21
i Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan 9 _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0

Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

  • Upload
    others

  • View
    149

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

i

Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay

sa denotatibo o konotatibong kahulugan

9

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 2: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

ii

Department of Education – Region VII

Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

E-mail Address: [email protected]

Pangkat na Bumuo sa Modyul

Maygawa : Mira Joy T. Soco

Tagasuri : Anna Zhusette Z. Pintor

Tagaguhit : Gina N. Hayohoy

Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province Division

Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug EPSVR, Filipino

Dr. leah B. Apao, ASDS, Cebu Province Division

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 3: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

iii

Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay

sa denotatibo o konotatibong kahulugan

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 4: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

iv

Paunang Mensahe

Para sa mga Guro o Facilatator

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Mga Akdang Pampanitikan sa Timog Silangang Asya

(Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagpadaloy, upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong

hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang

pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at

kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-

unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-

aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

ukol sa Maikling Kwento ng Singapore. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa

iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala

ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang

oportunidad sa pagkatuto.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 5: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

v

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,

tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan

ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong

pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit

ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 6: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

vi

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o

sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong

isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga

kompetensi. Kaya mo ito!

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 7: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

1

Panimula

Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang Asya,

mahalaga ang pag-alis ng mga balakad kagaya ng mga salitang may malalalim na

kahulugan.

Sa mga pagkakataong ang kaisipang nais ipahayag ay hindi lantad, mainam

na kilalanin kung ang salita o pahayag ay may denotatibo o konotatibong

pagpapakahulugan.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakatutukoy sa mga salitang denotatibo o konotatibo batay sa paggamit ng mga

ito sa pangungusap

2. Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa

denotatibo o konotatibong kahulugan

3. Nakagagawa ng mga pahayag na ginagamitan ng denotatibo at konotatibong

pagpapakahulugan.

ALAMIN

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 8: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

2

I. SIMBOLISMO Panuto: Isulat sa patlang ang simbolismo ng mga nasa bawat larawan.

Isulat sa sagutang- papel ang iyong sagot.

1. t __ __ __ o __ 4. k __ h __ __ __ __ __ n

2. __ __ __ __ l __ a

5. __a __ a __

3. r __ __ __ __ __ y __ __

SUBUKIN

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 9: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

3

PAGPAPALIWANANG II. Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong at ipaliwanag ang inyong

naging tugon.

Isulat sa inyong kwaderno o sa sagutang papel.

1. Ano ang literal na katawagan ng mga nasa larawan?

2. Anong simbolismo ang iyong nabuo?

3. Ano ang ugnayan ng literal na katawagan sa simbolismong nabuo?

PAG-UNAWA SA PAGBASA Panuto: Basahing mabuti ang seleksyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga

kasunod na katanungan. Isulat sa sagutang- papel ang sagot.

SIGLA AT GITING PALAGING NAGNININGNING

“Malayo ang tingin wala namang tinatanaw”. Bahagi ng isang awit na

naglalarawan ng nangungusap na kasaysayan na sa puso ng bawa’t isa’y may

panahong itinatak. Kasama ko kayong silipin ang siwang ng dilim na giangalawan ng

ating lahi na nakatalikod sa katotohanang bahagi ng lupit sa pakikitalad sa hamon ng

buhay. Walang sigla… takot… pipingsaksi sa madidilim na kaganapan sa kapaligiran.

Pinahihintulutang Manahan ang dapo nang matagal sa sariling puno. Niligkis ang

sangang pinakasunuan at naghari-harian.

Tama na !... Sobra na! Ito ang umaalingawngaw sa buong kapuluan. Naganap

ang People Power Revolution sa Edsa noong Pebrero 22, 1986 sa buwan pa ng puso.

BALIKAN

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 10: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

4

Buong sigla at giting na sinalubong nang mga mamamayan, pari at madre ang

mga kanyon at tangke. Dala’y bulaklak, rosaryo at pagkaing ibinibigay sa mga sundalo

ng rehimeng Marcos. Taimtim na nagdasal at masayang nag-awitan ng makabayang

awitin ang mga tao.

Patuloy naman sa panawagan ng pagkakaisa si Jaime Cardinal Sin sa mga

mamamayan na naging mahinahon at makipagtulungan. Tinatayang mga 3 milyon

ang mga nagpunta sa EDSA. Channel 4 at mga daang patungong Malacañang upang

ipakita ang matinding pagsuporta sa mapayapang rebolusyong nagpaalis sa

kapangyarihan ng tinaguriang Diktador-Pangulong Ferdinand Marcos.

