4
Mula sa pangkat ng mga Pagdiriwang sa Karangalan ng Mahal na BIrhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo. Taon 34 Blg. 26 Misa de Gallo — Puti Disyembre 16, 2020 T iyak, Bago pa man tu- muntong ang buwan ng Disyembre, nailagay n’yo na ang mga dekorasyong pamasko sa loob ng inyong mga tahanan. Naitayo n’yo na ang Christmas tree na sinabitan ng mga ilaw na kumukutitap. Marahil nakahanda na rin ang mga regalong ipamimigay sa mga mahal sa buhay. Halos puro mga tugtuging pamasko na ang maririnig sa radyo at telebisyon. Talagang paskong-pasko na ang datíng ng kapaligiran. Kung nagawa na natin itong lahat, mas mainam sigurong huminto muna tayo saglit at pakinggan ang mensahe ng Salita ng Diyos. Kumusta ang ating buhay espirituwal? Sumagi rin ba sa ating isip na ito’y paghandaang higit kaysa mga panlabas na preparasyon ngayong Pasko? Sa Ebanghelyo, sinabi ng ating Panginoong Hesus: “Ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap—iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.” Nais ipabatid ng Panginoong Hesukristo na ang kaniyang pagdating sa mundo ay ang mismong pagbisita ng awa at habag ng Diyos sa atin. Lahat ng sinabi at ginawa niya dito sa lupa tulad ng pangangaral, pagpapagaling sa mga maysakit, pagpapalayas sa masasamang espiritu, at pagpapatawad sa mga taong nagkasala, ay bahagi ng misyon ng kaligtasan ayon sa plano ng Diyos Ama. Samakatwid, lahat ng ginawa ng ating Panginoong Hesus dito sa mundo ay hindi lamang naaayon sa kalooban kundi pagkilos din ng Diyos Ama. Lahat ng sinabi at ginawa ng Panginoong Hesus ay pawang pagbubunyag kung anong klaseng Diyos mayroon tayo. Ipinakilala ng Panginoong Hesus ang Diyos Ama bilang awa, habag, at pagmamahal. Sinisimulan natin ngayon ang unang araw ng Misa de Gallo o Simbang Gabi. Ipagdiriwang natin ito siyam na araw bago sumapit ang Pasko. Maaaring nadarama natin ang diwa ng Pasko kung mayroon tayong masarap na handa, may natatanggap o naibibigay na regalo, at puno ng palamuti ang kapaligiran at tahanan. Ngunit itinuturo sa atin ng mga pagbasa ngayon na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagsunod at paggawa sa kalooban ng Diyos. Sa Unang Pagbasa, ipinahayag ni Propeta Isaias ang mensahe ng Panginoon sa kaniyang bayan: “Ayon sa katarungan at laging matuwid ang inyong gagawin. Ang pagliligtas ko’y di na maluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin.” Katangian ng Diyos ang paggawa ng matuwid at makatarungan. Inaanyayahan tayo ng Diyos na ganito rin ang ating gawin sapagkat nilikha tayo sa kaniyang wangis. Kung paano naging mapagmahal at mahabagin ang kaniyang Anak na si Hesus sa atin, gayon ang nararapat nating gawin sa isa’t isa lalo na sa mga nangangailangan ng ating awa at habag. Ito ang tunay na diwa ng Kapaskuhan. Nawa’y huwag lamang tayong maging balisa kung ano ang dapat ihanda o ipalamuti ngayong Pasko. Maging mapagmatyag, makiramay at tumulong din sana tayo sa ating mga kapatid na nawalan ng trabaho o kabuhayan pati na sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemya. Bagamat mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan mula noong ipanganak si Hesus dito sa mundo, patuloy pa rin siyang ipinanganganak sa puso at buhay ng bawat isa tuwing nagagawa natin ang kalooban ng Diyos, lalo’t higit sa habag at pag-ibig sa kapwa. Mga kapatid, muli nating ipanganak si Hesus. —Rev. Sebastian M. Gadia III, SSP Muling hesus Ipanganak si

Taon 34 Blg. 26 Misa de Gallo — Puti Disyembre 16, 2020 T ... · karapat-dapat ang ating mga puso na maging sabsaban ni Hesus. ... tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Taon 34 Blg. 26 Misa de Gallo — Puti Disyembre 16, 2020 T ... · karapat-dapat ang ating mga puso na maging sabsaban ni Hesus. ... tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok

Mula sa pangkat ng mga Pagdiriwang sa Karangalan ng Mahal na BIrhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo.

