2
Paano namin naiimpluwensiyahan ang patakaran Katuwang namin ang mga partner sa komunidad sa pagbuo ng mga malikhaing tugon sa labanan, at sa paghihikayat sa mga opisyal na patakaran. Sa antas ng indibidwal na programa, nakikipagtulungan kami sa mga lokal at internasyonal na tao at grupong kumikilos sa: Colombia Silangan at Gitnang Aprika Fiji Jammu at Kashmir Pilipinas Timog Caucasus Kanlurang Aprika Sinusuportahan namin ang mga katuwang namin sa mga rehiyong may labanan upang mas mapalakas pa ang kanilang adbokasiya at kahusayan. Nagbibigay rin kami ng mga workshop sa pagpapahusay ng kanilang kakayahan. Naniniwala kaming dapat gabayan ng mga lokal na pananaw ang mga tugon sa labanan kaya’t lumilikha kami ng mga pagkakataon upang tuwirang makitungo ang aming mga partner sa mga gumagawa ng patakaran at marinig ang kanilang pahiwatig sa pamamagitan ng mga proyektong tulad ng People’s Peacemaking Perspectives: www.c-r.org/PPP Sa pandaigdigang antas, tinututukan namin ang pagpapahusay sa pagkakaunawa sa mga isyu ng labanan at karampatang tugon dito ng mga gumagawa ng patakaran sa UK, EU, UN at US. Pagpapalakas ng patakaran at pagsasagawa Sa buong mundo, higit sa 80 ang nagaganap na o napipintong armadong labanan. Matindi ang epekto ng labanan at ng panganib ng karahasan sa mga indibidwal, komunidad, at bansa. Isa sa pinakamalaking hamon ng panahon ang epektibo at makabubuting tugon sa kalagayang ito. Sa Conciliation Resources, may mga karanasang nababatay sa pagpapanukala para sa mga patakarang pandaigdigan. Humuhugot kami ng mga praktikal na karanasan ng peacebuilding sa mga bansang nasa gitna ng labanan at inilalathala ang mga aral na natutunan dito sa pangunahing publikasyon naming Accord. Layunin naming maging malikhain sa aming pamamaraan at ihain ang mga paksang tatalakayin kung paano at kung ano ang dapat gawin. Gusto naming mahikayat at baguhin ang pamamaraan ng mga gobyerno at ahensya nito sa pambansa at pandaigdigang antas sa pakikitungo sa mga bansang apektado ng mga labanan. Pagpapalakas ng lokal na pananaw sa peacebuilding Naniniwala kami na dapat na marinig at maisaalang-alang ang pananaw, pagkaunawa at kaalaman ng taumbayan sa komunidad sa pagbigay solusyon sa alitan. May mga hakbang na dapat gawin bago at pagkatapos ng prosesong pangkapayapaan. Kailangang itaguyod ng mga gobyerno at internasyonal na organisasyon ang prosesong pangkapayapaan na nilalahukan ng karamihan bilang sentro ng pangkalahatang istratehiya sa isang bansa o rehiyon sa gitna ng labanan. Gumagawa at ibinabahagi namin ang mga patakarang nakabatay sa ebidensya (policy brief), mga ulat, at mga rekomendasyon. Nagbibigay kami ng mga seminar at regular na kaalaman sa mga konsultasyon, at ng ad hoc na payo ukol sa mga partikular na labanan at isyu na kung saan ay dalubhasa kami. Malaking tulong ito sa mga opisyales na gumagawa ng patakaran. Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: cr@c-r.org Web: www.c-r.org Twitter: @CRbuildpeace 4 4 4 4 4 4 4 www.c-r.org/policy Image © Norton Cooper

Pagpapalakas ng patakaran at pagsasagawa - c-r.org · PDF filesuliranin at kung ano ang mga solusyon dito. Ngunit layunin ng karamihan sa negosasyong pangkapayapaan ang pag-sasaayos

