4
PAHAYAG NG PAKIKIISA MULA SA FOCUS ON THE GLOBAL SOUTH PARA SA MGA MAGSASAKANG NAGMARTSA PARA SA LUPA, PAGKAIN, AT HUSTISYA i SA SARIAYA, QUEZON. Ang Martsa ng Magsasaka ay inilunsad sa munisipyo ng Sariaya, Quezon. Si Walden Bello, kilalang mambabatas na nagsusulong ng interes ng mga magsasaka, isa rin sa nagtatag ng organisasyong Focus on the Global South at ngayon ay kumakandidato sa pagka-senador, ay nakiisa sa pagmartsa ng mga magsasaka. Litrato ni Galileo de Guzman Castillo. Munisipyo ng Sariaya, Lalawigan ng Quezon. 11 Abril 2016. Isang pagpupugay sa mahigit tatlong daang (300) magsasakang naging bahagi ng Martsa ng Magsasaka mula Sariaya, Quezon patungong Maynila; sa lahat ng mga nagmartsa ng mahigit isang daan at tatlumpung (130) kilometro sa init at tirik ng araw; at sa Kilusan Para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) at sa iba pang mga suportang grupo tulad ng Walden Bello for Senator Movement na nakiisa sa martsa! Ang Sariaya, Quezon daw ay isa sa mga “food baskets” ng Pilipinas, isa sa iilan na lamang na mga munisipyo sa buong bansa na nakakapagprodyus nang higit pa sa pansarili niyang pangangailangan; isa sa inaasahang pagkukunan ng mga produktong agrikultural ng kanyang mga karatig na probinsya at pati na rin sa buong Pilipinas. Ngunit bakit tila yata unti-unting pinapatay ng mga naghaharing panginoong may lupa, sa pakikipagsabwatan sa gobyernong Aquino, ang ating mga magsasaka sa pagbawi ng mga Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na naibigay na sa kanila? Na para bang sa una ay pinatikim lang ang ating mga magsasaka pero binawi din sa huli?

PAHAYAG NG PAKIKIISA MULA SA FOCUS ON THE … ng Pakikiisa sa Martsa ng... · kinakailangan nang bigyan ng prayoridad ang ating sektor ng agrikultura. Ang kanyang kwento na sa kasalukuyan,

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PAHAYAG NG PAKIKIISA MULA SA FOCUS ON THE … ng Pakikiisa sa Martsa ng... · kinakailangan nang bigyan ng prayoridad ang ating sektor ng agrikultura. Ang kanyang kwento na sa kasalukuyan,

PAHAYAG NG PAKIKIISA MULA SA FOCUS ON THE GLOBAL SOUTH PARA SA MGA MAGSASAKANG NAGMARTSA PARA SA

LUPA, PAGKAIN, AT HUSTISYAi

SA SARIAYA, QUEZON. Ang Martsa ng Magsasaka ay inilunsad sa munisipyo ng Sariaya, Quezon. Si Walden Bello, kilalang mambabatas na nagsusulong ng interes ng mga magsasaka, isa rin sa nagtatag ng organisasyong Focus on the Global South at ngayon ay kumakandidato sa pagka-senador, ay nakiisa sa pagmartsa ng mga magsasaka. Litrato ni Galileo de Guzman Castillo. Munisipyo ng Sariaya, Lalawigan ng Quezon. 11 Abril 2016.

Isang pagpupugay sa mahigit tatlong daang (300) magsasakang naging bahagi ng Martsa ng Magsasaka mula Sariaya, Quezon patungong Maynila; sa lahat ng mga nagmartsa ng mahigit isang daan at tatlumpung (130) kilometro sa init at tirik ng araw; at sa Kilusan Para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) at sa iba pang mga suportang grupo tulad ng Walden Bello for Senator Movement na nakiisa sa martsa! Ang Sariaya, Quezon daw ay isa sa mga “food baskets” ng Pilipinas, isa sa iilan na lamang na mga munisipyo sa buong bansa na nakakapagprodyus nang higit pa sa pansarili niyang pangangailangan; isa sa inaasahang pagkukunan ng mga produktong agrikultural ng kanyang mga karatig na probinsya at pati na rin sa buong Pilipinas. Ngunit bakit tila yata unti-unting pinapatay ng mga naghaharing panginoong may lupa, sa pakikipagsabwatan sa gobyernong Aquino, ang ating mga magsasaka sa pagbawi ng mga Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na naibigay na sa kanila? Na para bang sa una ay pinatikim lang ang ating mga magsasaka pero binawi din sa huli?

Page 2: PAHAYAG NG PAKIKIISA MULA SA FOCUS ON THE … ng Pakikiisa sa Martsa ng... · kinakailangan nang bigyan ng prayoridad ang ating sektor ng agrikultura. Ang kanyang kwento na sa kasalukuyan,

Naging saksi ang Focus on the Global South sa buong tapang na pagmamartsa ng ating mga magsasaka upang maghain ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema ng Pilipinas kaugnay ng mga kinanselang CLOA at sa pagbawi ng coco levy fund na dapat ay para sa pakinabang ng ating mga magniniyog. Pinakinggan namin ang kwento ng iilan nating mga kasamang magsasaka at suportang grupo na hindi ininda ang pagod, ang init ng araw, at ang haba ng lalakarin upang maiparating sa gobyerno ang kanilang mga hinaing.

