Pagbubuo ng pang uri

  • View
    4.419

  • Download
    11

Embed Size (px)

Text of Pagbubuo ng pang uri

Pagbubuo ng pang- uri

Pagbubuo ng pang- uriPaglalarawan ng mga Pangyayari sa Paligid

Mahiwaga ang balong iyan, wika ni Eddie. Iyan daw ay nagbibigay ng magagandang kapalaran sa mga humihiling.Siyanga? Paaano ang paghiling? Maaari din ba kaming humiling? usisa ni Charito.Aba, siyempre naman, sagtot ni Eddie. Kumuha kayo ng tigatlong maliliit na bato. Pumikit kayo, ihulog ang maliliit na bato kasabay ng inyong paghiling.

Nagsikuha sila ng maliliit na bato.Ako ang unang hihiling, sabi ni Annie.Balong mahiwaga, balong malalim! Pakinggan din sana ang aking hiling; Sana sa paglaki ko maging doktorang ubod- gallingUpang lahat ng maysakit ay gumaling.Palakpakan ang magkakaibigan.

Ako naman ang hihiling, sabi ni Edward.Balong mahiwaga, Balong malalim!Pakinggan din sana ang aking hiling;Sana magkaroon din ako ng ganitong loobanMalawak, luntian at sagana sa halaman.

Natanaw ni Eddie ang lola niya. Dala na ang kanilang tanghalian.

Matagal pang mangyayari ang mga hiling ninyo. Ako naman ang inyong pakinggan, sabi ni Eddie.Balong malalim, tubig na malinaw!Ang aking hiling iyong pakinggan;Sana kamiy pagkaloban ng mainit- init at masarap na masarap na pananghalian.

At narinig nila si Lola.O, mga bata, halina kayo, anyaya ni Lola sa mga bata.Nakita na ninyo. Ibigay agad ang hiling ko, natatawang sabi ni Eddie. Masayang nagsalo- salo ang lahat sa payak ngunit masarap na pagkain.

Ano ang nakita ng mga bata sa bukid?Ilarawan ang balon at ang bakuran ng lolo at lola ni Eddie.May karanasan ka rin bang natutulad sa mga bata? Ilarawan ang nangyari sa inyo.

saganapayakmainit- initubod- galingmahiwagamalalimhugis- pusomasarap na masarap

Ano- anong mga pang- uring panlarawan ang ginamit sa usapan. Pansinin ang mga saltang ginamit sa usapan. Paano binuo ang mga salita?8

Sagana sa halamanPayak na pagkainMainit- init na pagkainMasarap na masarap na pagkainMahiwagang balonMalalim na balonHugis- pusong balonUbod- galing na doktoraAng mga salitang ito ay naglalarawan din. Basahin ang mga pariralang ginamit ang mga salitang naglalarawan.

Ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng mga salita?9

Ang mga pang- uring panlarawan ay may apat na kayarian o pag- bubuo. Ang mga ito ayPayak- binubuo ng salitang ugatMaylapi- nilalagyan ng panlapi ang salitang- ugatHalimbawa:maka+taoputi+anInuulit- inuulit ang salitang- ugat o buong salitaHalimbawa:Malayo- layoang buti- butimasayang- masayaang liit- liitTambalan- binubuo ng dalawang salitang ugatHalimbawa: halik- Hudas patay- gutom buong- puso

KAYARIAN NG PANG- URING PANLARAWANPAYAKMAYLAPIINUULITTAMBALANHinogMakataoManipis- nipisHubog- kandilaLikasLuntianMaliit- liitLakad- pagongBerdePutianTuwang- tuwaNgiting- asoBihiraPalatawaPutol- putolBoses- ipiaSariwaKay sayaTambak- tambakBatang- lansangan

