8
KULTURA HUNYO 2016 Mga makabayan sa gabinete ni Duterte Sigaw ng kabataan: K - 12, ibasura Pagpapasara ng Fabella, pagkitil ng buhay 304 na kolehiyo, huling pabaon ni Aquino Duterte at Kabataang Makabayan Walang Mang-aalipin: Chords at Lyrics 5 6 6 7 8 8 \\ Ituloy sa p2 1 Pag-isahin ang mamamayan upang ibagsak ang sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal sa pamamagitan ng digmang bayan at tapusin ang pambansa- demokratikong rebolusyon Batay sa kanyang mga naunang pahayag, maaaring madaling sumang-ayon si Duterte sa radikal o substansyal na pagbabago sa mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema subalit hindi sa pagbagsak ng sistema sa pamamagitan ng digmang bayan. Siya ay natatangi sa pagdeklara sa sarili bilang unang Kaliwang pangulo ng Pilipinas at isang sosyalista pero hindi komunista. Nabanggit niya rin na tutol siya sa armadong pakikibaka at sa gayong diwa ay para sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at handa na makipagtulungan sa pagkamit ng batayang reporma o mayor na pagbabago. Bilang dating mag-aaral ni Prop. Jose Ma. Sison sa kanyang mga araw sa pamantasan at kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) at bilang dating kaugnay ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), nauunawaan niya na may mga kapangyarihang lumilikha ng kondisyong mala- kolonyal at mala-pyudal at siya ay laban sa dominasyon ng US at ibang dayuhang kapangyarihan, pyudal na pagsasamantala at burukratikong korupsyon. Ngunit nagdeklara siya Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong Duterte at mga tungkulin ng kabataang Pilipino ng pagtutol sa armadong pakikibaka. Ang tanong sa gayon ay kung maaaring matapos ang pambansa demokratikong rebolusyon na walang digmang bayan. Maaari niyang ipangatwiran na bilang presidente at commander-in-chief ng reaksyunaryong hukbong sandatahan, pulisya, at iba pang katuwang na pwersa ay may armadong lakas siya upang ipagtanggol ang mga reporma na hinihiling ng mamamayan laban sa imperyalismo at oligarkiya. Ngunit ang kasaysayan ay puno ng halimbawa ng mga mabuting lider o punong estado na sumuko sa neokolonyal at neoliberal na manipulasyong pang-ekonomiko at pinansyal, napasailalim sa kudeta ng sariling armadong pwersa o impeachment ng Kongreso sa sandaling tumawid sila sa hangganan na itinakda ng US at mga oligarko. Kung papayag siya sa mga batayang repormang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika ng NDFP, dapat sang-ayunan din niya ang

HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

KULTURA

HUNYO 2016

Mga makabayan sa gabinete ni Duterte Sigaw ng kabataan: K - 12, ibasura Pagpapasara ng Fabella, pagkitil ng buhay 304 na kolehiyo, huling pabaon ni Aquino Duterte at Kabataang Makabayan Walang Mang-aalipin: Chords at Lyrics

5

6

6

7

8

8

\\ Ituloy sa p2

1 Pag-isahin ang mamamayan upang ibagsak ang sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal sa pamamagitan ng

digmang bayan at tapusin ang pambansa-demokratikong rebolusyon Batay sa kanyang mga naunang pahayag, maaaring madaling sumang-ayon si Duterte sa radikal o substansyal na pagbabago sa mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema subalit hindi sa pagbagsak ng sistema sa pamamagitan ng digmang bayan. Siya ay natatangi sa pagdeklara sa sarili bilang unang Kaliwang pangulo ng Pilipinas at isang sosyalista pero hindi komunista. Nabanggit niya rin na tutol siya sa armadong pakikibaka at sa gayong diwa ay para sa usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at handa na makipagtulungan sa pagkamit ng batayang reporma o mayor na pagbabago.

Bilang dating mag-aaral ni Prop. Jose Ma. Sison sa kanyang mga araw sa pamantasan at kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) at bilang dating kaugnay ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), nauunawaan niya na may mga kapangyarihang lumilikha ng kondisyong mala-kolonyal at mala-pyudal at siya ay laban sa dominasyon ng US at ibang dayuhang k a p a n g y a r i h a n , pyudal na pagsasamantala at burukratikong korupsyon. Ngunit nagdeklara siya

Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong Duterte at mga tungkulin ng kabataang Pilipino

ng pagtutol sa armadong pakikibaka. Ang tanong sa gayon ay kung maaaring matapos ang pambansa demokratikong rebolusyon na walang digmang bayan. Maaari niyang ipangatwiran na bilang presidente at commander-in-chief ng reaksyunaryong hukbong sandatahan, pulisya, at iba pang katuwang na pwersa ay may armadong lakas siya upang ipagtanggol ang mga reporma na hinihiling ng mamamayan laban sa imperyalismo at oligarkiya. Ngunit ang kasaysayan ay puno ng halimbawa ng mga

mabuting lider o punong estado na sumuko sa neokolonyal at neoliberal na manipulasyong pang-ekonomiko at pinansyal, napasailalim sa kudeta ng sariling armadong pwersa o impeachment ng Kongreso sa sandaling tumawid sila sa hangganan na itinakda ng US at mga oligarko.

Kung papayag siya sa mga batayang repormang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika ng NDFP, dapat sang-ayunan din niya ang

Page 2: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

2 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

Isang “Walk of Shame ang itinanghal ng mga progresibong grupo noong Hunyo 21 upang ipa-alaala sa publiko ang malagim na pamana ng rehimeng BS Aquino. Photo Credits: Manilatoday.net.

pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa mamamayan upang suportahan ang isang gobyernong may pambansang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran. Dapat may probisyon para sa pagpapaunlad ng lahat ng paraan upang matugunan ang mga kahilingan ng mamamayan, lalo na ng masang anakpawis, at upang epektibong labanan ang paggamit ng panlilinlang at karahasan ng mga imperyalista at oligarkong kaaway ng mamamayan. Ang paraan ng pagkakahalal kay Pangulong Duterte, ang kasalukuyang komposisyon ng kanyang gobyerno at ang kanyang sariling mga pahayag ay nagpapakita na malayo pa ang tatahakin upang makamit ang mga komprehensibong kasunduan para sa mga repormang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika na katanggap-tanggap sa mamamayan. Ang isang pansamantalang tigil-putukan ay posibleng lumikha ng mabuting kalooban at paborableng kalagayan para sa pagpapalaya ng mahigit 500 bilanggong pulitikal at para sa pagpapabilis ng usapang pangkapayapaan. Ngunit kailangan ng rebolusyonaryong pagbabantay upang ipagtanggol ang mga makabayan at progresibong pwersa at maging ang gobyernong Duterte na maaaring bantaan ng US at lokal na reaksyunaryo. Tinatawagan ang kabataang Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang pagpupunyagi na pagkaisahin ang mamamayan para sa ibagsak ang sistemang mala-kolonyal at mala-pyudal sa pamamagitan ng digmang bayan at para tapusin ang pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang tungkuling ito ay pinapatunayan ng kawalan ng kahit anong pinal na usapang pangkapayapaan na katanggap-tanggap sa mamamayan. At kahit pa man magkaroon ng gayong kasunduan, ang mga nakipagsundong partido at ang mamamayan ay dapat pa ring maging handa na panindigan, ipaglaban, at isulong ang mga batayang repormang napagkasunduan. Ang anumang tigil-putukan at alyansa sa gobyernong Duterte ay dapat mapapangatwiranan batay sa paglilingkod sa pambansa at demokratikong mga karapatan at interes ng mamamayang Pilipino. Hangga’t ang gobyernong ito ay humahakbang pasulong sa ganitong linya, ang anumang mga kontradiksyon nito, mga depekto o pagkukulang ay maaaring ipasailalim sa kritikal na pagsusuri at bigyan ng makatutulong na mga mungkahi. Dapat manatiling independyente at may inisyatiba ang mga pwersang patriyotiko at progresibo. Dapat panatilihin ang balanse ng pagkakaisa at pakikipagtunggali, kung saan ang huli ay dapat laging nakatungtong sa makatarungan at makatwirang batayan, sa layong paunlarin o palakasin pa ang alyansa.

2 Itatag ang demokratikong republika ng mamamayan at demokratikong koalisyong gobyerno.

Sa usapang pangkapayapaan sa gobyernong Duterte, hindi tinatanaw ang isang demokratikong republika ng mamamayan sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa at Partido Komunista na nakabatay pangunahin sa alyansa ng manggagawa-magsasaka. Upang makamit ang ganitong republika, kailangang ibagsak ang mga mapagsamantalang uri ng malalaking komprador at panginoong maylupa sa

pamamagitan ng digmang bayan. Sa kabilang banda, ang republikang posible ngayon ay isang republika kung saan ang partisipasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa loob at labas ng gobyerno ay hindi na ipinagbabawal kundi hinihikayat. Ang tinatanaw ay isang anyo ng koalisyong gobyerno na kabilang ang partisipasyon ng Partido Komunista at ibang patriyotiko at progresibong pwersa. Ito ay isang gobyerno ng pambansang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran. Ito ay isang balangkas kung saan ang lahat ng patriyotiko at progresibong pwersa ay maaaring lumakas dahil nailatag na ang tuntungan ng mga saligang reporma na resulta ng matagumpay na usapang pangkapayapaan. Sa gayon, mapatutunayan ng Partido Komunista na pinakamahusay nitong pinaglilingkuran ang mamamayan sa tulong ng programa nito sa pagkilos at mga kongkretong aksyon. Dapat kilalanin ang pag-aalok ni Pangulong Duterte sa posibilidad ng isang koalisyong gobyerno bago pa man siya manalo sa halalan. Sa proseso ng pagbubuo ng kanyang gabinete, bukas-palad niyang inalok sa Partido Komunista ang 4 na posisyon para sa paggawa, repormang agraryo, kagalingang panlipunan, at kalikasan. Pinasalamatan ng PKP at NDFP ang pangulo sa alok nito at minungkahi ang pagluklok sa mga ligal na progresibo sa mga nasabing pusisyon habang mas dapat na tutukan muna ng mga kilalang rebolusyonaryong lider ang pagsulong ng prosesong pangkapayapaan. Ang mga progresibo ay nasa minorya sa gabinete ni Duterte. Ngunit ang mga hakbang ni Duterte bago at pagkatapos ng halalan ay nagbibigay ng pag-asa sa patriyotikong kilusang masa. Ang tungkulin ng kabataang Pilipino ay tulungang paunlarin at mapakinabangan ang isang demokratikong koalisyong gobyerno upang isulong ang layuning itatag ang isang demokratikong republika ng mamamayan. Dapat suportahan ang mga patriyotiko

at progresibong inisiyatiba at hakbangin sa loob ng pakikipag-alyansa sa isang reaksyonaryong gobyerno. Dapat patuloy na tulungang palakasin ang kilusang masa sa syudad at kanayunan at ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa kanayunan upang magsilbing matibay na pundasyon sa binubuong koalisyong gobyerno.

3 Itayo ang rebolusyonaryong hukbong bayan at ang sistemang pangdepensa ng mamamayan.

Makailang beses nang binanggit ni Pangulong Duterte na tutol siya sa armadong pakikibaka at para siya sa pag-iral ng iisang hukbo lamang sa Pilipinas. Dapat subukin ang proposisyong ito sa kung ano ang kagyat na posible, at ito ay sa pagsasagawa ng isang pansamantalang tigil-putukan, at karagdagang negosasyon upang wakasan ang labanan at ayusin ang disposisyon ng armadong pwersa ng dalawang panig. Maraming posibilidad na dapat isaalang-alang sa pakikitungo sa dalawang magkatunggaling hukbo na tumigil na sa paglaban sa isa’t isa. Walang tunay na armadong rebolusyonaryong kilusan ang tumanggap ng kapitulasyon at tahasang paglansag sa sarili habang ang magkatunggaling pwersa ay nananatiling buo at lumalaki. Ang tigil-putukan at pakikipag-alyansa ang pinakamaaaring matupad. Pwedeng gumanap ng papel ang mga armadong rebolusyonaryong yunit bilang tagapagbantay ng kalikasan at industriya sa ilalim ng kondisyon ng kapayapaan at kaunlaran. Ang integrasyon ng armadong pwersa ay mapahihintulutan kagaya ng sa karanasan ng rebolusyong Tsina. Ang sabayang demobilisasyon ng dalawang panig ay posible kung ang mga armadong yunit ay hindi na kailangan dahil sa pag-iral ng kapayapaan. Ang mga armadong kasapi ng dalawang panig ay pwedeng gumampan ng trabahong industriyal o bumalik sa pagsasaka upang makibahagi sa benepisyo ng tunay na reporma sa lupa.

