Upload
el-obrero-ang-manggagawa-the-staff-saint-joseph-college-of-sindangan-inc
View
508
Download
10
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Vol. 1, No. 1 Lathalain - Tugma at ritmo - Disenyo
Citation preview
Handurawan Lathalain–Tugma at ritmo–Disenyo
Hunyo–Oktubre 2011
“Ang pagsusulat ay panalangin.”
Manggagawa Ang
Seksyon B
Kabilang ang lahat ng gawang nakasulat sa bernakular
Suring aklat
Ex libris
William A. G. Bulaqueña [email protected]
Kapulongan* Conversations with Cebuano Writers
Editor: Hope S. Yu © 2008 Pahina: 302 ISBN 978-971-539-011-8
I sang koleksyon ng interbyu na likha ng mga mag-
aaral ng Unibersidad ng San Carlos (2007–2008) sa
asignaturang katha at tula, ang aklat na ito ay isina-
gawa bilang pagbibigay halaga sa panitikang Cebuano
at handog na rin bilang parangal sa mga bantog na
manunulat ng panitikang ito. Matutunghayan ang pambihirang karanasan ng mga nasabing
Cebuanong manunulat sa usapang nakapaloob. Nagsisilbing bintana
ang aklat sa mas pinalawak na pagkakaunawa sa mahiwagang proseso
ng pagsusulat at paano sila tumugon sa tawag ng ayos at tradisyon ng
panitikan.
Halimbawa, si Erlinda Kintanar–Alburo ay gumawa ng pag-
iibang nagdulot ng mabungang kalabasan na siya namang kinagigili-
wan ng mga mambabasa.
Ang kilalang manunulat ng katha na kung tatanungin mo kung
bakit siya nagsusulat sa wikang Cebuano ay dahil daw isinilang siyang
Cebuano. Siya si Gremer Chan Reyes.
Napagtanto ni Erma Cuizon na ang pinakamahalagang bagay
sa pagsusulat ay ang makinig sa paligid at mag-obserba katulad ng
iba… katulad ng taong interesado sa buhay.
Si Ma. Milagros Dumdum ay hindi na nag-iisip ng anumang
dahilan o layunin habang sumusulat ng tula: gusto lang niyang isulat
kung ano ang ipinapahayag ng kanyang damdamin.
Sa panig ni Simeon Dumdum Jr., nagsusulat siya tungkol sa
buhay, anumang anggulong batay sa karanasan ng tao. Maaring hing-
gil sa pag-ibig, kahit na kamatayan pa. Kasama rin ang mga hayop,
lahat ng nakakapagbighani sa kabuuan ng kaniyang katauhan.
Karamihan ng nagsusulat sa Cebuano ay napapansin nilang
may kulay ang gawa sa naturang wika. Isa sa kanila ay si Haidee Em-
mie Palapar. Binabalanse niya ang pagtuturo at pagsusulat at pinag-
pupunyagi ang mga mag-aaral na bumasa, bumasa at bumasa.
Kung si Gerard Pareja naman ang pag-uusapan, ang problema
sa mga pang-ukol ay hindi naging hadlang sa pagbubuo ng likha hang-
gang sa makuha ang tamang pagkakaayos.
Wari ay humahalimuyak na bulaklak sa oras ng pag-iisa sa
bisig ng katahimikan si Ester Tapia: palaging nasa bahay kaagapay
ang wikang Cebuano.
Ang libro ay may kalakip isang dokumentaryong video–CD sa
pagsasagawa ng proyekto. Ito ay nilimbag ng USC Cebuano Studies
Center sa tulong ng Sunflower Press ng Canada.
Kulokabildo* Dialogues with Cebuano Writers Editor: Hope S. Yu © 2009 Pahina: 366
ISBN 978-971-539-014-9
L ibrong nagpapatuloy ng ―Kapulungan,‖ itong
koleksyon ay ginawa pa rin ng mga mag-aaral ng
USC ngunit naglalaman ito sa mga gawa ng 24 maka-
bagong manunulat sa wikang Cebuano. Namumukod-tangi sa kakayahang makapaghanga ang mga
mambabasa dala na rin sa mga sining na lirikal at imahinatibong boses
nito.
Kalakip rin sa interbyu ng mga manunulat ang ilang piling
gawa nila. Sa pamamgitan nito, lalo nating pinagyaman ang ating
pananaw sa panitikang Cebuano at sa parehong paraan din binibig-
yang kabuluhan ang literatura ng Pilipinas.
Pagmamahal sa pagtutula at katha ang nananaig sa karamihan
ng mga likha ni Temistokles Adlawan.
Namimighati si Merle Alunan sa mga batang manunulat ng
pahayagan na may iba‘t ibang kadahilanan sa pagsali. Para sa kaniya,
ang nag-uumapaw na problema sa lahat ay kahit na wala silang res-
peto sa naturang wika, anumang wika, ay nagpapangahas pa ring su-
mulat.
Kahit na nakapag-asawa ng Amerikano si Cecilia Manguera-
Brainard ay nananatili pa ring sumusulat ng kuwento sa Filipino.
Grapikong pagdidisenyo at pagsusulat—dalawang mundong
umiimpluwensiya kay Adonis Durado—siya ay bumabasa ng pi-
losopiya, magpakamatay sa isang karanasan at mamuhay sa sining.
Gumagamit ng simpleng salita at maayos na hinuhubog ni
Marvi Gil. Siya ay palaging nagdadala ng isang maliit na notebook
para kaagad maisulat ang anumang naisip para hindi makalimutan.
Naniniwala si Anthony Kintanar na ang pagtutula ang isa sa
pinakamagandang magagawa ng tao sa kaniyang buhay. Kahit sino ay
makasusulat ng isang tula anumang oras, pero ang totoong makata at
handang maghirap dahil ito ay nangangailangang pumasok sa kaibu-
turan ng sarili kung ano siya at kung anong relasyon niya sa guma-
galaw na daigdig.
Ang pagkakahawig ni Paloma Sandiego sa pagsusulat ay
parang nag-aaral magmaneho.
Ayon kay Melchor Yburan, nagsusulat sa wikang Cebuano,
ang mga Cebuanong manunulat ay nagsabing ito ay kayamanang pag-
aari nila: ang propesyon kung saan nakasusulat sila ng kanilang na-
ramdaman ng walang limitasyon.
Mayroong dokumentaryong video–CD na kasama ang naturang
libro. Ito ay nilimbag ng USC Cebuano Studies Center sa tulong pa
rin ng Sunflower Press ng Canada.
*Suri aklat ni William Andrew G. Bulaqueña
Ang Manggagawa ay nagpapasalamat kay Prof. Hope Saban-
pan–Yu, Ph.D., para sa sample copy ng dalawang libro.
Katitikang Cebuano
S umasaklaw ang panitikang Cebuano sa mga gawang
panliteratura, pabigkas at pasulat, na naaayon sa Ce-
buano, ang nagsisilbing pangunahing wika ng mahigit 20
milyon tao sa mga lugar ng Cebu, Bohol, Siquijor, Negros
Oriental at mga bahagi ng Leyte at Mindanao.
Habang karamihan sa mga
Cebuanong manunulat ay nani-
nirahan sa Visayas at Mindanao,
ang mas kilalang lingguhang
Bisaya Magasin ay nakabase sa
Manila. May aktibong grupo rin
ng mga manunulat na naninirahan
sa labas ng bansa.
Ang panitikang Cebuano,
samakatuwid, ay sumasakop hindi
lamang mga manunulat sa
Visayas at Mindanao na nagsusu-
lat sa wikang Cebuano Bisaya
kundi pati na rin ang lahat ng ga-
wang Cebuano saanman ito
nagmula.
Unang kasaysayan
Ang panitikang Cebuano,
tulad din sa ibang panitikang Fili-
pino, ay nagsimula sa mga salay-
say, pabula at alamat. Dahil hindi
laganap ang paggamit ng bay-
bayin lalo na sa mga isla ng
Visayas, karamihan sa mga gawa
ay pabigkas lamang.
Panahong kolonyal
Sa panahon ng Kastila,
nangingibabaw ang tema ng reli-
hiyon. Naisulat ang mga novena
at gozos, lalo na ang tanyag na
Bato Balani para sa Sto. Niño.
Kasama ng mga maagang
hubog ng literatura ay ang garay
(tula), harito (dasal ng shaman)
tigmo (bugtong) at panultihon
(salawikain), sa paglalarawan ni
Francisco Alzina (1668).
Ang balak, isang pang-
karaniwang ayos ng tula, ay ma-
kikilala sa katangiang palaisipan o
pagtutulad na tawag ay balaybay
o sambingay.
Naging makabuluhan la-
mang ang nakasulat na panitikan
pagkalipas ng ika-19 siglo.
Ang ―Soneto sa Pagdayeg
can Santa Maria Gihapon
Virgen‖ (1751) ni Tomas de San
Geronimo ay kabilang sa maram-
ing komposisyong bumura sa sim-
bolong palaisipan at pagtutulad.
Ang pinakamataas na
hubog ng tula ay ang pasyon na
sumasango sa buhay at kahirapan
ni Hesukristo na binabasa tuwing
Mahal na Araw.
Binuo ng mga Cebuano
ang korido, at ilan sa mga natirang
likha ay ang ―Doce Pares sa Pran-
siya‖ at ―Sa Pagmando ni Hari
Arturo.‖
Ang ibang impluwensya ng
mga Kastila ay matatagpuan sa
entabladong palabas na tawag ay
linambay na kilala rin sa tawag na
moro-moro. Ito ay karaniwang
isinasagawa sa mga pista na na-
kakapagbighani sa lahat ng ma-
nonood sa kalapit baryo.
