5
Pagsusuri ng Pelikula A. Panimula 1. Ano ang masasabi mo sa pelikula? Sa dalawang pelikula ng Feng Shui, masasabi kong bakas at litaw ang pagiging mahusay na direktor ni Chito Rono. Nabigyan nya ng isang magandang daloy at koneksyon ang Feng Shui 1 na naipalabas sampung taon taon na ang nakakalipas patungo sa isang bagong pangyayari. Ang pelikulang nagbigay ng kaba ngunit nagbigay aral sa wakas na dapat maging maingat sa iyong mga hiling dahil ang swerte at magandang kapalaran na maari mong matamo sa inyong buhay ay maaring may nakalakip na kamalasan sa mga taong nasa paligid mo. 2. Tungkol saan ang pelikula? Ang pelikuln ito ay pagpapatuloy ng Feng Shui 1. Umiikot pa din ang istorya sa isang bagua na may nakalakip na sumpa ngunit dito ay nakahanap na ang bagua ng bangong magmamay ari sa kanya. 3. Bilang isang pagaaral ano at paano mo mabibigyang motibo ang iba na panuorin ang pelikula? ilang isang magaaral, na umaasa sa swerte at humihiling ng magandang buhay kaingan natin itong panuodin upang makapulot ng aral tungkol sa mga maaring mangyari sa buhay natin sa hinaharap. . PA!SUSUR" 1. Tagpuan

Pagsusuri Ng Pelikula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

feng shui 2

Citation preview

Pagsusuri ng Pelikula

A. Panimula

1. Ano ang masasabi mo sa pelikula?Sa dalawang pelikula ng Feng Shui, masasabi kong bakas at litaw ang pagiging mahusay na direktor ni Chito Rono. Nabigyan nya ng isang magandang daloy at koneksyon ang Feng Shui 1 na naipalabas sampung taon taon na ang nakakalipas patungo sa isang bagong pangyayari.Ang pelikulang nagbigay ng kaba ngunit nagbigay aral sa wakas na dapat maging maingat sa iyong mga hiling dahil ang swerte at magandang kapalaran na maari mong matamo sa inyong buhay ay maaring may nakalakip na kamalasan sa mga taong nasa paligid mo.

2. Tungkol saan ang pelikula?Ang pelikuln ito ay pagpapatuloy ng Feng Shui 1. Umiikot pa din ang istorya sa isang bagua na may nakalakip na sumpa ngunit dito ay nakahanap na ang bagua ng bangong magmamay ari sa kanya.

3. Bilang isang pagaaral ano at paano mo mabibigyang motibo ang iba na panuorin ang pelikula?Bilang isang magaaral, na umaasa sa swerte at humihiling ng magandang buhay kaingan natin itong panuodin upang makapulot ng aral tungkol sa mga maaring mangyari sa buhay natin sa hinaharap.

B. PAGSUSURI

1. Tagpuan Binondo, Manila - Dito ginanap ang Chinese and Filipino-Chinese rituals na nagpaalab sa paniniwala ni Lester na kapangyarihan ng BaguaBagong bahay ni Lester - lugar kung saan namatay ang Ama at Ina ni LesterSquatter's Area - Lumang bahay ni LesterTaoist Temple - Lugar kung saan sinira ni Joy at Lester ang Bagua

2. TauhanKris Aquino bilang Joy RamirezCoco Martin bilang Lester AnonuevoCherry Pie Picache bilang Lily MendozaCarmi Martin bilang Ina ni LesterIan Veneracion bilang DougBeauty Gonzalez bilang EllenRez Cortez Ian de Leon bilang JackMartin EscuderoElizabeth ChuaJoonee Gamboa bilang Hsui LiaoRaikko Mateo bilang MioJenine Desiderio

