16

SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:
Page 2: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

2 16-31 MAR 2014

Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates.

Batay sa MARINA circular no. 2013-05

Ang parusa:

I. Ratings - 1st offense, P5,000.00 at cannot apply for Certificate of Proficiency (COP) for one month; 2nd offense, P10,000.00 at cannot apply for COP for three months; 3rd offense, lifetime ban for COP;

II. Officers - 1st offense, P10,000.00 at cannot apply for COP for three months; 2nd offense, P15,000.00 at cannot apply for COP for six months; 3rd offense, lifetime ban for COP.

Maaring mapatawan ng lifetime ban kahit sa isang dokumento lamang kapag ito ay paulit-ulit na isina-submit kapag nag-a-apply sa iba’t ibang crewing agencies.

Samantala, isang Kapitan ang sinuspinde ng Professional Regulation Commission. Ito ay dahil sa pekeng certificate na isinumite nito para makakuha ng COC.

Salaysay ng opisyal, ang kanyang manning agency ang nagproseso ng kanyang training certificate habang siya ay nasa barko pa noon. Ipinasara na ng POEA ang nasabing ahensya.

Nagpapasalamat naman ang Association of Maritime Training Centers (PAMTCI) sa aksyon ng National Bureau of Investigation.

Siyam na suspects sa pamemeke ng mga dokumento ng seaman ang kinasuhan ng NBI noong March 5 ng falsification of documents (Violation of Article 172 in relation of Article 171 of the Revised Penal Code).

Ayon kay Atty. Cesar Bacani chief ng NBI Anti-Fraud Division “The NBI is continuing investigation. Kapag may nabuo pa rin kaming kaso laban sa iba pa, ipa-file pa rin namin.”

Paiigtingin ng NBI ang pagtugis sa mga namemeke ng dokumento lalo na sa mga kilalang pinamumugaran ng mga ito sa Recto, Quiapo, Sta. Cruz, Intramuros, Paco, Luneta at Malate.

Hiniling naman ng Volunteers Against Crime and Corruption ang mabilis na resolution sa kaso dahil sa malaking impact nito sa integridad ng Standards of Training Certification and Watchkeeping (STCW) Certificates ng ating mga marino.

Susog ni PAMTCI VP for Luzon Ms. Merle Jimenez-San Pedro, by 2017 ay papasok na ang mandatory period para sa retraining ng mga seafarers. Kung hindi umano kikilos ang mga kinauukulan, marami pa ang mabibiktima at lilikha ito ng negatibong impresyon sa international maritime community.

Dahil Peke DocumentsBANNED FOR LIFE

“The equation is simple – more training requirements means more business for these unscrupulous individuals who prey on seafarers’ vulnerability...” sabi ni Ms. San Pedro.

Lalo namang hinigpitan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang verification

process sa dokumento ng mga marino.

Palusot ng ibang seaman na nahulihan ng pekeng certificate, gusto nila ng mahabang bakasyon kapiling ang kanilang pamilya. Kaya kahit mas mahal, binili na lang nila ang peke, na nagbabaka-sakaling hindi sila mahuhuli.

Libid shareholders umaasa sa pangil ng NBI.

521-3633 / 785-1130 [email protected]

Page 3: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

316-31 MAR 2014

Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act No. 10635, “An Act Establishing the Maritime Industry Authority (MARINA) as the Single Maritime Administration.”

Ang MARINA na ang gagawa ng lahat ng may kaugnayan sa issuance, validation, verification, correction, revocation o cancellation ng certificates of competency, proficiency, endorsement at iba pang documentary evidence required sa lahat ng seafarers.

Kukunin na ng MARINA ang lahat ng powers and functions ng Professional Regulation Commission, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Health at National Telecommunications Commission na may kinalaman sa STCW Convention 1978, as amended.

Sabi ni MARINA Administrator Maximo Q. Mejia Jr., sa pamamagitan nito ay maaalis na ang layers of bureaucracy.

Bubuo na ang ahensya ng Technical Working Group kasama ang mga concerned government agencies at iba pang stakeholders para sa drafting ng RA 10635 Implementing Rules and Regulation.

With house leadership support, si Angkla Congressman Jesulito Manalo ang naging piloto ng batas na ito para mabilis na makatawid sa kung anu-anong mga balakid.

Nag-rally naman laban sa panukala ang United Filipino Seafarers. Dati sila ay

sumusuporta na italagang Single Maritime Administration ang MARINA.

Ang rally ay dahil umano sa sunud-sunod na kapalpakan ng ahensya lalo na sa issuance ng COP at SIRB.

Hindi pa umano handa ang MARINA para gampanan ang lahat ng functions ng Single Admin.

Subalit tanong naman ng iba, kelan sisimulan ang pagbabago? Gaya ng batang hindi pa makalakad, hindi na ba natin aalalayan para makatakbo?

SINGLE ADMIN, BATAS NA

Page 4: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

4 16-31 MAR 2014

Dahil ba sa kayang-kaya naman nating palinyahin at paghintayin ang mga itinuturing nating “Bagong Bayani”?