Panahon ng Amerikano
Pinainam ang mga naratibo
at naging sugilanon (maikling
kuwento). Unang halimbawa nito
ay ang ―Maming‖ (1900) ni
Vicente Sotto, ang tinataguriang
―Ama ng Panitikang Cebuano.‖
Nailathala ang maikling kuwento
sa kauna-unahang edisyon ng Ang
Suga.
Pagkaraan ng dalawang
taon pagkatapos naipalimbag ang
―Maming,‖ siya ay sumulat, nan-
gasiwa at lumikha ng unang Ce-
buanong palabas sa entablado—
ang ―Elena.‖
Sa Panahon ng Amerikano,
Ang Suga ang naging midyum sa
paglathala ng mga gawang Ce-
buano.
Isang grupo ng manunulat
ang umusbong na kinabibilangan
nina Florentino Rallos, Filomeno
Veloso, Marcial Velez, Timoteo
Castro, Segundo Chico, Vicente
Ranudo, Dionisio Jakosalem, Se-
lestino Rodriguez, Filomeno
Roble, Juan Villagonzalo, Leon-
cio Avila at Filemon Sotto.
Kilala ang mga manunulat
na ito sa kanilang panahon ngunit
sila ay mas kilala ngayon bilang
pangalan ng mga pangunahing
daan sa siyudad ng Cebu.
Malaki ang naging tulong
ng mga pahayagan upang uman-
gat pa lalo ang panitikang Ce-
buano sa tatlong dekada bago
nagsimula ang Ikalawang Dig-
maang Pandaigdig.
Pinatalas at hinasa ng
husto ang mga Cebuanong
manunulat sa mga salin ng
kathang Europeo at pagturing na
modelo sa mga likhang Ameri-
kano na ipinapakita sa mga gawa
nina Juan Villagonzalo, Uldarico
Alviola, Angel Enemecio, Flavi-
ano Boquecosa, Sulpicio Osorio,
Nicolas Rafols at iba pa.
Sa pagkalaganap ng mga
pahayagan, katulad ng Bag-ong
Kusog, Nasud at Babaye, dumami
ang mga makatang nagsulputan na
nagresulta sa 13,000 tula bago ang
digmaan.
Ang ―Hikalimtan‖ (1906)
at ―Pag-usara‖ (1922) ay nagiging
mga modelo ng metrikong katiya-
kan at balanseng istraktura.
Matutunghayan ang pag-
kakahawig ng mga tula nina
Amando Osorio, Escolastic
Morre, Tomas Bagyo, Pantaleon
Kardenas at Vicente Padriga sa
dalawang ito na naging inspi-
rasyon nila.
Sa panahon ng Amerikano,
apat na nobelang may temang
pagmamahalan ang nagsilabasan.
Ito ay ang ―Felicitas‖ (1912) ni
A l v i o l a , ―Ma h i n u k l u g o n g
Paglubong kang Alicia‖ (1924) ni
Vicente Garces, ―Apdo sa Kagul-
anan‖ (1928-1929) ni Enemecio at
―Ang Tinagoan‖ (1933-1934) ni
Vicente Rama.
Inimbento ni Fernando
Buyser, isang Obispo ng Agli-
payan, ang sonanoy (sonata); at
ang siniloy naman ay ni Diosdado
Alesna.
Ginintuang panahon ng
bernakular
Ang panahon bago ang
digmaan ay itinuturing na ginintu-
ang panahon sa pagsusulat ng
wikang Cebuano. Ang dekada
‗30 ay ang hangganan sa dala-
wang uri ng pagsusulat: ang
nanaig na propagandistang pag-
susulat at ang komersiyal na pag-
susulat na hindi nagsasadiwa ng
katotohanan (escapist literature)
na laganap mula pa sa simula ng
Komonwelt.
Noong 1930 nagsimulang
ilimbag ang Bisaya Magasin.
CebuanoB3
M B2 Lathalain Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011
Ang Bisaya
Kultura
Sidney Rico Rebollido &
Cynthia Kareen Nazario
A ng Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng
7,107 isla at higit sa 100 na mga etnikong grupo
na karagdagang naghahati sa bansa sa ilang nata-
tanging rehiyon na batay sa relihiyon, kultura, wika
at kahit ang katayuang sosyo-ekonomiko.
Acta non verba
Sanaysay
Sidney Rico T. Rebollido [email protected]
Cynthia Kareen J. Nazario [email protected]
Anino ng isang nakaraan
S a 15 taong pagmulat
ko sa mundo, dala-
dala ang aking hinagpis
sa aking pagkatao. Sa
tanang buhay ko, mag-
pasang-ayon, kimkim
lahat ng batikos at insul-
tong aking inabot. Ma-
paghusgang mga tao,
bakit sa mundo kayo pa
ay narito?
Sa paligid rinig ang bulong, kasarian ko kanilang kine-kwestyon.
Kung sa mata mismo ng Diyos tayo ay pantay-pantay, bakit sa tao hinu-
husgahan lahat ng bagay?
Diskriminasyon ang tanaw ko sa mundo; ngunit, tulad ng isang
anino, sa dilim ngayon ito ay nagtatago na. Takot na ipakita aking kahi-
naan sapagkat alam kong lahat ng mata ay sa akin nakatanaw.
Sa aking pagkabata, ramdam ko ang pag-iisa. Wala akong kaibi-
gan, walang kalaro kung walang perang maibibigay, hindi papansinin
kung hindi nasunod ang gusto ng kapitbahay.
Marahil ito ay normal para sa ilan, pero sa akin na dala-dala ang
kwestyon ng aking pagkatao, tila isang sakong insulto ang ibinato sa
mukha ko. Diskriminasyon na tila walang katapusan, harap-harapan sa
akin pinararamdam. Ano ba ang mali na aking nagawa?
Ngayon ako ay naghihirap dahil sa kanila na walang awa. Pag-
katao ko, hindi buo, sapagkat hindi ko naranasan ang pantay na respeto
mula sa mga tao, tuloy sa aking paglaki—ako ngayon ay naghahanap
nito.
Maaaring labin-limang anyos na ako. Ngunit ang puso ko ay kulang
sa mga bagay na dapat tanggapin ng isang ka-edad ko. Ngunit sa lahat ng
ito, hindi ako nagpatalo. Dala-dala ang sakit na ngayon ay naging aking
inspirasyon. Tama, inspirasyon. Inspirasyon sa pagkakaroon ng ma-
buting bukas para sa aking sarili. Tanaw ko itong ihemplo upang mataka-
san ang pait ng aking kahapon.
Noon naisip ko na ako ay malas dahil pinanganak akong ganito.
Subalit sa paglipas ng panahon ay namulat ako sa katotohanan. Maswerte
pala ako sa pagkakaroon ng ganitong buhay sapagkat nalagpasan ko na sa
aking kabataan ang sakit na dapat kong matikman. At ngayon ay handa
ko nang harapin ang landas na ibibigay sa akin ng Diyos. Tila ang lahat
ng iyon ay mga regalo para sa akin upang sa ngayon ako ay magiging
matatag sa pagharap sa mas matitinding hamon sa buhay.
Ang anino ng aking kahapon ang bumuo sa aking sarili ngayon. Ang
Sidney Rico Rebollido na minsan ay mahina ay matatag na humaharap sa
pakikibaka ng buhay. Kasabay sa pagbago ng paru-paro na dating uod sa
dahon, ngayon ay malayang lumilipad sa himpapawid—masaya at walang
takot na nakikibaka.
Pick-up lines
― Miss, kilala kita. Ikaw
ang future wife ko!‖
―Ipapapulis kita!
Ninakaw mo kasi ang puso
ko!‖
―Holdaper ka ba?
Handa kong ibigay sa iyo
lahat—huwag mo lang
akong saktan!‖
―Hindi ka ba nalu-
lungkot? Nag-iisa ka lang
kasi sa puso ko.‖
Iilan lamang iyan sa mga nauuso at pinagkakaguluhang pick-up
lines ng mga kabataan ngayon. Ito na nga raw ang pinakamadaling
paraan upang mapasagot ang babaeng nililigawan. Korni ngang paking-
gan, ngunit tila epektibo naman at maraming nabobola.
Sa panahon ngayon, hindi na nga talaga uso ang mga salitang
matatamis at malalim sapagkat ito ay kakatawa kung pakinggan. At dahil
ang henerasyon natin ngayon ay pabata nang pabata, madali na ring mali-
linlang ang mga walang kamuwang-muwang na mga kaisipan nila.
Sa mga taong gahaman, kahit paslit pa lamang basta maganda o
seksi, pwede na. Konting suyo at salitang mapupusok, bihag kaagad ang
inosenteng puso. At dahil dyan, sila ay nawawala na sa konsentrasyon na
dapat sana nakatutok sa edukasyon.
Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, kahit pagta-
wanan basta masabi ang naramdaman, hindi ito alintana. Mga salitang
―Araw ka ba? Kasi pag nawala ka, didilim ang mundo ko!‖ o ―Pasko na
ba? Exchange gift tayo!‖ at ―Ako sa iyo, ikaw sa akin!‖ na talagang ta-
tagos sa kung sino man ang makarinig nito. Isang paraan din ito upang
makuha ang tiwala na sadyang mahirap sungkitin.
Sa makabagong panahon ngayon, hindi na lamang ang magsing-
irog ang pwedeng magbatuhan ng mga pick-up lines. Maari na nga ring
gumamit ang mga babae at magpahayag ng kanilang damdamin.
Nagiging libangan na rin ito ng mga magkabarkada. Pagandahan lang o
maging tunggalian na rin ang kasiyahang dala nito.
Ang pick-up lines ay ginagamit hindi lamang sa katuwaan kundi
sa pagpapahayag ng tunay na saloobin ng taong nagmamahal upang
makapagbigay ngiti sa taong minimithi.
