16
Hawak-hawak ang isang pistol sa kaliwa at bolo sa kanang kamay, mababanaag mo sa kanyang mukha tapang at dedikasyon sa kalayaan. Isang moog na sa gitna ng abalang lansangan ay tila nanghihikayat para sa panibagong rebolusyon. Sa Caloocan, Maynila at sa iba pang panig ng bansa, makikita ang mga rebulto ng da- kilang bayani na si Gat Andres Bonifacio maging ng ordinaryong Katipunero, tulad ng sa Pugadlawin noon na nakagawiang ipangalan sa kanya. Mga imaheng naging makabuluhang bahagi ng ating ka- saysayan. Sa gitna ng pagdiriwang para sa ika-150 anibersaryo ng kanyang kapanganakan, ang Federation of Free Workers (FFW) ay nagbibigay pugay sa dangal at kabayanihan ni Andres Bonifacio. Higit pa dito, nagbabalik-tanaw ang FFW sa mga aklat ng kasaysayan at karanasan ng ma- mamayan upang muling suriin at pagnilayan ang mga aral na ibinigay sa atin ni Bonifacio, ng Katipunan at ng sambayanang Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. BAYANI Itinatag ni Bonifacio ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan na siyang nanguna sa kauna-unahang rebolusyon hindi lamang sa bansa kundi sa buong Asya. Ito ang pangunahing puwersang nanguna sa mga himag- sikan sa iba’t ibang bayan partikular sa Luzon na naglayong makalaya sa pamamahala ng Kolonyalistang Kastila. Ngunit hindi si Bonifacio o ang Katipunan ang nagbunsad ng rebolusyon—kundi ang mga kaapihan at kawalang katarungang panlipunan na dinanas ng mga Pilipino sa ka- may ng mga mananakop. Ang pag--aaklas ay reaksyon ng mamamayan na inorganisa, kinonsolida at pinangunahan ni Bonifacio at ng Katipunan. Ang kabayanihan ni Bonifacio ay hindi lamang dahil sa kanyang pagbubuwis ng dugo, kundi nagmumula pa sa desisyong tumugon sa hamon ng panahon at pangunahan ang kilusan. Tulad ng mga proletaryadong kasapi ng Katipunan, patuloy na nahaharap ang mangga- gawang Pilipino sa karahasan, kaapihan at kawalan ng katarungang panlipunan. Patuloy na kaapihan. Sa kabila ng abang sitwasyon ng mga manggagawa, ng kawalan ng sapat na pantustos sa pang araw-araw ng pangangailangan ng pamilya, bilyong pisong mula sa kaban ng Bayani. Lider. Manggagawa. Ang isyung ito ng Free Workers ay tumatalakay sa pagiging Bayani, Lider at Manggagawa ni Andres Bonifacio at kung paano ito sasalamin sa kasalu- kuyang mga gawain at adbokasiya ng Unyon. Binibigyang pansin ang mga isyung isinusulong ng FFW Ang mga kabayanihan sa gitna ng Super- bagyong Yolanda Ang pagbabagong dulot ng Desisyon ng Korte Suprema sa PDAF Ang ILO Convention on Decent Work for Domes- tic Workers at Kasamba- hay Law Ang patuloy na pagpapa- lakas ng Unyonismo ng FFW FREE WORKERS Inside this issue: SC: PDAF Labag sa Konstitusyon 5 Highlights ng Desisyon ng Korte Suprema 6 Labor Day Manifesto 7 Bayani at Bayanihan ng Yolanda 8 Pangarap na Nakamit, Tagumpay ng Kasambahay 10 Kuwentong Kasambahay, Isyung Manggagawa 11 FFW Patuloy ang Ser- bisyong Manggagawa 12 Hunyo-Disyembre 2013 Tomo XV Blg. I FEDERATION OF FREE WORKERS (FFW) Opisyal na Publikasyon ng www.ffw.org.ph

Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

  • Upload
    buinga

  • View
    312

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Hawak-hawak ang isang pistol sa kaliwa at bolo sa kanang kamay, mababanaag mo sa

kanyang mukha tapang at dedikasyon sa kalayaan. Isang moog na sa gitna ng abalang

lansangan ay tila nanghihikayat para sa panibagong rebolusyon.

Sa Caloocan, Maynila at sa iba pang panig ng bansa, makikita ang mga rebulto ng da-

kilang bayani na si Gat Andres Bonifacio maging ng ordinaryong Katipunero, tulad ng sa

Pugadlawin noon na nakagawiang ipangalan sa kanya.

Mga imaheng naging makabuluhang bahagi ng ating ka-

saysayan.

Sa gitna ng pagdiriwang para sa ika-150 anibersaryo ng

kanyang kapanganakan, ang Federation of Free Workers

(FFW) ay nagbibigay pugay sa dangal at kabayanihan ni

Andres Bonifacio. Higit pa dito, nagbabalik-tanaw ang

FFW sa mga aklat ng kasaysayan at karanasan ng ma-

mamayan upang muling suriin at pagnilayan ang mga

aral na ibinigay sa atin ni Bonifacio, ng Katipunan at ng

sambayanang Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga

Kastila.

BAYANI

Itinatag ni Bonifacio ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng

Bayan o Katipunan na siyang nanguna sa kauna-unahang rebolusyon hindi lamang sa

bansa kundi sa buong Asya. Ito ang pangunahing puwersang nanguna sa mga himag-

sikan sa iba’t ibang bayan partikular sa Luzon na naglayong makalaya sa pamamahala

ng Kolonyalistang Kastila.

Ngunit hindi si Bonifacio o ang Katipunan ang nagbunsad ng rebolusyon—kundi ang

mga kaapihan at kawalang katarungang panlipunan na dinanas ng mga Pilipino sa ka-

may ng mga mananakop. Ang pag--aaklas ay reaksyon ng mamamayan na inorganisa,

kinonsolida at pinangunahan ni Bonifacio at ng Katipunan.

Ang kabayanihan ni Bonifacio ay hindi lamang dahil sa kanyang pagbubuwis ng dugo,

kundi nagmumula pa sa desisyong tumugon sa hamon ng panahon at pangunahan ang

kilusan.

Tulad ng mga proletaryadong kasapi ng Katipunan, patuloy na nahaharap ang mangga-

gawang Pilipino sa karahasan, kaapihan at kawalan ng katarungang panlipunan.

Patuloy na kaapihan.

Sa kabila ng abang sitwasyon ng mga manggagawa, ng kawalan ng sapat na pantustos

sa pang araw-araw ng pangangailangan ng pamilya, bilyong pisong mula sa kaban ng

Bayani. Lider. Manggagawa.

Ang isyung ito ng Free Workers ay tumatalakay sa pagiging Bayani, Lider at Manggagawa ni Andres Bonifacio at kung paano ito sasalamin sa kasalu-kuyang mga gawain at adbokasiya ng Unyon.

Binibigyang pansin ang

mga isyung isinusulong

ng FFW

Ang mga kabayanihan

sa gitna ng Super-

bagyong Yolanda

Ang pagbabagong dulot

ng Desisyon ng Korte

Suprema sa PDAF

Ang ILO Convention on

Decent Work for Domes-

tic Workers at Kasamba-

hay Law

Ang patuloy na pagpapa-

lakas ng Unyonismo ng

FFW

FREE WORKERS

Inside this issue:

SC: PDAF Labag sa Konstitusyon

5

Highlights ng Desisyon ng

Korte Suprema 6

Labor Day Manifesto 7

Bayani at Bayanihan ng

Yolanda 8

Pangarap na Nakamit,

Tagumpay ng Kasambahay 10

Kuwentong Kasambahay,

Isyung Manggagawa 11

FFW Patuloy ang Ser-

bisyong Manggagawa 12

Hunyo-Disyembre 2013 Tomo XV Blg. I

FEDERATION OF FREE WORKERS (FFW) Opisyal na Publikasyon ng

www.ffw.org.ph

Page 2: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

bayan ang ibinubulsa ng

ating sariling mga puli-

tiko—ang mga bagong

gobernadorcillo ng ating

panahon.

Patuloy ang panggigipit

sa mga oposisyon,

pagpaslang at pananakot

sa mga lider-unyon. Nak-

amamatay din ang mga

sitwasyon sa loob ng

maraming pagawaan.

Mga “sweat shops” na tila

tinotortyur at unti-unting

pinapatay ang mga

manggagawa sa pama-

magitan ng labis na oras

ng trabaho na walang

pahinga, karampot na

sahod at kawalan ng kati-

yakan sa trabaho.

Iilang tao pa din, tulad ng

mga Prayle at Goberna-

dor, ang nagkakamal at

patuloy na nagpapaya-

man sa dugo at pawis ng

mga mamamayan.

