24
AKADEMIKONG SULATIN Gawa ni Hilmar C. Davad

Hilmar Davad's Iba't Ibang Halimbawa ng Akademikong Sulatin

Embed Size (px)

Citation preview

AKADEMIKONG SULATIN

Gawa ni Hilmar C. Davad

SINTESIS/BUOD

Ang video ay tungkol sa isang anak na babae na may isangpipi na ama. Araw-araw, kapag pumupunta na siya saeskwelahan palagi siyang “binubully” ng mga kaklase niyadahil sa kapansanan ng kanyang ama. Ang anak ay nagsisisi na, hindi pareho ang tatay niya sa ibang tatay. Pagdating ng kaarawan niya, sinubukan niyangmagpakamatay. Dinala siya kaagad ng tatay niya sahospital. Pagkagising niya, nakita niya ang kanyang tatayna katabi niya, at doon, napagtanto niya na kahit anongklaseng ama na meron siya. Kakailanganin na tatanggapinniya ng buong puso, dahil siya ang nagpapalaki sa’yo, at tayong mga tao sa mundong ating ginagalawan ay ipinagkalooban ng Diyos ng iba’t-ibang ama.

ANO ANG MASASABI MO TUNGKOL SA GLOBAL

WARMING?

Global Warming, isa sa mga problema ng ating mundo

ngayon. Tayong mga tao, sa ating pagkamalikhain,

meron tayong mga kagamitan na inimbento ng mga

taong matatalino na lubhang makakatulong sa pang-

araw-araw nating pamumuhay. Kagaya ng mga

sasakyan na dominante sa panahon ngayon, lalo na sa

mga estudyante at mga manggagawa na nagtrabaho sa

malalayong lugar. Dahil sa mga sasakyan, nagbibigay ito

ng usok sa ating kapaligiran na may halong iba’t ibang

kemikal at dumadagdag ng init sa ating mundo. Kapag

ito’y magpapatuloy malabong maglalanghap tayo ng

malinis na hangin.

Hindi lamang mga sasakyan ang nagdudulot ng Global

Warming. Isa na rito ang mga basura na hindi maayos ang

pagkatapon ng mga tao. Sa ating mundo ngayon, marami

na ang mga plastic sapagkat madali lang ilagay ang

anumang produkto o kagamitan. May kaakibat itong

masamang epekto kapag ito ay sinunog, pupunta ang itim

na usok sa “atmosphere” at magdadagdag ng init sa ating

mundo.

Sa kasalukuyan, ang ating mamamayan sa iba’t ibang

panig ng mundo ay nagtulong-tulongan sa pagbabawas ng

paggawa ng mga plastic na naghahasik ng lagim sa ating

kapaligiran. Mayroon ding mga proyekto na lubos na

nakakatulong bawasan ang Global Warming sa ating

mundo, isa na rito ang pagtanim ng mga puno at pagtapon

ng basura sa tamang lalagyan.

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang napagtanto ko sa aking napanood na pinamagatang

“My Beautiful Woman” ay lahat ng tao, ipinanganak nang

pantay-pantay, ngunit walang kasinghalaga ang pag-

aalaga at pagmamahal ng magulang sa anak kung ano

at sino man siya. Nahihinuha ko rin sa video na hindi

tayo padalos-dalos na humusga sa isang tao na wala

naman tayong alam sa kung ano ang pinagdadaanan

niya, kasi hindi madali ang husgahan ang isang tao lalo

na kung hindi naman totoo. Sa katotohanan, tumulong

nalaman tayong sumuporta sa kanila na ginagawa ang

lahat para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

DEATH PENALTY SA PILIPINAS: DAPAT BANG

IPATUPAD?

Death Penalty, isa sa isyu ng ating pamahalaan na

denedebatihan kung ipapatupad ba o hindi. Bilang isang

estudyante, pabor ako na ipatupad ang Death Penalty

sapagkat sa ating bansa ngayon patuloy pa rin ang mga

krimen na nagsipaganap. Alam naman natin na kailangan

masugpo ang masasamang tao na lumalaganap sa ating

bansa, lalo na yung mga mamamatay tao. Hustisya sa

mga pamilya at sa mga taong pinatay na wala namang

kasalanan. Ika nga nila “Time for a Change”.

