Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)

  • View
    1.582

  • Download
    68

Embed Size (px)

Text of Pang abay na pamanahon at pang-abay na panlunan (anariza germo)

Slide 1

Good Afternoon !

1. Noong

2. Tuwing

3. Mamaya

4. Bukas

5. Kay

Pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan

PANG-ABAY NA PAMANAHON- nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa- napapangkat ang ganitong uri ng pang-abayYaong may panandaYaong walang pananda

1. Yaong may pananda Gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon.

Mga halimbawa:Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.

3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag-ayuno.5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.6. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang babalikan siya ng kanyang nobya.

2. Yaong walang pananda May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon, bukas, sandali at iba pa.

Mga halimbawa:1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng National Artist Award buhat sa Pangulo.

2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.3.Magsisimula maya-maya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay sa mahihirap.4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang.5. Panauhing pandangal mamaya si Dr. Ivy Yepes ang pangulo ng SLSU sa isang programang gaganapin sa SLSU-TO Court.

Pang-abay na panlunanIto ay tumutukoy sa pook na pinngyrihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay.

Mga halimbawa:

Maraming masasarap na ulam sa kantina.Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyoTumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari.Magkita tayo malapit kina Andrew and Alex.

Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel para sa gawain. Gumawa kayo ng pangungusap na pagkakakitaan ng pang-abay na pamanahon o di kaya pang-abay na panlunan na nakabatay sa ipapakita kong mga larawan.

Ngayon ay papangkatin ko kayo sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng diyalogo na pagkakakitaan ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunanan, bibigyan ko lamang kayo ng labinlimang minute para gawin iyan at pagkatapos ay ipresenta niyo sa harap ng klase.

Maraming salamat po sa pakikinig!

Inihanda ni:Anariza S.Germo BSEd 302