Naganap ang apat na araw na rebolusyon sa EDSA. Nagtagumpay ang mga

nabinhian ng diwang nasyonalismo dahil sa kagitingang ipinamalas. Pebrero 25,

10:20 ng umaga, ipinoklama si Gng. Corazon C. Aquino bilang kaunaunahang

pangulong babae ng bansa sa Club Filipino Greenhills, San Juan, Metro Manila. Ang

mga pangyayaring isinalaysay ay bahagi na ng ating kasaysayang nakatatak sa puso

ng bawat Pilipino.

1. Sa pahayag na “Malayo ang tingin, wala namng tinatanaw”. Bahagi ng isang

awit na naglalarawan ng nagungusap na kasaysayan na nasa puso ng bawat isa. Ang

bahaging may salungguhit ay nagpapahiwatig na :

a. karanasang di malilimot c. dapat malaman ng Pilipino ang kasaysayan

b. madugo ang karanasan ng bansa d. ang awit ay pangkasaysayan

2. “Tama na!... Sobra na!” Ibig ipakahulugan ng pahayag ang_______________.

a.galit nila sa sitwasyon c. pagtutol sa isang pangyayari

b pagsuko sa kaganapan d. paghahasik ngn karahasan

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 11: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

5

3. Taimtim na nagdasal at masayang nag-awitan ang mga tao. Sa pangungusap, makikita ang_______________.

a. pagkakaisa ng mga tao c. pananalig nila sa Dakilang Lumikha

b. pagkahilig nila sa awit d. pagiging relihiyoso ng mga tao.

4. Ang teksto ay tumatalakay sa __________________

a. panahon ni Dating Pangulong Marcos c. mapayapang himagsikan

b. Si Gng. Corazon Aquino bilang pangulo d. isang madamdaming awit

5. Ang nangingibabaw na kaisipan sa teksto ay ___________________.

a. Di dapat kalimutan ang mga kasayasayan sa bansa.

b.Ang pagkakaisa ay mahalaga sa isang bansa..

c. May magagawa ang mga mamamayan para sa bansa.

d. Umasa sa magagandang kaganapan.

Mga Tala para sa Guro Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 12: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

6

Mga Hamon sa Pag- unawa:

Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig

nito sa pangungusap. Isulat ang inyong mga naging tugon sa iyong kwaderno o sa

sagutang papel.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng

dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.

2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama

ng kaluwagang-palad nito.

3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at

ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa

ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang

mukha.

4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto,

ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa

kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y

nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.

6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.

Mga Tala para sa Guro Sa bahaging ito, tinatayang nabasa na ng mag-aaral ang maikling kwento na hango sa panitikan ng Singapore na “Ang Ama”, salin ni Mauro r. Avena.

TUKLASIN

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 13: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

7

Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto sa ibaba.

Ang denotatibong pagpapakahulugan ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng salita. Ito ay karaniwang natatagpuan sa diksyunaryo. Ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan at ito ay ginagamit sa karaniwan at simpleng pahayag.

Ang konotatibong pagpapakahulugan ay gumagamit ng simbolismo na naaayon sa kung paano ito nauunawaan ng mga tao.

SURIIN

a.Ang mga palatandaang kontekstwal ay higit na nakatutulong sa paghinuha sa nakatagong kahulugan ng mga salita.

Depinisyon. Ang kahulugan o depinisyon ng bagong salitang pag-aaralan ay nakapaloob sa binabasa.

Halimbawa: Sa butas ng nitso ay dahan-dahang inilagak ang bangkay.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 14: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

8

b. Paghihinuha. Ang estudyante ay inaasahang makagawa o makabuo ng isang palagay / opinyon / konklusyon mula sa mga katotohanan o katwiran.

Halimbawa: Ang paligid ay kakikitaan ng paghihikahos ng mga tao. Nakabilanggo sa daigdig ang barungbarong, lusak na estero, nanlilimahid na babae’t lalaki.

*Mahihinuha rito ang kahulugan ng paghihikahos sa tulong ng mga salitang lusak at nanlilimahid.

c. Paghahambing / Kontras. Ito ang pagbibigay-halaga sa mga salitang naghuhudyat ng pagkakaiba tulad ng pangatnig na subalit, pero, at ngunit, na nagpapahiwatig ng kaibahan ng kahulugan ng isang salita sa isa pang salita.

Halimbawa: Kapurit nga ang natirang pagkain ngunit nagkasya pa rin sa maraming nakasahod na kamay.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 15: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

9

TAMA O MALI Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag batay sa

pagpapakahulugan nito. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Pahayag

Pagpapakahulugan Tama o Mali

1.uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim

at ngumingiyaw → Pusang itim

denotasyon

2.Sinusunog ang kilay → nagsusunog ng

kilay

konotasyon

3.Nagaaral ng mabuti → nagsusunog ng

kilay

denotasyon

1. 4.Pantay ang paa → nagpantay ang paa

konotasyon

2. 5.Walang kulay ang mukha→ maputla

konotasyon

PAGYAMANIN

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 16: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

10

1. Anu-ano ang pinagbabatayan ng pagkabuo ng konotatibong

kahulugan ng isang salita?

