Author
phungnhu
View
452
Download
111
Embed Size (px)
1
MGA PRINSIPYO
NG KAPANGYARIHAN
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang porgramang inihanda
upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning
espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang
mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang
Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng
kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na
gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagtanaw, tungo sa paghihirang, pagpaparami, at
pagpapakilos upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Institute
14431 Tierra Dr.
Colorado Springs, CO 80921
Harvestime International Institute
NILALAMAN
2
Paano Gamitin Ang Manwal Na Ito . . . . . . . I
Mga Mungkahi Para Sa Sama-samang Pag-aaral . . . . . II
Pambungad Ng Kurso . . . . . . . . . 1
Mga Layunin . . . . . . . . . . 3
1. Ang Buhay Makatapos Ang Relihiyon . . . . . . 4
2. Ang Pinagmumulan Ng Kapangyarihan . . . . . . 17
3. Ang Huwad Na Humahamon. . . . . . . . 29
4. Walang Taong Nangusap Na Tulad Niya . . . . . 43
5. Ang Itinakdang Kapamahalaan . . . . . . . 51
6. Ang Mga Layunin Ng Kapangyarihan . . . . . . 60
7. Unang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Ebanghelyo . 75
8. Ika-lawang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Espiritu Santo 83
9. Ika-tatlong Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Pagibig . 94
10. Ika-apat Na Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Pagpapahid Ng Kapangyarihan. 105
11. Ika-limang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Kapangyarihan, Pananampalataya,
At Mga Gawa . . . . . . . . . 118
12. Ika-anim Na Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Pangalan Ni Jesus . . 126
13. Ika-pitong Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Pananalangin 144
14. Ika-walong Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Salita . 167
15. Ika-siyam Ng Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Kapamahalaan 177
16. Ika-sampung Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan
Ng Kaniyang Pagkabuhay Na Maguli . . . . . 189
17. Ika-labingisang Prinsipyo Ng Kapangyarihan: Ang Kapangyarihan Ng Pagdurusa 197
18. Paano Maranasan Ang Kapangyarihan Ng Diyos . . . . 215
19. Kawalan Ng Kapangyarihan . . . . . . . 222
20. Pagharap Sa Kalaban . . . . . . . . 231
Mga Sagot Sa Pansariling Pagsusulit . . . . . . . 239
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
3
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Basahin muna
ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pag-aralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin
sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pag-aralan ang kabanata.
Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag
natapos na ang Pangsariling Pagsusulit, ihambing ang inyong mga sagot sa Seksyon ng mga
Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pag-
aaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang inyong kakayahang mag-aral, at iangkop ang iyong
natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas ng Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng
credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng
kursong ito, kumpletohin ang pagsusulit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado.
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG
4
PAG-AARAL UNANG PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon,
ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng
pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at
mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata
at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng
kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at
kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong mag-aaral at bigyan sila ng
manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinag-aralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA
NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang
magtanong o mag-komentaryo ang mga mag-aaral sa kanilang mga napag-aralan na. Iangkop
ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga mag-aaral.
Pangsariling Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling Pagsusulit na natapos na ng mga mag-aaral.
(Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga mag-aaral ang mga sagot sa
Pangsariling Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin ng sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit,
kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan
ng pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
5
MODULE: Pagpaparami
KURSO: MGA PRINSIPYO NG KAPANGYARIHAN
PAMBUNGAD
Sinabi ni Jesus sa mga lider ng relihiyon sa panahon ng Bagong Tipan
Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan
man ng Dios. (Mateo 22:29)
Ang katotohanan ng ebanghelyo ay may dalawang bahagi. Una, ito ang Salita ng Diyos na
nahayag sa Banal na Biblia. Upang maalaman mo ang mga Kasulatan dapat mong pag-aralan,
maunawaan at gamitin ang mga ito.
Subalit ang katotohanan ng Ebanghelyo ay higit pa sa mga Kasulatan. Ito rin ang kapangyarihan
ng Diyos. Upang maalaman mo ang kapangyarihan ng Diyos dapat mong maunawaan at gamitin
ang mga prinsipyo ng kapangyarihan. Dapat maging isang katunayan ang kapangyarihan ng
Diyos sa iyong buhay sa pamamagitan ng karanasan.
Ang unang iglesia ay isinilang sa pamamagitan ng kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos,
hindi sa pamamagitan ng magagaling na mga tagapagsalita o pagtatalong teolohikal. Isinulat ni
Pablo:
At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang
panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan;
Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao,
kundi sa kapangyarihan ng Dios. (I Corinto 2:4-5)
Kinilala ni Pablo na
ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan. (I Corinto 4:20)
Iniwanan ni Jesus sa mga mananampalataya ang dakilang misyon ng pagabot sa buong
sanglibutan sa pamamagitan ng Ebanghelyo ng Kaharian. Ang gawaing ito ay di
maisasakatuparan sa pamamagitan ng salita lamang. Tulad ng sa unang iglesia, dapat mayroong
kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
Maraming mga tao ang nakakaalam ng Salita ng Diyos ngunit hindi pa nararanasan ang
kapangyarihan ng Diyos. Hindi nila tunay na nauunawaan ang kapangyarihan ng Ebanghelyo.
Maraming mga pastor ngayon ay mataas ang pinag-aralan. Nakapapangaral sila na may
mapanghikayat na pananalita ng karunungan ng tao, ngunit walang kapahayagan ng Espiritu
Santo at kapangyarihan.
6
Sa ibang mga iglesia ang mga himala ay pinalitan ng pangangatuwiran ng tao na humihiling ng
isang lohikal na paliwanag para sa bawat pangyayari. Ang kapangyarihan ay napalitan ng
pagtatalo sa teolohiya, alin sa dalawa ang mga himala ay para sa atin ngayon o ito ay para
lamang sa unang iglesia. Kung ang pangangatuwiran at pagtatalo ang papalit sa mga himala, ang
daloy ng buhay ng Diyos ay papalitan din ng relihiyong likha ng tao. Ang mga tao ay sinawaan
na sa relihiyon at ang mga kaugnay na rituwal nito. Nais nilang maranasan ang katunayan.
Kailangan nilang masaksihan ang mga nakikitang kapahayagan ng kapangyarihan ng Diyos.
Upang ang iyong pananampalataya ay masalig sa kapangyarihan ng Diyos sa halip na sa
karunungan ng tao, dapat mong maranasan ang pagdaloy ng kapangyarihan tulad ng naranasan
ng unang iglesia. Ang mga mananampalataya sa unang iglesia ay
nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at
pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip.
(Marcos 16:20)
Madalas nating pagusapan ang paggawa para