13
LUNGSOD NG SAN FRANCISCO 2019 TAUNANG ULAT UKOL SA KALIDAD NG TUBIG

LUNGSOD NG SAN FRANCISCO 2019 TAUNANG ULAT UKOL SA …

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

LUNGSOD NG SAN FRANCISCO

2019 TAUNANG

ULAT UKOL SA KALIDAD N G T U B I G

KUNG PAANO MAIINTINDIHAN ANG ULAT NA ITO

Inilalabas ng KomIsyon para sa mga Pampublikong Serbisyo (San Francisco Public Utilities Commission, SFPUC) ang taunang ulat na ito na nagdedetalye kung saan nanggagaling ang inyong tubig, kung paano namin ito ginagawan ng treatment o paggamot (tinatanggalan ng nakalalasong mga sangkap), at ang pangkalahatang kemikal na komposisyon nito. Ginagawa namin ito bilang kinakailangang gawain batay sa mga regulasyon, at dahil sa aming palagay, mahalagang maintindihan ninyo ang impormasyong nakapaloob.

May pangako kaming magkaloob ng iniinom na tubig na mataas ang kalidad sa lahat ng aming kostumer. Malaki ang sistema namin at nakikipagtrabaho kami sa ilang county upang mapanatili ang sistema na naghahatid na ating tubig. Bukod sa mas malawak na sistema sa labas ng San Francisco, pinananatili rin namin ang sistema ng mga reservoir (imbakan ng tubig) sa loob ng San Francisco. Umaasa kami na pagkakalooban kayo ng ulat na ito, hindi lamang ng mas malawak na kaalaman tungkol sa inyong tubig, kundi ng mas malalim ding pagkaunawa sa malaking kakayahan, talento, at pagsusumikap na ibinubuhos sa pagtitiyak na may maaasahang paraan ang mga negosyo at residente upang magkaroon nitong mahalagang rekurso na ito.

Ikinararangal namin ang ating tubig, at sana ay gayon din kayo. Sa kabuuan ng ulat na ito, makakakita kayo ng mga katunayan o facts at mga numero, at nang makatulong ang mga ito sa pagpapalawak pa ng batayang impormasyon na itinatakda sa aming ipagkaloob sa inyo. Umaasa kami na ikatutuwa ninyo na malaman ang mas marami pang impormasyon tungkol sa kung ano kami bilang Ahensiya at kung paano kayo puwedeng makisangkot.

KATUNAYAN O FACT TUNGKOL SA TUBIG:

Ang SFPUC ang ikatlong pinakamalaking serbisyong

pampubliko o utlity sa Estado ng California, na naglilingkod sa 2.7 milyon na residensiyal,

komersiyal, at industriyal na kostumer sa Bay Area,

at may operasyon kami nang 24/7 - 365 araw sa isang taon

KATUNAYAN TUNGKOL SA TUBIG:

Malawak na ginagamit ang tubig na nasa ilalim ng lupa sa kabuuan ng

Calfornia at sa buong mundo. Bagamat hindi totoo na magkakapareho ang

mga pinagkukunan ng tubig na nasa ilalim ng lupa (mga aquifer),

ikinararangal namin ang sa amin. Para alamin pa ang tungkol sa Westside Basin at sa aming tubig na mula sa ilalim ng lupa, pakibisita ang visit

sfwater.org/groundwater

ANG MGA PINAGKUKUNAN NG ATING INIINOM NA TUBIG AT ANG PAGGAMOT O PAGTATANGGAL SA NAKALALASONG SANGKAP

Nanggagaling ang ating iniinom na tubig sa iba’t ibang protektadong pinagkukunan, na maingat na pinamamahalaan ng SFPUC. Kasama sa mga pinagkukunang ito ang tubig na nasa ibabaw ng lupa (surface water na naka-imbak sa mga reservoir na matatapuan sa Sierra Nevada, Alameda County and San Mateo County, at sa mga nakukuhang suplay na tubig mula sa ilalim ng lupa (groundwater) na naka-imbak sa malalim na aquifer (batong dinaraanan ng tubig) na matatagpuan sa mga county ng San Francisco at San Mateo. Magkakaiba ang mga pinagkukunang ito kapwa sa pinagmumulan ng suplay -- natunaw na niyebe, tubig-ulan, at pagre-recharge ng tubig mula sa ilalim ng lupa - at ang kani-kanilang mga lokasyon sa loob ng aming sistema.

Mahalagang bahagi ang pagpapanatili sa iba’t ibang uri ng pinagkukunan sa ating pangmaiksing panahon at pangmatagalang stratehiya sa pamamahala sa suplay ng tubig. Ang pagkakahalo ng magkakaibang pinagkukunan ang nagpoprotekta sa atin sa mga posibleng pagkakatigil ng suplay dahil sa mga emergency o likas na sakuna, nagkakaloob ng tIbay sa mga panahon ng tagtuyot, at nakatutulong upang matiyak ang pangmatagalan at napananatiling suplay ng tubig habang tinutugunan natin ang mga problemang tulad ng kawalang katiyakan ng klima, pagbabago sa mga regulasyon, at paglaki ng populasyon.

Upang matugunan ang mga pamantayan sa pagkonsumo ng iniinom na tubig, sumasailalim ang lahat ng tubig na nasa ibabaw ng lupa sa paggamot bago ito ihatid sa mga kostumer. Hindi kasama ang tubig mula sa Hetch Hetchy Reservoir mula sa mga itinatakdang filtration o pagsasala ng mga patakaran ng estado at pederal na gobyerno, pero tumatanggap ito ng mga sumusunod na paggamot: disimpeksyon sa pamamagitan ng ultraviolet light at chlorine, pagkontrol ng corrosion (katangian ng tubig kung saan nakatutunaw ito ng metal) sa pamamagitan ng pag-aakma ng ph value ng tubig, fluoridation (kontroladong paglalagay ng fluoride) para sa proteksiyon sa kalusugan ng ngipin, at chloramination (paglalagay ng chloramine) para sa pagpapanatili ng disinfectant residual (mga natitira para sa pagtatanggal ng mga mikrobyo) at pagpapaliit hanggang sa maaari ng pagkabuo ng iba pang produkto ng disimpeksyon. Inihahatid ang tubig mula sa mga lokal na reservoir sa Bay Area na nasa Alameda County at San Mateo County sa Sunol Valley Water Treatment Plant (SVWTP) and Harry Tracy Water Treatment Plant (HTWTP), ayon sa pagkakasunod-sunod at binibigyan ng paggamot sa pamamagitan ng filtration, disimpeksiyon, fluoridation, pinakamalaki nang pagkontrol ng corrosion, at mga proseso ng pagtatanggal sa lasa at amoy.

