13
1 MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL A. Piliin sa kahon ang pangatnig na angkop sa bawat pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang pinili mo, pula ________ puti? 2. Ibig kong manood ng sine ________ wala naman akong pera. 3. Magpipiknik tayo ________ bubuti ang panahon. 4. Parehong pumapasok sa opisina ang aming ama ________ ina. 5. Nakailag si Ana ________ umakyat ang taksi sa bangketa. 6. Kumain ka ng prutas ________ ikaw ay maging malusog. 7. Wala namang pasok bukas ________ maaari akong magpuyat ngayong gabi. 8. Laging mataas ang marka ni Victor ________’y masipag siyang mag- aral. Ganito ba ang iyong sagot. Magaling! 1. o 6. upang 2. ngunit 7. kaya 3. kung 8. palibhasa 4. at 5. bago Pagbalik-aralan Mo Magandang Araw! Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang makukuha mo at maibibigay ang mga impormasyong nasa library card, I.D. pormularyo, matutukoy at magagamit sa pangungusap ang mga pang-ukol o kung sapagkat at kaya palibhasa ngunit bago maging habang upang

MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

  • Upload
    others

  • View
    57

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

1

MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO

AT MGA PANG-UKOL

A. Piliin sa kahon ang pangatnig na angkop sa bawat pangungusap. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang pinili mo, pula ________ puti? 2. Ibig kong manood ng sine ________ wala naman akong pera. 3. Magpipiknik tayo ________ bubuti ang panahon. 4. Parehong pumapasok sa opisina ang aming ama ________ ina. 5. Nakailag si Ana ________ umakyat ang taksi sa bangketa. 6. Kumain ka ng prutas ________ ikaw ay maging malusog. 7. Wala namang pasok bukas ________ maaari akong magpuyat

ngayong gabi. 8. Laging mataas ang marka ni Victor ________’y masipag siyang mag-

aral. Ganito ba ang iyong sagot. Magaling!

1. o 6. upang 2. ngunit 7. kaya 3. kung 8. palibhasa 4. at 5. bago

Pagbalik-aralan Mo

Magandang Araw! Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang makukuha mo at maibibigay ang mga impormasyong nasa library card, I.D. pormularyo, matutukoy at magagamit sa pangungusap ang mga pang-ukol

o kung sapagkat at kaya palibhasa ngunit bago maging habang upang

Page 2: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

2

B. May palaro ng Volleyball sa inyong lugar at gusto mong sumali subalit kailangan mo munang sagutan ang pormularyo sa ibaba. Kaya mo bang sagutin ang mga impormasyon dito? Kung oo kopyahin mo ito sa iyong sagutang papel at sagutin.

May I.D. ka ba? Anu-anong impormasyon ang makikita sa I.D? Ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, edad, grado, tirahan, magulang. Mabuti kang bata kung patuloy mong isinasagawa ang pagsusuot ng school I.D. mo!

A. Sa pagiging isang mabuting mamamayan naman ano ang dapat nating taglayin upang ang pagkakakilanlan sa bawat isa ay manatili, sedula di ba? Nakakita ka na ba ng halimbawa nito? Bago muna iyon, basahin mo ang kuwento tungkol sa “Ang mabuting mamamayan”.

Sino para sa iyo ang isang mabuting mamamayan? Maituturing ba silang mga bagong bayani?

Alamin mo muna ang kasingkahulugan ng ilang salita na hango sa kuwento, tulad ng nasa ibaba, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong sagot matapos mong iayos ang titik sa kahon upang makabuo ka ng salitang kasingkahulugan.

Pag-aralan Mo

Aplikasyon sa Paglahok sa Palarong Volleyball Pangalan ______________ ___________________ _____________ Apelyido Pangalan Panggitnang pangalan Tirahan ___________________________________________________ Kapanganakan_______________________________ Edad _____________ Timbang ____________ Taas______________ Kasarian __________ Pangalan ng mga magulang Ama __________________________________ Ina __________________________________

Page 3: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

3

1. perang naimpok 2. tugon _______________ _______________

3. kapakanan 4. ipatustos _______________ _______________

5. sahod _______________ Katulad ba ng iyong sagot ang mga salitang nasa kahon? Maaari mo nang basahin ang kuwento.