Taon 34 Blg. 26 Misa de Gallo — Puti Disyembre 16, 2020

Tiyak, Bago pa man tu-muntong ang buwan ng

Disyembre, nailagay n’yo na ang mga dekorasyong pamasko sa loob ng inyong mga tahanan. Naitayo n’yo na ang Christmas tree na sinabitan ng mga ilaw na kumukutitap. Marahil nakahanda na r in ang mga regalong ipamimigay sa mga mahal sa buhay. Halos puro mga tugtuging pamasko na ang maririnig sa radyo at telebisyon. Talagang paskong-pasko na ang datíng ng kapaligiran. Kung nagawa na natin itong lahat, mas mainam sigurong huminto muna tayo saglit at pakinggan ang mensahe ng Salita ng Diyos.

Kumusta ang ating buhay espirituwal? Sumagi rin ba sa ating isip na ito’y paghandaang higit kaysa mga panlabas na preparasyon ngayong Pasko? Sa Ebanghelyo, sinabi ng ating Panginoong Hesus: “Ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap—iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.” Nais ipabatid ng Panginoong Hesukristo na ang kaniyang pagdating sa mundo ay ang mismong pagbisita ng awa at habag ng Diyos sa atin.

Lahat ng sinabi at ginawa niya dito sa lupa tulad ng pangangaral, pagpapagaling sa mga maysakit, pagpapalayas sa masasamang espiritu, at pagpapatawad sa mga taong nagkasala, ay bahagi ng misyon ng kaligtasan ayon sa plano ng Diyos Ama. Samakatwid, lahat ng ginawa ng ating Panginoong Hesus dito sa mundo ay hindi lamang naaayon sa kalooban kundi pagkilos din

ng Diyos Ama. Lahat ng sinabi at ginawa ng Panginoong Hesus ay pawang pagbubunyag kung anong klaseng Diyos mayroon tayo. Ipinakilala ng Panginoong Hesus ang Diyos Ama bilang awa, habag, at pagmamahal.

Sinisimulan natin ngayon ang unang araw ng Misa de Gallo o Simbang Gabi. Ipagdiriwang natin ito siyam na araw bago sumapit ang Pasko. Maaaring nadarama natin ang diwa ng Pasko kung mayroon tayong masa rap na handa , may natatanggap o naibibigay na regalo, at puno ng palamuti ang

kapaligiran at tahanan. Ngunit itinuturo sa atin ng mga pagbasa ngayon na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagsunod at paggawa sa kalooban ng Diyos. Sa Unang Pagbasa, ipinahayag ni Propeta Isaias ang mensahe ng Panginoon sa kaniyang bayan: “Ayon sa katarungan at laging matuwid ang inyong gagawin. Ang pagliligtas ko’y di na maluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin.”

Katangian ng Diyos ang paggawa ng matuwid a t makatarungan. Inaanyayahan tayo ng Diyos na ganito rin ang ating gawin sapagkat nilikha tayo sa kaniyang wangis. Kung paano naging mapagmahal at mahabagin ang kaniyang Anak na si Hesus sa atin, gayon ang nararapat nating gawin sa isa’t isa lalo na sa mga nangangailangan ng ating awa at habag. Ito ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.

Nawa’y huwag lamang tayong maging balisa kung ano ang dapat ihanda o ipalamuti ngayong Pasko. Maging mapagmatyag, makiramay at tumulong din sana tayo sa ating mga kapatid na nawalan ng trabaho o kabuhayan pati na sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pandemya. Bagamat mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan mula noong ipanganak si Hesus dito sa mundo, patuloy pa rin siyang ipinanganganak sa puso at buhay ng bawat isa tuwing nagagawa natin ang kalooban ng Diyos, lalo’t higit sa habag at pag-ibig sa kapwa. Mga kapatid, muli nating ipanganak si Hesus.

—Rev. Sebastian M. Gadia III, SSP

Muling

hesus

Ipanganak

si

Page 2: Taon 34 Blg. 26 Misa de Gallo — Puti Disyembre 16, 2020 T ... · karapat-dapat ang ating mga puso na maging sabsaban ni Hesus. ... tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok

Antipona sa Pagpasok[Is 45:8](Basahin kung walang pambungad na awit)

Pumatak na waring ulan mag-mula sa kalangitan, nawa’y umusbong din naman mula sa lupang taniman ang Manunubos ng tanan.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus)

P - Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.B - At sumaiyo rin.

Paunang Salita(Maaaring basahin ito o isang katulad na pahayag)

P - Sinisimulan natin ngayon ang masayang tradisyon ng Simbang Gabi. Iniaalay natin sa Mahal na Birheng Maria ang siyam na araw ng ating paghahanda para sa pagdating ni Hesus.