Nagsasagawa kami taon-taon ng mga survey ukol sa kalinisan ng watershed (naghihiwalay sa dumadaloy na tubig) para sa pinagkukunang Hetch Hetchy at sa mga lokal na pinagkukunan ng tubig, at UNHHS tuwing limang taon. Nakompleto ang lokal na survey ukol sa kalinisan noong 2016 para sa 2011-2015. Nagsagawa naman kami ng huling survey ukol sa kalinisan ng watershed para sa UNHHS noong 2015 bilang bahagi ng aming mga pagsisikap na kaugnay ng plano sa pagtugon sa tagtuyot. Nakompleto ang lahat ng survey na ito, kasama ng aming mahihigpit na gawain para sa proteksiyon ng watershed nang may suporta mula sa mga ka-partner na ahensiya, kasama na ang National Park Service at ang US Forest Service. Layunin ng mga survey na ito na gawan ng ebalwasyon ang mga kondisyon ng kalinisan at kalidad ng tubig ng mga watershed at repasuhin ang mga aktbidad sa pamamahala ng watershed na isinagawa sa mga naunang taon. Patuloy na pinagmumulan ng posibleng kontaminasyon ang mga hayop na nabubuhay sa kanilang natural na kapaligiran o wildlife, inaalagang hayop para sa pagkain, at aktibidad ng tao. Puwede ninyong kontakin ang opisina para sa Distrito ng San Francisco ng Lupon na Namamahala sa mga Pinagkukunan ng Tubig ng Estado-Dibisyon para sa Maiinom na Tubig (State Water Resources Control Board-Division of Drinking Water, SWRCB-DDW) sa 510-620-3474 upang marepaso ang mga ulat na ito.

PAGPROTEKTA SA ATING WATERSHEDS

Batay sa kautusan ng batas ng Estado, lubos nang katanggap-tanggap na gawain ang fluoridation (kontroladong paglalagay ng fluoride) sa tubig at nasubok na ito bilang ligtas at epektibo sa pagpigil at pagkontrol ng pagkabulok ng ngipin. Ang aming tinatarget na antas ng flouride sa tubig ay 0.7 milligram kada litro, na naaayon sa gabay sa regulasyon ng Estado noong Mayo 2015, at para sa pinakamahusay na antas ng fluoride. Posible pa ring magdulot ang pormulang may tubig na nagtataglay ng fluoride sa antas na ito, at ipinaiinom sa mga sanggol, ng maliliit na puting linya o guhit sa kanilang mga ngipin. Tinutukoy ang mga markang ito bilang banayad hanggang napakabanayad na fluorosis, at madalas na makikita lamang sa ilalim ng microscope. Kahit sa mga kaso kung saan nakikita ang mga marka, hindi nagdudulot ang mga ito ng panganib sa kalusugan. Itinuturing ng Mga Sentro ng Pagkontrol ng Sakit (Centers for Disease Control, CDC) na ligtas gamitin ang lubos na ginamitan ng fluoride na tubig para sa paghahanda ng pormula ng sanggol. Upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng fluorosis sa ngipin, puwede ninyong piliin na gamitin ang nakaboteng tubig na mababa ang fluoride upang maghanda ng pormula ng sanggol. Gayunman, puwede pa ring magkaroon ng fluorosis ng ngipin ang mga bata dahil sa fluoride na mula sa ibang pinanggagalingan, tulad ng pagkain, toothpaste at produkto para sa ngipin.

Kontakin ang iyong provider o tagabigay ng pangangalagang pangkalusugan o ang SWRCB-DDW kung may mga inaalala kayo ukol sa fluorosis sa ngipin. Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa fluoridation o kalusugan ng ngipin, bisitahin ang website ng SWRCB-DDW na waterboards.ca.gov/drinking_ water/certlic/drinkingwater/Fluoridation.shtml, ang website ng CDC na cdc.gov/fluoridation, o ang aming website na sfwater.org/fluoride.

ANG FLUORIDATION AT FLUORISIS SA NGIPIN

KALIDAD NG TUBIG Regular kaming nagtitipon at nagsusuri ng mga sampol ng tubig mula sa mga imbakan o reservoir at itinalagang mga lugar ng pagsasampol sa kabuuan ng sistema, at nang matiyak na nakatutugon o nakahihigit sa pederal at pang-estadong mga pamantayan sa iniinom na tubig ang inihahatid sa inyong tubig. Noong 2019, nagsagawa kami ng mahigit sa 100,000 pagsusuri ng iniinom na tubig sa mga sistema ng pagkuha, pagdadala at paghahatid. Karagdagan pa ito sa malawak na pagsubaybay sa pagkontrol ng proseso ng paggamot na isinasagawa ng aming mga sertipikadong operator o tagapagpatakbo at online na instrumento.

Makatwirang asahan na nagtataglay ng kahit kaunting contaminant o sangkap na hindi mabuti sa kalusugan ang iniinom na tubig, kabilang na ang nakaboteng tubig. Hindi ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng contaminant na awtomatiko nang nagdudulot ng panganib sa kalusugan ang tubig. Upang matiyak na ligtas na inumin ang tubig sa gripo, nagtatakda ang Ahensiya ng Estados Unidos para sa Proteksiyon ng Kapaligiran (United States Environmental Protection Agency, USEPA) at ang SWRCB-DDW ng mga regulasyon na naglilimita sa dami ng mga partikular na contaminant sa tubig na ipinagkakaloob ng mga pampublikong sistema ng tubig. Nagtatakda rin ang mga regulasyon ng U.S. Food and Drug Administration at ng batas ng California ng mga limitasyon para sa mga contaminantna nasa nakaboteng tubig, at nagkakaloob ang mga ito ng gayon ding proteksiyon para sa kalusugan ng publiko.

KATUNAYAN TUNGKOL SA TUBIG:

Labis naming ikinaraangal ang kalidad ng aming tubig, at ang pangkat ng mga eksperto na

ginagawang posible ito. Tinatayang 785 milyon katao sa mundo ang nabubuhay nang walang paraan

para makakuha ng ligtas na tubig.

Sanggunian: WHO ‘Progress on Drinking Water, Sanitation and Hygiene (Pag-

unlad na Nauukol sa Iniinom na Tubig, Sanitasyon, at Panangalaa sa Katawan sa

Pamamagitan ng Kalinisan),’ 2017.

NATIN ANG TUBIG NG SF.

UMINOM MULA SA GRIPO!Ang tubig mula sa gripo ninyo ang

pinakanapananatiling mapagpipilian kung isasaalang-alang ang mga

pinagkukunan ng iniinom na tubig. Mas mahal nang maraming beses ang

nakaboteng tubig kaysa sa tubig mula sa grupo, at maiiwasan ang carbon footprint

(dami ng carbon dioxide nang dahil sa gawain ng tao) na kaugnay nito. Ipakita

ang inyong pagmamahal sa ating tubig at sa ating planeta sa pamamagitan ng pag-

inom ng tubig na mula sa gripo!

Binubuo ang sistema na naghahatid ng tubig natin ng maraming iba’t ibang pinagkukunan ng tubig. Masipag kaming nagtatrabaho upang maprotektahan ang ating tubig at ang kalidad ng ating tubig. Alamin pa ang tungkol sa bawat isa sa ating mga reservoir, kung gaano kalaki ang iniaambag nila sa sistema, at kung paano ninyo sila mabibisita.

SAN ANDREAS RESERVOIR

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Gaya ng iminumungkahi ng pangalan nito, tumatakbo ang San Andreas fault (biyak na nagdudulot ng lindol) sa kabuuan ng Reservoir, at nakaligtas ang dam na pumipigil sa reservoir sa lindol noong 1906. Iniuugnay ng Sawyer Camp Trail, na 6 milya ang haba, ang San Andreas at Crystal Springs reservoirs.

SAN ANTONIORESERVOIR

LAKE ELEANOR

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Dahil sa mga pagkakaiba sa taas mula sa lupa at lebel ng tubig, posibleng lumipat ang tubig mula sa Lake Eleanor tungo sa Cherry Lake sa pamamagitan ng Eleanor-Cherry Diversion Tunnel, kung kaya’t nagkakaroon ng natatanging oportunidad para sa napakahusay na paglikha ng koryente mula sa tubig (hydroelectric power generation).

