91

MARIA ELIZA S. LOPEZ€¦ · Lathalaing panlibang o pang-aliw 8. Lathalain sa paglalakbay. 9. Lathalaing pakikipanayam 10. Lathalaing pang-agham 11. Lathalaing pangkalusugan 12. Lathalaing

  • Upload
    others

  • View
    20

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • MARIA ELIZA S. LOPEZ

    Associate Professor IV

    [email protected]

  • • Itinatadhana ng batas ang kalayaan sa Pamamahayag subalit kaalinsabaynito ang hangganan ng kalayaang ito.

    • Nararapat pakaisipin na ang paghahayag ay nararapat lamang na nakabataysa katotohanan, nakakabuo ng pagkatao at nagkapagpapabago sa bawatnilalang sa kabutihan.

    • Ang mga paninirang-puri ay dapat iwasan sapagkat nilalabag nito ang karapatan ng tao. Anumang makapagpapababa sa moralidad at pribadong pamumuhay na ibinabalita ay dapat papanagutin ng batas.

  • • Karapatang magpahayag

    • Walang pinapanigan

    • Bumubuo ng kaisipan

    • Pangangalaga sa karapatan ng tao

    • Wastong pagpapasya

  • 1. Kawastuhan, katotohanan at layunin

    2. Nangangalaga sa kapakanan ng mga delingkuwento at mga kababaihangsangkot sa kasong may kinalaman sa sekso.

    3. Konpidensyal na paghahayag

    4. Katapatan sa paglikom ng ulat

    5. Paggalang sa pribadong karapatan at reputasyon ng tao

    6. Marangal, kapita-pitagan at may mabuting panlasa

    7. May marangal na pamumuhay

    8. Kaasalan

  • • Integridad

    • Resposibilidad

    • Pamumuno

    • Kahustuhan

  • • Ang pamamahayag ay isang sining ng paglalahad ng iba’t ibangimpormasyon mula sa mga nakalap na datos, mga pangyayari sa lipunan, o mga isyung panlipunan na may halaga sa mga mamamayan o mgamambabasa, manonood at tagapakinig.

    • Pinagtibay ang pampaaralang pahayagan ng Republic Act No.7079 nakilala sa tawag na Campus Journalism Act of 1991.

    • Hinuhubog ang mga positibong pagpapahalaga, paglinang sa mapanuri at malikhaing pag-iisip at pagpapaunlad ng katangiang moral at disiplinangpansarili ng mga kabataang Filipino (Alkuino, 2004).

  • • Manila High School (Mataas na Paaralang Araulllo) – The Coconut (1912)Patnugot: Carlos P. Romulo

    • Mataas na Paaralan ng La Union – La Union Tab (1923)• Laguna High School – The Lagunian (1925)• Mataas na Paaralan ng Pampanga – The Pampangan (1925)• Mataas na Paaralan ng Leyte – The Leytean (1925)• Mataas na Paaralan ng Rizal – The Rizalian (1926)• Mataas na Paaralan ng Tayabas (Quezon) – The Coconut (1927)• Mataas na Paaralan ng Batangas – The Volcano (1927)• La Union Trade – The Toil (1928)

  • • Mataas na Paaralan ng Samar – The Samaritan (1928)• Mataas na Paaralan ng Tarlac – The Melting Pot (1929)• Mataas na Paaralan ng Nueva Ecija – The Granary (1929)• Mataas na Paaralan ng Torres – The Torres Torch (1930)• Mataas na Paaralan ng Cagayan – The Cagayan Student’s Chronicle (1931)

  • • Paglalahad ng sariwang impormasyon

    • Makapanghikayat

    • Nakapagtuturo at nagpapaniwala

    • Nakapaglilibang

    • Nakapagbabatikos para sa pagbabago

  • 1. Malinang sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng wasto at tumpak napagbabalita nang naaayon sa tamang pamamahayag.

    2. Malinang sa mga mag-aaral na maging mapagmasid, mapanuri, mapanaliksik, matapang at mapagpahalaga sa damdamin ng iba at sa mganangyayari sa kapaligiran.