Verification, authentication at lahat ng tion ay simple lang sa computer linkage. Mayroon na ngang pribadong kompanya na ino-organize ang ganitong serbisyo.

Baka naman mapahiya ang pamahalaan na pinangungunahang-bait sa responsibilidad ng pamamahalang publiko. Dapat ay ginawa na ang IT o computerization sa mga nakaraang taon pa.

Di ba nakakainis?

Meron na tayong batas against cyber crimes, dahil nag trending ang issue sa netizens. Sana higpitan ang batas at parusa sa mga namemeke at mga kasabwat para masugpo.

Ehemplo, lifetime disqualification sa mga nagsubmit ng pekeng dokumento. At long jail terms sa mga gumawa ng pamemeke.

Sana nag-invest din muna ang pamahalaan sa kaayusan ng sistema ng pagpapabilis at pag-alis ng red tape na pinag-uugatan ng pamemeke.

Meron na tayong batas sa National Computer Commission linking all agencies in the justice system pero halos manual pa rin. Dahil kapos sa dial up or dial down capability.

Hindi ba pwede ang funding galing sa realignment ng DAP at PDAF?

Mahaba pa rin ang linya sa MARINA sa pagkuha ng CoP (certificate of Proficiency).

Parang petiks petiks lang ang solusyon.

Sa isang bahagi nga pananaw ng ilang opisyal ng MARINA, ang paghaba ng linya ay dahil sa

1. paglipat ng CoP mula sa TESDA papuntang MARINA. Hindi pa handa ang MARINA sa biglaang responsibilidad.

2. Indikasyon na lumalago raw ang oportunidad ng trabaho sa maritime industry.

Apathy or inaction on this problem spawn more serious concerns which are patently illegal. And very bad for the Philippines image on the global stage.

Bukod sa dati nang problema ng pamemeke ng ibang dokumento, dumadalas ang mga report ng pekeng batayan ng pag-iisyu ng COP na mula sa University of Recto at sa kanyang mga campus sa Intramuros, Sta. Cruz, Quiapo at Malate.

At baka lalong lumala ang pamemeke dahil sa karagdagan o rebisyon ng mga dokumento na kakailanganin sa International convention coming into force.

Tinutukso nga ang ating mga marino ng ibang lahi dahil balu-balutan daw ang ating mga requirements na papeles.

Kaya siguro sa dami ng hinihingi, lumulusot ang namemeke.

Nakapagtataka na bakit hindi masolusyunan ang napakasimpleng bagay ng pamemeke. IT o computer system lang, hindi naman komplikado. Bakit nagtitiyaga pa tayo sa jurassic manual procedure?

Publisher

EDITORIAL

COMPUTERIZED,PLEASE

Marino WorldWriter’s Pool

EDITORIAL BOARD

Adm. Wilfredo Tamayo, PCG (Ret.)Capt. Rodolfo Estampador

Commo. Dante Jimenez, PCGACapt. Jaime QuinonesEngr. Sammuel Lim

Guest Columnists

JHON HENSON ONGLayout

ROYETTE DE PAZPhotography

LYN BACANIPublisher

BAYANI LAGACEditorial Consultant

1732 Modesto St. Malate, Manila521-3633; 785-1130; 0916-630-7080

[email protected]

Published twice a month by: Bacani & Associates

Media Services Co. (BASMS)

Page 5: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

516-31 MAR 2014

NUR MISUARIBINUNUTAN NG

LAKAS

SUNDALO NAPAKAIN NAMAN SA AIR DROP

KUMUKULO SA ASYA

Kasama sa aktibidad ng Mariners’ 40th Anniversary celebration ang forum para sa mga eskwelahan at electricity consumers.

Ang ‘Educate the Educators’ forum ay ginawa sa Jaime C. Jimenez Sports Complex ng MPCF, Camarines Sur.

Ito ay may paksang “Increase of Electricity Rate by CASURECO and its Impact to Colleges and Universities.”

Tinalakay ni Pete Ilagan, President ng National Association of Electricity Consumers for Reforms

Ipinagmamalaki ni Defense Spokesman Peter Paul Reuben Galvez na nakapag-air drop sila ng pagkain para sa ating mga sundalong nakatalaga sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) ng Spratlys islands.

Ang mga islang ito ay sakop ng Pilipinas na inaagaw ng Tsina. Ngayon, hindi makalapit ang

ang karapatan ng mga consumers at pag-unawa sa monthly bills.

Si Romulo “Bobby” Tuazon, UP Professor and Director for Policy Studies of the Center for People Empowerment in Governance ang nag-discuss ng epekto sa edukasyon ng mataas na electric rates.

Ang kasalukuyang kondisyon naman ng electric cooperative sa Camarines Sur at Magna Carta for electricity consumer ang topic ni Atty. Ismael Albao ng electricity consumers group.

Navy ng Pilipinas dahil sa Chinese blockade in the area kung kaya naghulog na lang ng relief goods ang ating Defense Department para sa pangangailangan ng mga sundalo nating naipit doon.

Inaasahang magkakaroon ng pagbabago dahil sa hindi makaalis o makapasok ang ating puwersa sa naturang mga isla.