3. TemaAng tema ng pelikulang ito ay Horror.

4. StoryaNagbukas ang pelikula kung saan nagtapos ang unang sequel. Ipinakita ang eksena kung saan nalaman ni Joy mula sa kanyang kaibigang si Thelma (Ilonah Jean) na hindi nakaligtas sa aksidente ang kanyang mga anak na sina Denton at Ingrid at pati na rin ang kanyang asawang si Inton. Sumunod na eksena mula rin sa unang sequel ay pinakita ang susunod na nagmay-ari ng bagua pagkatapos ni Joy. Matatandaan sa unang pelikula na may bagong pamilyang lumipat sa tapat ng bahay nina Joy. May kambal na babaeng anak ang magasawa. Tumingin din sa salamin ang dalawa at habang ipinapakita nila sa kanilang mga magulang ang natagpuan nilang bagua, makikitang nakatanaw sa bintana ng bahay si Lotus Feet.Matapos ang 10 taon, nag-fast forward ang kwento sa isang trahedya kung saan may isang ginang na sinusundan ng multo ni Lotus Feet sa kanyang condominium unit. Hindi mapakali ang ginang dahil sa karumaldumal na pangyayaring tumambad sa kanya. Duguan at wala nang malay na dinatnan niya ang kanyang asawa sa kanilang silid, at pinakita rin na may dalawang kambal na dalagita na pinaslang. Sa takot niya, makalayo lang sa nagmumultong si Lotus Feet, sumunod siya sa tinig ng mga kambal na inaakala niyang buhay pa. Ngunit ang imahe na akala niyang hagdan ay bakod na pala ng veranda ng kanilang unit at tuluyan na itong nalaglag sa kanyang kamatayan.Matapos ang tagpong ito ay ipinakilala na sa ang katauhan ni Lester (Coco Martin), kung saan sa kanyang katauhan ay iinog ang takbo ng kwento, at ang nagbabalik na si Master Hsui Liao (Joonee Gamboa). Dito nagsimula ang mission para mawasak ang isinumpang bagua. Sa kwento ni Master Hsui sa Feng Shui 1, sinabi niya na ang bagua ay pagmamay-ari ng dalawang magkapatid mula sa isang mayamang angkan sa Shanghai. Nang panahon ng rebolusyon ni Sun Yat Sen, lumikas ang mga mayayamang angkan at isa na rito ang pamilya ni Lotus Feet. Iniwan siya ng kanyang kapatid dahil hindi siya makalakad ng maayos at parang pabigat lamang ito sa kanilang paglikas. Sinabing pinagtaksilan siya ng kanyang mga alipin at sinunog ang kanyang mansion. At bago siya namatay ay sumumpang kukunin ang kaluluwa ng sino mang tumingin sa salamin ng bagua.Sa pelikulang ito, mas binigyan ng visual depiction ang nangyaring pagsunog kay Lotus Feet. Ipinakita kung paano naging isang elemento ang giyera ng mga komunista sa trahedyang sinapit ni Lotus Feet. May isang tagpo sa pelikula kung saan susunugin na siya ng mga komunista at tinitingnan niya ang lahat ng mga taong natulungan ng kanyang pamilya na hindi man lamang nangiming ipagtanggol siya mula sa kanyang nalalapit na kamatayan. Isang matalim na titig ang iniwan niya sa mga ito habang mahigpit na kinakapitan ang baguang nagsilbing tangi niyang pananggalang at sumpang magbibigay ng kamalasan sa kanyang mga magiging biktima.At hindi lang nag-iisa ngayon si Lotus Feet sa pagkakalap niya ng lagim kundi dalawa na sila ng kanyang long lost sister which is a bit inconsistent with the first film since binanggit sa narration nang unang film na lalaki ang kanyang kapatid.Sa pelikula, lumakas ang pwersa ng bagua matapos sumanib ang kaluluwa ng kapatid na babae ni Lotus Feet dito. Ang epekto, dalawang tao ang namamatay sa bawat swerteng natatanggap ng pangunahing tauhan. Pinakita din sa pelikula na pinagsamasama ng bagua ang mga nagmay-ari nito na nabubuhay pa, sina Joy (Kris Aquino) at Lily (Cherry Pie Picache) mula sa unang sequel. Pipiliin ng bagwa ang dapat na magmay-ari sa kanya at maging ang mga naunang may-ari ay hindi na rin ligtas sa pangangalap ng buhay ni Lotus Feet.