    3. Matuto ang mga mag-aaral na mangalap ng mga impormasyon batay satunay na pangyayari o kaganapan.

    4. Magbibigkis sa mga mamamayan sa lipunan at sa mga paaralan para sapagkakaisa at pagtutulungan sa mga proyekto at kaayusan ng lipunan at ng paaralan.

  • 5. Malinang sa mga mag-aaral na maging responsable at may mataas na

    pagpapahalaga sa integridad.

    6. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral na magsulat ng iba’t ibang anyoo paraan ng pagsulat ng pahayagan tungo sa mas makabuluhan at wastongpamamahayag.

  • • Iulat o ilarawan ang isang pangyayari.

    • Ipaliwanag ito at bigyang-kahulugan.

    • Hulaan ang maaaring kahihinatnan ng nasabing pangyayari.

    • Mapanuri at walang pagkiling sa isang pangyayari.

    • Matapat, marunong magpahalaga sa karapatan ng tao.

  • • Pangmukhang Pahina

    1. pangalan ng pampaaralang pahayagan o nameplate – nakapaloob ang pangalan at lugar ng paaralan, tomo, bilang ng isyu, saklaw na mga buwan at taon ng pagkakalimbag.

    2. tainga o ears – kahanay ng pangalan ng pampaaralang pahayagan na naglalaman ng logo ng paaralan, maaaring kartun, kasabihan o mga nilalaman ng panloob na pahina.

  • • Pangmukhang Pahina

    3. ulo ng pinakapangunahing balita o banner headline – pamagat ng pinakamahalaga o pinakatampok na balita na nakasulat sa malalaking titik at maiitim na tipo.

    4. mga ulo ng balita o headline – mga iba pang balita na nakasulat sa mas maliliit na tipo.

    5. mga larawan o photos – mga larawang kuha na kalakip ang mga ulo ng balita ng pinakatampok na balita o iba pang ulo ng balita para magbigay ng mas malinaw na paglalarawan sa balita.

  • • Pahinang Editoryal

    1. polyo – naglalaman ng bilang ng pahina, pangalan ng pahayagan, petsa ng pagkakalimbag.

    2. editoryal – naglalaman ng mga tampok na isyu na binibigyan ng paliwanag o pagtatalakay batay sa pansariling opinyon.

    3. kartung editoryal – naiguhit na kartun na naglalarawan sa nilalaman ng editoryal o maaaring iba pang isyung napapanahon.

    4. mga opinyon o kuro-kuro ng manunudling

    5. kahon ng patnugutan – naglalaman ng pangalan ng pahayagan, mga pangalan ng patnugot, tagapayo, konsultant at mga kritiko.

  • • Pahinang Lathalain

    - naglalaman ng mga natatanging lathalain hinggil sa mga pangyayari sa kapaligiran, mga pansariling karanasan, sa buhay ng mga karaniwan o tanyag na may pambihirang nagawa sa lipunan, at iba pa.

    - naglalaman din ng mga bagong tuklas na imbensiyon o kaya’y mga pag-unlad ng pamayanan o lipunan, gayundin ang mga paksa na may kinalaman sa agham at teknolohiya.

  • • Pahinang Pampalakasan

    - naglalaman ito ng mga balita, editoryal, opinyon, lathalain, mga larawan at kartun hinggil sa iba’t ibang isports na naganap sa loob at labas ng paaralan.

  • • Ito ay mga ulat ng mga napapanahong pangyayari sa lipunan.

    • Ito ay pangangalap ng impormasyon na may kaugnayan sa kabuhayan, politika, relihiyon, kalusugan, palakasan, at iba pa.

    • Ayon kay Turner Catledge (tagapangasiwang editor ng The New York Times) “anumang bagay na hindi mo alam nang nagdaang araw ay isang balita, anumang kapaki-pakinabang sa iba ay mahalagang maipaalam sa ibang tao.”

  • • Ayon kay Rufino Alejandro (dating katuwang na direktor ng Surian ng Wikang Pambansa) “ang balita ay isang ulat na hindi pa nailalathala tungkol sa mga ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan, maiibigang mabatid, at mapaglilibangan ng mambabasa.”

