16
MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK

MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

  • Upload
    others

  • View
    23

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

MAHAL NG DIYOS ANGKANYANG MGA ANAK

MAHAL NG DIYOS ANGKANYANG MGA ANAK

Page 2: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala
Page 3: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

1

Ang mensaheng ito ay para sa mga Banal sa mgaHuling Araw na may problema sa pagkaakit sa kapwanila lalaki o kapwa nila babae at kung minsan ay nasi-siraan ng loob ngunit buong puso pa ring hinahangadna mamuhay sa paraang kalugud-lugod sa ating Amasa Langit.

Ikaw ay anak ng Diyos, at taos ang aming hangarin na bu-ong pagmamahal kang matulungan. Kahit naaakit ka sa kapwamo lalaki o kapwa mo babae, maaari kang lumigaya sa buhayna ito, makapamuhay nang malinis, makapagsagawa ng maka-buluhang paglilingkod sa Simbahan, matamasa ang lahat ngkarapatan ng pagiging miyembro kasama ang kapwa mo mgaBanal, at sa huli ay tanggapin ang lahat ng pagpapala ng bu-hay na walang hanggan.

Ipinahayag ng propetang si Nephi sa Aklat ni Mormon angdamdamin nating lahat nang aminin niya na hindi niya “nala-laman ang ibig sabihin ng lahat ng bagay.” Ngunit nagpatotoosiya na, “Alam kong mahal [ng Diyos] ang kanyang mga anak”(1 Nephi 11:17). Talagang mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyangmga anak. Gayunman, maraming tanong, kabilang na ang ilanna may kinalaman sa pagkaakit sa kapwa lalaki o kapwa babae,na kailangang maghintay ng sagot sa hinaharap, maging hang-gang sa kabilang buhay. Ngunit ang Diyos ay naghayag ng mgasimple at hindi nagbabagong katotohanan para gabayan tayo.Mahal Niya ang lahat ng Kanyang mga anak, at dahil mahal kaNiya, maaari kang magtiwala sa Kanya.

Page 4: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

Ang Iyong Identidad at Potensyal

Ikaw ay pinakamamahal na anak ng Diyos. Hindi lamangNiya alam ang pangalan mo; kilala ka Niya. Kakaiba ang pag-

mamahal Niya sa iyo. Nabuhay ka sa Kanyang piling bago kaisinilang sa mundong ito. Hindi mo maaalala ang kaugnayanmo sa Kanya noon, ngunit naaalala Niya. Bagamat kung min-san ay gumagawa ang Kanyang mga anak ng mga bagay nanagpapalungkot sa Kanya, lagi Niya silang mamahalin.

Kapag alam mo kung sino ka at panatag ka sa katiyakan namahal ka ng Diyos, mas madali mong maiintindihan ang naisNiya para sa iyo. Nais Niyang makamtan mo ang lahat ng pag-papala ng buhay na walang hanggan. Ang buhay na walanghanggan ay higit na mahalaga kaysa buhay na matagal o walangkatapusan. Ang ibig sabihin ng magkamit ng buhay na walanghanggan ay maging katulad ng Ama sa Langit, mabuhay na ka-tulad Niya, at tumanggap ng buong kagalakan. Matatanggap moang buhay na walang hanggan kung susundin mo ang mga ba-tas na sinusunod ng Diyos at gagawin ang mga bagay na ginaga-wa Niya.

2

Page 5: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

3

Ang Plano ng Kaligayahan

Inilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para

tulungan kang matanggap ang mgapagpapala ng buhay na walang hang-gan. Ang planong ito ay nakasaad samga banal na kasulatan; hindi ito maa-aring isulat muli ng mga lalaki at babaepara lang pagbigyan ang kanilang mgahangarin. Diyos lamang ang nagkaka-loob ng buhay na walang hanggan.Ang ilan sa mga dakilang pagpapalangipinangako sa plano, kabilang na angbuhay na walang hanggan, ay hindinilayon para tamasahin nang agaran.Mahaba ang kawalang-hanggan, at ma-ikli ang buhay sa mundo. Kapag ibina-tay mo ang iyong mga desisyon sa mgawalang-hanggang alituntunin sa halipna sa mga makamundong hamon ohangarin, magkakaroon ka ng “kapaya-paan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdigna darating” (D at T 59:23).

