10
Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran VOLUME 1 l ISSUE NO. 6 AGUSTO 2012 OPISYAL NA LATHALAIN NG TANGGAPAN NI BOARD MEMBER ROLANDO E. BONOAN, JR. Ano ang mga nakapaloob dito? Dito ilalagak sa “Rural Enterprise and Busines” Park o REB Park ang pagawaan at pagpoproseso ng mga pagkain at mga agrikulturang produkto, modelong lugar na pabahay, parkeng pang agro- industriya at pang-komersyo na magsisilbing ‘showcase’ ng mga lokal na produkto at pangkulturang ari-arian upang maging sentro sa kalakalan at atraksyong pang-turismo. -Isinusulong ni BM Bonoan Ilagay sa ‘Growth Area’ Iminumungkahi ng Board Member na ilagay ang naturang reserbasyon sa mga lugar na may malaking potensyal sa paglago ng komersyo at kalakalan at malapit sa daungan o paliparan ng munisipyo. Nais din ni BM Bonoan na magsilbing oportunidad sa mga mamumuhunan ang Government Center at makapag-engganyo SUNDAN SA PAHINA 8 NASA LOOB Kahalagahan ng Technical Skills PAHINA 2 Pakikipag-daupang palad ni BM Bonoan sa mga residente ng Barangay Sumbiling, Bataraza matapos ang pamamahagi ng Barangay Aid. MOA sa Cuyo Nat’l High School PAHINA 4 Pagpapalakas ng Turismo sa Lalawigan PAHINA 9 IPINANUKALA ni Board Member Bonoan, Chairman ng Committee on Trade and Industry sa Sangguniang Panlalawigan ang bagong estratehiyang pangkaunlaran na humihiling kay Gob. Mitra na maglaan ng dalawang-daang (200) ektaryang lupain sa mga munisipyo na tatawaging “Rural Enterprise and Business” Park.

Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

  • Upload
    others

  • View
    28

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran

VOLUME 1 l ISSUE NO. 6 AgUStO 2012OpISyAL NA LAthALAIN Ng tANggApAN NI BOArd MEMBEr rOLANdO E. BONOAN, Jr.

Ano ang mga nakapaloob dito?Dito ilalagak sa “Rural Enterprise and Busines”

Park o REB Park ang pagawaan at pagpoproseso ng mga pagkain at mga agrikulturang produkto, modelong lugar na pabahay, parkeng pang agro-industriya at pang-komersyo na magsisilbing ‘showcase’ ng mga lokal na produkto at pangkulturang ari-arian upang maging sentro sa kalakalan at atraksyong pang-turismo.

-Isinusulong ni BM Bonoan

Ilagay sa ‘Growth Area’Iminumungkahi ng Board Member na ilagay

ang naturang reserbasyon sa mga lugar na may malaking potensyal sa paglago ng komersyo at kalakalan at malapit sa daungan o paliparan ng munisipyo. Nais din ni BM Bonoan na magsilbing oportunidad sa mga mamumuhunan ang Government Center at makapag-engganyo

SundAn SA PAhInA 8

NASA LOOB

Kahalagahan ng Technical Skills PAHINA 2

Pakikipag-daupang palad ni BM Bonoan sa mga residente

ng Barangay Sumbiling, Bataraza matapos ang

pamamahagi ng Barangay Aid.

MOA sa Cuyo Nat’l High School PAHINA 4

Pagpapalakasng Turismo sa Lalawigan PAHINA 9

IpInanukala ni Board Member Bonoan, Chairman ng Committee on Trade and Industry sa Sangguniang panlalawigan ang bagong estratehiyang pangkaunlaran na humihiling kay Gob. Mitra na maglaan ng dalawang-daang (200) ektaryang lupain sa mga munisipyo na tatawaging “Rural Enterprise and Business” park.

Page 2: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

2 I BONOAN REPORT AGUSTO 2012

MAYOR NARCISO LEONCIOBrooke’s Point, PalawanBilang ama ng bayan ng Brooke’s Point, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa tulong at suporta na ibinibigay ni Board Member Bonoan sa aming bayan.Sana ay ipagpatuloy nya ang kanyang magagandang adhikain hindi lamang sa aming bayan ngunit sa buong lalawigan ng Palawan. Magkaisa! Bagong Pag-asa!

EDITORYAL

For FEEdBAck And SuGGEStIon, kIndly contAct uS.