  • 1. Napapanahon

    2. Kalapitan

    3. Tunggalian

    4. Katanyagan

    5. Di-karaniwan

    6. Makataong kawilihan

    7. Pagbabago at Pag-unlad

    8. Bilang

  • 9. Romansa at Pakikipagsapalaran

    10. Pangalan

    11. Mga hayop

    12. Kahalagahan

    13. Sex

  • 1. Kawastuan

    2. Timbang

    3. Walang kinikilingan o pinapaboran

    4. Maikli at malinaw

  • Mahalagang Datos

    Pinakamahalagang datos

    Kasunod na mahalagang datos

    Di-gaanongmahalagang datos

  • • Ito ang panimulang bahagi ng unang talata ng balita.

    • Itinatampok ang kapana-panabik na pangyayari na humihikayat sa kawilihan at interes ng mga mambabasa.

  • 1. Pamatnubay na kombensyonal – kadalasang ginagamit ito sa mga nakakalap na balita sapagkat ang detalye ay sumasagot sa mga tanong na sino, ano, saan, kailan at paano (5Ws at 1H).

    2. Pamatnubay na di-kombensiyonal o makabagong pamatnubay – ginagamit ito upang makatawag pansin sa mga mambabasa, kadalasang ang panimula ay nakakaakit at nakapupukaw interes sa mga mambabasa.

    a. Panggulat

    b. Patanong

    c. Hiwa-hiwalay na mga salita o parirala

    d. Kasabihan

    e. Isang salita

  • 1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap ang mga mahahalagang datos o impormasyon.

    2. Gamiting patnubay ang baligtad na piramide sa pagsulat ng balita, unahin ang pinakamahalagang tala hanggang sa di-gaanong mahalaga.

    3. Isulat ang buong pangalan ng pinagkunan ng datos at ng kaniyang katungkulan.

    4. Iwasang magbigay ng sariling opinyon o kuro-kuro.

    5. Isulat lamang ang mga tumpak na datos na nakalap, huwag magdadagdag o magkakaltas nang wala sa mga datos o impormasyong nakuha.

  • 6. Maging maikli at payak lamang ang mga pangungusap.

    7. Iwasang gumamit ng unang panauhan sa balita.

    8. Ilahad ang panig ng dalawang taong sangkot sa balita.

    9. Iwasang simulan ang balita sa tambilang, gawing pasalita.

    10. Gawing pasalita ang bilang isa hanggang siyam at tambilang naman ang 10

    pataas.

  • • Ito ay naglalahad ng opinyon, kuro-kuro at pananaw tungkol sa mga isyung panlipunan at mga napapanahong usapin.

    • Nagbibigay ito ng mga kaalaman, nagpapaniwala at maaaring magbigay libangan o aliw sa mga mambabasa.

    • Itinuturing na kaluluwa ng pahayagan dahil pinakikilos nito ang mga mambabasa hinggil sa mga napapanahong isyu.

    • Taglay nito ang kabuoang idea at paninindigan ng patnugutan na pinagsama-sama sa isang pag-aaral at pagsusuri.

  • • Ayon kay Spencer na binanggit sa aklat ni Palanca (2015):

    Ang editoryal ay paghahatid ng mga tala sa maikli (concise), lohikal(logical), at kaaya-ayang paraan upang makakuha ng kapanalig, o di kaya aypagbibigay-kahulugan at paliwanag sa mahahalagang balita upang magingmalinaw sa mga mambabasa ang kahalagahan ng pangyayari.

  • 1. Nagbibigay ng ibayong kaalaman tungkol sa mga isyung pampolitika, pangkabuhayan, pang-agham o maging sa mga pangkasarian.

    2. Nanghihikayat sa mga mambabasa upang kumilos.

    3. Kawili-wili at may maayos na paglalahad ng mga detalye.

    4. Hindi masalita at maikli lamang upang madaling maunawaan.

    5. Makatotohanan ang mga impormasyong inilalahad upang higit na mapaniwala ang mga mambabasa.

  • 6. Matapat at walang dapat pinapanigan upang mapagtimbang ang isyung

    inilalahad.

