6
20 Human Rights FORUM “In third world countries like the Philippines, equal justice will have a synthetic ring unless the economic rights of the people, especially the poor, are protected with the same resoluteness as their right to liberty. The cases at bar are of utmost significance for they concern the right of our people to electricity and to be reasonably charged for their consumption. In configuring the contours of this economic right to a basic necessity of life, the Court shall define the limits of the power of respondent MERALCO, a giant public utility and a monopoly, to charge our people for their electric consumption. The question is: should public interest prevail over private profits?” – Supreme Court Chief Justice Reynato Puno (Third Dvision, G.R. No. 141314-November 15, 2002) n FREEDOM FROM DEBT COALITION ....................................................................................................................... A NG PILIPINAS ay kabilang sa mga bansang naghihirap, ngunit ang presyo ng kuryente dito ay kahalintulad sa mayayamang bansa. Dito sa Asya, pangalawa lamang tayo sa bansang Japan sa may pinakamataas na singil sa kuryente. Ang pangunahing dahilan sa ganitong kalagayan ay ang patuloy na pagbabayad ng kuryente mula sa mga tinatawag na Independent Power Producers (IPPs) – kuryente na hindi nalikha at nagamit ngunit garantisado ang pagbabayad mula sa konsyumer dahil na rin sa mga tinatawag na take-or-pay, fuel and exchange rate guarantees na laman ng kontrata. A n g IPP’s ay ang pinasok na kontrata ng pamahalaan at Napocor sa mga pribadong mamumuhunan upang magtayo ng mga bagong planta. Ginawa ito upang maampat ang kakulangan sa suplay ng kuryente simula noong panahon ni dating Pangulong Aquino, na nagpatuloy hanggang sa panunungkulan nina Presidente Ramos, Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo. Umabot sa mahigit 900 bilyong piso ang kabuuang obligasyon ng pamahalaan mula sa mga IPPs. Bukod sa pagkabaon sa utang ng Napocor ay malaking suliranin din ang pinansyal na pangangailangan upang tustusan ang industriya ng kuryente na siyang naging batayan upang lubusang JAY AZUCENA PEPITO FRIAS

n FREEDOM FROM DEBT COALITION - philrights.orgphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente... · Ang pangunahing dahilan sa ganitong ... buong bansa katuwang ang

  • Upload
    hanhi

  • View
    238

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: n FREEDOM FROM DEBT COALITION - philrights.orgphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente... · Ang pangunahing dahilan sa ganitong ... buong bansa katuwang ang

20 Human Rights FORUM

“In third world countries like the Philippines, equal justice will have asynthetic ring unless the economic rights of the people, especially thepoor, are protected with the same resoluteness as their right to liberty.The cases at bar are of utmost significance for they concern the right ofour people to electricity and to be reasonably charged for theirconsumption. In configuring the contours of this economic right to abasic necessity of life, the Court shall define the limits of the power ofrespondent MERALCO, a giant public utility and a monopoly, to chargeour people for their electric consumption. The question is: should publicinterest prevail over private profits?” – Supreme Court Chief JusticeReynato Puno (Third Dvision, G.R. No. 141314-November 15, 2002)

n FREEDOM FROM DEBT COALITION

.......................................................................................................................

ANG PILIPINAS ay kabilang sa mgabansang naghihirap, ngunit angpresyo ng kuryente dito aykahalintulad sa mayayamang bansa.Dito sa Asya, pangalawa lamang tayo

sa bansang Japan sa may pinakamataas na singil sakuryente. Ang pangunahing dahilan sa ganitongkalagayan ay ang patuloy na pagbabayad ngkuryente mula sa mga tinatawag na Independent

Power Producers (IPPs) – kuryente na hindinalikha at nagamit ngunit garantisado ang

pagbabayad mula sa konsyumer dahil narin sa mga tinatawag na take-or-pay, fuel

and exchange rate guarantees na lamanng kontrata.