AddrESS: OffIce Of BM ROLANdO BONOAN, JR.2/f Legislative Bldg, capitol complex, fernandez St., PPc, PalawanWEBSItE: www.bonoanreport.weebly.com EMAIl: [email protected]

Sa ating pagkakaisa, May pag-asa!

anumang unos o pagsubok ang dumaan sa ating buhay kung may pagkakaisa ay matatanaw natin ang pag-asa. Ito ang

nagsisilbing gabay at prinsipyo ni Board Member ‘Boy’ Bonoan. Ito ang nagtutulak at nagbibigay ng inspirasyon sa kanya upang huwag panghinaan ng loob sa kabila ng walang humpay na paninira na ginagawa ng mga katunggali sa pulitika.Tuloy-tuloy lamang ang kanyang pagganap sa kanyang sinumpaang tungkulin at paglilingkod sa mga mamamayan. nangingibabaw sa kanya ang positibong pananaw at nanininiwalang ang mga paninirang ito ay bahagi lamang ng maruming pulitika. Sa halip, pinagtutuunan niya ng lubos na atensyon at pinag-aaralang mabuti ang pagpasa ng mga dekalidad na mga resolusyon at ordinansa sa Sanggunian panlalawigan na tiyak namang magbibigay benepisyo sa higit na nakararaming palawenyo.

Higit na mahalaga ang kapakanan ng ating mga kababayan na umaasang sila ay matutulungan sa pamamagitan ng mahahalagang lehislasyon para sa pag-angat ng kalidad ng kanilang buhay. Maaliwalas ang ating hinaharap na kinabukasan, kinakailangan lamang na tayo ay magtulungan at magkaisa upang marating natin ang ating mga pangarap.

“Sa ating pagkakaisa, may pag-asa!”

GOB. BAHAM MITRAPalawanBoard Member Bonoan is one of the most hard working and prolific Board Members. The

people made the correct decision to send him to the Provincial Board and we are grateful to them.

Anong Say Mo?

SB ROWENA SANDOVALMunicipality of CuyoBM Bonoan is one of the best public servants this province has ever

produced. His services to the public are founded on good principles and dedication coupled with intelligence, a clean heart and a cheerful spirit. He is a result-oriented person.

Page 3: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

BONOAN REPORT I 3AGUSTO 2012

ITO ang naging sentro ng mensahe ni Board Member Bonoan sa ginanap na Commencement Exercises ng Puerto Princesa School of Arts and Trades (PPSAT) noong ika-6 ng Hulyo, 2012 na pinangunahan nina Director Arnel Campued, Provincial Director ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA-Palawan at Dr. Clarissa Posadas, Vocational School Administrator ng PPSAT. Sa kanyang mensahe, pinarangalan ng Board Member ang liderato ng PPSAT sa patuloy na pag-unlad ng eskwelahan at pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante na nagsipagtapos sa iba’t-ibang technical courses na pagyamanin ang kanilang kasayanan para sa personal na pag-unlad at gamitin ang kanilang talento at kakayahan upang makatulong

Mahalaga ang technical Skills sa Ekonomiya ng lalawigan

Mensahe sa Graduation Exercises ng PPSAT

sa pag-angat ng ekonomiya ng ating lalawigan. Binigyang diin ni BM Bonoan sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga technical skills sa iba’t-ibang larangan dahil sa laki ng naiaambag ng mga manggagawang nagtapos ng mga technical at vocational courses sa ekonomiya ng bansa. Ani BM Bonoan, kung dati ang technical at vocational courses ay itinuturing na ikalawa lamang sa mga apat na taong kurso o ang “baccalaureate degree” na ipinapagkaloob sa mga kolehiyo o unibersidad, hindi na ngayon dahil sa pinahusay na kurikulum ng mga technical at vocational schools at pagbibigay ng pamahalaan ng higit na atensyon at pondo para sa operasyon ng mga Technical at Vocational Schools sa buong bansa sa ilalim ng TESDA.

Tiniyak ng Board Member sa mga mag-aaral at pamunuan ng PPSAT na patuloy niyang susuportahan ang layunin at operasyon ng paaralan para sa higit

na kapakinabangan ng mga mag-aaral lalo na’t malaking porsyento ng mga estudyante dito ay nagmumula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Napag-alaman na 52 % ng mga mag-aaral nito ay mula sa mga munisipyo, samantalang 48% ay mula sa lungsod ng Puerto Princesa. Kabilang sa mga kursong ipinagkakaloob ng PPSAT ay ang housekeeping, food and beverage services, carpentry, electrical installation and maintenance, tile setting, computer hardware servicing, consumer electronics servicing, Korean language and culture, at computer-based English proficiency.

