6
1 MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY GRADUATE SCHOOL Laoag City Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika MISCHELLE D. MARIANO MR. JAMES VENTURA MAEd Wika at Panitikan Panitikan 219 A. MGA PANANAW SA PAGKATUTO NG WIKA Ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at matutunan ng kanyang mga estudyante. Kaya nga sinasabi na ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng mga natutuhan ng kanyang mga estudyante. Ayon sa mga ekspertong sina Stevick, Curran at mga kasama, ang susi ng tagumpay sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum ay nakasalalay sa relasyon ng mga guro at estudyante. Madaling natututo ang estudyante kung sila ay nasisiyahan sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa kanyang pagtuturo kung nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang estudyante. Ang ganitong paniniwala/pananaw ang nagbigay-daan sa paglitaw ng iba’t ibang kaparaanang pedagohikal sa pag-aaral ng wika sa loob ng klasrum. 1. Pagtuturong Nakapokus sa mga Mag-aaral (Learner- Centered Teaching) Binibigyang-halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral o pagkatuto ng mga estudyante. Sinabi ni Willing na ang isang gurong sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga estudyante sa apat at nagmungkahi siya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri. Uri ng Estudyante Uri ng Istratehiya Estudyanteng “concrete” 1. mga laro 2. mga larawan 3. VCR tapes 4. pair work

Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Iba't ibang istratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika

Citation preview

Page 1: Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika

1

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITYGRADUATE SCHOOL

Laoag City

Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng WikaMISCHELLE D. MARIANO MR. JAMES VENTURAMAEd Wika at Panitikan Panitikan 219

A. MGA PANANAW SA PAGKATUTO NG WIKA

Ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at matutunan ng kanyang mga estudyante. Kaya nga sinasabi na ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng mga natutuhan ng kanyang mga estudyante.

Ayon sa mga ekspertong sina Stevick, Curran at mga kasama, ang susi ng tagumpay sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum ay nakasalalay sa relasyon ng mga guro at estudyante. Madaling natututo ang estudyante kung sila ay nasisiyahan sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa kanyang pagtuturo kung nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang estudyante. Ang ganitong paniniwala/pananaw ang nagbigay-daan sa paglitaw ng iba’t ibang kaparaanang pedagohikal sa pag-aaral ng wika sa loob ng klasrum.

1. Pagtuturong Nakapokus sa mga Mag-aaral (Learner- Centered Teaching) Binibigyang-halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral o pagkatuto ng

mga estudyante. Sinabi ni Willing na ang isang gurong sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-

aaral ng mga estudyante ay makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga estudyante sa apat at nagmungkahi siya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri.

Uri ng Estudyante Uri ng IstratehiyaEstudyanteng “concrete” 1. mga laro

2. mga larawan3. VCR tapes4. pair work5. pagsasanay ng wika sa labas ng

klasrumEstudyanteng “analitikal” 1. pag-aaral ng gramatika

2. pag-aaral ng maraming aklat sa wika

3. pagbabasa ng mga pahayagan4. pag-aaral nang mag-isa5.pag-alam sa pagsusuri ng mga

kamalian sa wika6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga

suliraning inilahad ng guro

Estudyanteng “communicative” 1. pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong nagsasalita ng wika2. pakikipag-usap sa kaibigan na

Page 2: Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika

2

gamit ang wikang pinag-aaralan3. panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-aaralan4. pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig dito at paggamit ng akwal na pakikipag-

usapEstudyanteng “authority oriented” 1. mas gusto na ang guro ang

magpapaliwanag nang lahat tungkol sa wika

2. may sariling batayang aklat3. isinusulat ang lahat ng

impormasyon sa notbuk4. pinag-aaralan ang balarila5. nagbabasa para matuto6. natutuhan ang mga bagong salita

kung makikita ang mga ito

2. Kooperatibo at Kolaboratibong Pagtuturo Ang mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa sama-sama at tulung-tulong na

pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin ng KKP ay mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang kooperasyon ng

mga estudyante. Napatunayan sa pag-aaral nina Kagan, Slavin at Allport ang magagandang bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga pag-aaral gaya ng mga sumusunod:

a. Na malaki maitutulong ng kooperatibong pag-aaral sa paghubog ngmagandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga estudyante.

b. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilangsariling kakayahan.

c. Mataas na pagsulong sa pagkatutod. Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisipe. Nagkakaroon ng positibong atityud sa pag-aaral, mataas na

motibasyonf. Mas mabuting relasyon ng guro at estudyante; estudyante sa kapwa

estudyante

3. Pagkatutong Interaktibo Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa

mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ayon kay Wells, ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng

tagapaghatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat na komunikasyon.

Sa loob ng klasrum, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring lahukan ang estudyante: interaksyon sa guro, sa kapwa estudyante at sa teksto o kagamitang pampag-aaral.

4. Pagkatutong Integratibo Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-aaral ng wika. Ang

paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa.

Page 3: Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika

3

Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito.

Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakapokus sa estudyante at ang integrasyon ng apat na kasanayan.

Ang mga estratehiyang participative, facilitative at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integratibo. Dito, ang guro ay tagapagdaloy lamang ng pagkatuto, ang mga estudyante ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto; konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang estudyante ang sentro o ang bida: Siya ay aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan.