Tingnan ang sumusunod na mga salitang naglalarawan. Sabihin kung ano ang kayarian ng mga ito. Pagkatapos ay gamitin sa pangungusap ang mga salita.Halimbawa:malawak- maylapiMayaman6. hinogPayapa7. sariwang- sariwaMasarap- sarap8. laking- lansanganSirang- plaka9. lakad- pagongSagana10. pusong- bato

B. Tukuyin ang pang- uring panlarawang ginamit sa pangungusap at ang kayarian nito.

Masisipag ang kabataan sa kabilang nayon.Maraming proyekto ang binabalak nilang ilunsad.Sagana sa pagkain sa mga bukirin.Tahimik ang buhay sa nayon.Payapang pamumuhay ang nais ko.Malawak at luntian ang bakuran.Isang masarap na tanghalian ang iniluto ni Nanay.Tuwang- tuwa ang mga bata.Busog silang lahat.Masaya silang lahat.

C. Bumuo ng mga pang- uring maylapi o inuulit mula sa mga salitang- ugat.LakiPunoIsaItimPayatSobraLinisBilogLungkotIba

Kaninong Mapagpalang mga Kamay?Tag- ulan na naman. Heto ako. Naghihintay ng makapapansin sa akin. Kanina ko pa ibig umalis sa kinalalagyan ko. Ayaw ko na rito. Ako na lang ang datihan. Ako na lang ang luma. Ang mga kasama koy pawing maliliit. Ibat- ibang kulay. Ibat- ibang disenyo- may bulaklak, may bilog, may guhit, ngunit ang karamihan ay wala ni isa mang disenyo. Sila ang katulad kong napag- iwanan. Ako kasi ang pinakamahaba.

Kung kapwa nagmamahalan, ligaya ng bawat isa ang maging mapag- alala sa isat- isa.15

Itim ang kulay at kahoy ang hawakan. Hanggang kalian kaya ako maghihintay? Itong tag- ulan na naman ang aking hihintayin para may makapansin.

Ito ang maganda. Ang daling dalhin. Ang gaan- gaan pa! ang sabi ng isang babaing may makinin at mamula- mulang pisngi, si Liza.

16

Madali naming masira. Kung ako sa iyo, ito na lang ang bibilhin ko, ang sabi ng kasama niyang matabang babae, sabay hipo sa akin.Sa wakas, may nakapansin din sa akin, ang bulong ko.

Matapos magbayad sa counter, hawak- hawak ako ni Liza. Kaygaan ng aking pakiramdam. Sa

17

wakas, makalalaya na ako. Nasaan na kaya ang dati kong mga kasama?

Ang hirap sumakay ng dyip. Mabuti pa, maglakad na lang tayo, ang sabi ni Liza. May payong na naman tayo.

Naku, Liza, ayoko nga. Mahihirapan ako. Ang mabuti pa, mag- bus tayo, kahit nakatayo, ang mungkahi ng matabang babae.

18

Isang bago, maganda at malaking bus ang huminto sa tapat nila. Sumakay ang dalawa at isinabit ako sa upuan na nasa harapan ni Liza at ng kasama niyang matabang babae. Nooy patila na ang ulan. Walang tigil sa kwentuhan at tawanan ang dalawang babae. Hanggang sa

Para! ang sigaw ng nagmamay- ari sa akin.

19

Sabay nanaog ang dalawang babae. At ako? Heto. Naiwan. Ibig kong sumigaw. Ibig kong tawagin ang pangalan ng nagmamay- ari sa akin. Gusto ko silang habulin. Ngunit paano? Hindi ako marunong magsalita at wala akong mga paa.

Ilang sandali pa, isang lalaking makisig ang umupo. Aba, napansin ako! Siya pala si Dan.

20

Tiyak na naiwan ito ng may- ari. Tamang- tama. Nagpapabili ng payong si Liza. Ito na lang ang ibibigay ko sa kanya. Bagung- bago pa, ang sabi ni Dan sa sarili.

Pagbaba ni Dan, bitbit na niya ako. Sa wakas, may nagmamay- ari na uli sa akin.