Si Manong Emil, sa loob

ng mahigit 30 taon ng

pagtatrabaho ay ngiwi

na ang mukha, iika-ika

maglakad, at halos hindi

na maintindihan ang mga

salita, magreretiro sa

isang taon na ‘isang ka-

hig, isang tuka pa rin’. Sa

kanyang edad, inaalala

niya kung paano kakain

ang pamilya kung mawa-

walan na siya ng trabaho.

Si Eric, sa edad na 21 ay

nakapagtrabaho na sa

walong kumpanya. Walang

kaseguruhan. Natatapos

ang kanyang kontrata sa

loob ng limang buwan

hanggang isang taon.

Nauubos din ang panahon

ng kanyang kabataan ng

walang malinaw na seguri-

dad para sa kinabukasan.

Sa lumalalang sitwasyon,

naninindigan ang mga ba-

yaning lider-manggagawa

ng FFW na patuloy na

mag-organisa at mag-

sulong ng mga pagbabago

sa mga patakaran at batas

para sa kapakanan ng

mga manggagawa.

Mga bayaning nagde-

sisyong tumugon sa

hamon ng kasalukuyang

panahon.

LIDER.

Maraming kritiko ni Boni-

facio ang nagsasabing

higit ang kakayahan ni Ri-

zal at Aguinaldo. Si Rizal

ang pumukaw sa damda-

min ng maraming Pilipino.

Si Aguinaldo ang

nagpanalo sa maraming

labanan sa ilalim ng Kati-

punan na pinamumunuan

ni Bonifacio. Ang kontri-

busyon ng bawat isang

bahagi ng ating kasaysa-

yan ay hindi maaaring

ipagkait. Si Bonifacio ang

nagkonsolida at nag-

organisa ng mulat na ma-

mamayan sa ilalim ng Ka-

tipunan upang simulan

ang pakikidigma. Hinog

ang panahon upang

mapagkaisa ang mga Pili-

pino sa layuning maka-

laya sa mapanupil na pa-

mamahala ng mga

Kastila. Siya ang lider

manggagawang nagbigay

pag-asa sa mga karani-

wang tao upang bumuo

ng puwersang hihigit sa

kapangyarihan ng mga

kalaban.

Hindi nawalan ng panana-

lig ang mga kasapi sa

layunin ng Katipunan.

Mga layuning napatuna-

yang tama — sa

Page 2 Federation of Free Workers (FFW)

BAYANI. LIDER... (mula sa pahina 1)

pagpapatuloy ng himag-

sikan at pagtatagumpay

ng Rebolusyong Pilipino

Patuloy ang layunin ng

pagpapalaya.

Patay na si Bonifacio

pero ang layuning maka-

laya ang bansa ay

nagpatuloy at nagpapat-

uloy hanggang sa nga-

yon.

Kalayaan sa kahirapan.

Marangal na trabaho.

Makatarungang hatian sa

bunga ng paggawa.

Karapatang maging ba-

hagi sa pagbuo ng mga

patakaran at batas na

tunay na tutugon sa sit-

wasyon at pangan-

gailangan ng mamama-

yan.

Patuloy na nangunguna

ang mga samahang ma-

sa tulad ng FFW at ibang

unyon sa layuning maka-

mit ang tunay na

kalayaan. Mga puwer-

sang maituturing na ba-

gong Katipunan. Sa

pagpapalit-palit man ng

mga lider, patuloy na

SUGOD MGA KAPATID!? Nagmartsa ang FFW kasama ang ibang mga

unyon mula sa Nagkaisa! bilang paggunita sa ika-150 kaarawan ng baya-

ni ng uring manggagawa na si Andres Bonifacio

Page 3: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Sa kasaysayan, itinutur-

ing siya ng ilan bilang

kauna-unahang Pangulo

ng bansa.

Higit sa sarili.

Tulad ni Bonifacio, ang

mga manggagawa ay

nahubog na mangarap

ng mga bagay na higit

sa sarili.

Ang bawat patak ng

pawis sa pagtatrabaho

ay inilalaan sa pamilya

at sa kinabukasan ng

mga anak.

Tulad ni Bonifacio, ang

kawalan ng seguridad at

disenteng trabaho, ang

di-sapat at di-

makatarungang kita, at

ang di-makataong pag-

trato sa mga manggaga-

wa ay nagbubunsod ng

matiim na pagnanais ng

pagbabago.

Ang unyon ang sandi-

gan ng mga manggaga-

wa. Hindi man nito is-

tratehiya ang gumamit

ng bolo at baril gaya ng

Katipunan, ang lakas ng

pagkakaisa ang

kanyang sandata.

Sa nakaraang mahigit

100 taon ng pag-uunyon

sa bansa, marami nang

napagtagumpayan ang

hanay ng mga mangga-

gawa.

Globalisasyon

Kinaharap nina Boni-

facio ang kolonisasyon

ng mga Kastila.

Hinaharap ng mga

manggagawa ngayon

ang mga dagok ng

globalisasyon.

Tila magkaiba man sa

pamamaraan, parehong

pang-aapi at pagsupil sa

karapatan ng mga

isinusulong ang mga paninindi-

gan ng mamamayan.

MANGGAGAWA.

Pwersang proletaryo o mang-

gagawa ang pangunahing

bumubuo ng Katipunan. Si

Bonifacio mismo ay naging

manggagawa ng tungkod at

pamaypay na kanyang ibine-

benta sa Tondo matapos si-

yang maulila sa edad na 14.

Nagtrabaho siya sa isang

kumpanyang Briton, J.M. Flem-

ing & Co. bilang ahente ng

mga lokal na materyales, tar at

rattan. Nakapagtrabaho din

siya sa isang kumpanyanmg

Aleman, Fressell & Co., bilang

bodegero.

Pero hindi natapos sa sarili o

sa pamilya ang pangarap ni

Bonifacio. Nararamdaman niya

ang hirap at pasakit ng tulad

niyang manggagawa at ang

sitwasyong kinakaharap sa

lipunan.

Patuloy niyang pinalawak ang

kaalaman, nagbasa ng mga

aklat at naging manunulat.

Page 3

manggagawa ang bun-

ga.

Ang FFW ay isa sa mga

bagong Katipunan.

Naninindigan para sa

pagbabagong pan-

lipunan at paggawad ng

kapangyarihan sa ma-

mamayan.

Naniniwala itong sa pa-

mamagitan ng patuloy

na pag-oorganisa at

pagpapalawak ng mga

samahan, at sa

pakikipagtulungan sa

mga organisasyon ng

mga mangagawa sa

buong mundo, matutu-

gunan ang hamon ng

globalisasyon.

Marami na ang pumalit

kay Bonifacio. Marami

na ang nagpapatuloy ng

nasimulang pagkilos

para sa pagbabago.

Mga bagong bayani,

lider at manggagawa.

TULOY ANG LABAN

NI BONIFACIO

Agosto 23, 1896 nang

pormal na sinimulan ng

Katipunan ang kanyang

paghihimagsik laban sa

mga Kastila.

Tomo XV Blg. I

BONI@150. Pinaliwanag ni Ka Sonny, Pangulo ng FFW, ang kahal-

agahan ng social protection.

KALAYAAN... Mula sa trahedya, mula sa kahirapan, mula sa katiwalian.

Page 4: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

manggagawa at mga

Unyon para isulong ang

kanyang mga kolek-

tibong adbokasiya. Ito

rin ang sumisimbolo sa

nagkakakaisang hanay

ng mga manggagawa

matapos ang ilang taong

pagkakawatak-watak.

Sa ika-150 taon ni Gat

Andres Bonifacio, No-

byembre 30, 2013, ipin-

akita ng buong hanay ng

nagkakaisang mga

manggagawa hindi

lamang ang kanilang

pagpupugay sa bayani

kundi maging ang pa-

nuntunang “Ituloy ang

Laban ni Bonifacio!”

FFW: Ituloy ang Laban

ni Bonifacio, Wakasan

Katiwalian sa Go-

byerno!

Sa pangunguna ni FFW

President Emeritus Atty.

Allan Montano at ni FFW

President Atty. Jose

Sonny G. Matula, kasa-

ma ng NAGKAISA!, nag-

martsa ang mga kasapi

ng FFW mula Mehan

Garden patungo ng Li-

wasang Bonifacio.

Page 4 Federation of Free Workers (FFW)

Sabay-sabay nilang

pinunit ang mga cedula at

nagdeklara ng pagpapa-

laya ng bansa sa ilalim ng

mga kastila at pagtatatag

ng Rebolusyunaryong

Pamahalaan ng Pilipinas.

Kanilang idineklarang

Pangulo at Commander-in

-Chief si Andres Boni-

facio.

