8
VOLUME 1 ISSUE NO. 3 NOBYEMBRE 2011 OPISYAL NA LATHALAIN NG TANGGAPAN NI BOARD MEMBER ROLANDO E. BONOAN, JR. Oo nga. Dun din pangalan ko. yung pirma ko pineke pa..tsk tsk. Tags, sablay yung petition for recall. Pati pangalan ko isinama sa nai-file sa COMELEC, e wala nga akong alam dun! UPANG matiyak at mapaghandaan na hindi kukulangin ang suplay ng konsomo para sa mga NAPOCOR- operated power plants sa lalawigan bunsod ng lumalaking gastusin sa konsomo ng mga ito, inihain ni Board Member Bonoan sa regular na Suporta sa Gastusin ng Lumalaking Konsomo ng NAPOCOR-Operated Power Plants Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-8 ng Nobyembre, 2011 ang resolusyong humihiling kay Pangulong Aquino na maglaan at magpalabas ng pondo mula sa bahagi ng pamahalaan sa Malampaya Natural Gas Project upang idagdag sa pinansyal na pangangailangan ng NAPOCOR para matugunan ang nakaambang pagkulang ng suplay ng konsomo ng mga NAPOCOR- operated power plants sa lalawigan. Nagbunsod sa paghahain ng Board SUNDAN SA PAHINA 7 Si BM Bonoan habang pinangungunahan ang Public Hearing sa Bayan ng Taytay. (Sa larawan mula sa kaliwa: BM Erick Abueg, BM Derrick Pablico, BM Gil Acosta, BM Toto Pineda, BM Bonoan, at Ex-Officio BM Sharon Abiog-Onda)

Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

  • Upload
    lyquynh

  • View
    238

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

VOLUME 1 ISSUE NO. 3 NOBYEMBRE 2011OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO E. BONOaN, JR.

Oo nga. Dun din pangalan ko. yung pirma ko pineke pa..tsk tsk.

Tags, sablay yung petition for recall. Pati pangalan ko isinama sa nai-file sa COMELEC, e wala nga akong alam dun!

Upang matiyak at mapaghandaan na hindi kukulangin ang suplay ng konsomo para sa mga NAPOCOR-operated power plants sa lalawigan bunsod ng lumalaking gastusin sa konsomo ng mga ito, inihain ni Board Member Bonoan sa regular na

Suporta sa Gastusin ng Lumalaking Konsomo ng NAPOCOR-Operated Power Plants

Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy

sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-8 ng Nobyembre, 2011 ang resolusyong humihiling kay Pangulong Aquino na maglaan at magpalabas ng pondo mula sa bahagi ng pamahalaan sa Malampaya Natural Gas Project upang idagdag

sa pinansyal na pangangailangan ng NAPOCOR para matugunan ang nakaambang pagkulang ng suplay ng konsomo ng mga NAPOCOR-operated power plants sa lalawigan. Nagbunsod sa paghahain ng Board

sundan sa pahina 7

si BM Bonoan habang pinangungunahan ang public hearing sa Bayan ng Taytay. (sa larawan mula sa kaliwa: BM Erick abueg, BM derrick pablico, BM Gil acosta, BM Toto pineda, BM Bonoan, at Ex-Officio BM Sharon abiog-Onda)

Page 2: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

2 I BONOAN REPORT PEBRERO 2012

EDITORYAL

Isinulong ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ang isang panukalang ordinansa na inaasahang magpapalakas sa pagkakakilanlan ng palawan hindi lamang sa ating

bansa kundi sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Kamakailan ay inilunsad ng palawan Tourism Council sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng palawan ang tinaguriang palawan brand: palawan, Every Island an adventure.

ayon kay BM Bonoan, panahon na upang higit na maipakilala ang lalawigan hindi lamang sa mga probinsya kundi sa iba’t-ibang bansa at maisulong ang higit na pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa lalawigan. Malaki ang maitutulong ng isang tatak na ekslusibo sa palawan at magtataguyod ng bukod-tanging katangian ng palawan sa lahat ng mga panauhin, turista, biyahero at maging mga negosyante. Makakatulong ang “brand” o tatak na eksklusibo para sa lalawigan upang madaling maalala ang pangalan at imahe ng palawan bilang isang lugar na may magagandang dalampasigan, mapuputing buhangin, mayamang karagatan, makukulay na gasangan, luntiang kagubatan at mayamang likas-yaman.

