Click here to load reader

Isang Pagaaral Ukol Sa Mga Negatibong Epekto Ng Pagtatago Ng Mga Nars Sa Kanilang Mga Pasyente

  • View
    47.168

  • Download
    5

Embed Size (px)

Text of Isang Pagaaral Ukol Sa Mga Negatibong Epekto Ng Pagtatago Ng Mga Nars Sa Kanilang Mga Pasyente

ISANG PAGAARAL UKOL SA MGA NEGATIBONG EPEKTO NG PAGTATAGO EMOSYON NG MGA NARS SA KANILANG MGA PASYENTE

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananliksik

ng Group I-11

Pebrero, 2010

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturnag Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Isang Pagaaral Ukol sa mga Negatibong Epekto ng Pagtago ng Emosyon ng mga Nars sa Kanilang mga Pasyente ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa I-11 na binubuo nina:

Tama Conchinati Martinez April Rose Matienzo Robelle Fatima Mercado

Kimberly Mae Pascual Kendrick Aaron Tan Nikka Ursula Timog

Arianne Joy Pascua

Tinataggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Aissa Abegail Jimenez Propesor

PASASALAMAT Ang buong grupo ay nagbibigay ng kanilang pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal na nagbigay ng kanilang mahalagang kontribusyon sa pagkakumpleto ng proyektong ito: sa Diyos na may kapal na nagalay ng husay, tiyaga at presensya ng isip sa lahat ng mga miyembro ng grupo upang makamit ang matiwasay na pagtatapos ng pamanahong papel na ito, kay Maam Aissa Abegail Jimenez na nagsilbing aming gabay sa pagbuo at pagsulat ng bawat detalye ng aming papel, kay Sir Aguedo Florence Jalin Jr., na nagbahagi ng makabuluhan at kapakipakinabang na impormasyon ukol sa mga pangunang hakbang ng pananaliksik, sa mga awtor, editor, at mananaliksik na lumikha ng mga aklat at artikulong nagsilbing resources kung saan nakasalalay ang kredibilidad, laman at kabuuan ng aming proyekto, sa Central Library ng Unibersidad ng Santo Tomas na naging makabuluhan sa aming pagkakalap ng ebidensyat impormasyon na nagsilbing suporta at sentral na punto ng aming pamanahong papel, kay Veronica Timog, R.N. at na aming nakapanayam sa isang interbyu; ang kanilang mga opinion at kaalaman ay nagbigay-daan sa pagpapalawak ng aming kalinangan ukol sa ideyang aming sinaliksik, sa lahat ng mga respondenteng nag-isang tabi ng kanilang oras upang makapagbigay ng impormasyong naging pangunahing materyales ng teoretikal na pundasyon n gaming pamanahong papel,

sa miyembro ng aming mga pamilya, na hindi lamang nagbigay ng pinansyal na tulong ngunit pati na rin ang mas importanteng emosyonal na suporta at paghihikayat.

Maraming salamat! Mga Mananaliksik

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon Noong araw na iyon, ako ay gumagamit ng internet. Sa kung anong pagkakataon na dumating, napadpad ako sa allnurses.com, isang internet forum na pinupuntahan ng parehong mga baguhan na nars (kalimitan ay humihingi ng tulong patungkol sa kung anong mga medikal na sitwasyong hindi nila gamay) at beteranong propesyunal (na nagbibigay ng tulong sa mga naunang nabanggit). Malimit kong nakikita ang aking nanay na pumupunta sa website na ito, at dahil sa bugso ng kagustuhang magsiyasat ng kaunti, tumingin-tingin ako. Mayroong isang partikular na mensahe ang sandaling nagpatigil sakin ng sa aking upuan at hiinikayat ang aking atensyon. (Ang orihinal na artikuloy nakasulat sa Ingles.) .. Ako ay isang nars na nagtatrabaho sa araw araw na ginawa ng Diyos. Sa kada araw na lumilipas ay nakakakita ako ng mga pasyenteng may ibat ibang kondisyon, ngunit hindi ko naman talaga ito kinakainisan. Nakikita ko nga ito bilang isang pangaraw-araw na bagay na, katuwa-tuwa pa nga minsan kung ikukumpara sa maligamgam kong mga karanasan. Ngunit isang masamang balita ang dumating sa akin isang araw, at matapos kong marinig ito ang tanging nasa isip ko na lamang ay na-rape ang asawa ko. Nawala lahat ng mga mekanismo sa aking katawan na nagpapaandar sa aking responsableng sarili. Nakahiga lang ako isang umaga, naalalang kailangan ko palang pumasok sa trabaho, at nagtaka kung bakit ko pa ginagawa iyon. Nahirapan ako makihalubilo sa lahat noon. Nakakasira ng bait na kailangan mong ngumiti sa harap ng iba kahit na sa loob ay namamatay-matay ka na. .. Isa nang katanggap-tanggap na gawain sa mga nars ang pagtatago ng emosyon sa mga pasyentet ibang mga tao. At tama ito; hindi saklaw ng pasyente ang personal na buhay ng mga propesyunal na nakapalibot sa kanya, kayat hindi niya kinakailangan na