Inilaglag na ng pamahalaan si Nur Misuari, dating chairman ng MNLF (Moro National Liberation Front).

Ito ay sa pagkakahalal ni Datu Hadji Abul Khayr Alonto, kapalit ng kontrobersyal na Misuari.

Hindi lanng isinantabi si Misuari, declared pa na persona non grata.

Sabi pa nga ni Alonto sa Lanao del Sur, “There is no other MNLF than us.”

Sa original na 90 brothers na nagtatag ng MNLF, 39 na lang ang natitirang buhay. At 33 ang naghalal kay Alonto.

Nagbabaga ang mga suliranin ng karatig-bansa ng Pilipinas.

Sa Indonesia, inaasahan ang mainitang halalan sa April 9. Ito ang pinakamalaking Muslim na bansa sa buong mundo.

Sabi ng mga kritiko, sa loob ng sampung taon, hindi nagampanan ni Susilo Bambang Yudhoyono ang pagsawata sa kahirapan at religious intolerance.

Sa Thailand, matatag ang mga red shirts (peaceful public rallyist) para idepensa si Prime Minister Yingluck Shinawatra.

Jatuporn Prompan of the

Si Misuari ay may council of 15 na inaawitan ni Alonto na sumapi sa bagong alyansa.

Ang paglumpo-pulitikal kay Misuari ay dahi sa dalawa niyang posisyon: 1) pagkampi sa Sultan ng Sulu sa usapin ng Sabah 2) sa pagkakagulo sa Zamboanga City.

Mapapansin na mula ng dalawang nasabing kaganapan, lagi na lang may paksyon na ikinakabit sa pangalan ni Misuari.

Magugunita na bright Muslim man ni Pangulong Cory si Misuari at masidhing rekomendado ni Senador Butch Aquino.

Para yatang hindi magkatugma ang ebalwasyon ng mag-ina kay Nur Misuari.

red shirts assures that they will support the democratic government they have rallied for so long.

And in Japan, officials, ready na raw makipag-usap uli sa North Korea.

Ito ay tungkol sa nuclear armament ng North Korea at mga Hapones na kinidnap papunta sa naturang bansa.

Ang Malaysia naman ay abalang-abala sa paghahanap ng Malaysian flight 370, katulong na ang mahigit 24 bansa na sumusuyod sa karagatan at kalupaan ng dalawang Prospective Corridors.

EDUCATE THEEDUCATORS

30% Discount Advertising Placement on May 1-15 Issue

30% Great Discount only on this Labor Day Issue.

Get onboard. Get going. MARITIMA, your flagship. Your partner.

Come Aboard!MARITIMA

Labor Day Special Issue

Page 6: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

6 16-31 MAR 2014

Babala sa mga nahihilig sa online buy and sell.

Bistado ang isang lalake sa kanyang modus operandi ng pagbili pero ang totoong pakay pala ay pagnanakaw.

Inaresto ng mga awtoridad si John Ferdinand Tupas dahil sa reklamo ng isang biktima nito.

Nagpanggap umanong buyer si Tupas ng isang nagbebenta ng cellphone online. Nakipagkita sa biktima. Binusisi ang binebentang cellphone, imbes na bayaran ay bigla na lamang itong kumaripas ng takbo tangay ang cellphone ng biktima.

Agad namang nahuli si Tupas. Nakumpiska rin sa kanya ang listahan ng mga nabiktima at bibiktimahin pa sana nito.

Patuloy na tumataas ang remittances.

Ito ay dahil sa malakas pa rin ang hiring ng OFWs, pagtataya ng (BSP), Bangko Sentral ng Pilipinas.

Total na pinadala thru the banks ay $1.79 billion mula sa dating $1.699 billion.

Isang buwan lang ang nirerelease kasi…taunan kasi pati sa ibang channel. Malaking porsiyento alternative transmittals.

Sinimulan na ng Integrated Seafarers of the Philippines ang pagbibigay ng libreng business seminar para sa mga marino at pamilya nito. Personal financial planning at how to plan and start a business ang mga paksa noong March 8. Ginawa ito sa Jemarsons Building sa Malate, Manila na pag-aari ni Capt. Jess Morales, president ng ISP.

Para sa mga nais maging miyembro ng ISP at mag-avail ng libreng seminars pangkabuhayan, tumawag sa 400-5987/400-5981.

WARNING SA ONLINE! REMITTANCES,

MASIGASIG PA RIN

6 16-31 MAR 2014

Babala sa mga nahihilig sa online buy and sell.

Bistado ang isang lalake sa kanyang modus operandi ng pagbili pero ang totoong pakay pala ay pagnanakaw.

Inaresto ng mga awtoridad si John Ferdinand Tupas dahil sa reklamo ng isang biktima nito.

Nagpanggap umanong buyer si Tupas ng isang nagbebenta ng cellphone online. Nakipagkita sa biktima. Binusisi ang binebentang cellphone, imbes na bayaran ay bigla na lamang itong kumaripas ng takbo tangay ang cellphone ng biktima.

Agad namang nahuli si Tupas. Nakumpiska rin sa kanya ang listahan ng mga nabiktima at bibiktimahin pa sana nito.

