pakikibaka upang tuluyan nang wakasan ang kontraktwalisasyon sa bansa kasabay ng paggigiit na isulong ang pambansang industriyalisasyon na tatapos sa dominasyon ng imperyalismong US sa ekonomiya ng bansa at lilikha ng marami at disenteng trabaho para sa mamamayan.

Batid ng mga manggagawang tanging ang pagtatagumpay ng digmang bayan ang mapagpasyang hakbang ng lahat ng manggagawang Pilipino upang tapusin hindi lamang ang kontraktwalisasyon kundi higit ang dominasyon ng imperyalismong US sa bansa. Upang maging posible ito, kailangang patuloy na sumalig ang uring manggagawa sa kanilang lakasat makiisa sa iba pang inaaping uri upang isulong ang armadong pakikibaka sa kanayunan at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan.

MAYO 1, 2018 3 KALATAS

Marso 21, mapagpasyang ipinutok ng mga manggagawang kontraktwal sa Coca-Cola FEMSA Sta. Rosa plant ang welga laban sa laganap na kontraktwalisasyon sa pagawaan. Naparalisa ng walong oras ang

produksyon at pagdeliber ng produkto na nagresulta sa Php64,168,856 tubong nawala sa kumpanya.

Welga sa Coke: mukha ng kasalukuyang kalagayan at pakikibaka ng mga kontraktwal

Makapangyarihan ang mga manggagawang siyang lumilikha

Ganap na ika-5:30 ng hapon matagumpay na naisara ang lahat ng anim na gates ng dalawangplanta at muling nabuksan lamang ng mga 1:30 ng madaling araw. Habang nagaganap ang welga na pinangunahan ng Liga ng Pinalakas na Manggagawasa Coca Cola Femsa Philippines (LPMCCFP),naobligang humarap ang management at mga abogado ng kapitalista, provincial director ng DOLE-Laguna, Sta. Rosa City Mayor Dan Fernandez, at CALABARZON PNP Director Bathan. Kinatawan naman ang mga manggagawa ng kanilang mga lider, PAMANTIK-KMU, at paralegal ng OLALIA-KMU. Muli lamang nabuksan ang anim na gate matapos magkasundo ang dalawang panig na magkaroon ng serye ng dayalogo–sa hapon ng Marso 22 at 27, Abril 3 at 11-12.

Dahil sa impak ng welga, mabilis namang nagbanta ng marahas na dispersal ang kapitalista mula sa 150 security guards, isang tim ng SWAT, at humigit kumulang 800 na pinagsamang elemento ng PNP, SAF, at AFP na nakatambay sa katapat na pagawaan ng Coke. Ngunit hindi sila natinag at muling ipinakita ng mga manggagawa ng Coke na sila ang makapangyarihan sa loob ng pagawaan at kaya nilang paralisahin ang produksyon maging ang buong

operasyon ng kumpanya kapag sukdulan na ang pagsasamantala at panunupil sa kanila ng kapitalista.

Naisandal ng mga manggagawa sa pader ang management ng Coke sa pagbubukas nitong ibigay ang 152 bakanteng posisyon at iregularisa ang 178 kontraktwal na tinanggal noong Hunyo 2017.Naobliga rin nilang paharapin si Paco Martinez Colunga, kasalukuyang Coca Cola Femsa Asian Director.

Makabuluhan ang paunang tagumpay na nakamit para sa regularisasyon ng 178 kontraktwal sa pagawaan. Kailangang tuluy-tuloy na organisahin at pakilusin ang mga manggagawa sa Coca Cola upang iregularisa ang natitira pang kabilang sa 675 dinesisyunang iregularisa sang-ayon sa kautusang inilabas ng DOLE Region IV-A. Batid nilang bagama’t naitulak nila kapwa ang estado at kapitalistang paboran ang mga manggagawa, kakailanganin pa rin ang malakas nilang pagkilos gaya ng welga upang ganap itong maipatupad ng mga kapitalista.

Papatinding neoliberalismo, papalalang kontraktwalisasyon

Isa ang kontraktwalisasyon sa mga anti-mamamayang programang resulta ng neoliberalismo na nagsimulang mamayani sa Pilipinas noong 1980s. Idinidikta ng mga imperyalista pangunahin ng United States ang mga neoliberal na patakaran upang higit na mapalaki ang tubong nahuhuthot nito sa bansa kapalit ang pagmasaker sa regular na paggawa. Sa Timog Katagalugan, tinatayang aabot na sa 80-90% ng

manggagawa ang kontraktwal. Malayung-malayo ito sa 20% na kontraktwal sa buong bansa bago ipatupad ng rehimeng Cory Aquino ang Herrera Law–batas na nagliligalisa sa kontraktwalisasyon.