Ito ang magiging daan upang higit na umunlad ang industriya ng turismo sa lalawigan. Marami sa ating mga kababayan ang mabibigyan ng hanapbuhay at tataas ang antas ng ekonomiya ng lalawigan na magbubukas sa iba pang oportunidad sa mga pangkaunlarang kabuhayan.

Iminumungkahi ni BM Bonoan sa kanyang ini-akdang ordinansa na i-adopt o gamitin ng lubusan ang nasabing tatak ng palawan sa lahat ng materyales na pang-komunikasyon, sa sasakyang pang-turismo, establisiyemento, billboard at iba pang uring pang-komunikasyon ng lahat ng mga namumuhunan sa industriya ng turismo sa buong lalawigan ng palawan. Kailangang magkaisa ang lahat sa tamang paggamit ng naturang “brand” ayon sa porma at estilo kung paano ito isinulat batay na rin sa pag-aaral ng palawan Tourism Council.

Kailangang maitaas na ang antas ng promosyon ng palawan bilang isang pangunahing destinasyong pang-turismo sa ating bansa. Magagawa ito kung ang lahat ng nasa sektor ng turismo, pamahalaan at iba ay nagkakaisa at nagkakasundo sa ilalim ng iisang palawan brand.

Matatag na panunungkulan para sa Matatag na Bayan

ang pundasyon ng isang matatag na bayan ay nakasalalay sa isang malakas na sambayanan na pinaglilingkuran ng isang maasahan, mapagkakatiwalaan at matatag na pamunuan na

ang batayan ng pamumuno ay ang mandato ng sambayanan. Ilan sa mga katangian ng isang matatag na panunungkulan ay

ang pamumuno na may sapat na kakayanan at determinasyon na maglingkod sa bayan, may direksyon at may pananaw kung ano ang dapat gawin upang umunlad ang bayan. Katuwang ng punong Ehecutibo sa maayos na pamamahala ng gobyerno ay ang Sangguniang panlalawigan (lehislatura) sa pag-aakda ng mga resolusyon at ordinansa na tutugon sa pangangailangan ng iba’t-ibang sektor sa lalawigan alinsunod sa ‘development agenda’ ng kasalukuyang lider ng lalawigan. Mabuting halimbawa ang mga resolusyon at ordinansa na ini-akda at ipinasa ni Board Member Boy Bonoan dahil ang mga ito ay nakasentro sa pangangailangan ng edukasyon, kalusugan, at kabuhayan. nitong nakaraan lang ay inihain ni BM Bonoan sa regular na sesyon ng Sangguniang panlalawigan ang resolusyon na humihiling kay gob. Baham Mitra na magtalaga ng humigit kumulang 200 ektarya ng lupain sa bawat munisipyo upang gawing ‘Rural Enterprise and Business park” na paglalagakan ng iba’t-ibang pasilidades katulad ng demonstration farm para sa makabagong teknolohiyang pang-agrikultura, pagawaan at pagpoproseso ng mga pang-agrikulturang produkto, parkeng pang agro-industrial, pang komersyo at ‘government center’ na tutulong sa pag-unlad ng mga lokal na pamahalaan.

ngunit sa kabila ng inisyatibo ng ehecutibo at lehislatura para sa kaunlaran ng palawan, may iilang personalidad na wala namang natanggap na mandato mula sa taong bayan ang may pagnanasa sa posisyong pampulitika at nais agawin ang kapangyarihan na tinanggap ng punong ehecutibo sa nakararaming palaweño, at ito’y ginagawa nila sa pamamagitan ng paghahain ng “recall petition” na may bahid ng kasinungalingan at panloloko sa taong bayan. ang naka-ambang recall petition ay hindi lamang para kay gob. Baham kundi isang direktang pagyurak sa institusyon ng gobyerno sibil ng palawan. ang nakalulungkot isipin, dahil sa isyu ng ‘recall’ nakikilala na ang palawan bilang ‘Recall Capital’ ng pilipinas. Kaliwa’t kanan ang paninira sa mga lider na nagtatrabaho naman ng mahusay at may kasipagan. Dito ay itinatanong ng bayan: ano ang mangyayari sa palawan kung pamumunuan ito ng mga politiko na walang mandato at hindi binigyan ng karapatan para mamuno at ginagamit ang kanilang kayamanan at impluwensya para iligaw ang kaisipan ng sambayanan? Isang malaking dagok sa ating lahat kung ang mga taong ito ay magtatagumpay sa kanilang maitim na hangarin.