Bye bye, job well done Kuya Fazlur! Regular columnist, quarterly.

Guest speaker, National Seminar/Workshop on STCW Convention 1978 as Amended.

March 20-28, Manila. Hosted by MARINA.

Patuloy na tumataas ang remittances.

Ito ay dahil sa malakas pa rin ang hiring ng OFWs, pagtataya ng (BSP), Bangko Sentral ng Pilipinas.

Total na pinadala thru the banks ay $1.79 billion mula sa dating $1.699 billion.

Isang buwan lang ang nirerelease kasi…taunan kasi pati sa ibang channel. Malaking porsiyento alternative transmittals.

Sinimulan na ng Integrated Seafarers of the Philippines ang pagbibigay ng libreng business seminar para sa mga marino at pamilya nito. Personal financial planning at how to plan and start a business ang mga paksa noong March 8. Ginawa ito sa Jemarsons Building sa Malate, Manila na pag-aari ni Capt. Jess Morales, president ng ISP.

WARNING SA ONLINE! REMITTANCES,

MASIGASIG PA RIN

Fazlur Chowdhury, Bangladesh

Marino World

Page 7: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

716-31 MAR 2014 516-31 MAR 2014

The good news: on March 24, 2014 during the Morning Colors, the Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) awarded the National Bureau of Investigation (NBI) a Certificate of Recognition for a highly commendable accomplishment recently. It successfully neutralized a syndicate on fake seafarers training certificates.

Nine suspects were charged after a swift and effective intelligence work by NBI operatives.

This piece of good news deserves to be the opening salvo in this new column bylined by the undersigned - “VACC Maritime Corner” which makes its maiden appearance at “Maritima” in this issue.

It also gives us an inside look into what could be expected in this column.

Bakit po tayo nandito sa Maritima? Ano po ang ating concerns sa maritime industry as a crime-fighting NGO?

Ang VACC ay itinatag ng inyong abang lingkod at ilang mga justice advocates noong 1998 na ang adhikain ay alalayan ang mga biktima ng krimen, corruption at iba’t ibang klase ng karahasan.

Mula noon, ito ay naging matibay at nagungunang boses laban sa kriminalidad sa ating bansa.

Noong kasagsagan ng political turmoil in the years 2000 onwards, the VACC received a grand slam for 3 consecutive years as an outstanding Corruption Prevention Unit (CPU) in NCR in the Office of the Ombudsman.

We have sustained this staunch advocacy through the next 15

years cutting all sectors of our society.

The VACC has accepted the challenge to share with the readership of Maritima its experiences and insights on a stormy topic.

Kami po ay handang tumulong sa pagsugpo ng krimen at corruption sa abot ng aming makakaya, kaakibat dito ang mga kaso hinggil sa maritime sector.

Maliwanag po ang ating point of view. We just mentioned the neutralization by the NBI of the syndicate on seafarer’s fake training certificates.

May we also add that we are complainants in the case against the sinking of MV Princess of the Stars that killed at least 800 passengers and

crew a few years ago.

Ang VACC ay masugid na sumusubaybay sa mga kaso ng piracy attacks especially off Somalia at mga insidente ng hazing sa mga maritime schools.

We have also assisted several murder cases victimizing seafarers.

These are just a few of the maritime-related cases which we will discuss in details, along with burning issues of the day, in the subsequent columns.

We invite you to follow us as we march to battle against crime and corruption within the maritime industry we all have a crucial stake. See you next issue.

VACC MARITIME CORNER

ACCEPTS CHALLENGE

BY: DANTE LA. JIMENEZ

NBI plaques for a job well done.

VACC HONORS P/S SUPT. CONRAD S. CAPA. He was meted a virtual promotion, an actual demotion to Cebu allegedly for arresting a sacred cow like billionaire Delfin.

Page 8: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:
Page 9: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

916-31 MAR 2014

DOXCHECK– KAILANGAN. KAILANGAN AGAD

Talk of opportunities, ito ang patok na service that doubles protection for the Government and the seafarers: DOXCHECK.

Kasi, it creates a firewall against any attempt to fake documents.

DOXCHECK essentially is a multi-function secured system:

• Convenient tool to authenticate and view online.

• Streamline with encrypted codes electronically accessible anytime, anywhere in the world.

• Saves precious executive time to validate documents of applicants.

• Shields the author or agency from fraud.

• Assure holders of authentic docs which guarantees processing and pride.

Kaya nga happy ang mga dumalo sa Association of Maritime Training Centers (PAMTCI) First Assembly, Diamond Hotel, Manila, March 8, 2013.

Tinalakay doon ang IT-based concept ng DOXCHECK ni President Joseph Sarmiento ng DOXCHECK Inc. Sila ang local functionary of a global outfit.

Isang opisyal ng PAMTCI ang agarang nag-endorse sa DOXCHECK: “isang masidhing pamamaraan ng maritime industry para sa madaliang authentication, without compromising efficiency and integrity.”

He also believes, “… DOXCHECK is the answer for better

document control and encouraged members to take the next step to ensure global competitiveness.”

Daglian ngang nagpa-enroll sa DOXCHECK ang Mariner’s Polytechnic Training Center (MPTC). It is a sister-company of a maritime school with three campuses and the most prestigious in the Bicol region.