Sa kabila ng ating mga pinagdaanan ngayong taon, inaanyayahan pa rin táyo na magpakumbaba at magbalik-loob sa Diyos. Harinawa’y maging karapat-dapat ang ating mga puso na maging sabsaban ni Hesus. Taimtim nawa tayong manalangin at magbigay puri sa Ama habang hinihintay si Hesus, ang kanyang Anak at ating Manunubos.

Pagsisisi

P - Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik)

B - Inaamin ko sa makapang-yarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nag-kasala, (dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Bir heng Maria, sa lahat ng mga ang hel at mga banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipana langin sa Panginoong ating Diyos.

P - Kaawaan tayo ng makapang-yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnu bayan tayo sa buhay na walang hanggan.B - Amen.

P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.P - Kristo, kaawaan mo kami.B - Kristo, kaawaan mo kami.P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong ang-king kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pangi noong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapang-

yarihan, niloob mong ang iyong Salita na ibinalita ng anghel ay maging taong totoo sa sinapupunan ng Mahal na Birhen. Ipagkaloob mong kaming sumasampalatayang siya’y Ina ng Diyos ay matu-lungan niyang dumalangin sa iyo sa pama magitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

Unang Pagbasa [Is 56:1-3a, 6-8](Umupo)

Sa pamamagitan ni Isaias, ipina­kita sa atin ng Diyos ang hantu­ngan ng mga taong matuwid at tapat sa kanyang kalooban. Sila’y titipunin niya sa bahay­dalanginan kasama ng lahat ng mga bansa.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

ANG SABI ng Panginoon sa kanyang bayan: “Ayon sa kata-rungan at laging matuwid ang inyong gagawin. Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y mahahayag sa inyong paningin. Mapalad ang táong gumagawa nito, ang anak ng táong ang tuntuni’y ito. Ginaganap niya ang marapat gawin sa Araw ng Pamamahinga, sa gawang masama, ang kanyang sarili’y iniiwas. Di dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos, na siya’y hindi papayagan ng Panginoon na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.”

Ito naman ang sabi ng Panginoon sa mga dáting dayuhan na ngayo’y kabílang sa kanyang bayan, buong p u s o n g n a g l i l i n g k o d s a kanya, nangingilin sa Araw ng Pamamahinga; at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan: “Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Tatanggapin ko ang inyong mga handog, at ang Templo ko’y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”

Ipinangako pa ng Panginoon, sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon, na marami pa siyang isasama sa kanila para mapabilang sa kanyang bayan.

— Ang Salita ng Diyos.B - Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 66)

T - Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao.

1. O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,/ kami Panginoo’y

PASIMULA

PAgpapahayag ng salita ng diyos

Page 3: Taon 34 Blg. 26 Misa de Gallo — Puti Disyembre 16, 2020 T ... · karapat-dapat ang ating mga puso na maging sabsaban ni Hesus. ... tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok

iyong kaawaan,/ upang sa daigdig mabatid ng lahat/ ang iyong kalooban at ang pagliligtas. (T)

2. Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,/ ’pagkat matuwid kang humatol sa madla;/ ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (T)

3. Nag-aning mabuti ang mga lupain,/ pinagpala kami ng Panginoon, Diyos namin!/ Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,/ nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa. (T)

Aleluya (Tumayo)

B - Aleluya! Aleluya! Halina’t kami ay dalawin. Kapayapaan mo’y dalhin upang umiral sa amin. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Jn 5:33-36)

P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanB - Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nag lili wanag noon, at kayo’y sanda ling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa pato too ni Juan: ang mga gawang ipina ga gawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap—iyan ang nagpa patotoo na ako’y sinugo niya.” — Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B - Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo)

B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.Sumasampalataya ako kay Hesu-kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkata-wang-tao siya lalang ng Espiritu

Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga-bubuhay at nangamatay na tao.Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P - Manalangin tayo sa Diyos Amang nagsugo kay Hesus upang magsilbing liwanag nating lahat. Buong tiwala tayong manalangin:

T - Panginoon, aming liwanag, dinggin mo kami.

L - Manatili nawang tapat ang Santo Papa Francisco, mga obispo, mga pari, at mga diyakono sa sinumpaan nilang tungkuling kilalanin, isabuhay, at ibahagi si Hesukristo sa sanlibutan. Manalangin tayo: (T)

L - Maging tagapagtanggol nawa ng katotohanan ang mga namumuno sa pamahalaan at wakasan nawa nila ang mga kasinungalingang nagdudulot ng pagkakawatak-watak sa lipunan. Manalangin tayo: (T)

L - Makaramdam nawa ng kaginhawaan at pag-asa ang mga kapatid nating nagtitiis sa kahirapan, mga inaabuso, mga biktima ng karahasan, krimen, at pandarambong. Mabigyang pansin at akayin nawa sila ng mga taong may mabuting kalooban. Manalangin tayo: (T)