Page 3: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2016 EDITORYAL

Siguradong maraming maiipon para sa kaunlaran at serbisyong panlipunan kung merong makatarungan at matagalang kapayapaan. Ngunit kapag ang mga repormang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika ay may sapat na lalim at seryoso, malamang na maglulunsad ang US at lokal na reaksyunaryong pwersa ng armadong kontrarebolusyon, maging ito man ay kudeta o gera sibil o lantarang gera ng agresyon ng imperyalismong US. Dahil sa mataas na probabilidad na ito ay maganap, dapat may mga probisyon para sa epektibong paglaban ng mamamayan. Dapat suportahan ng kabataang Pilipino ang tigil-putukan at pakikipag-alyansa para sa layunin ng pagkamit ng pambansang pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran at dapat laging maging maagap at handa na labanan ang armadong kontrarebolusyon o dayuhang agresyon o interbensyon. Dapat tumindig sa paglaban ang kabataang Pilipino sa unang senyales pa lamang ng seryoso o napipintong banta ng karahasan laban sa mamamayang Pilipino. Magagawa lamang ito kung walang tigil na nagpupunyagi sa pagtatatag ng kilusang masa at nagsasanay para sa pagtatanggol ng mamamayan.

4 Itaguyod at isulong ang demokratikong karapatan ng mamamayan.

Dapat itaguyod at isulong ng buong sambayanang Pilipino ang kanilang mga demokratikong karapatan: karapatang pampulitika, pang-ekonomiya, sibil, panlipunan, at pangkultura laban sa mga nang-aapi at nagsasamantala sa kanila. Ang mga pundamental na karapatan ng mamamayan ay nakatala sa Programa para sa Demokratikong Rebolusyong Bayan at Gabay sa Pagtatatag ng Gobyerno ng Mamamayan. Nagtagumpay din ang

NDFP kasama ng gobyerno sa Maynila sa pagbuo ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at ginamit nito ang International Bill of Rights at ang Geneva Conventions bilang sanggunian.

Ang nabanggit ni Duterte na pagtutok sa krusada laban sa krimen at karahasang sibil at ang kanyang pagbibigay-halaga sa mabilisang pagpapatupad ng kanyang plataporma sa reporma ay may epekto sa pagbibigay-diin sa mga isyu ng karapatang pantao, lalo na sa karapatang sibil at pulitikal. Ang kanyang plataporma ay pumukaw at nagpakilos sa milyon-milyong mamamayan sa mga ispontanyong pamamaraan upang suportahan ang kanyang kampanyang elektoral at mga inisiyal na patakaran. Napakalaki ang potensyal nito para sa malawakang pag-oorganisa sa direksyong progresibo o kabaligtaran nito. Dapat maging mulat ang kabataang Pilipino sa katotohanang sila ang bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng mamamayan, pinakabukas sila sa pundamental na pagbabagong panlipunan, at sila ang pinakamatatag at militante para manawagan at magsulong ng pagbabago. Dapat silang maging masigasig sa pakikibaka upang igiit, ipagtanggol, at isulong ang demokratikong karapatan ng mamamayan.

5 Wakasan ang lahat ng di-pantay na relasyon sa Estados Unidos at iba pang dayuhang entidad.

Nakalulugod ang mga pahayag ni Pangulong Duterte na hindi dapat umasa sa US para sa pambansang seguridad. Pagkatapos magdesisyon ang Permanent Court of Arbitration pabor sa Pilipinas sa alitan nito sa Tsina hinggil sa paglalayag, mas may

kakaunting dahilan ang Tsina na angkinin ang Exclusive Economic Zone at Extended Continental Shelf ng Pilipinas at mas magiging kumpyansa ang Pilipinas sa pagbubuo ng relasyon sa Tsina at sa pagbabasura sa mga di-pantay na ehekutibong kasunduan sa US, tulad ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement. Dapat itaguyod ng mamamayang Pilipino ang kanilang pambansang soberanya at kalayaan at teritoryal na integridad ng kanilang bansa. Dapat patuloy na manawagan para sa pagwawakas sa lahat ng mga di-pantay na tratado, kasunduan at pakikipag-ayos sa ibang bansa sa larangan sa ekonomiya, pinansya, pulitika, at militar. Dapat gamitin ng kabataang Pilipino ang kanilang talino upang wakasan ang reaksyunaryong tradisyon at kaugalian ng pagiging sunud-sunuran sa imperyalistang kapangyarihan. Pinapanatili nito ang mga kundisyon ng mataas na disempleyo, kawalan ng pag-unlad, at laganap na kahirapan.

6 Ipatupad ang tunay na repormang agraryo, isulong ang kooperasyong pang-agrikultura, pataasin ang

produksyon at empleyo sa kanayunan sa pamamagitan ng modernisasyon ng agrikultura at industriyalisasyon sa kanayunan at tiyakin ang isang sustenidong agrikultura. Mabuti ang paghirang ni Pangulong Duterte sa beteranong lider-magsasaka na si Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang Kalihim ng Kagawaran ng Repormang Agraryo. Hinayaan ng rehimeng Aquino ang huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program-Extended Reform na lumipas noong 2014. Mahigit 80 porsyento ng mga sinasabing

\\ Ituloy sa p4

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Photo C

redits: Rappler.com

Page 4: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

4 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

mamamayan ng Kordilyera, at iba pang pambansang minorya o katutubong mamamayan. Iminumungkahi ng gobyernong Duterte ang pagpapalit ng kasalukuyang estado tungo sa isang estadong pederal. Naniniwala itong ang pederalismo ang daan upang tiyakin na mabigyan ang mamamayang Moro ng awtonomiyang rehiyonal at patas na bahagi ng yaman na nagmumula sa kanilang sariling rehiyon. Ang mga tumututol ay nangangatwiran na ang pederalismo ay magbibigay ng lakas ng loob sa mga pwersang nais hatiin ang bansa. Anuman ang anyo ng gobyerno, dapat itaguyod ng mamamayan at kabataang Pilipino ang karapatan sa pagsasarili at demokrasya ng mamamayang Moro, mamamayan ng Kordilyera at iba pang pambansang minorya o katutubo.