DOXCHECK ay napakahalaga sa MPTC trainees and clients dahil garantisado ang integridad ng mga dokumento, walang peke at madaling i-validate on-line.

Much more, could be juiced from DOXCHECK’s cutting-edge dialled down/dialled up IT solutions. But GM Sarmiento humbly reduces into pragmatics their practically unlimited capabilities:

“DOXCHECK customizes a special software for maritime training center (Maritime Training Center System v.2.5.4 or MTCS v.2.5.4).

This includes profiling and enrollment of trainees, creation of classes, preparation and printing of certificates with highly secured access levels.”

Service providers like schools and training centers are all positive on the power and potential to the industry of DOXCHECK offerings.

Kung kaya, an official partnering with MARINA can maximize benefits for seafarers and the Port State Administration.

At taas noo ang Pinoy sa global stage. In greater number. At sa likod nito, DOXCHECK is content knowing it has provided the nexus towards integrity and efficiency.

President Joseph Sarmiento highlights potentials.

Page 10: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

10 16-31 MAR 2014

Sinampahan ni Othello Dalanon si Kim Henares ng kasong kriminal at administratibo.

Ito ay dahil umano sa hindi pagkulekta sa P1.56 billion na buwis mula sa Golden Donuts.

Si Dalanon ay dating BIR revenue officer 2 samantalang si Henares ang siya namang hepe ng ahensya.

Ang batayan ay paglabag umano sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Marami ang nagtataka kung bakit kinampihan pa ni

Sabi ng National Treasury, noong Enero lumobo ng 5% ang pagkakautang ng National Government.

Year 2013 ay P5.594 trillion. Noong year 2012, ang utang lamang ay P5.334 trillion.

Dahil siguro sa paglobo ng utang, dalawang bagay ang isinasagawa ng National Government.

Una, ang paghihigpit ng tax collection. Mapapansin na ang mga

Ito ang posibleng hakbang ng PNP para mapunan ang karaniwang pagkukulang ng pulisya sa lawak ng pamayanan.

Nai-release na ng Department of Budget Management (DBM) ang P942 million as funding support for police expansion.

Ayon sa DBM lalawak ang police visibility lalo na sa mga lugar na mataas ang krimen.

Chief Henares na tama ang Golden Donuts na hindi magbayad ng assessment na ginawa ni Dalanon.

Ang pagtataka ay dahil sa masigasig na kampanya ni Henares sa mga doktor na hindi raw nagbabayad, mga negosyanteng umiiwas. Nagkaroon nga ng reaksyon ang mga professional na nababahiran daw sila ng korapsyon dahil sa mga advertisement ng BIR.

Sagot ni Henares sa media, dalawang beses na raw niya ni-review ang kaso at napatunayang tamang hindi magbayad ng additional P1.56B ang kompanyang pag-aari ng mga Prieto.

professionals at maliliit na kalakal ay pinipiga ng BIR.

Natural ding bumaba ang antas ng mga serbisyo dahil sa funding shortage. Malaking bahagi ng budget ang napupunta sa pagbabayad ng interes at principal sa ga-higanteng utang ng ating bansa.

Kung baga sa sariling pamamahay, napipilitang magtipid sa pagkain o medisina dahil napupunta sa pambayad ng utang ang kinikita.

Ang pinakahuling pagdagdag ng puwersa ay tatlong batches noong December 11, 13 at 27, 2013.

Ngayon sa dagdag budget, tataas na sa 149,535 ang kabuuang PNP regular force.

Kaakibat nito ang force multipliers, mga volunteers na tumutulong sa PNP kahit sila ay hindi mga pulis.

GOVERNMENT

HENARES, SABIT SA P1.56B TAX

MORE UTANG, LESS SERBISYO

3,000 PULIS HIHIRANGIN

Page 11: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

1116-31 MAR 2014

BANAHAW SUMIKLABFire Prevention Month SPECIAL

Halos magdamag ng Miyerkules, Marso-19. Naglagablab ang bundok Banahaw.Mahigit 50 hektarya ang nilamon ng apoy.

Balisa ang mga Gobernador ng Quezon at Laguna,magkatabilalawigangkinaroroonanngBanahaw.Nagdatinganagadangmga helicoptersngPAForceupangmanmananangpinsalangmaidudulot.

The fears.

Kinatatakutang lalawak ang apoy patungong Tayabas (Quezon) at Nagcarlan (Laguna) at mga karatig-bayan.

Malaking pinsala ang idudulot sa mga halamanan dito, lalo’t sinira ng bagyong Yolanda ang kabuuang pananim noong Nobyembre 8, last year.

The hope.

Sa ani ngayon umaasang babawi ang mga magbubukid. Kahit bagsak ang kamatis sa P4.00/kilo,

paakyat naman ang presyo ng ampalaya at baguio beans na mga high value cash crops.

Ang tubig.

Pinangambahan din na masira ang water shed ng Majayjay na maaaring mag-supply ng potable water hanggang Lumban at Santa Cruz.

