Upload
lamanh
View
274
Download
8
Embed Size (px)
Citation preview
ANG FOTOJORNALISTIKONG
PANANAW NI RAFAEL LERMA SA
DRUG WAR NG
ADMINISTRASYONG DUTURTE:
ISANG BARTHESIYANONG
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Dr. F.P.A. Demeterio III Full Professor, Filipino Department
De La Salle University, Manila
INTRODUKSIYON
Si Rafael Lerma, o Raffy Lerma, ay isang 38 na taong gulang
na potojornalista na nagtratrabaho sa pahayagang Philippine
Daily Inquirer sa nakalipas na dekada. Nang inilunsad ng
Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ipinangakong drug
war matapos ang kanyang panunumpa noong ika-30 ng
Hunyo 2016, isa si Lerma sa mga Pilipinong potojornalistang
tuloy-tuloy na gumawa ng dokumentasyon sa madugong
kinalalabasan ng gabi-gabi/araw-araw na patayan.
Gamit ang semyolohiya ng pilosopo at kritikong Pranses na si
Roland Barthes (1915-1980), ang panayam na ito ay susuri
sa mga representating imahe na kuha ni Lerma mula sa
nasabing drug war, para tekstuwal nating gagapin at himayin
ang kanyang biswal na paninindigan sa nasabing pagtutugis.
PANGANGALAP NG DATOS
May daan-daan, pag hindi man libo-libo, nang kuha si Lerma mula sa drug war
na inilunsad ng Administrasyong Duterte.
Para maisagawa ang semyolohikal na pagsusuring ito, kailangang
sistematikong maibukod natin ang ilan/sapat na representanteng imahe na
kuha ni Lerma na kaya nating pag-aralan ng malaliman.
Ginawa ang pagbukod na ito sa tulong ng image section ng Google search
engine.
Noong ika-12 ng Disyembre 2016, hinanap ng may-akda ang katagang “Raffy
Lerma Drugs” sa nasabing seksiyon ng nasabing search engine.
Mula sa may 400 na imaheng lumutang sa screen, ibinukod ng may-akda ang
unang 25 na imaheng na aktuwal na kuha ni Lerma at nagmula sa online na
publikasyon ng pahayagang Philippine Daily Inquirer.
PANGANGALAP NG DATOS
Image A: “Lamentation,” Headlines,
Philippine Daily Inquirer, 04 July 2016
Image B: “Drug Users in Many Parts of the
Country Have Surrendered to
Rehabilitation,” News Information/
Regions, Philippine Daily Inquirer, 06 July
2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image C: “Confessed Users Undergo a
Drug Test in Camp Karingal,” News
Information/ Headlines, Philippine Daily
Inquirer, 07 July 2016
Image D: “A Drug Dependent’s Mug Shot
is Taken,” News Information/Nation,
Philippine Daily Inquirer, 14 July 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image E: “Bato Destroys ‘Bato’,” Frame,
Philippine Daily Inquirer, 14 July 2016
Image F: “Pray You Don’t See this on Your
Street,” News Information/Headlines,
Philippine Daily Inquirer, 20 July 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image G: “Policeman Killed,” Frame,
Philippine Daily Inquirer, 21 July 2016
Image H: “Salvage Victims,” News
Information/ Headlines, Philippine Daily
Inquirer, 22 July 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image I: “Dark Side of Drug War,” Frame,
Philippine Daily Inquirer, 30 July 2016
Image J: “The Body of an Alleged Drug
Pusher and Robber,” News Information/
Featured Gallery, Philippine Daily Inquirer,
06 August 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image K: “Family in Anguish,” News
Information/Metro Manila, Philippine Daily
Inquirer, 19 August 2016
Image L: “Cop Killed in Buy-Bust
Operation,” Frame, Philippine Daily
Inquirer, 20 August 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image M: “Waiting to Testify,” Frame,
Philippine Daily Inquirer, 23 August 2016
Image N: “Arrested Drug Suspects,” News
Information/Regions, Philippine Daily
Inquirer, 06 September 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image O: “Latest Four to Fall,” Headlines,
Philippine Daily Inquirer, 10 September
2016
Image P: “Drug Suspects Arrested in Two
Raids,” News Information/Headlines,
