8
16 - Ang Manggagawa BAKIT IPINAGDIRIWANG ANG PASKO TUWING IKA-25 NG DISYEMBRE? (2 sa 2) Una, may ilang dalumbhasa sa Biblia na naniniwalang may katibayan sa kasulatan upang paniwa- laan na ika-25 ng Disyembre ipinanganak ang Panginoong Hesus. Ayon sa kasulatan, tinanggap ni Zacarias ang balita mula kay Anghel Gabriel habang siya ay nag-iinsenso noong panahon ng pista ng paghahandog sa Templo (Lc 1:8-25) na ika-pitong buwan ng Tishri (o huling bahagi ng Septyembre). Makalipas ang anim na buwan ay nagpakita naman ang Anghel Gabriel kay Maria (Lc 1:26-36, buwan ng Marso), na kung bibilangin ang siyam na buwan mula dito nang ang Panginoong Hesus ay ipagbuntis ni Maria ay papatak sa nakaugaliang petsa ng pagdiriwang ng Pasko na ika-25 ng Disyembre. Ikalawa, para sa mga makabagong dalubhasa sa Bibliya, hindi maaaring matiyak ang mismong araw ng kapanganakan ni Hesus. Ang natitiyak ay ang banggit sa Disyembre 25 bilang unang araw ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus sa kalendaryong Philocalian (354 A.D.). nang panahong yaon, ang Disyembre 25 ay isa sa mga espesyal na araw ng pagdiriwang sa daigdig ng paganong Romano. Ipinagdiriwang nila ang ―kaarawan ng ar- aw‖ (dies solis invicti). Upang hindi maimpluwesyahan ang mga Kristiyano ng malaganap at masayang pagdiri- wang ng mga pagano, binigyan ng Simbahan ng ba- gong kahulugan ang araw na ito sa pamamagitan ng paggunita sa araw ng kapanganakan ni Hesus. Sa paglipas ng panahon, dahan-dahang napalitan ang paganong kapistahan ng higit na mas makabuluhang pagdiriwang na humikayat sa mga pagano sa tunay na pananampalataya upang matupad sa mga Kristiyano ang ipinapayo ng Banal na Kasulatan (Roma 12:21) kaya walang batayan sa Bibliya ang paniniwala ng ilang batikuserong biblista na hindi nararapat na ipag- diwang ang araw ng kapanganakan ng Panginoon sa simpleng dahilan na walang binabanggit na petsa ang Biblia. Hindi rin naman binabanggit ng Bibliya na bawal ipagdiwang ang Kanyang kaarawan. Ang mahal- aga ay may itinatanging araw upang ipagdiwang ang kapanganakan. Okasyon ito na maaaring itangi upang tularan ang ginawa ng malaking hukbo ng kalangitan na nagpuri sa Diyos sapagkat isinilang at dumating sa bayan ni David ang Tagapagligtas (Lc 2:11-14). Samakatuwid, ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus ay tunay na isang pag-aalaala o pagpapasalamat at pagpupuri sa kabutihang-loob ng Diyos na naghaha- yag na sa wakas ay natupad na ang pinakamimithing hula: ang pagdating ni Hesus ay naging pagdiriwang ng pagtatagumpay ng Anak ng Diyos laban sa diyos- diyosan ng paganong sanlibutan. “SOLI DEO GLORIA” Para sa mga nagnanais mag-ambag ng artikulo, magbigay ng mungkahi o puna, maaring maabot ang Media Team sa pamamagitan ng mga sumusunod: e-Mail: [email protected] Telepono: 361-58-40 Facebook: http://faceboook.com/ stjosephtheworkerparish Scribd (download): http://scribd.com/angmanggagawa BUTIL NG KAALAMAN ni Bro. Romy Austria (MAGING MALUSOG, mula sa Pahina 12) matapos ang maraming kainan at handaan na ating pinuntahan., huwag kalimutang mag-ehersisyo. Ang Pasko ay tunay ngang isa sa pinaka- masayang panahon. It‘s the most won- derful time of the year, ika ng kanta. Pero ano nga bang pinakamasayang panahon kung hindi naman tayo mag- iingat. Sabi nga sa isang paalala sa telebisyon, ―Maghanda! Mag-ingat! Mag- siguro!‖ Pahabol, siguraduhin din maghanda para sa pagbubukas ng ating mga puso sa tunay na dahilan ng ating mga paghahan- da sa pagdiriwang na ito. Ang Manggagawa Ang Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa Cloverleaf, Balintawak, Quezon City, Telepono Bilang 361-5840 NAMAMASKO PO! PATAWAD! Karaniwan natin itong naririnig sa tuwing darating ang Pasko. Ang sagutang ito ay madalas kong marinig nung bata pa ako. Kapag ako ang nangangaroling: ―namamasko po!‖; kapag ako naman ang nasa bahay at walang maiabot na ambag: Patawad! Walang tao!‖ Ang salitang ‗patawad,‘ bagamat ang ibig sabihin ay wala kang maibibigay ay kadalasang nagiging lusot na lang na pananalita para hindi ka talaga mag-alay. Ang isa‘y nanghihingi at ang isa‘y tumatanggi. Ang isa‘y pasulong at ang isa naman ay pakabig. Sa pagdating ng Adbiyento at Pasko, nanabik ang lahat upang salubungin ang mga pagdiriwang na ito. Nananabik sa mga paparating na biyaya. Nananabik na ipag- diwang ang ating pananampalataya. Nananabik na makisangkot sa iba‘t-ibang gawaing may pagpapahalaga. Lahat tayo naghahanda. Lahat tayo mamamasko. Subalit sa bawat pamamasko, kailangan mong marinig at maisabuhay ang salitang ―Patawad!‖ Hindi dahil sa ating kinalakihang kahulugan nito, kundi sa tunay na ibig sabihin nito. Patawad na hindi para tumanggi, kundi patawad para matutong mag- bigay, matutunan muling maki-ugnay. Walang Pasko kung walang pagpapatawad! Kung walang awa ang Diyos, pinabayaan na lang tayo. Pero dakila ang pagtitiyaga‘t pagmamahal ng Ama kaya‘t pinayagan Niya ang kanyang Anak na makasalamuha nating (sundan sa Pahina 2) Isyu Bilang 14 Disyembre 2012 ANG PAMILYA SA PAGSAPIT NG PASKO ~ PAHINA 6 BANAL ANG AKING PAMILYA ~ PAHINA 7 KARAYOM ~ PAHINA 8 LAOS NA NGA BA ANG KASAL? ~ PAHINA 11 MAGING MALUSOG NGAYONG PASKO ~ PAHINA 12 Tampok sa isyung ito: TINAPAY NG BUHAY ni Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao PAROL Mula sa salitang Kastilang farol na nangangahu- lugang ―lantern,‖ ang parol ay sumasagisag sa bituin sa Bethlehem na gumabay sa tatlong hari sa kanil- ang paghahanap sa luklukan ng Tagapagligtas. Sinisimbo- lo nito ang pagkapanalo ng liwanag sa kadiliman, lalo na nang malayo si Hesus mula sa mapanupil na kamay ni haring Herodes ng Judea. Pinapakita rin ng parol ang mga katangiang Pilipino tulad ng pagiging malikhain, malasakit, at paghangad ng kapayapaan at pag-asa.

Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang "Ang Manggagawa" ay ang buwanang publikasyon ng Parokya ni San Jose Ang Manggagawa, Cloverleaf, Balintawak, Quezon City. Nilalayon nitong magbahagi ng katesismo at mga balitang may kaugnayan sa ating Simbahan para sa mga nasasakop ng parokya.