A n gIPP’s ay angpinasok nakontrata ngpamahalaan

at Napocor samga pribadong

mamumuhunanupang magtayo ng

mga bagong planta.Ginawa ito upang

maampat angkakulangan sa suplay ngkuryente simula noongpanahon ni datingPangulong Aquino, na

nagpatuloy hanggang sapanunungkulan ninaPresidente Ramos, Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Umabot sa mahigit 900 bilyongpiso ang kabuuang obligasyonng pamahalaan mula sa mgaIPPs.

Bukod sa pagkabaon sautang ng Napocor ay malakingsuliranin din ang pinansyal napangangailangan upangtustusan ang industriya ngkuryente na siyang nagingbatayan upang lubusangJAY AZUCENA

PEPITO FRIAS

Page 2: n FREEDOM FROM DEBT COALITION - philrights.orgphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente... · Ang pangunahing dahilan sa ganitong ... buong bansa katuwang ang

21Human Rights FORUM

ANG USAPIN NGKURYENTE MULASA PERSPEKTIBA

NG KARAPATANGPANTAO

pumaloob ang gobyerno sapangkalahatang pagrerepormasa industriya. At bilang kapalitpara sa nasabing pinansyal napangangailan ay ang pagsasa-katuparan naman ng tinatawagna Structural AdjustmentProgram na ang pangunahinginstrumento ay ang prog-ramang pribatisasyon,deregulasyon at liberalisasyon.Ito ay mga kondisyones upangmakakuha ng panibagongpautang mula sa mga pangu-nahing institusyon na nag-aaloknito tulad ng World Bank, AsianDevelopment Bank, JapanEximbank at InternationalMonetary Fund. Nagkaka-halaga ng halos US$1 bilyon napautang ang nakuha nggobyerno upang pasimulan angnasabing programa.

Ang Electric Power IndustryReform Act (EPIRA) nanaisabatas noong 2001 angnagsilbing legal na mandato atbalangkas sa pagsasagawa nito.Ngunit mula noon at hanggangngayon, ay patuloy nanagresulta sa walang-kaparis napandarambong ang nilikhanitong epekto hindi lamang sapatuloy na pagtaas sa presyo ngkuryente kundi maging sakabuuang kinasasadlakan ngindustriya. Dahil bukod saginawa nitong lehitimo angpangongolekta sa mgamadadayang kontrata sa mga

IPP’s na mas kilala noon bilangPPA (Power PurchasedAdjustment) ay ginawa rinnitong mistulang pamilihanang industriya ng kuryentemula sa kaliwa’t kanan napagbebenta ng mga ari-arian nggobyerno mula sa iba’t ibangsektor nito. Ang tinutukoy nasektor ay ang generation,distribution, transmission atsupply na pangunahingkumakatawan sa ating bayarinsa kuryente.

Ang presyo ng kuryente sailalim ng EPIRA at pamumunoni GMA

Pribatisasyon ng Napocor atTransco

Mahigit sa limampungporsyento na ang naibenta na

mga planta (generation) mula sadating pinangangasiwaan ngNapocor, habang nakatakdangibenta ang natitira hanggang sataong 2009. Bukod sa porma ngdirektang pagbebenta aymayroon din nagaganap napribatisasyon sa paraan namanng pagsasapribado ng kontratana nakapailalim sa kontrata ngmga dating IPPs ng Napocor.Tinatawag nila ito ngayonbilang IPP administrator, isangpribadong entidad namangangasiwa sa suplay ngkuryente na papasok sa mgabilateral contracts sa mgadistribution companies at

maging sa pagbebenta paranaman sa binuksang pamilihanng kuryente sa WholesaleElectricity Spot Market (WESM).

Gayundin ang dinadaluyanng nalilikhang kuryente mulasa tinatawag na transmissiongrid (high voltage wires) na nabilinaman ng Monte Oro GridResources at ng State Grid ofChina noong nakaraangDisyembre 2007 sa halagang$3.95 bilyon, batay sa ginawangbidding ng Power Sector Assetsand Liabilities ManagementCorporation (PSALM). AngPSALM ang ahensya na binuong EPIRA upang pangunahan

Dito sa Asya,pangalawalamang tayosa bansangJapan sa maypinakamataasna singil sakuryente.