Philippine Daily Inquirer, 18 September
2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image Q: “Nunoy (Coloma) was Gunned
Down by Still Unidentified Persons,” News
Information/ Headlines, Philippine Daily
Inquirer, 26 September 2016
Image R: “After a Small Fight. . . these
Men are Made to Stick Together,” Special
Feature, Philippine Daily Inquirer, 08
October 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image S: “At the Mess Hall, an Altar with
Religious Figures Watch over Patients,”
Special Feature, Philippine Daily Inquirer,
08 October 2016
Image T: “Seagulls in Tagaytay City Caters
mostly to Patients who can Afford to Pay,”
Special Feature, Philippine Daily Inquirer,
08 October 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image U: “Drug Den Raid in Quezon City,”
News Information/Metro Manila, Philippine
Daily Inquirer, 24 October 2016
Image V: “Ranilo Maydan Jr.’s Bullet-
Riddled Body Lies in Front of his House,”
News Information/Headlines, Philippine
Daily Inquirer, 24 October 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image W: “Color of Love,” Motioncars,
Philippine Daily Inquirer, 03 November
2016
Image X: “Policemen Keep a Curious
Crowd. . . from a Crime Scene,” News
Information/ Headlines, Philippine Daily
Inquirer, 21 November 2016
PANGANGALAP NG DATOS
Image Y: “Another Killed,” Frame,
Philippine Daily Inquirer, 22 November
2016
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Kagaya sa nabanggit na, ang hermenyutikal na
lente na ginamit sa pagsuri sa 25 na imaheng
kuha ni Lerma ay ang semyolohiya ni Barthes.
Dahil uminog ang semyolohiya ni Barthes,
mahalagang banggitin na ang Barthesianong
semyolohiya na ginamit sa panayam na ito ay
ang semyolohiyang matatagpuan sa kanyang
librong Mythologies (1972).
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Pinakinabangan ni Barthes ang konstrak ng tanda (sign) na
nilikha ng Swisong lingguwistang si Ferdinand de Saussure
(1857-1913), tanda na binubuo ng signifier at signified.
Espesipikong ginamit ni Barthes ang
Saussurianong konstrak para buoin ang
kanyang unang antas ng
konseptuwalisasyon, ang antas ng wika.
Dahil ang Barthesianong semyolohiya ay
mas malalim pa kaysa inumpisahan ni
Saussure, ang Saussurianong konstrak
ay ginamit ni Barthes bilang hakbangan
pababa sa Barthesianong
pagkonseptuwalisa sa mito.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Ang mito para kay Barthes ay walang
kinalaman sa mga sinaunang alamat at
kwentong bayan. Sa halip, ang mito
para sa kanya ay mas malapit sa
kalugan ng “mga kasalukuyang
paniniwala” o “mga kaalamang wala
namang matibay na batayan o
pundasyon.”
Para kay Barthes ang mga mito ay mga diskurong na parehong makikita at
nakakubli sa ilalim ng ilang icon ng isang lipunan, lalo na iyong mga icon ng
kulturang popular.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Ipinakita ng Figure 2 kung paano idinagdag ni Barthes sa Saussurianong
konstrak ang isa pang Saussurianong konstrak para makonseptuwalisa ang
Barthesianong mito. Ibig sabihin, ang Saussurianong tanda (sign) (number 3)
na nasa atas ng wika ay tumatayong Barthesianong signifies (number 4) sa
antas ng Barthesianong mito, o sa antas ng signification.
Ang mitolohiya ay ang panukalang sistema ni Barthes kung paano
haharapin/susuriin ang mga kasalukuyang mito.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Habang pinag-aralan ni Barthes ang mga mitong nakakubli sa ilang icon ng
kulturang popular, naitala niya ang hindi bababa sa pitong retorikal na
estratihiya na ginamit ng mga naghaharing uri para maipalaganap ang mga
nasabing mito.
Una ay ang proseso ng inokulasyon, o pagbabakuna, na para kay
Barthes ay ang pagtalakay o pag-amin sa mga maliit na kasamaan
para mabaling ang atensiyon ng mga tao mula sa mga mas malaki
at malalim na kasamaan.