Ang PPSAT ay isa sa limang TESDA Technology Institutions sa MIMAROPA Region at ang tanging TESDA Government institution sa lungsod ng Puerto Princesa at Palawan.

Si BM Bonoan ay Chairman ng Committee on Trade and Industry ng Sangguniang Panlalawigan.

Si BM Bonoan (inset) sa kanyang mensahe bilang Panauhing tagapagsalita sa pagtatapos sa PPSAt. Sa larawan: Ang mga estudyanteng nagsipagtapos sa iba’t-ibang technical courses.

Page 4: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

4 I BONOAN REPORT AGUSTO 2012

Si BM ‘Boy’ Bonoan (gitna) at BM ‘toto’ Pineda (pangatlo) habang isinasagawa ang inspection ng isang tourism establishment sa Bayan ng coron na humihiling ng endorsement mula sa Sangguniang Panlalawigan.

InIhaIn ni BM Rolando E. Bonoan, Jr. sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-17 ng hulyo, taong kasalukuyan ang resolusyong humihiling kay Gobernador abraham Kahlil B. Mitra na isama sa listahan ng mga pangunahing kalsada na sasailalim sa pagmamantine ang kalsada ng Barangay San Juan patungong Sitio Marikit sa bayan ng aborlan.

Ito ay matapos magsumite ng panukala ang mga opisyales ng Barangay San Juan na humihiling kay BM Bonoan ng tulong para sa pagsasaayos ng naturang kalsada. napag-alaman na sira-sira na ang nabanggit na kalsada na nagiging maputik tuwing panahon ng tag-ulan. ang kondisyon ng naturang kalsada ay mapanganib sa mga motorista at lubhang nakakaapekto sa pagbibiyahe ng mga negosyante at mga nagdadala ng kanilang mga produkto sa mga pamilihan gayundin sa mga sasakyang pribado at pampubliko na dumadaan sa lugar at sa

Pagsasaayos ng San Juan - Sitio Marikit road sa Bayan ng Aborlanmga guro at estudyante na pumapasok sa eskwela.

ayon kay BM Bonoan nararapat na mailagay ang pagkukumpuni ng naturang kalsada sa ‘priority list’ ng mga kalsadang isasaayos ng Pamahalaang Panlalawigan upang maibsan na ang suliranin ng mga residente sa naturang lugar at makatulong sa maayos at maalwan na paghahanap-buhay ng mga mamamayan ng Barangay San Juan at mga taga Sitio Marikit.

Kaugnay nito, nananawagan si Board Member Bonoan sa mga lokal na pamahalaan katuwang ang iba’t-ibang ahensya at pribadong sektor na magtulungan sa pangangalaga at pagmamantene ng mga kalsada sa kani-kanilang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maayos na daloy ng komersyo.

ang resolusyong

ito ay isa lamang sa mga resolusyon ni Board Member Bonoan para tugunan ang mga suliranin ng mga sira-sirang kalsada sa Sur na kailangang isaayos. Ito ay tumutugon sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan na bigyang prayoridad ang pagkukumpuni ng mga kalsadang nagdudulot ng kahirapan sa mga mamamayan lalo na sa mga residenteng apektado.

ang resolusyong ito ay agad na inaprobahan ng Sanggunaing Panlalawigan sa naturang sesyon.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang balitang ito ay kinukumpuni na ng Provincial Engineering Office ang naturang kalsada dahil sa resolusyong ipinasa ni Board Member ‘Boy’ Bonoan.

Page 5: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

BONOAN REPORT I 5AGUSTO 2012

Ayon kay BM Bonoan, isang malaking tagumpay para sa mga magulang, mga estudyante at mamamayan ng bayan ng Cuyo ang pagkakaroon at pagtatatag ng pampublikong sekondaryang paaralan sa kabayanan dahil katugunan ito sa hinaing ng mga opisyales at mamamayan ng Cuyo na magkaroon ng isang pampublikong sekondaryang paaralan sa sentro ng Cuyo. Aniya, malaking tulong ito upang matulungan ang mga mahihirap na magulang sa pagpapa-aral ng kanilang mga anak.