PILARCITOS RESERVOIR

CRYSTAL SPRINGS RESERVOIR

CHERRY LAKECALAVERAS RESERVOIR

HETCH HETCHYRESERVOIR

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Ang reservoir na ito, na hinaharangan ng Turner Dam, ay unang ginawang lugar na pagkukunan ng tubig noong 1875 ng Spring Valley Water Company. Una itong naharangan noong 1964 ng Turner Dam, na ipinangalan sa dating General Manager ng Hetch Hetchy na si James H. Turner.

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Nakompleto ang reservoir na ito noong 1866, bilang pinaka-una sa ating sistema at una itong itinayo ng Spring Valley Water company. Pangunahin itong nagbibigay ng tubig sa Half Moon Bay, bagamat may panahon sa nakaraan na nag-imbak din ito ng tubig para sa San Francisco.

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Ito lamang ang lawa sa asting sistema kung saan pinahihintulot ang boating o pagbabangka bilang libangan sa tubig mismo, dahil pang-emergency na suplay lamang ito. Pinananatili ito sa maayos na kondisyon sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa US Forest Service. Popular na lugar para sa paglilibang, kapwa sa mga tagarito at bisita, ang Cherry Lake.

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Unang nakompleto ang O’Shaughnessey Dam noong 1923, at ito ang pumipigil sa Hetch Hetchy Reservoir. Tinaasan pa itong lalo nang 85 feet (talampakan) noong 1938 hanggang sa taas na mayroon ito ngayon, na 430 feet.

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Ito ang pinakamalaki sa aming mga reservoir sa East Bay Sa panahon ng pinakahuling konstruksiyon ng bagong dam sa Calaveras, nakakita ng ngipin ng balyena mula sa panahong prehistoric (bago pa ang pagtatala ng kasaysayan) sa ilalim ng lupa, nang may 60 milya mula sa Dagat Pasipiko.

NAKATUTUWANG KATUNAYAN: Isa sa pinakamadaling puntahang reservoir natin mula sa San Francisco ang Crystal Springs, at naghahandog ito ng oportunidad sa paglalakad, pagha-hikng, at magng sa paglahok sa maaayos na pamamasyal nang nakabisikleta sa mga trail o madaraanan na nakapaligid mismo sa tubig.

Ang watershed ay lupaing komokolekta at nagpapadaloy sa tubig-ilan at natunaw na niyebe sa pamamagitan ng gravity (paghatak paibaba) tungo sa mga sapa, batis, at ilog, at sa wakas, sa mga magkakaparehong lugar na nilalabasan ng tubig, tulad ng mga reservoir, look o bay, at dagat.

MAGING PAMILYAR SA ATING MGA WATERSHED

PAGSUBAYBAY SA QUINOLINE

MGA ESPESYAL NA PANGANGAILANGANG PANGKALUSUGAN

PAGSUBAYBAY SA MGA SANGKAP NA PER- AT POLYFLUOROALKYL (PFAS)

Ang PFAS ay pangkat ng humigit-kumulang 4,000 kemikal na gawa ng tao, at ginagamit ang mga ito sa iba’t ibang industriya at produktong pangkonsumer. Malawakang nasa kapaligiran at katawan ng tao ang mga kemikal na ito. Upang malaman ang epekto ng PFAS sa tubig na ibinagkakaloob namin sa mga kostumer, nagsagawa kami ng yugto ng pagsubaybay sa PFAS noong 2019. Nakatulong ang pagsusumikap sa pagsubaybay na ito, na boluntaryong isinagawa, upang mapag-alaman kung mayroong PFAS, sa ano mang anyo, sa alinman sa aming mga sistema ng suplay, paghahatid, o distribusyon ng tubig. Gamit ang mahihigpit na patakaran sa pagsasampol ng Estado, at batay sa kasalukuyang naaprubahan/sertipikado nang pamamaraan ng pagsusuri para sa 18 PFAS na contaminant, nakumpirma namin na walang makitang PFAS sa ating mga pinagkukunan ng tubig. May nakita naman kaming napakakaunti ang dami sa isang PFAS na contaminant sa 20 sampol na nakolekta sa ating sistema ng distribusyon. Pinaghihinalaan namin na ang bahagi ng plumbing seal (panakip ng tubo) sa sampol na gripo ang posibleng pinagmulan ng natatanging nakita na contaminant, ang ADONA, na nakitang may antas na 2.7 bahagi kada trilyon. Plano naming magsagawa ng isa pang yugto ng pagsubaybay sa PFAS sa huling bahagi ng 2020 o unang bahagi ng 2021 kapag may magagamit nang bagong USEPA na pamamaraan ng pagsusuri sa aming nakakontratang laboratoryo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa PFAS, bisitahin ang aming website sa sfwater.org/quality. Tingnan ang factsheet (papel na naglalaman ng mga datos) dito, sa website ng SWRCB-DDW na waterboards.ca.gov/pfas, at/o sa website ng USEPA na epa.gov/pfas.

May mga tao na posibleng mas madaling tamaan ng mga contaminant sa iniinom na tubig kaysa sa pangkalahatang populasyon. Posibleng partikular na nanganganib na magkaroon ng impeksyon ang mga taong mahina ang panlaban sa sakit, tulad ng mga sumasailalim sa chemotherapy para sa kanser, taong sumailalim sa transplant ng bahagi ng katawan, taong may HIV/AIDS, o iba pang karamdaman sa sistema ng panlaban sa sakit, ilang matatanda at sanggol.

Dapat humingi ang mga ndibidwal na ito ng payo tungkol sa iniinom na tubig mula sa kanilang tagabigay ng pangangalagang pangkalusugan. Makukuha ang mga gabay ng USEPA/CDC ukol sa mga angkop na paraan upang mabawasan ang panganib ng impeksiyon ng Cryptosporidium at iba pang mikrobyong contaminant, mula sa Hotline o Matatawagang Numero ng Telepono ng USEPA ukol sa Ligtas na Iniinom na Tubig, na 1-800-426-4791 o sa epa.gov/safewater.

KATUNAYAN TUNGKOL SA TUBIG:

Pagpaplano para sa hinaharap: nagpapatupad at nagsisyasat ng ilang

pagsusumikap ang ating Programa na mga Inobasyon sa Tubig (Water

Innovations Program), at kasama na rito ang PureWater SF, Pinalawak na

Paghahanap ng mga Tagas (Expanded Leak Detection), Muling Paggamit ng

Tubig sa Proseso ng Brewery (Brewery Process Water Reuse).

Ang quinolne ay kemikal na compound na karaniwang ginagamit sa coal-tar na lining o sapin ng mga tubo para sa iniinom na tubig, at nang maiwasan ang pagkasira.

Upang matiyak ang ligtas na pamamahagi ng tubig, at bilang pag-ayon sa Rehiyonal na Sistema ng Tubig (Regional Water System) ng San Francisco, nagsagawa kami ng espesyal na yugto para sa boluntaryong pagsubaybay para sa quinoline. Bahagi ang pagsubaybay nito ng aming pagtatasa upang mapag-alaman ang (mga) pinagmumulan ng quinoline mula sa saanman sa aming mga sistema ng suplay, paghahatid, at distribusyon.

