16
8 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 8 Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Tula: Sandalangin) Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

eal of artnership Filipino · Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan MELC (F8PN-IIi-j-27) b.) Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo ng

  • Upload
    others

  • View
    59

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8

    Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 8

    Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Tula: Sandalangin)

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Shyrl Z. Tano/Ceilo Faith V. Guia

    Editor: Michel P. Enero/Ronna B. Laranjo

    Tagalapat: Franklin E. Benitez

    Tagapamahala:

    Virgilio P. Batan Jr., CESO VI - Schools Division Superintendent

    Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD

    Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor - Filipino

    Ronillo S. Yarag - Education Program Suervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo - Program Development Officer II, LRMS

    Filipino – Ikawalong Baitang

    Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)

    Ikalawang Markahan – Modyul 8: Tula: Sandalangin

    Unang Edisyon 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

    karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna

    ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay

    pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang

    pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand

    name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay

    nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

    makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at

    mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay

    kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang

    parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang

    pahintulot sa Kagawaran.

    Inilimbag sa Pilipinas ng

    Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

  • 1

    Balikan

    Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang tungkol sa Pang-uri at Kaantasan Nito.

    Mga Katanungan:

    1. Ano ang Pang-uri at ang mga kaantasan nito?

    2. Paano ginagamit ang Pang-uri at ang kaantasan nito sa pagbuo

    ng pangungusap?

    Alamin

    Sa modyul na ito maipapamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang

    nilalaman sa asignatura na ito sa pangkalahatan. Dito malalaman ang dapat

    gawin sa pagsulat ng isang sulatin at kung papaano ang kanilang mga ideya

    ay maiuugnay sa pangungusap. Sa pagtatapos ng leksyon na ito,

    maiintindihan, amtututo, malalaman ang kahalagahan at makakasulat ng

    isang panimulang pananaliksik.

    Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

    Naipamamalas ng mag-aaral ang

    pag-unawa sa mga akdang

    pampanitikang lumaganap sa

    Panahon ng Amerikano, Komonwelt

    at sa Kasalukuyan

    Naisusulat ang sariling tula sa

    alinmang anyong tinalakay tungkol sa

    pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan

    Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

    a.) Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan MELC (F8PN-IIi-j-27)

    b.) Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba pang

    anyo ng tula MELC (F8PB-IIi-j-28)

    c.) Naisusulat ang isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika

    at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay, gamit ang

    paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan MELC(F8PU-IIi-j-29)

    Aralin

    6 Tula: Sandalangin

  • 2

    Tuklasin

    Sa modyul na ito ay mabibigyang interpretasyon ang tulang

    napakinggan, maihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa

    iba pang anyo ng tula at pagsulat ng isang orihinal na tulang may masining

    na antas ng wika at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong

    tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

    Gawain: (Gawaing papel)

    Sa pamamagitan ng Word Concept ay bigyan ninyo ng sariling

    kahulugan ang tula.

    TULA

  • 3

    Suriin

    Ano nga ba ang tula?

    Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa

    guni-guni, pinararating sa ating damdamin at pinahahayag sa pananatiling may angking aliw-iw.

    SANGGUNIAN: https://quizlet.com/104748187/ang-kahulugan-ng-tula-at-ang-mga-

    elemento-atmga-uri-ng-taludturan-nito-flash-cards/

    Basahin at unawain ang tula.

    Sandalangin

    Joey A. Arrogante

    Heben, mulang ikosa Mo ako,

    sa pagkaklase ba.

    Pero nang magdisaper Ka,

    nagkawatak-watak lahat

    Kasalanan ko!

    Sinira ng pagwawala ko

    ang pagtitiwala Mo

    Pati ng barkada

    kaya sising-alipin ako.

    Ang laki ng naging kapalit

    sa binalewala kong pakikisama Mo,

    nasugapa lalo ang buhay ko,

    nasira pati ulo ko

    sa kamalasan,sa problema;

    naging demonyo ako,

    kaaway ng lahat-

    ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan.

    Ayoko na!

    Hindi na kaya

    ng aking konsiyensiya.

    Ang hirap palang wala Ka!

    Sori Among!

    Patawad!

    https://quizlet.com/104748187/ang-kahulugan-ng-tula-at-ang-mga-elemento-atmga-uri-ng-taludturan-nito-flash-cards/https://quizlet.com/104748187/ang-kahulugan-ng-tula-at-ang-mga-elemento-atmga-uri-ng-taludturan-nito-flash-cards/

  • 4

    Alam kong di-mapipiyansahan ang mga atraso ko sa 'Yo.