Na ang ating unang

pangulo ay isang mang-

gagawa ay patunay sa

kakayanan ng manggaga-

wa na mamuno ng sam-

bayanan.

NAGKAISA!

Ipinagdiwang ang ika-

150 Taong Kapanganakan

ni Bonifacio

Muling iwinagayway ang

mga bandila. Wala na ang

mga bansag na “pulahan”

o “dilawan”, sama-

samang nagmartsa ang

libu-libong mga mangga-

gawa patungo sa Li-

wasang Bonifacio at sa

Mendiola, Lungsod ng

Maynila.

NAGKAISA! Ito ang or-

ganisasyong nagsama-

sama sa iba’t ibang lider

Nag-alay ang FFW sa pa-

mamagitan ni Atty. Matula

ng bulaklak sa bantayog ni

Bonifacio.

Iginiit ng Pederasyon ang

nakakahiyang estado ng

korapsyon at katiwalian sa

gobyerno sa gitna ng mga

iskandalong kinasasangku-

tan sa isyu ng Pork Barrel

o PDAF at sa pamamahala

ng tulong para sa mga na-

salanta ng Super-Bagyong

si Yolanda.

“Ang pagkakapunit sa

sedula sa pagsisimula ng

himagsikan noong 1896 ay

simbolo na ayaw na ng

mga Pilipinong mapailalim

sa mga Kastila at

magbayad ng buwis na

wala naman silang kapa-

kinabangan,” pagliliwanag

ni Dan Laserna, AVP for

Education and Training ng

FFW. Sa kaparehong sit-

wasyon aniya nalulugmok

sa patuloy na kahirapan

ang ating mga mamama-

yan dahil sa bulsa ng mga

tiwaling tao sa gobyerno

napupunta ang dapat

sanaý pantustos

sa serbisyo pub-

liko, kagalingang

pangmamama-

yan at pantulong

sa mga na-

salanta ng

kalamidad tulad

ng hagupit ni

Yolanda.

Sa kanyang ta-

lumpati, ipinaha-

yag ni Atty. Mat-

ula na bagama’t

makasaysayan

ang naging de-

sisyon ng Korte

Suprema sa

pagbabasura ng

PDAF, hindi

dapat maging

kumpyansa ang

mga manggagawa. Iginiit

niya ang patuloy na pag-

mamatyag sa mga gawain

ng pamahalaan at ang pat-

uloy na paglaban sa kati-

walian sa gobyerno.

FFW: Ituloy ang Laban ni

Bonifacio, Isulong ang

Nakabubuhay na Sahod!

Kaakibat ng kanyang kam-

panya para sa Disenteng

Trabaho, isinusulong ng

FFW ang Nakabubuhay na

Sahod!

“Ang di makataong pagtra-

to sa paggawa at hindi

nakabubuhay na pasahod,

ay puwedeng ihalintulad sa

panahon ng pang-aalipin

sa mga Pilipino noong

panahon ng Kastila,” dag-

dag ni Laserna. Wala mang

latigong humahagupit o

baril na nakatutok, patuloy

na tila nakagapos ang ka-

may ng mga manggagawa

sa tanikala ng kahirapan at

pang-aapi.

Deklarasyon ni Atty. Matu-

la, “Tuloy ang Laban ni

Bonifacio!”

BONI sa BAGONG PANAHON. Iniugnay ng FFW ang patuloy na

laban ni Bonifacio sa pagkakamit ng makatao at nakabubuhay na

sahod sa kasalukuyan.

UNANG PANGULO. Nagbigay pugay ang FFW sa

kinikilalang unang pangulo ng Pilipinas ng maraming

sektor sa ngayon.

Page 5: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Page 5 Tomo XV Blg. I

ginamit ng Pangulo ang pork upang maseguro ang boto ng mga Sena-dor. Madalas nauulat na nagagamit din ang pork barrel upang makakuha ng pagsang-ayon ang ehekutibo sa mga mambabatas sa iba’t ibang proyekto at programa.

Kung masinop na mai-patutupad ang esensya ng nasabing desisyon, wala na dapat papel ang mga mambabatas sa pagtukoy at pagpapatupad ng mga proyekto. Ibig sabihin posi-bleng mabawasan kung hindi man mawala ang mga kickbacks o Standard operating Procedure (SOP) sa mga proyekto ng go-byerno na kalimitang pinagdududahan na pinagkakakitaan ng mga Kongresista at Senador.

Umaasa ang FFW na kung tuluyang mawawala ang pork mababawasang ang pulitiikong balimbing at oportunista, mangingiba-baw ang pulitikang mag-tataguyod ng tunay na le-hislaturang maka-mamamayan.

“Pero hindi pa nata-tapos ang laban ng ma-mamayan. Madami pang puwedeng gawin ang mga nasa poder upang paikutan ang desisyon ng Korte,” pahayag ni Atty. Matula.

Matatandaang sinabi ng dating National Treasur-er Leonor Briones, lead convenor ng Social Watch Philippines na dapat na bantayan ang “Special Purpose Fund” na itinuturing na “mother fund” ng pork barrel.

Ayon kay Briones

tipon upang kondenahin ang pork barrel at pagmamatigas ni Pangulong Benigno Sime-on Aquino III na panatilihin ito sa sistema ng gobyerno. Sunod-sunod na mga kilos ng mamamayan ang naganap matapos ito.

Naging sentro muli ng iskan-dalo ang pork barrel matapos na mabunyag ang may si-nasabing P20B PDAF na napunta sa mga bogus na proyekto ng pekeng mga NGO ni Janet Lim Napoles.

Sa pagkakabasura ng 2013 PDAF at sa pagtatakda ng Korte Suprema ng mga pa-nuntunan sa magkahiwalay na papel na dapat gampanan ng ehekutibo at lehislatibo, inaasahang mababawasan ang katiwaliang bunga ng sabwatan ng mga pulitiko. Maiiwasan ang patuloy na patronahe sa kung sino ang may hawak ng kaban ng bayan.

Napakarami nang mga pagkakataong pinaghihi-nalaan ang paggamit ng pork barrel upang maimpluwen-syahan ng ehekutibo ang lehislatibo. Sa impeachment trial ng dating Chief Justice Renato Corona, napabalitang

“New wind of change…”

Maiksi ngunit matalinhagang komento ng Pangulo ng Feder-ation of Free Workers (FFW) na si Atty Jose Sonny G. Matula.

Ganito niya binigyang ka-hulugan ang naging desisyon ng 14 na mahistrado ng Korte Suprema nang ideklarang labag sa Konstitusyon ang pork barrel system at ilang kapangyarihan ng Pangulo ng Pilipinas na may patungkol sa paggamit ng Malampaya Funds at Presiden-tial Social Funds.

“The Court renders this Deci-sion to rectify an error which has persisted in the chronicles of our history,” ayon sa konklusyon ng GR 208566 En Banc ng Korte Suprema.

Ipinagbubunyi ng FFW ang desisyon ng Korte Suprema sa pagdedeklara na labag sa batas ang PDAF at ang Sistema ng Pork Barrel. “Malaking papel ang mga nagging pagkilos ng mamamayan na nagsimula sa 1M March sa Luneta,” dagdag ni Atty. Matula.

Ang 1M March ay naganap noong Agosto 26, 2013 sa Luneta ay nabuo sa pag-iimbita ng mga netizens na magtipon-

SC: PDAF Labag sa Konstitusyon

umaabot sa halagang P310 bilyon ang kabuuan ng special purpose fund kung saan nakapaloob ang pork bar-rel. Kung ibabawas umano ang P25-bilyon pondo para sa PDAF, lalabas na may natitira pang P285-bilyon sa special purpose fund. Ang pondong ito ay lump-sum na kontrolado ng ehekutibo at inilalabas lamang kapag may pag-apruba ng Pangulo ng bansa. Wala itong detalye kung paano at saan ga-gastusin. Ang special purpose fund ay kinabibilangan ng budg-etary support sa mga state-owned corporations, alo-kasyon para sa mga lokal na pamahalaan, calamity fund, contingent fund, De-pEd school building pro-gram, E-government fund; International Commitments Fund, miscellaneous per-sonnel benefits fund, pen-sion and gratuity fund at feasibility studies fund. Sa pagtatapos, iginiit ni Atty. Matula na “Dapat patuloy tayong maging mapagmatyag. Patuloy tayong mag-organisa upang maging malakas na boses hindi lamang ng mga manggagawa kundi ng buong sambayanang Pilipino.”