Kinumpirma ng mga resulta ng pagsubaybay ang kawalan ng quinoline sa hind pa nagagamot (raw) na tubig ng ating sistema; sa madaling salita, “walang makita (non-detect): ang naging resulta. May natagpuan naman kaming mabababang antas ng quinoline sa apat na lugar sa aming sistema ng distribusyon; ang mga lokasyon ding ito ang kinatagpuan ng mabababang antas noong 2018, noong nagsagawa ng pagsubaybay bilang pagsunod sa Ika-apat na Tuntunin ukol sa Pagsubaybay ng Hindi Nakokontrol na Sangkap na Hindi Mabuti sa Kalusugan (Unregulated Contaminant Monitoring Rule, UCMR4). Puwede ninyong makuha dito ang aming UCMR4 na datos ukol sa kalidad ng tubig, at mabisita ang website ng USEPA sa epa.gov/dwucmr para sa impomasyon tungkol sa UCMR4.

Sa pangkalahatan, kasama sa mga pinagkukunan ng iniinom na tubig (kapwa ng tubig sa gripo at nakaboteng tubig) ang mga ilog, lawa, dagat, stream o daluyan, tubigan o pond, imbakan, bukal, at balon. Habang naglalakbay ang tubig sa ibabaw ng lupa o sa ilalim nito, tinutunaw nito ang likas na nangyayaring mga mineral at, sa ilang kaso, ang radyoaktibong materyal, at posibleng madampot ng mga sangkap nang dahil sa pagkakroon ng mga hayop o mula sa aktibidad ng tao. Tinatawag ang gayong mga sangkap na contamint, at posibleng matagpuan sa pinagkukunang tubig bilang:

Mga mikrobyong contaminant, tulad ng virus at bakterya na posibleng manggaling mula sa mga planta ng paggamot sa imburnal o sewage, sistemang septiko, pagpapatakbo ng pang-agrikulturang pag-aalaga ng hayop, at mga hayop na nasa kanilang mga natural na kapaligiran,

Mga di-organikong contaminant, tulad ng asin at metal, na posibleng likas na nangyayari o resulta ng runoff o tubig sa kalye mula sa bagyo sa kalunsuran, pang-industriya o domestikong nagamit nang tubig na itinatapon, paggawa ng langis at gas, pagmimina o pagsasaka,

Mga pestisidyo at herbisidyo na posibleng mula sa iba’t ibang pinanggagalingan tulad ng agrikultura, runoff o tubig sa kalye mula sa bagyo sa kalunsuran at mga paggamit na pantahanan,

Mga organikong kemikal na contaminant, kabilang na ang sintetiko at volatile na organikong mga kemikal (mga kemikal na madaling maging gas o sumingaw), na kasamang produkto ng mga prosesong pang-industriya at produksiyon ng petrolyo, at posible ring manggaling sa mga estasyon ng gas, runoff o tubig sa kalye mula sa bagyo sa kalunsuran, mga sistema ng paggamit na pang-agrikultura at septiko,

Mga radyoaktibong contaminant, na posibleng likas na nangyayari o resulta ng produksiyon ng langis at gas at mga aktibidad ng pagmimina.

Makakukuha ng iba pang impormasyon tungkol sa mga contaminant at posibleng mga epektong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagtawag sa Safe Drinking Water Hotline ng USEPA na 1-800-426-4791, o sa epa.gov/safewater.

MGA CONTAMINANT AT MGA REGULASYON

MAIINOM NA TUBIG AT TINGGA O LEAD Posibleng magdulot ang pagkakalantad sa tingga o lead, kung mayroon nito, ng malubhang epekto sa kalusugan ng lahat ng mga pangkat ng tao na nakabatay sa edad, lalo na sa mga buntis na babae at musmos na bata. Posibleng bumaba ang IQ, umiksi ang panahon na kayang magtuon ng pansin (attention span) at dumami ang mga problema sa pag-aaral at pag-uugali ng mga sanggol at bata na nakainom ng tubig na may tingga. Nagdudulot ng mas mataas na panganib sa pagbubuntis ang pagkakalantad sa tingga ng mga babaeng nagbubuntis. May katulad ding panganib sa mga babaeng nalantad sa tingga at pagkatapos nito ay nabunts, kung lalabas ang tingga mula sa napag-ipunang buto ng ina sa panahon ng pagbubuntis. Iminungkahi kamakailan ng siyensiya na posibleng magkaroon ng mas matataas na panganib sa sakit sa puso, alta presyon, problema sa bato o kidney, o nervous system (sistema ng utak, gulugod at iba pa).

Pangunahing nagmumula ang tingga sa iniinom na tubig sa mga materyal at sangkap na kaugnay ng mga linya ng serbisyo at instalasyon ng tubo sa bahay. Walang napag-alamang linya ng serbisyo na may tingga sa ating sistema ng distribusyon ng tubig. May responsibilidad kami sa pagkakaloob ng iniinom na tubig na mataas ang kalidad, pero hindi namin makokontrol ang iba’t ibang materyal na ginagamit sa mga sangkap ng instalasyon ng tubo. May bahagi kayo sa responsibilidad na protektahan ang sarili at ang inyong pamilya mula sa tingga sa inyong sistema ng mga tubo sa bahay. Puwede ninyong akuin ang responsibilidad sa pagtukoy at pagtatanggal ng tingga na nasa inyong sistema ng mga tubo sa bahay, at gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang panganib sa inyong pamlya. Bago uminom ng tubig, i-flush muna ang tubig mula sa mga tubo nang ilang minutosa pamamagitah ng tuloy-tuloy na pagpapadaloy ng tubig mula sa grupo, pagsa-shower, paglalaba, o paghuhugas ng pinggan. Puwede rin kayong gumamit ng filter na sertipikadong nakatatanggal ng tingga mula sa iniinom na tubig. Kung inaalala ninyo ang tungkol sa tingga sa inyong tubg, baka gusto ninyong ipasuri ang inyong tubig, kaya’t tumawag sa 311 o tingnan ang aming website sa sfwater.org/leadtest, at nang makapag-aplay para sa pagsusuri ng eksamen para sa tingga sa murang singil. May makukuhang impormasyon tungkol sa tingga na nasa iniinom na tubig, mga pamamaraan ng pag-eeksamen, at mga hakbang na puwede ninyong gawin upang mapakaunti ang pagkakalantad, sa epa.gov/safewater/lead.

Bukod sa aming mga pagsisikap para sa proteksiyon ng pinagkukunan ng tubig, ipinagpapatuloy namin ang mga sumusunod na programa upang bawasan hanggang maaari ang pagkakalantad ng mga kostumer sa tingga sa tubig:

• Pagpapalit sa 2% ng mga metrong tanso ng awtomatikong metro ng tubigna walang lead o tingga.

• Patuloy na nagbabalik ng mga resultang “walang nakita (non-detect) angtaunang pagsubabay ng mga pinapasukan sa sistema ng ating paghahatidng tubig noong 2019.

• Pag-aalok, sa pakikipagtulungan ng Departamento ng PampublikongKalusugan (Department of Public Health) ng San Francisco ng mga voucherpara sa libreng pagsusuri para sa tingga sa mga kliyenteng naka-enroll saprogramang Mga Babae, Sanggol at Bata (Women, Infants and Children, WIC).

• Pag-aalok ng murang pag-eeksamen ng tubig para sa tingga sa halagang $25kada gripo. Para humilng ng pag-eeksamen, tumawag sa 311 o bisitahin angaming website sa sfwater.org/leadtest para sa form para sa pag-aaplay.

