3
Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/642 | 1 Pakahulugan ng karaniwang mga salita ukol sa tubig na tinukoy sa Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney Ang malalaking syudad sa palibot ng daigdig ay kumukuha ng kanilang mga suplay ng tubig mula sa iba’t ibang mga paraan. Sa Kalakhang Sydney ang ating kasalukuyang mga suplay ng tubig ay karamihang nakukuha mula sa nakolektang tubig sa pamamagitan ng mga dam, na may tubig na nakuha rin mula sa desalinasyon ng tubig-dagat para sa layunin ng pang-inom na tubig at mula sa niresaykel na tubig para sa paggamit na hindi pang-inom. Tinutukoy ng plano ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney ang pangangailangan upang magbuo ng mas matatag at sustenableng suplay ng tubig sa kasalukuyan at sa hinaharap, na may nadagdag at bagong mga gamit ng niresaykel na tubig at potensyal na bagong mga opsyon sa desalinasyon. Kailangan nating matiyak na ang ating rehiyon ay may sapat na tubig upang makatugon para sa pag-unlad at makapagbigay ng seguridad sa tubig sa panahon ng tagtuyot. Unang larawan (Figure 1) Inilalarawan ang hanay ng mga opsyon sa mapagkukunan ng tubig na ginagamit sa mga sistema ng suplay ng tubig sa palibot ng daigdig. Ang mga etiketa sa larawang ito ay ipinaliwanag nang detalyado sa talahuluganan (glossary) sa sumusunod na mga pahina. Talahuluganan ng pangunahing mga salita ukol sa tubig Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney Kabilang sa planong estratehiya ang pagtukoy sa iba’t ibang pinagkukunan at gamit ng tubig. Ilan sa karaniwang mga salita ay ipinaliwanag sa dayagram at mga kahon sa ibaba.

Pakahulugan ng karaniwang mga salita ukol sa tubig na

  • Upload
    others

  • View
    23

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pakahulugan ng karaniwang mga salita ukol sa tubig na

Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/642 | 1

Pakahulugan ng karaniwang mga salita ukol sa tubig na tinukoy sa Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

Ang malalaking syudad sa palibot ng daigdig ay kumukuha ng kanilang mga suplay ng tubig mula sa iba’t ibang mga paraan. Sa Kalakhang Sydney ang ating kasalukuyang mga suplay ng tubig ay karamihang nakukuha mula sa nakolektang tubig sa pamamagitan ng mga dam, na may tubig na nakuha rin mula sa desalinasyon ng tubig-dagat para sa layunin ng pang-inom na tubig at mula sa niresaykel na tubig para sa paggamit na hindi pang-inom.

Tinutukoy ng plano ng Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney ang pangangailangan upang magbuo ng mas matatag at sustenableng suplay ng tubig sa kasalukuyan at sa hinaharap, na may nadagdag at bagong mga gamit ng niresaykel na tubig at potensyal na bagong mga opsyon sa desalinasyon. Kailangan nating matiyak na ang ating rehiyon ay may sapat na tubig upang makatugon para sa pag-unlad at makapagbigay ng seguridad sa tubig sa panahon ng tagtuyot.

Unang larawan (Figure 1) Inilalarawan ang hanay ng mga opsyon sa mapagkukunan ng tubig na ginagamit sa mga sistema ng suplay ng tubig sa palibot ng daigdig. Ang mga etiketa sa larawang ito ay ipinaliwanag nang detalyado sa talahuluganan (glossary) sa sumusunod na mga pahina.

Talahuluganan ng pangunahing mga salita ukol sa tubig

Estratehiya sa Tubig ng Kalakhang Sydney

Kabilang sa planong estratehiya ang pagtukoy sa iba’t ibang pinagkukunan at gamit ng tubig. Ilan sa karaniwang mga salita ay ipinaliwanag sa dayagram at mga kahon sa ibaba.

Page 2: Pakahulugan ng karaniwang mga salita ukol sa tubig na

Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/642 | 2

Nilinis na niresaykel na tubig para pang-inom Kinuha mula sa wastewater o gamit nang tubig at stormwater, ginamot upang makatugon sa naaangkop na mga gabay pagkalusugan at pang-inom na tubig sa pamamagitan ng maraming antas ng paggamot at disinpeksyon para magamit bilang tubig pang-inom.