(But the Ombudsman has decided that the project was approved on anomalous terms at baka pa nga mapatawan ng Sandigang Bayan ng criminal liabilities ang mga opisyal na kasangkot.)

Ang mga Lawa.

Ang Banahaw ay isang extinct volcano na kadugtong ng Cordillera o Siera Madre Mountain Range, na tuloy sa bundok San Cristobal hangang sa maalamat na Makiling. Ang Banahaw ay pinaghatian ng Quezon at Laguna.

Makapal noon ang ulap sa tuktok ng Banahaw. Maulan-ulan din kaya kusang nahinto ang pagkalat ng apoy. Bagama’t malawak ang tuyo’t na talahib, mabasa-basa naman ang kalakhang lupain.

Ang Laguna de Bay ay galing sa tubig na rumagasa sa pagputok ng bulkang Banahaw noong unang panahon. Ang Lawang ito ang pinakamalaki subalit pinakamababaw sa buong Pilipinas; kulong ng Metro Manila, Rizal at Laguna, hango ang pangalan sa bayan ng Bay (pronounce as Ba-i).

Ang Sampaloc Lake at anim pang lawa sa San Pablo City ay galing din sa tubig ng Banahaw.

Biodiversity

Ang sunog ay kinatakutang pipinsala sa rich biodiversity ng Banahaw. Lagi ngang may mga researchers ditto mula sa UP- Los Banos Agricultural College at iba pang mga pamantasan. Malawak pa ang pag-aaral sa flora, fauna at maliliit na buhay tulad ng mga kulisap at iba pa.

Sa nagdaang taon dumayo ang Amerikanang Sara Ramirez of Cook College. Kasama si Ms. Madison Wise Chemist graduate from Metropolitan

State College of Denver Colorado. Sila ay nag-aral at nanaliksik ng mga insekto at iba pang lower forms of life in the Banahaw forest.

Inalalayan sa paggalugad ang dalawa nilang Kagawad Warren Brosas at Tanod Rafael Cortez. Ang mga guides ay opisyales ng Barangay Bukal, Majayjay, na nasa paanan ng bundok.

Pilgrim suspects.

Anim ang pinaghihinalaang nagpasimula ng sunog. Sila raw ay mga pilgrims na nag tulos ng kandila. Maaari ding nagmula ang apoy sa kanilang pagluluto o pagsisiga laban salamig.

Banahaw is a Mystcial Mountain, tahanan ng Ispiritista at Rizalista. Isa dito ay ang Bathalismo sa pangunguna ni Venancio Wagan. Ito ay may mga deboto sa Kinabuhayan (Quezon), Lian (Batangas), at Arayat( Pampanga) ayon sa pananaliksik ni Marcelino Foronda.

Solo Dios.

Another religious sect is Samahan ngTatlong Persona Solo Dios, tatag ni Agapito Illustrisimo o Mang Ipe.

Saad naman ni Fr. Vicente Marasigan, S.J., si MangIpe ay layas na bisaya galling Bantayan Cebu. Siya ay nanggamot sa Nueva Ecija, Pampanga, Maynila, Batangas, Cavite, Quezon, Laguna, at iba pang panig ng Luzon.

Naging malapit siya kayPangulong Manuel L. Quezon na nalapatan daw niya ang karamdaman nito.

Mortal na kalaban naman daw ng angkan Illustrisimo si Don Sergio Osmenia. Dahil si lolo Agapito nila ay leader ng Pulahanes at taong labas sa pamahalaan.

Holy places.

Maaaring maraming naitirik na kandila ang mga suspects dahil sa maraming sagradong lugar sa bundok. Kasama ditto ang Kinabuhayan, Yapak, Templo, Cuebang Dios Ama, at Santa Lucia- Pinagbinyagan.

(SUNDAN SA PAGE 15)

Ang kalikasang sisirain ng apoy

Page 12: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

12 16-31 MAR 2014

Isinusulong ng Norwegian Training Center-Manila (NTC-M) ang computerization ng shipboard training ng mga cadets.

Ang NTC-M ang training center ng Norwegian Shipowner’s Association. Ang INNIT AS, Norwegian-based company, ang gumawa ng software ng webcadet.

Sa pamamagitan ng webcadet, maiiwasan umano ang mga discrepancies sa sea time at matitiyak ng mga shipping companies ang kalidad ng shipboard training.

Ipinakilala sa maritime stakeholders ang programa noong March 21 sa Hotel Sofitel, Pasay City.

Ito na kaya ang sagot para sumailalim sa totohanang shipboard training ang mga kadete?

May mga report kasi na pinagtatrabaho ng mga gawain sa barko ang ating mga kadete, katumbas ng gawain ng crew na labas sa shipboard training modules. Ito ay dahil sa pagtitipid na rin ng mga shipowners.

Samantala, dadaan pa sa masusing pag-aaral at rebisyon ang webcadet para iakma sa mga regulasyon ng Pilipinas bago tuluyang ipatupad.

Nag-aanyaya ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang OFW Dependents Scholarship Program.

Pwede and 21 years old below na anak ng active OFW OWWA member na sumusweldo ng US$400 o pababa.