patuloy nating pangalagaan ang karangalan at karapatan ng bawa’t palaweño sa pamamagitan ng mahigpit na pagtutol sa pansariling interes ng iilan laban sa interes ng mga mamamayan. at sa bagay na yan ang kailangan natin ay suporta ng bawa’t isa para sa matatag na panunungkulan ng ating mga lider upang mapanatili ang isang matatag na bayan. Katulad ng sinasabi ni Board Member Boy Bonoan, “Sa ating pagkakaisa…May pag-asa.”

______________________________sundan sa pahina 7

UPANG matulungan ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan na gumagamit ng pampublikong transportasyon na makapasok sa Kapitolyo sa takdang oras ng kanilang trabaho,inihain ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. sa regular na sesyon ng Sangguniang Panalawigan kamakailan ang resolusyong humihiling kay Gob. Baham Mitra na magtatag ng ‘Capitol Employees’ Bus/Shuttle Service.’

Sa kanyang pahayag, tinuran ni BM Bonoan na malaking benepisyo para sa pamahalaan at mga empleyado ang paglalaan ng isang transportasyon para sa mga empleyadong sumasakay ng pampublikong transportasyon dahil mababawasan nito ang karaniwang suliranin sa pagkaka-antala ng mga kawani sa pagpasok sa kani-kanilang mga opisina at magagamit nila ng maayos ang itinakdang oras ng pagtatrabaho.

Shuttle Service para samga Empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan

______________________________sundan sa pahina 7

MOA sa Pagitan ng Nat’lFood Authority at PGPINIhAIN ni Board Member Bonoan sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-8 ng Nobyembre, 2011 ang resolusyong nagbibigay kapangyarihan kay Gob. Mitra upang pumasok at lumagda sa isang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at National Food Authority o NFA para sa pagbili ng bigas mula sa naturang ahensya upang gamitin sa panahon ng biglaang pangangailangan.

Ayon kay BM Bonoan, kinakailangan na muling mapagtibay ang naturang kasunduan sa ilalim ng Credit Sales Memorandum of Agreement dahil sa kahalagahan ng paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan na maipagkaloob ang mga karaniwang pangangailangan lalo na ang pagkain sa panahon ng hindi inaasahang trahedya o kalamidad na maaring maranasan at makaapekto sa mga mamamayan.

Page 3: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

BONOAN REPORT I 3PEBRERO 2012

KaSaMa ang mga miyembro ng Committee on Environmental protection and natural Resources at Committee on Rules and Laws, pinangunahan ni Board Member Bonoan noong ika-3 at 4 ng nobyembre, 2011 ang pagsasagawa ng site inspection sa ilang tourism establishments sa bayan ng El nido. Kaalinsabay nito, isinagawa naman ang pampublikong pagdinig sa bayan ng Taytay kaugnay ng apat na ordinansa at isang resolusyon na inihain sa Sangguniang panlalawigan.

Kabilang sa mga tinalakay na mga panukalang ordinansa ay ang mga sumusunod: 1. Ang ordinansa sa paglalagay sa tamang lugar ng mga ginamit na ‘pesticide containers’ o sisidlan ng mga pistidyo; 2. Ang pagre-regulate sa paggamit ng mga plastic bags at sa halip ay ang paggamit ng mga ‘biodegradable’ na sisidlan; 3. ang ordinansa na humihiling ng 10-year moratorium sa pag-e-endorso ng mga bagong aplikasyon ng ‘live reef fish’ trading sa buong lalawigan, at 4. Ang panukalang ordinansa na nagtatalaga ng Dalawampu’t Limang (25) taong moratorium sa small scale mining activities at pagpigil sa pag-eendorso ng aplikasyon ng anumang bagong large scale mining operations sa buong lalawigan. Tinalakay din ang resolusyong nagtatakda ng patnubay o alituntunin para sa tamang distansiya sa pagitan ng poste ng transmission lines ng kuryente at sa punong itatanim sa mga pribadong lupain na malapit sa mga poste ng kuryente o sa mga lugar kung saan nakatayo ang mga poste ng transmission

site inspection at public hearing sa Bayan ng El nido at Taytay

lines. Suportado ang naturang panukala ng mga partisipante sa pagdinig.