11 Isulong ang rebolusyonaryong paglaya ng kababaihan sa lahat ng larangan.

Bilang alkalde ng Davao City, kinilala at pinahalagahan ni Duterte ang papel ng kababaihan sa pampublikong buhay, lumikha siya ng mga pasilidad para sa kababaihan at kabataan, at ipinamalas niya ang kanyang pagkamuhi sa karahasan sa kababaihan. Ang dapat tingnan ay kung ano pa ang kanyang magagawa upang itaguyod ang pagkapantay-pantay ng kasarian at tulungang maisakatuparan ang mataas na potensyal ng kababaihang matagal nang sinupil ng patriyarka. Dapat isulong ng mamamayan at kabataang Pilipino ang lubos na paglaya ng kababaihan sa lahat ng larangan sa lipunan. Walang larangang hindi sila magtatagumpay gaya ng kalalakihan kung pantay silang kinikilala at nagtatamo sila ng pantay na mga oportunidad.

12 Pagtibayin ang isang masigla, nagsasarili, at mapayapang patakarang panlabas.

Ipinakita ni Pangulong Duterte sa maraming pagkakataon ang kanyang patriyotikong posisyon hinggil sa mga di makatarungang gawi at imposisyon ng mga dayuhang kapangyarihan at nasasaisip niya ang kagyat at pangmatagalang interes ng mamamayang Pilipino. Dapat magkaroon ng isang masigla, nagsasarili, at mapayapang patakarang panlabas ang Pilipinas.

Dapat igiit ng mamamayan at kabataang Pilipino ang pagpapatibay at pagpapatupad ng naturang patakaran. Maisusulong natin ang ganitong patakaran sa pagtataguyod sa pambansang soberanya at dignidad, pagsasapraktika ng pag-asa sa sarili sa lahat ng larangan ng lipunan (ekonomiya, pulitika. at kultura) at paghahangad ng pagkakaisa at pakikipagtulungan para sa kapayapaan at kaunlaran laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon.

Tala: Ito ay salin ng “Prospects under the Duterte Administration and Tasks of the Filipino Youth” ni Prop. Jose Maria Sison, Founding Chairperson ng CPP at Chief Political Consultant ng NDFP. Ibinahagi ang nasabing dokumento sa All Leaders Forum on the GPH-NDFP Peace Talks sa Vinzons Hall, UP Diliman, na inorganisa ng mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan noong Hunyo 10.

benepisyaryo ng repormang agraryo ay nabigo sa pagbabayad ng utang para sa lupang inilaan para sa kanila. Sapagkat huwad ang programa para sa reporma, laging nababawi ng iilan ang lupa mula sa magsasaka. Responsibilidad ngayon ni Ka Paeng na magtulak ng bagong batas sa reporma sa lupa na epektibong magpapamahagi ng lupa sa magsasaka. Dapat igiit ng mamamayang Pilipino, ng mismong mga magsasaka at ng buong kabataang Pilipino ang pagpapatibay at pagpapatupad ng isang programa sa tunay na reporma sa lupa na kabilang ang libreng pamamahagi ng lupa sa magsasaka, kooperasyong agrikultural, mas mataas na produksyon at paglikha ng empleyo sa pamamagitan ng industryalisasyon sa kanayunan. Ang tunay na reporma sa lupa ang daan tungo sa kalayaang pang-ekonomiya, panlipunan, at pampulitika ng walang lupang magsasaka. Ito ang pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon. Ito rin ang kinakailangan para makumpleto ang pambansang industriyalisasyon, at magtitiyak sa mamamayan ng kakayahang umasa sa sarili para sa pagkain, at ng industriya ng mayor na hilaw na materyales at mas pinalaking lokal na pamilihan.

7 Lansagin ang pinagsamang dominasyon ng US at iba pang imperyalista, malalaking

komprador at panginoong maylupa sa ekonomiya. Ipatupad ang pambansang industriyalisasyon at itayo ang malaya at nakaaasa-sa-sariling ekonomiya. Pinanatili ng kumbinasyon ng mga imperyalistang kapangyarihan sa pangunguna ng US at lokal na nagsasamantalang uri ng malalaking kumprador at panginoong maylupa ang mamamayang Pilipino sa ilalim ng matinding pagsasamantala at kahirapan, isinadlak sa kawalan ng kaunlaran ang ekonomiya, at winasak ang kalikasan. Kailangang ipatupad ang pambansang industriyalisasyon upang itayo ang isang malaya at nakaaasa-sa-sariling ekonomiya. Minsan nang nabanggit ni Pangulong Duterte ang pangangailangan para sa isang industriya sa bakal at pambansang industriyalisasyon at ang pagproseso ng mga mineral na nilalabas sa bansa. Sa ibang pagkakataon, nangako rin siyang lilikha ng business islands at magdagdag ng special economic zones para sa mga dayuhang kumpanya. Sa ngayon, hinirang niya sa mga susing pang-ekonomikong posisyon sa kanyang gabinete ang mga tagapagtaguyod ng neoliberal na patakaran sa ekonomiya. Gayunpaman, tinatanaw natin ang pakikipagharap sa gobyernong Duterte sa usapang pangkapayapaan at sa tamang panahon ay mahikayat natin ito na mahigpit at masiglang pagtibayin ang patakaran ng pambansang industriyalisasyon. Dapat suportahan ng mamamayan at kabataang Pilipino ang plano ng NDFP na magsulong ng pambansang industriyalisasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga hilaw na materyales na magmumula sa agrikultura at mga mineral na magmumula naman sa extractive industries sa loob ng bansa, at sa pag-eempleyo sa milyun-milyong mamamayang walang trabaho at/o nagtatrabaho sa ibang bansa. Maaari nating pagsamahin ang mga

rekursong pribado at pagmamay-ari ng estado upang magtayo ng mga industrya. Pwede tayong kumuha ng pamumuhunan at teknolohiya mula sa malawak na saklaw ng mga bansa upang iwasan ang dominasyon ng isa, dalawa, o tatlong imperyalistang kapangyarihan.

8 Pagtibayin ang isang komprehensibo at progresibong patakarang panlipunan.

Mabuti rin ang paghirang ni Pangulong Duterte kay Judy Taguiwalo bilang kalihim para sa panlipunang kagalingan at kaunlaran. Meron tayong maaasahang makapagbibigay ng napapanahong distribusyon ng relief goods at rehabilitation funds at iba pang rekurso upang malagpasan ang mga panlipunan at natural na kalamidad. Ngunit ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon at reporma sa lupa ang paraan upang mapataas ang kalagayan ng mamamayan. Nagpapalawak ito ng empleyo at mas mabuting kabuhayan sa pangunahing linya ng produksyon at sa mga katamtaman at maliliit na empresa. Dapat suportahan ng mamamayan at kabataang Pilipino ang plano para sa kaunlarang pang-ekonomiya at likhain at tiyakin ang mga demokratikong kondisyon upang ipalaganap ang benepisyo ng lumalagong ekonomiya sa mamamayan. Dapat gamitin ng mamamayan ang kanilang mga demokratikong karapatan upang hilingin ang mas mabuting kalagayan sa paggawa at kabuhayan, mas maraming benepisyong panlipunan at mas pinaunlad na serbisyong panlipunan.