Ang Mabuting Mamamayan

(Pinagkunan : Filipino V Wika at Pagbasa) Isang gabi, habang nanonood ng telebisyon si Jairus, tinawag siya ng kanyang ina.

n i a k i i k t g o s a t

a b a u t i k h n p a g s i n g t a o s

o d s w l e

1. kinikita 4. ipanggastos 2. sagot 5. sweldo 3. kabutihan

Page 4: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

4

“Jairus, anak, pakikuha mo nga ang calculator sa loob ng tokador ko sa kuwarto,” utos ni Aling Anita. “Opo, Mama,” tumayo siya para sundin ang utos ng ina. Pagkakuha niya ng calculator, inabot niya ito sa ina at napansin niya ang ginagawa nito. “Mama, ano po ang ginagawa ninyo?” tanong nito. “Bukas ay pupunta ako sa bangko, anak. Kukunin ko ang perang naipon ko para ipambayad ng buwis. Huling araw na kasi ng pagbabayad at ngayon ko lang naharap ito dahil sa dami ng gawain dito sa bahay,” paliwanag ng ina sa anak. “Ano po ba ang buwis, Mama?” tanong ni Jairus. “Ang buwis ay ang ibinabayad sa pamahalaan ng lahat ng mamamayang naghahanapbuhay. Kinukuha ito sa kanilang kinikita, tulad nating may maliit na tindahan,” paliwanag ng ina. “Bakit po naman kailangang magbayad ng buwis?” patuloy na pag-uusisa ng anak. “Mahalagang magbayad ng buwis, anak. Ito ay ginagamit ng pamahalaan para ipantustos sa mga gastusin ng pamahalaan,lalo na ang pagbibigay ng serbisyo publiko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi ko yata naiintindihan,” ang sabi ni Jairus. “Halimbawa, iyong ginagawang kalsada sa harapan natin, ang pamahalaan ang gumagastos ng pagpapagawa niyan mula sa ibinabayad na buwis ng mga tao.” “Tayo rin po pala ang nabibiyayaan sa buwis na ating ibinabayad,” pahayag ni Jairus. “Aba, oo! Kung walang binabayarang buwis o kulang ang ibinabayad ng mga tao, hindi maibibigay ang karampatang serbisyo sa mamamayan,” wika ni Aling Anita. “Buti na lang pala nagbabayad tayo ng buwis,” patuloy ng anak. “Isa kasi iyan sa mga tungkulin natin bilang mga mamamayan,” pangaral ng ina. “Alam ninyo, Mama, naalaala ko ang sinabi ng guro ko na ang sinumang tumulong sa pagpapaunlad ng bayan ay ituturing na bayani. Ibig sabihin, Mama, bayani na rin kayo dahil matapat kayong tumutupad sa inyong tungkulin sa pamahalaan,” pahayag ni Jairus. “Kayong mga kabataan ay maituturing ding bayani,” dugtong ni Aling Anita. “Paano kami makatutulong sa bayan?” tanong ni Jairus. “Ang mga kabataang tulad ninyo ay makatutulong kung mag-aaral kayong mabuti. Ang kaalamang iyong nakuha sa pag-aaral ay gamitin ninyo nang wasto sa paglilingkod hindi lamang sa pagpapaunlad ng bayan kundi pati na rin sa pagtulong sa ating mga kababayan.” paglilinaw ng ina. “Simula bukas, pagbubutihin ko pang lalo ang aking pag-aaral. Nais ko ring maituring na bayani,” nasabi ni Jairus sa sarili. “Mama, paglaki ko, magiging mabuti rin akong mamamayan tulad ninyo. Hindi ko rin kaliligtaan ang pagbabayad ng buwis,” pangako niya sa ina.

Page 5: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

5

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Saan papunta si Aling Anita? Ano ang gagawin niya roon? 2. Bakit kailangang magbayad ng buwis ang bawat mamamayang may

hanapbuhay? 3. Saan gagamitin ang ibinabayad na buwis ng mamamayan sa

pamahalaan? 4. Ginagampanan ba ni Aling Anita ang kanyang tungkulin bilang isang

mabuting mamamayan? 5. Sinu-sino ang maituturing na bayani?

Mahusay kang bata, kung ganito ang sagot mo.

1. sa bangko. 2. kukunin niya ang perang inipon upang ipambayad sa buwis. 3. sa mga pagawain, tulad ng kalsada, paaralan, palengke, at iba pang

magpapaunlad sa bayan. 4. oo, ginagampanan niya. 5. lahat ng tumutulong sa pagpapaunlad ng bayan.

Sa patuloy mong pag-aaral ng modyul na ito, malalaman mo ang mga pormularyo (forms) kung saan isinusulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa isang bagay, tao, samahan at iba pa. Nagbibigay rin ng impormasyon ang patalastas, poster o tagubilin. Ang mga tanong dito ay hindi tuwiran dahil maiikli ang mga salitang ginamit. Hindi rin ito mangangailangan ng mga pangungusap na patanong. Sa pagsagot ng anumang pormularyo , laging tandaan na gawing malinaw ang mga sagot na ibinibigay sa bawat katanungan. Tiyaking malinis ang papel sa tuwing isusulat ang mga hinihinging impormasyon.