Sa isyu ng pagsisinop ng mga sisidlan ng pistidyo, nagkaisa ang mga opisyal ng barangay, Municipal Agriculturist Office at asosasyon ng mga magsasaka na ipunin ang

mga sisidlan ng pistidyo at ipagbili sa mga “junk shop” at ang malilikom na pondo ay mapupunta sa samahan ng mga magsasaka. Sumang-ayon naman ang mga partisipante sa pagre-regulate sa paggamit ng plastic bags at itaguyod ang paggamit ng mga ‘biodegradable’ na mga sisidlan upang mabawasan na rin ang itinatapon na plastic bag.

Sa usapin ng ‘live fish’ trading, imi-

nungkahi ng mga lokal na opisyales na dumalo sa pagdinig na magkaroon ng pagtutugma sa mga polisiya at alitun-tunin na ipinaiiral ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas ukol dito. Samantala, positibo naman ang katu-gunan ng mga partisipante sa panukala ng Sangguniang Panlalawigan na nagtatalaga ng Dalawampu’t Limang (25) taong moratorium sa small scale mining activities at pagpigil sa pag-eendorso ng aplikasyon ng anumang bagong large scale mining operations sa buong lalawigan.

Pinasalamatan naman ni Board Member Bonoan ang naging partisipasyon ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at iba’t-ibang sektor sa aktibidad. Sa kanyang mensahe ay tinuran ng Board Member na pag-aaralan ng Sangguniang Panlalawigan ang lahat ng panukala at opinion kaugnay sa mga nabanggit na resolusyon at ordinansa bago ipasa ang mga ito upang matiyak na lalong makatulong sa mga mamamayan ang implementasyon ng mga naturang ordinansa at resolusyon.

pagpupulong nina BM Bonoan kasama sina El nido Mayor Edna Lim, Ms. Bing peña, sp secretariat, BM Toto pineda at BM Winston arzaga bago isagawa ang site inspection ng mga tourism establishment sa bayan ng El nido.

MGA KOMITE NI BOaRd MEMBER ROLandO BOnOan

ChaiRManshipn Trade & Industyn Cultural Heritage and Tourism

Developmentn Reorganization, Civil Service &

Human Resourcen Public Affairs & Information

ViCE-ChaiRManshipn Appropriation n Environmental Protection and

Natural Resourcesn Health and Social Services

MEMBERshipn Public Works, Transportation and

Communicationn Education and Welfaren Energyn Agriculture and Aquatic

Resourcesn Ethics and Blue Ribbonn Ways and Meansn Oversightn Appointmentn Whole

Page 4: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

4 I BONOAN REPORT PEBRERO 2012

UPANG mabilis na matugunan ang lumalalang kondisyon ng Tugbuan 1 & 2 farm-to-market road ng Barangay Caguisan sa bayan ng Narra, inihain ni BM Bonoan ang isang resolusyon sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-6 ng Disyembre, 2011 na humihiling sa Pamahalaang Panlalawigan na isama ito sa mga kalsadang kailangang sumailalim sa rehabilitasyon.

Ito ay bilang tugon sa panawagan ng mga opisyal at residente ng barangay Cagusisan na isaayos ang

Rehabilitasyon ng Tugbuan 1 & 2 Farm-to-Market Road sa Barangay Caguisan, Narra

nabanggit na farm to market road dahil sa lumalalang kondisyon nito lalo na tuwing panahon ng tag-ulan. Ang naturang farm-to-market road ay nagsisilbing daanan ng mga residente at magsasaka sa pagdadala ng mga pangunahing produkto sa mga pamilihan at sa iba pang mga pang-ekonomiyang transaksyon ng mga residente gayundin ng mga estudyante sa kanilang pagpasok sa eskwelahan.

Ayon kay BM Bonoan nararapat na bigyang prayoridad ang rehabilitasyon ng nasabing kalsada dahil sa

kahalagahan nito sa ekonomiya ng barangay, sa paghahanap-buhay ng mga residente at upang maibsan na ang hirap na dinaranas ng mga apektadong residente dala ng maputik at masamang kondisyon ng naturang kalsada.