Mga estereotipo at pagkiling
Sa kasong ito, ang isang
partikular na resulta sa pagkaka-
hati-hati ng bansa ay ang tungga-
lian sa pagitan ng mananalitang
Tagalog at Cebuano na siyang
nakasentro sa malalaking lungsod
ng Maynila at Cebu.
Ang ―estereotipo‖ at
―pagkiling‖ ay dinadala dahil sa
posibilidad na uriin ng ilang mga
grupo kung ano ang naiiba mula
sa kanilang mga sarili.
At gayon, inuuri ng mga
Manileño (mga taga-Maynila) ang
sarili na iba sa mga Cebuano.
Siyempre, iba ang tingin sa sarili
ng mga etnikong grupo; mas ma-
husay kaysa anumang katutubong
grupo. Sa katunayan, kung iisipin,
ang mga Cebuano ay walang
ugaling mapagkiling.
Ang mga Cebuano ay
lubos na mapagmahal sa kanilang
rehiyon—na nangangahulugang
sila ay mapagmalaki sa kanilang
mga gawa.
Dahil ang mga taga-Cebu
ay nagsasalita ng wikang Ce-
buano, pilit nilang ginagamit ito
sa pakikipagsalita sa halos lahat
ng tao (maliban siyempre sa mga
dayuhan). Ngunit kung may Ta-
galog na nakikipag-usap sa kanila
ay mas pipiliin nilang tumugon sa
Ingles kaysa magsalita ng Tagalog
o Filipino.
Ito ay maaaring maiugnay
sa katunayang minsan lang sila
magsasalita ng Tagalog ay dahil
sila ay ―nahihiya‖ na magsalita
nito.
Ang mga Cebuano din ay
mapagmalaking tao. Hindi nila
hangarin na kumilos tulad ng mga
taga-Maynila (na kadalasang kaso
rin ng mga tao sa ibang bansa).
Mataas ang tingin nila sa
sarili at ipinapakita ito sa
―pagmamahal sa sarili‖ na nagpa-
paliwanag sa pagtangging mag-
salita sa Tagalog.
Kaya dito, ang matigas na
pag-Tatagalog ng mga Cebuano
ay madalas pintasan ng mga taga-
Maynila dahil akala nilang sila ay
nagpapatawa.
Hindi din nagpapahuli ang
ating ―pambansang kamao‖ na si
Manny Pacquiao pagdating sa
pagsasalita ng Tagalog na may
halong GenSan-Bisayang tuldik.
Kahit isang karaniwang
paniniwala na karamihang kasam-
bahay sa Metro Manila ay Bisaya,
isang masamang ideya na sila ay
tatakan bilang mabababang tao.
Ayon sa kolumnistang si
Pachico Seares, ―Ang Bisayang
katulong ay may tatak at nakaka-
gawa ng katatawanan sa pama-
magitan ng kanyang paraan sa
pagsasalita.‖
Si Aling Dionesia ay na-
ging tanyag din dahil sa kanyang
paraan ng pagsasalita.
At sa kasaysayan ng mga
pelikula at telebisyon, naging
malakas sa tinatawag na side-kick
genre ang mga bisayang aktor
tulad nina Redford White at Amay
Bisaya.
Isa ito sa mga katotohanan
na ang mga Bisayang aktor ay
hindi nagbibida sa kanilang katu-
tubong katauhan sa malalaking
pelikula.
Hindi maganda ang tingin
sa mga Cebuano dahil sa kanilang
paraan ng pagsasalita sa pamban-
sang wika. Ang tunog ng Bisaya
ay ―galit‖ kung ginagamit sa pag-
sasalita. At kapag sila naman ay
nagsasalita ng malumay at mahi-
nahong Tagalog, ang resulta ay
medyo nakakahiya.
Dahil dito, ang mga Ce-
buano ay hinuhusgahan na
―walang modo‖ dahil sa kawalan
ng ―po‖ at ―opo.‖
Sa kabilang palad, ang
positibong pananaw sa mga Ce-
buano ay ang pagiging likas na
matalinong musikero at dakilang
boksingero. Karaniwan, kapag
may nakakasalubong na Cebuano,
hindi nakakagulat na maririnig
ito: ―Tiyak magaling kang guma-
mit ng gitara.‖
Mahirap bigyang-lugod
ang mga Cebuano pagdating sa
pagtatanghal ng musika. Madalas
sinasabi na kapag ang banda ay
sisikat sa Cebu, ito ay tiyak na
magiging tanyag sa kahit saang
panig ng bansa.
Mahirap magbigay ng puri
ang mga Cebuano at pumapalak-
pak lamang kung gusto nila, o di
kaya ay tunog lamang ng mga
kuliglig ang iyong maririnig.
Hindi nakapagtataka kapag may
sikat na artistang pumupunta sa
Cebu ay hindi nabibigyan ng pan-
sin.
Minsan, ay hindi maiiwa-
sang maramdaman ng mga Ce-
buano ang kumpetisyong nama-
magitan mula sa mga Manileno
pagdating sa pulitika, laro at mga
paligsahan.
Kahit ang National Statis-
tics Office ay walang talaan sa
buong bilang ng mga Tagalog at
Bisaya sa bansa. Para sa akin,
alam kong alam nilang mas
marami ang mga Bisaya kaysa sa
Tagalog. Samantala, ang mga
Cebuano ay nahahati sa marami
pang kultura ayon sa pagkatao:
Ang mga istambay. Ma-
kikita mo sila sa Colon Street o
SM City at halos sa lahat ng pook
sa Cebu. Sila ay kadalasang mga
binatilyo na palabuy-laboy at
walang ginagawa buong araw
kundi umuupo, nanininigarilyo,
umiinom at naglalaro ng baraha.
Parang naiangat na nila ang sining
ng katamaran at pagmamasid sa
pag-ikot ng mundo maghapon.
Ang mga bayut ay mga
taong humuhugis sa ating
pananaw sa buhay sa iba‘t ibang
paraan. Sila ay galing sa tina-
tawag na ikatlong kasarian o third
sex; mga nagpalit ng kasarian;
nagsusuot ng mga damit pamba-
bae; mga baklang hindi pa buong
ladlaran; mga dalawa ang kasarian
o mas kilala sa tawag na mga dou-
ble blade at mga tomboy.
Sinusubukan nilang mamu-
hay ng normal katulad nating la-
hat subali t ang kanilang
―kaibahan‖ ay naging usap-usapan
na nag-uugat ng mga pangon-
gopya tulad na lamang ng
kanilang linggwaheng pambakla
na ngayon ay nagiging tanyag at
bentang-benta sa ating pandinig.
Maging ang mga magka-
ibigang sekso ay tinangkilik na rin
ang ilan sa kanilang inimbetong
salita. Ngunit ang pagkatakot sa
diskriminsasyon hinggil sa
pagiging homosekswal nila o ang
pagkakaroon ng pagtatanggi sa
magkaparehong uri ang guma-
gambala sa kanila, at mas nata-
tamaan nito ay ang grupong kung
tawagin ay ―chick-logs‖ na ibig
sabihin ay mga bading na nagda-
damit babae at kadalasang napag-
kakamalang isang maganda at
seksing babae.
BisayaB6
M Lathalain B3 Hunyo–Oktubre 2011│ Ang Manggagawa Handurawan
Lakbay
Gilbert B. Lamayo [email protected]
Destinasyon:
Carcassonne Monologo
Reger Ed A. Caperig [email protected]
Laruan M asamang balita: Sira
na ako at di na maga-
wang ayusin pa—isa lang
ang mata, maalikabok,
marumi, tengang malapit
nang maputol at kulang
ang butones. Wala nang
makitang ayos pa. Ang
tanging paraan para maki-
lala mo ako ay ang pulang
laso sa leeg ko. Ginawa
mo ito para sa akin; bigay
mo sa una nating yakap
matapos akong kunin at
bilhin ng mga magulang
mo sabay sabing ―Bagay
na bagay sa iyo!‖
Ako ang pinakauna mong laruan. Nakakalungkot dahil hindi
ako ang panghuli….
Ikaw nga ang nagmamay-ari sa akin. May pagpipilian ba ako?
Wala. Laruan lang ako. Hindi ako pwedeng magdesisyon na iiwan at
tatakas ako palayo sa iyo. Pero kahit na ay hindi ko gagawin iyon kahit
pa na makakagalaw ako ngayon. Hindi namin alam kung bakit. Ta-
nging magagawa lang namin ay tumahimik. Hinding-hindi namin pwe-
deng saktan ang may-ari sa amin.
Dumating nga ang punto na sasabihin ko sa iyo na ako ay nasa
pinaka-ilalim ng mga laruan mo—sira lahat—nagrereklamo kagaya ko.
Andito kami lahat, malungkot, umiiyak, pero walang sinuman ang
makahihigit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Hinayaan kita. Hinayaan kitang gawin mo akong parang isang
sanggol. Pinapakinggan ko ang mga kwento mo, hinahayaan kitang
hubaran at damitan ulit ako, hinayaan kitang lagyan ng bote ang bibig
ko, pinapakinggan ko ang iyong mga awit at naramdaman ko na nandi-
yan ka.
Isang araw, nakita kitang lumingon patalikod sa akin matapos
mo akong ilagay sa mesa katabi ng iyong kama. Nananatili ako doon
sa mahabang panahon. Ilang taon na ang nakalipas. Nakita kita isang
beses pero wala ng kwentuhan, bahay-bahayan, kantahan at paghuhu-
bad-damit sa akin. Narinig kitang umawit, pero hindi para sa akin.
Bumili ka at binigyan ng ―ibang‖ laruan at nalibang ka sa paglalaro sa
kanila habang nandito pa rin ako, inaalikabok. Okey lang para sa akin
kaysa naman itapon mo ako, di ba?