Meron mang kahinaan o masamang epekto ang Death

Penalty lalo na hindi sang-ayon ang simbahan dito dahil sa

pagkuha ng buhay ng isang tao. Pero may mga

pagkakataon na kailangan tayong magsakripisyo upang

makamtan ang kinabukasang minimithi. Kaya kailangan

ipatupad ito upang malaman ng mga masasamang tao ang

pait na nararanasan ng pamilya na nawalan ng mahal sa

buhay. Hindi sapat ang mga taong pagkakulong sa isang

buhay na nawala. Sabihin man nila na ang Diyos lang ang

pwedeng kumuha ng buhay ng isang tao, pero kapag ikaw

ay nasa kalagayan nila, hindi mapipigilang ang hustiya.

DEATH PENALTY

Death Penalty isang paraan ng pagpaparusa ng

isang taong na may malubhang kasalanan. Sa

aking pananaw dapat ipatupad muli ang Death

Penalty sapagkat ito ay nakakatulong sa ating

bansa upang matigil ang mga krimen na

nagaganap sa ating bansa. Ayon kay Pangulong

Rodrigo Duterte, ang pagbabalik ng Death Penalty

ay hindi pananakot kundi pambayad sa mga krimen

na nagawa ng mga kriminal. Hindi naman

katanggap-tanggap ang biktimang namatay nang

walang hustisya, at hindi sapat ang mga taong

pagkabilanggo, sa buhay na kanilang kinuha.

“Buhay sa buhay” ika nga nila.

Meron mang kahinaan o masamang epekto ang Death

Penalty lalo na’t, hindi sang-ayon ang simbahan sa

pagpatupad nito dahil sa pagkuha ng buhay ng isang tao.

Ayon kay Noralicher Bishop Emerithus Teodoro Bacanoi,

imbes na ibalik ang Death Penalty, hulihin ang mga kriminal

at mabilis tanaw ang hustisya sa mga krimen upang

masugpo ang mga krimenalidad. Pero may mga

pagkakataon na dapat tayong magsakripisyo upang

makamtan ang mas higit na nakabubuti. Sabihin man nilang

hindi tama ang pagkuha ng buhay o Diyos lamang ang may

karapatan, kapag ikaw ay nasa sitwasyon nila, hustisya o

buhya ang dapat ipalit.

PHOTO ESSAY

Lahat ng tao ay may iba’t ibang ginagampanang papel sa

mundong ating ginagalawan. Lahat tayo ay may kaakibat

na papel at walang makakaiwas dito.

Siya rin ang gumagawa ng daan ng tatahakin. Maaaring

maging isa siyang mabuting tao o maging masama.

Sa mga panahon na lumipas unti-unting tumitikim ang mga

kabataan ngayon sa droga. At unti-unti na silang lumilihis

sa daan na matiwasay. Ito ay isang halimbawa ng daan

patungo sa kadiliman na puno ng bagyo.

May mga tao din na kontento na sa kanilang buhay na

matiwasay at nagsusumikap sila upang makamit ito.

Halimbawa dito ang daan sa magandang bukas.

At kapag nagsusumikap ka nang maigi talagang makakamit

mo ang iyong minimithi. May kasabihan na “Hardwork betrays

none, but dreams betrays many.”

ABSTRAK

Ipinatupad na ng ikalawang administrasyong Aquino ang

programang kindergarten to 12 Years of Basic Education

(K to 12) na suportado ng World Bank, mga organisasyon

ng malalaking negosyante gaya ng Philippine Business for

Education (PBED). Employers’ Confederation of the

Philippines (ECOP), AT Philippine Chamber of Commerce

and industry (PCCI). Samantala, tinututulan naman ng

isang organisasyon ng mga guro gaya ng Alliance of

Concerned Teachers (ACT), at ilang mambabatas gaya ng

8 kongresista at dalawang senador.

Bilag ambag sa pambansang diskurso hinggil sa K to 12,

layunin ng papel na ito na suriin ang programang K to 12 sa

pamamagitan ng paggamit ng mga kaisipan ng mga

nasyunalistang Pilipino gaya ni Dr. Jose Rizal, Andres

Bonifacio, Emilio Jacinto, at Renato Constantino. Bukod sa

katutubong kaisipanng nasyunalista, gagamitin din ang papel

na ito ang kaugnay na Teoryang Dependsensya.

KATITIKAN NG PULONG

KATITIKAN NG PULONG

PAGPILI NG PRODUKTO AT

NG ADVERTISING COMPANY

Del Pilar St., Zamboanguita Senior High School Building

Ika-5 ng Setyembre 2017

Mga Dumalo:

1. President ng Kompanya – Marie Raphelle T. Deloria

2. Kinatawan ng GMA – Sharmine Alarcio

3. Kinatawan ng ABS-CBN – Rose Ann Adapon

4. Mga kasapi ng Kompanya

Mga Hindi Dumalo

1. Dan Byron E. Deloria

2. Janine Bautista

3. Gypsy Mae Elnar

Sinimulan ang pagpupulong ni Bb. Marie Raphelle T. Deloria at pinanguluhan ni Bb. Rose Ann

Adapon sa ika- 10:15 ng umaga.

