11
HEKASI MGA IBA’T- IBANG MAGAGANDANG TANAWIN SA PILIPINAS

Mga Iba't-ibang Magagandang Tanawin sa Plipinas.docx

  • Upload
    eclud

  • View
    438

  • Download
    10

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Iba't-ibang Magagandang Tanawin sa Plipinas

Citation preview

HEKASI

MGA IBA’T- IBANG

MAGAGANDANG TANAWIN

SA PILIPINAS

RIZAL PARK

BANAUE RICE TERRACES

Sa Maynila, matatagpuan ang Luneta Park o

kilala din sa pangalan na Rizal Park.  Dito

binaril at napatay ng mga Kastila ang ating

pambansang bayani na si Jose Rizal. Isang

rebulto ni Rizal ang itinayo sa parke upang

magbibigay pugay sa kanyang katapangan at

pagmamahal sa ating bansa. Kalapit ng Rizal

Park ang Intramuros, ang pinakamatanda at

pinakamakasaysayang distrito sa Manynila. Sa

iyong paglalakad sa Intramuros, maaaring

marating ang Fort Santiago, kung saan

naroroon ang Rizal Shrine Museum na

nagsisilbing tahanan ng mga memorabilia ni

Rizal.

Ang Banaue Rice Terraces o hagdan-hagdang palayan ay isang di-likas na tanawin dahil ito ay ginawa ng mga kahanga hangang mga pilipino.Ito ay matatagpuan sa Ifugao.Isa rin ito sa mga tanawin dito sa Pilipinas na palaging dinarayo ng mga turista.

MAGELLAN'S CROSS

CHOCCOLATE HILLS

Ang Magellan's Cross ay isa ring halimbawa ng di-likas na tanawin dito sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Cebu.Napakaraming turista ang pumupunta dito upang makita ang krus na ito.Itong tanawing ito ay napakahalaga at makasaysayan dahil ito ang itinayung krus sa Cebu nang dumating si Ferdinand Magellan.

Ang Choccolate Hills ay isang bulubundukin na matatagpuan sa Carmen Bohol. Meron itong 1,776 na burol. Ang Choccolate Hills ay nagiging kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay tsokolate naman tuwing tag-araw. Kilala rin ang Choccolate Hills dahil sa "Tarsier".

BULKANG MAYON

LAWA NG TAAL

Ang Bulkang Mayon, na kilala rin bilang Mount Mayon, ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa isla ng Luzon sa Pilipinas.Kilala bilang ang "perfect cone" dahil sa halos "symmetrical cone shape" nito, Ang Bulkang Mayon ang bumubuo sa hilagang hangganan ng Legazpi City, ang pinakamalaking lungsod sa mga tuntunin ng populasyon sa Bicol Rehiyon. Ang bundok ay isang pambansang parke at isang protektadong landscape sa bansa na naproklama bilang Mayon Volcano Natural Park sa taon 2000. 

Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ngLuzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isangcaldera na nabuo ng napalaking mgapagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna).

TALON NG PAGSANJAN

HUNDRED ISLANDS

Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon, ang Talon ng Pagsanjan. Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talonna ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis.

Ang Hundred Islands National Park (Pangasinan:Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas.Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.

MARIA CRISTINA FALLS

BORACAY ISLAND

Ang Maria Cristina Falls ay isa rin sa magagandang atrakson dito sa Pilipinas. Ito ay makikita natin sa probinsiya ng Agusan Del sur.Ang tubig na bumabagsak dito ay nagmumula sa lawa ng Lanao at dumsdsloy patungong Agusan.

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na matatagpuan sa Kalibo, Aklan. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan. Dinarayo ito ng napakaraming turista dahil sa napakaganda nitong tanawin at halos kulay puti at pino nitong buhangin.

CORON REEFS

SALINAS SALT SPRING

Pinangalanang pagkatapos ng munisipyo kung saan ito ay natagpuan, Palawan Coron Reef ay isang kilalang tourist atraksyon sa malaking island getaway bakasyon ng Palawan. Ito ay isang lugar na may maraming ng mga potensyal na pagdating sa turismo. Ang coron ay ang kabayanan ng Busuanga Island at upang makarating dito mula sa Puerto Princesa City,

Maganda ang tinatawag na Salinas Salt Spring dito sa Nueva Vizcaya. Matatagpuan ito sa itaas ng burol sa Salinas, Bambery. Hinahangaan ang pook na ito sa bumubukol sa tuktok ng burol at maalat na tubig kahit malayo ang lugar nito sa dagat. Isa pang dapat pasyalan sa lalawigan na ito ay ang Talon ng Udaiawan sa Solano at Talong ng Naruron.

ENCHANTED RIVER

BUNDOK APO

Isa rin sa pinakamagandang lugar na matatagpuan sa Pilipinas iilang tao lamang ang nakakaalam ng lugar na ito. Ang Enchanted River ay matatagpuan sa Surigao Del Sur.

Ang Bundok Apo ay matatagpuan sa Davao kung iyong mararating ang tuktok nito ang iyong makikita ay walang katulad dahil ito ay ubod ng ganda.

SUNKEN CEMETERY

KAPURPURAWAN ROCK FORMATION

Ang Sunken Cemetery ay isa rin sa mga magagandang tanawing di-likas dito sa Pilipinas. Ito ay makikita sa Camiguin Island.Marami ring mga turista ang dumadayo at pumupunta dito.

Ang Kapurpurawan Rock Formation sa Burgos ay kilala sa pagkakaroon ng kakaibang korte at hugis ng mga bato na matatagpuan sa gilid ng karagatan ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Burgos, Ilocos Norte . Tinawag itong “kapurpurawan” (kulay puti) dahil sa mala-polbong kaputian ng mga bato nito.