Matatag na suplay

Ang dami ng tubig na maaaring isuplay nang may pagtitiwala, upang matugunan ang pangangailangan para sa tubig sa isang syudad o rehiyon, na hindi isinasaalang-alang kung gaano katagal at kung gaano kalala ang tagtuyot.

Suplay ng tubig na independiyente sa tubig-ulan Ang mga pinagkukunan ng tubig para pang-inom at hindi pang-inom na hindi umaasa sa ulan. Ang dalawang pangunahing pinagkukunan ng suplay na hindi umaasa sa ulan ay ang desalinasyon ng tubig-dagat at niresaykel na gamit nang tubig.

Tubig na naipon sa ilalim ng lupa

Ang tinatawag na groundwater ay ang tubig na naipon sa ilalim ng lupa. Ito ay marahang dumadaloy sa pagitan ng mga batuhan at mga latak. Sa ilang mga halimbawa ito ay kumukunekta sa mga ilog, batis, lawa at mga basang lupa at sa ilang mga kaso hindi ito nakikipag-ugnayan sa tubig na nasa ibabaw ng lupa. Ang ginamot o nilinis na tubig sa ilalim ng lupa ay maaari ding makuha at magamit bilang suplemento sa mga suplay ng tubig para sa mga layuning pang-inom at hindi pang-inom.

Niresaykel na tubig na hindi pang-inomAng niresaykel na tubig ay galing sa wastewater at ginamot o nilinis upang makapaglaan ng tubig para sa layuning hindi pang-inom kabilang ang irigasyon, para magamit sa industriya at sambahayan katulad sa mga palikuran at mga makinang panlaba. Ang paggamit ng niresaykel na tubig ay nakakabawas sa pangangailangan sa sistema ng pang-inom na tubig at naglilimita sa pagdidiskarga ng nagamit nang tubig sa kapaligiran.

Hindi planadong muling paggamit

Ang hindi planadong muling paggamit ng wastewater o gamit nang tubig ay nangyayari kung ang nilinis na gamit nang tubig ay diniskarga sa ilog o iba pang malaking katawan ng tubig, at kinukuhasa bandang huli sa ibaba ng agos para sa layuninna magamit para sa suplay ng tubig. Ang nilinis nagamit nang tubig, na inihalo sa malaking bahagi ngdaloy ng tubig sa ilog ay bumubuo ng bahagi ngsuplay ng tubig para sa mga bayan sa huling bahaging agusan ng tubig. Ang hindi planadong mulingpaggamit ng gamit nang tubig o wastewater aykaraniwan sa palibot ng daigdig sa mga sistemang ilog kung saan maraming komunidad at mgasyudad, ngunit ito ay kumakatawan lamang sanapakaliit na bahagi ng pinagkukunan ng tubig nanagsusuplay sa Sydney sa kasalukuyan. Kapag angtubig ay kinuha mula sa ibabang agos ang tubig naito ay nililinis ayon sa pamantayan ng pang-inom natubig bago gamitin para sa suplay ng tubig.

Mga dam

Ang dam ay isang harang o istruktura na itinayo sa kabilang panig ng daanan ng tubig upang makapag-imbak ng tubig para sa suplay. Sa metropolitang mga lugar ang mga dam ay tipikal na nagbibigay ng karamihan sa mga suplay ng tubig. Ang tubig mula sa mga dam ay umaasa sa ulan at patuloy pang nadadagdagan sa malalaking mga syudad ng mga mapagkukunan ng tubig na independiyente sa ulan.

Desalinasyon ng tubig-dagat

Ang tubig-dagat ay ginagamot o nililinis para matanggal ang mga asin upang makapaglikha ng tubig na nababagay sa pang-inom. Ang paraang ito ay nagbibigay ng isang maaasahan, mapagkukunan ng tubig na hindi umaasa sa tubig-ulan. Bagamat ito ay malakas sa paggamit ng enerhiya, maraming mga planta ng desalinasyon ang gumagamit ng tinatawag na renewable energy o muling nagagamit na enerhiya.