    Alam ko ring walang duda matutukso pa ako

    dahil di-mabunot-bunot ang damo

    na tumubo at sumakal sa kalooban ko, sa mundo ko

    na nagpapadilim sa tinatakbuhan ko,

    kaya nagbabalik-luhod ako Sa’yo

    kahit basag na ang pula ko,

    kahit basa na ang papel ko.

    Isang pakiusap

    pakinggan Mo sana:

    pabawiin Mo naman ako,

    minsang tsansa na lang ba?

    Itong-ito na lang!

    kailangang-kailangan ko kasi

    at wala na akong matatakbuhang iba

    na makikinig,

    na makakaintindi.

    Ikaw na lamang.

    Sige na naman!

    pagbigyan Mo na ako

    para naman mahulug-hulugan ko

    ang mga atraso ko Sa’yo

    at sa kanilang lahat.

    Kung gusto Mo, para mabawasan ang galit Mo,

    pulbusin Mo ang dibdib ko

    nang maisuka ko na rin

    ang lason sa katawan kong ito

    Maawa Ka na, Manong!

    Tulungan Mo ako!

    Pagalingin Mo ako!

    Baguhin Mo ako!

    Ang toyo’t talangka sa ulo ko

    pakialis Mo!

    kahit papaano

    makalakad lang uli ako nang diretso.

  • 5

    Maawa Ka na, Manong!

    Tanggapin Mo uli ako

    kahit di na kakosa,

    Maski kakilala na lang basta.

    Sige na naman!

    Ibigay Mo na sa ‘kin ang adres Mo

    at hahanapin ko ang bahay Mo

    at oras na makita ko

    ipinangangako ko Sayo:

    Sasambahin ang ngalan Mo,

    Susundin ang loob Mo,

    Dito sa lupa…para…

    Patawad Diyos ko!

    ANO ANG MGA ANYO NG TULA?

    (1) Tradisyunal – ito ay tulang may sukat at tugma. Ang mga salitang

    kadalasang ginagamit sa pagbuo nito ay mga salitang may

    malalalim na kahulugan.

    (2) Berso Blangko – ito ay tulang may sakto ngunit walang tugma.

    (3) Malayang Taludturan – ito ay anyo ng tula na walang sukat at

    wala rin tugma. Ito ang siyang tinuturing na modernong anyo ng

    panunula.

    MGA ELEMENTO NG TULA

    1. Sukat

    - Isa sa mga mahahalagang elemento ng tula ang sukat o ang bilang ng

    mga pantig sa bawat taludtod ng saknong. Karaniwang gamitin ang

    labindalawa, labing-anim, at ang labingwalong pantig.

    Halimbawa:

    da / tap / wa’t / ang / pi / si’y ti / ba / yan / mo / a / nak

    1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

    at / ba / ka / la / gu / tin ng ha / nging / ma / la / kas

    1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

    http://filipino-tula.blogspot.com/2010/06/ano-ang-mga-anyo-ng-tula.html

  • 6

    Ang halimbawang mababasa sa itaas ay mula sa tulang “Ang

    Guryon” na may sukat na lalabindalawahing pantig. Kapag binasa ang

    bawat taludtod ay nagkaka-roon ng saglit na tigil sa gitna o sa ikaanim

    na pantig. Ang saglit na tigil na ito ay tinatawag na sesura.

    2. Tugma

    - Isa sa pinakamahalagang element o sangkap ng tula ay ang

    pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita

    ng taludtod. Tinatawag itong tugma. Ang panghuling pantig sa dulo ng

    taludtod, pagkatapos ng ikaanim na pantig o katinig at binibigkas nang

    mabilis, malumanay, may impit sa lalamunan.

    3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay o Idyoma)

    - Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita

    upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. Ang mga

    sumusunod ay mga halimbawa ng mga pangungusap na nagtataglay ng

    matalinhagang pahayag o salita.

    Halimbawa:

    a.) Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.

    b.) Bumaha ng dugo nan gang bayan ay lumaya.

    c.) Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.

    4. Larawang-diwa (Imagery)

    - Ito ay mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at

    tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.

    Halimbawa:

    Kung ang baying ito’y mapapasa-panganib

    At siya ay dapat na ipagtangkilik,

    Ang anak, asawa, magulang, kapatid,

    Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

    5. Simbolismo (Symbolism)

    - Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan

    ng mambabasa.

    Halimbawa:

    puno – buhay tinik – pagsubok / hirap

    ilaw – pag-asa Bathala – panginoon

  • 7

    6. Kariktan

    - Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang isang hanay-

    hanay ng mga talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat ang

    mga bilang ng pantig ngunit di pa rin matatawag na tula kung hindi

    nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at tugmang

    sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang mga

    salita, kataga, parirala, imahen o larawang-diwa, tayutay o talinhaga, at

    mensaheng taglay na siyang lalong nagpapatingkad sa katangian nito

    bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa.