Pangalawa ay ang pagbubura sa kasaysayan na naglalayong ituon
na lamang na mga tao ang kanilang atensiyon sa kasalukuyan para
pigilan ang kanilang historikal na pag-uungkat at mas malawak na
pagtingin sa anumang usapin. Ang isang kritikal na pagbaliktanaw
kasi ay kadalasang magbubunyag ng mga kahi-kahinalang detalye.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Pangatlo ay ang proseso ng identipikasyon na may kinalaman sa
pagmanipula sa representasyon ng mga mabababang uri at
kanilang mga gawain batay sa imahen at terminolohiya ng mga
naghaharing uri.
Sa estratehiya ng identipikasyon, ang mga indibiduwal, gawain at kultura na
hindi talaga maaaring irepresenta bilang parte ng mundo ng mga naghaharing
uri ay itinatanghal na lamang bilang mga eksotikong tanawin o mga kakaibang
bagay na wala namang kinalaman sa mundo ng mga naghaharing uri.
Pang-apat ay ang paggamit ng tautolohiya, o ang pangangatuwiran
at pagpapaliwanag na bumabanggit sa parehong bagay na siya ring
dapat bigyan ng katuwiran at paliwanag. Kaya tinatawag ang
estratehiyang ito na “circular reasoning” ng tradisyunal na lohika.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Panglima ay ang estratehiyang kilala bilang “neither-norism” o ang
pagkahon sa sitwasyon bilang sitwasyong may dalawang
alternatibo lamang at sinusundan ng pahiwatig na wala sa
dalawang alternatibong ito ang magdudulot ng kabutihan.
Pang-anim ay ang kuwantipikasyon ng kalidad na may kinalaman
sa kasalukuyang pagkiling ng mga tao sa pagsukat ng anumang
bagay gamit ang usapin tungkol sa pera at numero.
Pangpito ay ang “statement of fact” na kahalintulad sa tautolohiya
ngunit nagiging mas elegante sa pagagamitan ng paggamit ng mga
tradisyunal na kasabihan. sayings.
Hindi isinara ni Barthes ang posibilidad na may iba pang retorikal na
estratehiyang na maaari niyang nakaligtaan sa kanyang pagtala.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Gamit ang semyolohiya ni Barthes, inalam ng may-akda ang paulit-ulit na
sosyo-kultural na icon na matatagpuan sa napiling 25 na imaheng kuha ni
Lerma.
Sa pamamagitan ng pagsuri sa signipikasyon ng mga sosyo-kultural na icon na
ito, pati sa kung aling mga retorikal na estratehiya ang maaaring ginamit ni
Lerma, ginagap ng may akda at hinimay ang mga hindi hayagang diskurso ng
mga imahen. Ang hindi hayagang diskursong ito ay ang pananaw in Lerma sa
umiiral na drug war ng administrasyong Duterte.
Mahalagang banggitin na ang pitong retorikal na estratehiya na binanggit ni
Barthes ay mga estratehiyang ginagamit ng mga makapangyarihang uri.
Dahil si Lerma ay nakikipagtunggali sa mas makapangyarihang
administrasyong Duterte, napag-isipan ng may-akda na ang ginamit na retorikal
na estratehiya ni Lerma ay ang mga kontra-estratehiya sa mga estratehiyang
binanggit ni Barthes.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Kaya sa halip na inokulasyon o pagbabakuna, ang maaaring
gamitin ni Lerma ay ang estratehiya ng kontra-inokulasyon na
magbubukas sa mata ng kanyang mga viewer tungkol sa mga mas
masahol na kasamaang nagtatago sa likod ng mga maliit na
kasamaan.
Sa halip ng pagbubura sa kasaysayan, historisasyon at
rekontekstuwalisasyon na magbibigay sa kanyang mga viewer ng
kritikal na pagbaliktanaw at pagsuri sa anumang isyung pinag-
uusapan.
Sa halip na identipikasyon at eksotisasyon, dis-identipikasyon at
normalisasyon na magbibigay proteksyon sa pagkakaiba ng mundo
ng mga mababang uri at magpapaliwanag na may konesksiyon ang
mundong ito sa mundo ng mga naghaharing uri.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Sa halip na tautolohiya, kontra-tautolohiya na papatid sa sirkular na
pangangatuwiran ng sinumang nagpapalaganap ng anumang mito.
