39
Sinaunang Kanlurang Asya

Modyul 8 sinaunang kanlurang asya

Embed Size (px)

Citation preview

Sinaunang Kanlurang Asya

Mga Imperyo sa Mesopotamia

• Imperyong Akkadian- Pinamunuan ni Haring Sargon- Napagtagumpayan niya na mapag-isa ang mga lungsod-estado ng Sumer sa kaniyang pamamahala noong dakong 2300 B.C.E.- Naging abala siya sa pagpapalawak ng lupain at sa pagpapapaga at pagkukumpuni ng dike at sistema ng patubig sa Mesopotamia.

- Pinabantayan din niya sa kaniyang mga mandirigma ang mga pangunahing rutang pangkalakalan ng imperyo.- Inakin nila ang cuneiform.- Dahil sa paghalili kay Sargon ng mahihinang pinuno ay humina at tuluyang bumagsak ang Imperyong Akkadian.

Imperyong Babylonian• Ang pagsakop ng Babylon sa Sumer at Akkad

ang nagbigay-daan sa pagkakatatag nito.• HAMMURABI – pinakatanyag na pinuno ng

mga Babylon.- Naging hari ng imperyo

mula dakong 1792 B.C.E. hanggang 1750 B.C.E.

Mga Nagawa ni Hammurabi sa Imperyong Babylonian

• Naging isang malakas na imperyo ang Babylonia

• Nagpaggawa ng malaking ziggurat para kay Marduk, ang pangunahing diyos ng Babylon.

• Nagpaggawa ng matitibay na pader na nagbigay-proteksiyon sa Babylon

• Muling isinaayos ang mga kalsada at rutang pangkalakalan kaya dumagsa ang mga mangangalakal mula pa sa India at China.

• Mahusay at kinatatakutan ang kanyang mga mandidirigmang mananakop.

• Pinatatag niya ang pamahalaan ng Imperyong Babylonian.

Ang Code of Hammurabi

• Nakabatay ang ilang batas sa prinsipyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin.”

• Kung ano ang ginawang kasalanan ng isa ay siya ring kaniyang daranasin bilang parusa.

• Ang panahon na pamamahal ni Hammurabi ay tinaguriang “Ginuntuang Panahon ng Babylon”.

• Sa kanyang pagkamatay, humina ang Babylon at muling nahati ang Mesopotamia sa iba’t-ibang maliliit na estado.

Imperyong Assyrian

• Naging makapangyarihan sa pagitan ng 900 B.C.E. at 700 B.C.E.

• Matatagpuan ito sa lambak-ilog ng Tigris sa Mesopotamia.

• Gumamit din ng cuneiform bilang siatema ng pagsulat.

• Kinatatakutan ang mga mandigmang Assyrian dahil sa kanilang marahas at malulupit na pakikidigma.

• Nagsagawa ng sistematikong paglalakbay gamit ang mga chariot, helmet, sibat, at espadang yari sa bakal.

• Sinunog nila ang bawat lugar na kanilang nasakop.

• Walang awa nilang pinaslang, pinugutan ng ulo, at sinunog ng buhay ang mga nadakip nilang kaaway.

• Ang mga natirang buhay ay ginawa nilang alipin.

• Ang iba ay ipinatapon sa malalayong lugar.

• Sa pagkakatatag ng Nineveh, ang kabisera ng Imperyong Assyrian, naging higit na makapangyarihan ang mga Assyrian sa Kanlurang Asya.

• ASHURBANIPAL – itinuturing bilang isa sa mga dakilang pinuno ng sinaunang kasaysayan.

• Ipinag-utos niya na gumawa ng silid kung saan ilalagak ang may halos 25,000 clay tablet.

• Nakasulat sa mga tablet na ito ang tungkol sa mga pinuno, mahahalagang pangyayari, at iba pang paglalarawan sa pamumuhay ng tao sa Mesopotamia.

• Noong 1852, natuklasan ng isang arkeologong Turkish ang mga labi ng silid at ang napreserbang clay talet.

• Kinilala si Ashurbanipal bilang taong nagpagawa ng unang aklatan sa daigdig.

