21
Ang Nawala at Natagpuang Anak Inihahandog ng Bibliya Para sa mga Bata

Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang Nawala at Natagpuang Anak

Inihahandog ngBibliya Para sa mga Bata

Page 2: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Isinulat ni: Edward Hughes

Inilarawan ni: Lazarus

Ibinagay nila: Ruth Klassen at Sarah S.

Isinalin ni: Christine Cornejo

Inilimbag at ipinamamahagi ng Bible for Children

www.M1914.org

©2011 Bible for Children, Inc.Pahintulot: Ang materyal na ito ay maaaring makopya o malimbag,

ngunit hindi maaaring ipagbili.

Page 3: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Mahilig magkwento si Hesustungkol sa kapatawaran ng Diyos.

Ngunit ang mga lider ng templo ay hindi ayon sa pagsalo ni Hesus

sa mga makakasalanan.Kaya’t nagbigay Siya ng

tatlong kwento kung saan ipinapakita ang kasiyahan

ng Diyos kapag angmakasalanan ay

nagsisisi sa kanilangmga kasalanan.

Page 4: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang unang kwento ay tungkol sa isang pastol na may isang daang tupa. Ang

isa rito ay nawala. Kaagad iniwan ng

pastol ang natitirang siyamnapu’t siyam na tupa upang hanapin ang isang nawawala.

Page 5: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Hinanap ng hinanap hanggangsa natagpuan niya ang tupa.

Pagkatapos ay inilagayito sa kanyang mga

balikat at masayangdinala muli sa kanyang

tahanan. Sinabi niya sakanyang mga kaibigan,

“Makipagsaya kayo saakin dahil nakita ko na

ang tupa kong nawawala!”

Page 6: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang paliwanag ni Hesus: magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit kahit lamang sa isang makasalanang nagsisisi. Ang pagsisisi ay ang pagtalikod din sa kasalanan.

Page 7: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang sumunod na kwento ni Jesus ay tungkol sa

isang babae na may sampung pilak, na

marahil ay angkanyang iponbuong buhay.

May masamang nangyari. Nawala

ang isang pilak.

Page 8: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Walis! Walis! Walis! Naghanap ang babae sa buong bahay.

Page 9: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Sa wakas natagpuan niya ang nawalang pilak. Siya ay tunay na naging masaya. Maaari ninyo hulaan kung ano ang ginawa niya kasunod nito? Oo, sinabi niya sa lahat ng kanyang mga kaibigan na nahanap niya ang pilak.

Page 10: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Muli ay sinabi ni Hesus, “Gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”

Page 11: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang ikatlong kwento ni Hesus ang pinakamalungkot. Ito ay tungkol isang batang lalaki na umalis sa bahay ng kanyang ama.

Page 12: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang batang lalaki ay nagpunta sa isang malayong lupain at duon nilustay ang kanyang kayamanan. Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding tagsalat, kaya't siya ay nagsimulang magutom.

Page 13: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Dahil sa gutom, nagtrabaho ang batang lalaki sa isang babuyan. Ngunit siya ay hindi rin pinapakain ng kanyang amo, kaya’t halos kainin na niya ang pagkain ng mga baboy.

Page 14: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Malamang ay nagawa niya nga ito sa tindi ng gutom. Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, “Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom!”

Page 15: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

“Babalik ako sa aking amaat ako ay hihingi ng tawad

para sa aking mga kasalanan. Hindi ako karapat-dapat

na tawaging kanyanganak ngunit sana’yibilang man lamang

akong sa kanyangmga alila.”

Page 16: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Malayo pa lang ang batang lalaki ay natanaw na siya ng kanyang ama. Ang ama ay masayang sinalubong ang

nagbalik na anak. Hinalikan at niyakap niya

ito.

Page 17: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

“Ama, nagkasala po ako. Hindi po ako karapat-

dapat na tawagin ninyong anak.” Ngunit

tinawag ng ama ang kanyang mga alila,

“Kunin ninyo ang pinakamagandang

damit, sandalyas at singsing para sa aking

anak. At maghanda kayo ng isa malaking

pagdiriwang!”

Page 18: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Nagkaroon ng isang malaking pagdiriwangsapagkat ang anak na nawala ay muling

natagpuan. Nabanggit niHesus ang kwentong

ito dahil ito aynagpapakita kung

paano tanggapin ngDiyos ang mgamakasalanang

nagsisisi atnanunumbalik

sa Kanya.

Page 19: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang Nawala at Natagpuang Anak

isang kuwentong nanggagaling sa Salita ng Diyos, ang Bibliya,

makikita sa

Lucas 15

“Ang bukas ng iyong mga Salita ay nagbibigay ng liwanag.” Mga Awit 119:130

Page 20: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Ang Wakas

Page 21: Ang Nawala at Natagpuang Anak - Bible for Children · Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, ... paano tanggapin ng. Diyos ang mga. makasalanang. nagsisisi at. nanunumbalik

Sinasabi sa kuwentong ito mula sa Bibliya ang tungkol sa ating kahanga-hangang Diyos na Siyang lumikha sa atin at nais Niya na

makilala natin Siya.

Alam ng Diyos na tayo'y nakagawa ng masasamang bagay na tinatawag Niyang kasalanan. Ang parusa sa kasalanan ay kamatayan ngunit lubos

ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya't ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesus na Siyang napako at namatay sa Krus upang pagbayaran

ang ating mga kasalanan.

Subalit hindi nanatiling patay si Hesus. Nabuhay Siyang muli atbumalik sa langit! Kung mananampalataya ka kay Hesus at hihingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan, papatawarin ka Niya. Siya ay

darating at mananahan sa iyong buhay magpakailanman.

Kung ibig mong maligtas at mapatawad sa iyong kasalanan, narito ang isang panalangin na maaari mong tularan:

“Mahal kong Diyos, naniniwala po ako na si Hesus ay namatay para sa akin, ngunit Siya ay nabuhay muli. Tinatanggap ko po kayo sa aking buhay at

patawarin Ninyo po ako sa aking mga kasalanan upang ako'y magkaroon ngayon ng bagong buhay, at sa isang araw ay makasama Kayo magpakailanman.

Tulungan po Ninyo akong mamuhay bilang Inyong anak. Amen.”

Basahin ang Bibliya at manalangin sa Diyos araw-araw! Juan 3:16