2
TULUNGAN ANG IYONG ESTUDYANTE NA MAGKAROON NG MAS MARAMING PAGPIPILIAN PAGKATAPOS NG GRADUATION Magkakaroon ng higit sa 4.6 na milyong bukas na trabaho sa manufacturing sa U.S. sa susunod na dekada. Mayroong halos 300,000 trabaho dito mismo sa estado ng Washington ngayon at magiging kuwalipikado ang maraming manggagawa para sa pagreretiro sa loob lamang ng susunod na ilang taon. Mangangailangan ang mga pagawaan sa Washington ng mga talentadong manggagawa at magiging bukas ang pinto sa isang bagong henerasyon ng mga empleyado. Binuo at suportado ng mga nangunguna sa industriya tulad ng Boeing, ang Core Plus Aerospace ay magbibigay ng mga kasanayan na tunay na magagamit sa buhay na kailangan nila para isulong ang kanilang mga karera sa manufacturing. Nagbibigay-daan ang dalawang taon na kurikulum na ito sa high school ng mga trabahong may magandang suweldo at bibigyan nito ang mga estudyante ng isang malinaw na kalamangan kapag sumusubok ng mga apprenticeship (pagsasanay), sertipiko sa industriya, at degree sa kolehiyo. ang pangkaraniwang taunang suweldo para sa mga manggagawa sa manufacturing sa estado ng Washington ANG KURIKULUM Nakatuon ang unang taon ng dalawang taon na kurikulum ng Core Plus Aerospace sa mga batayang kasanayan sa manufacturing na pangkaraniwan sa lahat ng industriya, tulad ng kaligtasan sa pagawaan, materials science (agham ng materyales), hustong pagsusukat, at ang paggamit ng mga mano-mano at de-kuryenteng tool. Kabilang sa ikalawang taon ang mga kurso sa aerospace na partikular sa industriya. Kasama dito ang gawaing pangkurso sa mga asignatura tulad ng fiber optics, advanced composites, robotics, at marami pa. mga manggagawa ng manufacturing sa estado ng Washington, at maraming manggagawa sa manufacturing sa estado ang magiging kuwalipikado para sa pagreretiro sa susunod na ilang taon ng mga manggagawa sa manufacturing sa U.S. sa kasalukuyan ay babae ALAM MO BA? $87K 300K 1/3

TULUNGAN ANG IYONG ESTUDYANTE NA MAGKAROON NG … · ang kanilang mga empleyado para pumasok sa kolehiyo. Ano ang hitsura ng isang klase sa Core Plus Aerospace? Isa itong kapaligiran

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

TULUNGAN ANG IYONG ESTUDYANTE NA MAGKAROON NG MAS MARAMING PAGPIPILIAN PAGKATAPOS NG GRADUATIONMagkakaroon ng higit sa 4.6 na milyong bukas na trabaho sa manufacturing sa U.S. sa susunod na dekada. Mayroong halos 300,000 trabaho dito mismo sa estado ng Washington ngayon at magiging kuwalipikado ang maraming manggagawa para sa pagreretiro sa loob lamang ng susunod na ilang taon. Mangangailangan ang mga pagawaan sa Washington ng mga talentadong manggagawa at magiging bukas ang pinto sa isang bagong henerasyon ng mga empleyado.

Binuo at suportado ng mga nangunguna sa industriya tulad ng Boeing, ang Core Plus Aerospace ay magbibigay ng mga kasanayan na tunay na magagamit sa buhay na kailangan nila para isulong ang kanilang mga karera sa manufacturing. Nagbibigay-daan ang dalawang taon na kurikulum na ito sa high school ng mga trabahong may magandang suweldo at bibigyan nito ang mga estudyante ng isang malinaw na kalamangan kapag sumusubok ng mga apprenticeship (pagsasanay), sertipiko sa industriya, at degree sa kolehiyo.

ang pangkaraniwang taunang suweldo para sa mga manggagawa sa manufacturing sa estado ng Washington

ANG KURIKULUM

Nakatuon ang unang taon ng dalawang taon na kurikulum ng Core Plus Aerospace sa mga batayang kasanayan sa manufacturing na pangkaraniwan sa lahat ng industriya, tulad ng kaligtasan sa pagawaan, materials science (agham ng materyales), hustong pagsusukat, at ang paggamit ng mga mano-mano at de-kuryenteng tool.

Kabilang sa ikalawang taon ang mga kurso sa aerospace na partikular sa industriya. Kasama dito ang gawaing pangkurso sa mga asignatura tulad ng fiber optics, advanced composites, robotics, at marami pa.

mga manggagawa ng manufacturing sa estado ng Washington, at maraming manggagawa sa manufacturing sa estado ang magiging kuwalipikado para sa pagreretiro sa susunod na ilang taon

ng mga manggagawa sa manufacturing sa U.S. sa kasalukuyan ay babae

ALAM MO BA?

