Click here to load reader

Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

  • View
    441

  • Download
    8

Embed Size (px)

Text of Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

  1. 1. Ang mga hun at xiongnu Ang Hun at Xiongnu ay estadong pantribo. Namayani ito noong Panahong Neolitiko hanggang kalagitnaan ng ika-12 siglo. Ang Hun at Xiongnu ay mga nomadikong pastoral na pangkat at paminsan-minsan ay nagtatanim din ng butil. Nanirahan ang Xiongnu sa Hilagang bahagi ng China. Ang kanilang sistemang politikal ay nakabatay sa katapatan sa kanilang pinunong mandirigma. Halimbawa ng kanilang mga dakilang hari ay sina Maodun at Attila.
  2. 2. Kabihasnang TSINO
  3. 3. 1 Itinatag ang bagong dinastiya. Taglay ng mga pinuno ang mandate of heaven. 2 Naging mabuti ang pamamahla ng dinastiya. Matagumpay nitong napaunlad ang kabuhayan ng kaharian. Naging mapayapa ang pamumuhay ng tao. 3 Sa pagdaan ng panahon, tumaas ang populasyon at naging talamak ang korupsiyon. Dumanas ang kahrian ng mga kalamidad, tagsalat, paghihirap at kahuluhan. Naging hudyat na nawala na ang mandate of heaven sa pinuno. 4 Nagsagawa ng rebelyon ang mga mamamayan laban sa pinuno. Napatalsik ang dinastiya at naluklok sa kapangyarihan ang pinuno ng pamilyang nanguna sa rebelyon.
  4. 4. Pamamahala ni Wudi Si Wudi (Wu Ti) ang isa sa maiimpluwensiyang emperador ng dinastiyang Han. Sa kaniyang panahon lumawak ang nasasakupan ng imperyo. Idinagdag niya ang katimugang rehiyon sa ibaba ng Yangtze River na kasalukuyang hilagang Vietnam. Nakontrol din niya ang hilaga ng imperyo patungong Manchuria.
  5. 5. Pamamahala ni Wudi Pinatatag ni Wudi ang kaniyang pamamahala sa pamamagitan ng sistemang serbisyo sibil. Tumutukoy ito sa pangaraw0araw na pagsasagawa ng tungkuling pamamahalaan. Yaong mga nagnais na makapaglingkod o maging opisyal ng imperyo ay kailangang pumasa sa civil service examination. Kabilang sa pagsusulit ang kaalaman sa mga aral at katuruan ni Confucious, kasaysayan at mga batas ng imperyo. Sa sistemang serbisyo sibil, nakabatay ang pagpili ng magiging opisyal ng imperyo sa kaalaman at hindi sa pagmana ng posisyon mula sa pamilya.
  6. 6. Pamamahala ni Wudi Nakamit sa panahon ni Wudi ang matagalang kapayapaan at kaayusan sa buong imperyo. Sa kaniyang pagkamatay noong 87 B.C.E., nagpatuloy ng halos 150 taon ang kapayapaan sa imperyong Han. Ito ang panahong kilala bilang Pax Sinica o Kapayapaang Tsino. Sa ilalim ng dinastiyang Han nakamit ng mga Tsino ang isa sa Ginintuang Panahon ng China.
  7. 7. Kalakalan sa Silk Road Sa panahong Han naging aktibo ang pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa labas ng imperyo. Noong 106 B.C.E., naglalakbay ang kauna- unahang caracan o pangkat ng mga mangangalakal na Tsino na sakay ng mga kamelyo patungong kanluran. Dala-dala nito ang mga produktong seda na ipagbibili sa mga dayuhang mangangalakal.
  8. 8. Kalakalan sa Silk Road Paglaon, ang rutang nilakbay ng naturang mga mangangalakal na Tsino ay tinatawaf na Silk Road. Ang rutang ito ay tinatayang may habang 8000 kilometro mula China hanggang sa rehiyong Mediterranean sa kanluran ng Asya.
  9. 9. Ruta ng Silk Road
  10. 10. Pagbagsak ng Han Kalaunan, humina ang kapangyarihan ng Han. Ilan sa mga dahilan nitoy ang mahinang pamamahala at katiwalian ng mga sumunod na emperador, paglakas ng mga maharlika, at pananalakay ng mga nomadikong dayuhan mula sa hilagang China.
  11. 11. Pagbagsak ng Han Noong 189 C.E.,matagumpay na sinakop ng mga rebeldeng mandiriga ang Changan. Pagdating ng mga taong 220, tuluyan nang sumiklab ang mga digmaang sibil at bumagsak ang dinastiyang Han.
  12. 12. Dinastiyang Sui Ito ay isang dynatisya sa kabihasnang Tsino na naging makapangyarihan dahil sa pamumuno ni Yang Chien ang hilaga at timog ay napag-isa. Upang mapag-isa ang hilaga at timog ng Tsina, ipinag-utos ni yang chien ang pagpapagawa ng grand canal na nagdudugtong sa ilog Huang Ho at Yangtze. Bukod dito ipinatupad niya rin ang walang katapusang paggawa ng gusali at palasyong ikinagagalit ng kanyang mga nasasakupan.
  13. 13. Mapa ng Dinastiyang Sui
  14. 14. Great Canal sa China
  15. 15. Dinastiyang Tang Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang manggagawa sa proyekto ng Sui. Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang dinastiyang Tang. Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong. Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China. Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing. At napabilis angpaggawa ang mga kopya ng anumang sulatin.
  16. 16. Mapa ng Dinastiyang Tang
  17. 17. Woodblock Printing
  18. 18. Dinastiyang Song Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang Tang. Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song. Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin. Nag patuloy ang pagsalakay ang pagsalakay ng pangkat-etniko sa Hilangang Asya. Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng sining at panitikan. Naimbento ang gun powder. Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga babae. Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi.
  19. 19. Foot Binding
  20. 20. Mapa ng Dinastiyang Sung
  21. 21. Heneral Zhao Kuangyin
  22. 22. Dinastiyang Yuan Daidu ang naging kapital ang Yuan unang banyagang dinastiya ng China. Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan. Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya. Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol. Nagkaroon ng maraming manglalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo.
  23. 23. Dinastiyang Yuan (1278-1368 C.E.) Kublai Khan Marco Polo
  24. 24. Mapa ng Dinastiyang Yuan
  25. 25. Dinastiyang Ming Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai Khan. Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuan ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming. Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China. Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa kanilang bansa.
  26. 26. Mapa ng Dinastiyang Ming
  27. 27. Kabihasnang Korean
  28. 28. KOREA Matatagpuan sa Silangang Asya, sa Peninsula o Tangway na nakadikit sa Hilagang Silangan ng China. Ang Kasaysayan ng Korea ay nagsimula sa alamat ni Dangun o Tangun, anak ng diyos ng kalangitan na si Prinsipe Hwanung
  29. 29. Sinaunang Kasaysayan Tangun Wanggeom 3 Kaharian Kulturang Tsino Dinastiyang Goryeo Wang Geon Imperyong Mongol Yi Seong- gye Dinastiyang Joseon Joseon Sejong Pagtatangka ng mga Hapones at Manchu 2333 B.C.E. Ika-10 Siglo 935-1392 1392- Ika- 17 siglo
  30. 30. Dinastiyang Goryeo Umabot sa halos apat at kalahating siglo ang pamamahala ng dinastiyang Goryeo sa Korea. Tulad ng China, ipinatupad din ng mga pinuno rito ang sentralisadong pamahalaan at ang pagkuha ng civil service examination. Sa kabila nito, nanatili pa rin sa pamahalaan ang mga maharlika at namamana pa rin ng kanilang mga anak ang mga posisyon.
  31. 31. Dinastiyang Goryeo Sa pagitan ng taong 1231 at 1259, naglunsad ang mga Mongol ng sunod sunod na kampanya sa Korea at hiningan ang mga pinuno ng Goryeo ng mabigat na tributo tulad ng 20 000 kabayo, damit para sa milyong mandirigma at mga aliping Korean.
  32. 32. Dinastiyang Goryeo Sa pagbagsak ng Imperyong Mongol, lumaanap ang ibat ibang rebelyon kaban sa mga maharlika ng Korea. Noong 1392, sa pamumuno ng mandirigmang si Yu Seong-gye ay muling napagisa ang Korea sa ilalim ng bagong dinastiya, ang Joseon
  33. 33. Kaharian ng Joseon Isa sa mga hiwa-hiwalay na Estadong pamayanan sa Korea na lumitaw noong Panahon ng Bronse (3000 BCE- 300 BC) Ito ang pinakamalakas na Estado sa lahat ng hiwa-hiwalay na Kaharian. Itinatag ito ni DANGUN. Mula sa isang maliit na estado, ito ay naging isang kaharian.
  34. 34. Kaharian ng Joseon Sinalakay ng Han ang Korea noong 109 BCE at nasakop ang Gojoseon, Matapos mapasailalim ay naglagay ang China ng apat na Commandery sa Korea at pinamahalaan ito hanggang noong 108 BCE na nagtagal hanggang 313 AD.
  35. 35. Kaharian ng Joseon Nanatiling hawak ng han ang hilagang teritoryo ng korea hanggang noong 313 ce maliban sa timog na bahagi nito. Nanatiling malaya ang timog ng korea mula sa china at mula rito ay lumitaw ng paunti- unti ang tatlong kaharian na nagbigay daan sa pagpasok ng panahon ng tatlong kaharian.
  36. 36. Kabihasnang Hapones
  37. 37. Kabihasnang hapones Iniuugnay ang Japan sa pagkat Iniuugnay ang Japan sa pagsikat ng araw. Ito ay dahil angbansa ay nasa bahagi ng daigdig kung saan mistulang sumisikat ans araw. Ayon naman sa tradisyong Hapones, nagmula ang kanilang lahi kay Amaterasu, ang diyosa ng araw. Isang kapuluhan ang Japan. Nahahati ito sa apat na malalaking pulo- ang Hokkaido, Honshu, Shikoku, at Kyushu. Sa Honshu matatagpuan ang Tokyo, ang kasalukuyang kabisera ng bansa.
  38. 38. Kabihasnang hapones Dakong 30,000 B.C.E.- ipinapalagay na nanirahan ang mga sinaunang tao sa Japan na nakarating sa kapuluan sa pamamagitan ng tulay na lupa na nagdurugtong sa Japan at pangkontinenteng Asya. Tinagurian ang mga unang katutunong Hapones na Ainu. Karaniwan silang mapuputi, mabubuhok, at hindi katangkaran. Dakong 10,000 B.C.E- Umunlad abg kulturang Jomon na binuo ng mga katutubong mangangaso. Ang kanilang mga dinisenyuhang palayok ang ilan sa pinakamatandang nagawang palayok sa daigdig. May mga kasangkapan din sila sa bato at buto ng hayop. Dakong 300 B.C.E- Umusbong ang kulturang Yayoi. May kaalaman sa metalworking, paggawa at paggamit ng pottery wheel, at sistema ng patubig ang mga katutubong Hapones. Nagsimulang maging makapangyarihan ang mga angkang may kontrol sa kani- kanilang teritoryo.
  39. 39. Kabihasnang hapones Banga mula sa kulturang Jomon.
  40. 40. Sinaunang Ksaysayan Nakasandig sa alamt at tradisyon ang simula ng kasaysayan ng Japan. Ang mga salaysay sa Kojiki ( 712 C.E.) at Nihongi ( 720 C.E.), at ang tala ng mga Tsino (dakong 300 C.E.) ang mga unang batayan ng sinaunang kabihasnang Hapones. Mula sa timog ng Kyushu, nakarating ang mga katutubong Yayoi sa Honshu at nanirahan sa kapatagan ng Yamato. Na