    7. Hindi dapat nagmumura o nangangaral sapagkat hindi magugustuhang

    basahin ng sinuman ang may halong sermon.

  • 1. Editoryal na nagpapabatid

    2. Editoryal na nagpapakahulugan

    3. Editoryal na nakikipagtalo

    4. Editoryal na namumuna

    5. Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri

    6. Editoryal na nagpapahayag ng natatanging araw

    7. Editoryal batay sa tahasang sabi

  • 1. Panimula – naglalaman ito ng balitang batayan o newspeg

    - inilalahad ang suliranin o isyu na binibigyan ng kuro-kuro

    - inilalahad ang paninindigan sa isyung inihahain

    2. Katawan – inilalahad dito ang mga detalye o tala hinggil sa balita o isyu na

    ayon sa paninindigan

    3. Wakas o Konklusyon – naglalahad ng pinakamahalagang kaisipan,

    mungkahi, tagubilin at hamon sa mga mambabasa.

  • 1. Siguraduhing nauunawaang mabuti ang isyu bago maglahad ng kuro-kuro.

    2. Ang panimula ay dapat nakakatawag pansin agad at kawili-wili upang madaling mahikayat ang mambabasa na basahin ito.

    3. Ang bawat punto o argumento ay kailangang may patunay upang maging makatotohanan ang paglalahad.

    4. Iwasan ang pangangaral at pagsesermon.

    5. Ilagay o banggitin ang mga pinagkunang datos upang maging kapani-paniwala.

  • 6. Huwag sulatin sa unang panauhan, sa halip gamitin ang ikatlong panauhan.

    7. Gawing maikli lamang ang editoryal hangga’t maaari hindi lalagpas sa limang

    talata.

    8. Kailangang magkakaugnay ang bawat kaisipan.

    9. Sundin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat – kaisahan, kalinawan,

    pagkakaugnay-ugnay at diin.

    10. Ilahad ang editoryal sa simple o payak na pamamaraan, iwasang gumamit

    ng mga malalalim at matatalinhagang salita.

  • • Ito ay isang larawang guhit na matatagpuan sa bahagi ng editoryal.

    • Layunin nitong ipakita sa mga mambabasa ang isang napapanahong isyu sa anyong katawa-tawa, pinakaeksaheradong guhit at puno ng kahulugan.

    • Ang mga iginuguhit ay nagbibigay impormasyon, namumuna, nambabatikos, o kaya ay nanunudyo.

  • 1. Kailangang maghatid ng impormasyon at may kahulugan.

    2. May iisang paksa.

    3. Ang layunin ng kartun ay upang ipakita ang idea, kaya limitahan ang paggamit ng mga salita at leybel.

    4. Maaaring gumamit ng mga simbolo, subali’t siguraduhin na unibersal ito at madaling maintindihan ng mga ordinaryong mambabasa.

    5. Maging orihinal, at may sariling estilo.

  • • Ito ay isang anyo ng sulatin na nagpapabatid at nagbibigay impormayon sa pamamagitan ng kawili-wili at kasiya-siyang pamamaraan.

    • Ayon kay Hodenberg na binanggit ni Alkuino (2004) “ang lahtalain ay isang akdang batay sa misteryong sangkap sa pamahayagan na tinatawag na pangkatauhang kawilihan- isang pangyayari na nakagaganyak sa atin dahil nasasalamin natin dito ang ating sariling buhay.”

  • 1. Nagpapayo

    2. Nagtuturo

    3. Nanlilibang o nagbibigay-kasiyahan

    4. Nagbibigay ng impormasyon

    5. Nagpapaniwala

    6. Nanghihikayat

    7. Nagpapabatid

  • 1. Maayos ang paglalahad ng mga pangyayari.

    2. Tumatalakay sa iba’t ibang paksa.

    3. Walang tiyak na haba.

    4. May kalayaang magsulat sa kahit na anong paksa.

    5. Maaaring pormal o di-pormal ang pagtatalakay.

    6. Umaakit sa mga mambabasa na ipagpatuloy na basahin hanggang sa wakas, kaya’t ang panimula ay kailangang kaakit-akit at kawili-wili na gumaganyak sa interes ng mambabasa.