Sa halip na neither/norism, kontra-neither/norism na magbibigay sa
kanyang mga viewer ng iba pang mga katanggap-tanggap na
alternatibo.
Sa halip ng kuwantipikasyon ng kalidad, ang paggigiit sa halaga ng
kalidad.
HERMENYUTIKAL NA BATAYAN
Sa halip ng statement of fact, kontra-statement of fact na elegante
ding babaklas sa anumang eleganteng tautolohiya.
Sa pamamagian ng pagtahak sa kabaligtaran ng mga retorikal na estratehiya ni
Barthes, sinubukan ng may-akda na kung kaya ba ng semyolohiya ni Barthes
na sumuri hindi lamang sa mga ideolohikal na diskurso na nakakubli sa ilang
mga sosyo-kultural na icon, kung hindi pati na rin sa mga kontra-ideolohikal na
diskurso na inilunsad ng mga kulang sa kapangyarihang sekto ng anumang
lipunan.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang mga sosyo-kultural na icon na paulit-ulit na matagpuan sa 25 na imahe na
kuha ni Lerma ay:
1) Kahirapan,
2) Dehumanisasyon/Demonisasyon ng mga Napatay,
3) Relihiyon,
4) Ilang Irasyunal na Aspekto ng Lipunang Pilipino,
5) OPLAN Tokhang na isinagawa ng PNP, at
6) Estado at Bansa.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang Sosyo-Kultural na Icon ng Kahirapan
Sa anim na sosyo-kultural na icon na tinukoy ng may-akda, ang icon ng
kahirapan ang pinakalaganap dahil matatagpuan ito sa images A, F, G, I, K, N,
P, Q, U, V, X at Y.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa ilalim ng mga kontra-estratehiyang historisasyon at rekontekstuwalisasyon,
pati na ng normalisasyon, ang iba’t ibang pagbanggit/pagrepresenta sa
kahirapan ay kinasangkapan para maipakita na kapag ang karamihan sa mga
biktima at suspek ng drug war ay mahihirap na Pilipino baka may hindi
makatarungang dimensiyon ang nasabing drug war.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang mga kontra-estratehiyang historisasyon at rekontekstuwalisasyon, bilang
kabaligtaran ng Barthesiyanong estratehiyang pagbubura ng kasaysayan, ay
nagdadala sa viewer patungo sa sitwasyon sa ground level kung saan higit na
mas marami ang mga mahihirap na napatay kaysa mga nanggagaling sa ibang
panlipunang uri.
Ang kontra-estratehiya ng normalisasyon, bilang kabaligtaran sa
Barthesiyanong estratehiyang eksotisasyon, ay nagmumungkahi sa viewer na
mapagnilayang itong mga mahihirap na napapatay ay hindi mga hayop o
halimaw, kung hindi mga taong karapat dapat ding bigyan ng uri ng
pagtratratong karaniwang ibinibigay natin sa mga suspek na nagmumula sa
ibang panlipunang uri.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang Sosyo-Kultural na Icon ng Dehumanisasyon/Demonisasyon
ng mga Napapatay
Ang dehumanisasyon/demonisasyon ng mga napapatay ay ang pangalawang
pinakalaganap sa anim na sosyo-kultural na icon na tinukoy ng may-akda at
lumalabas ito sa images A, F, H, J, O, P at V.
Ang dehumanisasyon ay ang simbolikong pagbaklas sa humanidad ng biktima
para mawala sa kanya ang kapangyarihang humatak ng simpatiya mula sa
ibang tao.