• Ang wakas ng paghahari ni Ashurbanipal, pag-aalsa ng mga mamayang sinakop ng Assyrian at ang pagpataw ng mataas na buwis ang nagpaigting sa paghina ng Assyria.

Mga Tanyag na Pinuno na Imperyong Assyrian

• Adad-Nirari II- namahal mula dakong 911 hanggang 891 B.C.E. Sa kanyang pagkakaluklok bilang hari ay naging makapangyarihan at malakas ang Imperyong Assyrian.

• Sennacherib - namahala mula dakong 704 hanggang 681 B.C.E. Malupit na sinakop ang 89 na lungsod at 820 pamayanan. Ipinasunog din niya ang Babylon at iniutos na paslangin ang mga naninirahan dito. Itinatag niya ang Nineveh bilang punong lungsod ng Assyria.

• Tiglath Pileser III- namahala mula dakong 744 hanggang 727 B.C.E. Isinailalim ang Syria at Armenia sa Assyria. Pinag-isa ang Babylonia at Assyria. Nagtalaga rin siya ng mga pinunong Assyrian bilang tagapangasiwa ng mnga sakop na lupain.

• Ashurbanipal- namahala mula dakong 668 hanggang 627 B.C.E. May koleksiyon ng mahigit 25,000 clay tablet at nagpatayo ng isang sinaunang aklatan.

Imperyong Chaldean• NABOPOLASSAR – pinuno ng Chaldea• Tinagurian sa kasaysayan bilang

“Ikalawang Imperyong Babylonian” oImperyong Neo – Babylonian ng Mesopotamia.

• Pinakadakilang hari ng Chaldea ay si Nebuchadnezzar.

• Babylonian Captivity – pagsakop sa Jerusalem at itinaboy ang libu-libong Jew mula sa kanilang lupain patungong Babylon bilang mga alipin.

• Naging sentro ng kalakalan ang Babylon.• Pinrotektahan ang lungsod ng mga pader na may

taas na umaabot sa 300 talampakan at may kapal na 80 talampakan.

• Ang pinakamarangyang pader ay tinawag na Ishtar Gate.

• Napalamutian ng mga guhit na toro at dragon ang kulay asul na pader nito.

• Namahala si Nebuchadnezzar sa loob ng 43 taon.• Noong 539 B.C.E. sinakop ng mga Persian, sa

pangunguna ni Haring Cyrus the Great ang lungsod ng Babylon.

Iba Pang Kabihasnan sa Kanlurang Asya

• Hittite- Sila ang unang nakapagtatag ng mahusay na kabihasnan sa Asia Minor.- Ang Hattusas (o Hatusha) ang naging kabisera ng Kahariang Hittite.- Naging malakas na imperyo sa Kanlurang Asya sa loob ng halos 450 taon.- May pagkakataong nasakop nito ang Babylon at naging mahigpit na katunggali ng Egypt sa pagkontrol sa hilagang Syria.

• Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga Hittite at mga Egyptian upang wakasan ang kanilang hidwaan.

• Ang kasunduang ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa kasaysayan ng daigdig.

• Mahusay sila sa pakikidigma dahil sa paggamit ng chariot at ng mga sandatang yari sa bakal.

• Ang pagiging magaan at madaling paandarin ng chariot ang mga dahilan sa mabilis na pagkilos ng mga Hittite sa pakikidigma. Karaniwang kabayo ang humihila sa chariot.

• Ipinapalagay na ang mga Hittite ang kauna-unahang pangkat ng tao sa Kanlurang Asya na tumunaw ng bakal upang gawing sandata.

• Sinalakay ng mga dayuhang nagmula sa hilagang bahagi ng Asia Minor ang imperyo at sinunog an Hattusas.

• Ito ang nagpabagsak sa kabihasnang Hittite.

Lydian• Matatagpuan sa dulong kanluran ng Fertile

Cresent at silangan ng Mediterranean Sea.• Ang kabisera ng kaharian ay Sardis.• Isa sa pangunahing kabuhayan ay ang

pakikipagkalakalan.• Ang kauna-unahang pangkat ng tao na

gumamit ng barya sa daigdig.• Yari sa pinaghalong ginto at pilak ang mga

barya at may tatak ng sagisag ng hari ng Lydia.