Citation preview

Page 1: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

16 - Ang Manggagawa

BAKIT IPINAGDIRIWANG ANG PASKO TUWING IKA-25 NG DISYEMBRE? (2 sa 2)

Una, may ilang dalumbhasa sa Biblia na naniniwalang may katibayan sa kasulatan upang paniwa-

laan na ika-25 ng Disyembre ipinanganak ang Panginoong Hesus. Ayon sa kasulatan, tinanggap ni

Zacarias ang balita mula kay Anghel Gabriel habang siya ay nag-iinsenso noong panahon ng pista

ng paghahandog sa Templo (Lc 1:8-25) na ika-pitong buwan ng Tishri (o huling bahagi ng

Septyembre). Makalipas ang anim na buwan ay nagpakita naman ang Anghel Gabriel kay Maria

(Lc 1:26-36, buwan ng Marso), na kung bibilangin ang siyam na buwan mula dito nang ang

Panginoong Hesus ay ipagbuntis ni Maria ay papatak sa nakaugaliang petsa ng pagdiriwang ng

Pasko na ika-25 ng Disyembre. Ikalawa, para sa mga makabagong dalubhasa sa Bibliya, hindi

maaaring matiyak ang mismong araw ng kapanganakan ni Hesus. Ang natitiyak ay ang banggit sa

Disyembre 25 bilang unang araw ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus sa kalendaryong

Philocalian (354 A.D.). nang panahong yaon, ang Disyembre 25 ay isa sa mga espesyal na araw

ng pagdiriwang sa daigdig ng paganong Romano. Ipinagdiriwang nila ang ―kaarawan ng ar-

aw‖ (dies solis invicti). Upang hindi maimpluwesyahan

ang mga Kristiyano ng malaganap at masayang pagdiri-

wang ng mga pagano, binigyan ng Simbahan ng ba-

gong kahulugan ang araw na ito sa pamamagitan ng

paggunita sa araw ng kapanganakan ni Hesus.

Sa paglipas ng panahon, dahan-dahang napalitan ang

paganong kapistahan ng higit na mas makabuluhang

pagdiriwang na humikayat sa mga pagano sa tunay na

pananampalataya upang matupad sa mga Kristiyano

ang ipinapayo ng Banal na Kasulatan (Roma 12:21)

kaya walang batayan sa Bibliya ang paniniwala ng

ilang batikuserong biblista na hindi nararapat na ipag-

diwang ang araw ng kapanganakan ng Panginoon sa

simpleng dahilan na walang binabanggit na petsa ang

Biblia. Hindi rin naman binabanggit ng Bibliya na

bawal ipagdiwang ang Kanyang kaarawan. Ang mahal-

aga ay may itinatanging araw upang ipagdiwang ang

kapanganakan. Okasyon ito na maaaring itangi upang

tularan ang ginawa ng malaking hukbo ng kalangitan

na nagpuri sa Diyos sapagkat isinilang at dumating sa

bayan ni David ang Tagapagligtas (Lc 2:11-14).

Samakatuwid, ang pagdiriwang ng kapanganakan ni

Hesus ay tunay na isang pag-aalaala o pagpapasalamat

at pagpupuri sa kabutihang-loob ng Diyos na naghaha-

yag na sa wakas ay natupad na ang pinakamimithing

hula: ang pagdating ni Hesus ay naging pagdiriwang ng

pagtatagumpay ng Anak ng Diyos laban sa diyos-

diyosan ng paganong sanlibutan.

“SOLI DEO GLORIA”

Para sa mga nagnanais mag-ambag ng

artikulo, magbigay ng mungkahi o puna,

maaring maabot ang Media Team sa

pamamagitan ng mga sumusunod:

e-Mail:

[email protected]

Telepono: 361-58-40

Facebook: http://faceboook.com/

stjosephtheworkerparish

Scribd (download):

http://scribd.com/angmanggagawa

BU

TIL

NG

KA

AL

AM

AN

n

i Bro

. Ro

my A

ust

ria

(MAGING MALUSOG, mula sa Pahina

12) matapos ang maraming kainan at

handaan na ating pinuntahan., huwag

kalimutang mag-ehersisyo.

Ang Pasko ay tunay ngang isa sa pinaka-

masayang panahon. It‘s the most won-

derful time of the year, ika ng kanta.

Pero ano nga bang pinakamasayang

panahon kung hindi naman tayo mag-

iingat. Sabi nga sa isang paalala sa

telebisyon, ―Maghanda! Mag-ingat! Mag-

siguro!‖

Pahabol, siguraduhin din maghanda para

sa pagbubukas ng ating mga puso sa

tunay na dahilan ng ating mga paghahan-

da sa pagdiriwang na ito.

Ang Manggagawa -

Ang ManggagawaAng Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa

Cloverleaf, Balintawak, Quezon City, Telepono Bilang 361-5840

NAMAMASKO PO! PATAWAD!

Karaniwan natin itong naririnig sa tuwing darating ang Pasko. Ang sagutang ito ay

madalas kong marinig nung bata pa ako. Kapag ako ang nangangaroling:

―namamasko po!‖; kapag ako naman ang nasa bahay at walang maiabot na ambag:

Patawad! Walang tao!‖ Ang salitang ‗patawad,‘ bagamat ang ibig sabihin ay wala

kang maibibigay ay kadalasang nagiging lusot na lang na pananalita para hindi ka

talaga mag-alay. Ang isa‘y nanghihingi at ang isa‘y tumatanggi. Ang isa‘y pasulong at

ang isa naman ay pakabig.

Sa pagdating ng Adbiyento at Pasko, nanabik ang lahat upang salubungin ang mga

pagdiriwang na ito. Nananabik sa mga paparating na biyaya. Nananabik na ipag-

diwang ang ating pananampalataya. Nananabik na makisangkot sa iba‘t-ibang

gawaing may pagpapahalaga. Lahat tayo naghahanda. Lahat tayo mamamasko.

Subalit sa bawat pamamasko, kailangan mong marinig at maisabuhay ang salitang

―Patawad!‖ Hindi dahil sa ating kinalakihang kahulugan nito, kundi sa tunay na ibig

sabihin nito. Patawad na hindi para tumanggi, kundi patawad para matutong mag-

bigay, matutunan muling maki-ugnay.

Walang Pasko kung walang pagpapatawad! Kung walang awa ang Diyos,

pinabayaan na lang tayo. Pero dakila ang pagtitiyaga‘t pagmamahal ng Ama kaya‘t

pinayagan Niya ang kanyang Anak na makasalamuha nating (sundan sa Pahina 2)

Isyu Bilang 14

Disyembre 2012

ANG PAMILYA SA PAGSAPIT NG PASKO

~ PAHINA 6

BANAL ANG AKING PAMILYA

~ PAHINA 7

KARAYOM ~ PAHINA 8

LAOS NA NGA BA ANG KASAL?

~ PAHINA 11

MAGING MALUSOG NGAYONG PASKO

~ PAHINA 12

Tampok sa isyung ito:

TIN

AP

AY

NG

BU

HA

Y

ni R

ev. F

r. G

ilbe

rto

Fo

rtu

na

to II C

. Du

mla

o

PAROL

Mula sa salitang Kastilang

farol na nangangahu-

lugang ―lantern,‖ ang

parol ay sumasagisag sa

bituin sa Bethlehem na gumabay sa tatlong hari sa kanil-

ang paghahanap sa luklukan ng Tagapagligtas. Sinisimbo-

lo nito ang pagkapanalo ng liwanag sa kadiliman, lalo na

nang malayo si Hesus mula sa mapanupil na kamay ni

haring Herodes ng Judea.

Pinapakita rin ng parol ang mga katangiang Pilipino

tulad ng pagiging malikhain, malasakit, at paghangad ng

kapayapaan at pag-asa.

Page 2: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

2 - Ang Manggagawa

(NAMAMASKO PO!, mula sa Pahina 1) lahat. Upang tayo ay makadama ng kapayapaan at tawad

(Cf Jn 3:16ff). Dahil mas magiging tunay ang pagbibigayan kung marunong kang magpatawad.

Dahil mas malalim ang iyong ihahandog kung alam mong ika‘y pinagbigyan. Magkakaroon ng

tunay na pagbibigayan kung may kalooban kang walang pangamba at yakap ang kapayapaan.

Magkumpisal tayo ngayong paghahanda ng Pasko. Magsimba ng taimtim at maki-ugnay sa Diyos.