Kaya pala bihirang maging iskolar ng OWWA ang mga anak ng seaman dahil malaki ang sweldo ng mga ito.

Ang scholarship grant ay P10,000 kada semester para sa tuition fees at other school-related expenses.

Pwedeng mag-enroll sa state university o sa alinmang CHED accredited schools sa Bicol para sa 4-5 years na kurso sa kolehiyo.

Priority courses ang: BS in Engineering, Sciences, Information Technology, Food Technology, Midwifery, Nutrition, Physical Therapy, Pharmacy, Health Service, Aviation, Marine Engineering at Hotel and Restaurant Management.

For inquiries and application, tumawag o magsadya sa tanggapan ng OWWA:

Regional Welfare Office V – 3rd floor ANST Building, Washington Drive, Lagaspi City; Tel. (052) 437-4562; Mobile 0917-8130867.

Naga Satellite Office – 3rd floor Raul S. Roco Library, Naga City Hall Complex, J. Miranda Ave., Naga City; Tel. (052) 473-4341; Mobile 0915-3172174.

Deadline ng applications sa April 30, 2014. No exam required.

WEBCADET(Real not Virtual)

OWWA SCHOLARS

Page 13: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

1316-31 MAR 2014

Mula sa 52 days, siyam na araw na lang ngayon ang ship registration sa Maritime Industry Authority.

Ito ay dahil sa Inilunsad ng MARINA na E-SPWEL (Enhaced Special Processing Window- Express Lane) noong March 11.

Ayon sa International Finance Corporation, sa pinabilis na registration, makakatipid ang mga shipping companies ng hanggang 30 milyong piso kada barko.

Sabi ni MARINA Administrator Max Mejia Jr, isa lamang ang E-SPWEL sa kanilang mga programa para tulungan ang industriya na maging competitive

Umalma ang mga negosyante sa environment and tourism administrative fee (Etaf ) na ipinapataw ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sabi ni Kae Verzosa, managing director ng Subic Park Hotel at ng Cabin Subic Hotel, “the new fee was too much and could drive tourists and businessmen away from the free port.”

Sinimulan ng SBMA ang pangongolekta ng Etaf noong March 4. P20 per person sa theme parks, beaches at other firms na may fixed entrance fees; P100 per person per playing day sa golf courses; at P100 per room per night sa hotels.

Katwiran ni SBMA Chair Roberto Garcia kailangan ang Etaf “to protect and conserve the environment.”

Isinisisi naman ng mga businessman sa construction ng coal-fired power plant project na suportado ng SBMA ang pagkasira ng free port environment.

at maging matatag ang operasyon sa bansa.

Open ang express lane sa mga domestic shipping companies na may-ari ng mga barkong pasado sa mga requirements gaya ng non-modification of the ship’s structure, valid statutory certificates in English language issued by a Flag State at MARINA-recognized classification society.

Ang pilot run ng proyekto ay gagawin sa MARINA central office sa Maynila hanggang July 30, 2014.

Kung maging successful, ang programa ay dadalhin din sa mga regional offices ng ahensya.

Maraming marinero ang apektado ng issue laban kay Delfin Lee, President ng Globe Asiatique.

Siya ang main suspect sa syndicated estaffa na P6.5 billion real estate scam.

Marami sa mga nabiktima ay pamilyang marinero, pinag-iipunan ang pinagtyagaan ng kanilang mga asawa sa risko ng paglalayag sa ibang bansa at kontinente.

Dalawang beses umanong tumanggap ang Globe Asiatique ng payments, una mula sa direct

FOR SALEP1.4M

18 sqm. commercial spaceOne Metro Residences

Mid-rise residential/commercial building near Philtranco, EDSA,

Pasay City

FOR RENTP18,000/month

Condo UnitThe Grand Tower

Near De La Salle University

Call / Text:785-1130;

0906-5160940

buyers at, pangalawa, mula sa mga nakakuha ng Pag-IBIG loans -- a case of double selling.

Kasabwat umano ang isang Pag-IBIG employee na si Alex Alvarez na kasama sa mga kinasuhan.

Natuklasan na sakop ng illegal scheme ang 90 percent ng housing project ng Globe Asiatique.

Dito ngayon inaasahan ng mga marinero ang liwanag ng kanilang pinag-impukan.

Ngayong ikinulong, paano na ang kanilang investment?

SIYAM NA ARAW NA LANG PAHINA ANG LOGISTICS

PROFIT SA BANSA

ETAF, ITAPON

MARINA E-SPWEL

Page 14: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

14 16-31 MAR 2014

Tanong ni Capt. Jasmin C. Labarda, bakit hindi magkaron ng all-women’s ship, o barkong ang lahat ng opisyal at crew ay puro babae.

Isa si Labarda sa aktibong lumahok sa roundtable discussion ng Women in Maritime Philippines noong March 18 sa opisina ng Maritime Industry Authority sa Maynila.

May temang “Leveling the Playing Field: Challenge to Women Seafarers 2014, tinalakay ang mga balakid at solusyon sa pagbabarko ng mga kababaihan.

Sa ngayon, dalawang porsiyento lang ng mahigit isang milyong marino sa buong mundo ang mga babae na karamihan ay nasa cruise ship at nasa hotel department pa.