Ang mga pagpapalang ito ay nakabatay sa pagsunod sa mgawalang hanggang alituntunin. Isa sa mga alituntuning ito angkahalagahan ng mga pamilya. Ang langit ay inorganisa sa mgapamilya, na nangangailangan na magkasamang gamitin ngisang lalaki at isang babae ang kanilang kapangyarihang lumik-ha alinsunod sa itinakdang hangganan ng Panginoon. Ang mgarelasyon ng parehong lalaki o parehong babae ay hindi naa-ayon sa planong ito. Kung wala kapwa ang asawang lalaki atasawang babae hindi kailanman magkakaroon ng walang hang-gang pamilya at walang pagkakataong maging katulad ng Amasa Langit.

Sa ilang sitwasyon ipinagpapaliban ng isang tao ang pag-aasawadahil hindi siya naaakit sa ibang kasarian sa kasalukuyan. Kahit

Page 6: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

maraming Banal sa mga Huling Araw, na sa pamamagitan ngsariling pagsisikap, pagsampalataya, at pag-asa sa kapangyarihanng Pagbabayad-sala, ay napaglabanan ang pagkaakit sa kapwa nilalalaki o kapwa babae sa buhay na ito, maaaring ang iba namanay hindi malaya sa ganitong hamon sa buhay na ito. Gayunman,ang perpektong plano ng ating Ama sa Langit ay naglaan ng mgakundisyon sa mga taong nagnanais sumunod sa Kanyang mgautos ngunit hindi sinasadyang hindi sila makasal sa kawalang-hanggan sa buhay na ito. Sa pagsunod natin sa plano ng Amasa Langit, ang ating katawan, damdamin, at mga hangarin aymagiging perpekto sa kabilang buhay upang ang lahat ng anak ngDiyos ay makatagpo ng kagalakan sa isang pamilyang binubuo ngasawang lalaki, asawang babae, at mga anak.

Ang pagkaakit sa kapwa lalaki o kapwa babae ay may kaha-long malalim na emosyonal at pisikal na damdamin, at matin-ding pakikihalubilo sa iba. Hangad ng lahat ng anak ng Amasa Langit na magmahal at mahalin, kasama na rito ang mara-ming matatanda, na sa sari-saring dahilan ay wala pa ring asa-wa. Tinitiyak ng Diyos sa Kanyang mga anak, pati na sa mgataong kasalukuyang naaakit sa kapwa nila lalaki o kapwa ba-bae, na sa bandang huli ang mabubuti nilang hangarin ay lu-bos na matutugunan sa sariling paraan ng Diyos at ayon saKanyang takdang panahon.

4

Page 7: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

Pagpipigil sa Sarili

Para maging karapat-dapat sa mga pagpapalang dulot ngplano ng ating Ama sa Langit, bawat isa sa atin ay ipina-

dala sa mundong ito para subukin nang ilang panahon, kungkailan kinakaharap natin ang iba’t ibang tukso at hamon. Angilan sa mga hamong ito ay nauugnay sa ating katawang pisikal.Dahil wala tayong pisikal na katawan bago ang buhay na ito,kailangan nating matutong mabuhay sa kabila ng mga kahina-an nito at unawain ang pahiwatig, mga hilig, at pangangaila-ngan nito. At kadalasan ay kailangan nating matutong magsabing “hindi.” Ang pagpipigil na ito sa pisikal na katawan ay na-pakahalaga dahil mapapasaatin ang mga katawang ito, sa per-pektong anyo nito, sa kabilang buhay.

Sagrado ang ating mga katawan; kung minsan ay tinutukoyito sa mga banal na kasulatan bilang “mga templo ng Diyos.”Maraming taong naaakit sa kapwa nila lalaki o kapwa babaeang gumagalang sa kasagraduhan ng kanilang katawan at samga itinakdang pamantayan ng Diyos—na ang seksuwalidad aynararapat lamang ipahayag sa pagitan “ng lalaki at babae na iki-nasal bilang mag-asawa ayon sa batas” (“Ang Mag-anak: IsangPagpapahayag sa Mundo,” 35538 893). Ang buhay ng mga ta-ong ito ay kalugud-lugod sa ating Ama sa Langit. Gayunman,lumalampas ang ilan sa hangganang ito at nasasangkot sila samahahalay na gawain. Ang hangaring bigyang-kasiyahan angpagnanasa ng katawan ay hindi nagpapahintulot sa sinumanna gumawa ng kahalayan.