Ang demonisasyon ay isa pang simbolikong proseso sa pagtanghal sa biktima
bilang masamang halimaw para madaling masabi na nararapat lamang siyang
mapatay ng drug war.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa ilalim ng mga kontra-estratehiyang kontra-inokulasyon, normalisasyon, at
historisasyon at rekontekstuwalisasyon, ang iba’t ibang
pagbanggit/pagrepresenta sa dehumanisasyon/demonisasyon ng mga
napapatay ay kinasangkapan para batikusin ang mga extra judicial killing na
umakusa at pumataw ng kamatayan sa mga suspek sa labas ng
makatarungang proseso ng paglilitis at pagbigay ng nararapat na sentensiya.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang kontra-estratehiyang kontra-inokulasyon, bilang kabaligtaran ng
Barthesiyanong estratehiyang inokulasyon, ay tumutuligsa sa lumalaganap na
opinyon ng publiko na ang pagpatay ng mga suspek ay isang lesser evil
kumpara sa salot na inihasik nila sa lipunang Pilipino.
Ang kontra-estratehiyang normalisasyon, bilang kabaligtaran ng
Barthesiyanong estratehiyang eksotisasyon, ay nanghihikayat na kilalanin ang
mga napapatay bilang mga kapwa tao na maaaring guilty o hindi guilty sa
akusasyong ibinato sa kanila.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang kontra-estratehiyang historisasyon at
rekontekstuwalisasyon, bilang kabaligtaran ng
Barthesiyanong stratehiyang pagbubura ng
kasaysayan, ay lalong titingkad kapag inihanay ang
images A, I, K, at M.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang imahen ng nagdadalamhating live-in partner ng
napatay na pedicab driver ay nagrekontekstuwalisa
sa pagkatao at presumptive innocence ng biktima.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa image I, ang barong-barong ng pedicab driver ay
humahanon sa karatulang-hustiyang umakusa sa
kanyang drug pusher: “kung talagang drug pusher
siya, bakit sa estero at tambakan ng basura siya
nakatira?”
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa image K, ang mga nagdadalamhating kamag-
anak at kaibigan ay nagpapanumbalik sa
humanidad/pagkatao ng napatay. Kung kaya nilang
umiyak para sa kanya, tiyak na may natitira pang
kabutihan sa kanya na hahamon sa kanyang
demonisasyon. Sa image M, ang mga kamag-anak
ng ilang napapatay ay naghahandang magkuwento
sa kanilang mga hinaing sa harap ng Senado.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
May dalawang interesanteng imahe na kuha ni Lerma ngunit hindi nahagip ng
proseso ng pagpili ng may-akda. Ngunit ang kanilang matingkad na kontra-
estratehiya sa pagtubos sa humanidad/pagkatao ng mga napapatay at kanilang
pagtugis sa kanilang demonisasyon ay nararapat banggitin sa panayam na ito.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa image Z, tinatanggal ng coroner ang duct tape na bumabalot sa ulo ng
napapatay na parang simbolikal nitong ibinabalik ang kanyang ninakaw na
humanidad/pagkatao.
Sa image AA, ang mga gamit na nakuha mula sa napatay na dalagita ay
nagpapahiwatig sa kanyang kabataan at pagka-inosente na maaaring kumuntra
sa karatulang imukusa sa kanya at kanyang nobyo: “Tulak Ka, Hayop Ka.”
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang Sosyo-Kultural na Icon ng Relihiyon
Ang relihiyon at ilang irasyunal na dimensiyon ng lipunang Pilipino ay parehong
pangatlo sa pinakalaganap na sosyo-kultural na icon na tinukoy ng panayam na
ito.
Ngunit ang relihiyon, bilang mas lantaran kumpara sa ilang irasyunal na
dimensiyon ng lipunang Pilipino, ang uunahin natin sa pagtalakay.
Ang icon ng relihiyon ay ipinapahiwatig sa images A, G, L, Q, S at W.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa ilalim ng kontra-estratehiyang kontra-statement to the fact, at dis-
indentification, ang mga pagbanggit/pagrepresenta sa relihiyon ay ginamit para
kuwestiyonin ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino na tila humihiyaw para sa
mga rumaragasang extra judicial killing at nagbulag-bulagan sa usapin ng
hustisya; at para na rin ilahad na ang relihiyon, kagaya ng kubuoang lipunang
Pilipino, ay kumikiling para sa mga kasapi ng mga naghaharing uri.
