4
1 ulong Pangmatrikula para sa mga Mag-aaral sa Public Senior High Schoo a sa mga tagapangalaga at mag-aaral na naka-enrol sa public senior high school sa Aichi Prefec Kailangang i-proseso ng lahat Tulong Pangmatrikula sa Senior High School May iba pang Aichi Prefecture senior high school scholarship benefits para mapagaan ang bayarin sa edukasyon (para sa mga kwalipikado lamang) TULONG PANGMATRIKULA SA SENIOR HIGH SCHOOL ! Parehong hindi kailangang bayaran Aichi Prefecture

Tulong Pangmatrikula sa Senior High Schoolgastusin para sa edukasyon maliban sa tuition fee (tulad ng gastusin para sa mga aklat at field trip) ng mga pamilyang tumatanggap ng livelihood

  • Upload
    others

  • View
    14

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tulong Pangmatrikula sa Senior High Schoolgastusin para sa edukasyon maliban sa tuition fee (tulad ng gastusin para sa mga aklat at field trip) ng mga pamilyang tumatanggap ng livelihood

1

Tulong Pangmatrikula para sa mga Mag-aaral sa Public Senior High School

Para sa mga tagapangalaga at mag-aaral na naka-enrol sa public senior high school sa Aichi Prefecture

\ Kailangang i-proseso ng lahat /

Tulong Pangmatrikula sa Senior High School

May iba pang Aichi Prefecture senior high school scholarship benefits para mapagaan ang bayarin sa edukasyon (para sa mga kwalipikado lamang)

TULONG PANGMATRIKULA SA SENIOR HIGH SCHOOL!

Parehong hindi kailangang bayaran

Aichi Prefecture

Page 2: Tulong Pangmatrikula sa Senior High Schoolgastusin para sa edukasyon maliban sa tuition fee (tulad ng gastusin para sa mga aklat at field trip) ng mga pamilyang tumatanggap ng livelihood

2

Tulong Pangmatrikula sa Senior High School

◎Ano ang “Tulong Pangmatrikula sa Senior High School”?

80% ng mga pamilya ay kwalipikado sa programang ito. Kapag naaprubahan ang tulong pangmatrikula, ang tuition fee sa public senior high school (halimbawa: full-time JPY 9,900/buwan o JPY 118,800/taon) ay magiging libre na (hindi kailangang bayaran).

Klasipikasyon

Kabuuang halaga ng income levy sa prefectural residents' tax at municipal residents’ tax ng tagapangalaga

Mas mababa sa JPY 507,000 Katumbas o higit sa JPY 507,000

Pagbayad ng tuition fee

Kapag nag-apply at naaprubahan, hindi kailangang magbayad ng tuition fee.

Kailangang bayaran ang tuition fee.

* Kwalipikado man o hindi, ito ay kailangang i-proseso ng lahat. * Maaring matanggap ang tulong na ito sa loob ng hanggang 36 buwan (48 na buwan para sa

part-time at home-schooling). Kailangang itong i-proseso sa unang beses ng pag-enrol at sa Hulyo ng bawat taon.

* Ang impormasyon na ito ay huling inupdate noong Marso ng 2019. Maaaring magkaroon ng pagbabago sa programang ito.

Mag-aaral

Paaralan

Prefecture / Siyudad

Bansa

Pagpasa ng application

Pag-isyu ng scholarship

Paggamit sa tuition fee

Pag-apply ng aprubal

Pag-apply ng pag-isyu

Ang tantiyang taunang kita ay JPY 9.1M kung saan ang

pamilya ay binubuo ng ama, ina, mag-aaral sa high school

(16 pataas) at mag-aaral sa junior high school, at tanging

isa lamang sa mga tagapangalaga ang nagtatrabaho.

* Ito ay tantiya lamang at maaring magbago depende sa

dami ng dependents at mga exemptions. Siguraduhing

i-check ang kabuuang halaga ng income levy sa prefectural

residents' tax at municipal residents’ tax ng tagapangalaga sa

tax certification!

Page 3: Tulong Pangmatrikula sa Senior High Schoolgastusin para sa edukasyon maliban sa tuition fee (tulad ng gastusin para sa mga aklat at field trip) ng mga pamilyang tumatanggap ng livelihood

3

◎Halaga ng tuition fee na magiging libre sa pamamagitan ng “Tulong Pangmatrikula sa Senior High School”

Kurikulum Halaga sa Isang Taon (Taong Piskal 2019) Full-time JPY 118,800

Part-time (grading system) JPY 32,400

Home-schooling JPY 336 (bawat unit) Aichi Prefecture Senior High School Scholarship Benefits (para sa mga kwalipikado lamang) ◎Ano ang “Aichi Prefecture Senior High School Scholarship Benefits”?

