27
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob 10

Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

  • Upload
    others

  • View
    61

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1:

Ang Mataas na Gamit

at Tunguhin ng Isip

at Kilos-loob

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

Office Address: Wangal, LaTrinidad, Benguet Telefax: (074)-422-4074

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jesabell Fe C. Lag-asan

Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D.

Tagasuri: Erlinda C. Quino-an, Ed.D.

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D.

Benilda M. Daytaca, Ed.D.

Carmel F. Meris

Ethielyn Taqued, Ed.D.

Edgar H. Madlaing

Rizalyn A. Guznian, Ed.D.

Sonia D. Dupagan, Ed.D.

Vicenta C. Danigos

Page 3: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

10

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1:

Ang Mataas na Gamit

at Tunguhin ng Isip

at Kilos-loob

Page 4: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Tunguhin

ng Isip at Kilos-loob (Will)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na Tunguhin ng Isip at Kilos-loob (Will)!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad

din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Page 5: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

iii

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 6: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

iv

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Page 7: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

1

Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng

pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos

ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Ang saklaw ng araling

napapaloob sa modyul na ito ay gagabay sa iyo upang makilala ang iyong mga

kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng kongkretong hakbang upang malagpasan

ang mga kahinaang ito.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:

1.1 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP10MP-Ia-1.1)

1.2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP-Ia-1.2)

Page 8: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

2

Subukin

PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na

pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang

papel.

1. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo

ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang

pagkakaiba sapagkat parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.

3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa

masama.

4. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at

panlasa.

5. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at

nakapag-uunawa.

Page 9: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

3

PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin

ang titik ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. memorya

nakapagbubuod, at nakauunawa b. panloob na pandama

7. kakayahang makaramdam sa isang c. kamalayan

karanasan at tumugon nang hindi d. imahinasyon

dumadaan sa katwiran e. instinct

8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na

sa isip at palawakin ito pandamdam

9. kakayahang kilalanin at alaalahanin

ang nakalipas na pangyayari o karanasan

10. ito ang paningin, pandinig, pang-

amoy, at panlasa

PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa

sagutang papel.

11. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na

Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan?

a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.

b. Kamukha ng tao ang Diyos.

c. Kapareho ng tao ang Diyos.

d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.

12. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o

emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.

b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan

nito ang kaniyang nauunawaan.

c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular

na mga bagay.

d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.

13. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang

mabuti sa masama. a. isip

b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin

Page 10: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

4

14. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili

a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin

15. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa

katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at

akmang kilos-loob.

a. isip b. kilos-loob c. emosyon d. karunungan

Balikan

Natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7 at naging malinaw sa iyo na ang

tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukod-

tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng

pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos,

nagiging bukod-tangi ang tao.

PANUTO: Upang ihanda ka sa ating aralin, ating balikan ang mga natutunan mo

noong ikaw ay nasa Baitang 7. Sagutin ang gawain na may kinalaman sa nilikhang

may buhay sa mundo. Magbahagi ng dalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng

tatlong nilalang na may buhay.

HALAMAN HAYOP TAO

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Page 11: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

5

Tuklasin

Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN

PANUTO: Tunghayan at suriin ang larawan. Unawain at sagutan ang mga

katanungan tungkol sa larawan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa sagutang papel.

TANONG TAO HAYOP

1. Ano ang mayroon ang bawat isa

upang makita ang babala?

2.Ano ang kakayahang taglay ng bawat

isa upang makita ang babala?

3.Ano ang inaasahang magiging tugon

ng bawat isa sa babala?

Mula sa iyong kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao at hayop?

2. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?

3. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at aso?