  • Upload
    dobao

  • View
    268

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagpapalakas ng patakaran at pagsasagawa - c-r.org · PDF filesuliranin at kung ano ang mga solusyon dito. Ngunit layunin ng karamihan sa negosasyong pangkapayapaan ang pag-sasaayos

Paano namin naiimpluwensiyahan ang patakaranKatuwang namin ang mga partner sa komunidad sa pagbuo ng mga malikhaing tugon sa labanan, at sa paghihikayat sa mga opisyal na patakaran. Sa antas ng indibidwal na programa, nakikipagtulungan kami sa mga lokal at internasyonal na tao at grupong kumikilos sa:

Colombia Silangan at Gitnang Aprika Fiji Jammu at Kashmir Pilipinas Timog Caucasus Kanlurang Aprika

Sinusuportahan namin ang mga katuwang namin sa mga rehiyong may labanan upang mas mapalakas pa ang kanilang adbokasiya at kahusayan. Nagbibigay rin kami ng mga workshop sa pagpapahusay ng kanilang kakayahan.

Naniniwala kaming dapat gabayan ng mga lokal na pananaw ang mga tugon sa labanan kaya’t lumilikha kami ng mga pagkakataon upang tuwirang makitungo ang aming mga partner sa mga gumagawa ng patakaran at marinig ang kanilang pahiwatig sa pamamagitan ng mga proyektong tulad ng People’s Peacemaking Perspectives: www.c-r.org/PPP

Sa pandaigdigang antas, tinututukan namin ang pagpapahusay sa pagkakaunawa sa mga isyu ng labanan at karampatang tugon dito ng mga gumagawa ng patakaran sa UK, EU, UN at US.

Pagpapalakas ng patakaran at pagsasagawa

Sa buong mundo, higit sa 80 ang nagaganap na o napipintong armadong labanan. Matindi ang epekto ng labanan at ng panganib ng karahasan sa mga indibidwal, komunidad, at bansa. Isa sa pinakamalaking hamon ng panahon ang epektibo at makabubuting tugon sa kalagayang ito.

Sa Conciliation Resources, may mga karanasang nababatay sa pagpapanukala para sa mga patakarang pandaigdigan. Humuhugot kami ng mga praktikal na karanasan ng peacebuilding sa mga bansang nasa gitna ng labanan at inilalathala ang mga aral na natutunan dito sa pangunahing publikasyon naming Accord.

Layunin naming maging malikhain sa aming pamamaraan at ihain ang mga paksang tatalakayin kung paano at kung ano ang dapat gawin. Gusto naming mahikayat at baguhin ang pamamaraan ng mga gobyerno at ahensya nito sa pambansa at pandaigdigang antas sa pakikitungo sa mga bansang apektado ng mga labanan.

Pagpapalakas ng lokal na pananaw sa peacebuilding

Naniniwala kami na dapat na marinig at maisaalang-alang ang pananaw, pagkaunawa at kaalaman ng taumbayan sa komunidad sa pagbigay solusyon sa alitan. May mga hakbang na dapat gawin bago at pagkatapos ng prosesong pangkapayapaan. Kailangang itaguyod ng mga gobyerno at internasyonal na organisasyon ang prosesong pangkapayapaan na nilalahukan ng karamihan bilang sentro ng pangkalahatang istratehiya sa isang bansa o rehiyon sa gitna ng labanan.

Gumagawa at ibinabahagi namin ang mga patakarang nakabatay sa ebidensya (policy brief), mga ulat, at mga rekomendasyon. Nagbibigay kami ng mga seminar at regular na kaalaman sa mga konsultasyon, at ng ad hoc na payo ukol sa mga partikular na labanan at isyu na kung saan ay dalubhasa kami. Malaking tulong ito sa mga opisyales na gumagawa ng patakaran.