Page 6: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

=============================== *Ito ay pagsasalin sa salitang mas madaling maintindihan ng mga kara-niwang tao at para lamang sa layong mas maintindihan ang isyu at walang intensyong baguhin ang tema o esen-sya ng Desisyon o gamitin bilang bata-yang legal o teknikal sa anumang venue o forum. ===============================

Ang desisyon ng Supreme Court En Banc ay napapaloob sa 72 pahina na nilagdaan ng 14 na mahistrado. Binibigyang pansin ang mga su-musunod na punto ng nasabing Desisyon batay sa Paglalagom ng Korte Suprema:

Ipinahayag ng Korte Suprema na ang Desisyon ay ginawa upang itama ang isang mali na matagal nang umiiral sa aklat ng ating kasaysayan;

Idinedeklarang labag sa Konsti-tusyon ang Pork Barrel System:

Dahil nabigyan nito ng ka-pangyarihan ang mga mamba-batas upang maging bahagi ng pagpapatupad ng badyet mat-apos na ito ay maipasa ng Kongreso, bilang paglabag sa prinsipyo ng pagkakahiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaaan;

Page 6 Tomo XV Blg. I

Highlights ng Desisyon ng Korte Suprema ukol sa PDAF,

Malampaya Fund at Presidential Social Fund*

Nagbigay sa mga mam-babatas ng power of appropriation sa pama-magitan ng discretionary funds para sa mga proyektong sila mismo ang nagtukoy, ay hindi umaayon sa prinsipyong nagbabawal sa paglilipat obligasyon ng ka-pangyarihang lehislatibo;

Nagpalawig ito ng siste-ma sa pagbabadyet na hindi naiprepresenta ang detalye ng mga gastusin, at dahil dito, napapahina ang kapangyarihan ng Pangulo na i-veto ang mga partikular na budg-et items;

Nababahiran din nito ang prinsipyo ng Public Accountability;

Nalalagpasan din ang autonomiyang lokal sa pagbibigay karapatan sa mga mambabatas na nasyunal na opisyal na makialam sa mga gawaing lokal;

Dahil binigyang ka-pangyarihan ang Pangu-lo na gamitin ang pondo (Malampaya Fund) sa mga bagay na walang kinalalaman sa enerhiya o dahil sa napakalawak na posibleng interpre-tasyon ng “priority infra-structure development projects;” Bilang pagtalima sa batas, hindi na dapat gamitin ang anumang sistema sa pamamahala,

sa anumang pangalan o katawagan, na itinuturing na labag sa batas ayon sa Desisyon na ito;

DAHIL DITO, idinedeklarang

labag sa Konstitusyon (a)

ang buong 2013 PDAF Arti-

cle; (b) ang lahat ng

probisyon ng mga nakaraan

at kasalukuyang mga batas

ukol sa Congressional Pork

Barrel na nagbibigay ka-

pangyarihan sa mga mam-

babatas—bilang indibidwal

or kolektibo bilang lupon—

na makialam, akuin o

makibahagi sa anumang

pagpapatupad ng badyet

matapos na ito ay maipasa;

(c) ang lahat ng probisyon

sa mga nakaraan o kasalu-

kuyang Congressional Pork

Barrel Laws na nagbibigay

sa mga mambabatas ng

personal, lump-sum alloca-

tions sa mga proyektong

sila mismo ang tumukoy;

(d) ang lahat ng mga katu-

lad na gawain na itinutur-

Federation of Free Workers (FFW)

ing ng Korte na pang-

aabuso sa diskresyon; (e)

ang mga pariralang ( 1)

"at iba pang paglalaan na

maaaring iatas ng Pangu-

lo" sa ilalim ng Seksyon 8

ng Presidential Decree

No. 910 at (2) "pondohan

ang mga priority infra-

structure development

projects" sa ilalim ng

Seksyon 12 ng Presiden-

tial Decree No. 1869, na

inamyendahan ng Presi-

dential Decree No. 1993

Iniaatas ang pag-iimbestiga at pagsasam-pa ng kaso laban sa sinumang kawani ng pamahalaan o pribadong indibidwal na maaaring may pagla-bag kriminal sa hindi tama at labag sa batas na pagpapalabas o pag-gamit ng pondo sa ila-lim ng Pork Barrel Sys-tem.

Federation of Free Workers (FFW)

Page 7: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Page 7

Page 8: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

OFWs, simbahan at sim-pleng mga tao ay boluntar-yong nag-aambagan ng anumang kanilang maitutulong para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Yolanda.

Ang United Nations at maraming mga bansa tulad ng Estados Unidos, UK, Israel, Myanmar, Australia, Belgium, Canada, The Netherlands, Espana, Swe-den, Hapon at iba pa ay nagpadala ng kanilang tulong—pinansyal, pagkain, mga eksperto maging mga sundalong humanitarian.

Mga Unyonistang Biktima ni Yolanda

Sa inisyal na pagtataya, may 250 FFW union mem-bers mula Universal Robina sa Passi, Iloilo, Capiz Em-manuel Hospital in Roxas City and Amigo Hotel sa Iloilo City ang nawalan ng tahanan at mga ari-arian sa

D umating sa bansa ang super bagyong Yolanda

(may internasyunal na pan-galang Haiyan), isa sa pin-akamalakas na bagyo sa kasaysayan.

Sinalanta nito ang Kabisa-yaan at halos burahin sa mapa ng Pilipinas ang mga bayan sa Leyte kasama na ang Tacloban City. Hinagupit din ang Eastern Samar, Capiz at nagtamo ng pinsala ang Iloilo.

Hindi natapos ang epekto ng bagyo sa paglabas nito sa bansa. Maliban sa mga ba-hay at istrukturang nawasak, mga kabuhayang kasabay inanod ng dagat, mga ari-ariang itinapon ng malakas na hangin, sinalanta din ng bagyo ang diwa at kalooban ng mga mamamayan.

Sa gitna ng matinding kagu-tuman, umaalingasaw ang amoy ng bangkay ng kanil-ang mga mahal sa buhay. Tumindi ang kawalan ng pag-asa nang sa loob ng ilang araw ay tila walang tutulong sa kanila. Walang tahanang uuwian. Walang hanapbuhay na babalikan. Walang pagkain. Walang komunikasyon sa loob at labas ng mga probinsyang nasalanta.Marami din sa kanilang mga kaanak ang sa isang iglap ay nawala sa kanilang piling.

Lumipas ang mga araw, kasabay ng munting pagsilip ng araw, unti-unting nagli-wanag ang kalangitan. Ang kawalang pag-asa ay pilit pinapalitan ng saya at pag-udyok mula sa mga kaba-bayan at ng buong mundo para sa muling pagbangon.

Isang grupo ng mga pedicab drivers sa Tondo ang nag-ambagan, 5,000 sundalo ng 4th Infantry Division ang nagdonate ng kanilang isang araw na pangkain, mga artista, atleta, mga

bagyong Yolanda. May 220 kasapi pa ng The Redsys-tem Company Inc. Employ-ees Association (TRCIEA-FFW) at hindi matukoy na dami ng mga kasapi na nasa gitna ng mga lugar na lubos na nasalanta.

“Nakikidalamhati kami sa pamilya ni G. Oscar Em-barnace, dating union pres-ident ng FFW Chapter sa Container Haulers, na na-matay sa Tacloban,” paha-yag ni Atty. Sonny Matula, Pangulo ng FFW. Dagdag pa niya, ang pag-aalala ng Federation sa patuloy na nawawalang kasapi ng Hi-Eisai Union.

Pakikiisa ng mga Mga Unyon sa Buong Mundo

Kaisa ng FFW sa pag-tulong sa mga biktima ng Yolanda ang mga pandaig-digang kilusang mangga-gawa.

Page 8

Bayani at Bayanihan ng Yolanda

Sa isang pahayag, sinabi ni Sharan Burrow, secretary general ng International Trade Union Confederation (ITUC) na ang mga iba’t ibang mga Trade Unions sa buong mundo ay nanana-wagan sa kanilang mga kasa-pi na makapagbigay ng maraming tulong para sa relief efforts sa nasalanta ng bagyo sa Pilipinas. Nana-wagan din ng tulong ang Building and Woodworkers International (BWI), Public Services International (PSI) at iba pang global union federa-tions.

Kapareho din ang naging apela ng ITUC-Asia Pacific na nakabase sa Singapore sa pamamagitan ni Noriyuki Su-zuki, secretary general. Agad nagpadala ng tulong ang Unyon ng Bansang Hapon, JTUC-Rengo ng may halagang katumbas USD 5,000.00.

Nakiisa din ang mga un-yonista sa Canada sa pama-magitan ng kanilang Steel-workers Humanity Fund at nakapag-ambag ng may halagang USD 30,000 para sa relief efforts. Paliwanag ni Ken Neumann, National Di-rector ng Canada United Steelworkers., ang kanilang kontribusyon ay ipapadala sa Oxfam Canada at tatapatan ng gobyerno ng Canada ang kanilang kontribusyon hang-gang 9 December 2013.