Tinalakay ang mga sumusunod na adyenda:

1. Pagpili ng Produkto na i-endorse

Sa pagpupulong na ito isinaad ng Presidente ng kompanya sa kung ano ang produkto na i-

endorse at ang pagpipilian ay ang mga sumusunod:

Brand X – Sunsilk

Brand Y – Head & Shoulders

Hinigian ng Presidente ang mga kasapi ng kompanya kung ano ang kanilang gusto o saan sila

papanig

Ang unang nagbigay ng kanyang opinyon ay ang kasapi na si G. Jhon Mar Trinidad. Sinabi niya mas

gusto niya ang Sunsilk sapagkat “ it makes your hair shinier, smoother and silkier ”.

Sinundan naman ito ni Bb. Christine M. Lazaga na isa ring kasapi ng kompanyana mas gusto rin

niya ang Sunsilk kaysa sa Head & Shoulders, base sa kanya kung Head & Shoulders ang gagamitin

niya magiging iba ang pakiramdam niya sa kanyang buhok, at nasabi niya ito base sa kanyang

karanasan.

Ang ikatlong nagbigay ng kanyang opinyon ay si Bb. Khrizzle Jean Maquiling, pumanig siya sa

Head & Shoulders, base sa kanya “ it makes your scalp cool and mawawala ang dandruff ”.

Matapos ang pagbibigayan ng mga opinyon ng mga kasapi, si Bb. Marie Raphelle na pangulo ng

kompanya ay nagdesisyong na sisimulan na ang pagboboto kung anong produkto ang gagamitin sa pag

endorse. Ang nagging resulta ng botohan ay, nakakuha ng anim (6) na boto ang Sunsilk at, 14 na boto

sa Head & Shoulders. At ang nagwagi sa botohan ay ang Head & Shoulders.

2. Pagpipili ng Advertising Company

Sa pagpili ng kompanya, ipinakilala ng pangulo ang kumakatawan sa mga kompanya. Ang unang

ipinakilala ay ang kumakatawan sa ABS-CBN na si Bb. Rose Ann Adapon at si Bb. Sharmine Alarcio

na siyang kumakatawan ng GMA. Itong dalawang kompanya ay dapat pagpipilian sa pag endorse ng

produkto. Hiningan din sila sa kung ano ang mga dapat gawin sa pag endorse ng produkto.

Sinabi ni Bb. Rose Ann na dapat gagamit ng mga sikat na artista upang mas makilala ang produkto

ng sambayanan at gagastos ng kalahating milyong piso o ₱500,000.00.

Dako naman tayo sa punto ni Bb. Sharmine Alarcio, sinabi niya namga ordinaryong mga tao ang

gagamitin sa pag endorse ng produkto sa kondisyon na gumagamit rin sila ng prduktong napag-usapan.

Ani pa niya na mas mainam itong paraan sapagkat makikita talaga ang resulta ng ginamit na produkto

at mas maging makatotohanan ang endorsement. Gagatos ng ₱100,000.00 ang kanyang endorsement.

Matapos ang pagbibigay ng kanilang mga ideya ay sinabi ng Pangulo na sisimulan na ang pagboboto

sa kung saang advertise company ang gagamitin. At ang resulta ay nanalo ang Advertising Company

ng GMA na nakakuha ng 13 na boto habang 6 na boto sa ABS-CBN.

*Iba Pang Pinag-usapan:

Pagkatapos ng botohan ng Advertising Company, ang mga kasapi ay nagsimula ng pag-usapan ang

lugar na gagamitin sa pag endorse. Ayon kay Bb. Marielle Asanuddin, gaganapin sa Boracay ang pag i-

endorse, sinundan naman ito ni Bb. Sheena Louis Nodado na ang gagamitin na lugar ay ang Sipalay,

sapagkat maliit lang ang badyet na ₱100,000.00 kung sa magagarang lugar ang gagamitin. Dagdag pa

ni Bb. Rhea Mae Jaugan na ang lugar na gaganapin sa pag i-endorse ay yung may “pollution and heat”.

Nagbigay din ng opinyon si G. Jhon Mar Trinidad, na sa mismong tinitirhan ng nag i-endorse

gaganapin ang pag sho-shooting, dagdag pa ni G. John Ryan Jumawan ay sa pinagtatrabahoan ng

endorser gaganapin ang pag endorse. Atng ang panghuling nagbigay ng kanyang opinyon ay si Bb.