Tipunin ang mag-anak, padaluyin ang biyaya, palalimin ang pananampalataya. Hindi tayo

tatanggihan ng Diyos. May awa ang Panginoon. Siya ay lumalapit, huwag tayong lalayo. Siya ay

sumusulong, huwag kakabig; nais ka Niyang makasuyo. Ialay ang mga biyaya lalo na ang ating

mga pagkakasala.

Panginoon, namamasko po! Patawad!

Parish Priest : Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao

Media Team : Ferdinand Marcelo, Vivian Capili, Irene Santos, Rey Uy, Rizalina Carbonell, Juliet Dizo, Nene Carlin, Imelda

Marcelo, Ramon Pilares, Danilo Reyes, Maribel Abes, Camille Ferrer, Mark Angelo Ordonio, Cristina Dipasupil,

Analisa Pablo, Liza Mae Bagasala, Mary Grace Pablo, Marjorie Patriarca, Clarissa Patriarca, Alison Ordonio,

Ferdinand Flores, Joseph Carbonell

LARAWAN NG PAROKYA

(Kuha nina Ferdinand Flores, Gerald

Gajudo, at Joseph Carbonell

Ang Manggagawa Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa

Cloverleaf, Balintawak, Quezon City

Ang Manggagawa - 15

Basahin ang Mateo 2:1-23 at Mateo 1:18-25 upang masagot ang mga katanungan at piliin ang

tamang larawan na tumutugma sa katanungan at isulat ang tamang letra ng sagot.

Ang Pagdalaw Kay Hesus

1. Sino ang hari sa Judea? H__R__D__S

2. Saang lugar ipinanganak si Hesus?

__E__H__ __HE__

3. Saan nagmula ang mga matatalinong tao na nag-

punta sa Jerusalem? __ILA__GA__

4. Ano ang kanilang pakay sa sanggol? S__M__A__IN

5. Ano ang inihandog ng mga matatalinong tao sa

sanggol? G__ __T__, __N__E__ __O at M__ __A

6. Ano ang sinusundan ng mga matatalinong tao?

__AL__

Isang Lalaking Matuwid

1. Ano ang balak ni Jose at Maria?

MA__PA__AS__L

2. Paano nakapagdalang-tao si Maria sa pa-

mamagitan ng? __SP__RI__U SA__T__

3. Ano ang binalak na gawin ni Jose ng mala-

man nyang nagdadalang-tao si Maria?

H__W__L__Y__N

4. Ano ang nagpakita sa panaginip ni Jose?

A__ __HE__

5. Ano ang itatawag sa sanggol? __M__A__

__E__

SAGOT SA NAKARAANG LIBANGHELYO (Isyu

Bilang 13 - Nobyembre 2012):

1. Templo

2. Manalangin

3. Pasasalamat

4. Sampu

5. Dalawa

6. Pinapalo

7. Pagmamakaawa

8. Makasalanan

9. Kolektor

10. Ibinababa

LIB

AN

GH

EL

YO

n

i Sis

Aly

zza

Ma

e F

. Da

ye

go

Page 3: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

14 - Ang Manggagawa

TA

NG

KIL

IK

IN

NA

TIN

!

DECEMBER

16, 2012

KASAMA SUNDAY

Ang OSSUARIO DE SAN JOSE

ay bukas para sa lahat ng gus-

tong magpalaan ng lugar ng

paghihimlayan.

Tinatawagan po ang mga nag-

mamay-ari, may reservation,

at mga may katanungan, na

sumangguni sa booth sa patio

ng ating simbahan tuwing

Linggo.

Ang Manggagawa - 3

BAKIT IPINAGDIRIWANG ANG PASKO TUWING IKA-25 NG DISYEMBRE? (1 sa 2)

Ito ang panahong pinaka-aabangan ng halos lahat ng tao. Mararamdaman mo na nalalapit na ang

Pasko sapagkat malamig na ang simoy ng hangin, at nagliliwanag na ang mga paligid sa mga

Christmas light na sinisindihan sa mga lugar na madalas pasyalan ng mga tao. Marami na ring

namimili sa mga mall, kung saaan kabi-kabila ang sale. Sa telebisyon, nagkakaroon na ng count-

down, wari'y sabik na binibilang ang mga nalalabing araw sa pagsapit ng Pasko. Ilang tulog na

lang, Disyembre 25 na. Pero teka, bakit nga ba tuwing ika-25 ng Disyembre ipinagdiriwang ang

kapanganakan ng ating Panginoong Hesus? Ano nga ba ang naging batayan nito?

Noong panahon ng ating Panginoon, hindi gaanong ipinagdiriwang ang kaarawan ng mga tao,

kung kaya nga't maging walang direktang kasulatan sa Bibliya ang nagpapatunay na ang kapan-

ganakan ay nangyari nga sa ating kalendaryo sa ngayon na Disyembre 25. May ilang pantas din

ang nagsasabi na ang pinagmulan ng petsang ito ay mula sa paganong pagdiriwang bilang pagbib-

igay pugay sa kapanganakan ng bathalang Sol Invictus (Bathala ng Araw) na idineklara noong

taong 320 A.D. sa kapanahunan ni Emperor Aurelius ng Roma. Sinasabi na ang pagpili sa petsang

ito ay ginawa upang mahikayat ang mga pagano sa Kristiyanismo. Ayon naman kay San Ambro-

sio, na kinikilalang isa sa mga ama ng simbahan, bagamat ang naturang petsa ay hindi pinili ng

simbahan, itinadhana na sa pagdiriwang nito napatunayang higit ang ating Panginoong Hesus

kaysa sa ibang diyos na kinikilala ng mga pagano. Noong panahon ni Constantino, matapos na

siya'y maging Kristiyano ay sinimulan na ngang gamitin ang mga paniniwalang pagano at binigyan

ng katumbas na pagdiriwang para sa mga martir ng simbahan ang mga pagdiriwang ng mga pa-

gano. Isa si Pope Gregory the Great na naging tagapagtaguyod ng ganitong kaisipan noong ika-

anim na siglo.

Kung gayon, ano pa ang ibang paniniwala kung bakit natin ito pinagdiriwang ng Disyembre 25?

Isang kamangha-manghang pagpapatunay na ang pagkakapili sa Disyembre 25 ay maiuugnay sa

pagpapakasakit at kamatayan ng ating Panginoon. Ang kaisipang ito ay mula sa kasulatan ng mga

Kristiyano sa Hilagang Africa na On Solstices and Equinoxes noong ika-apat na siglo. Ito ang si-

nasabi ng naturang kasulatan:

―Therefore our Lord was conceived on the eighth of the kalends of April in the month of March

[March 25], which is the day of the passion of the Lord and of his conception. For on that day he

was conceived on the same he suffered.‖

Maging si San Agustin ay naniniwala sa kaisipang ito. Sa On the Trinity (c. 399–419) sinulat niya:

―For he [Hesus] is believed to have been conceived on the 25th of March, upon which day also

he suffered; so the womb of the Virgin, in which he was conceived, where no one of mortals was

begotten, corresponds to the new grave in which he was buried, wherein was never man laid,

neither before him nor since. But he was born, according to tradition, upon December the 25th.‖

Ipinaglihi siya ng ika-25 ng Marso. Matapos ang siyam na buwan, siya ay ipanganganak, at ito ay

matataon sa ika-25 ng Disyembre.

Maaaring hindi agad paniwalaan ng mga mambabasa ang ganitong pagkakaugnay sa petsa ng

lapanganakan ni Hesus, subalit ito rin ay nagpapakita ng pagkakaugnay ng kanyang pagsilang at

pagliligtas sa sangkatauhan. Maging ang paniniwala ng mga Hudyo na ang pagkakalalang ng mun-

do at ang pagsagip sa kanila ay mangyayari sa parehong panahon ng taon. (sundan sa Pahina 9) KA

TO

LIK

O 1

01

ni

Bro

Da

nie

l Ste

ph

en

A. R

eyes

Page 4: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

4 - Ang Manggagawa

PPCRV: People who are PRO LIFE: Choose and Remember them when you Vote

Mainit na naman ang usapin sa RH Bill. Nanawagan na ang Catholic Bishops‘ Conference of the

Philippines (CBCP) na iparamdam nating mga Katoliko ang tinatawag na Catholic Vote at

ipaglaban ang buhay: buhay na naaayon sa plano ng Diyos na itinuturo ng ating simbahan.