Ginagamit ng estudyante ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip

B. PAGGAMIT NG VISUALS Ang visuals ay anumang projected o non-projected na imahe na maaaring mauri sa mga

ilustrasyon, larawan, persepsyon, mental na imahen, figures, replicas, modelo, video o kahit na anong bagay na makatutulong sa mag-aaral na makita agad ang kahulugan. (Canning 1997; 2000).

Ang isang visual aid ay kadalasang nagkikintal ng mas malinaw o mas nagtatagal na impresyon sa isip kaysa magagawa ng binigkas na salita.

Kapag ang mga visual aid ay kalakip ng binigkas na salita, ang impormasyon ay natatanggap kapwa sa paningin at pandinig. Ito ay makatutulong upang mapanatili ang atensyon ng iyong tagapakinig at mapalalim ang impresyon nito.

A learner’s sensitivity to language and their ability to create relations amongst words can be further enhanced by the use of visuals. Graphic images can bring out more detailed, knowledgeable, responsive, awareness to the object, situation or text being communicated (Canning, 1998).

C. PAGGAMIT NG ROLE PLAYING AT SIMULATIONS Inilalagay ang mga mag-aaral sa isang sitwasyon na maaaring mangyari sa tunay na

buhay. Ang magkakapareha ay bubuo ng dayalogo batay sa sitwasyong ibibigay ng guro o

mapagkakasunduan ng klase.

Mga Uri ng Role Play1. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalogong may cues2. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon3. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin4. Role play na kontrolado sa pamamagitan ng pagtatalo at talakayan

D. PAGGAMIT NG DRAMA Tinatawag ding creative dramatics Pagpapaabot ito ng highlight ng mga natutunan sa pamamagitan ng pantomime, skit, o

maikling drama Nauukol sa sitwasyon tungkol sa paghahanap ng solusyon sa isang suliranin Drama provides an excellent platform for exploring theoretical and practical aspects of

the language (Whiteson,1996). The improvisation aspect of drama gives students opportunities for developing their communicative skills in authentic and dynamic situations. Drama has the potential of making the learning experience fun for the students and even memorable because it is interactive and visual.

Page 4: Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika

4

Kahalagahan ng Paggamit ng Drama sa Pagtuturo1. ang pagtatamo ng makabuluhan at makatotohanang interaksyon gamit ang target na

wika2. ang asimilasyon ng buong lawak ng pagbigkas at ritmo/ pattern ng pagsasalita sa

isang kontekstwalisado at interaksyonal na pamamaraan3. ang kontekstwalisadong pagtamo ng bagong talasalitaan at istruktura ng wika4. ang nalinang na tiwala ng mag-aaral sa kanyang kakayahang matuto ng target na

wika

D. PAGGAMIT NG LARONG PANGWIKA Ang mga larong pang-wika ay gawaing pangklasrum na ginagamit upang maituro ang

mga aralin sa wika katulad ng bokabularyo, ponolohiya, morpolohiya, palaugnayan at semantiks kung saan aktibong nakikisali ang mga mag-aaral at ang guro ay nagsisilbi lamang bilang tagagabay.

Kahalagahan ng mga Larong Pangwika

a. Para sa Guro Mahalaga ito sa proseso ng pagtuturo sa panig ng mga guro sapagkat nagkakaroon sila

ng pagkakataong maipakita ang pagiging malikhain sa loob ng klasrum. Napapagana ang kanilang pagiging resourceful at nailalabas ang mga kakaibang ideya upang lalong gawing masaya ngunit epektibo ang paraan ng pagtuturo.

Isa na rin itong paraan ng mga guro upang mataya ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Makikita nila batay sa antas ng pakikisalamuha at performance ng mag-aaral kung siya ay natuto.

b. Para sa Mag-aaral Sa pamamagitan ng mga larong pangwika ay nagkakaroon sila ng pagkakataong

mapagana, hindi lamang ang kanilang kognisyon kundi maging ang kanilang saykomotor at apektib na domeyn ng pagkatuto. Hindi sila nakatali sa upuan at isang oras na nakikinig lamang sa lektyur ng guro at kumukopya ng mga sinusulat nito sa pisara. Tumatayo sila, nakikisalamuha sa guro at sa kapwa mag-aaral.

Hindi na lamang ang mga mag-aaral na matatalino pagdating sa tanong-sagot ang nangunguna sa klase kundi nabibigyan ng pagkakataon ang lahat ng uri ng mag-aaral na ipakita ang kanilang galing sa iba’t ibang aspeto ng pagkatuto.

Kabutihang Dulot ng Larong Pangwika

a. Affective: - games lower the affective filter - they encourage creative and spontaneous use of language - they also promote communicative competence - games are both motivating and fun

b. Cognitive: - games reinforce learning - they both review and extend learning - games focus on grammar in a communicative manner

c. Classroom Dynamics: - games are extremely student centered - the teacher acts only as facilitator - games build class cohesion - they can foster whole class participation - games promote healthy competition

d. Adaptability: - games can be easily adjusted for age, level, and interests - they utilize all four skills - games require minimum preparation after the initial development stage.