• Naging tanyag si Croesus, ang itinuturing na pinakamayamang monarko ng kaniyang panahon.

• Nakasalalay ang kalakalan ng mga sinaunang pamayanan sa barter o pagpapalitan ng produkto o serbisyo sa isa’t-isa.

• Humina ito at tuluyang bumagsak nang sakupin ng mga Persian ang mga Lydian.

Phoenician

• Bahagi ito ng kasalukuyang Lebanon at Syria.• Nagmula sa salitang latin na phonice at Greek na

phoinikes na nangangahulugang “lupain ng mga lila”• Mga Lungsod Estado

- Binubuo ng mga lungsod-estado ang Phoenicia. Ilan dito ang Tyre, Byblos, at Sidon. Sa Kabila ng pagiging malayang mga lunsod-estado, mayroon lamang silang iisang wika ar relihiyon. Upang Maiwasan ang paglalabanan, lumagda sila ng kasunduang pangkapayapaan sa mga karatig-lugar.

• Kabuhayan- Itinuon nila ang pansin sa kalakalang pandagat.- Ang pinaka mahalagang produkto ay ang mamahaling tinang kulay-lila na galing sa murex, isang uri ng suso.- Ginamit ang tina sa tela ng paglaon ay naging pangunahing kasuotan ng mga monarko sa Europe.- Nakapagtatag ng mga kolonya sa babayin ng Sicily at Sardinia sa Italy; Spain; at hilagang Africa.- CARTHAGE – ang pinakamahalagang kolonya ng mga Phoenician.

• Ang Alpabeto- Isa sa mga dakilang ambag ng mga Phoenician ang alpabeto o mga simbolong nabuo mula sa mga tunog.- Binubuo ng 22 katinig- Dito hinango ng mga Greek ang ilang bahagi ng kanilang alpabeto.- Ang alaph at beth ng mga Phoenician ang katumbas ng alpha at beta ng mga Greek

Hebrew

• Nanirahan sa timog ng Phoenicia.• Tanyag sa kasaysayan hindi dahil sa aspektong

politikal o militar kung hindi dahil sa relihiyon.• Nagpasimula ng monoteismo sa kasaysyan ng

daigdig.• Itinatag nila nag Judaism, isang relihiyong

sumasamba sa iisang diyos na si Yahweh.- Pinag-ugatan ng dalawa sa maimpluwensiyang relihiyon sa kasalukayang panahon: ang Kristiyanismo at Islam.

Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Kasaysayan ng Hebrew

• Sa Mesopotamia- Ayon sa bibliya, iniutos ni Yahweh na lisanin ni Abraham at kaniyang pamilya ang kinagisnang lugar at magtungo sa lupain ng Canaan.- Pagkaraan ng ilang henerasyon, nagkaroon ng matinding tagtuyot at napilitang umalis ang mga Hebrew patungong Egypt.

• Sa Egypt- Ginawang alipin ng mga Egyptian ang mga Hebrew at dumanas sila ng matinding hirap.- Sa panahon ito nakilala si Moses, ang nanguna sa mga Hebrew patungo sa lupang pinangako ni Yahweh.- Ang paglisan ng mga Hebrew sa Egypt ay tinawag na exodus.

• Sa Sinai Desert- Ipinapalagay na nilakbay ng mga Hebrew ang disyerto ng sa loob ng 40 taon.- Sa bundok ng Sinai sinasabing inihayag ni Yahweh ang Sampung utos.

• Sa Canaan- Nanirahan ang mga Hebrew na nahahati sa 12 tribo.- Paglaon, nagkaisa ang mga ito at nagtatalaga ng mga hari na sina Saul, David, at Solomon.- Sa pagkamatay ni Solomon, nag-alsa ang mga Hebrew sa hilagang bahagi ng Canaan.- Nagtatag sila ng sariling kaharian na tinawag na Israel.- Samantala, Judah ang naging kaharian sa timog na bahagi.

• Noong 722 B.C.E., napasakama ng mga Assyrian ang Israel

• Sinakop ng mga Chaldean ang Judah noong 586 B.C.E.