Ang scholarship na ito ay ibinibigay (at hindi kailangang bayaran) upang suportahan ang mga gastusin para sa edukasyon maliban sa tuition fee (tulad ng gastusin para sa mga aklat at field trip) ng mga pamilyang tumatanggap ng livelihood subsidies (occupational assistance) o mga pamilyang may income levy tax exempton sa prefectural residents' tax at municipal residents’ tax.

Kwalipikado sa

Scholarship

Ang lahat ng sumusunod ay kondisyon para maging kwalipikado (as of July 1, 2019) Ang income levy ng lahat ng tagapangalaga ay exempted mula sa prefectural residents’ tax at municipal residents’ tax Ang mag-aaral ay naka-enrol sa senior high school mula Abril ng 2014 Ang tagapangalaga ay nakatira sa Aichi Prefecture Ang mag-aaral ay naka-enrol sa isang public senior high school na kabilang sa tumatanggap ng scholarship

Klasipikasyon ng Pamilya Klasipikasyon Benepisyo (halaga)

Full-time/Part-time Home-schooling

Tumatanggap ng livelihood subsidies (occupational assistance)

― JPY 32,300 JPY 32,300

Lahat ng tagapangalaga ay may tax exemption

Unang mag-aaral

JPY 82,700

JPY 36,500 Pangalawang

mag-aaral※ JPY 129,700

* Kapag may magkakapatid na dependent na 15 taong gulang (hindi kasali ang nasa junior high school.) pataas hanggang 22 taong

* Ang impormasyon na ito ay huling inupdate noong Marso ng 2019. Maaaring magkaroon ng pagbabago. Maaari ding i-offset ang gastusin sa edukasyon.

◎Application

Ang lahat ng nais tumanggap ng benepisyo ay kailangang mag-apply. Ang lahat ng kwalipikado ay bibigyan ng application form mula Hulyo ng bawat taon na idadaan sa paaralan.

Tagapangalaga

Pagpasa ng dokumento

Application

Paaralan

Prefecture

Pagbigay ng Scholarship

Page 4: Tulong Pangmatrikula sa Senior High Schoolgastusin para sa edukasyon maliban sa tuition fee (tulad ng gastusin para sa mga aklat at field trip) ng mga pamilyang tumatanggap ng livelihood

4

◎Tulong Pangmatrikula sa Senior High School

・Mga dokumentong isusumite sa opisina

1 Application form 2 Tax certification

Isa sa mga dokumentong ito: notice of tax special levy determination (nakakatanggap ng kabayaran para sa benepisyo), tax notice, o tax declaration certificate (kasama ang kopya ng dokumentong nagsasaad ng My Number (My Number Card, My Number notice)). Sa mga pipili ng tax declaration certificate, pakidala sa municipal residence tax administration section ng lugar na tinitirahan ang dokumentong nagpapatunay ng pagkatao tulad ng passport, personal stamp, pambayad ng service charge, at ang attachment sa page 5 (nakasulat sa salitang Hapon).

・Huling araw ng pagsusumite

Magkasamang isumite ang 1 at 2 sa opisina ng paaralan kung saan naka-enrol bago mag hh:mm ng MM DD, YYYY.

◎ Aichi Prefecture Senior High School Scholarship Benefits

・Mga dokumentong isusumite sa opisina

1 Application form 2 Tax certification

Isumite ang dokumentong katulad ng nakalista sa number 2 Tax certification ng “Tulong Pangmatrikula sa Senior High School” kapag ang isa sa mga tagapangalaga ay kwalipikado para sa exemption at kapag hindi nakapagsumite ng “dokumento tungkol sa income” noong nag-apply sa Tulong Pangmatrikula sa Senior High School.

3 Kopya ng health insurance Kailangan lamang ng mga mag-apply ng karagdagang pangalawang mag-aaral

・Huling araw ng pagsusumite

Isumite ang 1 (kasama ang 2 at 3 kung kailangan lamang) sa opisina ng paaralan kung saan naka-enrol bago mag hh:mm ng MM DD, YYYY.

◎Contact Information

Kapag may kailangang i-proseso sa mga dokumentong isusumite, maaring tumawag sa opisina ng paaralan kung saan naka-enrol (telephone number: ○○○-○○○-○○○○). Isumite ang iba pang mga dokumento kapag humingi ang opisina ng paaralan.

Edukasyon ang nagbibigay ng pag-asa sa ating kinabukasan

Edukasyon sa Aichi