Matatandaan na nag-ugat ang suliranin nang magsara ang dating Cuyo Technical Vocational High School sa Palawan State University-Palawan College of Arts and Trades (PSU-PCAT) noong 2008 matapos magpalabas ng kautusan ang Commission on Higher Education (CHED) na nagbabawal sa PSU na magpatakbo ng isang pang-sekondaryang paaralan. Dahil dito napilitan ang may halos isandaang estudyante na mag-enrol sa Cuyo National High School sa Barangay Lungsod, dalawang kilometro

MoA sa Pagtatatag ng cuyo nat’l high School Isinulong ni BM Bonoan

upanG mapagtibay ang pagtatatag ng Cuyo national High School mula sa Barangay lungsod patungong Barangay Tenga-Tenga sa kabayanan ng Cuyo, inihain ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ang resolusyong nagbibigay kapangyarihan kay Governor abraham kahlil B. Mitra upang pumasok at lumagda sa isang Memorandum of agreement (MOa) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang lokal na pamahalaan ng Cuyo, palawan State university at Department of Education.

ang layo mula sa kabayanan. Maliban sa distansiya at kaligtasan ng mga mag-aaral, nakapabigat pa sa mga magulang ang karagdagang gastusin sa pagpasok ng kanilang mga estudyante.

Matapos ang mahabang pag-aaral at pagtalakay sa usapin, isang pagpupulong ang isinagawa sa gusali ng Kapitolyo noong ika-20 ng Hunyo, 2012 na pinangunahan ni Gob. Mitra. Dito ay nagkasundo ang mga opisyales na ilipat ang kasalukuyang Cuyo National High School sa Barangay Tenga-Tenga sa Poblacion ng Cuyo sa halip na muling buksan ang dating Cuyo Technical Vocational High School o magtatag ng isang Science and Technology High School at mananatiling annex ang Secondary School sa Barangay Lungsod. Dumalo sa naturang pulong sina Mayor Andrew Ong at Vice-Mayor Jake Tan ng Cuyo, Dr. Sinforosa Guiñares, OIC-Regional Director ng DepED MIMAROPA, Dr. Fe Ricon, Executive Vice-President for Academic Affairs ng PSU, Mr. Raul Marin,

OIC-Superintendent ng DepED-Palawan. Base sa napagkasunduan, ililipat ang

Cuyo National High School sa PSU Campus at ang mga mag-aaral ng PSU ay lilipat sa PSU-PCAT. Kaugnay nito, hiniling ng PSU kay Gob. Mitra na tulungan sila sa pagpapakumpuni ng PSU-PCAT na sinang-ayunan naman ng Gobernador.

Dahil dito inihain ni BM Bonoan ang resolusyong nabanggit upang pagtibayin ang kasunduan ng Pamahalaang Panlalawigan, PSU at DepED na itatag ang Cuyo National High School sa poblacion at maglaan ng pondo upang gamitin sa pagpapaayos ng gusali ng PSU-PCAT.

Ang resolusyon ay inaprobahan na ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Ito ay pangatlo sa mga sunod-sunod na resolusyong inihain ni BM Bonoan para maisakatuparan ang pagtatayo ng pang-sekondaryang paaralan sa kabayanan ng Cuyo na pawang inaprobahan din ng Sangguniang Panlalawigan.

Pinangunahan nina Gob. Mitra at BM Bonoan, kasama sina cuyo Mayor Andrew ong at Vice-Mayor Jake tan ang Ground Breaking ceremony ng pagsesemento sa bahagi ng kalsada ng Barangay Maringian, cuyo na nag-uugnay sa bayan ng cuyo at Magsaysay.

Page 6: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

na kanyang ipinasa para pagtuunan ng ibayong atensyon at maisama sa mga priority programs ng pamahalaan.

Kabilang na rito ang mga programang ipinatutupad sa pagpapalakas ng sektor ng edukasyon sa lalawigan lalo na ang suporta sa paglulunsad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education ng Kagawaran ng Edukasyon at ang programang “Ensuring Quality Instruction Program for Palawan” o EQUIP na pawang sinuportahan ng Board Member

Ayon sa Board Member, malinaw na nailatag ng gobernador ang kanyang mga naisakatuparan partikular sa sektor ng edukasyon, agrikultura, turismo at pangkalusugan kung saan maganda ang naging pagganap ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kaugnay nito, ikinatuwa ng bokal ang pagbibigay prayoridad ng gobernador sa ilang programang pang-edukasyon, turismo at pangkalusugan kung saan ay may mga mahahalagang resolusyon

pOSITIBO ang naging reaksyon ni BM Bonoan sa SOpa ni Governor Baham Mitra matapos itong mag-ulat sa bayan noong Martes, ika-14 ng agosto, taong kasalukuyan sa plenaryo ng Sangguning panlalawigan.