Ang kontra-estratehiyang kontra-statement to the fact, bilang kabaligtaran ng
Barthesiyanong estratehiyang statement of fact, ay tumutumbok sa kadalasang
akala ng mga Pilipino na sila ay relihiyoso na sinabayan naman ng
nakakabinging pananahimik sa harap ng tumataas na bilang ng patayang may
kaugnayan sa drug war.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Poetikong ipinahayang ng images A at G ang signipikasyong ito.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang kontra-estratehiyang dis-identification, bilang kabaligtaran ng
Barthesiyanong estratehiya ng identification, ay espesipikong bumatikos na ang
relhiyon sa Pilipinas ay kumikiling para sa mga naghaharing uri.
Habang walang pakialam at bingi ang relihiyon para sa kapalaran ng mga
mabababang uri, para sa mga naghaharing uri nananatili itong batis ng lakas ng
loob at kapayapaan.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang Sosyo-Kultural na Icon ng Irasyunalidad ng Lipunang Pilipino
Binabanggit/inirepresenta ang sosyo-kultural na icon tungkol sa irasyunalidad
ng lipunang Pilipino sa images A, I, U, V, W at Y.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa ilalim ng mga kontra-estratehiyang historisasyon at rekontekstuwalisasyon,
at ng kontra-tautolohiya, ang ilang pagbanggit/pagrepresenta sa irasyunalidad
ng lipunang Pilipino ay kinasangkapan para pagdududahan ang kaisipang
ipinalaganap ng adminstrasyong Duterte na ang problema sa druga ang
pinakamasahol na kasamaan sa lipunang Pilipino.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Inilatag ng pagbanggit/pagrepresenta sa irasyunalidad ng bansa ang
signipikasyong ang bansa, lalo na ang Metro Manila kung saan 10% ng
populasyon ay naninirahan, ay nangangailangan ng mas matatag at rasyunal
na pamamahala.
Ang problema sa druga ay maaaring dulo lamang nitong mas malawak na
kakulangan sa rasyunal na pamamahala.
Kaya hindi tama para sa administrasyong Duterte na lustayin ang kanyang
pinansiyal, politikal at organisasyunal na kapital sa drug war kapag
napapabayaan nito ang mas kinakailangang rasyunalisasyon at pagpapatatag
ng pamamahala.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
On the Socio-Cultural Icon of Operation Plan Tokhang
Sa anim na sosyo-kultural na icon na natukoy na panayam na ito, ang OPLAN
Tokhang na isinagawa ng PNP ay ang pangalawa sa pinakamadalang dahil
matatagpuan lamang ito sa images B, C at D.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa image B, anim na indibiduwal na sumuko sa nasabing OPLAN ay ipinakitang
nakalinya para sa isang drug test, habang ang iba ay nakikinig sa isang
briefing. Ang kanilang bilang ay pumupuno sa isang seksiyon ng basketball
court.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa image C, tatlo pang indibiduwal ang ipinapakitang nakapila para sa
nasabing drug test.
Sa image D, isang mugshot ang kinukuha mula sa isang pang indibiduwal na
sumuko rin sa parehong OPLAN.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang malaking bilang ng sumuko at kakulangan sa information system pati na sa
istriktong protocol kung paano iproproseso ang mga nasabing pagsuko ang
nagbabadya na hindi talaga handa ang PNP sa pulidong pagsagawa sa
nasabing OPLAN.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa ilam ng mga kontra-estratehiyang historisasyon at rekontekstuwalisasyon,
ang kabaligtaran ng mga Barthesiyanong estratehiya ng pagbubura sa
kasaysayan, ang pagbanggit/pagrepresenta sa OPLAN Tokhang ay
kinasangkapan para kuwestiyunin ang saysay at bisa ng nasabing OPLAN.
Noong Nobyembre 2016, ipinangalandakan na ng nasabing OPLAN na dinalaw
na nila ang mahigit limang milyong tahanan at nakalikum na sila ng kulang sa
isang milyung mga sumuko.
Ngunit ang mga imahe na kuha ni Lerma ay nagdala sa kanyang mga viewer sa
likod ng nakamamanghang estatistika at papunta sa ground level kung saan
nagiging kuwestiyunable ang sinop ng pagproproseso, dokumentasyon at
monitoring ng mga pagsuko.