Maquiling, ika pa niya na gaganapin ang pag i-endorse sa ilalim ng init.

Sa kadahilanang hindi natapos ang pagdidiskusyon, muling ipagpatuloy ito sa susunod na

pagpupulong.

Itinala ni: Hilmar C. Davad

Kalihim ng Kalupunan

MEMORANDUM

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Zamboanguita Science High School

Del Pilar St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental

October 3, 2017-10-16

Paksa: Pagpupulong para sa 2017 Christmas Party

Para sa: Miyembro ng Student Council

___________________________________________________________________________________

1. Habang papalapit na ang buwan ng Disyembre ipinagdidiriwang na naman natin ang pasko. Hindi natin malilimutan ang pagdiriwang na ito sapagkat ito rin ang buwan ng kapanganakan n gating Panginoong Hesukristo.

2. Ang layunin sa pagsasagawa ng pagpupulong na ito ay ang sumusunod:

Hindi lamang ang pagdiriwang ng ating Panginoong Jesus ang dahilan, kundi ang kahalagahanng pagkakaisa sa pamilya’t buong mundo.

Upang malalanghap ang simoy ng pasko sa mga estudyante

Upang mapagpatibay ang relasyon ng bawat estudyante.

3. Ang pagpupulong para sa Christmas Party gaganapin sa silid-aralan ng Grade 12- Generoso,

SHS building ng Zamboanguita Science High School. Gaganapin ito ngayong Nov. 10, 2017, 8:30

ng umaga.

4. Para sa malawakang diseminasyon

HILMAR C. DAVAD

President ng Student Council

BIODATA

Hilmar C. Davad

072 Acupanda St. Poblacion

Zamboanguita Negros Oriental

09264463693

[email protected]

Layunin

Makakuha ng posisyon bilang isang inhenyero (Computer Engineer) sa

inyong kompanya.

Edukasyon

Cebu Institute of Technology 2018 - 2023

Bachelor of Science in Computer Engineering

Zamboanguita Science High School (Senior High) 2016-2018

STEM Track

Zamboanguita Science High School (Junior High) 2012-2016

Zamboanguita Central Elementary School 2006-2012

Karanasan

• Computer Engineer sa Apple Company

• Computer Engineer sa Microsoft Company

Mga iba pang Karanasan

• Marunong gumamit ng C++

• Marunong gumamit ng AutoCad

• Marunong gumamit ng Java

Ika – 14 ng Setyembre 2017

Bb. ANA MELISSA VENIDO

Chief Executive Officer

Google Technology Company

Mountain View, California, United States

Mahal na Bb. Venido:

Magandang Araw!

Nag-aaplay po ako sa posisyong Computer Engineer sa inyong kompanya. Nabasa ko sa

inyong official website na naghahanap po kayo ng isang inhinyero para sa inyong kompanya.

Masisigurado ko po na magiging maayos ang paggawa ko sa mga trabaho. Makikita po ninyo

sa kalakip na resumé ang mga kakayahan, karanasan at akademikong klasipikasyon na

tumutugon sa hinihingi po ninyo.

Maari po ninyo akong interbyuhin sa araw at oras na inyong ninanais upang malaman

ninyo ang mga detalye sa aking aking klasipikasyon. Maari po ninyo akong kontakin sa aking

cellphone number o sa aking e-mail account.

Maraming Salamat

Sumasainyo,

HILMAR C. DAVAD

AGENDA

PETSA: Ika – 7 ng Oktubre 2018

PARA SA: Mga miyembro ng Volleyball Club

MULA KAY: HILMAR C. DAVAD

Presidente

Maaring dumalo sa ating pagpupulong sa Oktubre 13, 8:00 ng umaga, na gaganapin sa Japan National Stadium.

AGENDA

1. Pagsisimula

2. Pag – apruba ng katitikn ng nakaraang pulong

3. Mga isyu sa katitikan ng nakaraang pulong

4. Pagbili ng bagong kagamitan

a. Bola

b. Net

c. Sweater

d. Jersey

e. Short

f. Sapatos

5. Mga bagong stratehiya sa paglalaro

6. Pagpupulong sa paghahanap ng dalawang (2) babaeng tagapamahala

7. Pagpili ng bagong “coach”

8. Pasaporte ng manlalaro upang makadalo sa Olympics

9. Mga gagastuhin sa paglipad tungo sa bansa na kung saan gaganapin ang Olympics

10. Mga pagpupulong ukol sa mga desisyon na inyong mga magulang