Page 3: Pakahulugan ng karaniwang mga salita ukol sa tubig na

Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran | PUB21/642 | 3

Ang pangunahing impormasyon at litrato ay nagmula sa kabutihang loob ng Water Services Association of Australia - www.wsaa.asn.au

Matatag na suplay ng tubig

Ang suplay ng tubig na kayang tumagal o mabilis na makabawi mula sa mahihirapna mga kondisyon katulad ng patuloy atmatinding mga tagtuyot.

Mga paghihigpit sa tubig

Sapilitan o maipapatupad na mga pagkontrol sa paraan ng paggamit natin ng tubig sa panahon ng tagtuyot.

Kahusayan ng tubig

Ang mga proyekto upang mabawasan ang paggamit ng tubig, kabilang ang suplay ng tubig, mahusay na mga gamit sa bahay, pagkumpuni ng mga pagtagas, at pagbabago sa pag-uugali. Habang ito ay hindi pinagkukunan ng tubig, ang matalinong paggamit ng tubig ay palagiang magiging mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng seguridad sa tubig sa Australia.

Mga linya ng tubo, mga kanal at mga ilog na nagkokonekta sa dalawa o mahigit pang malalaking pinagkukunan ng tubig upang maghatid ng tubig mula sa isang catchment patungo sa iba. Ito ay nagbibigay-daan para mas mahusay na magamit ang suplay ng tubig sa rehiyon sa pamamagitan ng paglilipat ng tubig sa pagitan ng mga catchment sa mga komunidad na kaunti lamang ang suplay ng tubig.

Ang pagkokolekta, pag-iimbak at paggamot ng tinatawag na stormwater mula sa mga lungsod o bayan para sa muling paggamit, karaniwanpara sa mga layuning hindi pang-inom. Angmga pamamaraan ng pagkolekta ng stormwateray nagbibigay ng maraming benepisyo sa mgakomunidad, kabilang ang pagpapahusay ng mgabenepisyong pangkapaligiran at panlipunan sapamamagitan ng pagbibigay ng bukas na mgaespasyo tulad ng pampublikong mga hardin atmas malusog na mga daanan ng tubig.

Tubig na naipon sa ibabaw ng lupa

Pag-aani at muling paggamit ng tubig na dumaloy sa ibabaw ng lupa galing sa ulan

Mga tangkeng pangsahod ng tubig-ulan

Pagbabahaginan ng tubig sa pagitan ng mga rehiyon

Ang tubig na nakolekta mula sa mga ilog, mga dam at mga pilapil at pagkatapos ay ginagamot o nililinis at inihahatid para magamit natubig pang-inom at hindi pang-inom, ayisang mahalagang bahagi ng ating umiiral naportpolyo ng suplay ng tubig. Ang mga damat mga reservoir ay nag-iimbak ng tubig paramagamit sa hinaharap ngunit ang mga ito ayumaasa sa tubig-ulan at hindi gaanong matatagsa pagbabago ng klima.

Ang tangke ng tubig na ginagamit upang makakolekta at makapag-imbak ng tubig-ulan mula sa mga tubo sa bubungan ng isang ari-arian, na ginagamit para sa layuning hindi pang-inom sa metropolitang mga lugar at bilang suplemento sa suplay ng tubig pang-inom sa mga lugar na tinatawag na semi-urban at sa mga kanayunan. Ang paggamit ng tubig-ulan ay maaaring magbigay ng maraming benepisyo, kabilang ang nabawasang pangangailangan para sa pang-inom na tubig at mga benepisyong pangkapaligiran.

Pangkalahatang pagtatanong: 1300 081 047

greatersydney.waterstrategy @dpie.nsw.gov.au

Kung kailangan mo ng interpreter, mangyari lamang na tumawag sa Translating and Interpreting Service sa 131 450 at hilingin sa interpreter na tawagan kami sa (02) 9842 8439

© Estado ng New South Wales sa pamamagitan ng Kagawaran ng Pagpaplano, Industriya at Kapaligiran 2021. Ang impormasyong nakapaloob sa publikasyong ito ay batay sa kaalaman at pag-unawa sa panahon ng pagsusulat (Setyembre 2021). Gayunpaman, dahilan sa mga pagsulong sa kaalaman, dapat tiyakin ng mga gumagamit na ang impormasyong inaasahan nila ay napapanahon at itsek ang pagiging napapanahon ng impormasyon sa naaangkop na opisyal ng kagawaran o sa independiyenteng tagapayo ng gumagamit.