Sa kanyang resolusyon ay hiniling ni BM Bonoan na ilagay ang naturang farm-to-market road sa mga pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagmamantine ng mga kalsada sa lalawigan.

si BM Bonoan kasama ang mga mag-aaral at mga magulang ng alternative Learning system (aLs) sa bayan ng Quezon sa kanilang pagdalaw sa regular na sesyon ng sangguniang panlalawigan. sa larawan: (Vice Governor Fems Reyes, sK Federation president Jelena Mai Gicanal, BM Toto pineda, BM sharon abiog-Onda, BM Llacuna at BM Chikoy alvarez.)

Page 5: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

BONOAN REPORT I 5PEBRERO 2012

Ugaliing Makinigng

ipinaGKaLOOB ni BM Bonoan ang tulong pinansyal kay Kapitana Myrna Marquez at Bgy.

Treasurer Lourdes Valera para sa pagsasakatuparan

ng iba’t-ibang proyekto sa Bgy. abo-abo,

sofronio Española.

BARKADABAYANNG

LUNES, MIYERKULES at BIYERNES

11:30 am - 12:00 noon

Kasama sina

TAN-TAN AT

TEN-TEN

RADYO NATINQUEZON

NARRA 96.7FMBATARAZA 104.5FM BROOKEíS POINT

Nagbunsod ang paghahain ng naturang resolusyon na may titulong “A RESOLUTION REQUESTING GOVERNOR ABRAhAM KAhLIL B. MITRA FOR ThE RE-ENERGIZATION OF MANGSEE ISLAND IN ThE MUNICIPALITY OF BALABAC” matapos mahinto ang serbisyo ng kuryente makalipas ang apat na taong serbisyo nito sa mga residente ng barangay Mangsee sa ilalim ng pamamahala ng lokal na pamahalaan ng naturang barangay. Problemang mekanikal at elektrikal ang itinuturong dahilan sa pagkakahinto ng serbisyo ng kuryente dito.

Ani BM Bonoan, “apektado ang kabuhayan at mahahalagang gawain ng ating mga kababayan sa naturang Barangay dahil sa pagkawala ng suplay ng kuryente lalo’t isa itong ‘island barangay’ na may mahigit isang libo at limang-daang kabahayan

Elektripikasyon ng Barangay Mangsee, Balabac, suportado ni BM Bonoan

at kung saan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente ay pangingisda”.

Sa kanilang resolusyon hiniling ng mga may akda kay Gob. Baham Mitra na maglagay ng panibagong 100 KVA na generator set at maglaan ng kaukulang pondo para sa mga linya at poste ng kuryente na gagamitin upang muling maibalik ang serbisyo ng kuryente sa Barangay Mangsee.

Umaasa si BM Bonoan na matutugunan ang naturang proyekto at maisasama ito sa mga pangunahing programa ng Pamahalaang Panlalawigan. Aniya ang panukalang ito ay tumutugon din sa hEAT program ni Gob. Baham kung saan layon nito na mapalakas ang programang pang-enerhiya sa lalawigan.

Si BM Bonoan ay miyembro ng Committee on Energy ng Sangguniang Panlalawigan.

Upang matulungan ang mga residente ng Barangay Mangsee sa bayan ng Balabac, sinuportahan ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr., kasama sina BM Zabala at BM abueg ang paghahain ng resolusyon sa regular na sesyon ng Sangguniang panlalawigan noong ika-13 ng Disyembre, 2011 na naglalayong maibalik ang normal na operasyon ng kuryente sa naturang barangay.

Page 6: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

6 I BONOAN REPORT PEBRERO 2012

pERSonaL na dinaluhan ni Board Member Rolando E. Bonoan, Jr. ang paglulunsad ng ‘Kitchen Incubator’ ng bayan ng Brooke’s point noong ika-2 ng Disyembre, 2011.

Ang naturang proyekto ay kauna-unahan sa buong lalawigan at maaaring sa buong bansa na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Brooke’s Point at ng Department of Science and Technology (DOST) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) upang mabigyan ng ayuda ang mga maliliit na mamumuhunan gamit ang makabagong kagamitan at teknolohiya sa paggawa ng mga produktong may kalidad.