Noong 2019, patuloy kaming nag-inspeksiyon at tiningnan ang mga katangian ng 10,912 lnya ng serbisyo na hindi alam ang materyales, at 4,524 linya ng serbisyo na pinagsususpetsahang may mga bahaging may tingga, na kilala rin bilang mga linya ng serbisyo na gumagamit ng tingga (lead user service lines, LUSL). Unang naiulat ang mga bilang na ito sa SWRCB- DDW noong Hulyo J2018. Iuulat ang mga resulta ng imbestigasyon sa mga lugar, pati na rin ng iskedyul upang palitan ang alam nang mga LUSL, sa SWRCB- DDW bago sumapit ang Hulyo 2020. Kasalukuyang polisiya namin na tanggalin at palitan agad ang anumang LUSL kapag nadiskubre ito sa mga pagkukumpuni/at o pagpapanatili sa maayos na kondisyon ng linya ng tubo. Nagsasagawa rin kami ng pinaka-una o pilot na pag-aaral upang mapag-alam ang mga bahagi ng tingga sa mga antas ng tingga sa gripo ng mga kostumer.

Sa pagitan ng 2017 at 2019 natulungan na namin ang kabuuang bilang ng 190 pampubliko at pribadong paaralang K-12 sa pagsubaybay sa tingga na nasa kanilang tubig mula sa gripo.Matatagpuan ang datos ukol sa pagsubaybay sa mga paaralan sa sfwater.org/lead. Simula sa huling bahagi ng 2019, nakikipagtrabaho na kami sa San Francisco Unified School District upang makabuo ng boluntaryo at 5-taon na paulit-ulit na programa sa pagsubaybay, at nang makapagbigay ng nagpapatuloy na suporta sa mga lokal na paaralan, at sa gayon, matugunan ang pagkakaroon ng tingga sa kanilang tubig mula sa gripo.

PAGSUSURI KUNG MAY LEAD SA INIINOM NA TUBIG SA PAARALAN

KATUNAYAN TUNGKOL SA TUBIG:Alam ba ninyo kung gaano

karaming tubig ang dapat na naka-imbak bilang bahagi ng inyong emergency kit? Para alamin ito, bisitahin ang sf72.org/supplies

MAHAHALAGANG TERMINO UKOL SA KALIDAD NG TUBIG

Ang mga sumusunod ang mga depinisyon ng mahahalagang termino na tumutukoy sa mga pamantayan at tunguhin para sa kalidad ng tubig, at nakatala ang mga ito sa table o talahanayan ng datos.

Tunguhin para sa Pampublikong Kalusugan (Public Health Goal, PHG): Antas ng contaminant (sangkap na hindi mabuti sa kalusugan) sa iniinom na tubig, kung saan sa mas mababa rito, walang alam o inaasahang panganib sa kalusugan. Itinatakda ang mga PHG ng California Environmental Protection Agency.Tunguhin na Pinakamataas nang Antas ng Sangkap na Hindi Mabuti sa Kalusugan (Maximum Contaminant Level goal, MCLG): Antas ng contaminant (sangkap na hindi mabuti sa kalusugan) sa iniinom na tubig, kung saan sa mas mababa rito, walang alam o inaasahang panganib sa kalusugan. Itinatakda ang mga MCLG ng USEPA.Pinakamataas nang Antas ng Sangkap na Hindi Mabuti sa Kalusugan (Maximum Contaminant Level, MCL): Ang pinakamataas nang antas ng mga contaminant na pinahihintulutan sa iniinom na tubig. Itinatakda ang pangunahing mga MCL nang pinakamalapit sa mga PHG o MCLG hanggang sa magagawa batay sa ekonomiya at teknolohiya. Itinatakda ang sekondaryong mga MCL (mga SMCL) upang protektahan ang amoy, lasa, at anyo ng iniinom na tubig.Pinakamataas nang Antas ng Nananatiling Likido na Nagtatanggal sa mga Mikrobyo (Maximum Residual Disinfectant Level, MRDL): Ang antas ng disinfectant na nasa iniinom na tubig, kung saan sa mas mababa rito, walang alam o inaasahang panganib sa kalusugan. May nakakukumbinsing ebidensiya na kailangan ang pagdaragdag ng disinfectant para sa pagkontrol ng mga mikrobyong contaminantTunguhin na Pinakamataas nang Antas ng Nananatiling Likido na Nagtatanggal sa mga Mikrobyo (Maximum Residual Disinfectant Level goal, MRDLG): Ang antas ng disinfectant na nasa iniinom na tubig, kung saan sa antas na mas mababa rito, walang nalalaman o inaasahang panganib sa kalusugan. Hindi nagpapakita ang mga MRDLG ng mga benepisyo ng paggamit ng disinfectant upang makontrol ang mga mikrobyong contaminant.

Pangunahing Pamantayan sa Iniinom na Tubig (Primary Drinking Water Standard, PDWS): Ang mga MCL at MRDL para sa mga contaminant na naka-aapekto sa kalusugan, kasama na ang itinatakdang pagsubaybay at pag-uulat sa mga ito, at mga itinatakdang paggamot ng tubig.Antas ng Aksiyon para sa Regulasyon: Ang konsentrasyon ng contaminant, na kung sumobra, ay nagtutulak ng paggamot o iba pang mga itinatakdang dapat sundin ng sistema ng tubigParaan ng Paggamot (Treatment Technique, TT): Ang kinakailangang proseso na naglalayong bawasan ang antas ng mga contaminant na nasa iniinom na tubig.Pagiging Malinaw o Malabo ng Tubig (Turbidity): Ang nagpapakita ng linaw ng tubig na sumusukat ng pagiging malabo ng tubig, at ginagamit din upang ipabatid ang pagiging epektibo ng sistema ng filtration. Posibleng makahadlang ang mataas na kalabuan sa pagiging epektibo ng disinfectant.Ang Cryptosporidium ay parasitikong mikrobyo na natatagpuan sa karamihan ng tubig na nasa ibabaw ng lupa o surface water. Regular kaming gumagawa ng mga eksamen para sa pathogen na ito na nasa tubig, at nakita na namin ito sa napakababang mga antas sa pinagkukunang tubig at nagamot nang tubig noong 2019. Gayunman, hindi ipinapakita ng mga kasalukuyang paraan ng pagsusuri na inaprobahan ng USEPA ang pagkakakaiba ng mga patay na organismo at ng mga may kakayahang magdulot ng sakit. Posibleng lumikha ang pagpasok ng Cryptosporidium sa katawan ng mga sintomas ng nausea o pagduduwal, pulikat sa tiyan, pagtatae, at mga kaugnay na sakit ng ulo. Kailangang pumasok ang Cryptosporidium sa katawan upang magdulot ng sakit, at puwede itong kumalat sa pamamagitan ng mga paraang bukod pa sa pag-inom ng tubig.

ANG TUBIG SA KOMUNIDAD

Sa kabuuan ng tagsibol ng 2019, nakipagtrabaho ang mga kawani ng SFPUC sa mga may-ari ng lokal na negosyo upang mahikayat ang pagpapasalamat para sa atng tubig, sa pamamagitan ng serye ng mga pagtitipon na estilo ng open-house (bukas sa lahat). Napakasuwerte namin at nagkaroon ng pakikipagkolaborasyon sa mga popular na panaderya, brewery, at kapihan sa kabuuan ng lungsod. Binigyang-daan ng mga pagtitipong ito na makilala ng maraming residente ng San Francisco ang mga kawani na mula sa iba’t ibang bahagi ng ating organisasyon at malaman pa ang tungkol sa ating tubig, kung paano ito ginagamot, at tungkol din sa ilan sa ating magagandang programa at inisyatiba para sa konserbasyon.Pagkaraan nito, noon namang taglagas ay naging napakasuwerte namin at nagboluntayong matampok ang ilan sa mga ka-partner sa negosyong ito mula sa tagsibol sa biswal na kampanya na naka-display na ngayon sa punong tanggapan namin sa Golden Gate Avenue.Lubos kaming natuwa sa kasiglahan na mayroo tayo para sa ating mataas ang kalidad na tubig, na sinasalamin ng marami sa mga naging kumbersasyon namin sa inyo. Ginagawang posible ng ating tubig ng marami sa mga popular na produkto at negosyo, at nagpapasalamat kami sa inyong patuloy na interes sa aming trabaho.

