2
Basahin at tukuyin ang paksa at panag-uri sa bawat pangungusap. 1. Ang ating bansa ay hinagupit na naman ng matinding trahedya. 2. Tuluyan nang nakansela ang klase sa lahat ng antas dahil sa tindi ng ulang habagat. 3. Nasubukan muli ang tatag ng loob ng mga Pilipino sa matinding pagsubok na kinaharap. 4. Ang lalawigan ng Cavite ay

Iba't Ibang Uri Ng Panaguri

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Wika

Citation preview

Basahin at tukuyin ang paksa at panag-uri sa bawat pangungusap.1. Ang ating bansa ay hinagupit na naman

ng matinding trahedya.

2. Tuluyan nang nakansela ang klase sa lahat ng antas dahil sa tindi ng ulang habagat.

3. Nasubukan muli ang tatag ng loob ng mga Pilipino sa matinding pagsubok na kinaharap.

4. Ang lalawigan ng Cavite ay hinagupit ng delubyo.

5. Lahat ay nagdasal para sa kaligtasan ng sambayanan.

Iba’t Ibang Uri ng Panag-uri - tumutukoy sa naglalarawan sa paksa na maaring;

Pandiwa - Ang pulubing kaawa-awa ay nanghihingi ng pagkain.

Pangngalan – Si Rizal ang gumising sa tulog na diwa ng mga Pilipino.

Panghalip – Sila ang mga pulitiko na papatay sa bansa.

Pang-uri – Matulungin at simple ang mga Kulasa.

Pang-abay - Maingat nilang inilagay ang mga basura sa sako. -Maagang kumilos ang mga mag-aaral upang linisin ang tabing-dagat.