Sa pitak na ito, mas nararapat na ang mga pangalan ng mga Pro-Life na mambabatas ang bang-

gitin. Sa gayon, mas matatandaan natin ang kanilang mga pangalan sa oras ng botohan.

Sa atin pong senado, siyam ang kinikilalang may paninidigan at laban sa RH Bill. Sila ay sina

Senate President Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Lito Lapid, Koko Pimen-

tel, Ralph Recto, Bong Revilla, Tito Sotto at Manny Villar. Sa hanay naman ng mga mambabatas

natin sa Quezon City, tanging si Bingbong Crisologo lamang ang nagpahayag ng suporta, at

nagkataon din na sa susunod na eleksiyon, ang dating nasa District 2 na Barangay Baesa at

Balumbato ay mapapabilang na sa bagong District 6 (sa ngayo'y wala pang kinatawan sa Kon-

greso).

Sabi nga sa Bibliya, kuing ano ang iyong itinanim, siya mo ring aanihin. Ngayon na ang

panahon na ipakita at ipadama natin ang ating malasakit hindi lamang sa ating bayan at sa mga

susunod pang salinlahi, kundi higit sa lahat, sa buhay. Napakasakit isipin na kung tayo'y mag-

sasawalang bahala sa mga usaping tulad nito, tayong lahat ay aanurin na lamang ng mga

pananaw at impluwensiya ng mga taong hindi isinasaalang-alang ang tunay na adhikain ng

Diyos para sa atin. Uulitin lamang po ang pananaw ng ilan: ang tunay na suliranin ay hindi ang

populasyon, kundi ang corruption at pagkagahaman ng ilang tao na nagdudulot ng kahirapan sa

ating lipunan. Sana naman ay marinig ang tinig ng Panginoon sa pamamagitan ng tinig natin sa

darating na halalan.

Ngayon na ang panahon. Huwag ka nang magsawalang kibo, dapat ka nang kumilos.

Nananawagan muli ang ating simbahan sa mga taong nais magkaroon ng maayos at malinis na

eleksiyon. Magboluntaryo po tayo at maging isa sa mga kinatawan ng Parish Pastoral Council

for Responsible Voting (PPCRV) ngayong Mayo 2013. Maaaring ilan sa atin ang mamimilosopo

pa na itatanong kung ano ang mapapala sa pagiging PPCRV volunteer, samantalang kung magi-

ging watcher ka naman ng isang politiko ay may bayad ka na, marami pang ―benepisyo.‖

Maaaring hindi nga po mapapantayan ng bayad ang oras na gugugulin mo sa iyong pagliling-

kod, pero dapat din nating isipin, mas higit ang biyayang ipagkakaloob ng Panginoon sa atin.

Dahil minsan sa buhay mo, naisipan mong maglingkod, magsilbi sa bayan at simbahan nang

hindi nag-antay ng kabayaran. Mangyari pa, hindi nabili ang ating boto (hindi nga ba't sa

pagbabayad sa atin bilang watcher, at bilang pagtanaw ng utang na loob, tayo ay napipilitang

bumoto sa taong nagbayad sa atin para maging ―watcher‖ ng politiko). Sa PPCRV, walang ba-

yad. Pagsisilbing may kabuluhan, at maipagmamalaki sa ating mga anak at apo, na tayo'y nag-

malasakit at nagbigay ng ating panahon nang walang kapalit na inaantay, maliban sa makitang

maayos at malinis ang halalang ito. Baka isipin natin na malayo pa ang botohan, pero kapatid,

ang paghahanda ay atin nang sisimulan sa Enero, kaya nga dapat ka nang magmuni at itaya ang

iyong sarili sa paglilingkod sa darating na eleksyon.

Ngayon kapatid, nakahanda ka na bang tugunan ang panawagan ng Panginoon?

PA

MP

AM

AY

AN

AN

G K

AT

OL

IK

O

ni B

ro D

an

ilo A

. Re

ye

s

Ang Manggagawa - 13

Simbang Gabi Schedules

Dec 15 & 22 (Sabado) Evening Christmas Novena Masses, 8:00PM

No 6:00PM Anticipated Mass

Dec. 16 & 23 (Linggo) Dawn Christmas Novena Masses, 4:00AM & 5:00AM

Will follow the regular Sunday Mass Schedule

No 8:00PM mass during Sundays

Dec. 17- 21 Dawn Christmas Novena Masses, 4:00AM & 5:00AM

(Lunes hanggang Biyernes) Evening Christmas Novena Masses, 8:00PM

No 6:00 am and 6:00 pm regular weekday schedule

Dec. 24 (Lunes) Christmas Eve Masses, 7:00PM & 9:00PM

Dec. 25 (Martes) Christmas Day

Masses similar with Sunday schedules; will start at 6:30AM

Dec. 30 (Linggo) Feast of the Holy Family; Blessing of Families in all masses

Dec. 31 (Lunes) New Year‘s Eve Mass, 8:00PM

Mass for the Solemnity of Mary, The Holy Mother of God

Jan. 1 (Martes) New Year‘s Day

Solemnity of Mary, Holy Mother of God (Holy Day of Obligation)

Masses similar with Sunday schedules; will start at 8:00AM

Jan. 7 (Lunes) Solemnity of the Epiphany of the Lord

Jan. 13 (Linggo) Baptism of the Lord

Jan. 20 (Linggo) Feast of Sto. Niño; Blessing of Children and Sto. Niño images

Nais na ipaalam ng ating Parokya na ang KASAMA ang siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo sa

pagpapalimbag ng babasahing ito. Tinutustusan ito sa halagang P1,400.00 para sa mass reproduction ng

ANG MANGGAGAWA sa bawat buwan.

Kaugnay nito, inaanyayahan ang sinumang may butihing kalooban na mag-ambag sa pagpapalimbag nito o

maging bahagi ng KASAMA upang lalo pa nating maipalaganap ang mga programa ng ating Parokya

gayundin ang Salita ng Diyos at iba pang mga mahahalagang gawain ng Simbahan at maibahagi ito sa bawat

parokyano.

Maaaring maging sponsor upang maipagpatuloy ang mabuting simulain ng pagpapalaganap ng Salita ng

Diyos sa pamamagitan ng bagong uri ng media. Maari ring maging bahagi ng KASAMA. Ang regular na

pag-aambag sa KASAMA ay malaki ang naitutulong upang maipagpatuloy ang mga programa ng Parokya

kabilang na ang paglilimbag sa buwanang isyu ng ANG MANGGAGAWA. Maaari ring mag-sponsor sa nasa-

bing buwan ang mga indibidwal, BEC Kawan o mga samahan. Maaari ring maghati-hati upang makalikom

ng sapat na halaga sa pagpapalimbag at ibahagi ito sa KASAMA. Walang sino man ang maaaring tumang-

gap ng sponsorship maliban sa tanggapan ng ating parokya at KASAMA booth. Ipalagay po ito sa account

ng KASAMA. Salamat po! Para sa iba pang mga katanungan, magsadya lamang o tumawag sa tanggapan ng

ating parokya.

AB

AN

GA

N N

AT

IN

n

i Bro

. Rya

n C

ha

ve

nia

Page 5: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

12 - Ang Manggagawa

KA

LU

SU

GA

N A

T K

AP

AL

IG

IR

AN

n

i Bro

Fe

rdin

an

d F

lore

s

MAGING MALUSOG NGAYONG PASKO

―Di ba Noche Buena sa gabing ito at bukas ay araw ng Pasko… Pasko! Pasko! Pasko na namang

muli!‖

Disyembre na naman, kaybilis ng panahon. Kabi-kabilaan ang mga paghahandang ginagawa ng

bawat isa sa atin. Family reunions, Christmas party sa office, sa eskwelahan, ng mga magkakaibig-

an. Ito na nga talaga ang isa sa pinakamasasayang panahon sa buong taon, ang Kapaskuhan.

