4
COLA ng COLA ng COLA ng COLA ng mga mga mga mga Empleyado Empleyado Empleyado Empleyado, , , , Ibibigay Na! Ibibigay Na! Ibibigay Na! Ibibigay Na! Taon 8 Blg. 4 Oktubre - Disyembre 2009 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph NAGING makasaysayan para sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ang huling sesyon nito para sa taong 2009 noong Disyembre 10, 2009, nang buong pagkakaisang kinatigan ng mga kagawad ng sanggunian ang pagpapatibay sa Panlalawigang Kautusan Blg. 04-T’09 na nag- aatas sa pagkakaloob ng Cost of Living Allowance (COLA) mula Nobyembre 1989 hanggang Abril 2004 para sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, nasa serbisyo man o wala na, permanente, pansamantala, kaswal o kontraktwal man ang katayuan ng panunungkulan. Ginamit na basehang ligal ng Sangguniang Panlalawigan sa pagpapatibay na ito ang desisyon ng Korte Suprema noong Marso 14, 2008, ang G.R. 171351, Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) vs. Petitioner Genaro C. Bautista, et al, na kinatigan ang desisyon ng Court of Appeals na nag-aatas sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System na bayaran ang COLA ng mga kawani ng MWSS, aktibo man o hindi na, simula Nobyembre 1989 hanggang Marso 16, 1999. Akda ni Bokal Vicente Cruz, Sr. at inindorso ni Bokal Christian Natividad, ang kautusang ito ng pagkakaloob ng COLA ay isang magandang pamasko para sa mga empleyadong sakop ng batas na ito, na ayon sa tala ng Panlalawigang Tanggapan sa Pamamahalang Pantao (HRMO) ay aabot sa mahigit isang libong empleyado, kung saan mahigit namang 400 sa mga ito ang tatanggap ng buong kabayaran ng COLA na tinatayang hindi bababa sa P80,000.00 bawat isa. Sa pangyayaring ito, tuwang-tuwa ang mga kawani sapagkat bago matapos ang taong 2009 ay nakahirit pa sila ng magandang pamasko. Matatandaang ipinahayag ni Gov. Jonjon R. Mendoza na ipagkakaloob na ang inisyal na 25% ng nasabing COLA bago matapos ang taong 2009. HINIRANG si Bokal Mark Joseph Guillermo, pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan, bilang isa sa mga awardees ng “Outstanding Sangguniang Kabataan Awards and Recognition (OSKAR) 2009” sa idinaos na Pambansang Kongreso ng mga Sangguniang Kabataan sa Subic Bay Exhibition and Convention Center, Olongapo City, Zambales noong Oktubre 27-28, 2009 na may temang "SK: Ako ang Pagbabago”. Ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, panauhing tagapagsalita ng okasyon, ang nagkaloob ng parangal para sa mga natatanging Sangguniang Kabataan na matagumpay na nakapagsakatuparan ng mga programa at proyektong pampamayanan at naging mapamaraan at maabilidad sa pagsasagawa ng mga ito. Si Bokal Guillermo ay nagwagi ng Ikaapat na Puwesto sa panlalawigang kategorya. (Sundan sa Pahina 3) Bokal Guillermo, OSKAR Awardee 2009 IBA PANG NILALAMAN: Helmet Ordinance, Ipatutupad na sa Bulacan Boy/Girl Officials, Naging mga Mambabatas GGS 2009, Sinimulan Na! SP Quikstat 2009 SP Photos – Xmas Party @ Northfields

COLA ng mga COLA ng mga mga … · sangay ng pamahalaang lokal. Naturuan din sila kung paano magsagawa ng sesyon at pagpupulong ng lupon, at kung paano lumikha at magpatibay ng mga

  • Upload
    vuminh

  • View
    242

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: COLA ng mga COLA ng mga mga … · sangay ng pamahalaang lokal. Naturuan din sila kung paano magsagawa ng sesyon at pagpupulong ng lupon, at kung paano lumikha at magpatibay ng mga

COLA ng COLA ng COLA ng COLA ng mga mga mga mga EmpleyadoEmpleyadoEmpleyadoEmpleyado, , , , Ibibigay Na!Ibibigay Na!Ibibigay Na!Ibibigay Na!

Taon 8 Blg. 4 Oktubre - Disyembre 2009

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph

NAGING makasaysayan para sa Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ang huling sesyon nito para sa taong 2009 noong Disyembre 10, 2009, nang buong pagkakaisang kinatigan ng mga kagawad ng sanggunian ang pagpapatibay sa Panlalawigang Kautusan Blg. 04-T’09 na nag-aatas sa pagkakaloob ng Cost of Living Allowance (COLA) mula Nobyembre 1989 hanggang Abril 2004 para sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, nasa serbisyo man o wala na, permanente, pansamantala, kaswal o kontraktwal man ang katayuan ng panunungkulan.

Ginamit na basehang ligal ng Sangguniang Panlalawigan sa pagpapatibay na ito ang desisyon ng Korte Suprema noong Marso 14, 2008, ang G.R. 171351, Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) vs. Petitioner Genaro C. Bautista, et al, na kinatigan ang desisyon ng Court of Appeals na nag-aatas sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System na bayaran ang COLA ng mga kawani ng MWSS, aktibo man o hindi na, simula Nobyembre 1989 hanggang Marso 16, 1999.