9 Isulong ang makabayan, siyentipiko, at makamasang kultura.

Idiniin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan at pangangailangan ng pagpapalawak ng edukasyon bilang paraan upang iangat ang kabataan at tiyakin ang matatag na kaunlaran para sa mamamayan. Inanunsyo niya ang kanyang intensyong ilipat ang mga rekurso mula sa burukratikong korupsyon at iba pang walang silbi ngunit mamahaling proyekto at programa sa libreng pampublikong edukasyon at pampublikong kalusugan. Nagpahayag siya ng kritisismo sa K-12 at naghirang ng progresibong indibidwal bilang kalihim sa edukasyon. Kahit na higit na marami ang rekursong nakalaan para sa edukasyon, dapat igiit ng mamamayan at kabataang Pilipino ang isang makabayan, siyentipiko, at makamasang kultura. Dapat isulong ang isang patriyotikong sistema ng kultura at edukasyon na ipinagmamalaki ang pambansang pamana at may malasakit sa kasalukuyang pangangailangan ng bayan. Dapat palayain natin ang ating mga sarili mula sa mga pyudal at sinaunang pagkiling. Dapat gamitin ang agham at teknolohiya upang pabilisin ang kaunlarang pang-ekonomiya. Dapat tiyaking naglilingkod ang edukasyon at kultura sa mga pangangailangan at kahilingan ng mamamayan, lalo na ng masang anakpawis ng manggagawa at magsasaka.

10 Itaguyod ang karapatan sa pagsasarili at demokrasya ng mamamayang Moro, mga

Page 5: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2016 LATHALAIN

Mga makabayan sa gabinete ni Duterte

Sa gitna pa lang ng kanyang kampanya sa pagkapangulo, binanggit na ni Rodrigo Duterte na siya raw di umano’y makakaliwa, dahil minsan siyang naging miyembro ng Kabataang Makabayan at may malalapit na koneksiyon sa New People’s Army sa Davao. Ilang beses din niyang sinabi ang balak niyang magsimula ng usaping pangkapayapaan sa Partido Komunista ng Pilipinas.

Matapos mahalal ni Duterte bilang pangulo ng bansa, inalok na niya ang apat na mahahalagang posisyon sa kanyang gabinete para sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NDF)—ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Nagmungkahi ang CPP ng mga ligal na personaheng sa tingin nila ay nararapat para sa mga nabanggit na posisyon. Sa huli, iginawad sa kaliwa ang pamumuno sa DSWD at DAR. Hinirang sina Prof. Judy Taguiwalo bilang kalihim ng DSWD, at dating Anakpawis Representative Rafael Mariano bilang kalihim naman ng DAR. Ibinigay din ang posisyong undersecretary ng DOLE kay dating Anakpawis Rep. Joel Maglunsod.

Ang pagtatalaga ng mga makabayan bilang mga tagapamuno ng mga kagawaran–na magiging kahalili ng pangulo sa pagpapatupad ng kanyang mga programa–ay para magkaroon ng balanse sa gabinete, ayon kay Duterte.

Sinusuportahan ni Taguiwalo ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa korupsyon, at pagtanggal sa pork barrel at Disbursement Allocation Fund o DAP ng neoliberal na rehimeng Aquino, na balak niyang ilaan na lamang sa serbisyong panlipunan, edukasyon, kalusugan, at sahod ng mga manggagawa. Pagtutuunang-pansin ng kanyang programa ang pagbibigay-tulong sa mga nasalanta ng El Niño at kontraktwalisasyon ng mga manggagawa, lalo na sa mga nasa ilalim ng DSWD.

Nais din niyang pag-aralan ang mga naitulong at naging problema sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s, upang gawin itong programang siyang susugpo sa kahirapan sa bansa na magbibigay ng permanenteng lupa, trabaho, at iba pa–taliwas sa kasalukuyang pagbibigay lamang ng pansamantalang tulong sa iilang sektor ng lipunan.

Nais din niyang tiyaking maigagawad ang iba pang lupang hindi pa naibibigay sa mga karampatang benepisyaryo at hindi mapapaalis ang magsasaka sa kanilang lupang sinasaka.

Sa kabila nito, ipagpapatuloy niya pa rin ang panawagan para isabatas ang tunay na reporma sa lupa upang mawala ang monopolyo at alisin ang mga butas sa batas na pumipigil sa tunay na repormang agraryo, lalo na’t marami pa ring malalaking hacienda sa bansa.

Magandang balita ang pagtatalaga sa mga progresibo at makabayan sa gabinete ng bagong administrasyon upang maging boses ng masa sa nagbibingi-bingihang gobyerno.

Pondong panlipunanBago pa man naging propesor at direktor ng Department of Women and Development Studies ng College of Social Work and Community Development ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, aktibista na si Prop. Taguiwalo mula pa noong siya ay mag-aaral pa lang sa UP. Isa siya sa mga nakasama sa First Quarter Storm, at dalawang beses pang nakulong noong panahon ng Martial Law. Ang huli niyang tungkulin, bago siya italagang kalihim ng DSWD, ay bilang tagapangulo ng IBON Foundation, Inc. na nangunguna sa pananaliksik ng mga panlipunan, pulitikal, at ekonomikong aspekto ng buhay sa Pilipinas. Kasapi rin si Taguiwalo sa iba pang mga non-government organization na may kinalaman sa edukasyon at mga manggagawa.

Lupa para sa magsasakaIsang anak ng mga magsasaka, bata pa lang si Rafael Mariano, o mas kilala sa tawag na “Ka Paeng,” ay natuto na siyangng tumulong sa kanyang mga magulang sa bukid sa Nueva Ecija tuwing walang pasok sa eskuwelahan.

Hindi man niya natapos ang kursong Bachelor of Science in Agriculture and Agri-cooperatives sa Cabanatuan, malawak naman ang karanasan ni Ka Paeng sa paglaban para sa karapatan ng mga magsasaka, na nagsimula noong inilikas ang kanilang buong baryo matapos gawing irrigation canal ang kanilang lugar. Mula noon, lumahok na si Ka Paeng sa mga organisasyong nananawagan para sa kapakanan ng mga magsasaka, hanggang sa maitatag ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), kung saan nagsilbi si Ka Paeng bilang una nitong pambansang kalihim noong 1985. At mula 1993 hanggang sa bago ideklarang kalihim ng DAR ngayong taon, si Ka Paeng ay tumayong Pambansang Tagapangulo ng KMP. Nahalal din siya bilang kinatawan ng Partidong Anakpawis sa Kongreso noong 2004.