Stat e o f t h e Pr o v i n c e ad d r e S S

AnG MGA MIyEMBro nG 40th SAnGunIAnG PAnlAlAWIGAn. (Mula sa kaliwa):BM roseller Pineda, BM rolando E. Bonoan, Jr., BM derrick Pablico, BM Winston Arzaga, BM Erick Abueg, BM Sharon Abiog-onda, Gob. Abraham kahlil Mitra, Bise-Gob. clara ‘Fems’ reyes, BM Marivic roxas, BM Jelena Mai Gicanal, BM ramon Zabala, BM Franz Josef Alvarez, BM Sunny Batul at BM Ernesto llacuna.

sa pamamagitan ng pagpasa ng mga resolusyon para sa pagsasakatuparan nito kaalinsabay ng panawagan sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na tangkilikin ang mga naturang programa para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa lalawigan.

Samantala, ilan sa mga mahahalagang panukala na ipinasa ni BM Bonoan ay ang paghiling sa Kagawaran ng Edukasyon na hatiin sa tatlong dibisyon ang nag-iisang dibisyon ng mga paaralan ng lalawigan para sa higit na maayos at mahusay na pangangasiwa ng mga paaralan.

Bilang tugon naman sa pagpapatatag ng turismo sa lalawigan, ipinasa rin ni BM Bonoan ang mga importanteng lehislasyon kabilang na ang pagtatalaga ng

BONOAN REPORT I AGUSTO 2012

Sa ika-92 na Sesyon ng Sangguniang PanlalawiganGob. Mitra nag-ulat sa Bayan

Page 7: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

Stat e o f t h e Pr o v i n c e ad d r e S S

“Malinaw na nailatag ni

Gob. Baham ang kanyang mga nagawa

sa kanyang dalawang taong panunungkulan

sa pagpapatupad ng mga

programa at plano ng

Pamahalaang Panlalawigan para sa buong

probinsiya” - BM BOnOan

Si Board Member Boy Bonoan at Governor Baham Mitra matapos ang State of the Province Address ng Gobernador noong August 14, 2012 sa plenaryo ng Sangguniang Panlalawigan.

BONOAN REPORT I AGUSTO 2012

Brand Name para sa lalawigan na “Palawan:Every Island an Adventure”. Ngunit ayon sa Board Member, kinakailangan pang maisakatuparan ang paglalagay ng mga kinakailangang imprastrakturang proyekto na lubhang mahalaga sa likas-kayang pag-unlad ng turismo sa lalawigan.

Sa usaping pang-agrikultura, kamakailan ay inihain ni BM Bonoan ang isang ordinansang magpapalakas sa kampanya ng pamahalaan laban sa Mango Pulp Weevil. Inilatag ng Board member ang mga responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan at Mango Growers’ Association ng Palawan para suportahan ang itinatag na “Mango Pulp Weevil Action Team” ng Department of Agriculture (DA) at naatasan na magpatupad ng mga programa sa ikakasawata ng naturang peste. Kaugnay nito, ipinasa rin ng Board member ang resolusyong humihiling sa Bureau of Plant Industry (BPI) ng DA na magsagawa ng malawakang pagsisiyasat sa Northern Palawan upang tiyaking Mango Pulp Weevil free nga ang naturang bahagi ng lalawigan at ideklara ito na weevil free at hindi na maisama sa Special Administrative Quarantine Order No. 20 na ipinalabas ng BPI noong 1987 na nagbabawal sa pagluwas at paglabas ng mangga mula sa Palawan patungo sa ibang bahagi ng bansa. Nais ni BM Bonoan na matapos na ang matagal ng paghihirap ng industriya ng mangga sa lalawigan at masimulan na ang mga programa para sa ikauunlad ng industriyang ito.

Sa programang pangkalusugan, pinasalamatan ni BM Bonoan ang

Gobernador sa pagpapaigting ng kampanya laban sa sakit na tuberculosis o TB na ayon sa ulat ng gobernador ay bumaba na ang bilang ng mga nagkakasakit nito at ang napipintong pakikipagtulungan sa banyagang organisasyon upang magpatupad ng programa sa lalawigan na sasawata sa naturang karamdaman.

Samantala, tinuran ng bokal na sa pagpapatupad ng mga plano at programa para sa buong lalawigan ay hindi agad ito magagawang lahat dahil sa kakulangan ng sapat na pondo para sa lahat ng pangangailangan ng iba’t-ibang sektor, kaya mahalaga aniya na mailagay sa

prayoridad ang mga pangunahing programa at serbisyong dapat na ipatupad agad lalo na ang mga imprastrakturang pangturismo.