Ang tunay na kaligayahan ay hindi lamang nababatay sa pag-papahayag ng pagnanasa ng katawan. Ang mga pagnanasangito ay nawawala kapag natutugunan ang mas mahahalagangemosyonal na pangangailangan—tulad ng pangangailangangmakihalubilo at maglingkod sa iba. Ang tunay na kaligayahanay nagmumula sa pagpipigil sa sarili, paggalang sa sarili, at posi-tibong direksyon sa buhay. Nagmumula ito sa patotoo sa tunayna doktrina—kabilang na ang kung sino ka at ang maaari mongkahinatnan—at sa pamumuhay ayon sa plano ng kaligayahanng Diyos.

5

Page 8: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

Maraming taong naaakit sa kapwa nila lalaki o kapwa ba-bae ang may malakas na patotoo sa ebanghelyo at, dahildito, hindi sila nagpapatangay o tumutugon sa pagkaakit naiyon. Ang pagkaakit ay hindi dahilan para hindi kayo magingkarapat-dapat. Kung iiwasan ninyo ang mahahalay na kaisi-pan at gawain, hindi kayo nagkakasala kahit nadarama ninyoang gayong pagkaakit. Sinabi ng Unang Panguluhan, “Maypagkakaiba ang mahahalay na kaisipan at damdamin at angpartisipasyon sa anumang kahalayan ng babae at lalaki o ngkapwa lalaki at kapwa babae” (liham, Nob. 14, 1991).

Ang alituntuning ito ay akma sa lahat ng anak ng Diyos, sa-pagkat sinabi Niya na lahat ng seksuwal na pakikipagrelasyonsa labas ng kasal ay hindi katanggap-tanggap. Ang tukso ay du-marating sa lahat, ngunit ang isa sa mga layunin ng buhay naito ay matutong labanan ang mga ito. Napakaganda ng paliwa-nag ni Pangulong David O. McKay na ang espirituwalidad ay“kaalamang napagtagumpayan o napigilan ninyo ang inyongsarili” (sa Conference Report, Okt. 1969, 8). Ang mga tuksongito, na karaniwan ay hindi naman inaasahan, ay maaaring ma-lakas, ngunit hindi kailanman sapat ang lakas nito para ipagka-it sa atin ang ating kalayaang pumili. Sinabi ni Elder Dallin H.Oaks, “Tayong lahat ay may ilang damdaming hindi natinginusto, ngunit itinuturo sa atin ng ebanghelyo ni Jesucristona may kapangyarihan pa rin tayong labanan at baguhin angating damdamin (kung kailangan) at tiyakin na hindi tayo ma-aakay nito sa pag-iisip nang hindi angkop o paggawa ng kasala-nan” (“Same-Gender Attraction,” Ensign, Okt. 1995, 9). Angmaruruming kaisipan ay maglalaho kapag pinalitan mo itoagad ng nakasisigla at makabuluhang kaisipan.

Sa pagsisikap mong pigilan ang sarili, tandaan na mahalagaang matwid na pamumuhay kapwa sa pribado at publiko.Ipinayo ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Ang asal natin sapubliko ay di dapat mapintasan. Mas mahalaga pa riyan angasal natin sa pribado. Dapat mamalas dito ang pamantayangitinakda ng Panginoon. Di tayo dapat maglunoy sa pagkakasa-la, ni pagtakpan ang mga ito” (sa Conference Report, Abr. 2002,62–63; o sa “Pagiging Marapat ng Sarili Upang Magamit angPriesthood,” Liahona, Hulyo 2002).

6

Page 9: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

Kung nalabag mo ang mga kautusan ng Diyos o ang iyong mgatipan, maaari kang magsisi. Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala,binayaran ni Jesucristo ang iyong mga kasalanan, at patatawarinka ng Diyos. Pagkatapos mong magsisi nang lubusan at taos-puso,hindi mo na dapat pang balik-balikan ang mga nagawa mong ka-salanan noon. Kasama sa utos ng Panginoon na “magpatawad salahat ng tao” ang pangangailangang patawarin ang iyong sarili(tingnan sa D at T 64:10).