Nais patatagin at protektahan ni Ka Paeng bilang kalihim ng DAR ang posisyon ng mga magsasaka sa kanilang lupang sinasaka habang iniimbentaryo ang mga lupang umano’y naipamahagi na ng gobyerno.

Lider-manggagawaSi Joel Maglunsod naman ay isa ring kinatawan ng Anakpawis noong 2009, na ngayo’y magsisilbing undersecretary ng DOLE. Bago siya italaga sa DOLE, nagsilbi siyang pangalawang tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Mindanao. Tulad ni Prof. Taguiwalo, kabilang din sa mga bilanggong pulitikal si Maglunsod noong panahon ng Martial Law. Layunin naman ni Maglunsod na suportahan ang pagpasa ng Regular Employment Bill na magbabawal sa kontrakwalisasyon ng mga manggagawa. Inaasahang mapagtitibay ni Maglunsod ang laban sa kontra-manggagawa at neoliberal na mga programa at patakarang ipinatupad ng administrasyon ni Noynoy Aquino.

Sa kabila ng tinangkang paglihis ni Duterte sa reaksyonaryo at kapitalistang gabinete ng mga nagdaang pangulo, mayroon pa rin siyang mga kontrobersyal na itinalaga bilang kanyang katuwang tulad nina Salvador Panelo bilang chief legal counsel, na naging abogado ng pamilya Ampatuan sa kinasangkutan nilang masaker ng mga mamamahayag; Las Piñas Rep. Mark Villar, na may-ari ng isang malaking pribadong kumpanya sa pabahay, para sa Department of Public Works and Highways; at Hermogenes Esperon bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines, na dating nasangkot sa malawakang pandaraya sa eleksyon ni Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.

Samantala, itinalaga naman si Gina Lopez, pinuno ng ABS-CBN Foundation, bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na noong una’y kabilang sa mga inalok sa kaliwa. Matatandaang iminungkahi ng NDF si Bayan Muna Representative Carlos Zarate III para sa nasabing posisyon. Samantala, napabalitang ibibigay din ni Duterte sa kaliwa ang National Anti-Poverty Commission.

Page 6: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

6 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA

Pagpapasara ng Fabella, pagkitil ng buhay

Sigaw ng kabataan: K - 12, ibasura

“Ang pagpapanatili ng K-12 ay parang pagkunsinti na rin sa krimen. Ang K-12 ay pabigat at pahirap sa ordinaryong pamilyang Pilipino. Ang oligarkiya na nagmamay-ari ng private schools lamang ang makikinabang,” ayon sa Anakbayan.

Hinimok ng grupo ang susunod na pangulo na pakinggan ang panig ng mga estudyante, mga magulang, at guro at huwag magpadala sa mga promotor ng K-12 mula sa administrasyong Aquino na ang tanging interes lamang ay pagpapanatili ng pagkita ng oligarkiya sa

larangan ng edukasyon sa ikabibigat ng mga mamamayan.

Ipinaalala rin ng Anakbayan kay president-elect Rodrigo Duterte na ang pagpapatuloy ng K-12 program ay maaaring maging pangungunsinti sa krimen, na ang karagdagang dalawang taon ng pag-aaral ay magiging dagdag pasanin ng mahihirap at magiging makinarya ng kita ng mga may-ari ng pribadong paaralan.

“Marami sa mga boto para kay Duterte ay boto laban sa K-12. Maraming

sumuporta sa tindig ni Duterte laban sa pangunahing programang pang-edukasyon ng gobyernong Aquino. Ang pagbabago ng kanyang tindig ay pagkakanulo sa karaniwang pamilyang Pilipinong umaasang maging bahagi ng pagbabagong ipinangako niya noong panahon ng kampanya,” paliwanag ng Anakbayan.

Bagama’t kontra sa K-12 noong panahon ng kampanya, ipinahiwatig ni Duterte na babaguhin niya ang kanyang tindig. “Sinabi kong kontra ako noong una noong ito’y ipinapatupad pa lang. Pero may ilang mahuhusay na tao mula DepEd na bumisita sa akin dito sa Davao at ipinaliwanag sa aking naiiwan tayo ng ibang bansa.”

“Itong mga ‘mahuhusay’ na taong ito mula DepEd ay mukhang pawang magagandang bagay lamang ang sinabi tungkol sa K-12 at binabalewala ang marami nitong problema gaya ng talamak na kakulangan sa mga guro at pasilidad. Hindi nila sinabi na sa pagpapatupad ng K-12 ay mapipilitan ang maraming estudyanteng lumipat sa mga pribadong paaralan, o tumigil na lamang sa pag-aaral,” ayon sa Anakbayan.

Ayon mismo sa datos ng DepEd, 600,000 lamang mula sa inaasahang 1.5 milyong kabataan ang makakapasok sa senior high school (SHS). Ang natitirang 900,000 hanggang 1 milyong mga estudyante ay mapipilitang mag-enroll sa mga pribadong paaralan sa pamamagitan ng P12.2 billion budget SHS voucher program ng DepEd.

“Ang K-12 ay isang programang kriminal na kumikiling sa oligarkiya sa pamamagitan ng SHS voucher program na dinisenyo upang matiyak ang enrolee sa mga pribadong paaralan at awtimatikong kita sa pamamagitan ng vouchers,” dagdag ng Anakbayan.

Tagumpay ito ng tuloy-tuloy na pagbabarikada at protesta sa harapan ng ospital sa kalye ng Lope De Vega. Ngunit ayon sa Save Fabella Hospital Movement (SFHM), tuloy pa rin ang laban lalo’t kinumpirma na ng mismong direktor ng Fabella na si Dr. Esmeraldo Ilem na tuloy na tuloy pa rin at pinal na ang planong ilipat ang Fabella.

Ayon kay Dr. Darby Santiago, tagapangulo ng Health Alliance for Democracy, “Pinalalabas ng Department of Health (DOH) na ang pamunuan at mga empleyado ng Fabella ang may desisyon sa paglipat na ito. Pero malinaw pa sa sikat ng araw na pinabayaang mabulok ang ospital sa nakalipas na mga taon. Kung meron mang pondo para sa Capital Outlay, hindi ito inilalaan para sa pagpapabuti pa ng kalagayan ng Fabella.”