    Kaantasan ng Wika

    May dalawang kaantasan ang mga salita. Ito ay pormal at ang

    impormal o di pormal na mga salita. Ginagamit ang pormal na mga

    salita sa paaralan at sa iba pang may kapaligirang intelektuwal. Ito ang

    salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit

    ng karamihang nag-aral sa wika.

    Samantala, ang di pormal na mga salita ay karaniwang ginagamit

    sa pang-araw-araw na paikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga

    kakilala o kaibigan. Gaya ng nabanggit sa itaas, ito ginagamit ng

    magkakabayan, magkakapamilya, o magkakabarkada na

    nagkakaunwaan ng wikang sinsalita ng bawat isa.

    Mga Katanungan…..

    Kayang-kaya ko ‘to!

    1. Ano ang sukat ng una at ng ikalawang taludtod sa unang saknong ng

    tula?

    2. Paano malalaman ang sukat ng isang tula?

    3. Ano ang tugmang ginamit sa saknong 3?

    4. Aling saknong ang ginagamitan ng talinghaga?

    5. Ano-ano ang mga simbolismomg ginamit ng may-akda?

    6. Ilang saknong binubuo ang binasang tula?

    7. Ano ang anyo ng tulang “Sandalangin”?

    8. Gaano kahalaga ang mga anyo at elemento ng isang tula?

  • 8

    Pagyamanin

    Sulong para sa Tagumpay!

    Gawain 1: (Gawaing papel)

    Basahin at suriin ang ilang taludtod na hango sa tulang binasa.

    Ibigay ang iyong sariling interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga ito.

    Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

    1. Heben, mulang ikosa Mo ako,

    sa pagkakaklase ba.

    Pero nang magdisaper Ka,

    nagkawatak-watak lahat

    Kasalanan ko!

    2.Ang laki ng naging kapalit

    sa binalewala kong pakikisama Mo,

    nasugapa lalo ang buhay ko,

    nasira pati ulo ko.

    3.Alam kong di-mapipiyansahan ang

    mga atraso ko sa ‘Yo

    Alam ko ring walang duda

    matutukso pa ako

    dahil di-mabunot-bunot ang mga

    damo na tumubo at sumakal sa kalooban

    ko sa mundo

    4.Kung gusto Mo, para mabawasan

    Ang galit Mo,

    Pulbusin Mo ang dibdib ko

    Nang maisuka ko na rin

    Ang lason sa katawang ito.

    5.Maawa ka na Manong!

    Tulungan Mo ako!

    Pagalingin Mo ako

    Baguhin Mo ako!

    Ang toyo’t talangka sa ulo ko pakialis Mo!

    Kahit paano makalakad uli ako nang diretso.

  • 9

    Gawain 2: (Gawaing papel)

    Masusing paghahambing ng mga tulang “Sandalangin” at ng “Ang

    Guryon”. Basahin ang mga piling saknong ng mga tulang ito at pagkatapos

    ay suriin ito batay sa hinihingi ng talahanayang makikita sa susunod na

    pahina.

    SANDALANGIN

    Joey A. Arrogante

    Ang laki ng naging kapalit

    sa binalewala kong pakikisama Mo,

    nasugapa lalo ang buhay ko,

    nasira pati ulo ko

    sa kamalasan, sa problema;

    naging demonyo ako,

    kaaway ng lahat-

    ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan.

    Ayoko na!

    Hindi na kaya

    ng aking konsiyensya.

    Ang hirap pa lang wala Ka!

    Sori, Among!

    Patawad!

    ANG GURYON

    Ildefonso Santos

    Tanggapin mo, anak, itong munting guryon

    na yari sa patpat a papel de Hapon;

    magandang laruang pula, puti, asul,

    na may pangalan mong sa gitna naroon.

    Ang hiling ko lamang, bago paliparin

    ang guryon momg ito ay pakatimbangin;

    ang solo’ magt paulo’y sukating magaling

    nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling;

    Saka, pag umihip ang hangin, ilabas

    At sa papawiri’y bayaang lumipad;

    Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,

    At baka lagutin ng hanging malakas.