Ang pagkaunawa sa mga walang-hanggang katotohanan aymalakas na pangganyak sa mabuting pag-uugali. Lubos kangmagtatagumpay kung magtutuon ka sa mga bagay na kayamong unawain at pigilin ngayon, at huwag sayangin ang la-kas o dagdagan ang kalungkutan sa pag-aalala sa mga bagayna hindi pa lubos na naihahayag ng Diyos. Magtuon sa pa-mumuhay ng mga simpleng katotohanan ng ebanghelyo niJesucristo. Ang pagkagusto mo sa kapwa lalaki o kapwa babaeay maaaring napakatindi, ngunit sa pamamagitan ng pagsam-palataya sa Pagbabayad-sala tatanggap ka ng kapangyarihanglabanan ang lahat ng di-wastong pag-uugali, at maiiwasanmong magkasala sa buhay.

7

Page 10: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

Puspusin ng Kabutihan ang Iyong Buhay

Buong katalinuhang sinabi ng isangtao na kung magtatanim tayo ng

mabuting punla sa halamanan, hindina gaanong kakailanganin ang asarol.Gayundin, kung pupuspusin natin ngespirituwal na pangangalaga ng Diyosang ating buhay, mas madali natingmapipigil ang ating mga hilig at mapi-pigilan natin ang ating sarili. Ibig sabi-hin nito ay lumikha araw-araw ngpositibong kapaligiran kung saan ma-giging malakas ang impluwensya ngEspiritu at iwasan ang mga kapaligi-rang nakatutukso, na hindi nakalulu-god sa Espiritu. Kabilang sa positibongkapaligiran ang patuloy na pribado atpampublikong pagsamba, pagsisimba,pag-aayuno, pagdalo sa templo, pagli-lingkod, pagbabasa ng mga banal nakasulatan, pagdarasal, pakikihalubilo

sa mabubuting kaibigan, at pagkalantad sa nakasisiglang baba-sahin at musika. Kapag pinaligiran mo ang iyong sarili ng gani-tong mga bagay, ang bunga ng iyong halamanan ay magigingmabuti at magdudulot ng kagalakan sa iyo at sa iyong Ama saLangit. Ang kaligayahan ay inaani sa pamamagitan ng paglili-nang ng mga bagay na makabuluhan, hindi lamang sa pagsug-po ng bagay na hindi kalugud-lugod sa Diyos.

Ang isang napakahalagang paraan para mapuspos ng mabutingpunla ang iyong espirituwal na halamanan ay sa pamamagitanng pagiging aktibo sa Simbahan. Kahit maaaring magpatuloy angpagkaakit sa kapwa lalaki o kapwa babae at manatili pa rin anggayong damdamin, mapalalakas ka ng paglilingkod sa Simbahanat pakikisalamuha sa iba pang mga miyembro ng Simbahan nakatulad mo ang mga paniniwala at nakipagtipan ding katuladmo. Ang pakikibahagi ng sacrament, pagkanta ng mga himno ng

8

Page 11: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

Sion, at pakikinig sa mga nakasisiglang mensahe ay makatutu-long lahat sa iyong espirituwal na pag-unlad. Ang pagpapabayasa mga positibong impluwensyang ito at paglayo sa Simbahandahil sa panghihina ng kalooban, sa pakiramdam na ayaw sa iyong ibang tao, o pagkadama na hindi ka kabilang ay makasasamalamang sa iyong espirituwalidad at hangaring mapigil ang iyongmga kilos.

Nadarama ng ilang taong naaakit sa kapwa nila lalaki o kap-wa babae na inaayawan sila dahil hindi laging nagpapakita ngpagmamahal ang mga miyembro ng Simbahan. Dapat magingmapagparaya ang sinumang miyembro ng Simbahan. Kapagnagpapakita ka ng pagmamahal at kabaitan sa iba, binibigyanmo sila ng pagkakataong baguhin ang kanilang saloobin at la-long sundin si Cristo.