JAY AZUCENA

Page 3: n FREEDOM FROM DEBT COALITION - philrights.orgphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente... · Ang pangunahing dahilan sa ganitong ... buong bansa katuwang ang

22 Human Rights FORUM

ang pagbebenta ng mganabanggit na mga ari-arian nggobyerno. Patuloy din angpagbebenta ng mga sub-transmission grid (low-voltagewires) mula sa dating pag-aariat nasa pangangasiwa ngTransco (National TransmissionCorporation) para ipagbili samga private distributionutilities at mga electriccooperatives.

Kaugnay nito, upang lalongma-engganyo angmamumuhunan na bilhin angmga planta ng Napocor, aykinakailangan din nitong itaasang presyo upang sa ganitongparaan ay mabawi ang kanyangpuhunan. Sa katunayan aymayroong 15 ulit na ratesadjustment ang iginawad sapresyo ng kuryente ng Napocor(8th GRAM at 7th ICERA).Bukod dito ay mayroon pangrate increase na P1.03 mula saaplikasyon ng NPC na P1.98/kwh. Ito na ang pinakamataasna iginawad na pagtaas sapresyo ng kuryente sakasaysayan ng ERC. Iginawadito upang diumano ay maging‘financially and technicallyviable’ ang planta sa mata ngpribadong sektor.

Para naman sa epekto ngpribatisasyon ng TRANSCO aykapansin-pansin ang biglaangpagtaas sa presyo nito sapanahon na nagsisimula angbuong proseso sa bidding sakabila ng matagal na panahonna hindi paggalaw. Mula saP0.7716/kwh noongNobyembre 2005 ay biglangtumaas ito sa halagang P0.9163/kwh noong Mayo 2006. Sailalim rin ng Epira ay tinanggalna ang ilang subsidyo tulad ngtinatawag na cross-subsidies nadiumano ay isang distorsyon osagka sa totoong presyo ngkuryente sa merkado. Pinapasandin ng mga konsyumer angepekto sa korupsyon bunga ngmga nagaganap na transaksyonsa proseso ng pribatisasyon.

Ang papel ng gobyerno saindustriya at ang elekstrisidad bilanginstrumento ng kaunlaran

Ang matitirang papel nggobyerno ay ang regulasyon napangunahing gagampanan ng

Energy Regulatory Commis-sion (ERC) hinggil sa pagtatakdasa halaga ng kuryente. AngNapocor, Transco at Depart-ment of Energy (DOE) aymagbabalangkas ng mgaprograma na tinatawag ngayonbilang Philippine PowerDevelopment Plan (2006-2014).Pangunahing responsibilidadnito na tiyakin ang panga-ngailangan sa elektrisidad ngbuong bansa katuwang ang mgapribadong sektor. Angpartikular na tungkulin ngNapocor ay hikayatin angpribadong sektor na lumahoksa 61 (off-grid) na mga lugar nakung saan ay itinuturing naunviable areas tulad ng malalayo,maliliit at hiwa-hiwalay na islasa buong bansa (Bantayan Islandsa Cebu, Oriental Mindoro,Timog bahagi ng Palawan,Catanduanes, Marinduque,Tablas, Romblon at Masbate).Ang pondo dito ay kinukuha

mula sa missionaryelectrification na nagsisilbingsubsidyo para sa lahat ngnakapaloob sa Small PowerUtilities Group (SPUG).

Maging ang paglilinang samga renewable energy (REs) nanagmumula sa ating sariling

likas-yaman ay ipinasasakamayna ngayon sa pribadong sektor.Ang Malampaya Natural Gas napag-aari ng Shell at PNOC-EDCna pangunahing pinagkukunannatin ng ating geothermalenergy ay napunta na rin sakaribal nilang may-ari ng

PEPITO FRIAS

Page 4: n FREEDOM FROM DEBT COALITION - philrights.orgphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente... · Ang pangunahing dahilan sa ganitong ... buong bansa katuwang ang

23Human Rights FORUM

Meralco – walang iba kundi angmga Lopezes.

Kung susuriing mabuti, angpangunahing pangako ngEPIRA ay pagbaba sa presyo atpag-unlad ng serbisyo sa buongbansa – ngunit kabaligtaranlahat ang nangyari. Sakatunayan, mula 2003 hanggangsa kasalukuyan ay halos 100%na ang itinaas ng presyo ngkuryente. Mula sa halagangP5.65/kwh (2003) ay umakyatito sa pinakamataas na presyonoong Disyembre 2007 sahalagang P11/kwh kungibabatay sa averageconsumption na 200/kwh.