$87K

300K

1/3

MGA MADALAS NA ITINATANONG

Mayroon bang Core Plus Aerospace sa paaralan ng aking

estudyante?

Bisitahin ang coreplusaerospace.org at gamitin ang location tool upang maghanap ng mga programang malapit sa iyo.

Anong maaari kong gawin kung hindi inaalok ang Core Plus

Aerospace sa aking paaralan?

Bisitahin ang coreplusaerospace.org upang mag-subscribe sa mga update sa email at malaman kung magkaroon ng Core Plus Aerospace sa mga bagong lokasyon.

Makipag-ugnayan sa iyong paaralan o sa direktor ng Career and Technical Education (CTE, Edukasyong Pangkarera at Tekniko) ng iyong distrito at hikayatin sila na ihatid ang Core Plus Aerospace sa iyong estudyante.

Makipag-usap sa tagapayo ng iyong estudyante tungkol sa iba pang pagpipilian sa pagsubok ng mga internship o on-sight na oportunidad sa pag-aaral sa lokal na industriya.

Anong uri ng credit ang maaaring makuha ng isang

estudyante na kumukuha ng Core Plus Aerospace?

Depende sa iyong distrito, maaaring makakuha ang mga estudyante ng mga credit sa matematika, agham, Ingles, at Career and Technical Education (CTE), at mga elective na credit. Makipag-ugnayan sa guidance counselor ng iyong estudyante para sa higit na impormasyon.

Anong mga uri ng trabaho o programa sa kolehiyo ang

magagandang destinasyon para sa mga estudyante ng Core

Plus Aerospace?

Magiging handa ang mga estudyante na nakakumpleto ng kurikulum ng Core Plus Aerospace na direktang mag-apply para sa mga trabaho sa manufacturing. Tumanggap ang Boeing ng higit sa 150 nagtapos ng high school na kumuha ng mga klase sa Core Plus Aerospace nitong nakaraang taon lamang.

Mayroon ding praktikal na pundasyon sa manufacturing ang mga estudyante ng Core Plus Aerospace na nagbibigay sa kanila ng isang malinaw na kalamangan sa pagsubok ng mga apprenticeship at mga programa pagkatapos ng sekundaryang antas sa mga larangan tulad ng avionics, engineering, mechatronics, at marami pa. Binabayaran ng maraming kompanya sa manufacturing, kabilang ang Boeing, ang kanilang mga empleyado para pumasok sa kolehiyo.

Ano ang hitsura ng isang klase sa Core Plus Aerospace?

Isa itong kapaligiran kung saan natututo ang mga estudyante sa pamamagitan ng aktuwal na paggawa, at ginagamit ang matematika at agham sa mga karanasan sa tunay na buhay. Gumagawa ang mga estudyante ng mga hands-on na proyekto nang nakatayo at malayo sa kanilang upuan, kasama ang mga kamag-aral at isinasakatuparan nila ang mga bagay.

Bisitahin ang aming pahina sa YouTube sa pamamagitan ng paghahanap sa coreplusaero para sa mga video ng isang aktuwal na klase ng Core Plus Aerospace at mga patunay mula sa mga kasalukuyang estudyante, graduate, at guro.

Kailan ko dapat simulang kausapin ang aking estudyante

tungkol sa Core Plus Aerospace?

Kung ang iyong estudyante ay isang hands-on na mag-aaral o nais na tuklasin ang industriya ng manufacturing, ngayon na ang panahon. Kausapin ang iyong estudyante tungkol sa pagsali sa Core Plus Aerospace sa kanilang High School and Beyond Plan (Plano sa High School at Higit Pa). Nagsisimulang mag-alok ang ilang distrito ng kurikulum na ito sa middle school.

Bukod sa credit para sa pagtatapos, mayroon pa bang ibang

makukuha ang aking estudyante?

Makakatanggap ang mga estudyante ng Core Plus Aerospace ng Certificate of Competency (Sertipiko ng Kahusayan) na suportado ng industriya at nagbibigay ng mga detalye ng kanilang partikular na pangkat ng mga kasanayan. Ang sertipiko ay isang palatandaan na handa na ang mga nagtapos ng high school na maging manggagawa sa manufacturing, sumubok ng mga apprenticeship, at mga certificate at degree program sa mga dalawang taon at apat na taon na kolehiyo.

@coreplusaero

COREPLUSAEROSPACE.ORG