Bukod pa sa puspusin ang iyong halamanan ng mga positi-bong impluwensya, kailangan mo ring iwasan ang anumangimpluwensyang makasasama sa iyong espirituwalidad. Isa samasasamang impluwensyang ito ang pagkahumaling o pagtu-tuon ng isipan sa mga ideya at damdaming ukol sa pagkaakitsa kapwa lalaki o kapwa babae. Hindi nakakatulong na haya-gang ipakita ang pagiging homoseksuwal o gawin itong paksang walang-halagang obserbasyon o pagtalakay. Mas makabubu-ting makipagkaibigan sa mga taong hindi hayagang ipinakikitaang kanilang damdaming homoseksuwal. Ang maingat na pag-pili ng mga kaibigan at tagapayo na namumuhay nang maka-buluhan at matwid ay isa sa pinakamahahalagang hakbang sapagiging kapaki-pakinabang at mabait. Ang pakikihalubilo sakapwa lalaki o kapwa babae ay likas at kanais-nais, basta’t bu-ong talino kayong maglagay ng hangganan upang maiwasanang di-wasto at di-magandang pakikipagpalagayan ng damda-min, na maaaring humantong sa pisikal at seksuwal na intima-siya. Mapanganib sa moralidad ang masyadong malapit saisang kaibigang kapwa lalaki o kapwa babae dahil maaaringmauwi ito sa mahahalay na gawing isinusumpa ng Panginoon.Ang pinakamahahalaga nating relasyon ay ang sa sarili nating

9

Page 12: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

pamilya dahil ang kaugnayan natin sa kanila ay maaaring ma-ging walang hanggan.

Ang kawalan ng pag-asa ay isa pang masamang impluwensya.Kadalasan ay bunga ito ng kawalan ng pag-unawa at pagtitiwalasa patuloy na pagmamahal ng Diyos na nakakamit sa pamama-gitan ng kapangyarihan ng Pagbabayad-sala. Makaaasa kayo sakatotohanan na bawat pagpapalang ipinagkakaloob sa plano ngkaligayahan ng Ama sa Langit ay matatamo pa rin ng bawat isasa Kanyang mga anak. Ang kawalan ng pag-asa at pag-aalinla-ngan ay maaaring humantong sa paglayo, paghahanap ng mali,at kawalan ng pasensya na hindi kaagad dumarating ang lahatng sagot at kalutasan sa mga problema sa buhay. Ang Espiritung Diyos ay naghahatid ng saya at kaligayahan. Magtiwala saPanginoon. Huwag sisihin ang sinuman—huwag ang iyong sari-li, ni ang iyong mga magulang, ni ang Diyos—sa mga proble-mang hindi lubos na maunawaan sa buhay na ito.

Ang pornograpiya, sa lahat ng delikado at nakapipinsalanguri nito, ay lalo nang masama, mapanganib, at nakalululong naimpluwensya. Ang mga imahe na laging nasa iyong isipan, ka-hit sandali lamang, ay tumitimo at biglang papasok ang mgaito sa isipan sa sandali ng kahinaan para balewalain ang iyongpasiya. Ang tamang pagkilos ay bunga ng dalisay na kaisipan,na hinihikayat ng nakasisiglang babasahin, pag-uusap, musika,at iba pang media.

May ilang tao na naabuso sa kanilang kabataan o nasangkotsa seksuwal na pag-eeksperimento sa murang edad. Kung nang-yari ito sa iyo, unawain mo sana na ang pang-aabuso ng iba omga karanasan noong bata ka pa ay hindi dapat lumikha sangayon ng pang-uusig ng budhi, pagiging hindi karapat-dapat,o pagtatakwil ng Diyos o ng Kanyang Simbahan. Ang inosen-teng pagkakamali noong bata ka pa ay hindi nakakaimpluwen-sya sa isang kabataan upang maakit sa kapwa niya lalaki okapwa babae pagtanda niya.

10

Page 13: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

Magtatagumpay ka sa pagpigil saiyong buhay kapag lagi mong pina-ngangalagaan ang iyong espiritu. Angmatagalang pag-iwas sa pagkain, na si-nusundan ng pagkain nang marami,ay hindi magbibigay ng mabuting ka-lusugan sa iyong katawan. Gayundin,ang bunga ng pamaya-mayang pagpa-pakain sa iyong espiritu, kahit malaki-han ang subo, ay hindi kasing-inamng palagian at araw-araw na pagpapa-kain sa iyong espiritu.

11

Page 14: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

“Sumulong”

Nangako si Pangulong Gordon B. Hinckley na ang mga na-aakit sa kapwa nila lalaki o kapwa babae na hindi nagpa-

pakita ng ganitong mga gawi ay “makasusulong na tulad ng ibapang mga miyembro ng Simbahan” (“What Are People Askingabout Us?” Ensign, Nob. 1998, 71). Kung mamumuhay ka ayonsa mga pamantayang itinakda ng Diyos at pupuspusin angiyong mga araw ng mga bagay na makabuluhan, ang iyong bu-hay ay mapupuno ng pag-asa at makaaasa ka na magkakaroonka ng mga pagkakataon upang makapaglingkod nang makabu-luhan, makihalubilo sa ibang tao, at umunlad sa espirituwal sabuhay na ito.