Si GMA at ang patuloy napagtaas sa presyo ng kuryente

Noong taong 2001, sa ilalimng panunungkulan ni GMA,naipasa ang batas na EPIRA. Saloob ng 7 taon ay puspusan angkanyang pagtutulak upangisalba ang bangkaroteng NPC

mula sa pagkalubog nito sanapalaking pagkaka-utang nasiyang naging mitsa upangideklara niya ang financial crisisnoong 2004. At upang ibsan angganitong kalagayan ay isinulongang pagpapataw ng 12% na buwis(mula sa dating zero rate) saindustriya ng kuryente. Ito angReform Value Added Tax o RVAT.

Nilalaman din ng EPIRA angpagpasan ng pamahalaan sa P200bilyon na utang ng Napocor. Sailalim din ng batas na ito nabuoang palpak na ERC na siya rinmismo ang nag-aapruba sakomposisyon ng mga miyembrong Komisyon. Isang patunay ditoay kinakailangan pang habulinsa Korte Suprema ang mgaginawang desisyon ng ERC tulad

ng kaso ng pagpasa ng Meralcosa konsyumer ng kanilangcorporate income tax at angovercharging sa paniningil ngPPA.

Maging ang WESM aylantarang ipinagyabang noongSONA 2006 na ngayon aypinagmumulan ng pinaka-mataas na suplay ng kuryenteng mga distribution utilitiestulad ng Meralco. Ito ay sakabila na 10% lamang ito ngkabuuang suplay ng kuryente,ngunit sa kasalukuyan aypumapalo ang halaga sa P12/kwh mula sa dating P2.788/kwh noong Hunyo 2006. Angnatitirang 90% ay nagmumulasa mga bilateral contracts atmadadayang IPPs.

Malinaw na ang mgaproblema ng industriya sakuryente ay lalong lumala atang kapakanan ng mga kon-syumer ay dumausdos, mula sadating pagiging miserablepatungo sa kalagayan na haloshindi na makapagbayad dahilna rin sa patuloy na pagtaas ngsingil sa kuryente.

Sa puntong ito, dapatmaunawaan na mahalaga angkuryente dahil nagpapagaanito sa buhay ng tao. Ngunitngayong nasasakdal ito samaanomalyang kalagayan,hindi na halos nito ganap atlubusang nagagampanan angmismong dahilan ng kanyangpag-iral sa ating lipunan – angmagpagaan at magpaunlad sa

buhay ng mga mamamayan.Isa na itong balakid sa pang-araw-araw na pamumuhay ngbawat pamilyang Pilipino atmaging sa usapin ngprogresong panlipunan.

Ang matinding epekto ngmataas na presyo ng kuryente

Epekto sa industriya atekonomiya hinggil sa hindipagkakaroon ng abot-kayangkuryente

Maliban sa daing ng mgamahihirap, ang mataas napresyo ng kuryente ay laganapna reklamo rin ng mganegosyante, lokal man odayuhan, dahil sa dagdag nagastusin sa operasyon ngkanilang mga negosyo sabansa. Batay sa ginawangsurvey ng Asian DevelopmentBank (ADB), mula 20%hanggang 45% ng kabuuangoperating expenses ngsemiconductor industry (napangunahing export industryng bansa) ay napupunta sakuryente lamang. Halos 30%naman ang inilalaan ng mganasa textile industry. Sobrangmataas na gastos ito, kungikukumpara sa 12% ngIndonesia at 10% ng Malaysia.

Kapag mataas ang gastos saoperasyon ng mga pabrika,tumataas din ang presyo ngmga produkto. Kapag mataasang presyo ng produkto,mahirap ibenta sa merkadodahil disbentahe ito sakompetisyon. Ito ay natural nabatas ng kapitalismo. Kayapara makabawi, tinitipid ngmga negosyante ang ibanggastusin sa produksyon. Bina-barat ang manggagawa, bina-baba ang kalidad ng produkto,dinadaya ang gobyerno tuladng hindi pagbabayad ngtamang buwis at pagpigil samga planong ekspansyon. Samadaling sabi, interes ngpubliko at ekonomiya angnasasakripisyo.