ANG SISTEMA NG TUBIG NG SAN FRANCISCO - DATOS UKOL SA KALIDAD NG TUBIG PARA SA TAONG 2019Inililista ng table o talahanayan na nasa ibaba ang lahat ng natuklasang contaminant sa iniinom na tubig noong 2019 at ang impormasyon tungkol sa mga pangkaraniwang pinanggalingan ng mga ito. Hindi ipinakikita ang mga contaminant na mas mababa kaysa sa mga limitasyon sa pagtuklas (detection limits) para sa pag-uulat, alinsunod sa gabay sa pangangasiwa. Mayroon kaming pagwawaksi sa pagsubaybay (monitoring waiver) ng SWRCB-DDW para sa ilang contaminant na nasa suplay ng ating tubig na nasa ibabaw ng lupa (surface water), at dahil dito, mas madalang kaysa sa taunan, ang dalas ng pagsubaybay sa mga ito. Bisitahin ang sfwater.org para sa listahan ng lahat ng parametro ng kalidad ng tubig na sinusubaybayan namin sa hindi pa nagagamot at nagamot nang tubig noong 2019.

MGA NAKITANG CONTAMINANT YUNIT MCL PHGOR (MCLG)

SAKLAW O ANTAS NA

NAKITA

KARANI-WAN O

AVERAGE

MGA PANGUNAHING PINAGKUKUNAN NG MAIINOM NA TUBIG

PAGIGING MALINAW O MALABO NG TUBIG (TURBIDITY)

Hindi pa Nafi-filter na Tubig ng Hetch Hetchy

NTU 5 N/A 0.3 - 0.7 (1) [2.1] Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Na-filter nang Tubig mula sa Sunol Valley Water Treatment Plant (SVWTP)

NTU

-

1 (2)

Min 95% ng mga sampol ≤0.3 NTU (2)

N/A

N/A

-

99.9% - 100%

[1]

-

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Na-filter nang Tubig mula sa Harry Tracy Water Treatment Plant (HTWTP)

NTU

-

1 (2)

Min 95% ng mga sampol ≤0.3 NTU (2)

N/A

N/A

-

100%

[0.1]

-

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

MGA SANGKAP NA NABUBUO MULA SA REAKSIYON SA GINAMIT NA DISINFECTANT O PAMPATANGGAL NG BAKTERYA, O NAUNANG SANGKAP

Kabuuang Trihalomethanes ppb 80 N/A 13 - 65 [45] (3) Sangkap na nabuo mula sa paggamit ng disinfectant o pampatanggal ng bakterya sa iniinom na tubig

Mga Asidong Haloacetic ppb 60 N/A 7.2 - 46 [38] (3) Sangkap na nabuo mula sa paggamit ng disinfectant o pampatanggal ng bakterya sa iniinom na tubig

Kabuuang Organikong Karbon (4) ppm TT N/A 1.6 - 2.6 2.1 Iba’t ibang pinagkukunan na mula sa kalikasan at gawa ng tao

MICROBAYOLOHIKAL

Kabuuang Coliform - NoP ≤5.0% ng mga sampol (0) - [0.3%] Natural na naririyan sa kapaligiran

Giardia lamblia cyst/L TT (0) 0 - 0.09 0.02 Natural na naririyan sa kapaligiran

MGA HINDI ORGANIKO

Fluoride (source water) (5) ppm 2.0 1 ND - 0.9 0.3 (6) Pagkawala ng natural deposits; pandagdag sa tubig para magkaroon ng mas matitibay na ngipin

Chloramine (as chlorine) ppm MRDL = 4.0 MRDLG = 4 0.5 - 3.3 [2.6] (7) Nagdagdag ng disinfectant sa iniinom na tubig para magamot ito

MGA BUMUBUO NA MAY SEKONDARYANG PAMPANTAYAN

YUNIT SMCL PHG SAKLAW KARANIWANPANGUNAHING PINAGMUMULAN NG CONTAMINANT

Aluminum paggamot sa (8) ppb 200 600 ND - 68 ND Pagkawala ng natural deposits; may ilang natitira sa paggamot sa tubig na nasa ibabaw ng lupa

Chloride ppm 500 N/A <3 - 17 8.7 Runoff o tubig-ulan / pagtagas mula sa natural deposits

Kulay unit 15 N/A <5 - 10 <5 Natural na nagaganap na organikong materyales

Kahusayan ng tubig na maghatid ng koryente (Specific Conductance)

µS/cm 1600 N/A 32 - 234 158 Mga sangkap na bumubuo ng ions kapag nasa tubig

Sulfate ppm 500 N/A 1 - 29 15 Runoff o tubig-ulan / pagtagas mula sa natural deposits

Kabuuang Natunaw na mga Solid ppm 1000 N/A <20 - 119 76 Runoff o tubig-ulan / pagtagas mula sa natural deposits

Turbidity (pagiging malabo o malinaw)

NTU 5 N/A ND - 0.5 0.2 Soil runoff (tubig na nasa ibabaw ng lupa)

MGA NAKITANG CONTAMINANT YUNIT MCL PHGOR (MCLG)

SAKLAW O ANTAS NA

NAKITA

KARANI-WAN O

AVERAGE

MGA PANGUNAHING PINAGKUKUNAN NG MAIINOM NA TUBIG

PAGIGING MALINAW O MALABO NG TUBIG (TURBIDITY)

Hindi pa Nafi-filter na Tubig ng Hetch Hetchy

NTU 5 N/A 0.3 - 0.7 (1) [2.1] Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Na-filter nang Tubig mula sa Sunol Valley Water Treatment Plant (SVWTP)

NTU

-

1 (2)

Min 95% ng mga sampol ≤0.3 NTU (2)

N/A

N/A

-

99.9% - 100%

[1]

-

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Na-filter nang Tubig mula sa Harry Tracy Water Treatment Plant (HTWTP)

NTU

-

1 (2)

Min 95% ng mga sampol ≤0.3 NTU (2)

N/A

N/A

-

100%

[0.1]

-

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

Tubig na nasa ibabaw ng lupa

MGA SANGKAP NA NABUBUO MULA SA REAKSIYON SA GINAMIT NA DISINFECTANT O PAMPATANGGAL NG BAKTERYA, O NAUNANG SANGKAP

Kabuuang Trihalomethanes ppb 80 N/A 13 - 65 [45] (3) Sangkap na nabuo mula sa paggamit ng disinfectant o pampatanggal ng bakterya sa iniinom na tubig

Mga Asidong Haloacetic ppb 60 N/A 7.2 - 46 [38] (3) Sangkap na nabuo mula sa paggamit ng disinfectant o pampatanggal ng bakterya sa iniinom na tubig

Kabuuang Organikong Karbon (4) ppm TT N/A 1.6 - 2.6 2.1 Iba’t ibang pinagkukunan na mula sa kalikasan at gawa ng tao