  • 7. Kailangang magtaglay ng kaisahan, kaugnayan, kalinawan at kariinan ng

    akda.

    8. Maaaring gumamit ng mga idyomatikong pahayag at tayutay.

    9. May pinagbabatayan o gumagamit ng nga sanligan upang maging

    makatotohanan ang paglalahad.

    10. Isinusulat sa paraang nais ng manunulat at sariling estilo.

  • 1. Lathalaing nagpapabatid

    2. Lathalaing may makataong kawilihan

    3. Lathalaing pabalita

    4. Lathalaing pangkatauhang-dagli

    5. Lathalaing pangkasaysayan

    6. Lathalaing pansariling karanasan

    7. Lathalaing panlibang o pang-aliw

    8. Lathalain sa paglalakbay

  • 9. Lathalaing pakikipanayam

    10. Lathalaing pang-agham

    11. Lathalaing pangkalusugan

    12. Lathalaing di-pangkaraniwan

  • 1. Pumili ng maganda at napapanahong paksa.

    2. Umisip ng magandang anggulo para sa paksang susulatin upang matiyak anag idea ng paksa.

    3. Magtala ng mga mahahalagang saklaw ng susulatin upang maiwasan ang mga maliligoy na salita at pangungusap na walang kabuluhan.

    4. Itala sa isang balangkas ang mga idea na nais bigyan ng diin sa susulatin.

    5. Maglagay ng pansamantalang pamagat sa susulatin upang iyon din ang magiging gabay sa nilalaman ng susulating lathalain.

    6. Gumamit ng mga tala mula sa mga nakalap na impormasyon o datos sa pakikipanayam, pananaliksik, nabasa, sarbey at sa sariling karanasan.

  • 7. Gumamit ng mga tayutay at talinghaga upang maging mas kaaya-aya at

    makulay ang susulatin.

    8. Matapos maisulat ang kabuoan ng lathalain, basahin ito upang mabigyan ng

    pagsusuri at atensyon ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, mga

    salitang ginamit at paraan ng pagkakasulat.

    9. Kapag naiayos na ang buong lathalain batay sa ginawang pagwawasto, muli

    itong isulat.

    10. Lagyan ng angkop at makatawag-pansing pamagat.

  • 7. Gumamit ng mga tayutay at talinghaga upang maging mas kaaya-aya at

    makulay ang susulatin.

    8. Matapos maisulat ang kabuoan ng lathalain, basahin ito upang mabigyan ng

    pagsusuri at atensyon ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan, mga

    salitang ginamit at paraan ng pagkakasulat.

    9. Kapag naiayos na ang buong lathalain batay sa ginawang pagwawasto, muli

    itong isulat.

    10. Lagyan ng angkop at makatawag-pansing pamagat.

  • 1. Simula o Pamatnubay

    - tanong

    - tahasang sabi o tuwirang sabi

    - nakakagulat na mga pahayag

    - paglalarawan

    - diyalogo

    - makatawag pansing pahayag

    - pagbubuod

  • 2. Katawan

    - may kaisahan, pagkakaugnay-ugnay, kalinawan at diin

    3. Wakas o Konklusyon

    - pinakabuod ng lathalain

    - mabisa dapat ang paglalahad upang mag-iwan ng kakintalan o kaisipan sa mga mambabasa.

  • • Puno ng aksiyon at emosyon

    • Hindi lamang hinggil sa balitang isports kundi kinapapalooban din ng trivia, lathalain, editoryal, kartung pang-editoryal at kolum tungkol sa isports.

    • Isa sa kinagigiliwang basahin ng mga kabataan.

  • 1. Gaya ng karaniwang balita, ang pampalakasan ay karaniwang sumasagot sa ano, sino, saan, kailan, bakit at paano (5Ws at 1H).

    2. Ang mga pangyayari ay naglalarawan ng mga kapana-panabik at maaksiyong kaganapan.

    3. Gumagamit ng mga makukulay na salita at ginagamitan ng mga sports lingo.

  • 1. Alam ang mga tuntunin ng laro.