Makabubuting kausapin mo ang iyong bishop at iba pangmga lider ng priesthood na mayhawak ng mga susi ng inspira-dong pagpapayo sa mga miyembro ng iyong lokal na yunit ngSimbahan. Kung lalapit ka sa kanila nang may pagpapakumba-ba at katapatan, dadamayan ka nila at mamahalin habang pi-napayuhan ka nila. Sinabi ng Unang Panguluhan: “Hinihikayatnamin ang mga lider at miyembro ng Simbahan na tumulongnang may pagmamahal at pag-unawa sa mga may problema samga isyung ito. Maraming tutugon sa pagmamahal na tulad ngkay Cristo at sa inspiradong pagpapayo” (liham, Nob. 14,1991). Kadalasan ay makabubuti ring humingi ng patnubay samga propesyonal na tagapayo na bihasa na sa paglutas ng mgaproblema hinggil sa pagkaakit sa kapwa lalaki o kapwa babae atnagpapayo ayon sa mga turo ng ebanghelyo.

Sa paghingi mo ng tulong sa iba, maging maingat at huwagdumepende lamang sa kanila para sa iyong espirituwal na kala-kasan. Mapapayuhan ka ng iyong bishop at ng iba pang mga li-der at maituturo nila ang mga tunay na alituntunin ng planong Diyos para sa Kanyang mga anak, ngunit sa huli ang tuluy-tuloy na kalakasang kailangan mo ay kailangang manggaling saPanginoon kapag nagpailalim ka sa impluwensya ng EspirituSanto at sumampalataya kay Jesucristo. Sa sandaling iyon la-mang magkakaroon ng matatag na pagpapasiya at sapat na la-

12

Page 15: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

13

kas para maiwasan ang pag-uugali at mga kaisipang hindi na-kasisiya sa Diyos.

Ang ilang Banal sa mga Huling Araw na naaakit sa kapwanila lalaki o kapwa babae ay sumusulong sa kanilang buhay sapamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mga pamantayanng ebanghelyo, pananatiling malapit sa Panginoon, at paghi-ngi ng tulong sa mga lider ng Simbahan at mga propesyonalkapag kailangan. Masagana at masaya ang kanilang buhay, atmakatitiyak sila na lahat ng pagpapala ng buhay na walanghanggan ay mapapasakanila sa bandang huli.

Malaki ang kaibhan ng mga turo ng ebanghelyo sa mga pa-raan at turo ng mundo tungkol sa maraming paksa, kabilangna ang kagandahang-asal. Ang mga kaibhang ito ay bunga ngating pagkaunawa sa kaloob na buhay na walang hangganna inihanda ng Ama sa Langit para sa atin at sa mga kundis-yong kailangan para matanggap ito. Walang sinuman sa nga-yon, o kailanman, na hindi makadarama sa pagmamahal ngDiyos o sa paanyaya ng Kanyang Simbahan, sapagkat lahattayo ay Kanyang pinakamamahal na mga anak. Gaya ng sina-bi ni Pangulong Hinckley: “Nahahabag kami sa mga taongmay problema sa pagkaakit sa kapwa nila lalaki o kapwa ba-bae. Naaalala namin kayo sa harap ng Panginoon, nakikisim-patiya kami sa inyo, kapatid ang turing namin sa inyo”(“Stand Strong against the Wiles of the World,” Ensign, Nob.1995, 99).

Page 16: MAHAL NG DIYOS ANG KANYANG MGA ANAK...3 Ang Plano ng Kaligayahan I nilaan ng Diyos ang plano ng kalig-tasan, o plano ng kaligayahan, para tulungan kang matanggap ang mga pagpapala

4 02048 24893 0

TAGALOG

04824 893

© 2007 Intellectual Reserve, Inc.Lahat ng karapatan ay nakalaanInilimbag sa Estados Unidos ng AmerikaPagsang-ayon sa Ingles: 4/07Pagsang-ayon sa pagsasalin: 4/07Pagsasalin ng God Loveth His Children