“Sinadyang unahin ng DOH ang paglusaw dito kaysa sa on-site development dahil ang lupang kinatitirikan ng Fabella ay may

mataas na halaga sa real estate, mas malaki ang kikitain ng mga pribadong interes,” dagdag pa ni Santiago.

Ayon din sa SFHM, kasalukuyan nang binawasan ang mga tinatanggap na pasyente sa Fabella. Ang ibang pasyente ay hinihimok naman ng DOH na lumipat sa pansamantala sa Lung Center of the Philippines sa Lungsod ng Quezon pero hanggang 50 kama lang naman ang kapasidad nito.

“Isang matinding krimen ang pagpapasara sa Fabella, na tiyak na magkakait ng kinakailangang serbisyong pangkalusugan ng mga nanay at kanilang mga sanggol. Libu-libong mga nanay at mga sanggol ang mawawalan ng matatakbuhan sa oras ng pangangailangan, “ ani Santiago.

Ang Fabella, na tinaguriang “Paanakan ng Bayan” ay nagluluwal ng 100 sanggol kada araw. Ang iba pa nitong serbisyo, gaya ng out-patient department para sa mga bata

ay tumatanggap naman ng 150 batang pasyente kada araw. Nagbibigay-serbisyo din ito sa umaabot sa 200 buntis kada araw para sa pagpapacheck-up.

Kumpara sa P1,000 hanggang P60,000 singil sa serbisyo sa panganganak sa mga lying-in clinic at mga pribadong ospital, wala minsang sinisingil ang Fabella lalo na sa mga mahihirap na pasyente, ayon kay Fe Trinilla, isang nars na 30 taon nang nagtatrabaho sa Fabella.

Nakiisa din ang mga kabataan, sa pangunguna ng Anakbayan, sa mga vigil at protesta para tutulan ang napipintong pagsasara ng nasabing ospital. Tinawag ng grupo si Aquino at ang DOH na “mamamatay-sanggol.”

“Ikamamatay ng maraming sanggol at mga nanay ang planong ito ng gobyerno ni Aquino. Saan tutungo ngayon ang mga mahihirap kung ipapasara ang Paanakan ng Bayan? Anong klaseng gobyerno ito na uunahin pa ang kita ng pribadong kumpanya kaysa sa kapakanan ng mga sanggol?” pahayag ng Anakbayan.

Nagsagawa ng dalawang araw na campout ang mga kabataan at estudyante sa pamumuno ng Anakbayan, sa harap ng Main Office ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City noong Mayo 26-27 upang ipahayag sa burukratang gobyerno at sa susunod na pangulo ang lalim ng pagkasuya ng publiko sa K-12 program.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawang pangkalusugan at ng mga sumusuportang mamamayan, pansamantalang naudlot ang napipintong pagpapasara sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital noong Hunyo 9.

Page 7: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2016 BALITA

PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Issa Baguisi, Gem Aramil, Ingrid Shannah Calapit,

Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles, Jay Lahoy, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli,

Nona Al-Raschid, Uno Knobles, Reeza Rosalada, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

Taas-matrikula sa 304 na kolehiyo, huling pabaon ni Aquino

Sa nabanggit na 304 na paaralan, 280 ang magtataas ng matrikula at 252 ang magtataas ng iba pang bayarin para sa taong 2016-2017. Hindi ito malayo sa naaprubahang 313 noong nakaraang taon ngunit nagsisilbi pa ring pasanin sa mamamayan.

Aabot sa P43.39 ang national average na itataas na matrikula kada yunit. Dagdag pa rito ang laki ng itataas sa iba pang bayarin, na aabot sa national average na P115.58.

Kung susumahin ay aabot sa P647.01 kada yunit ang magiging karaniwang singil kada semestre na katumbas sa P11,646.18 para sa 18 yunit at P19,410.30 para sa 30 yunit. Ito ay aabot sa P38,820.60 para sa isang taon, hindi pa kasama ang mga ibang bayarin na inaasahang magpapalaki pa nang husto sa nasabing bilang.

Aabot sa 70 pamantasan ang pinayagang magtaas sa NCR kung saan P68.44 ang average na pagtaas. Sa Rehiyon VII naman, 11 pamantasan ang pinayagang magtaas na aabot sa average na P101.13. Maging ang P9.09 na itataas sa isang pribadong paaralan sa Rehiyon IV-B ay magiging isang hadlang sa karapatan ng kabataan sa edukasyon.

Ayon sa CHED, ang pag-apruba nito sa taas-matrikula ay ginagabayan ng Education Act of 1982 na naipasa noong panahon ng diktaduryang Marcos. Pinapahintulutan ng nasabing batas ang mga pribadong pamantasan na magtakda ng pagtataas ng sariling matrikula at ng ibang mga bayarin nito, basta naaayon sa guidelines ng komisyon.

Sa CHED Memorandum Order No. 3 Series of 2012, na inapubrahan sa ilalim ni Aquino, bukod sa awtomatikong pagtataas ng matrikula taun-taon ay pinasahol pa ito at idinagdag ang pagpapataw ng iba’t iba pang mga bayarin.

Walang dudang higit nitong palalalain ang komersyalisadong katangian ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo, kung saan ang mga mag-aaral at ang kanilang pamilya ay binabagsakan ng buong bigat ng mga bayarin habang ang mga pribadong institusyon ang nakikinabang sa tubo.

Ang pagtaas muli ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pribadong

pamantasan ay isang mukha ng nagaganap nang pribatisasyon, deregulasyon, at liberalisasyon ng mga pampublikong mga unibersidad at kolehiyo.

Sa pagpapatupad ng mga neoliberal na patakaran sa edukasyon, ang mga mag-aaral ay itinuturing na mga kliyente na binibili ang dapat sana’y kanilang karapatan sa edukasyon. Sa kabilang banda, ang mga dayuhang kapitalista at mga lokal na kumprador ang nagpipiyesta sa tubo at sa mga oportunidad na mapataas pa lalo ito.

Hanggang sa kaduluduluhan ng kanyang termino, walang ibang hatid ang gobyernong Aquino kundi dagdag na pasakit para sa mga estudyante. Ito ang tawag ng Anakbayan sa pag-apruba ng Commission on Higher Education (CHED) sa muling pagtataas sa matrikula at iba pang bayarin sa 304 na pribadong unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Nagsindi ng mga kandila ang mga kasapi ng Anakbayan at iba pang grupo ng kabataan bilang pakikiisa sa mga biktima ng mass shooting sa isang gay nightclub sa Orlando, Florida, USA noong Hunyo 12.