Paano nga ba natin gagawing masaya ang pagdiriwang nating ito? Syempre, kailangan nating

maging malusog. Naalala ko pa nang kabataan ko, na tuwing darating ang Noche Buena, lagi

akong matamlay at imbes na makipagsaya sa pamilya pagkatapos ng Media Noche ay agad-agad

akong matutulog dahil masama ang aking pakiramdam.

Nakakamiss ang mga halakhakan at tawanan, ang excitement ng pagbubukas ng mga regalong

nasa ilalim ng Christmas tree, at kung naniniwala ka kay Santa Claus, sa regalong ilalagay nya sa

medyas na isinasabit sa bintana. Tunay ngang ang Noche Buena ang nagpapakita ng kasiyahan

ng pagsasalo ng bawat pamilyang Pilipino. Kaya nga‘t kung hindi mag-iingat sa mga panahong

ito, hindi magiging masaya ang pagdiriwang natin ng Kapaskuhan.

Back to basics ang sabi ko nga palagi sa mga kasamahan ko sa trabaho. Bumalik sa mga simpleng

bagay. Prutas at gulay ang mainam pa rin pagkain sa mga panahong ito dahil sa nutrisyong dala

ng mga ito. Hindi naman tayo pinipigilan sa pagkain ng karne tulad ng hamon, lechon, morcon,

ngunit sabi nga, eat in moderation: ‗yung sapat lamang o sa unti-unting dami. Alalahanin natin

na mahaba ang pagdiriwang nating mga Pilipino sa Kapaskuhan. Maraming paanyaya tayong

natatanggap sa mga panahong ito.

Sa mga kapatid kong natutuwa sa pagdiriwang tuwing bumuhos ang alak, paalala: hindi ito

nakakabuti sa kalusugan kung ito‘y labis na. Ang sobrang pag-inom ng alak ay maaring maging

dahilan ng pagdagdag ng timbang na magiging dahilan sa labis na katabaan (obesity), kakulan-

gan sa nutrisyon (malnourishment), hypertension at iba pang seryosong sakit. Ayon sa isang ulat

ng 2000 Nutritional Guidelines for Filipinos, ang moderate alcohol consumption ay nangan-

gahulugang hindi hihigit sa isang bote ng alak para sa mga kababaihan at hindi hihigit sa dala-

wang bote ng alak para sa mga kalalakihan. Ito ang ilan sa magiging hindi magiging resulta ng

maraming pag-inom: hindi pagiging produktibo sa gawain sa susunod na araw; nagiging dahilan

upang maging mapanakit sila pisikal o sa pananalita, na kalimitang nagiging dahilan ng alitan;

pagkakaroon ng sakit o maaksidente. Kaya nga paalala sa mga nagmamaneho, ―huwag mag-

maneho kapag ikaw ay lasing.‖

Uso rin sa panahong ito ang pamamasyal sa theme parks, malls at iba pang galaan. Kaya ugaliin

natin ang panatilihin ang pag-iingat sa pagkain. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Siguraduhing

gumamit ng tubig, sabon at paper towels o tissue. Siguraduhing malilinis ang mga dala-dalang

gamit sa pagkain. Siguraduhing hugasan ang mga ihahandang pagkain.

Sa mga pagkaing inyong dadalhin sa pamamasyal: huwag pagsamahin sa isang sisidlan ang mga

pagkaing dapat na malamig at dapat na mainit; dapat siguraduhin na ang mga hilaw na pagkain

tulad ng karne, manok, isda ay maayos na nakalagay sa isang sisidlang selyado upang ang katas

nito ay hindi tumulo; siguraduhing mabuting hugasan ang mga pagkain tulad ng prutas at gulay

na kinakain ng hilaw. Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Kapaskuhan, (sundan sa Pahina 16)

Ang Manggagawa - 5

LA

RA

WA

NG

BU

HA

Y

ni

Fe

rdin

an

d

R. M

arc

elo

MAY BAYANIHAN SA PAROKYA NI SAN JOSE!

May Bayanihan sa Parokya ni San Jose: ito ang kataga nating lahat sa paglulunsad ng programa

ngayong taon upang muling maisakatuparan ang mga hangaring ingatan at alagaan ang ating Sim-

bahan.

Natatandaan mo pa ba ang hamon ng nang inilunsad ang programang 5.2. B.C.? Dahil sa inyong

pagtugon, pakikiisa at pakikibahagi sa programang ito ay marami na ngang naisakatuparang mga

pangarap para sa ating Parokya. Isa na rito ang pagpapagawa ng Msgr. Espenilla Hall na nagamit

ng ating mga kaparokya nang matupok ng apoy ang malaking bahagi ng Barangay Unang Sigaw.

Isa nga itong maituturing na larawang buhay at masasabing May Bayanihan sa Parokya ni San Jose.

Nawa‘y huwag kumupas ang larawan ng nakaraan at magsilbing tulay na nag-uugnay sa nakalipas

at sa ating bukas.

Sa isa sa mga PAKISAMA na ginagap sa ating parokya ay may isang kasapi ng Lectors and Com-

mentators Ministry ang nagtanong sa ating Kura Paroko kung kailan magkakaroon ng isang bahay-

dalangingan (adoration chapel) sa ating parokya. Ang paghahangad ng isang tahanan ay pangarap

nating lahat. Pangarap din ito ng Diyos para sa Kanyang mga anak upang sa lugar na ito ay maka-

piling Niya tayo, makatagpo at maka-usap. Bagamat ang Diyos ay laging nasa loob ng simbahan,

ang adoration chapel ay isang banal na lugar na nagbibigay sa atin ng napakaraming mga biyaya,

ang pagbubukas Niya sa ating puso at diwa upang doon manahan ang pag-ibig Niya.

Ang paglulunsad ng ating parokya

ng programang May Bayanihan sa

Parokya ni San Jose (353 MBPS) ay

isang paraang nagbibigay ng daan

upang makamit natin ang ating mga

pangarap. Nawa‘y napukaw ng

Poong Nazareno ang puso ng bawat

isa nang Siya ay bumisita sa ating

Parokya ilang buwan pa lang ang

nakalilipas. Muli, nasa piling ni San

Jose ang Mahal nating Ina upang

ipaalala sa atin ang kulay ng isang

larawang buhay ng nakalipas, ang

alagaan at ingatan ang Kanyang

pinakamamahal na Anak na ating

Tagapagligtas.

Isang kasapi rin ng Ministry of Altar Server ang nagturo sa atin noon ng pagbibigay na ganap.

Maka-ilang ulit siyang naghandog ng kanyang mga baryang naipon para maisakatuparan ng ating

Parokya ang kanyang mga pangarap. Wari bang naulit ito sa katauhan ng isang batang taga-Pineda

na naghandog ng kanyang mga naipon.

Nawa‘y mapukaw ng mga bata ang ating mga diwa at mag-alay ng ganap at ang pangarap ni San

Jose na alagaan si Kristo ay maibahagi niyang ganap at sa ating mga puso magningas at mag-alab.

May Bayanihan sa Parokya ni San Jose ang Manggagawa (353 MBPS: may MAGAGAWA ang mga

manggagawa ni San Jose)!

Page 6: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

6 - Ang Manggagawa

SU

LO

KA

BA

TA

AN

ANG PAMILYA SA PAGSAPIT NG PASKO

Ilang araw na lang ang nalalabi, malapit na namang sumapit ang isa sa mga pinakamasayang pag-

diriwang ng taon kung saan muling magkakaroon ng pagkakataon ang magkakapamilya at magka-

kaibigan upang magkalapit at magsama-sama: Pasko.

Isang katotohanan na sa dami ng ating mga pinagkakaabalahan sa ating pang araw-araw na pa-

mumuhay, kagaya ng ating kabuhayan. ay madalas nating makaligtaan ang mga bagay at taong

nagbibigay sa atin ng pagpapahalaga kaya‘t naisip kong ibahagi ang isang hindi malilimutang kara-

nasan ng aking pamilya halos isang buwan na ang nakakaraan.