Sa kanyang mensahe pinuri ni BM Bonoan ang inisyatibong ito ng Lokal na Pamahalaan ng Brooke’s Point sa pangunguna ni Mayor Narciso Lencio katuwang ang mga naturang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal dahil ani BM Bonoan malaki ang tulong na magagawa ng naturang ‘incubator’ para sa mga small and medium entrepreneur ng Brooke’s Point na higit na magbubunsod sa pag-unlad ng local cottage industry at agrikultura sa pamamagitan ng makabagong kagamitan at teknolohiya sa produksyon ng iba’t-ibang lokal na produkto tulad ng kasuy, langka, kamote, mangga at iba pa na hindi na kailangan pang mag-

paglulunsad ng Kitchen incubator sa Brooke’s point

angkat sa ibang lugar.Dagdag pa ni BM Bonoan, ang naturang

proyekto ay tiyak na magbubukas din ng karagdagang trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan at pagpapalakas ng programang ‘One Town One Product’ ng Pamahalaan at pagtangkilik sa isinusulong na ‘Buy Palawan Product’ ng Department of Trade and Industry-Palawan at mga lokal na mangangalakal.

Naging matagumpay ang programa ng naturang aktibidad at umaasa si BM Bonoan sa patuloy na pagtutulungan ng mga Lokal na Pamahalaan at mga ahensya ng Pamahalaang Nasyunal upang higit pang patatagin at paunlarin ang Small and Medium Enterprises o SMEs sa buong lalawigan dahil aniya malaki ang maiaambag nito sa

pagpapataas ng antas at kalidad ng buhay ng mga Palaweño.

Ang naturang okasyon ay dinaluhan ng mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Brooke’s Point sa pangunguna ni Mayor Narciso Leoncio, Dr. Ma. Josefina P. Abilay, Regional Director, DOST-MIMAROPA Department of Science and Technology (DOST), Gng. Rosenda Fortunado, Provincial Director, Department of Trade and Industry-Palawan (DTI), G. Arnel M. Campued, Provincial Director, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), mga representante buhat sa Department of Agriculture, Palawan Chamber of Commerce, Western Philippine University, at Palawan State University at mga benepisaryo ng proyekto.

si BM Bonoan sa kanyang mensahe kaugnay ng paglulunsad ng ‘Kitchen incubator’ sa Brooke’s point. sa larawan: (sina dOsT Regional director Dr. Ma. Josefina P. Abilay at Brooke’s point Mayor narciso Leoncio)

Arampangan Ta!

TUwINg SABAdo l 8:00-9:00AM

KASAMA SINA

AThAN dABUIT, Rod BUNdAc, JAMES MISSIoN AT SoNNY RAMA

dZIP - RAdYo PALAwEÑo 864KhZ

Ugaliing Makinig!

Page 7: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

BONOAN REPORT I 7PEBRERO 2012

Shuttle Service... MuLa sa pahina 2

Samantala iminungkahi ni BM Bonoan na kailangang pag-aralan ang nasabing programa upang magawa ng maayos at epektibo ang pagbibigay serbisyo sa mga empleyado na gumagamit ng pampublikong trasportasyon sa pagpasok sa Kapitolyo. Maliban dito ay kailangan ding ikonsidera sa pagbabalangkas ng epektibong Capitol Employees’ Bus/Shuttle Service ang mga lugar at oras kung saan at kailan susunduin ang mga empleyado. Ikokonsidera din sa plano ang lokasyon ng Kapitolyo na nasa sentro ng lungsod at ang ibang departamento at tanggapan na matatagpuan sa Governor Salvador P. Socrates Government Center sa

Barangay Bancao-Bancao na mahigit isang kilometro ang layo buhat sa Kapitolyo.

Sa kanyang pagpapaliwanag, tinuran ni BM Bonoan na makakatulong din ang naturang plano sa pangangalaga sa kapaligiran dahil mababawasan ang polusyon sanhi ng usok na ibinubuga ng mga sasakyan at sa pagpapaluwag ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng lungsod na sa kasalukuyan ay nakakaranas na ng mabigat na trapiko lalo na tuwing ‘rush hour’.

Ang paglalaan ng Capitol Bus/Shuttle Service ay naaayon sa Memorandum Circular ng Civil Service Commission na ipinalabas

nito noong 1994 kung saan ay itinuran nito na ang pagkakaloob ng transportasyon ng isang ahensya ng Pamahalaan sa mga empleyado nito ay mahalagang bahagi sa pagpapatatag ng relasyon ng empleyado at management at pagkakamit ng mga adhikaing pangkaunlaran ng isang lokal na pamahalaan.