Logo using multiply onlayers

Logo drawn as seperate elementswith overlaps coloured seperately

Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: [email protected] Web: www.c-r.org Twitter: @CRbuildpeace

4

4

4

4

4

4

4

www.c-r.org/policy

Image © Norton Cooper

Page 2: Pagpapalakas ng patakaran at pagsasagawa - c-r.org · PDF filesuliranin at kung ano ang mga solusyon dito. Ngunit layunin ng karamihan sa negosasyong pangkapayapaan ang pag-sasaayos

UK: Mahalagang patuloy na isulong ng UK sa pandaigdigang larangan ang kahalagahan ng paghadlang sa labanan at pagpanday ng kapayapaan. Ginagamit namin ang aming karanasan sa pagkilos sa mga bansang may labanan upang itaguyod ang gobyerno ng UK tungo sa paghubog ng pinakaepektibong pamamaraan. Kasama sa mga ambag namin ang patuloy na pag-uusap sa isyu ng mga prosesong pangkapayapaan, mula pa sa publikasyon ng ulat naming Bridging the gap: Improving UK support for peace processes noong 2007, hanggang sa mga rekomendasyon namin sa goberyno ng UK na Building Stability Overseas Strategy (BSOS) noong 2011. Malinaw ang paninindigan dito na harapin ang marahas na labanan at kahinaan sa pamamagitan ng malinaw na balangkas at isang istratehiyang cross-governmental. Regular kaming nag-oorganisa ng mga seminar at pulong ng mga opisyales upang magbahagi ng aral at mapahusay ang patakaran at pagkilos.EU: Galing sa EU ang mahigit sa kalahati ng tulong para sa kaunlaran sa daigdig at para sa mga mahihirap na bansa, kaya’t isa itong mahalagang panlabas na bahagi. Kaya rin malaki ang potensyal na papel ng EU sa pagpigil sa labanan at pagpanday ng kapayapaan. Bilang aktibong miyembro ng European Peacebuilding Liaison Office (EPLO), at ng Steering Committee nito, sinisigurado naming suportado at prayoridad ng EU ang pagpigil sa labanan at pagpanday ng kapayapaan. Tuwiran din ang pakikitungo namin sa mga gumagawa ng patakaran sa EU sa mga pagpupulong at seminar, at sa gobyerno ng UK bilang EU Member State na aktibo sa mga isyung pangkapayapaan.UN: Nakikipagtulungan ang Conciliation Resources sa mga tauhan ng UN at estadong miyembro nito upang palakasin ang mga proseso ng paghadlang at pagbawas sa marahas na labanan. Nag-aambag kami sa mga talakayan sa UN tungkol sa pinakamabuting uri ng suporta sa mga prosesong pangkapayapaan, paghimok sa partisipasyon ng publiko, at pakikitungo sa mga armadong grupo. Regular kaming nagdadaos ng mga seminar para sa mga opisyales ng UN at mga estadong miyembro nito, katuwang ang ibang mga organisasyon sa peacebuilding, sa mga tema tulad ng epekto ng pambabatikos (proscription) sa mga prosesong pangkapayapaan. Nag-aambag kami ng mga palagay sa pagsulat ng mga susing dokumento pampatakaran, tulad ng 2012 UN Guidance for Effective Mediation at Ulat ng Secretary General sa pagpanday ng kapayaapaan kagyat na matapos ang labanan.

grupong naglalaban. Maaring hindi naman nila kinakatawan ang kapakanan ng mas malawak na lipunan. Nakikipagtulungan kami sa civil society upang siguruhing nasasalamin ang pananaw ng lahat ng bahagi ng lipunan sa pagpapanday ng kapayapaaan. Itinataguyod namin ang mga pagkilos ng kababaihan sa peacebuilding at pagpigil sa labanan, at ang kanilang makubuluhang partisipasyon sa mga opisyal na negosasyon.