Kung ang mga negosyantena nakakahanap ng paraanupang mabawi ang dagdag nagastos sa pagnenegosyo aynagrereklamo sa mataas napresyo ng kuryente, paano naang ordinaryong pamilyang

Pinapasan dinng mgakonsyumer angepekto sakorupsyonbunga ng mganagaganap natransaksyon saproseso ngpribatisasyon.

PEPITO FRIAS

FREEDOM FROM DEBT COALITION

Page 5: n FREEDOM FROM DEBT COALITION - philrights.orgphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente... · Ang pangunahing dahilan sa ganitong ... buong bansa katuwang ang

24 Human Rights FORUM

Pilipino? Hindi bababa saP1,900 hanggang P2,850 angbabayaran ng isang pamilya nakumukonsumo ng 201 kwhhanggang 300 kwh kada buwan.20% na ito ng buwanang kita ngisang minimum wage earner.

Kapansin-pansin din namaging sa mga nasasakupan saprangkisa ng Meralco (Quezon,Laguna, Rizal, Cavite atBatangas), mula sa pinaka-mahihirap na komunidad nitoay damang-dama ang mabigatna pagbabayad sa kuryente. Saisang pag-aaral na tinawag na“Meralco Rural ElectrificationProject” noong 2002, sinubukangalamin ang kapasidad ng mgakonsyumer sa sistema ngkanilang pagbabayad. Ayondito, “43% of respondents alwayspaid their electricity tariff onschedule, while 53% of respondentsdelayed somewhat in paying theirbill, and 1% of respondents alwaysdelayed paying their bill. As a result,18.8% of respondents experienceddisconnection of electricity.”

Sa loob ng nakalipas naanim na taon mula nang isagawaang ganitong pag-aaral aypatuloy ang pagtaas angbayarin sa kuryente kung kaya’thindi kalabisang isipin natumaas din ang bilang ng mgahindi nakakapagbayad satakdang panahon at ang ibanaman ay hindi na magawangmagpalagay muli ng koneksyonsa tuwing napuputulan – at angtanging paraan na natitira parasa kanila ay gumawa ng ilegalna koneksyon o di kaya aymagbayad sa kanilang sarilingmga lokal na sindikatong“IPPs.”

Epekto sa pagkakaroon ngsuliranin sa akses sa kuryente

Dito sa Kamaynilaan ayumaabot sa halagang P3,000hanggang P5,000 ang babayaranupang makakuha ng koneksyonsa kuryente. Bagama’t mag-kakaiba ang sinisingil ng mgadistribution utilities para satinatawag na installation fee batayna rin sa dami ng kagamitan aylubhang mataas ang singil naito. Bukod pa dito ang pasikot-sikot na mga rekisitos tulad ngpagkuha sa right of way at titulong lupa at mga proseso na

dadaanan upang mailagay angkoneksyon at metro. Sadyangmabigat ang ganitong singilinkung susuriin ang antas ngkahirapan na patuloy nanararasan ng mga mamamayanhindi lamang sa kuryente kundimaging sa pangangailangan satubig, bigas, pamasahe at ibapang batayang serbisyo.

Ngunit ayon naman saginawang presentasyon ni TomCrouch, Deputy DirectorGeneral ng ADB, sa nakaraangPhilippine Energy Summit,patuloy na nadagdagan angbilang ng nagkaroon ngkuryente sa buong bansa. Mula55% noong 1986 ay umabot naito sa 94% (2006) para sa mganakonektahang mga barangaysa Pilipinas. At para na rin sataong nabanggit ay maykaragdagang tirahan angnagkaroon ng elektrisidad,mula sa hindi bababa sa 50% aytumaas sa 75%.