    2. Marunong gumamit ng mga salitang pampalakasan.

    3. Hindi kinikilingan ang ibang koponan bagkus parehong pantay ang ginagawang pagbabalita.

    4. Mausisa at may matalas na pakiramdam sa bawat kilos ng mga manlalaro.

    5. Marunong mag-analisa sa mga talang nakalap niya mula sa napanood na laro.

    6. May malawak na kaalaman sa iba’t ibang uri ng laro upang makapagbigay siya nang maayos na balita.

  • 7. Hindi nagpapadala sa silakbo ng damdamin lalo na kung natatalo o nanalo

    ang paborito niyang koponan.

    8. Palagiang nanonood ng mga laro upang makakuha nang tumpak na tala o

    datos.

    9. May pagpapahalaga sa iba’t ibang uri ng laro at sadyang mahiligin sa mga

    isports.

    10. Mapag-usisa, palatanong, mapamaraan, at marunong maglahad nang

    maayos na anggulo ng balita.

  • 1. Gumamit ng maaksiyong salita na itatampok sa pamatnubay upang mahikayat ang mga mambabasa.

    2. Ilagay sa pamatnubay ang mga pangalan o koponang nagwagi, natalong koponan, iskor, at anong uri ng laro, at saan at kailan ginanap ang laro.

    3. Sa susunod na talata, ilagay kung paano nanalo ang koponan, bakit natalo ang kalaban, ano ang lagay ng mga manlalaro, at paano ipinanalo ang laro.

    4. Sa huling talata, maaaring ilakip ang mga manonood, ang lagay ng panahon, mga paghahandang ginawa ng mga manlalaro, at mga hinaharap na pagsubok o suliranin habang nag-eensayo.

  • • Ang kaayusan at kalinawan ng sipi ay nakasalalay sa tagapagwasto ng kopya.

    • Iniwawasto ang kabuoan ng sipi na may kamalian sa baybay, bantas, balarila, pagkakasulat at estilo.

    • Mabusising pinag-aaralan ng tagapagwasto ang buong artikulo upang lumabas itong maayos at maganda.

  • 1. May malawak na kaalaman sa paksa o nilalaman ng artikulong iniwawasto.

    2. Mahusay sa gramatika, pagbabantas, at may sapat na kaalaman o bihasa sa Filipino at English.

    3. Kabisado ang lahat ng mga simbolong ginagamit sa pagwawasto ng mga artikulo.

    4. Marunong sumulat o bumuo ng mga salita.

    5. May kakayahang magwasto sa mga kamalian ng mga datos batay sa naisulat na artikulo.

    6. Matiyaga sa pagwawasto ng alinmang sipi ng artikulo.

  • 7. Malawak ang bokabularyo.

    8. May sapat na kaalaman sa mga nangyayari sa paligid upang maiwasto ang

    mga artikulo sakaling may maling impormasyong nakapaloob dito.

    9. Alam ang batas hinggil sa libelo.

    10. Hindi nagpapadala o nagpapadaig sa nilalaman ng mga artikulong

    iniwawasto.

  • 1. Tinitiyak na wasto ang pangalan, lugar, pamagat, posisyon at iba pang datos sa artikulo.

    2. Tinitiyak na wasto ang gramatika at baybay ng mga salita bago ipalilimbag.

    3. Ang mga mahahabang pangungusap ay pinaiikli ayon sa estado at pamamaraan ng pagsulat ng pahayagan.

    4. Kinakaltas ang mga walang kabuluhang datos.

    5. Pinapalitan ang mga salitang may kahirapang unawain.

    6. Tinitiyak na walang libelo at nakapaninira ng tao ang anumang naisulat na artikulo.

  • 7. Sumusulat ng ulo ng balita.

    8. Tinitiyak na may mabisang pamatnubay na ginamit.

    9. Tinitiyak na walang nagsasaad ng opinyon ng sumulat kung ito ay balita.

    10. Nagbibigay ng tagubilin sa tagapaglimbag hinggil sa gagamiting tipo, bilang

    ng kolum, laki ng font.