Sa kulang sa isang milyung indibiduwal na sumuko, 8% lamang ang drug
pursher habang 92% ay user.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
On the Socio-Cultural Icon of State and Nation
Ang estado at bansa ang pinakamadalang sa anim na sosyo-kultural na icon na
natukoy ng panayam na ito at lumabas lamang sila sa images C, Q at Y.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa image C, ang pambansang kulay na pula, asul at bughaw ay makikita sa
damit ng dalawang sumurender at sa mga takip ng specimen container.
Sa image Q, ang parehong pambansang kulay na makikita ulit sa damit ng
dalawang pulis, sa hawak na investigation chart, sa damit ng isang by-stander,
sa nakaparadang sasakyan, sa poster na nasa background, at sa imprenta sa
damit ng isang pulis.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Ang isang pulis ay nakatayo direkta sa itaas ng mala krusipihong baligtad na
biktima, na parang ipinataw ng estado ang buong kapangyarihan nito sa
biktima.
Inilahad ng image Y ang pinaka poetikong alusyon sa presensiya ng estado
habang nakapokus ito sa paa ng biktima at ang basang kalsada ay nakaluyan
ng asul at pulang ilaw ng isang patrol car.
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Sa ilalim ng kontra-estratehiyang kontra-statement of the fact, ang kabaligtaran
ng Barthesiyanong estratehiya ng statement of the fact, ang banayad na
alusyon sa estado at bansa ay kinasangkapan para kuwestiyunin ang paulit-ulit
na pagtanggi ng PNP at ng administrasyong Duterte na may kinalaman ang
estado sa tumaas na bilang ng extra judicial killing.
Isa pang antas ng signipikasyon ng nasabing sosyo-kultural na icon ay ang
paggising sa bansa sa hindi kumpurtableng katotohang sa paghiyaw nito para
sa extra judicial killings o hindi kaya sa pagiging tahimik nito sa gitna ng kaliwa’t
kanang patayan may pananagutang moral din ang buong bansang Filipino sa
bandang dulo.
KONGKLUSYON
Pakay ng panayam na ito na gagapin ang signipikasyon na tangan ng anim na
paulit-ulit na sosyo-kultural na icon. At ang mga ito ay:
1) Ang drug was ay isang estratehiyang kontra-mahirap;
2) Ang mga mahirap ay mga tao at mga Pilipino rin na dapat tratuhin bilang
mga tao at Pilipino’
3) Ang mga napapatay sa drug war ay mga taong nabigyan sana ng
makatarungang paglitis at sentensiya;
4) Ang mga napapatay sa drug war ay hindi mga halimaw, sa halip ang
kanilang pagiging tao at anumang natitirang kabutihan nagpapatunay sa
kanilang karapatang mabigyan sana ng presumption of innocence na
karaniwang ibinibigay natin sa ibang tao at Pilipino;
5) Inilagay ng drug war sa malaking pagsubok ang ipinangalandakang
pagiging relihiyoso ng mga Pilipino;
6) Ang relihiyong Pilipino, kagaya ng lipunang Pilipino, ay may pagkikiling
para sa mga kasapi ng naghaharing uri;
KONGKLUSYON
7) Ang problema sa druga sa Pilipinas ay maaaring dulo lamang ng mas
malawak na problema tungkol sa kakulangan sa matatag at rasyunal na
pamamahala;
8) Hindi tama para sa administrasyong Duterte na iwaldas ang kanilang
pinansiyal, politikal at organisasyunal na mga kapital para sa nasabing
drug war kung mapapabayaan lamang ang paglutas sa mas malawak na
problema ng pagpapalakas at pagrasyunalisa sa pamamahala ng ating
estado;
9) May ilang bagay na kuwestiyunable sa OPLAN Tokhang; at
10)Ang estado at bansa ay may responsibilidad sa umiiral pa ring extra
judicial killing.
ANG FOTOJORNALISTIKONG
PANANAW NI RAFAEL LERMA SA
DRUG WAR NG
ADMINISTRASYONG DUTURTE:
ISANG BARTHESIYANONG
SEMYOLOHIKAL NA PAGSUSURI
Wakas.
Maraming Salamat!