Isang maliit ngunit magandang bahay ang lumantad sa aming harapan. Sa labas ng bahay sa gilid ng pinto ako isinabit ni Dan. Hanggang sa unti- unting natutuyo ang katawan ko.

21

Tik! Tak! Tik! Tak! Ay, gumagabi na, Kumusta na kaya ang aking panginoon?

May humijntong bus. Isang magandang babae ang nagbubukas ng gate. Aba, kilala ko ito. Kilala ko ang babaing ito. Ah, ito ang babaing nakaiwan sa akin. Tama, si Liza nga ito.

Aba, paanong nakarating ito rito? Ito ang payong na naiwan ko sa bus kanina, pagtataka ni Liza.

Lumabas si Dan.

22

Liza, bakit ngayon ka lang? Nahirapan kang sumakay, ano?

Oo, nga, eh ang sagot ni Liza.

Ang payong nga pala. Para sa iyo, sabi ni Dan. Binili ko

Mabuti na lang at ikaw ang nakakuha sa bus. Hinayang na hinayang nga ako, ang sabi ni Liza.

23

Anong binili mo, Dan? tanong ni Liza.

A, ang tsokolateng paborito mo, sabay abot kay Liza habang pumasok sila sa kabahayan.

Isang makahulugang ngiti ang iniukol ko kay Liza.

24

Sino ang nagkukwento?Ano ang kanyang suliranin?Ano ang nangyari sa kanya isang araw?Paano siya nakapunta kay Liza?Ano ang binalak gawin ng lalaking makisig?Paano siya nakapunta sa tunay na nagmamay- ari?Ano ang nadama ni Liza nang makita ang payong na binili niya?Paano natapos ang buhay ng nagkukwento?Mayroon ka bang alam na pangyayaring katulad ng sa kanya?Kung ikaw ang nagkukwento, ano ang mararamdaman mo?

Ano- anong mga tambalang salita at inuulit ang ginamit sa kwento?25

Ang tambalang salita ay dalawang salitang pinagtambal na maaaring taglay pa rin ang kahulugan ng bawat salita.Halimbawa:Tubig- ulan- tubig galling sa ulanSilid- aralan- silid na pinag- aaralanMay tambalang salita na nawawala ang mga kahulugan ng mga salitang pinagtambal. Nagkakaroon ito ng ibang kahulugan.Halimbawa:Anak- pawis- mahirapBoses- ipis- mahina

Ang ibang salitang inuulit ay nagkakaroon din ng ibang kahulugan.

Halimbawa:Mamula- mula- parang pulaPulang- pula- talagang pulaSabay- sabay- maraming magkakasamaUnti- unti- may kabagalanBagong- bago- talagang bago o napakabago

bagung- bago- (pinakabago, di- gaanong bago, lumang- luma)Mahapding- mahapdi- (mahapdi nang bahagya, mas mahapdi, sobra ang hapdi)Patakbu- takbo- (takbo nang takbo, takbo-hinto-takbo, mabilis ang pagtakbo)Takang- taka- (labis ang pagtataka, nagtataka, nagtataka nang kaunti)Malapit- lapit- (lubhang malapit, higit na malapit, malapit nang kaunti)

Basahi ang nakatalang mga salitang inuulit. Piliin ang salitang kasingkahulugan nito.28

Basahin ang nakatalang mga salitang inuulit at tambalang salita. Isulat ang kahulugan nito.Salitang inuulitKahuluganTambalang salitaKahuluganPaalis- alisLakad- pagongTamang- tamaDalagang- bukidHinayang na hinayangAgaw- pansinSirang- siraIsip- bataBabaing- babaeTakdang- aralinAraw- arawPamatid- uhawPuting- putiAbot- kamayMaliit na maliitBalat- sibuyasBerdeng- berdeUrong- sulongPantay- pantayBigay- tudoKaakit- akitTaos- puso