Nakalipas ang ilang araw, nakita uli kita at kinuha mo ako pero
wala ng yakapan at halikan. Sa halip, inilagay mo ako sa isang kahon
sa iyong bodega. Isa-isa, nakita ko ang iba mo pang laruan. Natabu-
nan nila ako, matutulis na parte ng kanilang katawan na pumunit at
bumutas sa akin. Habang sila ay paparami, pasira naman ako.
Ako ang mas una!
Sumigaw ako at idineklara, ―Ako ang una! Hindi dahil gusto ko
ang trono o ang korona.‖
―Ako ang una!‖ sigaw ko dahil gusto kong malaman ninyo na
ako dapat ang dalahanin. Gusto kong hanapin mo ako dito sa pinaka-
ilalim ng mga sira mong laruan.
Ako ang unang nakaramdam ng sakit. Ako ang pinakanasaktan.
Mas malaki ang nawala sa akin dahil ako ang minahal sa loob ng
medaling panahon at iniwan sa mahabang oras. Ang sakit ay, naintin-
dihan ko, isang sakit na hindi dapat para sa iyo.
―Ako ang una!‖ sigaw ko.
At alam iyan ng lahat ng laruan na nasa itaas ko. Mas naawa
sila sa akin kaysa sa sarili nila dahil alam nila kung gaano kasakit ang
masaktan. Alam nila kung gaano kasakit ang maging ako... kung
gaano kasakit ang ibasura.
Kaya, masamang balita: Sira na kaming lahat!
Cebuano... Mula B1
S a malayo pa lang, ang Carcassonna ay
parang isang medyebal na siyudad na
umigkas mula sa isang libro ng kuwentong-bibit.
Sa pagdalaw ko doon sa tagsibol, ang Cité (kung
ang nakamuog na siyudad ay tawagin) ay ta-
lagang nakaka-bighani lalo na sa isang hapong
makulimlim.
Ang siyudad ng Carcassonna ay matatagpuan sa rehiyong Langue-
doc-Roussillon ng timog Pransiya. Ito ay nahahati sa Cité de Carcas-
sonne at sa mas malawak na siyudad sa ibaba o ville basse.
Ang Carcassonna ay naitatag ng mga Visigoth noong ika-5 siglo at
napatibay kinamamayaan ng mga Romano.
Ang mga muog ng lumang siyudad ay nagawa pagkalipas ng ilang
siglo ng pagbabakod ng mga Gaul, Visigoth, Moro at Franko.
Noong ika-13 siglo, ang siyudad ay nagsilbing isa sa mga impor-
tanteng kuta ng relihiyosong sekta, ang Katarisismo.
Ngunit pagkatapos ng malupit na paglipol sa kapanahunan ng Krusada Albigensia na inutos ng Santo Papa
Innocente III noong 1208, napabayaan ang siyudad hanggang sa ito ay nabulok na.
Sa sigasig ni Viollet-le-Duc, naipanumbalik sa dating kalagayan ang mga tore, kuta, tanggulan at muralya
noong 1910.
Ang buong siyudad medyebal na nasa isang burol ay napapaligiran ng dalawang muog—ang 1.7 km na
nakapalibot at 1.3 km sa loob—at 53 tore.
Ang intramuros na siyudad ay mapapasok sa drawbridge (pont-levis) na dumangkal sa natuyong sangká at
matipunong Porte Narbonaise. Sa pagpasok pa lang ay makikita na ang Tour du Treseau na ginawang bodega at
tindahan ng alak (caveau des vins) mula sa rehiyong Languedoc.
Ang Place du Château ang pinakasentro ng siyudad. Sa loob ng Musée de l‘Inquisition ay nakatanghal
ang iba‘t ibang kagamitang pasakit at kakila-kilabot na mga kasangkapan na ginamit ng Simbahang Katoliko sa
pagpugot, bitay at pahirap ng mga Kataro.
Sa kabilang banda ay ang Musée des Dessin Animés (Cartoon Museum). Ang sigla at buhay ng Sleeping
Beauty (1959) ng Walt Disney ay hango sa ganda ng Carcassonna. Ang Robin Hood: Prince of Thieves (1991)
ay naisapelikula sa loob at palibot ng siyudad medyebal.
Ang siyudad ay pwede ring pasukin sa daanang nasa ilalim ng balantok sa may tapat ng isang bangbang.
Ang Château Comtal (Count’s Castle) ay isang kastilo at kuta na nakaharap sa Ilog Aude, ville basse, kapara-
ngan at ubasan ng rehiyon.
Sa timog banda ng Place du Château ay ang Basilique Saint-Nazaire. Ang nabe na may pabilog na arko
ay nasa istilong Romanesque at ang transept at choir naman na may stained glass ay sa tradisyong Gothic.
Sa labas ng simbahan matagpuan ang Grand Théâtre na ginagamit para sa mga palabas pagdating ng tag-
araw.
Ang buong siyudad medyebal ay nakatala sa UNESCO World Heritage site noong 1997.
Ako ay mapalad mapabilang sa tatlong milyong turista na dumadalaw sa Carcassonna taon-taon.
Bilang iskolar ng Alliance Française de Manille at Embahada ng Pransiya na mag-aral ng wikang
Pranses sa Toulouse, Midi-Pyrénées, naikot ko ang rehiyon.
Napuntahan ko rin ang
Albi–sa bahay at museo ng pintor
Henri de Toulouse-Lautrec na
kilala sa kanyang poster at litho-
graph ng mga tao noong belle
époque ng Paris;
Ang Cordes-sur-Ciel,
isang siyudad na pinangalanan
―Cordes sa ibabaw ng ulap‖ dahil
sa pinagtayuan nitong mataas na
bundok at maulap na lambak;
Ang Lourdes, banal na
lugar ng peregrinasyon ng limang
milyong tao mula sa iba‘t ibang
panig ng mundo taon-taon;
At ang Principat d‘An-
dorra, isang maliit na bansa na
dating sakop ng prínsipe at saklaw
ng hari, sa gitna ng Pransiya at
Espanya.
© 1999 Gilbert Lamayo
Noong 1936, nagsimula
ang paglathala ng mga antolohiya
at kritisismong pampanitikan.
Ang pamamlahiyo ay naging
problema noon pa.
A n g ― L o u r d e s ‖ n i
Gardeopatra G. Quijano na inila-
bas nang baha-bahagi mula Mayo
26 hanggang Setyembre 23, 1939,
sa Bag-ong Kusog ay ang kauna-
unahang peministang nobela.
Bisaya lamang ang naka-
ligtas bilang pampanitikang wi-
kang pinanggalingan ng mga lik-
hang sulat ng Cebuano sa na-
pakaraming pahayagan bago ang
digmaan.
Ang bagong lakas ng pag-
tutula ay inihandog ng mga
manunulat na sina Leonardo Di-
okno, Junne Cañizares Jr. at Ric
Patalinghug na ang natutunan nila
sa Kanlurang moda at istilo ay
ginawang pampasigla sa kanilang
mga gawa, gabay na rin ng iregu-
lar na ritmo, tama at konkretong
diksyon at ugaling praktikal.
Pinakamahina malamang
sa drama ang panitikang Cebuano
dala na rin marahil sa kaibahan ng
pagsusulat para sa teatro sa ibang
uri ng pagsusulat. Gayon pa man,
sa suporta ng Arts Council of
Cebu, ang nawawalang interes sa
entablado ay unti-unting buma-
balik.
Nagkaroon ng iba‘t ibang
grupo ang mga Cebuanong
manunulat. Halimbawa nito ay
ang Lubas sa Dagang Bisaya
(Ludabi) at Bathalan-ong Halad
sa Dagang (Bathalad).
Ang ikalawa ay sanga ng
nauna, na sa isang pagkakataon ay
pinangunguluhan si Marcel
Navarra, ang ―Ama ng Moder-
nong Maikling Kuwento ng Ce-
buano.‖
Ilan sa mga miyembro ng
Bathalad ay sina Gremer Chan
Reyes, Ernesto Lariosa, Temistok-
les Adlawan, Pantaleon Aluman at
Rene Amper. Ang mga manunu-
lat sa Ingles na sina Simeon Dum-
dum Jr., Vicente Bandillo, Melito
Baclay, Ester Tapia at Amper ay
nagsusulat na rin ngayon sa Ce-
buano. B6
Ang Manggagawa ▪ Handurawan ▪ Lathalain–Tugma at ritmo–Disenyo Patnugot ng Seksyon: Cynthia Kareen J. Nazario ▪ Patnugot (Pahinang Agham): Yanessa S. Naval
Manunulat: Donalyn E. Aquino ▪ William Andrew G. Bulaqueña ▪ Reger Ed A. Caperig ▪ Roxanne B. Da-
taro ▪ Marchie S. Española ▪ Janine Claire T. Jalosjos ▪ Ma. Joeresa P. Jamora ▪ Gilbert B. Lamayo ▪
Von Vladimier B. Montayre ▪ Sidney Rico T. Rebollido ▪ Feldene D. Tan
M B4 Tugma at ritmo Ang Manggagawa Handurawan │Hunyo–Oktubre 2011
Nagbuklat ka ng libro‘t
Ipinahiram mo sa iba
Sa taong di mo naman kilala
Sa rentang kakarampot
Pambayad sa pagkatao mong
Mas mahalaga
Ngunit ibinuklat mo pa rin
Ang librong tinagu-tago
Simula ng pinanganak ka
Para sa murang halaga
At dahil sa renta
Ng libro mo
Nakakapag-aral ka
Ipinambayad sa eskwela
Alay sa kaisa-isang Inay
Mula nang ako ay isinilang
Hanggang sa lumaki, siya ang aking katuwang
Malalambing na yakap, matatamis na ngiti
Pagmamahal ng isang inang bukod-tangi.
Nang ako‘y nagsimulang magkaisip
Napakaraming tanong sa aki‘y pabalik-balik
Ang sinubukang itago, ngunit tila
Kahit anong subok, ay alam ng isang ina
Kung ano ang aking tunay na nadarama.