Nang mga panahong iyon kasi ay madalas manghina ang pangangatawan ng aming ina, ngunit sa

kabila ng kanyang kalagayan ay patuloy pa rin niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa

amin, kahit pa nga madalas ay lagi niya kaming pinapaaalalahanan na kami ay nasa edad na

upang matutunan ang lahat ng bagay at darating ang panahon na silang aming mga magulang ay

kailangan na ring mamahinga.

Dumating sa puntong nagtatampo na siya sa amin dala na rin ng sobrang pagkaabala namin sa

aming mga pang araw-araw na gawain. Pakiramdam niya kasi noong mga panahong iyon ay wala

na kaming panahon sa kanya upang siya ay alagaan kaya‘t napagpasyahan niyang magpa-ospital

na lamang ng nag-iisa nang hindi man lang ipinapaalam sa

kahit sino sa amin. Ayon na rin sa kanya, medyo nagugulu-

han din siya noon at gusto niya muna mapag-isa kaya‘t

hindi niya agad ipinaalam ang kanyang kinaroroonan. Sa

pagkakatanda ko noon, pare-pareho kaming nakaramdam

ng sobrang takot at pag-aalala dahil hindi namin alam kung

paano at saan kami magsisimulang hanapin siya dahil wala

siyang cellphone na dala noong araw na siya ay ―mawala‖.

Hanggang makatanggap nga kami ng tawag mula sa kanya

kinabukasan at sinasabi nga niyang siya ay nakaratay sa

isang ospital. Humihingi rin siya ng kapatawaran noon sa

amin dahil sa alam niyang masyado kaming nag-alala para

sa kanyang kaligtasan. At dahil sa pangyayaring iyon,

nakita ko kung paano nagkaisa ang bawat isa sa aming

pamilya at nagtulungan upang malagpasan naming ang

pagsubok na iyon.

Hindi lingid lalo na sa aking mga kasamahang kabataan sa

parokya ang kwento ng aking pamilya. Sa totoo lamang

po, lumaki kaming apat na magkakapatid sa isang pamilya

na hindi lantaran kung magpakita ng pagmamahal sa isa‘t

isa pero alam naming handa kaming damayan ang isa‘t isa

sa oras ng kagpitan at natutunang huwag balewalain ang

pagmamahal na nagmumula sa mga taong habang buhay

na magiging bahagi ng aming buhay.

ni S

is M

ary

Gra

ce F

. Pa

blo

FILL THIS SPACE.

Sumali sa Ang Manggagawa.

Magsulat, gumuhit, o magdisenyo ng

pahina.

Maghatid ng Mabuting Balita.

Para sa iba pang mga detalye,

makipag-ugnayan sa tanggapan ng

ating parokya o

magpadala ng iyong gawa sa

[email protected]

Ang Manggagawa - 11

LAOS NA NGA BA ANG KASAL?

Tinanong ng Time Magazine ang 2,700 Amerikano noong 2010 tungkol sa kasal. Sa survey nito,

lumabas na 4 sa bawat 10 Amerikano o 20% ang nagsabing hindi na uso ang kasal, mas mataas

ito ng 11% kaysa sa katulad na survey na ginawa ng magazine noong 1978, lalo na sa mga may

edad na 18-29 taon na 44% ang nagsabing laos na nga ang kasal. Lumilitaw din na mga may

gulang na 25-35 taon, mas marami na ngayon ang di-kasal kaysa sa mga kasal. Sabi pa ng survey,

ang gayong nakalulungkot na pananaw sa Kristiyanong kasal ay bunga na rin ng dumaraming

bilang ng mga nagdidiborsyo at nagsasama (live-in) sa Amerika.

Pero hindi lang ito totoo sa Amerika; gayundin ang nangyayari sa Pilipinas. Sa survey na ginawa

ng Radio Veritas kamakailan lang, lumitaw na mahigit kalahati ng mga ―mag-asawang‖ Katoliko

sa bansa ang di kasal. Tinanong ng Veritas ang 2,500 Pilipino sa 85 Archdioceses sa 17 rehiyon

ng bansa, at mahigit kalahati nito ang mahihiwatig na ‗di kasal. Sa survey, 50.2 % ang walang

sagot (―NA‖) nang tanungin kung kasal sila sa Simbahan, 7.5 % lang ang umaming di-kasal at

42.3 % ang nagsabing kasal sila.

Ayon kay Bro. Clifford Sorita, propesor ng Sociology, maipapalagay na ang sumagot ng ―NA‖ ay

nagsasama na pero nahihiyang umaming hindi kasal. Mas tataas pa sa 50% ang hindi kasal kung

idadagdag dito ang 7.5% tahasang nagsabing hindi kasal.

Huwag na tayong lumayo, tumingin lang tayo sa ating paligid. Hindi ba mas marami na ngayon

ang nagli-live in na lang kaysa noong panahon ng ating mga magulang? Patunay ito na nag-

tatagumpay ang iba‘t ibang puwersang umaatake sa kasal kabilang na rito ang tiwaling im-

pluwensya dala ng ibang bansa lalo na Amerika na hatid ng media tulad ng telebisyon at peliku-

la. Ang nakalulungkot pa, may pagtingin ang na survey na magastos magpakasal sa simbahan

kaya hindi sila nagpagpapakasal dito. Dahil dito, nababahala ang mga lider ng Simbahan sa

dumaraming di nagpapahalaga sa sakramento ng kasal. Dapat tayong mga kabahagi ng Simba-

han ay mangamba—kasal ang pundasyon ng Kristiyanong pamilya. At sa loob ng Kristiyanong

pamilya nagsisimula ang pagpapalaganap ng pananampalataya.

Hindi pa tapos ang laban, malaki ang magagawa nating mga layko para mabigyang halaga muli

ang kasal. Tayo mismo, kung may mga kapatid o anak na hindi pa kasal, tulungan natin silang

makasal sa Simbahan. Higit sa lahat, palakasin

natin ang ating pamilya, sikapin nating ilapit sa

Diyos ang ating mga asawa‘t anak. Mahirap pero

makukuha iyan sa dagdag na dasal at sa pagsama

sa kanila sa Simbahan. Ipakita natin sa iba ang

biyaya ng kasal sa ating buhay mag-asawa at sa

ating pamilya. Kung hindi natin maipapakita,

bakit nga naman magpapakasal pa sa Simbahan

ang iba?

Isa pa, tunay na biyaya para sa mag-asawa ang

makasal sa Simbahan—patikim ito ng buhay sa

langit.

TU

NG

KO

D N

I S

AN

JO

SE

n

i Bro

. Elo

i Ca

limo

so

(BANAL NA PAMILYA, mula sa Pahina 7)

nating paka-ingatan. Sa atin ipinagkatiwala ni

Hesus ang Kanyang simbahan at tayo mismo,

katulad ni Maria ay mga buhay na luklukan

ng Banal na Katawan ni Kristo. Ito ang

hamon sa ating lahat, na kung paano natin

pangangalagaan ang bawat isa, ang ating

pamilya at ang buong simbahan.

Kaya naman kung tayo ay pinanghihinaan ng

loob, huwag nating kalimutan na mayroon

tayong pamilyang malalapitan, iisang Diyos,

isang pananampalataya. Banal ang ating

pamilya.

Page 7: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

10 - Ang Manggagawa

Siya ay patron ng mga misyonaryong manlalakbay, ipinanganak sa Pamplona, Espanya noong

taong 1506. Nag-aral sa Paris at napabilang sa unang pitong taga-sunod ni San Ignatius ng Loyola.

Noong taong 1541, apat na taon pagkatapos ng kanyang ordinasyon bilang pari, siya ay ipinadala

bilang misyonero sa bansang India.