Ang naturang resolusyon ay inaprobahan na ng Sangguniang Panlalawigan at umaasa si BM Bonoan na magiging positibo rin ang magiging aksyon ng ehecutibo sa kanyang panukala para sa higit na ikabubuti at ikagaganda ng serbisyo ng mga naglilingkod sa Pamahalaang Panlalawigan.

MOA sa Pagitan ng Nat’l Food... MuLa sa pahina 2

Dagdag pa ni BM Bonoan, higit na kailangan ngayon ang mas maagap na paghahanda dahil sa pabago-bagong klima sanhi ng epekto ng ‘global warming’ o ‘climate change’.

Ayon sa isinasaad ng Republic Act No. 10121, kilala sa tawag na “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010”,

tatlumpung porsyento (30%) ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) ay dapat ilaan bilang Quick Response Fund (QRF) o stand-by fund para sa pagbibigay ng tulong at mga programa sa mga lugar na apektado ng kalamidad upang maibalik sa normal ang kabuhayan ng mga mamamayan

na nakaranas ng sakuna o kalamidad.Naniniwala si BM Bonoan na

sa pagpapatupad ng kasunduan ay matitiyak na matutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa oras ng mga di inaasahang sakuna o kalamidad. Ang naturang resolusyon ay agad na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan.

NAPOCOR... MuLa sa pahina 1

Member sa naturang resolusyon ang ulat ng mga opisyal ng NAPOCOR-Palawan sa Question and hour ng Sangguniang Panlalawigan noong October 25, 2011 kaugnay sa mga petsa ng pagka ubos ng suplay ng konsomo ng mga main land at island grids: Kabilang sa mga munisipyong nakatakdang kukulangin sa suplay ng konsomo ngayong 2012 ay ang mga sumusunod: San Vicente-February 25, Cagayancillo-March 23, at Bataraza-March 25. Kabilang naman sa iniulat ng NAPOCOR-Palawan na kukulangin ng suplay noong nakaraang taon ang mga sumusunod: Agutaya-December 26, 2011, Araceli-January 25, 2012, Busuanga-December 23, 2011, Culion-December 25, 2011, Cuyo-December

1, 2011, El Nido-December 12, 2011, Linapacan-December 28, 2011, Rizal-December 12, 2011, Roxas-December 30, 2011, Taytay-October 30, 2011, PPC DPP (Diesel-fired Power Plant). Sa kanyang resolusyon ay nais ni BM Bonoan na matiyak na sapat ang suplay ng konsomo ng mga power plants lalo na noong parating na kapaskuhan dahil sa inaasahang pagtaas at pagdami ng mga pang-komersyo at iba’t-ibang aktibidad. Ayon pa sa Board Member, layunin ng kanyang panukala na mapaghandaan hindi lamang ang mga itinakdang panahon ng NAPOCOR na kukulangin ang suplay ng konsomo ng mga naturang power plants ngunit ang hinaharap na pangangailangan ng mga ito. Dagdag dito, hinihiling

ni BM Bonoan na magsagawa ang NPC-SPUG ng naaayon na programa para sa mas epektibong pagko-konserba ng enerhiya ng mga NAPOCOR-Operated Power Plants sa lalawigan. Umaasa si BM Bonoan na positibong tutugunan ng Pangulo ang naturang resolusyon upang hindi maapektuhan ang mga pang-komersyo at mahahalagang aktibidad ng mga apektadong munisipyo. Kaugnay nito, isang liham ng pasasalamat ang ipinadala ng pamunuan ng PALECO at Palawan NPC-SPUG Power Plants sa Sangguniang Panlalawigan sa inisyatibong ito ni BM Bonoan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mainland at island Diesel-fired Power Plants sa lalawigan.

Page 8: Hiniling ni BM Bonoan kay P-Noy Suporta sa Gastusin ng ...bonoanreport.weebly.com/uploads/8/9/1/1/8911130/february.pdf · OpISYaL Na LathaLaIN Ng taNggapaN NI BOaRd MEMBER ROLaNdO

8 I BONOAN REPORT PEBRERO 2012

INIhAIN ni BM Bonoan sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong ika-13, ng Disyembre, 2011 ang resolusyon na sumusuporta sa paglulunsad at pagsasakatuparan ng ‘Mother Tongue-Based Multilingual Education’ program ng Department of Education.

