15
Kaantasan, Kailanan, Pamparami, Pamilang at Panlaping Makauri Pang-Uri Fely N. Vicente Maed-1 Taga-ulat Pamantasang Xavier- Ateneo De Cagayan Kolehiyo ng Sining at Agham Kagawaran ng Filipino

pang-uri

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: pang-uri

Kaantasan, Kailanan, Pamparami, Pamilang at

Panlaping Makauri

Pang-Uri

Fely N. Vicente Maed-1Taga-ulat

Pamantasang Xavier- Ateneo De Cagayan

Kolehiyo ng Sining at AghamKagawaran ng Filipino

Page 2: pang-uri

Katuturan

• Mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip.

• Salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan atbp. na tumutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap.

Page 3: pang-uri

Kailanan

May tatlong kailanan ng pang-uri: isa, dalawahan at tatluhan

IsahanKalahi ko siya.Kaibigan ko siya.

DalawahanMagkalahi kaming dalawa.Magkaibigan kaming dalawa.

TatluhanMagkakalahi tayong lahat.Magkakaibigan kaming lahat.

Page 4: pang-uri

Kaantasan

Lantay

~ tinutukoy ang katangiang sarili o panghalip na tinuturingan

Halimbawa:1. magandang dilag2. mayamang lahi3. matalinong bata4. makisig na binata5. masungit na ina

Page 5: pang-uri

Kaantasan

Pahambing~ para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o

pangyayari.Magkatulad

~ kung nagtatalaglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng panlaping: sing, kasing at magkasing\

Halimbawa1. magkasing edad2. kasimbilis3. kasinmpalad4. magkasintaas5. sintamis

~ kung ang pang-uring uulapian ay nagsisimula sa d, l, r, s, t ay magiging n ang g.

~ kung ang pang-uring uulapian ay nagsisimula sa p at b nagiging m ang g.

Page 6: pang-uri

Kaantasan

Di-Magkatulad~ kung hindi magkapantay sa katangian,

gumamit sa salitang di-gaano, higit o lalo bago ang pang-uring sinusundan: tulad, gaya o kaysa.

Halimbawa1. Si Celine ay higit na matalino kaysa kay

Ana.2. Ang pamilyang Montenegro ay lalong

mayaman kaysa sa pamilya Aleman.3. Di-gaanong kagandahan ang bahay nina

Jose di tulad kina Wally.4. Higit na magaling si Angeline kaysa kay

Chantal.5. Lalong maganda ang gown niya kaysa sa

iba.

Page 7: pang-uri

Kaantasan

Pasukdol~ ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng

isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat. Gamitin ang sumusunod na paraan

Pag-uulit na iniuugnay ng, na at nangHalimbawa

1. pabait nang pabait2. mababaw na mababaw3. pamura ng pamura4. pabata nang pabata5. matamis na matamis

Page 8: pang-uri

Kaantasan

Pagggamit ng Panlaping nag, napaka, pinaka, at anHalimbawa

1. nagtataasan2. napaakapait3. napakasaklap4. napakabait5. pinakamakisig

Paggamit ng salitang gaya ng: masyado, lubha, talaga, at tunayHalimbawa

1. masyadong matapang2. lubhang mainit3. talagang maangas4. tunay na masakit5. masyadong marupok

Page 9: pang-uri

Pamparami

~ mga salitang ipinapahayag ang daming ni-binibilang. May ibang yaring upang ipahayag ito. Maaaring gamitin din bilang pang-abayang pamparami

Halimbawa1. Buong bayan2. Maraming pera3. Ilang batang lalaki4. Kaunting asin5. Lahat ng babae

Page 10: pang-uri

Pamilang

Pamilang na Patakaran

HalimbawaIsa = 1 dalawa = 2 tatlo = 3

apat = 4lima = 5 anim = 6 pito = 7walo = 8 siyam = 9 sampu = 10

Pamilang na Panunuran~ binubuo sa pamamagitan ng unlaping ika- at

pang-

Halimbawauna = 1 ikalawa = 2 ikatlo = 3

ikaapat = 4pangalawa = 2 pangatlo = 3pang-apat= 4 panlima = 5

Page 11: pang-uri

Pamilang

Pamilang na Pamahagi~ binubuo sa pamamagitan ng unlaping

ka-, at sangka-. Maaari ding gamitin ang anyong ika- ng panuring na panunuran sa halip nito. Ginagamit ang salitang bahagdan para sa bahagi ng isang daan (% porsyento)

HalimbawaKaapat (1/4) Kalima (1/5)sangkalima (1/5) sangkapat (1/4)anim na kapito (6/7) limang-kawalo

(5/8)ikasampu (1/10)

dalawampung bahagdan (20%)

Page 12: pang-uri

Pamilang

Pamilang na Espanyol~ malimit na ginagamit ang pamilang na

patakanag Espanyol lalo na upang ipahayag ang oras at pera. Iniaangkop sa Filipino ang palabaybayan.

Halimbawauno, una = 1 dos = 2

dose = 12 beinte, bente = 20

dos siyentos = 200 disiseis = 16setenta = 70 siyete

siyentos = 700

Page 13: pang-uri

Pamilang

Pamilang na Maylapi~ sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit ng pantig

o ugat ay binunuo ang anyong pamilang

Halimbawaika- pamilang na panunuran ika-apatka- pamilang na pamahagi anim na

kapitomag- paghahati mag-apatmaka- beses makaapatpang- pamilang na panunuran pang-apatsangka- pamilang na pamahagi

sangkalima(1/5)tig- patakda tig-isa

Page 14: pang-uri

Panlaping Makauri

~ binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.~  Mga panlaping mapanuring na madalas na

ginagamit:

/Ka-/ ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng higit sa isang taong binabanggit sa pangungusap.            Hal. Kalahi, kasundo        

    /kay-/ ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na inilalarawan.                        Hal. Kayganda, Kaysaya           

 /ma-/ nagpapakita ng katangian ng pangngalan o panghalip                        Hal. Matalino, Mahusay            

Page 15: pang-uri

/maka-/ nagpapakilala ng pagkikiayon o pakikisama. Gumagamit ng gitling                           kapag,  Ito ay ikinakabit sa pangngalang pantangi.Hal. Makabayan, maka-Diyos/Mala-/ nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang isinasaad ng salitang-ugat.Hal. Malarosas, malaprinsesa

Panlaping Makauri