Pagkatapos ng labintatlong buwan ng paglalakbay, nagsimula na siya ng pagpapalaganap ng ma-

gandang balita sa kolonya ng Portugal, sa Goa. Ipinagtanggol niya nag mga katutubo laban sa di-

makatarungang ginagawa sa kanila at pang-aabuso bilang mga alipin. Pinagtuunan niya ng pansin

ang pagpaparusa ng mga amo sa kanilang mga alipin sa pamamagitan ng pagpahataw ng mga ito

sa kanilang mga alipin, sa pamamagitan ng pagbilang ng mga butil ng rosaryo. Pagkaraan ng li-

mang buwan, nag-ebanghelyo siya nang buong kagalakan sa mga Paravas, sa Costal Perlas na

pangisdaan, at halos lahat ng taga-roon ay nagnais na sila ay mabinyagan. Marunong din naman

siyang tumanggap ng kabiguan; sa katunayan, sa loob ng labindalawang buwan ng page-

ebanghelyo sa mga taga-Brahman, isa lamang ang kanyang na-akay sa pananampalataya.

Pumunta siya sa bansang Hapon noong 1549 at naging unang misyonero doon, Nang mabatid na

walang dating sa mga Hapon ang pagiging aba pagdating sa pag e-ebanghelyo, nagbihis siya ng

disente at ipinakilala ang sarili sa mga lokal na awtoridad, bilang kinatawan ng Portugal. Sa pama-

magitan ng paghahandog ng mga munting regalo sa mga taga-roon, tulad ng kahon-musikal, relo

at mga pares ng salamin, siya ay napahintulutang mag-ebanghelyo sa mga tao noon. Sa kanyang

sariling opinyon, sa lahat ng mga di-mananampalataya, ang mga Hapon ang pinakamaayos na

mga tao. Ngunit ang maagang tagumpay sa pananampalataya ay naka-alarma sa mga lokal na

namumuno roon at naghinala sa kanyang tunay na misyon at

tuluyang pinagbawal ang kanyang apostolado sa bansang iyon.

Nagpasya siyang ituloy ang kanyang misyon sa bansang Tsina.

Nang marating niya ang isla ng Sancian, malapit sa Hongkong,

nagkaroon siya ng karamdaman. Doon siya pumanaw noong

taong 1552 na walang binibigkas kung hindi ang pangalan ng

ating Panginoong Hesus hanggang sa kanyang huling hininga.

Sino siya? Abangan ang kasagutan sa susunod na isyu ng

ANG MANGGAGAWA.

Tampok sa nakaraang isyu (Isyu Bilang 13 – Nobyembre 2012):

San Martin de Porres

SIN

O S

’YA

?

ni S

is R

iza

lina

H. C

arb

on

ell

Dec.1- Ryan Tom Faustino|Dec.3- Susan Santos, Edelina Daluz | Dec. 4- Ronnel Reusal, Sugar

Almayda, Menchie Castillo, Arlene Santos | Dec. 5- Teresita Bunyi |Dec. 8- Aurelia Abillar| Dec. 9

- Paz Feraman |Dec. 10- Arsenia Hidalgo, Gigi Lopez |Dec. 11- Arcenio Silverio, Angelita Licta-

oa|Dec. 12- Araceli Esmeña, Erlinda Samson| Dec. 14- Nick Molina| Dec. 15- Imelda Juachon,

Fernando Renz Montevirgen, Jeric Tuma-ob |Dec. 17- Leonor Montevirgen| Dec. 18- Antonia

Gadin, Gerlindio Lorico |Dec. 19- Francisco Montevirgen| Dec. 20- Mary Rose Ruby Batimana |

Dec. 21- Hesusa Asonio, Angelo Meñosa, Manuel Soliven |Dec. 22-Flora de Guzman, Magdalena

Falcon, Gerlinda Gacer |Dec. 23- Myrna Manjandin| Dec. 25- Joseph Manalo, Natividad Mangu-

labnan|Dec. 27- Marissa Hinampas|Dec. 28- Marvie Galanga, Angelita Buenaventura|Dec. 29-

Leticia Mata|Dec. 30- Riza Macalia| Dec. 31- Leonida Castillo, Bobbie Delina, Cristina Dipasupil,

John Paul Dahilig, Roderick Acuña AT

IN

G T

AN

DA

AN

Ang Manggagawa - 7

BANAL ANG AKING PAMILYA

Banal na Pamilya ang tawag sa pamilyang kinabibilangan ng Panginoong Hesukristo kasama ang

mahal na inang Maria at amang San Jose. Ang kapistahang ito ay ipinagdiriwang ng buong Simba-

hang Katoliko, linggo sa pagitan ng Pasko at Bagong Taon. At kung parehong linggo nataon ang

dalawang pagdiriwang, ang kapistahang nabanggit ay idaraos sa ika-30 ng Disyembre.

Saan nga ba nagmula ang debosyon sa Banal na Pamilya?

Noong ika-26 ng Oktubre 1921, isinama ang Kapistahan ng

Banal na Pamilya sa Latin Rite general calendar ng Congre-

gation of Rites sa ilalim ng Papa Benito XV. Ito rin ang

naging tugon sa lumalalang pagkasira at pagkakawatak-

watak ng mga pamilya noon, na isang malaking hamon pa

ring kinakaharap ng mga pamilyang Kristiyano hanggang

sa ngayon.

Sa kabilang banda, ang debosyon sa Banal na Pamilya ay

nag-ugat sa Bethlehem. Ang mga pastol noon ay nagtungo

roon upang papurihan ang batang Hesus at ang Kanyang

pamilya. Ito ang kaganapang ginawa rin ng tatlong pantas

mula sa Silangan na nagkaloob ng mga handog na ginto,

insenso at mira upang luwalhatiin at dakilain ang isinilang

na Hari.

Samantala, pinatunayan naman ng mga pantas ng simba-

han tulad ni St. Bernard ng Clairvaux na ang Panginoong

Hesus mismo ang unang deboto ng Banal na Pamilya.

Ayon sa naturang santo, ipinakita ito ni Hesus sa pama-

magitan ng buong pusong pagsunod kay Maria at Jose na

Kanyang mga magulang. Ang pagsunod na ito ay

nagpapakita ng kababaang-loob ng Anak ng Diyos na hin-

di masusukat. Kaya naman ang kapistahang ito ng Banal

na Pamilya ay nagpapaalala sa atin ng pagsunod sa ika-apat na utos ng Diyos at gayun din naman

ay pumapatungkol sa mapagmahal na pag-aaruga na ipinadama ni Maria at Jose kay Hesus noong

Siya ay nasa pangangalaga nila.

Taong 1870, sa pangunguna ni Papa Pio IX naiproklamang Patron ng Simbahang Katoliko si San

Jose. Kaakibat nito ang pagpapatuloy ng turo ng dating Santo Papa Leo XIII na nangaral na si San

Jose, sang-ayon sa kalooban ng Panginoon, ang mapalad sa lahat ng kalalakihan na naging ama

ng Panginoong Hesus, na tinanggap niya ng may buong paninindigan at naging tagapangalaga ng

Anak ng Diyos. Si San Jose na naging tagapagbantay, tagapamahala, at tagapagtanggol ng simba-

han kung saan siya ang puno, ay marapat lamang na magpastol sa ating pamilya, sa lahat ng ating

pangangailangan at gayundin sa ating kaligtasan. Nawa‘y patuloy niya tayong lukuban ng

kanyang balabal at ipagsanggalang ang buong simbahan.

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mahusay na pangangalagang ito ni San Jose kay Hesus ay

siya ring ipinadama ni Maria sa katawan ni Kristo, kaya‘t marapat lamang na kung paanong pag-

aalaga ang ipinamalas ni Jose at Maria kay Hesus at sa simbahan, ay siya rin (sundan sa Pahina 11)

EHEMPLO. Ang Banal na Pamilya ay

mananatiling magandang halimbawa sa

ating mga pamilya sa pagkakaroon ng

isang payak ngunit payapang pamilya

na may walang maliw na pag-ibig sa

Panginoon.