matanaw ang kung ano mang bumabagabag sa isip ng mga taong wala naman direktang koneksyon sa kanya. Nakakapagpataas lamang ito anxiety level ng pasyente, ang makitang nakabusangot at matamlay ang nagaalaga sa kanya. Maaari niyang makita ang ekspresyon na ito bilang repleksyon ng sarili niyang kalagayan at kalusugan. Ang pagpapakita ng emosyon ay nagbibigay daan rin sa masyadong personal na relasyon sa pasyente, na dapat iwasan ng isang miyembro ng medical staff upang maging matiwasay ang sinasabing termination phase ng kanilang samahan. Magbubunga sa transference o counter-transference ang samahan ng isang nars at pasyente kung hindi susundin ang tamang pamamaraan ng pakikitungo. Ngunit ang pagaaral na ito ay hindi naglalayon na kontrahin ang kredibilidad ng katotohanang kakalahad lamang. Ang aming pananaliksik ay nakaayon sa pagtanggap na kinakailangan ang pagtago ng emosyon sa propesyong Narsing; ngunit ang tinutumbok nito ay ang pagkakaroon ng negatibong epekto, mapa-pisikal o sikolohikal, ng ganitong gawain. Ang pagaaral na ito ay sumasaklaw sa ibat ibang aspeto ng pagtatago ng emosyon ng mga nars at ang pisikal at sikolohikal epekto nito, parehong panandalian at pangmatagalan.

2. Layunin ng Pag-aaral

Upang mag-karoon ng ideya kung ano ang epekto ng labis na pagdadamdam ng mga nars.

Upang mag-karoon ng kaalaman ukol sa masamang epekto ng labis na pag-iisip sa katawan ng tao lalo na sa propesyong napili.

Upang malaman ang sanhi o pinanggagalingan ng mga damdaming ito.

Upang malaman kung paano ito nakakaapekto sa pakikipag-kapwa ng mga nars.

Para magkaroon ng ideya ang mga nars at mga tao kung ano ang mga sintomas ng ganitong uri ng stress.

Upang matuklasan natin kung may mga masamang epekto ba sa mismong kalusugan ng mga nars ang masyadong pagtatago ng emosyon.

Upang matukoy ang mga sakit na naidudulot ng pagtatago ng emosyon upang matulungan hindi lamang ang mga nars o mga kolehiyong magaaral na gustong kumuha ng nursing, kung hindi pati narin ang mga taong mahilig magkimkim ng sama ng loob.

Upang malaman kung paano masosolusyunan ang mga suliraning ito na hindi lang para sa mga nars kung hindi para narin sa ikabubuti ng mga pasyente.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil itoy magiging batayan ng pag-aaral ng mga emosyon ng isang nars at ang mga posibleng epekto nito sa kanyang sarili, sa kanyang propesyon, sa kanyang pasyente at sa kanyang kapwa ka-trabaho sa medical staff.

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay linaw sa mga dahilan ng pagkakaroon ng negatibong emosyon ng isang nars at ang mga posibleng epekto nito lalo na sa kanyang propesyon. Magsisilbi itong gabay sa mga nars sa kung papaano nila maiiwasan ang pagkakaroon ng negatibong emosyon o sa kung papaano nila makokontrol ang ganitong klaseng emosyon na hindi naapektuhan ang sinuman na nakapalibot sa kanya. Inaasahan na sa pag-aaral na ito ay ma-eebaluweyt ng mga nars ang kanilang sarili at ang kanilang emosyon at magkaroon ng kaalaman sa mga epekto ng negatibong emosyon, upang hindi ito maging hadlang sa kanilang pagtra-trabaho at hindi maging hadlang sa pakikipag-relasyon nila sa ibang tao.

4. Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral Ang pamanahong papel na ito ay nakatuon sa mga natatagong damdamin ng mga Nars sa kanilang propesyon at ang mga negatibong epekto nito sa kanilang pisikal at sikolohikal na kabutihan. Ang sarbey na aming ginawa ay limitado lamang sa mga estudyante nag kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang dami ng respondente ay nasa 50 katao lamang, kung saan 25 ay nanggaling sa mga mag-aaral ng ikalawa at ikaapat na taon at 25 sa ikalawa at unang taon ng Narsing. Ito ay upang makakuha ng balanseng impormasyon na sumasangay rin sa grupo ng mag-aaral na mayroong karanasan na sa mga gawain ng pagiging nars. Kinuha rin naming ang panayam ng tatlong propesyunal na nars upang mapalawak ang aming kaalaman sa tulong ng kanilang importanteng mga opinion. Bilang mga propesyunal na, sila ang pangunang nakakaranas ng mga nais naming talakyin at ang kanilang pananaw ay mayroong malaking kabuluhan sa aming pananaliksik.

5. Depinisyon ng Terminolohiya

Motivation Mga panloob at panlabas na faktors na naguudyok sa kagustuhan at enerhiya ng tao upang patuloy na isa-alangalang ang kanyang sarili sa isang trabaho, responsibilidad o paksa, at maglabas ng sikap patungo sa pagkamit ng isang mithiin. Ang motivation ay ang energizer ng asal at pinamumulan ng lahat ng paggawa. Ito ay ang resulta ng pangangalahok ng ibat ibang faktors gaya ng (1) sidhi ng kagustuhan o pangangailangan, 2) incentive or reward value ng mithiin, at (3) expectations ng tao sa kanyang sarili at ng mga taong nakapalibot sa kanya.

Emotion karanasan ng damdamin kung saan umuusbong ang paggawa ng isang bagay; naghihikayat at nakakaapekto sa pamamaraan ng pag-asal, ngunit mahirap mahulaan.

Instincts tiyak na pattern sa asal na nabibilang lamang sa isang kabuuan ng specie; pinaniwalaan na pinaguugatan ng paraan ng pagasal ng tao hanggang 1920 nang malaman na 1) ang asal ay natututunan, at 2) ang asal ay malimit na hindi umaayon sa pagbabago.

Drive isang kalagayan ng arousal/tensyon na nagtutulak sa pagusbong ng asal. Drive-Reduction Theory Ayon sa teor