Pagtutuon ng pansin sa mga kumikilos sa pandaigdigang larangan

Conciliation Resources Charity registered in England and Wales (1055436) Company limited by guarantee registered in England and Wales (03196482)

2

2

2

Mga tema ng patakaran

Pagpapanday ng kapayapaan sa mga hangganan ng mga bansaMalimit na nakatutok sa mga estado bilang pangunahing antas ng pagsusuri at pamamagitan (intervention) ang tugon ng mga internasyonal sa labanan– nagkakaproblema sila sa pakikitungo sa masalimuot na kalagayan sa mga hangganan ng mga bansa (cross-border dynamics), kahit hindi nirerespeto ng digmaan ang mga hangganang pampulitika o teritoryal. Sa pamamagitan ng gawain namin kasama ang mga katuwang sa iba’t ibang rehiyon, natukoy ng Conciliation Resources ang pangangailangan na suriin, unawain, at tugunan ang mga isyu sa rehiyon, sa halip ng sa tradisyonal na mga bansa, na siyang batayan ng maraming pamamagitan. Sinusuportahan namin ang civil society sa kanilang mga malikhaing pamamaraan sa pakikitungo sa mga labanan na tumatawid sa mga hangganan.

Pakikitungo sa mga armadong grupo Hindi malinaw ang patakaran sa pandaigdigang antas kung kailangan nga ba o kung kailan kaya dapat makipag-usap sa mga armadong grupo. Kadalasan, kailangang makitungo sa mga grupong ito upang matigil ang marahas na mga labanan. Sa Conciliation Resources, magagabayan namin ang mga gumagawa ng patakaran sa mga maaring ikilos, hamon at taktika ng pakikitungo sa mga armadong grupo sa iba’t ibang baitang o antas ng prosesong pangkapayapaan.

Pamamahala at pagpanday ng kapayapaan Kalimitan, mahinang uri ng pamamahala ang ugat ng labanan. Pinakamalaking hadlang din ito sa pagpapanday ng pangmatagalang kapayapaan. Kasabay nito, hadlang din sa pagpapahusay ng pamamahala ang mga pamana ng labanan – tulad ng mga lipunang may hidwaan at kung saan mataas ang antas ng paghihinala at hindi matatag na mga institusyon.

Kinakatulong ng Conciliation Resources ang taumbayan sa gitna ng labanan upang maisatinig nila ang kanilang mga pangangailangan. Nakikiisa kami sa kanila sa pakikiharap sa mga pulitiko at mga gumagawa ng patakaran sa pagpapasya sa mga isyu na may labis na epekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Mga prosesong pangkapayapaan at usapanMaitatayo ang pundasyon ng makatarungan at pangmatagalan na kapayapaan kung magkasundo ang mga naglalaban sa paglutas ng mga isyu na lumikha ng hidwaan at kung paano sila maaring mapayapang manirahan na magkasama sa hinaharap. Nakikipagtulungan kami sa iba’t ibang tao, sa mga grupong may alitan, at sa mga sumusuporta sa prosesong pangkapayapaan. Sa pakikipagtulungang ito, isinusulong namin ang pagkaunawa sa bago at naiibang uri ng pagkilos. Lumilikha rin kami ng mga pagkakataon upang magharap at mag-usap ang mismong mga taong kasangkot sa labanan tungkol sa mga isyu.

Partisipasyon ng taumbayanKadalasan, ang mga taong naninirahan sa gitna ng labanan ang may pinakamahusay na kaalaman ukol sa mga ugat ng suliranin at kung ano ang mga solusyon dito. Ngunit layunin ng karamihan sa negosasyong pangkapayapaan ang pag-sasaayos ng mga kasunduan sa pagitan lamang ng kinatawan ng mga

“Nakapagpalawak ng kaisipan [ang Conciliation Resources] sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, workshop, pagsasanay at pagsisiwalat ng impormasyon (briefings) sa mga indibidwal. Kilala at respetado ito sa UN at EU. Nakapagbigay rin ng mga pagkakataon para sa mga briefing ang mga pagbunsod ng Accord sa mga matataas na antas ng pamahalaan na madalas nagbunga sa pagpapaloob ng mga mensahe nito sa mga dokumentong pampatakaran at talumpati.”Komentaryo mula sa pinondohan ng DFID na Conflict and Humanitarian Fund Project Completion Report, 2011