Kapag ako‘y malungkot
Palagi siyang nariyan
Pinapalakas ang aking loob
At lungkot ay tinatawanan.
Ang buhay ay maikli
Puno ng saya at pighati
Sa oras na kagipitan
Ang Diyos ay palaging nariyan
Paalala ng aking ina di ko raw
Kalilimutan.
Oh, Ina na aking buhay
Ika‘y mahalaga at mahal kong tunay
Lahat ay iaalay
Maging ang kaisa-isa kong buhay.
Sa pagpapalaki at pag-aaruga
Nais kong ako naman ang sa iyo‘y mag-alaga
Nang sa gayo‘y ika‘y aking masuklian
Ng higit pa sa aking naranasan.
Oh, Inang pinagpala, sa akin ikaw ay biyaya
Hindi mapapantayan ang malabayaning iyong nagawa
Mula noon, hanggang ngayon ika‘y walang kupas
Ika‘y bukod-tangi sa lahat at walang katumbas
Pagmamahal ko sa iyo‘y hanggang sa
Wakas.
Cynthia Kareen J. Nazario
Ang munting bata
Kahit ako‘y batang munti
Pangarap ay sari-sari.
Paggalang at wastong gawi
Ginagawi ko palagi.
Sarili ay paunlarin
Maling kilos ay baguhin
Pag-aaral pagbutihin
Tiyak tagumpay ay kakamtin.
Roxanne B. Dataro
Salamat, kaibigan
Sa panahong ako‘y lugmok at malungkot
Sa tila walang katapusang pagsubok
May isang tunay na kaibigang ‗di maramot
Nakahandang dumamay sa puso‘y walang poot.
Ano mang sandal na ika‘y aking kailangan
Nariyan ka lagi‘t ako‘y tinutulungan
Ako‘y ‗di dapat mangamba‘t di na mag-iisa
Nariyan ka lagi‘t dala-dala‘y pag-asa.
Gaano man kalayo ang ating pagitan
Nasa silangan ka at ako‘y nasa kanluran
Ikaw ma‘y sa timog at ako‘y sa hilagaan
Sa isip ko‘y tabi kita‘t ang tulong mo‘y laan.
Kaya iwanan ang lungkot at dapat magsaya
Ang tunay kong kaibiga‘y laging maligaya
Dapat nang iwaksi ang aking kalungkutan
Kung ang aking kaibiga‘y dala ang kakulitan.
Hans Christian G. Rasonable
Sarili
Lahat ng pangarap
Iyong maaabot
Kung tiwala sa sarili‘t
Sipag ang iyong kaagapay
Lahat ng problema‘y
Hindi dapat maging sanhi
Ng buhay na kay sidhi
Sapagkat dito sa mundo,
Sarili‘y kakampi mo.
Donalyn E. Aquino
Pangako
Habang nakatulala sa harap ng bintana,
Mukha mong tumatawa ang aking naaalala.
Mga panahong tayo‘y magkasama,
Tanging hiling ko‘y maibalik sana.
O bakit kailangan mong lumayo sinta ko,
At piliing pakuin ang mga pangako mo?
Na tayo‘y ‗di magkakahiwalay kailanman,
Kahit anong dilubyo man ang dumaan.
Di makatulog o makakain araw at gabi,
Laging inaasam ang pagbabalik mo sa ‗king tabi.
Siguro‘y wala kang kamuwang-muwang
na kasabay na ‗yong paglisan,
Tangay mo ang puso kong sugatan.
Habang ako‘y nagmuni-muni,
Bigla kang nakita‘t inakalang guni-guni.
Nakatayo sa ilalim ng lilim ng puno
At sinalubong mo akong nakangiti nang buong puso.
Sa wakas at dininig din ng Panginoon ang mga panalangin ko,
Na Makita‘t masilayan muli ang mukha ng pinakamamahal ko.
Di matatawaran ng anumang yaman sa mundo,
Ang kasiyahang aking nararamdaman dahil sa ‗yo.
Ngunit ako‘y nagtataka kung bakit ‗di na kita mayakap,
Mga kamay ko‘y tila mga ibong tumatagos lang sa ulap.
Bakit sinta ko, bakit?
Kung kalian nandiyan ka‘y wala akong magawa kahit anong pilit?
Mga luha‘y walang tigil sa pagdaloy mula sa mga mata ko,
Isip ko‘y binagyo‘t tila litong-lito.
At sa wakas ay napagtanto ko,
Ikaw pala‘y wala na‘t di ko mahagilap saan mang dako ng mundo.
Maraming, maraming salamat sa ‗yo mahal ko,
Na kahit ika‘y nasa kabilang buhay na‘y dinalaw mo pa ako.
Hayaan mong ako‘y magpasalamt ng lubos sa ‗yo,
Sa pagtupad mo sa sa ‗yong pangako.
Janine Claire T. Jalosjos
Kontrahin mo!
Kung ika‘y may makitang mali,
Kontrahin mo!
Kung labis sa pang-aalispusta‘y laging nakikita,
Kontrahin mo!
Kung kasamaa‘y nangingibabaw,
Kontrahin mo!
‗wag palampasin ang masamang gawain,
Maraming masasaktan at maaalipin
At ikaw at ikaw din ang magiging salarin
Kung ‗di mo to binibigyang pansin,
Kaya kung ‗di tama, gawin mo—
Kontrahin mo.
Donalyn E. Aquino
Larawang Haiku Janine Claire T. Jalosjos
Ilang beses mo nang
Ibinuklat ang libro mo
Sa mga taong di mo kilala
Para lang masiyahan sila
Ilang beses mo pang ibubuklat
Ang libro mo sa kanila
Sa kasakiman nila
Para sa kapalit na pambayad
Ng pag-aaral mo
Makatapos ka nga
Ngunit ang librong
Ilang ulit nang ibinuklat
Napunit na.
Libro
Reger Ed A. Caperig
Ang Manggagawa Handurawan │Hunyo–Oktubre 2011
M Tugma at ritmo B5
Pangako
Habang nakatulala sa harap ng bintana,
Mukha mong tumatawa ang aking naaalala.
Mga panahong tayo‘y magkasama,
Tanging hiling ko‘y maibalik sana.
O bakit kailangan mong lumayo sinta ko,
At piliing pakuin ang mga pangako mo?
Na tayo‘y ‗di magkakahiwalay kailanman,
Kahit anong dilubyo man ang dumaan.
Di makatulog o makakain araw at gabi,
Laging inaasam ang pagbabalik mo sa ‗king tabi.
Siguro‘y wala kang kamuwang-muwang
na kasabay na ‗yong paglisan,
Tangay mo ang puso kong sugatan.
Habang ako‘y nagmuni-muni,
Bigla kang nakita‘t inakalang guni-guni.
Nakatayo sa ilalim ng lilim ng puno
At sinalubong mo akong nakangiti nang buong puso.
Sa wakas at dininig din ng Panginoon ang mga panalangin ko,
Na Makita‘t masilayan muli ang mukha ng pinakamamahal ko.
Di matatawaran ng anumang yaman sa mundo,
Ang kasiyahang aking nararamdaman dahil sa ‗yo.
Ngunit ako‘y nagtataka kung bakit ‗di na kita mayakap,
Mga kamay ko‘y tila mga ibong tumatagos lang sa ulap.
Bakit sinta ko, bakit?
Kung kalian nandiyan ka‘y wala akong magawa kahit anong pilit?
Mga luha‘y walang tigil sa pagdaloy mula sa mga mata ko,
Isip ko‘y binagyo‘t tila litong-lito.
At sa wakas ay napagtanto ko,
Ikaw pala‘y wala na‘t di ko mahagilap saan mang dako ng mundo.
Maraming, maraming salamat sa ‗yo mahal ko,
Na kahit ika‘y nasa kabilang buhay na‘y dinalaw mo pa ako.
Hayaan mong ako‘y magpasalamt ng lubos sa ‗yo,
Sa pagtupad mo sa sa ‗yong pangako.
Janine Claire T. Jalosjos
Buhay estudyante
Pagpukaw ng araw
Agad-agad gumagalaw
Mabilis sa pagkilos
Para ang oras ay ‗di maubos.
Ang buhay ng estudyante
Puno ng gawain kahit gabi
Wala itong pinipiling oras
Kaya kinakailangan ng lakas.
Hindi lang ito ang pinagdadaraanan
Dahil may naghihintay sa ating tahanan
May alintuntunin sa bahay
Na nagbibigay sa atin ng matinding tamlay.
Feldene D. Tan
Tagumpay
Dito sa mundo
Mga bagay ‗di mo sigurado
Minsan sinusuwerte, minsan hindi
Minsan masaya, minsan kay lungkot
Pero isa lang ang may katiyakan
Na kahit ano‘ng mangyari
Iisa lang ang tunay na kasandal
Pananampalataya sa Diyos Maykapal
Upang mga pagsubok ay malampasan
At tagumpay ay makamtan.
Donalyn E. Aquino
Hangarin
Kahangalang sabihing ―Iniibig kita‖
Kung ang sinasabihan ay walang pandama
Mauuwi lamang sa luha at dusa
Sapagkat pag-iwi ay naglalahong kusa.
Sa mga panahong pinagsamahan,
Ay mga sandaling puno ng halakhakan
Kahit na paano‘y nakakalimutan
Ang bigat na pasan dagliang gumagaan.
Magalak sa dusa‘t ngitian ang luha,
Tamisan ang pait ng pangungulila,
Ang puso, kung tunay, wagas at dakila,
Maipapalutang ang bigat ng dala.
Igalang ang lahat sa paraan ng bait,
Ibaon sa limot ang lukso ng galit,
Itapong saglit ang ugat ng inggit,
Upang gantimpala‘y makamit sa langit!