MICROBAYOLOHIKAL

Kabuuang Coliform - NoP ≤5.0% ng mga sampol (0) - [0.3%] Natural na naririyan sa kapaligiran

Giardia lamblia cyst/L TT (0) 0 - 0.09 0.02 Natural na naririyan sa kapaligiran

MGA HINDI ORGANIKO

Fluoride (source water) (5) ppm 2.0 1 ND - 0.9 0.3 (6) Pagkawala ng natural deposits; pandagdag sa tubig para magkaroon ng mas matitibay na ngipin

Chloramine (as chlorine) ppm MRDL = 4.0 MRDLG = 4 0.5 - 3.3 [2.6] (7) Nagdagdag ng disinfectant sa iniinom na tubig para magamot ito

MGA BUMUBUO NA MAY SEKONDARYANG PAMPANTAYAN

YUNIT SMCL PHG SAKLAW KARANIWANPANGUNAHING PINAGMUMULAN NG CONTAMINANT

Aluminum paggamot sa (8) ppb 200 600 ND - 68 ND Pagkawala ng natural deposits; may ilang natitira sa paggamot sa tubig na nasa ibabaw ng lupa

Chloride ppm 500 N/A <3 - 17 8.7 Runoff o tubig-ulan / pagtagas mula sa natural deposits

Kulay unit 15 N/A <5 - 10 <5 Natural na nagaganap na organikong materyales

Kahusayan ng tubig na maghatid ng koryente (Specific Conductance)

µS/cm 1600 N/A 32 - 234 158 Mga sangkap na bumubuo ng ions kapag nasa tubig

Sulfate ppm 500 N/A 1 - 29 15 Runoff o tubig-ulan / pagtagas mula sa natural deposits

Kabuuang Natunaw na mga Solid ppm 1000 N/A <20 - 119 76 Runoff o tubig-ulan / pagtagas mula sa natural deposits

Turbidity (pagiging malabo o malinaw)

NTU 5 N/A ND - 0.5 0.2 Soil runoff (tubig na nasa ibabaw ng lupa)

IBA PANG MGA PANUKAT SA KALIDAD NG TUBIG YUNIT ORL SAKLAW KARANIWAN MGA IBIG SABIHIN:

Alkalinity (bilang CaCO3) ppm N/A 3.5 - 97 46 < / ≤ = mas mababa kaysa / mas mababa kaysa o katumbas

AL = Action Level (Antas ng Aksiyon)

Max = Maximum (pinakamarami nang posible)

Min = Minimum (pinakakaunti nang posible)

N/A = Not Available (hindi makuha)

ND = Non-Detect (hindi makita)

NL = Notification Level (Antas para sa Pag-aabiso)

NoP = Number of Coliform-Positive Sample

(Bilang ng Coliform-Positibong Sampol)

Sampol na NTU = Nephelometric Turbidity Unit

ORL = Other Regulatory Level (Iba pang Antas sa Pamamahala)

Antas ng ppb = part per billion (bahagi kada bilyon

ppm = part per million (bahagi kada milyon)

µS/cm = microSiemens/centimeter

Boron (uri ng mineral) ppb 1000 (NL) ND - 107 ND

Calcium (bilang Ca) ppm N/A 3.3 - 20 12

Chlorate (10) ppb 800 (NL) 40 - 220 84

Chromium (VI) (11) ppb NA 0.04 - 0.19 0.12

Hardness (as CaCO3) ppm N/A 8.9 - 77 47

Magnesium ppm N/A 0.2 - 6.6 4.2

pH - N/A 8.6 - 9.9 9.4

Potassium ppm N/A 0.3 - 1.2 0.8

Silica ppm N/A 4.9 - 8 6.1

Sodium ppm N/A 2.8 - 21 14

Strontium ppb N/A 13 - 230 107

TINGA AT TANSO (LEAD AND COPPER) (9) YUNIT AL PHG SAKLAW

IKA-90PERCENTILE O RANGGO

PANGUNAHING PINAGKUKUNAN NG INIINOM NA TUBIG

Copper ppb 1300 300 7.7 - 103 64 Pagkasira sa loob ng sistema ng mga tubo ng tubig sa kabahayan

Lead ppb 15 0.2 <1 - 90 6 Pagkasira sa loob ng sistema ng mga tubo ng tubig sa kabahayan

MGA TALA UKOL SA SISTEMA NG TUBIG NG SAN FRANCISCO - DATOS UKOL SA KALIDAD NG TUBIG(1) Ang mga ito ang buwanang karaniwang sukat ng turbidity (pagiging malabo o malinaw) na sinusukat kada 4 oras araw-araw. (2) Walang turbidity MCL para sa na-filter nang tubig. Nakabatay ang mga limitasyon sa mga itinatakdang TT para sa mga sistema ng pagfi-filter. (3) Ito na ang pinakamataas na tumatakbong taunang karaniwang halaga o value sa lokasyon. (4) Ang kabuuang organikong karbon ang sangkap bago ang pagkabuo ng byproduct o kasamang nabubuong mga sangkap sa proseso ng disenfection o patatanggal ng mga bakterya. Naipatutupad lamang ang itinatakdang TT sa na-filter nang tubig mula sa SVWTP. (5) Noong Mayo 2015, inirekomenda ng SWRCB na panatilihin sa nagamot nang tubig ang pinakamahusay nang antas ng fluoride na 0.7 ppm. Noong 2019, ang mga saklaw at karaniwang antas ng fluoride ay 0.2 ppm - 0.9 ppm at 0.7 ppm, ayon sa pagkakasunod-sunod. (6) ND o Hindi makita ang natural na antas ng fluoride sa pinagkukunang Hetch Hetchy. Ang mas mataas na antas ng fluoride sa SVWTP at HTWTP na hindi nagamot o raw na tubig ay sinasabing dahil sa paglipat ng nalagyan na ng fluoride na tubig ng Hetch Hetchy sa mga lokal na reservoir o pinagmumulan ng tubig. (7) Ito na ang pinakamataas na tumatakbong taunang karaniwang halaga o value. (8) Mayroon ding pangunahing MCL na 1,000 ppb ang aluminum. (9) Ang pinakahuling pagsubaybay para sa Patakaran ukol sa Tingga at Tanso (Lead and Copper Rule) ay noong Agosto 2018. Dalawa sa 90 sampol ng lugar na nakolekta sa mga grupo ng konsumer ang mayroong konsentrasyon na mas mataas sa mga AL. (10) Ang nakitang chlorate sa nagamot nang tubig ay mga degradation product (mga nabuong kemikal) ng sodium hypochlorite, na ginagamit namin para sa disenfection o pagtatanggal ng bakterya sa tubig. (11) Ang Chromium ay may PHG na 0.02 ppb pero walang MCL. Iniurong ng SWRCB-DDW ang dating MCL na 10ppb noong Setyembre 11, 2017. Sa kasalukuyan, pinamamahalaan ng SWRCB-DDW ang lahat ng chromium sa pamamagitan ng MCL na 50 ppb para sa Kabuuang Crhormium, na hindi nakita sa awting tubig noong 2019.

Tandaan: Nagreresulta sa iba’t ibang kalidad ng tubig ang iba’t ibang pinagmumulan ng tubig na pinagsasama sa iba’t ibang ratio sa kabuuan ng taon. Puwedeng makakuha ng karagdagang dato ukol sa kalidad ng tubig sa pamamagitan ng pagtawag sa Dibisyon ukol sa Kalidad ng Tubig (Water Quality Division) sa walang bayad na numerong (877) 737-8297.