US

AP

IN

G P

AM

IL

YA

n

i Bro

Ra

inie

r Ig

na

cio

Page 8: Ang Manggagawa Issue 14 (December 2012)

8 - Ang Manggagawa

SA

NG

KA

PA

YA

PA

AN

n

i Sis

Cri

stin

a O

.Dip

asu

pil

KARAYOM

Matulis maliit at ginagamit sa pagsusulsi. Ang buhay ay parang isang karayom: mahirap pasukin

na dapat ay may pagititiyaga at pagsunod .

Marami sa atin ngayon ay naghahanap ng kaligayahan sa buhay. Anong uri ba ng kaligayan ang

hinahanap natin? Nariyan ang pagkakaroon ng mgandang trabaho at mataas na sahod; sariling

lupa‘t bahay, sasakyan, negosyo; atbp. Nakakalungkot mang isipin ay iyan ang mga klaseng

kaligayahan ang hinahanap ng tao ngayon: karamihan ay materyal. Sa paghahanap natin ng

kaligayahan kung minsan ay nalalagay tayo sa dead end situation, parang tinutusok tayo ng

karayom ng kaaway para makagawa tayo ng labag sa kalooban ng Diyos, at makamtan ang

kaligayahang hinahangad.

Narito ang ilang linya mula sa Bibliya tungkol sa pagtalima sa isang

ama (Mateo 21: 28-32):

Ngunit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak

na lalaki. Lumapit siya sa una at sinabi: Anak, pumunta ka ngayon sa

ubasan at gumawa ka roon.

Sumagot siya: Ayaw ko. Ngunit nagsisi siya at pumunta rin pagkata-

pos.

Lumapit siya sa pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot siya: Pupunta ako.

Ngunit hindi siya pumunta.

Sino sa kanilang dalawa ang gumanap ng kalooban ng ama? Sinabi nila sa kaniya: Ang una.

Sinabi ni Hesus sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang mga maniningil ng buwis at mga

patutot ay mauuna sa inyo sa pagpasok sa paghahari ng Diyos.

Ito ay sapagkat dumating sa inyo si Juan sa daan ng katuwiran at hindi ninyo siya pinaniwalaan.

Ngunit pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot. Samantalang kayo,

nakita ninyo ito ngunit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kaniya.

Ang panganay na anak nung una ay tumanggi sa alok ng ama na magtrabaho sa kanyang ubasan

pero sa bandang huli ay nagbago ang kanyang isip at nagtrabaho sa ubasan ng kanyang ama. Ang

pangalawang anak naman ay tumugon sa alok ng ama na magtrabaho sa kanyang ubasan ngunit

hindi naman siya nagpunta roon. Nakita natin dito na ang panganay na anak ay sumunod sa

kagustuhan ng ama.

Ang buhay natin ay dumadaan sa butas ng karayom: maraming pagsubok at mga problema.

Kung alam lang natin na kung tayo ay susunod ay gaganda ang buhay natin. Minsan kaya hindi

maganda ang takbo ng buhay natin ay hindi tayo sumusunod sa kagustuhan ng Diyos.

Marami na akong pinagdaanan na mga pagsubok at mga problema sa buhay ko. Pinairal ko ang

katigasan ng aking ulo at mga sariling kagustuhan, gimik, gastos, lakwatsa at kung anu-ano pa. Sa

madaling salita, maaring sabihing non-sense talaga ang buhay ko. Hindi naging maganda ang

takbo ng buhay ko nang wala ang Diyos sa buhay ko, hanggang isang araw napagod na ako sa

ganoong buhay: ako ay nagising at natauhan. Nalaman kong may plano ang Diyos para sa akin

kung ako lamang ay susunod sa kanya. Tinaggap ko ang kalooban ng Diyos para sa akin. Ako

GOSPEL READINGS:

12/02/12—Lc 21:25-28,

34-36

12/09/12—Lc 3:1-6

12/16/12—Lc 3:10-18

12/23/12—Lc 1:39-45

12/30/12—Lc 2:41-52

Ang Manggagawa - 9

ngayon ay bahagi na ng pagtataguyod sa ating

simbahan. Naging maayos na ang takbo ng aking

buhay. Doon ko napagtanto na ang pagsunod sa

kalooban ng Diyos ay hindi lamang sa paggawa

ng mga napakalaking bagay. Ito ay paggawa ng

mga bagay ng buong puso at buong pagmamahal.

Gawin mo nang buong pagmamahal ang lahat ng

bagay na iyong ginagawa para sa Diyos; sa gayon,

ang lahat ng gawain mo ay naaayon sa Kanya at

hindi na sa makamundong pagnanasa, At kung

gusto nating sundin ang kaloobang ng

Diyos,dapat habang ikaw ay sumusunod, huwag

na huwag kakalimutan ang manalangin.

Paano mo malalaman kung tunay ang iyong pagsunod sa mga utos ng Diyos? Tanungin mo ang iyong sarili.

Sa isang tanong lamang ay maari na nating malaman kung tayo ay talagang sumusunod sa kanya.

Bakit tayo nagsisimba tuwing Linggo? Ang paggawa ng mabuti katulad ng pagsisimba ay maaring makaakyat

sa langit. May karampatang biyaya ang pagsimba. Isa itong porma ng paghingi ng biyaya.

Tama ba o mali ang mga kasagutan? Marami sa ating mga Kristiyano ang sumusunod lang sa utos ng Diyos

sapagkat takot sila na mapunta sa impiyerno o kaya naman ay nais nilang manirahan sa sinasabing kaharian

ng langit. Kakaunti ang nakapagsasabing "sumusunod ako sa utos dahil mahal ko ang Diyos!"

Mali ang pagsunod ng dahil sa takot at mali rin ang pagsunod dahil may hinihintay na kapalit. Ang tunay na

pagsunod sa utos ng Diyos ay sapagkat mahal natin Siya. Walang hinihintay na kapalit. Ibig sabihin, nag-

sisimba tayo hindi sapagkat takot tayong magkaroon ng kasalanan. Matulungin tayo sa mahihirap hindi

sapagkat may hinihintay tayong gantimpala sa langit. Hindi tayo

gumagawa ng masamang gawain hindi sapakat takot tayong sa

impiyerno! Sumusunod tayo sapagkat mahal natin ang Diyos!

Habang tayo ay nabubuhay pa at may pagkakataon pa sa

buhay, sumunod tayo sa kagustuhan ng Diyos para sa atin. Hu-

wag nating aksayahin ang ating buhay sa walang kwentang bagay,

at tumugon tayo sa Kanyang pagtawag. Ang buhay ay parang isang

karayom: sa ating pagsunod ay unti-unti tayong makakapasok sa bu-

tas ng karayom patungo sa kaharian ng Diyos.

Ito ang diwa ng masaya at ganap na buhay Katoliko: ang maging

masurin sa Diyos at ang magtiwala sa kanya ng lubos. At kung may-

roon mang bahagi sa ating buhay-espirituwal na dapat na

paunlarin sa mga panahong ito, walang iba kundi ang pag-

sunod.

(Inaanyayahan ang lahat na magmasid sa kapaligiran. Sa

maraming simpleng bagay, hanapin ang kahulugan ng buhay. Sa

susunod na isyu ng Ang Manggagawa na tampok sa

Sangkapayapaan: GINTO)

(BAKIT IPINAGDIRIWANG, mula sa Pahina 2) Sa kahuli

-hulihan, anumang petsa natin ipagdiwang ang araw ng

Pasko, mas dapat pa rin nating isapuso ang tunay na

diwa nito kaysa sa pagtukoy kung kailan ito talagang

naganap. Hindi lamang tuwing Disyembre 25 natin

dapat ipagdiwang ang pasko, kundi araw-araw. Tulad

ng kaisipang kaya ito inilagay sa Disyembre 25 ay

upang makahimok sa pananampalatayang Kristiyano,

sana'y gayun din natin ito ipinagdiriwang sa araw-araw

nating pamumuhay. Nawa'y makahikayat tayo ng ating

kapwa, palapit sa ating Panginoon.

Maligaya at mapayapang Pasko po sa ating lahat!