Feldene D. Tan
Pagbabalik-tanaw at sulyap
Noon kay ganda
Sariwa pa sa aking gunita
Buhay mapayapa, punong-puno ng pag-asa
Walang kaguluhan, tayo‘y nagkakaisa
Ngunit sa isang iglap
Sa isang ihip ng hangin
Lahat ay nag-iba
‗di ko namalayan
Kasamaa‘y nandiyan lang pala.
Donalyn E. Aquino
Larawang Haiku Janine Claire T. Jalosjos
.
Ang ama‘t ina ko
Sa lahat ng tao
Rito sa mundo
Wala pang tutulad sa
Ama‘t ina ko.
Sila ay naghirap
Sila ay nagsikap
Na ako ay lumaki
At sumayang ganap.
Kaya naman ngayon
Ay lagi kong layon
Sa aking magulang
Ako‘y makatulong.
Roxanne B. Dataro
Sabihin mo
Sabihin mo sa akin…
Bakit maliwanag ang araw?
Bakit malamig ang gabi?
Bakit may kulog at ulan?
Bakit ika‘y lumisan?
Sabihin mo sa akin…
Bakit may mahirap at mayaman?
Bakit may duwag at matapang?
Bakit may tumpak at mali?
Bakit ika‘y nagbabakasakali?
Sabihin mo sa akin…
Bakit may halaklak at luha?
Bakit may tagumpay at kabiguan?
Bakit minsan may kasakiman?
Bakit walang pagmamahalan?
Sabihin mo sa akin…
Bakit lahat may hangganan?
Von Vladimier B. Montayre
M B6 Lathalain Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011
Makata sa pagwawangis, nanalo premyong Nobel
Literatura
Marchie S. Española &
Von Vladimier B. Montayre
Malaking bahagi sa
kanilang katauhan na nakikitaan
ng ilang katangian sa isang tunay
na babae habang hindi tinatang-
kang itago ang tunay nilang kasa-
rian. Sa kasong ito, maaring mag-
gupit lalaki ang bayut subalit nag-
sasalita sa pambabaeng paraan.
Isa ring uri ng Cebuano ay
ang mga babaeng ―taga-isla‖
kung tawagin nila. Sila ay ma-
kikita mo sa mall at internetan.
Minsan magkahawak-kamay pa sa
kanilang mga puting kasintahan
na walang pagkabalisa sa kanilang
kapaligiran.
Ang tipikong asawa/nobya/
kasintahan/alipin ay nakatanim na
sa ating isipan na isang babaeng
manghuhuthot na palaging na-
mamalagi sa chatroom sa kapala-
rang nakakita ng ―Amerikanong‖
asawa kahit na matanda pa o do-
ble sa kanilang edad basta lang
maiahon sa kahirapan.
Sa isang banda, nabigyang
pansin sa isang online na
diskusyon ang tunggalian ng Cebu
at Maynila na nagreresulta sa pag-
kapili ng dating Pangulong Gloria
Macapagal–Arroyo noong 2004.
Tomas Gösta Tranströmer (1931–)
Maikukumpara ang isang
Cebuano Pride sa isang or-
ganisasyong naglalayong maging
mapag-isa sa kani-kanilang wika
na naimpluwensyahan ng Espan-
yol.
Sa ganitong kamalayan,
maraming Manileño ang nanini-
walang ang paggamit ng wikang
Tagalog ang kadalasang gina-
gamit ng isang payak na tao. Ito
rin isa sa mga dahilan kung bakit
nakuha ni Pangulong GMA ang
mga puso ng Cebuano sapagkat
siya rin mismo ay nagsasalita ng
Cebuano.
Kahit hindi pormal na iti-
nuturo sa paaralan at unibersidad,
ang wikang Cebuano ang madalas
na ginagamit ng karamihang tao
sa bansa. Halos 25 bahagdan o
dalampung milyong Pilipino ang
gumagamit ng wikang ito sa
Visayas at Mindanao. Ito ang wi-
kang may pinakamaraming nagsa-
salita sa buong Visayas: ang wi-
kang hatid sa ating ng mga ninu-
nong Malay, Indo at ibang maim-
pluwensyang mananakop sa
bansa. Sanggunian: Wikipedia
Bisaya Mula B2
Kagaya ng mga manunulat
na ito, maraming ibang Cebuano
ang nagsimula sa pampaaralang
pahayagan katulad ng mga maka-
tang sina Robert Flores at Rex
Fernandez noong mga dekada ‗70
at ‗80; at sina Mike Obenieta,
Adonis Durado at Januar Yap,
mga miyembro ng grupong Taran-
tula, naman ng dekada ‗90.
Dekada ‗90
Itinatag noong 1991 ng
pitong babaeng manunulat ang
grupong Women in Literary Arts
(WILA). Ito marahil ang pinaka-
organisadong grupo ng mga ba-
baeng manunulat sa bansa. M a y
25 kasaping manunulat at kalahati
sa kanila ay karaniwang guma-
gawa sa Cebuano katulad na lang
nina Tapia, Ruby Enario, Leticia
Suarez, Erlinda Alburo, Jocelyn
Pinzon, Cora Almerino, Delora
Sales at Marvi Gil.
Karamihan kung hindi
lahat ng mga manunulat na na-
banggit ay pumupunta sa taunang
Cornelio Faigao Memorial Writ-
ers Workshop na isinasagawa
mula pa noong 1984 ng Cebuano
Studies Center ng Unibersidad ng
San Carlos.
Patuloy pa rin ang mga
Cebuanong manunulat sa pag-
pasagana ng kanilang yaman—ito
ang katitikang Cebuano paniti-
kang Cebuano—na makikita sa
mga umaapaw nilang likha at de-
terminasyon na kalian man hindi
kumupas at nagpapatuloy sa rurok
ng tagumpay.
Sanggunian: ncca.gov.ph; Wikipedia; USC
Cebuano Mula B3
I ginawad kay Tomas Tranströmer ang 2011 Prem-
yong Nobel para Literatura dahil sa kaniyang sur-
yalistik na mga tula tungkol sa misteryo ng isip ng mga
tao at sa malawakang pagkakakilanlan niya bilang pina-
kamaimpluwensiyal na makatang Skandinabyan sa mga
nakaraang dekada.
Nag-aral siya ng hayskul
sa Södra Latin School sa Stock-
holm kung saan siya nagsimulang
sumulat ng mga tula.
Ang kaniyang pinakaunang
koleksyon ng 17 tula (17 Dikter)
ay inilimbag noong 1954.
Nagpatuloy siyang nag-
aral ng sikolohiya sa Stockholm
University hanggang 1956.
Sa pagitan ng 1960 at
1966, hinati ni Tranströmer ang
kaniyang panahon sa pagsusulat at
pagiging sikolo para sa mga ka-
bataang lumabag sa batas.
Noong 1966, napanalunan
niya ang premyong Bellman.
Sumunod pa ang iba‘t ibang gan-
timpala tulad ng Bonner para sa
tula, Petrarch na mula Alemanya
at Nordic ng Akademia Suweko.
Siya ay pinili bilang isa sa
mga pinakamahalagang manunu-
lat na Skandinabyan mula noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang mga kritiko ay nagbi-
gay ng papuri sa mga tula ni Tran-
strömer na naisalin sa 60 wika
dahil ang mga ito ay madaling
intindihin at isalin.
Ang kaniyang mga tula ay
nakakabighani sa mahabang
taglamig ng mga Suweko; sa in-
dayog ng mga panahon at mali-
wanag na kagandahang likas ng
kapaligiran.
Si Tranströmer ay binansa-
gan bilang pampalagiang nangu-
nguna para sa gantimpala noong
nakaraang taon.
Ang lupon ng Nobel ay
nagsabi na ang mga obra ni Tran-
strömer ay nakatanggap ng pagpa-
halaga ―dahil sa pamamagitan ng
maiiksing nanganganinganinag na
imahe, siya ay nagbibigay ng sari-
wang daan patungo sa katoto-
hanan.‖ Sanggunian: nobelprize.org
Ang kaniyang mga tula ay
kadalasang nakabase sa kaniyang
sariling karanasan at pinag-iisa sa
kaniyang pagmamahal ng musika
at kalikasan.
Ang mga tula nila kina-
mamayaan ay nagtataglay ng mas
madilim na kahulugan tungkol sa
buhay, pagkasawi at sakit.
Siya ang kinilalang batikan
ng pagwawangis (metapora), sa
paghabi ng malakas na imahe ng
kaniyang mga tula kahit wala
gaanong mga dagdag pagpapa-
ganda.
Isang sikologo at piyanista,
si Tranströmer, 80, ay nagdusa sa
atake serebral noong 1990 na nag-
dulot sa kaniya ng kalahating
paralisa. Hindi siya gaanong
makapagsalita pero nagpatuloy
siya sa pagsulat. Nailimbag ang
The Grief Gondola noong 1996 at
nakapagbenta ng 30,000 kopya sa
Sweden.
Noong 2004, nailimbag
ang The Great Enigma, isang
koleksyon ng 45 haiku tungkol sa
kalikasan o panahon. Mula noon,
nagretiro na siya sa pagsulat.
Si Tranströmer ang kauna-
unahang Suwekong nakatanggap
ng premyo para sa literatura mula
noong 1974 nang pinaghatian ito
nina Eyvind Johnson at Harry
Martinson, kapwa hurado ng No-
bel at hindi kilala sa labas ng
Sweden.
Ang pinakahuling Ameri-
kanong manunulat na nanalo ng
Premyong Nobel ay si Toni Mor-
rison noong 1993. Ang premyo
ay nagkakahalaga ng $1.5 milyon.
Si Tranströmer ay ipina-
nganak noong ika-15 ng Abril
1931. Pinalaki siya ng kaniyang
ina, isang guro, pagkatapos
maghiwalay ang kaniyang mga
magulang.
