Iba't ibang gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain

  • View
    638

  • Download
    67

Embed Size (px)

Text of Iba't ibang gawaing kamay sa paghahanda ng pagkain

MGA KABUTIHAN NG PAG-IINGAT NG TALAAN

IBAT IBANG GAWAING KAMAY SA PAGHAHANDA NG PAGKAIN

PAGTATALOPPag-aalis ng balat sa tulong ng maliit na kutsilyo o pantalop.

Karaniwang isinasagawa sa mga hilaw o sariwang pagkain:Manggang hilawKalabasaPatolaUpo

PAGBABALATPag-aalis ng balat ng mga hinog o nilagang pagkain na ang balat ay bahagyang nakahiwalay sa laman. Karaniwang isinasagawa gamit ang kamay sa mga pagkaing: Manggang hinogNilagang saging, kamote o patatas

PAGHIHIWAPaggamit ng kutsilyo sa pagputol ng mga pagkain tulad ng mga sumusunod upang lumiit ito.

karneisdagulayManok

PAGBABATIPagdagdag ng hangin sa hinahalong pagkain tulad ng itlog sa tulong ng tinidor, pambati o panghalong dekuryente.

PAGSUSUKATPagkuha ng wastong dami ng likido o tuyong sangkap sa pamamagitan ng tasa o kutsarang panukat.

PAGKAKALISKISPag-aalis ng kaliskis ng isda sa tulong ng kutsilyo o pangkaliskis.

PAGDIDIKDIKPagbabayo sa almires ng mga sangkap tulad ng ulo ng hipon, bawang, at mani upang makuha ang katas o maging pino ito.

PAGSASALAPaghihiwalay ng likido sa buo-buong laman ng sangkap gamit ang colander o salaan tulad ng:Ulo ng hiponPinyang delataNata de coco

PAGHIHIMAYPaghihiwa-hiwalay sa mga pinong bahagi ng nilutong pagkain tulad ng manok, hipon o tinapa sa tulong ng kamay.

PAGGIGILINGPagdurog nang pinung-pino sa mga pagkain tulad ng karne ng baboy na ginagamitan ng gilingan.

PAGKUKUDKODPagpapadaan ng pagkain tulad ng niyog sa kudkuran upang ito ay pumino.

PAGHIHIWA NG PAKUWADRADOPaghihiwa ng mga pagkain tulad ng patatas, karot, at karne nang kalahati o ng isang pulgadang parisukat na ginagamitan ng kutsilyong matalas.

PAGHAHALOPagsasama-sama ng mga sangkap sa pamamagitan ng paggamit ng sandok.

PAGTATADTADPagdurog nang pinung-pino sa mga sangkap tulad ng sibuyas, karot, manok o baboy sa tulong ng kutsilyo.

PAGGIGILITPaglalagay ng hiwa o gilit sa laman ng isda o karne bago ito iluto upang masipsip ang mga sangkap o upang ang isda ay hindi mamaluktot.

PAGTITIMPLAPagdaragdag ng asin, patis, toyo, suka o paminta upang maging malasa at masarap ang niluluto.

A. Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat aytem.

Kung ang pagbabalat ay isinasagawa sa saging at dalandan, ano naman ang sa patatas at mansanas?

2. Ikaw ay magluluto ng tortang itlog, ano ang gagawin mo sa itlog?

3. Sa pagsasala ng dinikdik na ulo ng hipon, ano ang gagamitin mo?

4. Ano ang gagawin sa niyog upang makapaghanda ng gata?

5. Ano ang ginagamit sa paghihiwa?

B. Panuto: Tukuyin kung anong gawaing kamay ang inilalarawan sa bawat aytem.

6. Pagpapadaan ng pagkain tulad ng niyog sa kudkuran upang ito ay pumino.

7. Pagsasama-sama ang mga sangkap gamit ang sandok.

8. Tawag sa pagdaragdag ng asin, patis, toyo o suka at paminta upang maging malasa ang niluluto.

9. Paghihiwa-hiwalay sa mga pinong bahagi ng nilutong pagkain gaya ng tinapa gamit ang kamay.

10. Paraan na ginagamit sa saging, manggang hinog at nilagang saging.

Takdang-AralinGamit ang librong Maunlad na tahanan at Kabuhayan 6, sagutan ang pahina 79-80 sa isang-kapat na papel.