2. Ano ang kahalagahan o gamit ng pagkakaroon ng denotasyong

pagpapakahulugan sa mga salita? Paano nito pinapaganda ang pananalita?

3. Anong kakayahan o katangian ang hinahasa sa paggamit ng

konotatibo at denotatibong pagpapakahulugan?

PAGSULAT NG SANAYSAY

Panuto: Sa iyong sulatang papel, sumulat ng isang maikling sanaysay na

naglalarawan sa iyong karanasan ukol sa panahon ng Covid-19 na pandemya.

Lakipan ng hindi bababa sa limang salitang may konotasyong pagpapakahulugan

(simbolismo). Bumuo ng sanaysay na may habang dalawa o tatlong talata lamang.

KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Nilalaman (45%)

Kaugnayan sa Tema (30%)

Paggamit ng Salita (25%)

Kabuuan (100%)

ISAISIP

ISAGAWA

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 17: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

11

Panuto: Suriin ang bawat salita na may kakabit na konotatibong pagpapakahulugan

(simbolismo). Magbigay ng maikling paliwanag o balidasyon sa pagkabuo ng

konotatibong kahulugan.

Hal. Pumuti ang uwak- hindi mangyayari

Sagot: Itim ang kulay ng uwak. Walang puting uwak.

1. Pantay ang paa- patay na ____________________________________ 2. Gintong kutsara- mayaman na angkan

_________________________________

3. kamay na bakal- paghihigpit ____________________________________

4.Itim- kamatayan

____________________________________

5.Basang sisiw- batang kalye

____________________________________

TAYAHIN

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 18: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

12

Panuto: Isulat sa sulatang- papel ang kahulugan ng mga salitang

sinalungguhitan.

1. Hindi malayo ang tagumpay sa mga mag-aaral na nagsusunog ng kilay.

2. Patutuloy ang kahirapan ng bansa dahil sa dami ng Buwayang

nakaluklok sa pwesto.

3. Ang kapal ng mukha ng magnanakaw na iyan!

4. Makitid ang utak ni Pedro kaya marami ang ayaw makipag-usap sa

kanya.

5. Di hamak na mariwasa na ang buhay ni Mang Erning, taliwas sa buhay

alamang na nakagisnan.

KARAGDAGANG GAWAIN

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 19: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

13

SUSI SA PAGWAWASTO

SIMBOLISMO PAG-UNAWA SA PAGBASA 1.Traydor 1. B 2.Resulta 2. C 3.Relihiyon 3. B 4.Kahirapan 4. C 5.Gabay 5. B

TUKLASIN

1.Suntok ng kanyang lasing na ama 2.Taliwas sa kamay na bakal o kahigpitan

Kabutihan; mapagbigay 3.Sanay sa karahasan

Maaaring magiging dahilan upang mapagbuhatan ng kamay ang mga anak 4.Nakapagdudulot ng matinding damdamin 5.Walang konsiderasyon; walang awa 6.Pagbabalik ng matinding pagmamahal sa anak

TAMA O MALI

1.TAMA KARAGDAGANG GAWAIN 2.MALI 1. Nag-aaral ng mabuti 3.MALI 2. Pulitikong kurakot 4.MALI 3. Hindi nakakaramdam ng hiya 5.TAMA 4. Siya lagi ang tama

5.mahirap na buhay TAYAHIN

1.Nananatiling pantay ang paa ng mga patay.

2.sa mahabang panahon; napipirmi ang mga paa

3.Mayayaman ang mga taong may maraming ginto; Kutsara ay kagamitang pampamilya

4.Ang bakal ay isang metal na matigas.;

Maihahalintulad sa rehas na bakal

5.Paniniwala ng mga nakatatanda na magsuot o Maglagay ng itim para sa pagluluksa

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 20: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

14

Sanggunian

Most Essential Learning Competencies (MELCS)

Aklat sa Panitikang Asyano

https://www.tagaloglang.com/palatandaang-kontekstwal/

http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_22_PANGUNGUSAP_NA_NAGPAP.PDF

https://quizlet.com/146294748/test

https://prezi.com/to9vljw7dytr/denotasyon-at-konotasyon/?fallback=1

http://hayzkul.blogspot.com/2015/06/mga-halimbawa-ng-detonasyon-at.html

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

Page 21: Nabibigyang- kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa ...bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9-Q1-MOD3...Upang lubos na maunawaan ang mga panitikan sa Timog- Silangang

15

Para sa katanungan o komento, maaaring sumulat o tumawag kay:

MIRA JOY T. SOCO 09156242203

[email protected]