Kabayanihan ng mga Pili-pinong Manggagawa

Ang mga unyong kasapi ng FFW ay nagpahayag ng ka-nilang pagsuporta sa relief operations ng Federation. Pinakiusapan ng Temic Auto-motive Philippines Inc. Em-ployees Union-FFW, Johnson and Johnson Specialists Council for Employees Affairs-FFW, FFW-Hi Eisai Phar-maceutical Philippines Chap-ter, Country Bankers Employ-ees Union-FFW, BPI Family

Federation of Free Workers (FFW)

TULONG PANDAIGDIGAN. Ang buong mundo ay tumulong sa mga

nasalanta ng super bagyong Yolanda.

SINALANTA. Maliban sa buhay, inalisan din ng malinis na tubig at

pagkain ang Leyte at ibang nasalanta ni Yolanda.

Page 9: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Bank Employees Union-FFW at TRCIEA-FFW ang kani-kanilang mga kumpanya na ilaan na lamang ang badyet na dapat sana ay gagastusin sa kanilang Christmas Par-ty para maitulong sa mga biktima ng super bagyo.

Sa BPI Family bank, nangakong tatapatan ng management ang kontri-busyon ng mga manggaga-wa samantalang ang Macajalar Labor Union ay naglaan ng P10,000 mula sa kanilang union fund. Ang mga unyon sa Caga-yan De Oro ay hindi nagda-lawang isip na magpadala ng tulong sa diwa ng kapa-tiran at bilang pagtanaw ng utang na loob dahil sila din ay natulungan ng mga un-yonista nang hagupitin ng bagyong Pablo noong nakaraang taon.

FFW Visayas Relief Opera-tions

Maliban sa pagkalap ng mga donasyon at relief opera-tions na isina-gawa sa FFW National Head-quarters, masigasig din itong ginawa ng mga kasaping

union sa Visayas at Main-danao.

Sa pangunguna ni FFW VP for Visayas Amalia Cam-pos, nakapamahagi ang FFW ng relief goods sa mga kasapi ng unyong nasalanta ng nakaraang bagyo sa Capiz at Iloilo.

Yolanda Run: Buhay at Bahay Itindig Muli!

Nakitakbo ang FFW sa ginanap na Yolanda Run: Buhay at Bahay itindig Mu-li! kampanya ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), Philippine Center of Investigative Journalism (PCIJ), Alliance of Seven at Habitat for Humanity na may layong makalikom ng pondo upang makapagtayo ng mga disaster-resilient na tahanan sa Tacloban City.

Suporta ng ILO

Nagbigay-pugay ang FFW sa International Labor Organization (ILO) sa pagbubuo nito ng multimillion dollar “cash-for-work” and emergency em-ployment program para sa tinatayang tatlong milyong manggagawang Pili-pinong naapektuhan ng super bagyong Super Typhoon Yolanda.

Pinaliwanag ni ILO Director General Guy Ryder na ang programa ay bahagi ng $301-million relief appeal na inilunsad ng United Na-tions upang matulungang bumangon ang mga komunidad at kabuhayan sa mga lugar na sinira ng Yolanda.

“Ang programa ay magbib-igay trabaho at kasanayan sa pagtatayo ng pansamantalang mga tira-han, magbibigay social protection sa mga empleyado, katulad ng minimum na pasahod at health and accident insur-ance,” dagdag ni Ryder. Ang FFW ay bahagi ng UN Early Recovery at Liveli-hood Clusters.

Atty. Matula: Huwag Pag-samantalahan ang mga Manggagawa

Sa gitna ng mga planong rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng Super-bagyong Yolanda, binalaan ni Atty. Matula ang go-byerno na “Huwag pansamantalahan ang mga Manggagawa.”

Ang kanyang pahayag ay bunsod ng ulat na posi-bleng mabayaran lamang ng 75 porsyento ng mini-mum wage sa rehiyon ang mga manggagawa sa Cash-for-Work Scheme ng Na-tional Economic Develop-ment Authority (NEDA).

Paliwanag ni Atty. Matula ito ay illegal at muli na na-mang bibiktima sa mga manggagawang nasalanta na nga ng bagyo maaabuso pa ng gobyerno.

Iginigiit ng FFW na mas kailangan ngayong ipatu-pad ang umiiral na mini-mum na pasahod para sa mga manggagawa sa re-hiyon.

Page 9 Tomo XV Blg. I

YOLANDA RUN. Nakiisa ang FFW sa benefit

fun run para sa mga biktima ng super bagyo.

KAPATIRAN AT DAMAYAN.

Dumagsa sa mga apektadong lugar

ang tulong mula sa FFW at mga ka-

patid na unyon sa ibang bansa

Page 10: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Page 10

Karapatan sa edukasyon at

komunikasyon sa labas ng lugar paggawa.

Responsibilidad din naman ng

kasambahay na wag isiwalat o ipamahagi ang anumang komu-nikasyon o impormasyon tungkol sa kanyang employer.

Nagtatakda ang batas ng ilang mga kongkretong probisyon upang se-guruhin ang pagtupad sa layunin ng batas:

Pangangailangang may kontrata

sa pagitan ng employer at kasambahay. Dapat na nakasaad sa kontrata ang:

i) tukoy na mga gawain at re-sponsibilidad,

ii) tagal ng empleyo,

iii) sahod at benepisyo,

iv) mga pinapayagang kaltas,

v) oras ng trabaho at dagdag na bayad sa oras na higit dito,

vi) araw ng pahinga at pinapa-yagang bakasyon,

vii) Board, Lodging at Medikasyon,

viii) kasunduan sa gastos sa de-ployment,

ix) kasunduan sa pagpapautang x) paghinto ng empleyo, at xi) iba pang kasunduan na

naaayon sa batas

Tinutukoy din ng batas ang konkretong mga patakaran at kon-disyon sa paggawa. Ilan dito ang mga sumusunod:

Kabuuang oras ng pahinga na walong oras kada araw;

Federation of Free Workers (FFW)

M atatas ang de-batehan. Isang lalaking tila dilaw ang

pagkaputi at isang Indian ang nakatayo at nakikipag-diskusyon sa Pilipinang Kalihim ng Paggawa.

Sa mahabang diskusyon ng Committee on Decent Work for Domestic Workers ng International Labor Con-ference sa Geneva naipasa ang Convention.

Tatlong taon na itong isinusulong ng gobyerno ng Pilipinas sa tulong ng De-cent Work for Domestic Worker Technical Working Group (DomWork TWG). Kabilang dito ang Federa-tion of Free Workers (FFW) at ibang unyon, ang Kaga-waran ng Paggawa, NGOs at Migrant Groups maging ang employers. Pinamunu-an ng Kagawaran ng Pag-gawa ang dalawang taong talakayan ng Komite sa ILO sa Geneva.

Ang ILO CONVENTION 189 (ILC 189) ay kumikilala sa kontribusyon ng mga Domestic Workers sa ekonomiya ng mga bansa. Layon nitong tugunan ang diskriminasyon at di-makataong pagtrato sa mga kasambahay sa buong mundo.

Pinagtibay ng ika-100 ILO Conference ang ILO Con-vention No. 189 noong June 16, 2011 at ni-ratipikaihan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Pangu-long Benigno Simeon Aqui-no III. Ang nasabing trata-do ay inayunan ng Senado na may botong dalawampu (20) mula sa lahat ng Se-nador na dumalo sa ses-sion noong 06 Agosto 2012.

“Sa mahabang panahon, hindi magawang makalaya ng mga kasambahay sa kadena ng pang-aalipin at kalagayang busabos na siyang kalimitang sitwasy-on ng kanilang pagtatra-baho. Na ang pagtatrabaho bilang kasambahay ay nakaugat sa di-makataong gawain mula pa noong unang panahon,” paliwa-nag ni Atty. Jose Sonny Matula, Pangulo ng FFW.

Paliwanag ni Atty. Matula na sa pagsusulong ng ILO C. 189, kinikilala ang kahal-agahang matiyak ang ma-rangal na trabaho at pag-sasabuhay ng karapatang pangmanggagawa para sa mga kasambahay.

Hindi pa dito natatapos ang tagumpay ng adhikain ng FFW at iba pang mga Un-yon, NGO at Kagawaran ng Paggawa para sa

Kasambahay.

Matapos ang mahigit 18 taong isinusulong ang mga pagbabagong gagarantiya sa karapatan at kapakanan ng mga kasambahay, ipi-nasa ng Kongreso at pinirmahan bilang batas ang Republic Act 10361, “An Act Instituting Policies for the Protection and Wel-fare of Domestic Workers, otherwise known as “Domestic Workers Act” or “Batas Kasambahay” noong Enero 18, 2013.