Ayon kay Board Member Bonoan, isang napakahalagang hakbang sa pag-unlad ng edukasyon sa lalawigan ng Palawan ang pagpapatupad ng naturang programa dahil aniya, sa kaparaanang ito ng pagtuturo ay mas magiging epektibo at mapapabilis ang proseso ng pag-aaral ng mga bata na nasa unang baitang gamit ang sarili at kinagisnang lenguahe bago sila turuan sa pamamagitan ng wikang Tagalog o Ingles.

Sa kanyang resolusyon ay hinihikayat ng Board Member ang lahat ng mga Lokal na Pamahalaan na magbigay ng sapat

Paglulunsad ng ‘Mother Tongue-Based Multilingual Education’ ng DepEd, Suportado ni BM Bonoan

na ayuda sa pamamagitan ng paggamit ng Special Education Fund (SEF) o anumang pondo na maaaring iambag ng mga LGUs para sa pagsasakatuparan at ikatatagumpay ng naturang programa. Alinsunod din ito sa kautusan ng DepEd na gamitin ang lokal na pondo ng mga paaralan para sa nasabing programa at atasan ang mga opisyal ng kagawaran na makipag-ugnayan at hilingin ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagsasakatuparan ng ‘Mother Tongue-Based Multilingual Education’.

Sa ipinalabas na DepEd Order No. 74, Series of 2009, ipinahayag ng DepEd na base sa inisyatibo ng lokal at internasyunal na pag-aaral, mas madaling matuto ang mga bata kung ang gagamiting kaparaanan sa pagtuturo sa simula ng kanilang pag-aaral ay ang sarili at kinagisnang salita o ang tinaguriang “mother tongue”.

Kaugnay nito, nagsimula nang ipatupad ang naturang programa sa noong Enero, taong kasalukuyan sa bayan ng Magsaysay gamit ang “Cuyuno” dialect. Magsasagawa rin ang DepEd-Palawan ng pangkalahatang pagsasanay sa mga pinuno ng mga paaralan at mga guro ng unang baitang sa darating na Abril at Mayo, 2012 bilang paghahanda sa panlalawigang paglulunsad ng ‘Mother Tongue-Based Multilingual Education’ sa darating na pasukan sa buwan ng hunyo, ng susunod na taon.

Umaasa si BM Bonoan na maipagpapatuloy ang kooperasyon at pagtutulungan ng Kagawaran ng Edukasyon at mga Lokal na Pamahalaan sa paglulunsad ng programang ito.

Si BM Bonoan ay miyembro ng Committee on Education and Welfare ng Sangguniang Panlalawigan.

MENSAHE Maligayang pagdating sa lalawigan ng Palawan! Nais ko pong batiin ang Lokal na Pamahalaan ng Brooke’s Point, ang Kagawaran ng Edukasyon, mga opisyal ng MIMROPARAA MEET 2012, mga delegasyon buhat sa lalawigan ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan! Makasaysayan ang pagdaraos ng MIMAROPARAA MEET ngayong taon dahil gaganapin ito sa kauna-unahang pagkakataon sa bayan ng Brooke’s Point na isa sa mga maunlad na munisipyo ng aming lalawigan. Mahalaga ang palarong ito para sa ating mga kabataang manlalaro hindi lamang sa larangan ng pagpapamalas at paglinang ng kanilang angking galing at talino sa iba’t ibang laro kundi maging sa aspeto ng pagpapatibay ng kanilang pundasyon bilang makabayang Pilipino. Kaparaanan din ito sa pagpapalakas ng ugnayan natin bilang magkakaratig na lalawigan. Sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon, patuloy nating itaguyod at pagtibayin ang ating magandang ugnayan bilang magkakapatid sa iisang rehiyon sa pamamagitan ng Isports o Palakasan. Hangarin ko ang tagumpay ng ating pang-rehiyong palaro at ang patuloy na pag-unlad at paglago ng lahat ng lalawigan na bahagi ng MIMAROPA. Mabuhay po tayong lahat! Mabuhay ang MIMAROPA!

MiMaROpaRaa MEET 2012BROOKE’S POINT, PAlAwAN l FEBRuARy 21-24, 2012

hOn. ROLandO E. BOnOan, JR.BOARD MEMBER, IKAlAwANG DISTRITO NG PAlAwAN