Nagamot nang Tubig (Sunset

Reservoir)

NAKITANG MGA CONTAMINANT YUNIT MCL PHG NAKITANG

SAKLAW KARANIWAN PANGUNAHING PINAGKUKUNAN NG INIINOM NA TUBIG

MGA HINDI ORGANIKO

Chromium (VI) ppb N/A (1) 0.02 0.08 - 0.91 0.24 Tumatagas mula sa mga natural na deposit, komersiyal at industryal na itinatapon mula sa paggamit, halimbawa, mula sa electroplating (paggamit ng koryente para matunaw ang metal)

MGA BUMUBUO NA MAY SEKONDARYANG PAMANTAYAN

Chloride ppb 500 N/A 4.8 4.8 Runoff / leaching mula sa mga natural na deposit

Kulay Unit 15 N/A 8 8 Mga natural na nabuuong mga organikong materyales

Kahusayan ng tubig na maghatid

µS/cm 1600 N/A 61 - 397 125 Mga sangkap na bumubuo ng ion kapag nasa tubig

Sulfate Unit 500 N/A 5.5 5.5 Runoff / leaching mula sa mga natural na deposit

Kabuuang Natunaw na Solid ppm 1000 N/A 33 33 Runoff / leaching mula sa mga natural na deposit

Pagiging Malinaw o Malabo ng Tubig (Turbidity)

NTU 5 N/A 0.3 0.3 Soil runoff (tubig na nasa ibabaw ng lupa)

IBA PANG PANUKAT SA KALIDAD NG TUBIG YUNIT ORL NAKITANG

SAKLAW KARANIWAN

Chlorate (2) ppb 800 (NL) 61 61

Strontium ppb N/A 49 49

Hind pa Nagagamot na Tubig (3)

(Mga Balon ng Tubig mula sa

Ilalim ng Lupa o Ground Water Wells ng San

Francisco)

NAKITANG CONTAMINANTS YUNIT MCL PHG NAKITANG SAKLAW KARANIWAN PANGUNAHING PINAGKUKUNAN NG

INIINOM NA TUBIG

MGA HINDI ORGANIKO

Chromium (VI) ppb N/A(1) 0.02 0.02 - 23.7 15.9 Pagtagas mula sa mga natural na depost; komersiyal at industryal na itinatapong nagamt ng tubg, halimbawa, electroplating

Nitrate (bilang nitrogen) ppm 10 10 3 - 13.6 8.0 Pampataba sa landscape at tumagas nang tubig

VOLATILE ORGANICS

Carbon tetrachloride (4) ppb 0.5 0.1 ND - 0.99 0.61 (4) Komersiyal at industriyal na solvent na ginamit sa dry cleaning bago ang 1960

Tetrachloroethylene (5) ppb 5 0.06 ND - 2.5 1.9 (5) Komersiyal at industriyal na solvent na ginamit sa dry cleaning bago ang 2010 at ginamit bilang metal degreaser (tagatanggal ng langis sa metal) sa mga talyer ng kotse at industryal ng metal o metalworks

SA KALIDAD NG TUBIG YUNIT ORL NAKITANG SAKLAW KARANIWAN

pH - N/A 7.3 - 8.5 7.9

Strontium ppb N/A 134 - 202 176

Lokal na Tubig mula sa Ilalim ng Lupa o Groundwater ng Lungsod ng San Francisco - Datos Ukol sa Kalidad ng Tubig para sa Taong 2019

MGA TALA UKOL SA SISTEMA NG TUBIG NG SAN FRANCISCO - DATOS UKOL SA KALIDAD NG TUBIG(1) Iniurong ng SWRCB-DDW ang dating Chromium (VI) MCL na 10 ppb noong Setyembre 11, 2017. Sa kasalukuyan, pinamamahalaan ng SWRCB-DDW ang kabuuang chromium sa pamamagitan ng MCL na 550 ppb. Ang resulta ng kabuuang chromium sa nagamot nang tubig ay ND noong 2019. (2) Ang nakitang chlorate sa nagamot nang tubig ay produktong degradation ng sodium hypochlorite, na ginagamit para sa disimpeksiyon ng tubig at pagpapanatili sa natitirang chlorine sa sistema. (3) Ipinapakita ng mga saklaw at average o karaniwan sa konsentrasyon ng mga contaminant ang hindi pa nagagamot na tubig. Hindi nito kinakatawan ang tubig sa mga reservoir at ang sistema ng distribusyon. (4) Sa South Sunset Well lamang nakita ang contaminant na ito na mas mataas sa MCL. Nakabatay ang average sa mga resulta ng pagsubaybay sa South Sunset Well. (5) Sa Golden Gate Central Well lamang nakita ang contaminant na ito, para lamang sa layunin ng pagpapatubig ng Golden Gate Part nagseserbisyo ang Well na ito. Nakabatay ang average sa mga resulta ng pagsubaybay sa Golden Gate Central Well.

P.O. Box 7369 San Francisco, CA 94120-7369

@sfwater

This report contains important information about your drinking water. Translate it, or speak with someone who understands it.

Este informe contiene información muy importante sobre su agua potable. Tradúzcalo o hable con alguien que lo entienda bien.

Mahalaga ang impormasyong ito. Mangyaring ipasalin ito.

Cé rapport contient des information importantes concernant votre eau potable. Veuillez traduire, ou parlez avec quelqu’ un qui peut le comprendre.

Dieser Bericht enthält wichtige Information über Ihr Trinkwasser. Bitte übersetzen Sie ihn oder sprechen Sie mit jemandem, der ihn versteht.

Questo rapporto contiene informazioni importanti che riguardano la vostra aqua potabile. Traducetelo, o parlate con una persona qualificata in grado di spiegarvelo.

此份水質報告,內有重要資訊。請找他人為你翻譯和解說清楚。

Этот отчет содержит важную информацию о вашей питьевой воды. Переведите его или поговорите с тем, кто это понимает.

この報告書には上水道に関する重要な情報が記されております。翻訳を御依頼なされ

るか、内容をご理解なさっておられる方にお尋ね下さい。

Nagkikita ang San Francisco Public Utilities Commission tuwing ika-2 at ika-4 ng Martes buwan-

buwan. Para alamin pa ang tungkol sa aming mga Komisyoner at nakaraang mga miting, bisitahin ang

sfwater.org/commission

Ann Moller Caen, PRESIDENTE Francesca Vietor, BISE PRESIDENTEAnson Moran, KOMISYONERSophie Maxwell, KOMISYONERTim Paulson, KOMISYONER

Komisyon sa mga Pampublikong Serbisyo (Public Utilities Commission) ng San FranciscoNaghahatid kami araw-araw ng iniinom na tubig na mataas ang kalidad sa 2.7 milyong tao sa mga County ng San Francisco, Alameda, Santa Clara at San Mateo. Lumilikha kami ng malinis at maaasahang hydroelectricity na nagpapatakbo sa 100% ng mahahalagang serbisyo ng San Francisco, kabilang na ang mga estasyon ng pulis at bumbero, ilaw sa kalye, MUNI, SF General Hospital at iba pa.

This report contains important information about our drinking water. Pakikontak ang SFPUC Communications sa 415-554-3289 o mag-email sa [email protected] para sa tulong

Este informe contiene información muy importante sobre su agua para beber. Favor de comunicarse SFPUC a 415-554-3289 para asistirlo en español.