Cuentos Hispanofilipinos* Hispano–Philippine Stories
Edmundo Farolán at Paulina Constancia © 2009 Pahina: 139 ISBN 978-971-691-930-1
D alawang manunulat, pitong bihirang likha at
isang pagmamahal sa pagkukuwento: ang bunga
ay Cuentos Hispanofilipinos. Ang librong ito ay tambalan ng dalawang manunulat at magkai-
bigan na sina Edmundo Farolán at Paulina Constancia.
Matutungo sa malawak na sulok ng emosyon ang mga mamba-
basa sa ―Palali,‖ ―Tía Luz y Tía Aida,‖ at ―Mardi Gras con los Monte-
cillos‖ ni Farolán na madamdamin at puno ng makabuluhang alaala;
habang ang ―El Chino Asiste a una Misa Católica,‖ ―El Mono y El
Científico,‖ ―Tatang va a Nueva York‖ at ―El Apóstol‖ ni Paulina Con-
stancia ay taglay ang kakayahang magpatawa ng kumukulay at nagpa-
pasabik sa bawat yugto ng kuwento.
Si Farolán ang patnugot ng Revista Filipina at Review Vancou-
ver. Siya ang may-akda ng limang koleksyon ng tula: Lluvias Filipi-
nas (Madrid, 1967); The Rhythm of Depair (Manila, 1975); Tercera
Primavera (Bogota, 1981); Oh, Canada! (Toronto, 1994); at Itineran-
cias (San Francisco, 2006). Si Farolán ay pinarangalan ng Premio
Zobel noong 1981; at paglipas ng dalawang taon, 1983, siya ay naging
miyembro ng Academia Filipina.
Ang tatlong kuwento niya sa librong ito ay orihinal na ipinalim-
bag sa Nuevo Horizonte noong 1996.
Si Paulina Constancia ay isinilang sa Cebu. Siya ay pintor at
makata na naka-eksibit ng kaniyang mga gawa sa Pilipinas, Holandia,
Mexico at iba‘t ibang lungsod sa Amerika at Canada.
Isa sa mga libro ng tula ni Paulina Constancia ay ang bilinggwal
na Open Arms/Brazos Abiertos (Vancouver, 2003). Sa Revista
Filipina (e-magazine) at Contra Tiempo (magasin ng Latino–
Amerikano sa Chicago) naitanghal ang kaniyang ibang mga tula.
Ang Cuentos Hispanofilipinos ay ang pangalawa niyang libro at
dito nakalagay ang una niyang koleksyon ng maiikling kuwento.
*Suri aklat ni William Andrew G. Bulaqueña
Ang Manggagawa ay nagpapasalamat kay Paulina Constancia
para sa kopya ng libro.
Ang Society of Mary (SOM)
ay nabuo noong 1988 sa pagpa-
pasimuno ni Raul Duques, dating
mag-aaral sa Saint Joseph College
of Sindangan, Inc.
Medyo mga ―loko-loko‖ na
grupo ang unang namuno at bu-
muo ng samahang ito pero matata-
gumpay na ngayon ang mga
―grotto boys‖ sa kani-kanilang
mga sariling buhay .
Sa ngayon, ang samahan ay
nahahati na sa dalawang grupo:
ang tinatawag nilang ―old ones‖ at
ang grupo ng mga kabataan. Ang
old ones ay pinamunuan ni
Analiza Sagal at ang youth group
naman ay ni Michael E. Tan, pa-
ngulo ng Supreme Student Coun-
cil.
Ang SOM–SJCSI Chapter ay
itinatag noong Hulyo 2010 na
pinangunguluhan nina Edralin M.
Deleña at Samson M. Saile.
Binuo nila ang samahan para
magsilbi at mangulo tuwing
Society of Mary
Ma. Joeresa P. Jamora [email protected]
Organisasyon N gayong buong buwan ng Oktubre, aktibo na naman
sa pangunguna ng rosaryo ang mga miyembro ng
Society of Mary para sa mga kolehiyong mag-aaral tuwing
ika-6 ng hapon .
kaarawan ni Birheng Maria.
Bilang mga deboto, ka-
sama na rin sa kanilang gawain
ang panatilihing malinis ang
grotto.
Noong pista sa kapangana-
kan ng Birhen Maria, nagsama-
sama ang mga miyembro ng SOM
para sa isang sagradong misang
idinaraos sa grotto. Pagkatapos
nag-motorcade sila, umikot sa
sentro ng lungsod at sama-samang
nananghalian.
Mayroon ding mga isponsor
ang SOM para sa kanilang mga
proyekto. Para sa kanilang pondo,
may buwanang ambag na nag-
kakahalaga ng P10 ang bawat
miyembro at ito ay kanilang idini-
posito sa bangko.
May 103 aktibong miyem-
bro ang SOM–SJCSI sa kasaluku-
yan. Pinaplano nilang pagsama-
samahin ang dalawang grupo.
Ang mga opisyales ng
SOM–SJCSI Chapter ay sina
Ryan Gonzaga, pangulo; Tan,
pangalawang pangulo at acting na
pangulo; Jerelyn Sabanate, kali-
him; Mery Sipri, ingat-yaman;
Al j en Tulab ing, aud i tor ;
Reynaldo Quiro-Quiro Jr., press
relation officer; Lysander Abne
at Aprelieta Zulueta, mga sar-
hento; Rev. Nathaniele Denlaoso,
chaplain, tagapayong ispiritwal;
Carmencita V. Samios Uy at Al-
freda B. Calamba, Ed.D., mga
sanggunian.
Ang kalahating-tapos
na langit*
Ang pagkawalang pag-asa‘y
kumalas sa kaniyang daan.
Ang paghihirap din
tumiwalag sa kaniyang daan.
Ang buwitre ay lumihis
sa kaniyang lipad.
Ang sabik na liwanag ay
nagpupumiglas palabas
Na ang mga multo‘y naglaho.
At ang ating mga kuwadro‘y
nakakita ng sinag ng araw na
matagal na naipong poot
sa lumang talyer.
Nagsimulang nagmasid
sa paligid ang lahat.
Sandaan tayong naglakad
sa ilalim ng araw.
Bawat tao‘y kalahating-bukas
na pinto patungo sa silid
na para sa lahat.
Ang walang katapusang lupa
ay tinahak.
Ang tubig ay kumikinang
kasama ang mga puno.
Ang lawa ay isang mata
patungong kailaliman ng daigdig.
*The Half-Finished Heaven
Isinalin ni William A.G. Bulaqueña
B7 Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011
Agham at Teknolohiya Patnugot: Yanessa S. Naval
Lasong Rosas
Kalawakan
Yanessa S. Naval [email protected]
U nang nabuo sa imahinasyon ni George Lucas na naglaong naging bida sa telebisyon.
Ngayon, sa isang iglap ay mistulang ganap na planetang gaya ng Tatooine na bantog
sa pelikulang Star Wars. Akala ng lahat ay malabo sa mata ng riyalidad ngunit ngayon
ay unti-unting lumilikha ng pangalan habang nagduduyan sa misteryosong kalawakan.
Misyong Kepler ng NASA
Kepler-16 na 200 light years ang
layo mula sa ating mundo.
Ayon sa NASA, ito ay
malamig na umaabot ang tem-
peratura sa –100°C. Binubuo ito
ng 50 bahagdan hangin at 50 ba-
hagdan bato. Sa mga kondisyon
na ganito, malayo ang pag-asang
ito ay makakapagbigay buhay.
An g ma la -h i ga n t e ng
planeta ay tinatayang kasinlaki ng
Saturno na walang tigil na umiikot
sa dalawang bituing.
Ang k dwarf ay may bigat
na 69 bahagdan sa ating araw at
ang pangalawa, red dwarf, ay 20
bahagdan lamang.
Kahit ito ay malaki, maha-
halintulad naman ang Kepler-16b
sa Venus na nagtatapos ng isang
buong rebolusyon sa loob ng 229
araw at 35 takip-silim para sa
kumpletong pag-ikot sa sariling
aksis.
―Ang pagkatuklas nito ay
isa lamang na patunay na may
malaking posibilidad na may mga
planetang pwedeng matirahan,‖
ayon kay William Borucki, ang
nangunguna sa imbestigasyon ng
Kepler.
―Karamihan ng ating mga
bituin ay bahagi ng dalawang sis-
tema. Ibig sabihin ang oportuni-
dad ng buhay ay mas malawak
kung ang planeta ay umiikot lang
sa iisang bituin,‖ dagdag niya.
Karamihan sa ating nalala-
man tungkol sa laki ng mga bituin
ay nanggaling sa magkapares na
bituin na nakaharap sa mundo at
sa kanilang pagdidilim kung
dadaanan ng planeta sa harapan
nito. Ang magkapares na bituin
ay tinatawag na eclipsing bina-
ries.
Sa katunayan, lahat din ng
nalalaman natin sa laki ng mga
planeta sa palibot ng ibang bituin
ay nakuha galing sa kanilang pag-
daan o transit sa tapat ng kanilang
mga bituin.
Ang sistemang Kepler-16
ay combinasyon ng planetary
transit sa kabila ng isang eclipsing
binary system. Dahil nito, ang
Kepler-16b ay isa sa pinakama-
buting nasukat na planeta labas ng
ating kalawakang araw.
Ang Kepler-16 ay umiikot
Noong ika-15 ng Setyem-
bre, isang makabagong kontri-
busyon na naman sa larangan ng
siyensya ang nadiskubre ng Na-
tional Aeronautics and Space Ad-
ministration (NASA).
Ito ang planetang sinasa-
bing umiikot sa dalawang bituin o
ang tinatawag na circumbinary
planet.
Ang nakamamanghang
tuklas na pinangalanang Kepler-
16b ay matatagpuan sa sistemang
Planetang may 2 araw, nadiskubre
sa isang dahan-dahang umiikot na
K-dwarf na aktibo at may maram-
ing star spot. Ang isang bituin
nito ay maliit na red dwarf.