Suriin ang larawan ng sedula sa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Page 6: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

6

1. Anong taon ang saklaw ng sedulang ito? (2005) 2. Saan at kalian ito ibinigay ng munisipyo o lungsod? (Lungsod ng Pasig) 3. Isulat ang buong pangalan ng kumuha ng sedula? (Kathlyn Diza) 4. Magkano ang kabuuang halaga ng binayaran niya? (P 145.00)

Isa sa mga dapat alalahanin sa tuwing magbabayad ng buwis ay ang sedula o community tax certificate. Ang sedula ay mahalaga sa paglalagay ng impormasyon sa mga dokumento at sa pagkakakilanlan ng bawat tao. Mahalaga rin ito sa paghahanap ng trabaho. Narito pa ang isang halimbawa ng pormularyo. Ito’y ang kard na ginagamit sa aklatan. Nakagamit ka na ba nito? Pag-aralan mo ang kard at sagutin ang mga tanong sa ibaba. 1. Anong mahahalagang impormasyon ang makikita sa kard na ginagamit sa aklatan? 2. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsagot ng mga impormasyong hinihingi sa pormularyo? 3. Mahalaga ba sa librarian ng paaralan ang kard na ito? Bakit? 4. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang mga impormasyong nasa kard sa aklatan?

Page 7: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

7

Ganito ba ang iyong sagot?

1. Impormasyon tungkol sa nanghiram o manghihiram ng aklat. 2. Kailangang sumunod sa panuto ng pagsagot at sagutan nang wasto ang

mga ito. 3. Oo, upang malaman niya kung ilan at sino ang bilang ng batang

humihiram ng aklat sa library. 4. Makatutulong sa iyo ang kard na ito sapagkat ito ang magpapaalala sa iyo

kung kailan hiniram, kailan ibabalik ang aklat at iba pang mahahalagang kaalaman tungkol dito.

Mahalaga rin ang maging pamilyar ka sa iba’t ibang pormularyo. Tulad ng

mga pormularyo sa pagdedeposito at pagkuha ng pera sa bangko. Pag-aralan mo ang nasa ibaba.

A. Deposit slip B. Withdrawal slip

Page 8: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

8

Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot:

1. Anu-ano ang impormasyong hinihingi o kailangan sa mga pormularyong ito?

2. Bakit mahalaga ang pormularyo sa maraming opisina?

Sa porma ng deposit at withdrawal slip mahalaga ang account name at account number na maitala. Ito ay ang bilang at ang may-ari ng bank book o libreta. Mahalaga rin na malinaw na maisulat ang halaga ng idedeposito at ilalabas mong pera, lalo na ang pirma ng taong kumukuha o magdedeposito, siya man ang may-ari o kinatawan lamang.

Lubhang mahalaga ang porma sa maraming opisina sapagkat ito iyong magsisilbing rekord ng lahat ng mahalagang impormasyon ng tauhan at empleyado nito.

Bilang mag-aaral, magbigay ka ng pormularyo kung saan naroon ang mahahalagang, impormasyon tungkol sa iyo.

I.D sa paaralan, mayroon nito di ba? O, sige, ibigay mo ang hinihinging mahahalagang impormasyon sa I.D

B. Basahin mo ang mga pangungusap sa ibaba at pansinin ang mga salitang may salungguhit

1. Kailangan niya ang aklat tungkol sa kapaligiran. 2. Ang aralin ni Nona ay mahirap. 3. Ayon sa kanya ay lalo siyang papaluin pag-uwi niya.

Ang mga salitang tungkol sa, ni at ayon sa ay tinatawag na pang-ukol. Alam mo ba kung ano ang kahulugan nito?

Paaralang Elementarya ng __________

Bayan ng __________

Pangalan _______________________________ Edad _____________________________ Baitang / Seksyon ________________________ Guro _____________________________ Magulang _______________________________ Tirahan_________________________________ ___________________ Pirma ng Mag-aaral

Page 9: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

9

Ang pang-ukol ay nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap. Narito ang ilang pagsasanay tungkol sa pang-ukol tingnan kung kaya mong sagutin upang malaman kung naunawan mo na ang aralin sa modyul na ito. Lagyan ng kahon ang mga pang-ukol na ginamit sa pangungusap.

1. Kailangang mag-uniporme ang mga mag-aaral ayon sa punung-guro. 2. Sinisita sila ng guwardiya dahil sa I.D. 3. Hinggil sa suliranin sa kuryente ang ating pinag-uusapan. 4. Para kay Inay ang mga ubas na ito. 5. Alinsunod sa batas, kailangang magbayad tayo ng buwis.