Ang ilang mga importan-teng probisyon ng “Batas Kasambahay” ay ang mga sumusunod:

Pagbabawal sa anumang

uri ng pang-aabuso, pananakit o harassment, o anumang gawain na makakapagpababa sa dignidad ng kasambahay;

Seguruhing makakain

ang kasambahay ng hindi bababa sa tatlong beses sa isang araw, may maayos na tulugan at may sapat na pahinga at tulong medikal sa panahon ng pagkakasa-kit.

Gingarantiyahan ang

karapatan sa privacy ng kasambahay.

Pangarap na Nakamit, Tagumpay ng Kasambahay

Si FFW President Atty. Matula sa IRR Consultation para sa Kasambahay Law

UNYON PARA SA KASAMABAHAY. Matapos ang 18 taon, naisabatas na sa wakas ang Batas Kasamba-hay sa pagtutulungan ng mga unyon, mga kasamabahay at ibang sektor.

Page 11: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Tomo XV Blg. I

M araming tila pare-parehong kuwento ng buhay ng ating mga

kapwa manggagawang kasambahay.

Si Nanay Libay

Si Nanay Libay kung tawagin ng kapwa niya mga Pilipino ay may walong taon nang nagtatrabaho bilang domestic worker. Mula Hongkong, nalipat siya sa Qatar. “Masuwerte ako dahil mababait na amo ang napapagtrabahuhan ko,” sabi ni Nanay Libay. “Marami na ang aking nakilala na hindi kasing-palad ko, may binubugbog ng amo, may hindi pinapasahod ng tama, kinukuha pass-port at iyong isang balita ko nawala na lang baka pinatay na.”

Ikinuwento niya na noong una, ginusto talaga niyang makapagtrabaho sa abroad sa hirap ng buhay. Gusto niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak na ang panganay niyang babae noo’y walong taong gu-lang pa lamang nang una siyang umalis. Ang pangalawang lalaki ay anim na taon.

Namamasada lamang ng pedicab ang kanyang asawa at hindi sapat para ipangkain sa maghapon ang kinikita.

“Hindi ako nagsisisi dahil madami ding kabutihang naidulot sa pamilya ko. Na-gawa kong tustusan ang kanilang mga

KWENTONG KASAMBAHAY, ISYUNG MANGGAGAWA

Page 11

panga-ngailangan, pero malaking lungkot ang dulot din nito,” dagdag pa niya.

May asawa na ngayon ang kanyang panganay. Sa edad na 15 ay nabuntis ng kanyang boyfriend at nag-sama na bago pa man ma-katapos ng high school.

Si Dave, ang bunso ay kasa-ma ng kanyang ama, “sumakabilang bahay na!” biro pa niya.

Sa edad na 38, halos solong katawan na si Nanay. “Ibinubuhos ko na lang ang aking atensyon at pagmama-hal sa mga alaga ko. Bagay na di ko nagawa sa aking sariling mga anak.” kanyang pagtatapos.

Si Ate Kolai

Makikita ang munting mga kulubot sa noo at nangigitim ang ilalim ng mga mata. Pilit ang kanyang mga ngiti at kitang kita ang paltos na mga kamay at lapnos sa kanyang hita.

24 oras na rest day;

Ang pagpapatrabaho sa komer-syal, agrikultural at ibang gawain ay dapat bayaran ng umiiral na minimum wage sa industriya o gawaing iyon;

Ang Minimum na Pasahod kada buwan sa mga kasambahay ay ang mga sumusunod:

i. P2,500 para sa NCR

ii. P2,000 para sa chartered cities at first class munipalities

iii. P1,500 sa ibang pang munisipyo

Limang (5) araw na service incen-

tive leave matapos ang isang taon na pag-empleyo;

Itinatakda ding maging kasapi ng

SSS, Philhealth at Pag-ibig ang mga kasambahay.

At iba pang probisyon

ukol sa pagkakautang at sa pagbabawal na pagkaltas sa sahod.

Nakaatang sa Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng batas na ito. Samantala, patuloy na magiging katuwang ang DomWork TWG at mga kahlintulad na pormasyon nito sa mga probinsya sa pagtitiyak na maipapatupad ang Kasambahay Law at maglilikha ng kaukulang programa na magtataguyod nito. Ang ILO C.189 ay isang positibong hakbang upang bigyang proteksyon ang ating mga domestic workers lalong lalo na ang ating mga kababayang nagtatrabaho

sa ibang bansa.

Sa ngayon, 15 bansa na ang nagratipika ng ILO C. 189. Bilang pagtugon sa patuloy na hamon sa Pilipinas na maging pangunahing tagapag-sulong ng karapatan ng mga kasambahay sa Asya, nakipag-ugnayan ang FFW sa Migrant Forum in Asia (MFA)upang ikampanya ang ILO C. 189 sa rehiyon. Sa taong ito ay uma-rangkada na ang kam-panya ng MFA at FFW sa Sri Lanka, Nepal at Bangladesh. Magkatu-wang sa DomWork TWG, magkasamang hinihikayat ng MFA at

FFW ang mga kilusan para sa karapatan at kagalingan ng domestic workers na magtatag din ng DomWork TWG sa kani-kanilang bansa upang magamit ang bisa ng tripartismo sa pag-susulong ng adhikain. Samantala, sa tulong ng ILO ay magtatatag ang FFW at ibang mga unyong kabilang sa Dom-Work TWG ng isang “Trade Union Domestic Workers Cen-ter” na magiging pangunahing tagadaloy ng serbisyo para sa mga kasambahay. Ang Dom-Work Center ang inaasahang magbibigay daan sa pag-organisa ng mas maraming domestic workers at pagbubuo ng isang pambansang pede-rasyon ng mga kasambahay.

Aakalain mong trenta anyos na ang diseotsong dalaga.

“14 pa lang po ako nang una akong kinuha ng ma-layong kamag-anak ng aking ama. Tutulungan daw ako at pag-aaralin. Siyam kaming magkakapatid kaya hindi daw niya kami kayang tustusan lahat, ang paliwanag ng aking ama”, pagkukuwento ni Ate Kolai.

Pero naging malupit daw sa kanya ang tiya-tiyahin. Ipinakita niya ang pilat sa kanyang braso, hugis bang-ka. Minsan daw na magalit sa kaniya habang siya ay namamalantsa, inagaw ng tiyahin ang plantsa at ipi-naso sa braso niya.

“Sa loob ng dalawang taon, halos gabi-gabing puyat pero maaga ang gising. Kahit anong oras ikaý ka-katukin sa kuwarto o ta-tawagin ano man ang gina-gawa.”

Maliban pa sa trabaho sa

bahay, pinapatrabaho pa siya sa tindahan ng damit na negosyo ng kanyang amo.

“Minsang tumakas ako, hinuli ako ng mga pulis dahil inakusahan niya akong nagnakaw. Binantaan niya ako na sa susunod na tumakas, ipakukulong na daw ako.” dagdag ni Ate Kolai.

Nang tanungin kung bakit napa-kaaga niya nakapag-asawa, sagot niya, “Tumakas ako kasama ng manliligaw ko. Tinulungan niya akong makalayo upang hindi matunton ng aking tiya-tiyahin. Hanggang sa magsama na kami.”

Kasambahay pa rin si Ate Kolai hanggang sa ngayon. Nagpalipat-lipat na siya ng amo. Sa bawat pamilyang kanyang pinagsisilbihan, may kuwento sa likod ng bawat isang kulubot sa noo, lapnos sa katawan o sugat sa braso.

Sa pagpapatupad ng ILO Conven-tion 189 para sa mga kasambahay, malaki ang pag-asa nina Nanay Libay, Ate Kolai at iba pang nama-masukan sa bahay na tratratuhin na sila nang mas makatao at bilang manggagawang may karapatan.

Page 12: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Page 12 Federation of Free Workers (FFW)

FFW Patuloy ang Serbisyong Manggagawa

M asayang mga ngiti at

mahigpit na

pagpapalitan ng mga kamay,

ito na marahil ang pi-

nakamagandang tagpuin

matapos ang ilang araw,

linggo o buwan ng matinding

balitaktakan at kumbinsihan

sa harap ng CBA negotiating

table sa pagitan ng Unyon at

Management.

“Hindi nasusukat ang kagan-

dahan ng CBA sa tagal ng

negosasyon o kapal ng

booklet nito,” paliwanag ni

FFW Vice President Rod

Catindig.

Aniya malaking bahagi sa

tagumpay ng negosasyon

ang klase ng relasyon na

umiiral sa pagitan ng unyon

at management. Hindi rin

maisasantabi ang kahala-

gahan ng sapat na pa-

ghahanda hindi lamang sa

pagbuo ng proposal kundi

pati na sa mga justifications

at datos na susuporta dito.