Ayon kay Labarda, ang pinakahamon sa kanya ngayon ay maging kauna-unahang Pinay na Kapitan na magmamando sa international.

Naka-schedule siya sa April na mag-onboard bilang Chief Mate. Kelan kaya niya magagamit ang kanyang lisensya bilang Kapitan, na 2010 pa niya nakuha?

Posible nga kayang Pinay ang maging kapitan ng isang barkong internasyonal?

At posible nga kayang magkaroon ng isang barkong puro babae ang nagpapatakbo?

Sabi nga ni second engineer Ruth Buen, kayang-kaya ang trabaho sa barko. Di rin naman daw sobrang bigat ang kanilang binubuhat dahi kumpleto naman sa kaukulang equipment ang barko.

Susog naman ni IMS Philippines President Carmen Rebusi, “mas articulate ang babae kaysa sa lalake, kaya mas maganda ang trabaho, mas maganda ang result.”

Kung puro babae ang crew ng barko, hindi kaya babaliktad naman ang sitwasyon: ang mga babae naman ang nangdi-discriminate sa mga lalake?

ALL-WOMEN’S SHIP?

Captain Jasmin Labarda, strong prospect to be the first Pilipina ship captain.

WIMAPHIL roundtable discussion, Manila, March 18.

Page 15: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa:

1516-31 MAR 2014

Sa pananaw ng kalalakihan (para iwas gender-bias), Kapampangan women daw ang champion sa pag-aalaga ng kanilang mga husband.

Sabi naman ng iba, mga Visayan women daw dahil malambing at masunurin.

Subalit sa pananaw ng kababaihan, perfect daw na husband ay mga Norwegian. Ito ay batay sa survey ng Organization for Economic Cooperation and Development.

Ang mga Norwegian daw ay pinakamasipag tumulong sa

mga gawaing-bahay. Ang mga hapon ang pinaka-ayaw.

Malaki pa rin ang agwat between male and female na gumagawa ng mga gawaing walang bayad o house chores. Ito ay ayon sa pagsusuri sa 34 na bansa.

To quote part of the survey:

“Northern Europeans are the queens of leisure with women in Norway spending more time relaxing and entertaining than anyone else at 367 minutes a day, followed by British women with 339 minutes a day.”

Simana santa at tag-init ang pagdagsa ng mga pilgrims sa bundok Banahaw. Ngunit bawal pa ngayon ang pagakyat para makabawi muna ang bundok sa kanyang pinsala.

Kadalasan ay sa bayan ng Dolores nagsisimula ang pag-akyat ng mga nagtitika. Dito kasi ginanap ang Unang Panalangin ng Samahan ni Ama Illustrisimo.

Lone Rangers.

Mahirap ipatupad ang ban against pilgrimages and eco tourism sa Banahaw.

Nakapalawak ng maaaring pagumpisahan ng pag-akyat dahil maraming bayan sa paanan ng bundok Quezon man o Laguna.

Bagkos, iisa lang ang forest ranger na magpapatupad ng batas. Kasali na ditto ang pagdakip sa mga illegal loggers, hunters of kabog (fruit bat), musang (civet cat or lynx), cloud rats, tuko (gecko) at iba pang endangered species.

Liban pa rito ang mga taong nagtatago sa batas at mga rebeldeng kapanalig ng nasirang Ka Roger Rosal. Kung sabagay,nagroronda naman panaka-naka ang mga sundalo at pulis sa kapaligiran.

Malaki at marami pa ang pangangailangan ng Banahaw. Isa na rito ang iwasan muna ang bundok at hayaang magpagaling ang Banahaw – Sumibol ang kapaligiran, lumaganap ang buhay.

Dahil walang mga yapak ng mga mapagsamantala.

- Pinagsanib mula sa ulat ni Ruby Covar at balita sa ibat-ibang pamamahayag. Allied research by Charo B. Castro.

ACROSS1. To throw goods overboard

2. To make fast; safe

3.Elegant, luxurious

4. With no slack; strict as to discipline

5. An opening in a ship’s side, such as an airport, or cargo

ACROSS 1. Alongside 2. Registry 3. Swell 4. Hold 5.Prow DOWN 1. Abreast 2. Gantline 3. Swamp 4. Hulk 5. Dowse

*SAGOT SA NAKARAAN:

ATTY. JEFFREY DAVID

Wow, how happy are Daddy Manny and Mommy Risa for your achievement

– First try at the Bar, schooled in Rotarian

virtues. And you are now a full-fledged lawyer!

DOWN

1. Carefully

2. Side stays from the masthead to the rail

3. To braid; used with small stuff

4. The inside centre strand of rope

5. To untie

LIFESTYLE

MARITIME BREAK

BANAHAW SUMIKLAB

KUNG AKO’Y MAG-AASAWA

(FROM PAGE 11)

Page 16: SINGLE ADMIN, BATAS NA - isp.org.ph file2 16-31 MAR 2014 Ito ang hinaharap ng 13 seaman na nahulihan ng mga pekeng training certificates. Batay sa MARINA circular no. 2013-05 Ang parusa: