16
2 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Pangatlong Markahan – Modyul 8: Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan: Tugon ng Pamahalaang Pilpinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon Zest for Progress Zeal of Partnership 1O Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

  • Upload
    others

  • View
    109

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

2

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Pangatlong Markahan – Modyul 8:

Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan: Tugon ng Pamahalaang Pilpinas sa mga Isyu ng

Karahasan at Diskriminasyon

Zest for Progress

Zeal of Partnership

1O

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

2

`

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Victor M. Cabeon Jr.

Janet C. Bacalso

Editor ng Wika: Sharleen D. Jaca

Tagasuri: Mormiya D. Ortega

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Edwin dela Torre

Tagalapat: Roldan A. Leparto

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde. EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS –LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD EPS – Araling Panlipunan

Page 3: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

3

Alamin

Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na ginagawa ng

pamahalaan upang matugunan ang mga isyu at hamon sa Kasarian at Lipunan

lalo na sa bansang Pilipinas.Sa bahaging ito masusukat ang iyong dating

kaalaman sa paksa. Handa ka na bang simulan ang araling ito?

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa

mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8)

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa mga

isyu ng karahasan at diskriminasyon.

Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan Pilipinas sa

mga isyu ng Karahasan at diskriminasyon.

Balikan

Bago ka magpatuloy sa mga inihandang gawain para sa iyo. Ating balikan ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa

sumusunod na gawain. Galingan mo! Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Gawain 1. GRAPHIC ORGANIZER

Panuto: Isulat sa loob ng mga bilog ang mga ilang karapatan na nakapaloob

prinsipyong Yogyakarta.

Prinsipyo

ng

Yogyakarta

Page 4: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

4

Tuklasin

Gawain 2. Basa-Suri

Sa Pilipinas, may batas na nagbigay proteksiyon sa mga kababaihan tulad ng

Anti-Violence against Women and Their Children Act at Magna Carta for Women.

Basahin ang susunod na teksto tungkol sa Karahasan sa Kababaihan at sagutan

ang pamprosesong tanong. Ilagay sa sagutang papel ang iyong sagot.

Aralin 3

Tugon ng Pamahalaang Pilpinas sa mga Isyu ng

Karahasan at Diskriminasyon

i-Violence Against Women and Their Children Act

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay

isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at

kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima

nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?

Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan

at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay

tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may

kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng

nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay

tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang

labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na

may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang

kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga

hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang

pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at

pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?

Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot

sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang

lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na

lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking

nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.

Page 5: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

5

Pamprosesong Tanong

1. Tungkol saan ang Anti-Violence Agains’t Women Act?

2. Sino-sino ang binibigyang proteksiyon ng batas na ito? Sa iyong palagay bakit

binalangkas ang ganitong uri ng batas?

3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal ang batas

na ito?

Magna Carta of Women

Bukod sa Anti-Violence Agains’t Women Act, ang Magna Carta for Women ay

isa ring batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan. Basahin ang teksto

upang malaman mo kung patungkol saan ang batas na ito.

Ano ang Magna Carta for Women?

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008

upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan

at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at

lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga

pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the

Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o

CEDAW.

Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at

ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa

pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga

karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

Page 6: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

6

*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di

panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo

ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang ditto ang mga

kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at

manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.

**Ang tinatawag naming Women in Especially Difficult Circumstances ay ang

mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng

biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng

prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang

pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) `ng

komprehensibong batas na ito. Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng

diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng

mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin

ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng

mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga

pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan.

Gagawa rin ng mga hakbang ang upang marepaso o maalis ang mga batas,

patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban

sa kababaihan.

Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga

stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng

kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang

hindi pantay ang mga babae at lalaki.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho

o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw

ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na pansin ang

kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae

sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially

Difficult Circumstances.

Page 7: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

7

Suriin

Gawain 3. Mga Tanong Ko, Sagutin Mo!

Ngayon tapos mo nang basahin ang teksto, subukin mo naman sagutin ang

mga tanong sa loob ng sun map batay sa naunawaan mula sa binasa.

Sa Iyong palagay ano ang pinakamahalagang nagagawa ng Magna Carta

para sa Kababaihan?

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

__________

MAGNA

CARTA

FOR

WOMEN

Ano ang batas na ito?

Ano ang

kabutihang

naidulot?

Sino ang saklaw?

Sino ang

tagapatupad

?

Page 8: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

8

Gawain 4. Tapat-Tapat

Natutuhan mo sa mga nakaraang paksa na may batas na nagpoprotekta sa

kababaihan at LGBT. Magsasaliksik tungkol sa mga batas para sa kalalakihan. Itala

sa talahanayan ang mga batas na kumpleto sa hanay. Pagkatapos, humanap ka ng

batas na nagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng kalalakihan.

Batas para sa

kababaihan

Batas para sa LGBT Batas para sa

Kalalakihan

Batay sa itinala mo sa talahanayan, gumawa ng buod tungkol sa mga batas

na nagbibigay ng karapatan sa kalalakihan, kababaihan at LGBT.

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

_________

Page 9: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

9

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang mga batas na para sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT?

2. Bakit walang partikular na batas para sa mga kalalakihan? Paano ito

nakakaapekto sa mga babae at LGBT?

3. May pantay bang karapatan ang lalaki, babae at LGBT?

4. Makakatutulong ba ang mga batas na ito upang matugunan ang mga isyung

may kinalaman sa karahasan at pang-aabuso sa babae, lalaki at LGBT?

Pangatwiran.

Pagyamanin

Sa bahaging ito, pagtibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa

paksa. Inaasahang sa bahaging ito ay mas lalo mong maiintindihan ang kahalagahan ng mga ibat-ibang batas para mapangalagaan ang lahat ng tao kahit

ano man ang kasarian nito sa lipunan na kanyang ginagalawan.

Gawain 5. Ano Kaya?

Matapos malaman ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng lalaki,

babae at LGBT sa daigdig at bansa, sa pagkakataong ito ikaw ay magsaliksik

tungkol sa mga batas/ordinansa, programa o samahan na nagtataguyod sa

karapatan ng lalaki, babae at LGBT sa iyong sariling pamayanan. Alamin ang

layunin at kabutihang dulot nito sa pamayanan. Ilagay ang iyong nasaliksik sa

isang buong papel. Pagkatapos ay sagutan ang kasunod na mga pamprosesong

tanong.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang mga batas/ordinansa, programa o samahan na nagtataguyod sa

karapatan ng lalaki, babae, at LGBT sa inyong pamayanan?

2. May kabutihan ba itong dulot? Bakit?

3. Natutugunan ba nito ang mga isyung kinakaharap ng lalaki, babae at LGBT

sa inyong pamayanan? Sa paanong paraan?

4. Sa inyong paaralan may mga programa ba o alintuntunin na nangangalaga

sa karapatan ng mga mag-aaral na babae, lalaki o kabilang sa LGBT?

Page 10: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

10

Isaisip

GAWAIN 6: You Complete Me

Sa puntong ito, kumpletuhin mo aang mga pahayag sa ibaba sa pamamagitan

ng pagdugtong nito ng iyong mga ideya patungkol sa konsepto sa aralin na ito. Isulat

ang iyon sagot sa sagutang papel.

1. Kailangan maipatupad ng pamahalaan ang mga batas na

nangangalaga sa kapakanan ng mga kababaihan dahil

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

_________________________________________________.

2. Ang karahasan at diskrminasyon ay nakakadulot ng kasamaan sa

bawat isa dahil

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

___________________________________________________.

3. Bilang isang mag-aaral makakatulong ako sa pagprotekta sa

karapatan ng bawat isa sa pamamagitan ng

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________.

Page 11: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

11

Tayahin

Gawain 7: Pagtataya

A. Suriin at pag –aralan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng

tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at

kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at

nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag nito

A. Anti-Violence Agains’t Women and their Children Act

B. Convention on Elliminations of all forms of Descriminations

C. Women in Especially Difficult Circumtances

D. CEDAW

2. Ang Anti-Violence Agains’t Women and their Children Act ay isang batas na

nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito

ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang

kababaihang tinutukoy sa batas na ito?

A. Lahat ng kababaihan na may edad 15 pataas

B. Mga kababaihan na walang asawa at mga anak

C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso

D. Lahat ng babae bata man o matanda, may asawa o wala.

3. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang

pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga

may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at

‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang

kabilang sa women in especially difficult circumstances?

A. Maralitang tagalunsod

B. Magsasaka at manggagawa sa bukid

C. Kababaihang Moro at katutubo

D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

4. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan

tulad ng mga biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga

biktima ng prostitusyon,” illegal recruitment “, human trafficking at mga

babaeng nakulong.