SA KORTE SUPREMA. Naghain ng petisyon ang mga magsasaka sa Korte Suprema pagkarating sa Maynila. Ang kanilang sigaw at panawagan: “Lupa, lupa para sa magsasaka! Cancellation ng CLOA, ipatigil! Coco levy fund, ibalik, ibalik!” Litrato ni Joseph Purugganan. Kalye ng Padre Faura, Lungsod ng Maynila. 19 Abril 2016.

Ang pagkukwento ni Romeo Clavo, 40, presidente ng UGNAYAN at nagmula sa Tumbaga II, Sariaya, Quezon, kung papaano kinakansela ang mga titulo at ibinabalik sa dating may-ari ang lupang ibinigay na sa mga magsasaka dahil hindi raw ito “agricultural land” kahit ito ay malinaw nang naipamahagi sa ilalam ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms (CARPER). Ang laban sa Land Use Conversion nila Ellie Guzman, 49, taga Cabuyao, Laguna, at ang organisasyong kanyang kinabibilangan, ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino, kung saan maraming negosyanteng nagtatayo ng mga subdivision, ng mga naglalakihang gusali at pabrika na iminamaskara bilang mga “development projects” sa kanilang lugar pero ang totoong epekto nito sa kanilang mga komunidad ay ekta-ektaryang lupain na nawawala, lupain na para sana sa mga magsasaka. Ang tanong niya: “Nasaan ang kaunlaran sa ganitong bulok na sistema?” Ang hinaing ni Simplicio Manongsong, 75, isa sa mga pinakamatandang nakilahok sa pagmamartsa ng mga magsasaka, miyembro ng UGNAYAN at tubong Concepcion-

Page 3: PAHAYAG NG PAKIKIISA MULA SA FOCUS ON THE … ng Pakikiisa sa Martsa ng... · kinakailangan nang bigyan ng prayoridad ang ating sektor ng agrikultura. Ang kanyang kwento na sa kasalukuyan,

Pinagbakuran, Sariaya, Quezon, na kahit siya raw ay benepisyaryo at tagapagmana ng kanyang mga magulang at mayroong pinanghahawakang CLOA, ito ay pinawawalang-bisa ng naghaharing panginoong may lupa sa kanilang lugar. Ang kanyang daing na “Kung walang magsasaka, walang kakainin ang bansang Pilipinas!” Ang sigaw ng kabataan, sa pangunguna ni Elmer Yuri Aresgado, 26, kasapi ng Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid (PKMM), at pagtulak sa pagkilala ng gobyerno na kinakailangan nang bigyan ng prayoridad ang ating sektor ng agrikultura. Ang kanyang kwento na sa kasalukuyan, mayroon lamang kakarampot na badyet mula sa pambansang pamahalaan -- limang porsyento (5%) lamang ang napupunta para sa sektor ng agrikultura. Sobrang liit ng badyet na ito lalo pa’t kung ikokonsidera ang kinakaharap din ng ating mga magsasaka ngayon -- ang hamon ng El Niño at patuloy na pagtaas ng pandaigdigang temperatura.

GABI NG PAGKAKAISA. Nag-organisa ang Focus on the Global South ng isang gabi ng musika, tula, at pelikula sa harap ng Departamento ng Repormang Agraryo (DAR). Ang mga magsasaka ay naghanda ng improvised white screen at jeepney-battery-powered-projector-speaker set-up para sa palabas dahil ayaw magpahiram ng kuryente ng DAR. Litrato ni Judy Pasimio. DAR, Quezon Memorial Circle. 20 Abril 2016.

Iilan lang ito sa mga kwento ng ating mga magigiting na magsasakang nagmartsa upang ipanawagan ang mga sumusunod: Tuluyang pagpapatupad ng repormang agraryo; Pagtigil sa mga CLOA reversals;

Page 4: PAHAYAG NG PAKIKIISA MULA SA FOCUS ON THE … ng Pakikiisa sa Martsa ng... · kinakailangan nang bigyan ng prayoridad ang ating sektor ng agrikultura. Ang kanyang kwento na sa kasalukuyan,

Tuluyang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka; at Pagbawi sa pondong nakolekta na sa coco levy fund para sa pakinabang ng mga magniniyog. Dapat pakinggan at seryosohin ng gobyerno at ng mga maihahalal ngayong eleksyon ang mga panawagang ito at magpatupad ng mga batas na magsusulong ng interes ng mga magsasaka. Sapagkat, Hangga’t may magsasakang inaagawan ng lupa, inaapakan ang kanyang karapatan sa lupa, at winawalang-hiya ng CLOA reversals; Hangga’t hindi naibibigay ang nararapat para sa mga biktima ng inhustisya at hindi napakikinabangan ang bawat sentimo ng ninakaw na coco levy fund na dapat ay para sa higit 3.5 milyong magniniyog; At hangga’t may Pilipinong kumakalam ang tiyan sa kagutuman at sinasalubong ng bala sa laban para sa karapatan sa sapat at saganang pagkain; Ay hindi natin makakamtan ang tunay na hustisya at soberanya sa pagkain. ###

i Ang Focus on the Global South at Byanic Productions ay nagproduce ng dokumentaryo sa Martsa ng Magsasaka. Maaari itong mapanood sa link na ito: Lupa. Pagkain. Hustisya. Maaari ring makita ang mga litrato ng Martsa ng Magsasaka sa mga sumusunod na link: Quezon Lakbayan of Farmers at Laguna Lakbayan of Farmers