Page 8: HUNYO 2016 8 Mga hinaharap sa ilalim ng administrasyong ... · PDF fileSigaw ng kabataan: K - 12, ibasura ... na ang tuntungan ng mga saligang reporma ... kaugalian ng pagiging sunud-sunuran

8 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

Walang Mang-aalipin Am G Walang mang aalipin F E E7Kung walang paaalipin

Verse: Am Karapatan ng Bayan

kalagin ang tanikalang, hampas ng G dayuhan F Karapatan ng Bayan G. E E7 kunin ang ninakaw ng dayuhan

Bridge: A D Mga magsasaka Bm E magpalaya ng kapwa A D Sarili ninyo ang lupa A D Mga manggagawa Bm E magpalaya ng kapwa A D Nasa inyo ang lakas paggawa E A pakinabangan ang pinaghirapan

Chords at Lyrics

Duterte at Kabataang Makabayan

Si Duterte ay napag-alamang naging estudyante ni Prop. Jose Ma. Sison, isa sa mga naging pangunahing tagapagtatag ng KM, bago ito tuluyang sumapi sa kilusang lihim noong taong 1968. Si Sison, na kasalukuyang naka-exile sa The Netherlands mula pa noong 1986, ang tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong muli itong itatag noong 1968. Kasabay ng pag-amin ni Duterte sa kanyang pagiging dating kasapi ng KM at pagkilala niya sa rebolusyonaryong tradisyon ng kabataan, nalantad din ang ilan pang mga kilalang personahe na minsan ding naging bahagi nito. Ngunit ano nga ba ang Kabataang Makabayan?

Kabataang MakabayanAng Kabataang Makabayan (KM) ay isang komprehensibong organisasyon ng kabataan na itinatag noong Nobyembre 30, 1964, sa eksaktong ika-101 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio bilang pagpupugay sa pagtatatag niya sa Katipunan at pamumuno sa Rebolusyong 1896. Sa araw ng pagkakatatag nito, nanumpa ang mga kasapi ng KM na ipagpapatuloy nila ang hindi pa natatapos na rebolusyon ni Bonifacio at pinagtibay nila ang pagsusulong ng isang pambansa demokratikong programa. Ang KM ang nanguna sa pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa maraming kabataan at mamamayan bago pa man ideklara ang batas militar. Nanguna ito sa paglunsad ng mga malawakang kilos protesta hinggil sa maraming isyu gaya ng gerang agresyon ng US sa Vietnam, pagtataas ng presyo ng langis, base militar, kurapsyon, at iba pa. Ang KM ang sinasabing nagbigay-daan sa pagkakatatag ng marami pang mga pambansa demokratikong pangmasang organisasyon na di kalaunan ay ipinagbawal ni Marcos.

Sa pagdeklara ng batas militar, nagsimula itong maging bahagi ng rebolusyonaryong kilusang lihim at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Ipinagpapatuloy ng KM ang rebolusyonaryong tradisyon ng Katipunan na lumaban para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa pyudal at dayuhang dominasyon sa ating bansa. Ngunit naniniwala rin ang KM sa pagkakaroon ng bagong tipo ng rebolusyong isinusulong bilang sagot sa agresyong imperyalista, burukrata kapitalista, at mga pyudal na naghaharing uri sa kanayunan na nagpapanatili ng mala-kolonyal at mala-pyudal ng katangian ng lipunang Pilipino. Ito ay ang pambansa demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang perspektiba sa pamumuno ng uring proletaryado.

Mga tungkulin ng Kabataang MakabayanInako ng KM ang masusing papel bilang makabayan at progresibong taliba ng kabataang Pilipino na katuwang ng uring proletaryado sa pamumuno sa bagong demokratikong rebolusyon. Itinatag ito bilang isang komprehensibong organisasyon ng kabataang mula sa hanay ng mga

manggagawa, magsasaka at panggitnang uri. Ito ang nagsisilbing balon at tagapagsanay ng mga aktibista sa hayag na pambansa demokratikong kilusan at mga bagong kadreng rebolusyonaryo. Ipinaglalaban ng KM ang pagkakaroon ng ganap na pambansang kalayaan, tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, isang makabayan, siyentipiko, at makamasang kultura, at isang patakarang panlabas na malaya sa dayuhang dikta at para sa pagkakaisa ng mga bansa, kapayapaan at kaunlaran, laban sa mga imperyalismo at iba pang reaksyon.

Ang Kabataang Makabayan ngayonAng radikalismo ng KM ay malayo sa elitistang modelo ng pamumuno ng kabataan na itinuturo sa mga kabataan sa kasalukuyan. Ang pulitikal na praktika ng KM ay hindi basta lamang nagpapalimita sa reporma at mga nililikhang espasyo na handog ng estado, kundi nakikipaghawak-kamay ito sa mga pinagsasamantalahan at sinisikap na kolektibong banggain ang mga institusyon at sistema na nagpapanatili sa hindi pantay na kaayusan ng ating lipunan. Ang KM ay nananatiling buhay at nagbibigay ng radikal na alternatibo sa kabataan at mamamayang Pilipino. Sa gitna ng tumitinding pang-aapi at pagsasamantalang dinaranas ng kabataan at mamamayan, makatwiran at napapanahon ang pag-anib ng kabataan sa mga organisasyong sumusuporta sa mga katulad na panawagan at pananaw ng KM. Dapat kumilos ang kabataang Pilipino upang ilantad at labanan ang sistema ng pang-aapi at pagsasamantala na nagpapahirap sa masang Pilipino. Higit kailanman, marapat ang pagpapatuloy ng pakikibaka ng KM--ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan at pambansang demokrasya. Sanggunian: Prof. Joma Sison statement during the 5oth Founding Anniversary of Kabataang Makabayan

Sa mga pahayag ni Duterte mula sa kanyang kampanya sa pagkapangulo, mariin ang kanyang pagbanggit sa pakikipagtulungan sa mga progresibong grupo, pagiging kaalyado, pagtalima sa ilang programa nito at ang minsang pag-amin din na siya mismo ay miyembro ng Kabataang Makabayan (KM), isang rebolusyonaryong organisasyon ng kabataan na itinatag noong 1964.

Chorus (repeat 2x) D E Bayang Pilipinas C#m B#m ang sarili’y palayain A D Walang mang aalipin F A kung walang paalipin

Larawan ni Federico Boy Dominguez