A. Women in Especially Difficult Circumtances

B. Comfort Women

C. Margenalized Women

D. Empowered Women

Page 12: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

12

5. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di pantay na kalagayan. Sila ang mga

wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang

pangangailangan at serbisyo.

A. Marginalized Women

B. Specialized Women

C. Special Women

D. Transgender

B. Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung ito ay

TAMA at M kung ito MALI.

_______ 6. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang

biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na

domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito.

_______ 7. Anti Violence Law ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban

sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksyon sa

mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga

lumalabag nito.

_______ 8. Hindi saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino.

_______ 9. Women in Especially Difficult Circumtances, ay mga babaeng nasa

mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng mga biktima

ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng

prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng

nakulong.

_______ 10. Specialized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di pantay na

kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan na matamo

ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.

Page 13: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

13

Karagdagang Gawain

Gawain 8. I-poster Mo

Sa bahaging ito ikaw ay gagawa ng mga malikhaing hakbang na magsusulong

ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Maari itong gawin sa

pamamagitan ng pagsulat ng tula o kanta, paggawa ng poster o di kaya gumawa ng

vlog. Ito ay tatayahin ayon sa rubrik sa ibaba.

Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Nalilinang Sisimulan pa Lamang ang

Paglinang

Nilalaman Ang hakbanging ginagawa ay

naglalaman ng sapat,tumpak at may kalidad na impormasyon na magsusulong ng

pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay- pantay ng tao sa lipunan

Ang hakbanging ginawa ay

naglalaman ng tumpak at may kalidad na impormasyon ns magsusulong ng

pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.

Ang hakbanging

ginawa ay naglalaman impormasyon na magsusulong

ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay ng tao sa lipunan.

Ang hakbanging ginagawa ay may kakulangan sa

impormasyon na magsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang

pagkakapantay ng tao sa lipunan.

Organisasyon Maayos detalyado at medaling maunawaan ang daloy ng mga

kaisipan at impormasyon inilahad

upang mahikayat ang mga Pilipino/mag-aaral na tumutugon

May wastong daloy ng kaisipan at medaling

maunawaan ang impormasyong

inilahad upang makahikayat ng mga Pilipino/mag-

aaral na tumugon.

May lohikal na organisasyon ngunit hindi

sapat upang makahikayat

ng mga Pilipino/mag-aaral na

tumugon

Hindi maayos ang organisayon at hindi maunawaan ang mga

impormsyong nailahad

Kapakinabangan

Madaling gawin at naaayon ang mga

hakbang at magsusulong ng pagtanggap at

panggalang sa iba’t ibang kasarian upang medaling maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.

Madaling gawin ang mga hakbang

at paggalang sa iba’t ibang kasarian.

Maaaring gawin ang mga

hakbang

Mahirap maunawaan at gawin ang mga hakbang

Pagkamalikhain pamamaraang ginagamit sa mga hakbang na ginagawa.

Malinaw ang mga disenyo at masining ang pamamaraang

ginagamit sa mga hakbang na ginagawa.

May kakulangan ang mga disenyong

ginaagamit sa mga hakbang na ginagawa.

Hindi angkop ang mga disenyong ginagamit sa hakbang na ginagawa.

Dating/Hikayat Ang dating sa manonood/ mambabasa at

Ang dating sa manonood,mambabasa ay makahikayat

Mahina ang ddating sa manonood/ mambabasa upang makahikayat

Waang dating sa mga manonood/mambabasa.

Page 14: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

14

Susi sa Pagwasto

Balikan

1-7

Ang Karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng

mga karapatang pantao.

Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay at

kalayaan sa diskriminasyon.

Ang karapatan sa buhay

Ang karapatan sa trabaho

Ang karapatan sa edukasyon

Ang karapatang lumahok sa buhay-

pampubliko

Tayahin

A 1. A

2. D

3. D 4. A

5. A B 6. T

7. M 8. M

9. T 10.M

Page 15: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

15

Sanggunian:

Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan.

Learner’s Module

Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan.

Teacher’s Guide

Page 16: ZNNHS - 1O...mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. (MELC 8) Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang: Nasusuri ang pagtugon ng pamahalaan at mamamayan

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belongs to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.