Dagdag pa ng Board Member, kahit anong paninira ang gawin ng mga katunggali ni Gob. Mitra sa pulitika ay patuloy itong maglilingkod sa mga Palaweño na nagbigay sa kanya ng mandato.

Sa kanyang pahayag, tinuran ni BM Bonoan na patuloy niyang susuportahan ang pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng gobernador para sa buong lalawigan sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga mahuhusay at kapaki-pakinabang na lehislasyon.

Page 8: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

8 I BONOAN REPORT AGUSTO 2012

ng mga Palaweñong naninirahan sa ibang bansa upang muling bisitahin ang bayang sinilangan at mamuhunan na rin sa lalawigan.

Gawing Bahagi ng cluP Sa kanyang resolusyon ay ipinanukala ni BM Bonoan na isama ang reserbasyon ng 200 ektarya ng lupain sa mga Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng mga munisipyo at tiyaking maipatutupad ng tama ang nakasaad sa probisyon ng Local Government Code kaugnay sa pag-aakda ng CLUP ng isang munisipyo.

Pagbabago sa Sistema ng Pamamahala

Ayon kay Board Member Bonoan dapat ay magkaroon na ng pagbabago sa sistema ng pagpapatakbo at pamamahala ang ating mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa mga pangkabuhayan at pang-ekonomiyang estratehiya. Sa kasalukuyan halos lahat ng bayan sa buong lalawigan ay umaasa sa Internal Revenue Allotment o IRA mula sa Pamahalaang Nasyunal at marami sa ating mga kababayan ang patuloy na umaasa sa tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan sa kanila. Dahil dito, malaking pondo ang nailalabas para sa iba’t-ibang tulong pinansyal sa halip na mailagay ito sa mga pangunahing serbisyo at pangangailangan ng komunidad na magbibigay ng kabuhayan para sa mga mamamayan.

Malaki ang potensyal sa pag-unlad kung magtutulungan ang pribadong sektor at ating mga lokal na pamahalaan. Naniniwala si BM Bonoan na mababawasan ang pasanin ng mga lokal na pamahalaan sa pangangailangan ng mga mamamayan kung may trabaho at sapat na pinagkakakitaan ang mga ito. Sa ganitong paraan, mailalagak na ng pamahalaan ang pondo para

sa mga programa at proyektong mas makabuluhan at kinakailangan.

Sa datos ng Department of Agriculture, ang Palawan ang pinakamalaking probinsya sa buong bansa at may sukat na 1,789,655 ektarya ng lupain. Samantala, ang mga malalaking munisipyo ng lalawigan ay kinabibilangan ng Taytay na may sukat na 139,000 ektarya ng lupain, at 122,000 ektarya naman ang sakop ng bayan ng Roxas. Samantala, maging ang mga maliliit na munisipyo ay kwalipikado sa panukalang ito tulad ng mga bayan ng Cagayancillo-15,400 ektarya, Magsaysay-27,700 ektarya at ang bayan ng Cuyo-

57,000 ektarya. Hindi kabilang ang munisipyo ng Kalayaan dahil ito ay may sukat lamang na 79 ektarya.

Iba pang Panukalang Pang-kaunlaran sa Sur at norte

Kabilang sa mga mahahalagang estratehiyang pangkaunlaran na isinusulong ni BM Bonoan ay ang pagtatatag ng Southern Palawan Special Economic Zone and Free Port sa mga bayan ng Brooke’s Point, Bataraza at Balabac. Pagpapatupad ng Roll-On Roll-Off System sa bahaging norte ng lalawigan at ang pagtatalaga ng mga Small and Medium Enterprise Development Council sa mga munisipyo upang palakasin ang pangkabuhayang ugnayan ng mga lokal na pamahalaan at mga mamamayan katuwang ang Department of Trade and Industry at ang Palawan Small and Medium Enterprise Development Council.

Epektibong Serbisyo at Maunlad na Palawan

Naniniwala si Board Member Bonoan na ang kanyang panukalang pagrereserba ng 200 ektaryang lupain sa mga munisipyo upang gawing REB Park, kabilang na ang ilan sa mga mahahalagang resolusyong pangkunlaran na kanyang ipinanukala ay magdudulot kaunlaran sa buong lalawigan at pangkabuhayang oportunidad na magpapataas sa antas ng pamumuhay ng bawa’t Palaweño.