Ang planetary orbital
plane ay nakahanay sa loob ng
kalahating grado ng stellar binary
orbital plane.
Ang Kepler-16 ay lalong
mahalaga sa mga nag-aaral ng
pagkabuo ng mga planeta dahil sa
pinagsamang katangian nito na
pangunahing interes din ng astro-
physics.
Sanggunian: NASA; CNN; Popular Sci-ence; Astronomy Now Online
A yon kay Rosa Francia–Meneses, ang nagtatag ng
Philippine Breast Cancer Network, ―Ang kalubus-
lubusang panganib na magkakanser sa suso bukas ay
ang pagkasilang ngayon sa Ikatlong Daigdig. Ang
kalubus-lubusang panganib na hindi makaligtas ng
kanser sa suso ay ang pagiging babae sa Pilipinas.‖
Ang kanser ay pangatlo sa nangungunang sanhi ng kamatayan
sa Pilipinas. Nangunguna pa rin ang mga sakit na nakakahawa at
kardyobaskular, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan. Sa nakalipas na 60
taon, pakonti-konti na lang ang namamatay mula sa mga nakakaha-
wang sakit kung paghambingin sa sakit sa puso at kanser.
Sa Pilipinas, 75 bahagdan ng kanser ay umaapekto paglipas ng
ika-50 taon, at 3 bahagdan lamang sa mga 14 na taong gulang at pa-
baba. Kung magpatuloy ang mababang antas ng kamalayan sa pag-
iingat, tinatayang may isa sa 1,800 Pilipino ang magkakanser taun-
taon.
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga pasyente ng kanser ay humi-
hingi lamang ng payong medikal kung malala na ang kalagayan. Sa
bawat dalawang bagong kaso ng kanser na nasusuri, isa nito ay
mamamatay sa loob ng taon.
Ang anim na nangungunang kanser ay ang baga, suso, atay,
serviks, bibig, bituka at tumbong.
Alam mo ba? Lahat ng kababaihan ay nasa panganib. Halos 70 bahagdan ng
kanser sa suso ay nangyayari sa mga kababaihan kahit wala sila ng
mga risk factor.
Tanging 5 bahagdan lang ng kanser sa suso ay minana. Halos
80 bahagdan ng mga kababaihan na nasuring may kanser sa suso ay
ang kauna-unahang biktima sa kani-kanilang pamilya.
Ang kanser sa suso ay ang pangunahing sanhi ng pagkamatay
sa mga kababaihang mula 35 hanggang 54 taong gulang sa
buong mundo. Mahigit sa isang milyon ang magkakanser na hindi
nakakaalam at halos 500,000 sa kanila ay namamatay taun-taon.
Isa sa apat na nasuri na may kanser sa suso ay namamatay sa
loob ng unang limang taon. Hindi kukulang sa 40 bahagdan sa
kanila ay mamamatay sa loob ng 10 taon.
Ang saklaw ng kanser sa suso ay tumataas sa nakalipas na 30
taon. Dapat malaman ito ng mga dalubhasa at eksperto ngunit
hindi nila alam ang dahilan at kung bakit patuloy ang antas ng
paglaganap.
Ang mga risk factor ay hindi nangangahulugang sanhi ng kan-
ser sa suso. May sapat na ebidensya na nag-uugnay sa polusyon
pangkapaligiran at kontaminasyon ang nagdudulot ng kanser sa
suso.
Halos 20 baghagdan ng kanser sa suso ay hindi natuklas ng
mammography. Halos sa 40 bahagdan ng mga kababaihan
pababa ng 50 taon ito nangyari.
Ang agarang pagtuklas ay hindi nakakapigil ng kanser sa suso.
Ang pag-iwas at pag-alis ng nakikilalang mga sanhi ay makakapigil
sa paglaganap ng kanser.
Ang Pilipinas ay may pinakamataas na antas ng paglaganap ng
kanser sa suso sa buong Asya. Sa ngayon, ang Pilipinas ay pang-
siyam na bansa na sa buong mundo. Sanggunian: Wikipedia; pbcn.org; nbcam.org; UP–CEU
Patuloy pa rin ang pakikipaglaban sa buong mundo
Buwan ng Kamalayan sa Breast Cancer
Kanser sa Pilipinas
T uwing Oktubre ginugunita sa buong mundo ang Breast Cancer Awareness Month
(BCAM) o kamalayan ng kanser sa suso. Ito ay isang pandaigdigan kampanyang
pangkalusugan na itinatatag ng mga kawanggawa para ipalaganap ang kamalayan sa
sakit at makapaglikom ng pondo para sa pananaliksik ng sanhi, pagpipigil, tuklas, pag-
gagamot at lunas. Ang kilusan ay nagbibigay din ng suporta at kaalaman sa mga bik-
tima ng kanser at nagpapaalaala sa mga kababaihan sa kahalagahan ng agarang pag-
tuklas.
Cynthia Kareen J. Nazario [email protected]
Ang National BCAM ay
naitatag noong 1985 sa Estados
Unidos sa pakikipag-ugnayan ng
American Cancer Society. La-
yunin nitong maipagtaguyod ang
mammography bilang pina-
kamabisang kalasag sa pakiki-
paglaban ng kanser sa suso.
Ang kowalisyon ay tumu-
tulong na mapaisa ang mga kaba-
baihan at mapag-usapan ito sapag-
kat ang kanser sa suso ay isang
sakit na madalang na pag-usapan
ng mga babae at kinatatakutan
bilang isang sentensyang kamata-
yan.
A n g N B C A M a y
nananatiling nagpapasiya sa pag-
papalawig ng kamalayan sa pag-
bibigay inpormasyon ng kanser sa
suso at paglalaan ng malaking
daan sa kamalayan ng sakit.
Sa Estados Unidos, ang
kanser sa suso ay pumapangalawa
sa sanhi ng kamatayan sa kababai-
han, pagkatapos ng kanser sa
baga. Ang antas ng kamatayan sa
kababaihan ay patuloy na buma-
baba mula noong 1990 dahil sa
agarang pagtuklas at makabagong
lunas.
Tatooine. Ang Kepler-16b, sa pagkaunawa ng dibuhistang David A. Aguilar, ay nakararanas ng dalawang paglubog ng araw sa kaniyang
paglilibot sa isang pares ng mga bituin.
Ngayon, mahigit kumulang
90 bahagdan ng mga kababaihan
ang napag-alamang may kanser sa
suso at pinanininiwalaang
makakaligtas sa sakit na ito kahit
sa loob ng 5 taon man lamang—
mas mataas kaysa 63 bahagdan sa
pagsisimula pa lamang ng dekada
‗60. Sa kasalukuyan, may humigit
kumulang 2.5 milyong survivor.
Sa pag-organisa ng kama-
layan ng kanser sa suso, ang mga
kababaihan ay pinapatatag upang
mapangalagaan ang kalusugan ng
kani-kanilang mga suso sa pakiki-
bahagi ng mga regular na pan-
sariling pagsusuri, pagkuha ng
mammogram, pagtatakda ng regu-
lar check-up sa doktor, pag-
susunod sa mga ipinanutong lunas
at kaalaman sa abot ng kanilang
makakaya sa pagsugpo ng kanser
sa suso.
Ang kanser sa suso ay
isang paksang bihirang napag-
uusapan noon ngunit nakuhanan
ito ng malaking atensyon nang
ang mga tao ay nakaranas ng ma-
tinding trahedya kung paano laba-
nan ng kani-kanilang mahal sa
buhay ang sakit na ito.
Ang Lasong Rosas
Ang pink ribbon ay ang
pandaigdigang simbolo ng kama-
layan ng kanser sa suso.
Ang pink ribbon at kulay
rosas ay kumikilala sa nagsusuot
nito bilang tagasuporta sa pakiki-
paglaban. Ito ay kadalasang ma-
kikita tuwing Oktubre.
Ang Susan G. Komen
Foundation ang unang naglahad
ng lasong rosas noong 1991 sa
New York. Pinaniniwalaan na
ang lasong kulay rosas ay pinili
sapagkat ito ay sumisimbolo ng
kalusugan at nagpapakita rin ng
pagkababae.
May lasong rosa at asul din
na pinalabas noong 1996 para
ipalaganap ang kamalayan na ang
mga kalalakihan din ay mag-
kakanser sa suso ngunit bihira
lang ito mangyayari.
Ang Estée Lauder Compa-
nies ay nakapamigay na ng ma-
higit 80 milyon lasong rosas sa 19
taon nitong pakikipag-ugnayan.
Delta Pink Plane. Simula pa noong 2005 ang eroplanong Boeing 757 ng
Delta Airlines na may espesyal na pintura para sa kampanya laban sa
kanser ay nakalipad ng 2,472,896 milya o katumbas ng 99 ikot sa mundo.
B8 Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011
Disenyo
Color blind Reger Ed A. Caperig
Tagaguhit: Meldrid B. Baculpo ▪ Reger Ed A. Caperig ▪
Princess Rhenette C. Cedeño ▪ Francis Joseph T. Fuertes ▪
Nicola P. Lecciones ▪ Jelly Gay E. Malon ▪
Sean Maverick D. Realista
Kuwadro Francis Joseph T. Fuertes
Willy at Manny Francis Joseph T. Fuertes
Pamatay na hirit Nicola P. Lecciones
Holy smokes! Francis Joseph T. Fuertes
Kawaii Princess Rhenette C. Cedeño
Tartan Jelly Gay E. Malon
Busyok Jelly Gay E. Malon
LQ Nicola P. Lecciones
SJCSI Kantina Sean Maverick D. Realista
Tweeter Sean Maverick D. Realista
Offline na
si Lola!
Makalipas 20 minuto.