Kaugnay nito, dapat mau-nawaan ang pagkakaiba ngdepinisyon hinggil sa konek-syon sa barangay at mgatirahan, upang masuring ma-buti ang tunay na antas saginagawang programa nggobyerno para sa pagbibigay ngelektrisidad. Tinuturing ngpamahalaan na naabot ang

sinasabing 94% (barangay level)noong 2006 sa paraan ngpagbibilang na kung saan angbawat barangay (gaano mankarami ang populasyon nito)basta’t mayroong mgapamilyang konektado sa maingrid o mula sa sistema nanakalagay dito, ay binibilangna sa ganitong kategorya.Samantala, ang bawat tirahannaman na tinuturing nanakonektahang 75% ay bini-bilang sa paraan na kung saankapag nalagyan na ng linya okoneksyon ang komunidad omga tahanan (household level)papunta sa main lines ngdistribution utilities ay pasok nasa ganitong sistema ng panukat.

Lubhang alanganin angganitong mga datos. Una ay anglimitadong pagkonsidera naang bilang ng mga tirahangnakakonekta sa main distri-bution lines ay katumbas na rinng dami ng populasyon para sabuong barangay. Pangalawa,hindi tiyak o nasa antaspotensyal pa lamang dahil sahindi naman garantisadongmagagamit o gagamitin angnilagay na koneksyon bunsodna rin ng mataas na bayarin sakuryente at iba pang kada-hilanan.

Maging ang dokumento ng

ADB na tinawag na“Operationalization of theNational Development Plansand Programs for PromotingRural Electrification in thePhilippines” (Concept Paper, 30March 2005) ay nagpahayag ngmga sumusunod, “On April2004, the DOE established andcreated an Expanded RuralElectrification Program, whichtargets 100% barangayelectrification by 2008 and 90%household electrification by 2017. By2004, it has already achieved 91%barangay electrification level.However, the success level is notindicative that full electrification inthe country is achieved. It shouldbe noted that the definition of“electrification” for grid connectionrefers to having access to electricityservices i.e., when distribution linehas reached the barangay proper.Meanwhile, for off-gridelectrification a minimum of thirtyhouseholds have been energized.”

Hindi lamang sa mga lunsodnararanasan ang ganitongproblema. Mas higit nanadarama ito sa kanayunan.Napag-alaman sa hiwalay napag-aaral na hikahos ang mgamahihirap na mamamayan sausapin din ng paglalagay ngkoneksyon sa kani-kanilangtahanan. Ayon mismo sa ADB,

FREEDOM FROM DEBT COALITION

Page 6: n FREEDOM FROM DEBT COALITION - philrights.orgphilrights.org/wp-content/uploads/2010/10/Ang-usapin-ng-kuryente... · Ang pangunahing dahilan sa ganitong ... buong bansa katuwang ang

25Human Rights FORUM

“The installation fees, equivalent of0.5 – 1 year electricity bills or 70-150% of monthly income, areunaffordable for many poorfamilies.”

At sa ilalim ng panu-nungkulan ng administrasyongGMA ay patuloy nitonghinihimok ang pribadongsektor na lumahok sa tinatawagna Expanded Rural Electri-fication Program mula sa iba’tibang kaparaanan.

Ang pananagutan ngpamahalaan

Ang kuryente ay hindidirektang nakapaloob sa mgabatayang karapang pantao nakinikilala sa buong mundo.Hanggang sa kasalukuyan aypatuloy pa rin ang debate kungito ba ay bahagi ng mgabatayang karapang pantao tuladng edukasyon, pagkain,pabahay, kalayaan sapamamahayag at iba pang mgapangunahing pangangailangan.Ang batayang prinsipyo nagumagabay sa pagturing samga sinasaad ay mga bagay nahindi puwedeng mawala sa pag-iral ng sangkatauhan bunga narin ng hindi mapasusubaliangkatotohanan sa mahalagangpapel nito sa lipunan –samakatuwid, nararapatlamang na bigyang garantiya ngbawat pamahalaan.

Ang tanong: puwede bangmabuhay ang tao ng walangkuryente? Marahil aymagkakaiba ang sagot atopinyon ng bawat tao saganitong katanungan. Ngunitisang bagay ang tiyak: isangmalaking kalokohan angpaghahangad ng progreso kungwalang sapat at abot-kaya nakuryente. Ang elektrisidad aykritikal na sangkap ng atingekonomiya, na siya namangesensyal na bahagi sa pag-unladng buong lipunan.