Binibigyang diin din ang

kahandaan ng Unyon bilang

organisasyon at pagkakaisa

ng mga kasapi nito na su-

portahan at pagtiwalaan

ang kanyang negotiating

panel.

Nagbabagong Panahon

Marami sa kasalukuyang

mga negosasyon ay pala-

gian tumitingin sa

madaming factors na

maaaring makaapekto sa

collective bargaining. Dati-

rati, sapat nang tingnan ang

financial statement ng

kumpanya mula sa SEC

upang sukatin ang kaka-

yahan ng kumpanya na

ibigay ang kahilingan ng

mga manggagawa. Sa

ngayon sinusuportahan

na ito ng pagbasa sa

sitwasyon at trends sa

industriya sa bansa at sa

global na lebel. Mabilis

ang mga pagbabago at

kung hindi mo bibigyang

pansin ang nangyayari

sa industriya, maaaaring

hindi matamo ang ganap

na makatarungang CBA.

Nagbabago din ang

istruktura ng pagdedesisy-

on hindi lamang sa bahagi

ng kumpanya kundi mag-

ing sa hanay ng mga Un-

yon. Marami na ngayon

ang mga inisyatiba at

kampanya ng mga unyon

sa buong mundo ang nag-

sasama-sama bilang

pagpapakita ng solidarity

sa kanilang kapwa mang-

gagawa. Ang strike

halimbawa ng isang global

food company sa Egypt,

Tunisia at Pakistan ay si-

nusuportahan ng mga

manggagawa ng ka-

parehong kumpanya mula

sa US at iba pang mga

bansa.

Humihina ang mga Un-

yon

Kung bilang ng mga kasa-

pi ng Unyon at sakop ng

collective bargaining

agreement sa Pilipinas

ang pagbabatayan,

maaaring umuunti nga ito.

Ngunit kung lakas at ka-

pangyarihan ng hanay ng

mga manggagawa ang

magiging sukatan, paggi-

giit ni G. Catindig, “Lalong

lumalakas. Sa istruktura

pa lamang ng pag-uunyon

na sumasakop na hindi

lamang sa mga pormal na

manggagawa sa

kumpanya kundi maging

sa mga impormal na pag-

gawa, pati na ang mga

kontraktwal, kaswal at

agency workers, lalong

lumalaki at dumadami ang

kasapi ng mga unyon.”

Maaaring sukatan din ng

lakas at impluwensya ng

mga unyon ang lumalawak

na suporta at pagkakaisa

ng mga manggagawa sa

pamamagitan ng pinag-

isang global union at ang

pagbubuo ng mga secre-

tariats ayon sa mga indus-

triya.

AKSYON NEGOSASYON. Ikinagalak ng BPI Family Bank Employees Union - FFW ang kanilang "makasaysayang" CBA negotiation na maagang matapos sa diwa ng kooperasyon.

MANGGAGAWA LABAN SA CHILD LABOR. Sabay na pinag-aralan ng bagong organisadong TRCIEA-FFW ang unyonismo at ang adhikain para wakasan ang child labor.

Page 13: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Tomo XV Blg. I Page 13

Sa ganitong batayan,

hindi humuhina bagkus

ay mas lumalakas ang

kakayahan ng mga Un-

yon na magsulong ng

mga pagbabago hindi

lamang sa loob ng mga

kumpanya, sa komuni-

dad o sa bansa, kundi

sa buong mundo.

Collective Bargaining

Sa paggabay at suporta

ng mga opisyales at

staff ng FFW, patuloy

ang CBA Negotiations

sa pagitan ng unyon at

management sa Penta-

gon Gas, TRCIEA, Zoe-

tis Manufacturing Ser-

vices at Interphil Labora-

tories Employees Union

— FFW.

Isinasapinal na ang mga

napagkasunduan sa

Toyo Ink Phils., at ka-

katapos lamang ng por-

mal na negosasyon para

sa mga manggagawa ng

BPI Family Bank.

Ilan lamang ito sa mga

unyong sineserbisyuhan

ng FFW mula noong Ok-

tubre ng kasalukuyang

taon.

Pag-oorganisa

Malinaw ang hamon sa

mga manggagawa—mag

-organisa!

Ang kalakasan ng pag-

uunyon at ang

pagpapanatili ng boses

nito para sa pagbabago

ay nakasalalay sa nagka-

kaisang hanay.

Isa sa pinakabagong inis-

yatibang pag-

oorganisang ginagawa sa

ngayon ng FFW ay ang

pagsasampa ng Petition

for Certification Election

(PCE) para sa mga

manggagawa ng Holcim

Philippines, isa sa pi-

nakamalalaking kumpanya ng

semento sa buong mundo.

Patuloy na Pag-aaral

ITUC-AP REGIONAL CON-

FERENCE ON PRECARIOUS

WORK

Nakilahok ang Federation of

Free Workers (FFW) sa ITUC-

AP Regional Conference on

Precarious Work nang

nakaraang 25-26 Oktubre

2013 sa Ortigas, Pasig City.

Kasama ang ibang affiliates ng

International Trade Union Con-

federation - Asia-Pacific (ITUC

-AP), pinag-usapan ang

umiiral na sitwasyon ng labor

market sa buong Asia-Pacific

Region. Nagkaroon din ng

palitan ng impormasyon ukol

sa kampanya laban sa walang

katiyakang uri ng trabaho.

Nagpahayag ng pagkabahala

ang mga participants ng

kumperensya sa dumadaming

sitwasyon ng hindi tradisyunal

na pagtatrabaho sa mundo.

Ayon sa survey ng ITUC/

ITUC-AP, ang mga mang-

gagawang nasa ganitong

sitwasyon ng pagtatrabaho

ay nahaharap sa di maay-

os na working conditions

kumpara sa mga regular

na manggagawa, partiku-

lar patungkol sa sahod,

oras ng trabaho, holiday at

iba pang mga benepisyo

tulad ng pensyon, disabil-

ity allowance at unemploy-

ment benefits.

Nagkakaroon din ng

pagbabago sa mga batas

ng mga bansa na nagbib-

igay kakayahan sa mga

employer na magsagawa

ng mas flexible na uri ng

pagtatrabaho.

Sa pagtatapos, na-pagkasunduan ng 23 dele-gado mula sa 15 bansa na pag-ibayuhin ang pag-aaral sa mga batas at polisiya ukol sa walang katiyakang uri ng trabaho at isulong ang patuloy na

NAGKAISA! Bahagi ng pagsisikap na pagkaisahin ang kilusang paggawa sa Pilipinas.

BATANG MALAYA. Ang mga mag-aaral ng St. Scholastica's College na naging on-the-job trainees ng FFW noong nakaraang Mayo ay naglun-sad ng "Stop and Shoot against Child Labor Photo Competition" sa kanilang unibersidad matapos isapuso ang adbokasiya ng FFW.

Page 14: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

ng bawat unyon sa ilalim ng Pederasyon.

Preparasyon din ang pag-tatapos ng batayang kur-so upang mas mapalawak ang kaalaman at kakaya-han sa iba’t iba pang mas abanteng gawain ng Un-yon tulad ng collective bargaining, labor educa-tion at labor disputes set-tlement.

Sa tulong ng Department of Labor and Employment, sa pamamagitang ng kanyang WODP Training Grants, nakapagsagawa ang FFW ng Trainor’s Training sa Calamba, La-guna; Special Course in Collective Bargaining and Interest-Based Negotia-tion sa Baguio City; at Workshop on Labor Dis-pute Settlement in Tagay-tay City.

Sa kasalukuyan may 109 local officers mula sa 50 local chapter unions ang nakinabang na sa mga training programs na ito.

Noong nakaraang taon, sa tulong pa rin ng DOLE, nakapagpatupad ang FFW ng Special Course on Trade Union Financial Administration na ginanap sa Baguio City at Trade

Union Leadership Skills Development sa Tagay-tay City.

104 na lider-unyon mula sa 34 local chapter un-ions ang nakibahagi sa mga training na ito.

ADBOKASIYA

Paglaban sa Kon-traktuwalisasyon at

Pagsusulong ng Dag-dag na Sahod.

ACT2WIN. Isa sa mga alyansang pangunahing kinabibilangan ng FFW. Napapanahon ang pana-wagan ng alyansa sapagkat partikular ni-tong tinututukan ang paglaban sa kontraktu-walisasyon at pag-susulong ng dagdag na sahod para sa mangga-

gawa.

Action Against Contractualiza-tion and Towards Significant Wage Increase Now! (Act2Win).