c. KONLUSYONHindi tayo dapat umasa lamang sa swerte, dapat ay magtrabaho tayo upang umunlad. hindi tayo dapat dumedepende lamang sa swerteng dala ng mga pinaniniwalaang pampaswerte dahil maaring ang swerte nating natatamo ay maaring kapalit ng malagim na kinabukasan.

D. REKOMENDASYONSa aking pananaw, ay maaring gawan ng ikatlong parte o sequel ang pelikula.Sa closing credits ng pelikula, ang girlfriend ni Lester (Coco Martin) na krater ni Beauty Gonzalez, pinakita na tinitingnan niya yung digital photo ng bagua na sinend sa kanya ni Lester. Habang nakasakay siya sa taxi ay in-eedit niya yung litrato para makuha yung close-up na salamin ng bagua at pagkatapos ay nilagyan ng kapsyon na Pampaswerte sabay post nito sa kanyang social media account na mabilis namang ni-like ng mga circle of friends niya sa kanyang social media account. Ilang sandali lang, matapos ang ilang like sa kanyang account, ay nabangga ang sinasakyang niyang taxi sa isang delivery truck na may signage na Snake. Matatandaan na yung elemento na papalibot sa kamatayan ng mga characters sa kwento ay madedetermina sa kanilang birth year ayon sa Chinese zodiac.Ang bagua naging digital na at na-share pa sa social media.Ilan pa sa mga dahilan ay hindi nagkaroon ng closure kung ano ang nangyari sa relasyon ng mga character ni Joy (Kris Aquino) at ni Doug (Ian Veneracion). Hindi ipinakita kung tuluyan bang tinanggihan o tinanggap ni Joy ang proposal ni Doug na pagpapakasal. Sa huling eksena ng pelikula, ipinakita si Joy na nasa tabi ng bangkay ni Lester kung saan napagtanto niyang ang multo nito ang tumulong sa kanya upang mawasak ang bagua. May dumating na parang police barangay mobile kung saan ipinakita ang isang mamang nakaputi na bumababa sa sasakyan habang papunta kina Joy at Lester. Tinig ng character ni Doug ang maririnig na tinatawag si Joy.Iniinisip ng mga manonoood kung naging multo rin ba ng tauhan ni Doug since bago dumating ang eksena ng pagwasak ng bagua sa Taoist Temple, ay ipinakita na nagkaroon ng gulo matapos makasagasa si Doug ng isang vendor habang papunta sila nina Joy, Lester, at Master Hsui Liao sa may Taoist Temple para wasakin ang bagua.

E. ARALSa kabuuan ng pelikulang ito, dalawang tagpo ang tumatak sa isip ko kung saan ko nakita ang mas malalalim na mensahe ng pelikula na magahahatid ng aral.Una, iyong usapan nina Joy at Master Hsui Liao tungkol sa pagbangon mula sa isang masakit na pangyayari sa buhay. Simple lang ang mensahe, may mga masasakit na bagay na pagdaraanan sa buhay ang isang tao. Pero magkagayon man, kailangang lumaban, tumayo, at bumangon para makapagbagong buhay.Pangalawa, yung scene na gusto nang tanggihan ni Lester ang mga swerte na dumarating sa buhay niya dahil ayaw niyang may mawala pang mahalagang tao sa kanyang buhay. Sa buhay natin, kung minsan, mas nabubulag tayo ng mga bagay na akala nating swerte sa atin. At dahil dito hindi na natin minsan napapagtuunan pa ng pansin kung ano yung mas mahalaga - ang ating kapwa, ang ating mga mahal sa buhay.