(ang bilang 1 ay may pang-ukol na ayon sa # 2 dahil, # 3 hinggil sa, # 4 para kay at # 5 alinsunod sa) Tama ba ang iyong sagot? Magaling? Ang pang-ukol ay nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap. Halimbawa : dahil sa / kay laban sa / kay nasa, para sa / kay sa tabi ni / ng kay, ukol sa / kay sa halip na, tungkol sa, ayon sa / kay alinsunod sa / kay dahil sa / kay Sa pagsagot ng anumang pormularyo, laging tandaan na gawing malinaw ang mga sagot na ibibigay sa bawat katanungan. Tiyaking malinis ang papel sa tuwing isusulat ang mga hinihinging impormasyon.

Pagsanayan Mo

Isaisip Mo

Page 10: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

10

A. Tukuyin ang pang-ukol sa usapan sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Sara : Malungkot ka yata? Norma : Nakatanggap kami ng sulat galing kay Lolo Milio. Sara : Ano ang nilalaman ng sulat? Norma : Ang sulat ay tungkol sa pagkakasakit ni Lola Hilda. Sara : Nasaan ba sila ngayon? Norma : Nasa America. Sara : Magagamot naman yata ang lola mo. Norma : Magagamot nga pero ayon sa doktor kailangan niya ang operasyon. Sa halip na sila ang pumunta rito, si Mommy ngayon ang dapat pumunta roon para sa operasyon. Balak nila noon ang magbalik-bayan. Sara : Kailan pupunta sa America ang Mommy mo? Norma : Bukas. Sara : Ipagdarasal namin ang lola mo. Norma : Salamat. Ang sagot ay nasa kahon.

B. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga pang-ukol na napili sa pagsasanay A. Isulat ito sa sagutang papel.

ng nasa ayon sa sa halip na para sa

Page 11: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

11

C. 1. Sagutan mo ang pormang ito na gingamit sa aklatan. Isulat sa sagutang papel.

Pangalan ng Batang Gumamit o Nanghiram Ng aklat na ito

Petsa ng Pagkakahiram

Petsa ng pagsasauli

2. Narito ang halimbawa ng isang porma sa bangko. Ipagpalagay mong ikaw ay mag dedeposito sa bangko ng halagang isang libong piso. Sagutin ang mga impormasyong nasa ibaba.

DEPOSIT SLIP

Pangalan (Account Name) Bilang ng Account Halaga ng idedeposito (sa salita) _________________________________ ______________________ Php___________________________ Denominasyon ng idineposito

Perang Papel Tig-iisang libo Tig-lilimang daan Tig-sandaan Tig-dalawampu Tig-sasampu

Bilang Halaga

Bangko Sentral SAVINGS ACCOUNT DEPOSIT SLIP

Paaralan Numero ng aklat ___________

Page 12: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

12

Kabuuang halaga

Pangalan Petsa_________ nagdeposito________

A. Isulat sa sagutang papel ang mga pang-ukol sa mga sumusunod na pangungusap sa paraang cluster.

1. Alinsunod sa Bibliya, ginawa ng Diyos ang mundo sa loob ng anim na araw.

2. Pinag-uusapan ang tungkol sa giyera sa Cambodia. 3. Ang kuwento ay hinggil sa mag-asawang humihingi ng anak. 4. Gumawa ako ng sulat para sa prinsipal. 5. Magsama-sama tayo tungo sa ikauunlad ng bayan. 6. Ang pag-alis ni Ahmed ay dahil sa pagkakapalo sa kanya. 7. Tayo’y gumawa ng talata tungkol kay Pangulong Arroyo. 8. Ayon kay Dr. Rizal, nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

B. Gamitin mo sa sarili mong pangungusap ang iyong naitalang pang-ukol.

Subukin Mo

Page 13: MGA IMPORMASYON SA PORMULARYO AT MGA PANG-UKOL

13

C. Punan mo ng mga impormasyong kailangan ang pormularyo sa ibaba. Isulat mo ito sa iyong sagutang papel.

GSIS eCARD ENROLLMENT FORM

Ganito ba ang iyong sagot? Mahusay ka talagang bata. A. 1. alinsunod

2. tungkol sa 3. hinggil sa 4. para sa 5. tungo sa 6. dahil sa 7. tungkol kay 8. ayon kay / nasa

Binabati kita sa pagtapos mo sa modyul na ito. Maaari mo ng pag-aralan ang susunod pang modyul. Mabuhay ka!

Mahalaga : ISULAT NANG PALIMBAG ANG SAGOT.

Pangalan _____________ _____________ _______________ Apelyido Pangalan Panggitnang Pangalan Kapanganakan _____ _______ _______ Lugar na kapanganakan _______ Policy no. _____ Celphone no. _____ Telephone no. __________ Tirahan _____________ _____________ _____________ Barangay Bayan Lalawigan Pangalan ng ina ____________ ________________ _______________ Pangalan Panggitnang Inisyal Apelyido Kapanganakan ______________ Pangalan ng ama ____________ ________________ _______________ Pangalan Panggitnang Inisyal Apelyido Kapanganakan _______________