  • Mga Pananda sa Pagwawasto ng Sipi

  • Mga Pananda sa Pagwawasto ng Sipi

  • Mga Pananda sa Pagwawasto ng Sipi

  • 1. Ulong Pamayong (Umbrella Head/Streamer)

    2. Banner

    3. Nakakahong ulo (boxed head)

    4. Talong ulo (jump head)

    5. Pantay-kaliwa (flush left)

    6. Pantay-kanan (flush right)

    7. Dropline

  • 8. Baligtad na Piramide (inverted pyramid)

    9. Linyang pahalang (crossline o barline)

    10. Hanging indention

    11. kicker, tagline, teaser

    12. sabhead

  • 1. Gumamit ng kuwit bilang pamalit ng at.

    2. Iwasang putulin ang salita sa dulo ng linya.

    3. Huwag maglalagay ng pantukoy, pang-angkop at pang-ukol sa dulo ng linya.

    4. Iwasang gumamit ng pang-abay na pananggi.

    5. Gumamit ng lantad na pandiwa.

    6. Iwasang gumamit ng mga pantukoy sa panimula.

    7. Gumamit ng isang panipi sa mga tahasang sabi, ngunit kung binanggit ang nagsabi huwag nang ilagay, sa halip ilagay ang gatlang at ilagay ang apelyidong nagsabi.

  • 8. Gamitin lamang ang mga kilalang daglat ng mga pangalan ng tao, ahensiya at

    iba pa sa ulo ng balita.

    9. Iwasan ang paglalagay ng opinyon sa ulo ng balita.

    10. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo ng balita.

    11. Huwag maglagay ng tuldok sa bawat katapusan ng ulo ng balita.

    12 . Iwasan ang mga nagbubungguang ulo (bumping heads/tombstone heads)

    o dalawang ulo na magkalinya at magkasinlaking tipo.

  • 13. Isulat ang numero o salita ayon sa pangangailangan batay sa espasyong

    pinaglalaanan. Gamitin ang M bilang milyon at B bilang bilyon.

    14. Gumamit ng tuldok-kuwit kung nais pag-ugnayin ang dalawang kaisipan.

    15. Gumamit ng mabisa at makatawag-pansing pandiwa.

  • • Ang pag-aanyo ay ang pagsasaayos ng mga ulo, artikulo, larawan, pangalanng pahayagan at iba pang nilalaman ng pahina ng pahayagan.

    • Nagsisilbing pangganyak upang tangkilikin at basahin ng mga mambabasaang nilalaman ng pahayagan.

  • 1. Timbang (Balance)

    2. Diin (Emphasis)

    3. Proporsyon (Proportion)

    4. Kaibhan (Contrast)

    5. Kaisahan

  • 1. Iwasan ang nagbubungguang ulo (tombstoning) o magkakadikit na ulo napareho ang tipo.

    2. Ilagay sa kahon ang ulo ng balita upang maiwasan ang pagbubungguan o maaaring gumamit ng larawan.

    3. Ihiwalay ang mga magkakatulad na istorya at larawan.

    4. Iwasan ang paglalagay ng karugtong sa itaas ng pahina dahil ito ay para saulo ng balita o larawan lamang.

    5. Iwasan ang pagpuputol ng balita at pagkakaroon ng jump stories at pagpapatuloy sa ibang pahina.

  • 6. Iwasang maglagay ng larawan sa gitna ng teksto o artikulo.

    7. Iwasang gumamit ng iba’t ibang tipo sa isang pahina.

    8. Balansehin ang paglalagay ng malalaking larawan at mahahabang teksto

    upang maiwasan ang mabigat na pag-aanyo.

    9. Ayusin ang pahina mula sa itaas pababa.

    10. Iwasan ang paglalagay ng mga larawan na walang aksiyon.

  • 1. Iwasang gumamit ng larawang halos hindi na makilala ang tao o bagay naitinatampok.

    2. Kailangang may istorya ang larawang ginagamit o inilalagay sa mga balita.

    3. Hangga’t maaari iwasan ang pagkuha ng larawang animo’y firing squad, dapat ang larawan ay nagpapakita ng kilos o aksiyon.