Page 12: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

6

Gawain 2: PAGSUSURI SA SITWASYON

PANUTO: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa tauhan

sa sitwasyon at sagutin ang katanungang: Ano ang gagawin mo sa pangyayari? Isulat

ito sa sagutang papel.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN 1 at 2

Pamantayan Napakahusay (10)

Mahusay (8)

Nalilinang (6)

Nagsisi-mula (4)

Kalidad ng Pagpapaliwanag (60%)

Napakahusay ang pagpapaliwanag (buo at maliwanag)

Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapa-liwanag)

Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapa-liwanag)

Kailangang isaayos (malaki ang kakulangan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

Sitwasyon 1

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa

iyong mga kibigan nang biglang

napunta ang usapan tungkol kay

Jenny. Ayon sa isa mong kaibigan,

nakikipagrelasyon daw ito sa lalaking

may asawa. Kapitbahay mo si Jenny.

Sitwasyon 2

Inanyayahan ka ng iyong kaklase sa

kaarawan ng kaniyang pinsan.

Sumama ka at nakipagkwentuhan sa

iba pang bisita. Sa kalagitnaan ng

kwentuhan naglabas sila ng alak at

pinipilit ka ng iyong kaklase na tikman

ito.

Sitwasyon 3

Hindi nagawa ng matalik mong

kaibigan na si Peter ang inyong

takdang aralin sa Math. Nais niyang

kopyahin ang iyong gawain at inalok ka

niya na ililibre ka niya ng pagkain

kapag pinakopya mo siya.

Page 13: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

7

Suriin

Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang

obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na

ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos

ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.

Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa

masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na

katayuang ito.

KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO

I. PANGKAALAMANG PAKULTAD (Knowing Faculty)

Dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay

nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran.

DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO

a. Panlabas na pandama- ito ay ang paningin, pandinig, pang-

amoy, at panlasa. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay

magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad.

Mga halimbawa:

a. paningin- mata na ginagamit upang makita ang mga bagay

sa ating paligid

b. pang-amoy- ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng

amoy ng pabango o iba pang amoy sa ating paligid

c. panlasa- dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain

d. pandinig- tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang

klaseng tunog sa paligid

b. Panloob na pandama- ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon

at instinct.

Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at

nakapag-uunawa.

Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang

final exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong mag-

aral dahil gusto mong makapasa sa pagsusulit.

Page 14: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

8

Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na

pangyayari o karanasan

Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa

Pagpapakatao na ipapasa bukas.

Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin

ito.

Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay

nakarating ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong negosyo.

Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon

nang hindi dumadaan sa katwiran.

Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo

habang naglalakad pauwi, dahil sa iyong instinct mabilis kang

tumakbo.

Page 15: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

9

Ipinakita ni Esteban ang ispiritwal at materyal na kalikasan ng tao gamit ang tsart

na:

ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO

Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad

Materyal

(Katawan)

Panlabas na Pandama

Panloob na Pandama Emosyon

Ispiritwal

(Kaluluwa, Rasyonal) Isip Kilos-loob

Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.

ISIP KILOS-LOOB

Kakayahan a. may kakayahang magnilay o

magmuni-muni

b. nakauunawa

c. may kakayahang Mag-

abstraksiyon

d. makabubuo ng kahulugan at

kabuluhan ang bagay

a. Pumili, magpasiya at

isakatuparan ang pinili

b. Naaakit sa mabuti at

lumalayo sa masama

Gamit at

Tunguhin

a. humanap ng impormasiyon

b. umisip at magnilay sa mga

layunin at kahulugan ng

impormasiyon

c. sumuri at alamin ang dahilan ng

pangyayari

alamin ang mabuti at masama,

tama at mali, at ang katotohanan

a. Malayang pumili ng

gustong isipin o gawin

b. Umasam maghanap.

Mawili, humilig sa

anumang nauunawaan

ng isip

c. Maging mapanagutan

sa pagpili ng aksiyong

makabubuti sa lahat

May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang na

may buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop – ito ay

ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang magparami.

Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Tayo rin

ay may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na magpasiya at

isakatuparan ang ating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo natatangi at naiiba sa

iba pang nilikhang may buhay.

Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal na kakayahan, ang “intellect at will”.

Page 16: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

10

Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito.

TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB)

Tungkulin (function) Mag-isip (to think) Isakilos (to act)

Hangarin/Layunin(Purpose) Malaman (to know) Pumili (to choose)

Kaganapan ng tao Ang katotohanan (truth) Kabutihan (goodness)

Highest Human Fulfillment Karunungan(wisdom)

upang umunawa

Kabutihan bilang

birtud (virtue)

Pag-ibig (love)

Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo. Ang

kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa

katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang

kilos-loob.

Page 17: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

11

Pagyamanin

GAWAIN 3: KOMPLETUHIN!

PANUTO: Mula sa naging talakayan, kumpletuhin ang mahalagang konsepto

tungkol sa isip at kilos-loob. Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang

papel.

TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB)

1. Mag-isip (to think) 2.

Hangarin/Layunin

(Purpose)

3. Pumili (to choose)

4.

Ang katotohanan (truth) 5.

Highest Human

Fulfillment

6. Kabutihan bilang birtud

(virtue)

Pag-ibig (love)

karunungan upang umunawa tungkulin

kabutihan isakilos malaman

kaganapan ng tao

Page 18: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

12

GAWAIN 4: IPANGATUWIRANAN MO!

PANUTO: Suriin ang sitwasyon. Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya

mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa speech

balloon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY (10)

MAHUSAY (8)

NALILINANG (6)

NAGSISIMULA (4)

Kalidad ng Pagpapaliwanag

Napakahusay ang pagpapaliwanag (buo at maliwanag)

Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag)

Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)

Kailangang isaayos (malaki ang kakulangan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

Maganda ang performance mo sa paaralan. Lagi kang kasama sa mga may

honors. Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada mo si John na may

hindi magandang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak,

naimpluwensyahan ka niya. Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at

nanganganib din ang iyong mga grado. Kinausap ka ng iyong ama, hiningi

niya sa iyo na sabihin ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano

mong solusyon kaugnay nito.

Ano ang iyong

katuwiran?

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

Ano ang iyong magiging

solusyon?

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

__________________________

Page 19: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

13

GAWAIN 5: CROSSWORD PUZZLE

PANUTO: Sagutin ang CROSSWORD PUZZLE. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isaisip

PAHALANG

1. ito ay tumutukoy sa kakayahang

umunawa at mag-abstraksyon

3. kakayahang pumili, magpasiya at

isakatuparan ang pinili

5. pagkakaroon ng malay sa pandama,

nakapagbubuod at nakapag-uunawa

7. kakayahang lumikha ng larawan sa

isip

PABABA

2. tumutukoy ito sa paningin, pandinig,

pang-amoy, at panlasa

4. sakop nito ang kamalayan, memorya,

imahinasyon at instinct

6. kakayahang alaalahanin ang

nakaraan

8. kakayahang makaramdam at

tumugon nang hindi dumadaan sa

katuwiran

Page 20: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

14

Isagawa

GAWAIN 6: ANG AKING KAHINAAN!

PANUTO: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito,

magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas

mapabuti mo ang iyong pagpapasiya.

ANG AKING KAHINAAN MGA PARAAN UPANG MAS

MAPABUTI ANG AKING

PAGPAPASIYA

a.

b.

c.

d.

a.

b.

c.

d.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY (10)

MAHUSAY (8)

NALILINANG (6)

NAGSISIMULA (4)

Kalidad ng Pagpapaliwanag

Napakahusay ang pagpapaliwanag at nakapagtala ng apat na kahinaan (buo at maliwanag)

Mabuting pagpapaliwanag at nakapagtala ng tatlong kahinaan (katamtamang pagpapaliwanag)

Matatanggap ang pagpapaliwanag at nakapagtala ng dalawang kahinaan (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)

Kailangang isaayos at nakapagtala lamang ng isang kahinaan (malaki ang kakulangan)

Page 21: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

15

Tayahin

GAWAIN 7: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na

pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang

papel.