Sa katunayan, sinasalaminito ng mga sumusunod na mgabatas at deklarasyon nanagbibigay pagkilala sakahalagahan ng elektrisidadkaugnay ng pag-unlad ng taobilang miyembro ng lipunan:

Una, ang Art.2, Sec. 9(Declaration of Principles) saSaligang Batas ng 1987: “The

State shall promote just and dynamicsocial order that will ensure theprosperity and independence of thenation and free the people frompoverty through policies that provideadequate social services, promote fullemployment, a rising standard ofliving, and an improved quality oflife for all.”

Pangalawa, ang declaration ofpolicy, section 2 ng EPIRA, “It ishereby declared the policy of theState:

(a) To ensure and accelerate thetotal electrification of thecountry;

(b) To ensure the quality,reliability, security andaffordability of the supply ofelectric power;

(c) To ensure transparent andreasonable prices ofelectricity in a regime of freeand fair competition and fullpublic accountability toachieve greater operationaland economic efficiency andenhance the competitivenessof Philippine products in theglobal market;

(f) To protect the public interestas it is affected by the rates

and services of electricutilities and other providersof electric power;

(g) To assure socially andenvironmentally compatibleenergy sources andinfrastructure;

(h) To promote the utilization ofindigenous and new andrenewable energyresources in powergeneration.”

Pangatlo, ang article 11 ngInternational Covenant onEconomic, Social, and CuturalRight: “Everyone has the right toan adequate standard of living forhimself and his family, includingadequate food, clothing and housing,and to the continuousimprovement of livingconditions.”

Ganunpaman, batid natinang buong katotohanan sa likodng ganitong mga uri ng batas atpahayag.

Patuloy ang pagtaas ngpresyo ng kuryente at kungpaano ito naging perwisyo,imbes na ginhawa, sa bawatPilipino. Maging ang suliraninsa pagkakaroon ng linya ngkuryente ay may bahid ng

pagiging abstrakto para sapamilya na itinuturing nanagkaroon ng elektrisidad.Hindi rin malulutas sa paraanng pagbibigay ng P500 subsidyolaluna kung ito ay kakarampotat hindi pang-matagalan.

Ang malala pa, maging angsuplay ng kuryente sa bansanoong 2006 na mayroongdependable capacity na 13,939 MWay sobra-sobra sa peak demand naumaabot lamang sa 8,760 MWnoong taong nabanggit. Kaya’tang kuryenteng ito na dapat aynapakinabangan ay patuloy nanawawaldas sa kabila nagarantisado ang pagbabayadbunga na rin nang hindiepisyente na sistema atpamamalakad.

Ang pinakamalakingpananagutan ng pamahalaan saating suliranin ay nagmumulasa prinsipyo at balangkas nagumagabay sa batas na EPIRA.Dahil ang esensyal na nilalamannito ay ang kusang pagsasantabisa papel ng pamahalaangtiyakin ang interes ng publikoat bilang kapalit ay angpagpapahintulot na mamayaniang interes ng mga pribadongsektor – sa pamamagitan ngpagsandig ng buong programaat patakaran ng gobyerno sakumpas at interes ngmamumuhunan. Alinsunod narin ito sa diwa ng pribatisasyon,deregulasyon at liberalisasyonng buong ekonomiya na siyangumiiral ngayon sa pan-daigdigang kalakaran.

Higit sa lahat, hindimagaganap sa ganitong mga uring polisiya at patakaran angmga inaasam na pagbabagohangga’t nananatiling pundidoang isipan ng ating pamahalaanna sa katunayan ay kumukuhalamang ng enerhiya mula sapatuloy na pangungutang atpaninikil sa karapatang pantao.Sa ultimo, ang diskurso ng mgausapin sa elektrisidad ay lagpasna sa aspetong teknikal at pang-ekonomiya – at ang usapin ngkarapatang pantao bilanginstrumento o lente ngpagsusuri ay nararapat lamangmaging susing bahagi sapaghahangad ng mamamayanpara sa tunay na hustisya atkaunlaran. n

PEPITO FRIAS