Bagong Estratehiya na Pangkaunlaran... MulA SA PAhInA 1

Iniabot ni Board Member Bonoan kay Barangay Buliluyan kapitan khaizar Abdulkarim ang tseke ng ‘Barangay Aid’ na nagkakahalaga ng P100,000.00 noong June 3, 2012. Sa larawan: Gob. Baham Mitra (pangatlo sa kaliwa), Monmon Mitra(ikapito mula sa kaliwa), BM Abueg (pang-apat mula sa kanan), G. Poly leoncio (pangatlo mula sa kanan), G. Aries Arzaga (dulong kanan) at mga opisyales ng Barangay Buliluyan.

“dapat nang pagtuunan ng ating mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng makabagong sistema sa pagsusulong ng ekonomiya upang magkaroon ng kabuhayan at sapat na kinikita ang mga mamamayan...” - BM rolAndo ‘Boy’ BonoAn

Page 9: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

BONOAN REPORT I 9AGUSTO 2012

Magkausap sina BM Boy Bonoan at Mr. Alan r. holst, cultural Affairs Officer ng US Embassy sa idinaos na Ecotourism Seminar sa Legend hotel noong ika-16 ng hulyo na inilunsad ng department of tourism at uS Embassy sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panglungsod at Pamahalaang Panlalawigan na dinaluhan ng iba’t-ibang representante mula sa mga pribadong tourism establishments at mga ahensya ng pamahalaan kung saan nagsalita si BM Bonoan. nasa larawan din (kaliwa): councilor Eleuterio Edualino, chairman ng committee on tourism ng city council.

Sa kanyang mensahe sa ginanap na “3rd Palawan Tourism Summit” noong ika-21 ng Oktobre, 2011sa lungsod ng Puerto Princesa na naglalayong bumuo ng ‘tourism roadmap’ sa pangunguna ng Palawan Tourism Council at Pamahalaang Panlalawigan, tinuran ni BM Bonoan na maganda ang hinaharap ng turismo sa lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga turista na bumibisita dito, pagdagdag ng mga commercial flight sa lungsod at iba’t-ibang bahagi ng lalawigan, pagtatayo ng mga bagong establisimeyento at ibang serbisyo para sa turismo, pagkakaroon ng mga souvenir shop at iba pang kabuhayang pang-turismo.

Tinuran ni BM Bonoan sa naturang summit na, “The bright future of Palawan’s tourism begins right here and right now. As participants and tourism stakeholders present in this 3rd Palawan Tourism Summit, you, as one body, can carve out a well-lighted path towards a bountiful brand of tourism that is truly and uniquely Palawan. I believe that the best has yet to come.”

Ilan sa mga sumusunod ay ang mga ordinansa at resolusyon na ipinasa ni Board Member Bonoan at inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan: Implementasyon ng Palawan Brand: ‘Palawan, Every Island an Adventure,’ pangangalaga

Pagpapalakas ng turismo sa lalawigan

BIlanG tugon sa patuloy na paglago ng industriya ng turismo sa lalawigan, isinulong ni Board Member Bonoan ang pagbabago at pagpapa-unlad sa naturang industriya sa pamamagitan ng pagpasa ng mga mahahalagang panukalang tutugon sa pagpapalakas ng turismo sa buong lalawigan.

sa mga pangkulturang ari-arian ng lalawigan, pagtanggap ng binagong edisyon ng “Tourism Statistics Manual for Local Government Units”. Layunin ng pagkakaroon ng “Tourism Statistics Manual” sa mga lokal na pamahalaan ay upang matiyak ang tamang pagkuha at pagtala ng mga datos ng mga dumarating na turista sa kani-kanilang munisipyo at sa buong lalawigan. Dagdag pa rito ang akreditasyon ng mga pangunahing estalisimeyentong pangturismo at mga tour guides at drivers, paglalagay ng mga tourist information centers na tatawaging ‘dayon camo centers’, sapat at maaayos na tourism signages, pagpapalakas ng seguridad sa mga tourism destinations, at ang pagsuporta sa ‘Open Skies Policy’ ng Pamahalaang Nasyunal na naglalayong buksan ang mga paliparan sa buong bansa maliban sa

Ninoy Aquino International Airport para sa lahat ng mga commercial airline companies upang tumaas ang antas ng serbisyo at magbukas ng karagdagang trabaho at kabuhayan para sa mga Palaweño.

Naniniwala si BM Bonoan na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pribadong sektor, Pamahalaang Panlalawigan at Palawan Tourism Council ay makakamtan ang maayos at patuloy na pag-unlad ng turismo sa ating lalawigan at magbibigay ng higit na disenteng buhay sa mga Palaweño lalo na’t kinikilala ang Palawan bilang isa sa mga pangunahing pangturismong destinasyon hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Ang mga panukala ni BM Bonoan ay sumusuporta sa HEAT Program ni Gob. Mitra at alinsunod sa National Tourism Development Plan ng Pamahalaang Nasyunal.