1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa

masama.

2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang

pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.

3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at

nakapag-uunawa.

4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at

makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at

panlasa.

Page 22: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

16

PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin

ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. kamalayan

nakapagbubuod, at nakauunawa b. instinct

7. kakayahang makaramdam sa isang c. panloob na pandama

karanasan at tumugon nang hindi d. memorya

dumadaan sa katwiran e. imahinasyon

8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na

sa isip at palawakin ito pandamdam

9. kakayahang kilalanin at alaalahanin

ang nakalipas na pangyayari o karanasan

10. ito ang paningin, pandinig, pang-

amoy, at panlasa

Page 23: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

17

PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa

sagutang papel.

11. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na

Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?

a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.

b. Kamukha ng tao ang Diyos.

c. Kapareho ng tao ang Diyos.

d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.

12. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o

emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.

b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan

nito ang kaniyang nauunawaan.

c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular

na mga bagay.

d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.

13. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.

a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin

14. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang

pinili a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin

15. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa

katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at

akmang kilos-loob.

a. isip b. kilos-loob c. emosyon d. karunungan

Page 24: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

18

Karagdagang Gawain

GAWAIN 8: ANG AKING GAMPANIN

PANUTO: Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa iyong pamilya,

paaralan, at pamayanan upang maisabuhay mo ang gamit at tunguhin ng isip at

kilos-loob? Isulat ito sa sagutang papel.

1. pamilya?

2. paaralan?

3. pamayanan?

Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY

(10)

MAHUSAY

(8)

NALILINANG

(6)

NAGSISIMULA

(4)

Kalidad ng

Pagpapaliwanag

(60%)

Napakahusay

ang

pagpapaliwanag

(buo at

maliwanag)

Mabuting

pagpapaliwanag

(katamtamang

pagpapaliwanag)

Matatanggap

ang

pagpapaliwanag

(may kaunting

kamalian ang

pagpapaliwanag)

Kailangang

isaayos

(malaki ang

kakulangan,

nagpapakita

ng kaunting

kaalaman)

a. Isip-____________________________________________ ________________________________________________

b. Kilos-loob-_______________________________________ ________________________________________________

c. Isip-____________________________________________ ________________________________________________

d. Kilos-loob-_______________________________________

________________________________________________

e. Isip-____________________________________________ ________________________________________________

f. Kilos-loob-_______________________________________

________________________________________________

Page 25: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

19

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1. TAMA

2. MALI

3. MALI

4. TAMA

5. MALI

6. a

7. b

8. e

9. d

10. f

11. a

12. b

13. a

14. b 15. d

Pagyamanin

Gawain 3

1. tungkulin

2. isakilos

3. malaman

4. Kaganapan ng tao

5. kabutihan

6. Karunungan upang

umunawa

Isaisap

Gawain 5

1. isip

2. panlabas na pandamdam

3. kilos-loob

4. panloob na pandama

5. kamalayan

6. memorya

7. imahinasyon

8. instinct

Subukin

1.TAMA 2.MALI 3.TAMA 4.MALI 5.TAMA 6.c 7.e 8.d 9.a 10.f 11.a 12.b 13.a 14.b

15.d

Page 26: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

20

Sanggunian

Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing

Corporation Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat,

DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Paglalakbay ng May Mabuting Asal Edukasyon sa Pagpapakatao ni Giselle

Mendoza, KLEAFS Publishing Inc., Block 609 Lot 3 Phase Heritage Homes Loma de

Gato Marilao, Bulacan

Mula sa Internet

https://www/scribd.com/document/Esp10-modyul2

https://www/coursehero.com.esp10mataasnagamitattunguhinngisipatkilosloob

https://www/slideshareapp.c

Page 27: Unang Markahan Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ......ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]