Kabilang sa malaking bilang ng mga manggagawang kontraktwal ang mahigit 15,000 sa Yazaki Torres, pagawaan ng wiring harness

sa Laguna; mahigit 3,900 sa Takata Philippines Corporation, pagawaan ng seatbelt at airbag sa Laguna; mahigit 6,000 sa EMI Yazaki, pagawaan

PANGUNAHING LATHALAIN

4 KALATAS MAYO 1, 2018

din ng wiring harness sa Cavite; mahigit 14,000 sa Epson, pagawaan ng printer at projector sa Batangas. Ilan lamang ito sa mga kaso ng laganap na kontraktwalisasyon sa Timog Katagalugan.

Ang papalalang kontraktwalisasyon ay nagdudulot ng papalala ding kahirapan sa mamamayangPilipino. Mas laganap ngayon ang mga manggagawang napakababa ang sahod, walang benepisyo, at may samu’t saring kaltas pa. Isabay pa ang ibang neoliberal na patakaran gaya ng TRAIN Law ni Duterte na nagpasirit sa presyo ng mga bilihin at bayarin habang ang sahod ay walang planong itaas dahil sa wage freeze, wage cut policy na laman ng Philippine Development Plan ng rehimeng US-Duterte para sa 2017-2022.

Sa kaso ng Coke, sinabi mismo ng Asian Director na kumikita ng dagdag na P5 kada bote ang kakumpetisyon nitong Pepsi at RC dahil malaking porsyento ng empleyado nila ay kontraktwal. Ikinumpara nya ito sa Coke na may mga regular na manggagawa.

Hangga’t patuloy ang dikta ng imperyalistang US sa ekonomiya ng bansa, at grabe ang pangangayupapa ng mga papet na rehimen tulad ni Duterte sa kanyang kagustuhan, hindi mawawala ang kontraktwalisasyon at iba pang mga neoliberal na patakaran. Hangga’t nakakubabaw ang imperyalismo sa malakolonyal at malapyudal na sistema ng bansa, mananatiling busabos at palaging may banta sa kabuhayan at sahod ng milyun-milyong manggagawa.

Kilusang welga at pambansang industriyalisasyon

May maningning na kasaysayan na ng welga ang mga manggagawa sa Coke Sta. Rosa. Una silang nagputok ng welga noong 2013 laban sa kontraktwalisasyon. Makasaysayan ang tagumpay na kanilang nakamit na nagtulak sa pagkakaregularisa sa iba pang kontraktwal na manggagawa sa The Red System, in-house agency ng Coke sa buong bansa.

Naging inspirasyon din ito ng matagumpay na welga ng mga kontraktwal na mga manggagawa sa iba pang pagawaan sa rehiyon. Kabilang dito ang

welga ng mga kontraktwal sa Tanduay laban sa ganid na si Lucio Tan noong Mayo 2015, welga sa Manco Synthetics Incorporated at Manila Cordage Company (MCC-MSI) noong Mayo 2016 at marami pa. May iba’t ibang antas ng tagumpay na nakamit ang mga manggagawa gaya ng reinstatement bilang regular, money claims, back pay at iba pa.

Bagama’t mayroong signipikanteng tagumpay ang mga nailunsad na welga, hindi

mapagpasyang mawawakasan nito ang pahirap na kontraktwalisasyon kung mananatiling lokalisado ang mga laban. Kailangang kumilos ang milyun-milyong manggagawa sa isang kilusang welga

upang igiit sa rehimeng US-Duterte na dapat nang wakasan ang

kontraktwal na paggawa sa bansa katulad ng ginawa ng mga manggagawa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig higit 100 taon na ang nakalilipas kung saan milyun-milyon

ang nagsama-samang kumilos upang ipaglaban

ang walong-oras na paggawa. Mahigpit na kaugnay din ng

pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon ang pakikibaka para sa pambansang industriyalisasyon. Kailangang igiit sa estado ang pagtatayo ng mga batayang industriya upang makalikha ng milyun-milyong regular na trabaho na makapagbibigay ng nakabubuhay na sahod sa mamamayang Pilipino. Suportado ng kilusang paggawa ang peace talks, at isinusulong na malagdaan ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) dahil naglalaman ito ng makabuluhang reporma kabilang ang pambansang industriyalisasyon.

Kasabay nito, malinaw sa mga manggagawa ng TK na hindi basta isusuko ng mga imperyalista ang kontrol nito sa ekonomiya ng bansa sa mapayapang paraan. Ang pagkikibit-balikat ni Duterte at di nito pagtupad sa pangakong wawakasan ang endo ang higit na naglantad sa kanya bilang anti-mamamayan at anti-manggagawa. Kailangang hawakan ng mga manggagawa ang tungkulin nitong pamunuan ang digmang bayan sa pamamagitan ng pagsapi sa Partido Komunista ng Pilipinas at tahakin ang landas ng armadong rebolusyon upang ganap na mailatag ang kondisyon ng pambansang industriyalisasyon tungong sosyalismo.