    4. Iwasan ang pagkuha ng larawan na natatakpan ng mikropono ang mukhang nagsasalita.

    5. Gumamit ng mga larawang kuha nang malapitan at hindi yaong napakalayoat wala nang maaninag na mukha.

  • 6. Ibagay ang larawan sa laki ng pahayagan.

    7. Iwasang gumamit ng mga larawang malalabo, kailangang malinaw na larawan

    ang gamitin.

    8. Huwag puputulin ang mahahalagang bahagi ng mukha ng tao sa larawan.

    9. Ilagay ang mga larawang hindi pangkaraniwan sa kaugnay na balita.

    10. Iwasang ilagay ang larawan sa lupi ng pahayagan.

  • 1. Kailangang may subject na kukunan ng larawan gaya ng bata, kalikasan, magulang, at iba pa.

    2. Kunan ng larawan ang mga taong may ginagawa, o mas mainam na stolen shot upang maging makatotohanan.

    3. Ipokus ang ekspresyon ng mukha ng taong kinukuhanan ng larawan.

    4. Tingnang mabuti ang anggulo bago kunan ng larawan, maaaring umiskwat, lumuhod, tumuntong sa silya o kaya ay tumayo.

    5. Kumuha ng mahigit sa isang larawan upang may mapagpilian.

  • 6. Kung nais kunan ng larawan ang isang eksibit, kunan ang mga taong

    nagmamasid dito.

    7. Kumuha ng mga larawang hindi pangkaraniwan lamang.

    8. Maging bihasa sa paggamit ng kamera upang maiwasan ang hindi malinaw at

    walang kabuluhang larawan.

    9. Kumuha ng larawan na may tipikal na anyo o itsura.

    10. Maging mabusisi sa pagkuha ng larawan.

  • 1. Nagbibigay buhay sa bawat artikulo.

    2. Nakakatawag pansin sa mga mambabasa.

    3. Nagbibigay ng kahulugang biswal sa mga artikulo.

    4. Nagbibigay ng istorya sa tulong ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mgaiba pang larawan.

    5. Nagbibigay ng dagdag na paliwanag sa bawat salita.

  • 1. Aksiyon

    2. Pagtutunggali

    3. Kagandahan

    4. Romansa

    5. Katatawanan

    6. Mga hayop

    7. Emosyon

    8. Di-karaniwan

    9. Katanyagan

    10. Napapanahon

  • 1. Ihayag ang kilos o ginagawa ng nasa larawan.

    2. Gawing maikli lamang ang isusulat na kapsyon ngunit huwag ding sobrangmaikli.

    3. Iwasang maging maligoy sa paglalagay ng kapsyon.

    4. Ipahayag ang kapsyon sa pangkasalukuyang aspekto o panahunan.

    5. Ipakilala ang mga tao na nasa larawan, kung marami ang nasa hanaymagsimula sa kaliwa pakanan ng kanilang buong pangalan. Kung maramihang hanay, magsimula sa mga nasa harapan at kapag pabilog ang ayos, unahin ang kaliwa palibot.

  • 6. Ibahin ang tipo ng kapsyon para hindi kapareho ng tipo ng balita.

    7. Huwag nang ulitin ang pagbanggit sa mga nakapaloob sa akda kung makikita

    naman sa larawan

  • Alkuino, G.E. 2004. Pampaaralang Pahayagan sa Bagong Henerasyon: Edisyong2004. General Santos City: Gensan RFM (Motong) Printing Corporation.

    Cruz, C.J. 1989. Pamahayagang Pangkampus. Quezon City: Joer Printing Press.

    Matienzo, N.V. at Rosalinda Matienzo.2007. Pamahayagan sa Filipino: Binagongedisyon. Navotas City: Navotas Press.

    Palanca, C.P. etal. 2010. Pamamahayag Ngayon. Makati City: Eureka ScholasticPublishing, Inc.

  • Send us a message or visit us

    Laoag City, Ilocos Norte, Philippines(63) [email protected]

    Get in TouchWith Us

    facebook.com/MMSUofficialwww.mmsu.edu.ph

    Follow us for updates