L - Maisaloob nawa namin ang buhay ng ating Inang Maria na nana tiling nakatutok sa kalooban ng Diyos sa halip na magambala ng ibang mga alalahanin. Manalangin tayo: (T)

L - Makapiling nawa ng Diyos ang mga kapatid nating namayapa

na at matagpuan nila sa kanyang kaharian ang liwanag niyang ‘di nag-mamaliw. Manalangin tayo: (T)

P - Ama, puspusin mo kami sa pag-ibig. Sa paghahanda namin sa pagdating ng iyong Anak bilang tao, nawa’y pag-alabin mo ang pag-asa sa aming mga puso. Hinihiling namin ito sa pama magitan ni Hesukristong aming Panginoon.B - Amen.

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P - Manalangin kayo...B - Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki nabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P - Ama naming Lumikha, ang mga alay naming nakahain sa iyong dambana ay pabanalin nawa ng paglukob ng Banal na Espiritu na pumuspos sa sinapupunan ng Mahal na Birheng Maria upang magdalang-tao at magsilang sa iyong Anak na siyang namamagitan magpasawalang hanggan.B - Amen.

Prepasyo (Adbiyento II)

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B - Itinaas na namin sa Panginoon.P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B - Marapat na siya ay pasala matan.P - Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pama ma gitan ni Hesukristo na aming Pangi noon.

Ang pagsusugo mo sa kanya ay ipinahayag ng lahat ng mga propeta. Ang pagsilang niya’y pinanabikan ng Mahal na Birheng kanyang Inang tunay sa kapangyarihan ng Espiritung Banal. Ang pagdating niya’y

Pagdiriwangng huling hapunan

Page 4: Taon 34 Blg. 26 Misa de Gallo — Puti Disyembre 16, 2020 T ... · karapat-dapat ang ating mga puso na maging sabsaban ni Hesus. ... tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok

iyong kagandahang-loob upang kami’y magkamit ng kaligtasan pakundangan sa pagkakatawang-tao ng iyong Anak ngayong aming ginugunita ang kanyang Ina sa pamamagitan din ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P - Magsiyuko kayo samantalang iginagawad ang pagpapala. (Tumahimik)

Ang makapangyarihang Diyos Ama ng Bugtong na Anak na naparito na noon at hinihintay nating bumalik ngayon ay siya nawang magpabanal sa inyo pakundangan sa liwanag ng kanyang pagdating at siya r in nawang pumuspos sa inyo sa pagpapala ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Patatagin nawa niya kayo sa pananampalataya, paligayahin sa pag-asa at pakilusin sa pag-ibig na puspos ng sigla ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Kayong nagagalak sa pagda-ting ng nagkatawang-taong

inilahad ni San Juan Bautista sa kanyang pagbibinyag. Nga-yong pinaghahandaan namin ang maligayang araw ng kan-yang pagsilang, kami’y nana-nabik at nananalanging lubos na makaharap sa kanyang kadakilaan.

Kaya kaisa ng mga anghel na nag sisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kada ki laan.B - Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa Kaitaasan! (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B - Aming ipinahahayag na namatay ang iyong Anak, nabuhay bilang Mesiyas, at magbabalik sa wakas para mahayag sa lahat.

Ama Namin

B - Ama namin...P - Hinihiling naming...B - Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu -rihan magpakailanman! Amen.

Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B - Panginoon, hindi ako ka-rapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Is 7:14)

Maglilihi itong birhen at magsisi-lang ng supling na tatawaging Emman’wel, taguring ibig sabihi’y “Ang D’yos ay sumasaatin.”

Panalangin Pagkapakinabang(Tumayo)

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal, sa

aming pagsasalo sa banal na hain lagi nawa naming madama ang

Manunubos ay puspusin nawa niya ng gantimpalang buhay na di matatapos kapag siya’y dumating nang may kadakilaang lubos magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Pagpalain kayo ng makapang-yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B - Amen.

Pangwakas

P - Tapos na ang Banal na Misa. Humayo kayong mapayapa.B - Salamat sa Diyos.

Pagtatapos

Pakikinabang

SOCIETY OF ST PAUL

Live Jesus, Give Jesus!If you are Grade 12 student, a college student, or a young

professional—male, single, and aspiring to become a priest or a

brother involved in the apostolate of social communication—we invite you to journey or search

with us.

Contact us:

THE VOCATION DIRECTORSociety of St. Paul7708 St. Paul RoadSan Antonio Village

1203 Makati City

(02) 8895-9701 loc 109; 09158420546; 09288766182;

[email protected]