  • 10

    Paghahambing ng mga Tulang “Sandalangin” at “Ang Guryon”

    Sandalangin

    Tula

    Anyo ng

    Tula

    Sukat

    Tugma

    Mga

    Simbolismo

    Ang Guryon

    Gawain 3: (Gawaing papel)

    Sumulat ng isang orihinal na tulang masining na may apat o higit

    pang saknong sa alinmang anyo at elementong tinalakay, gamit ang paksang

    pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

    Rubrik

    Kriterya Puntos Natamong puntos

    Orihinalidad 15

    Anyo at mga elementong

    ginamit 10

    May kaugnayan sa paksa 10

    Wastong gamit ng wika 5

    Malinis at presentable 5

    Pagkakabuo 45

  • 11

    Isaisip

    Sa iyong paglalakbay ay malapit mo nang makamtan ang iyong tagumpay. Ang gaan-gaan ng feeling! Alam kong lubos mo ng naintindihan ang

    ating leksyon pero may ibibigay pa akong mga katanungan na susukat sa

    iyong kaalaman.

    Ang natutuhan ko sa modyul na ito ay

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    __________________________________________________________________________.

    Tayahin:

    I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat sa sagutang papel

    ang titik na nagtataglay ng tamang sagot.

    1. Ano ang anyo ng tula ang tulang “Sandalangin”?

    A. tradisyunal

    B. blangko berso

    C. malayang taludturan

    D. di-malayang taludturan

    2. Ilang saknong binubuo ang binasang tula?

    A. 10

    B. 9

    C. 8

    D. 7

    3. Ano ang mensahe na nais iparating ng may-akda?

    A. pagwawalang-bahala sa diyos

    B. pagbabalik-loob sa diyos

    C. walang pagsisisi sa mga kamalian

    D. huwag magpatawad sa kapwa

  • 12

    4. Suriin kung ilan ang sukat mayroon ang ikalawang taludtud na ito?

    Sasambahin ang ngalan Mo,

    Susundin ang loob Mo,

    Dito sa lupa…para…

    Patawad Diyos ko!

    - Bahagi sa tulang Sandalangin

    A. aaniming pantig

    B. wawaluhing pantig

    C. labindalawahing pantig

    D. pipituhing pantig

    5. Ano ang kaibahan sa anyo ng tulang “Sandalangin” sa tulang “Ang

    Guryon”?

    A. parehong tradisyunal

    B. parehong blangko berso

    C. di-magkapareho ang anyo

    D. parehong malayang taludturan

    6. Batay sa ikatlong saknong ano ang iyong sariling interpretasyon sa

    tula?

    A. nakikiusap sa Diyos

    B. nagmamakaawa sa Diyos

    C. nagmamahal sa Diyos

    D. nagmamalimos sa Diyos

    7. Ano ang kaibahan sa elemento ng tulang “Sandalangin” sa tulang

    “Ang Guryon”?

    A. magkapareho ang tugma

    B. magkapareho sa sukat

    C. parehong may talinghaga

    D. parehong walang simbolismo

    8. Sa pahayag na ito “Kung gusto Mo, para mabawasan ang galit Mo,

    pulbusin Mo ang dibdib ko”. Ano ang ibig ipahiwatig sa

    sinalungguhitang talinghagang ito?

    A. palambutin ang puso

    B. pagalitin ang puso

    C. paamuhin ang dibdib

    D. parusahan ang puso

  • 13

    II. Panuto: Sumulat ng isang orihinal na masining na antas ng

    wika at may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong

    tinalakay gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o

    kalikasan. 9-15 (7 puntos)

    Isagawa/ Karagdagang Gawain

    Galingan mo!

    Gawain: (Gawaing papel)

    Sumulat ng isang orihinal na tulang masining na may apat o higit pang

    saknong sa alinmang anyo at elementong tinalakay, gamit ang paksang pag-

    ibig sa kapwa, bayan o kalikasan.

    Rubriks

    Pamantayan Puntos Natamong

    puntos

    Orihinalidad 3

    Anyo ng tula 3

    Malinis at presentable ang pagkasulat 1

    Kabuuan 7 pts.

    Rubriks

    Pamantayan Puntos Natamong

    puntos

    Orihinalidad 3

    Anyo at mga Elementong ginamit 3

    Malinis at presentable ang pagkasulat 1

    Kabuuan 7 pts.

  • 14

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian

    Internet:

    https://www.scribd.com/doc/67246925/Ano-Ang-Mga-Anyo-Ng-Tula

    8/31/2020

    https://quizlet.com/104748187/ang-kahulugan-ng-tula-at-ang-mga-

    elemento-atmga-uri-ng-taludturan-nito-flash-cards/

    Aklat:

    Del Rosario, Mary Grace. Et al. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix

    Publishing House, Inc. 2017

    Pagtataya

    1. C 2. B

    3. B 4. D 5. C

    6. A 7. C

    8. A 9-15. Base sa rubrik at

    iskor ng mag-aaral