Page 10: Bagong Estratehiyang Pangkaunlaran fileat pagdami ng mga estudyanteng sinasanay dito sa iba’t-ibang kursong teknikal. Binati naman at hinikayat ni Board Member Bonoan ang 288 estudyante

10 I BONOAN REPORT AGUSTO 2012

Isa sa maituturing na ‘landmark legislation’ na inihain ng Board Member ay ang panukalang hatiin sa tatlong dibisyon ang kasalukuyang nag-iisang dibisyon ng DepED-Palawan na ngayon ay ikinokonsidera na ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ayon sa kanya, may sapat na dahilan para isulong ang paghahati sa tatlong dibisyon. Aniya, ang Lalawigan ng Palawan ay isa sa pinakamalaking lalawigan sa buong bansa, at pinakamalaking Schools Division sa Region IV-B MIMAROPA na mayroong 35 na distrito at may humigit-kumulang 561 na paaralang pang-elementarya at mahigit na 120 paaralang pang-sekondarya, kabilang dito ang mga paaralang pang-sekondarya ng mga barangay.

Ang mga distrito ng mga paaralan ay lubhang magkakalayo kung kaya’t mahirap itong pangasiwaan. Maliban pa dito, may kahirapan din ang paglalakbay dahil sa haba ng panahon na ginugugol dito kabilang na ang kakulangan ng

Pagpapataas ng Antas ng Edukasyon sa lalawigan, Isinusulong ni BM Bonoan

BIlanG pagtalima sa kanyang slogan na, “ang edukasyon ay sandata laban sa kahirapan”, isinulong ni Board Member Bonoan ang mga mahahalagang resolusyon na sumusuporta sa pagpapalakas sa sektor ng edukasyon at pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa buong lalawigan.

mga transportasyon para marating ang ibat-ibang distrito ng mga paaralan sa lalawigan.

Layunin ni BM Bonoan na ipatupad sa lalawigan ang umiiral na batas sa ilalim ng Republic Act 9155 o mas kilala sa tawag na “Governance of Basic Education Act of 2001” na humihikayat sa mga Lokal na Pamahalaan na magsagawa ng mga inisyatibo sa pagpapaunlad ng edukasyon sa mga lokal na pamahalaan na higit na pinalakas ng pagsasakatuparan ng Health, Education, Agriculture, Tourism o HEAT Program ni Gob. Baham Mitra.

Ilan sa mga programa ng DepEd-Palawan na sinusugan ni BM Bonoan sa pamamagitan ng pagpasa ng mga kaukulang resolusyon ay ang paghiling sa Professional Regulation Commission o PRC na gawing Testing Center ang Palawan na ngayon ay isinasagawa na sa lalawigan sa tulong ni Gob. Mitra, ang pagbubukas ng pampublikong paaralang pang-sekondarya sa kabayanan ng

Cuyo, paghiling sa Pangulo na huwag isama ang lalawigan sa moratorium sa pagtatayo ng mga bagong pampublikong paaralan sa sekondarya at kilalalanin ng DepEd Regional Office ang mga bagong 25 extension high schools sa buong lalawigan na agad namang tinugunan ng Regional Office ng DepED.

Hinikayat din ni BM Bonoan ang mga lokal na pamahalaan na suportahan ang Mother Tongue Based-Multilingual Education na inilunsad ngayong pasukan (SY 2012). Suportado rin nito ang “Open High School Program” o OHSP na naglalayong mahikayat ang mga out-of-school youths na nagtapos sa elementarya na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa high school, gayundin ang pagtatalaga ng mga teacher aide sa mga pampublikong paaralan.

Patuloy din na isinusulong ni BM Bonoan ang kanyang programang “Libro para sa Batang Bibo” Program para sa mga kabataang Palaweño sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga aklat at kagamitan sa eskwela sa mga paaralan sa Southern Palawan.

Naniniwala si Board Member Bonoan na ang pagpapataas ng antas ng edukasyon ng mga kabataang Palaweño ay magbubunsod ng higit na kaunlaran para sa mga mamamayan.

kASAMA ni BM Bonoan ang mga guro at mag-aaral ng Aribungos Elementary School ng Bayan ng Brooke’s Point na tumanggap ng mga aklat sa ilalim ng programang ‘libro para sa Batang Bibo’ ng Board Member.