Ang mga pagkilos ng alyansa na binubuo ng iba’t ibang mga Pederasyon ay naaayon sa panindigan ng FFW para sa disenteng trabaho at sa pagkamit ng nakabubuhay na sahod.

Sa magkasunod na pagkilos noong Oktubre 1 para igiit ang disenteng sahod sa Regional Tripartite Wage and Productiv-ity Board at noong Oktubre 7 sa Mendiola bilang pagdiri-wang ng World Day for Decent Work, iginigiit ng FFW at ng Act2Win ang karapatan ng mga manggagawa para sa Disenteng Trabaho at Pasahod.

Page 14 Federation of Free Workers (FFW)

pagprotekta sa trabaho, paggawa ng pangmata-galang hanapbuhay at itaguyod ang disenteng trabaho para sa lahat. Ipinanukala ding pala-kasin ang pag-oorganisa ng mga manggagawa kasama na ang mga impormal o di-tradisyunal na sektor at magsulong ng kam-panya para sa proteksy-on ng karapatan ng mga manggagawang nasa-sadlak ng kahirapan, kawalang-proteksyon at kawalang-kaseguruhan.

TULOY-TULOY NA AGOS

Hindi man ito tubig, pero tuloy-tuloy ang agos ng karunungan sa hanay ng FFW.

Ang programang AGOS o Aralin at Gabay para sa mga Obrero tuwing Sabado ay tuloy-tuloy na isinasagawa sa pangunguna ni Bro. Dan Laserna AVP for Educa-tion and Training.

Naglalayon ang pro-grama na bigyang bata-yang kaalaman ang mga kasaping manggagawa

Ilan sa mga nagsipagtapos ng batayang kurso sa AGOS

Oktubre 7: World Day for Decent Work

Page 15: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Wakasan ang Child Labor

Sa kabila ng mga tagumpay na isulong ang pagpapasa ng mga batas na magbabawal sa pag-empleyo o pagpapatrabaho ng mga batang manggagawa, nananatiling matingkad na suliranin ito ng lipunan at kilusang Un-yon.

Kasama ang Internation-al Labour Organization, Department of Labor and Employment, ilang mga Diplomat, kasama ang mga sikat na man-lalaro ng football na sina James at Phil Young-husband, nakiisa ang FFW sa Lakas-Sipa Batang Manggagawa Football Clinic at pag-

lulunsad ng Red Card To Child Labor.

Ang Lakas-Sipa ay isang football clinic kasama ang mga batang dating biktima ng child labor na ginanap noong September 17 sa Em-perador Football Stadi-um, Taguig City.

Layon ng nasabing clinic na maenganyo ang mga bata sa football bilang bahagi ng malawakang kampanya upang wakasan ang child labor sa bansa.

Ang FFW ay nagpatu-pad ng isang programa upang palakasin ang mga programa ng unyon hinggil sa child labor. Ang FFW sa pamamagi-tan ni Asst. Vice Presi-

dent Julius Cainglet ang tumatayong tagapangulo ng Knowledge Mana-gaement Sub-Committee ng National Child Labor Committee. Ang naturang komite angnangangasiwa sa website at information portal ng Child Labor Knowledge Sharing Sys-tem (CLKSS). Maaari itong bisitahin sa www.clkss.org.ph Pagsusulong ng Social Dialogue Upang mas mapalawig ang diyalogo sa pagitan ng hanay ng mga mang-gagawa at ng grupo ng management, naging bahagi ang FFW ng ilang mga kumperensya at mga pagpupulong:

Conference on Industry Roadmaps na nagla-layong tukuyin at pag-usapan ang sitwasyon at patunguhan ng mga in-dustriya sa bansa.

Social Dialogue on the Plastic Industry

9th National Convention on Labor Management Cooperation kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng kooper-asyon lagpas sa layon ng katahimikang pang-industriya patungo sa mas produktibo, mas ligtas at malusog na pa-gawaan.

ASEAN Trade Union Council Meeting/ Indus-triall Social Dialogue at iba pang mga gawaing nagpapalakas ng pagka-kaisa ng mga unyon sa bansa at sa buong mun-do.

Page 15 Tomo XV Blg. I

Workshops and Technical Writeshops on Updating the List of Hazardous Work for Children. Sa pandaigdigang larangan, nakibahagi rin ang FFW sa 2nd UN High Level Dialgoue (UN HLD) on Migration and Development at mga kaugnay na konsultasyon nito sa rehiyon ng Asya.

Nakibahagi rin ito sa ILO Tripartite Technical Meeting on Labor Mi-gration, na nagsilbing follow up sa UN HLD, maging sa ASEAN Re-gional Qualification Framework. Kabilang din ang FFW sa mga pulong ng bagong tatag na Trade Union Development Cooperation Network.

Palagiang pakikiisa sa mga gawain, programa at proyekto ng iba’t ibang kasapi ng FFW sa buong Pilipinas.

LAKAS-SIPA. Ang FFW kasama ang National Child Labor Com-mittee, mga diplomats at corporate sponsors ay nakiisa sa Lakas Sipa para sa Batang Manggawa at paglulunsad ng Red Card to Child Labor.

KOOPERASYON. Ang FFW President sa ika-9 Kumbensyon ng Labor-Management Cooperation

BOOTERS. Pinagitnaan ng Younghusbands

ang young lawyer-lider ng FFW.

SOCIAL DIALOGUE. Ang FFW President at President Emeritus sa ATUC Meeting na ginanap sa Ortigas Center noong Nobyembre 2013.

Page 16: Bayani. Lider. Manggagawa. - ffw.ph 2013finalfinal.pdf · Mga bagong bayani, lider at manggagawa. TULOY ANG LABAN NI BONIFACIO ... pagpupugay sa bayani kundi maging ang pa-nuntunang

Ang Free Workers ay ang opisyal na pahayagan ng Federation of Free Workers (FFW), kasapi ng Inter-national Trade Union Confederation (ITUC) at ilang global union federations. Anumang komento o liham para sa editor ay maaring ipadala sa:

Patnugot, Free Workers, FFW Bldg. 1943 Taft Avenue Malate 1004

Manila, Philippines. Telepono: (63 2) 521.9435/ 64.

Telefax: (63 2) 400.6656.

email: [email protected] website: www.ffw.org.ph

PATNUGUTAN:

Julius H. Cainglet Punong Patnugot, Manunulat

Atty. Jose Sonny G. Matula

FFW President, Manunulat

Danilo A. Laserna

Darius M. Guerrero Manunulat

Juliet P. Palabon

Tagapamahala ng Sirkulasyon

Maaaring sumipi nang buo o ng ilang bahagi sa mga artikulo sa pahayagang ito sa kondisyong bibigyan ng pagkilala ang Free Workers o ang mga sumulat nito sa anumang pagsasaliksik o paglilim-bag na hindi binabaluktot ang pahayag o paninindi-gan ng Free Workers o ng FFW.

President Emeritus and International Secretary

- Atty. Allan S. Montano

Chairperson Emeritus - Dolores B. Tan

National President - Atty. Jose Sonny G. Matula

National Vice President - Rodrigo M. Catindig

National Treasurer - Jose D. Cayobit

Vice President - Luzon - Alfredo “Bowie” Maranan

Dep. VP for Luzon - Jeselinda Parra

Vice President – Visayas - Amalia Campos

Dep. VP for Visayas - Wilma Gerson

VP for Mindanao - Aida Brillante

Dep. VP for Mindanao - Elizabeth Navarroza

Arquipo Cababaros, Jr.

Board at Large - Oliver Mondigo

Jun Ramirez

Arlene Golloso

Adeline Colarina

Noemi Alcantara

Trade Federation Representatives

TF I Chairperson - Rico Angulo

Deputy Chairperson - Ric Sanchez

TF II Chairperson - Reneboy Luterte

Deputy Chairperson - Rommel Santos

TF III Chairperson - Rolando Marcelo

Deputy Chairperson - Rundsted Pelayo

TF IV Chairperson - Alvin Gonzales

Deputy Chairperson - Joel Balaus

TF V Chairperson - Tranquilino Bunaladi

Deputy Chairperson - Clemente Fortaleza

TF VI Chairperson - Ana Marie Sy

Deputy Chairperson - Donaldo Devilla

TF VII Chairperson - Eric Pingol

Deputy Chairperson - Santos Gudao

TF VIII Chairperson - Jomel General

Deputy Chairperson - Lucy Santos

FFW Women’s Network National President

- Ma. Sonia Balgos

FFW Women’s Network National Vice President

- Francia Maravilla

Vice President for External - Isidro Antonio Asper

Asst. VP for Research, Com-

munication, Networking and

Project Development

- Julius Cainglet

Asst. VP for Education and

Training

- Danilo Laserna

Asst. VP for Legal Affairs - Ronnie Nismal