• Nang mag-alsa ang mga Hebrew, winasak ng mga Chaldean ang Jerusalem at templo nito.

• Pagkaraan, binihag ang mga Hebrew at dinala sa Babylon.

Aramean

• Nanirahan sa gitnang Syria noong dakong 1200 B.C.E. • Itinatag ang kanilang kabiserang Damascus.• Hindi naging lubos na makapangyarihan ng mga

pinunong Armean.• Madaling nagapi ang kanilang pangkat.• Naging mahusay ng mangangalakal.• Tinangkilik ng ibang tao ang kanilang wika, ang Armaic• Ginamit ang wikang ito sa malaking bahagi ng

Kanlurang Asya hanggang sa dakong 800 C.E. • Ito din ang gamit ng ilan sa may-akda ng Bibliya.

Persian

• Nagmula sa isa sa maraming pangkat etnoligguwistikong naninirahan sa kapatagan ng gitnang Asya.

• Naglakbay ang mga Persian hanggang sa makarating sa silangang bahagi ng Mesopotamia kung saan matatagpuan ang Iran sa kasalukuyan.

• Naging makapangyarihan ang pamilyang Achaemenid.

• Nagtagumpay silang pag-isahin ang buong Persia.• Si Cyrus ang naluklok bilang hari noong 559 B.C.E.• Nagawa niya na palawakin ang

teritoryo ng Persia hanggang sa maitatag niya ang Imperyong Persian.

• Napasailalim ng kanyang kapangyarihan ang Mesopotamia at tuluyan sinakop ang Babylon.

• Ipinaubaya ng Cyrus ang pangangasiwa ng Babylonia sa ilang katutubo.

• Binigyan din niya ng kalayaan ang mga Hebrew, na tinatawag na Jew noong panahong iyon.

• Kinakitaan din siya ng pagmamalasakit sa kultura ng iba pang imperyo.

• Patunay rito ang impluwensiyang Assyrian, Babylonian, at Egyptian sa disenyo ng mga palasyo at iba pang gusali ng Persia.

• Ang mahusay na pamamahala at pag-angat ng Persia bilang isang makapangyarihang imperyo sa Asya ang nagbunsod sa paghirang sa kanya bilang Cyrus the Great.

• Sumunod na namahala ay ang anak ni Cyrus na si Cambyses.

• Naging hari siya sa loob ng walong taon.• Sa panahon niya napabilang ang Egypt

sa imperyo na lubhang nagpalawak sa teritoryo ng Persia.

• Pagkaraan ni Cambyses, nalulok bilang hari ng Persia si Darius the Great, isang maharlikang kabilang sa mga mandirigma ng hari.

Mga Tagumpay ni Darius the Great bilang Pinuno ng Imperyong Persian

• Napalawak ang teritoryo- Umabot ang lupaing sakop ng Imperyong Persian mula sa mga lambak-ilog ng India sa silangan nito hanggang sa Egypt at Asia Minor sa kanluran ng imperyo.

• Pilak at gintong barya- Gumamit siya nito upang magiging higit na mabilis at maayos ang paggpapalitan ng produkto sa buong imperyo.- Mayroon ding iisang sistema ng pagsukat at timbangan sa kalakalan.

• Sistemang Panglalawigan- Hinati niya ang Persia sa 20 satraphy (lalawigan) na pinamumunuan ng satrap (gobernador) upang mapadali ang pamamahala sa imperyo.- Ang satrap ang nangongolekta ng buwis, nangangalaga sa satraphy at nangangalap ng mandirigma.

• Royal Road- Nagpagawa siya ng mahusay na kalsadang lumalandas mula sa Lydia sa Asia Minor patungong Susa, ang pangunahing lungsod ng Persia.- Naglagay rin sa mga daanan ng mga himpilan at kabayong ginamit ng mga mensahero ng hari.

• Pagkaraan ng pamamahala ng Darius, humina ang Imperyong Persian.

• Ilan sa mga dahilan nito ang pagiging maluho ng mga sumunod na hari ng Persia, pagtaas ng buwis, at agawan sa trono ng imperyo.

• Tuluyan nang bumagsak ang Imperyong Persian nang magapi si Darius III ng hari ng Macedonia na si Alexander the Great.