Akda ni Bokal Vicente Cruz, Sr. at inindorso ni Bokal Christian Natividad, ang kautusang ito ng pagkakaloob ng COLA ay isang magandang pamasko para sa mga empleyadong sakop ng batas na ito, na ayon sa tala ng Panlalawigang Tanggapan sa Pamamahalang Pantao (HRMO) ay aabot sa mahigit isang libong empleyado, kung saan mahigit namang 400 sa mga ito ang tatanggap ng buong kabayaran ng COLA na tinatayang hindi bababa sa P80,000.00 bawat isa.

Sa pangyayaring ito, tuwang-tuwa ang mga kawani sapagkat bago matapos ang taong 2009 ay nakahirit pa sila ng magandang pamasko.

Matatandaang ipinahayag ni Gov. Jonjon R. Mendoza na ipagkakaloob na ang inisyal na 25% ng nasabing COLA bago matapos ang taong 2009.

HINIRANG si Bokal Mark Joseph Guillermo, pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan, bilang isa sa mga awardees ng “Outstanding Sangguniang Kabataan Awards and Recognition (OSKAR) 2009” sa idinaos na Pambansang Kongreso ng mga Sangguniang Kabataan sa Subic Bay Exhibition and Convention Center, Olongapo City, Zambales noong Oktubre 27-28, 2009 na may temang "SK: Ako ang Pagbabago”. Ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, panauhing tagapagsalita ng okasyon, ang nagkaloob ng parangal para sa mga natatanging Sangguniang Kabataan na matagumpay na nakapagsakatuparan ng mga programa at proyektong pampamayanan at naging mapamaraan at maabilidad sa pagsasagawa ng mga ito. Si Bokal Guillermo ay nagwagi ng Ikaapat na Puwesto sa panlalawigang kategorya.

(Sundan sa Pahina 3)

Bokal Guillermo, OSKAR Awardee

2009

IBA PANG NILALAMAN:

� Helmet Ordinance, Ipatutupad na sa Bulacan

� Boy/Girl Officials, Naging mga Mambabatas

� GGS 2009, Sinimulan Na!

� SP Quikstat 2009

� SP Photos – Xmas Party @ Northfields

Page 2: COLA ng mga COLA ng mga mga … · sangay ng pamahalaang lokal. Naturuan din sila kung paano magsagawa ng sesyon at pagpupulong ng lupon, at kung paano lumikha at magpatibay ng mga

Boy/Girl Officials

Naging mga Mambabatas

ISANG linggong nanungkulan bilang mga opisyales ng lokal na pamahalaan ang mga kabataang Bulakenyo, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa lalawigan, alinsunod sa itinatadhana ng RA 1760, na lalong kilala bilang Local Government Code of 1991 noong nakaraang Disyembre 7-13, 2009. Sa pangunguna ni Boy Governor Jose Luis Mendoza ng St. Paul College of Bocaue, anak ng dating Punong Lalawigan Josefina Dela Cruz, ang mga kabataang lider ay nabigyan ng pagkakataon, hindi lamang upang matutuhan ang mga patakaran at pamamalakad sa gubyerno, kundi nabigyan din ng oportunidad upang sila mismo ang magpalakad sa mga tanggapan.

Sa Sangguniang Panlalawigan, pinangunahan ni Girl Vice-Governor Haidee Liza Santiago, mula sa Taliptip High School, Bulakan, Bulacan, ang mga kabataang lider na umakto bilang mga Boy/Girl SP members. Sa pangangasiwa ni Kalihim Alicia Javier, ang mga kabataang ito ay tinuruan ng mga gampanin at tungkulin ng Sangguniang Panlalawigan bilang lehislaturang sangay ng pamahalaang lokal. Naturuan din sila kung paano magsagawa ng sesyon at pagpupulong ng lupon, at kung paano lumikha at magpatibay ng mga resolusyon at ordinansa.

Noong Disyembre 10, sa pagdaraos ng ika-39 na pulong ng Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno S. Aquino, ang mga kabataang lider ay aktibong nakilahok sa sesyon kung saan sila ay nakaupong katabi ng mga kagawad na kanilang kinakatawan. Nabigyan din sila ng pagkakataon na ipahayag ang kani-kanilang mga “panukalang kapasiyahan” na malugod namang pinakinggan at tinanggap ng mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan.

Para sa mga kabataang lider na ito na kabilang sa mahigit 3,000 kabataan na lumahok sa isang linggong programang ito sa lalawigan, ang kanilang maikli ngunit makabuluhang karanasan bilang mga lingkod bayan at pagkamulat sa iba’t ibang patakarang pampamahalaan, lokal man o nasyunal, ay tiyak na magsisilbing mga butil ng inspirasyon upang kanilang hangarin na sa hinaharap ay maging mga ganap na lingkod bayan.

Helmet Ordinance Helmet Ordinance Helmet Ordinance Helmet Ordinance Ipatutupad Ipatutupad Ipatutupad Ipatutupad nnnnaaaa sa Bulacan sa Bulacan sa Bulacan sa Bulacan

PINAGTIBAY ng Sangguniang Panlalawigan noong Oktubre 15, 2009 ang Panlalawigang Kautusan Blg. 03-T’09, isang ordinansang nagpapataw ng kaparusahan sa mga nagmamaneho ng motorsiklo sa mga lansangan ng lalawigan na walang suot na helmet. Ang napapanahong batas na ito ay naglalayong maiwasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo at matiyak ang kaligtasan ng mga nagmamaneho ng nasabing mga sasakyan. Akda ng Pangalawang Punong Lalawigan Wilhelmino Sy-Alvarado at inindorso ni Bokal Christian Natividad, tagapangulo ng Lupon sa Transportasyon at Komunikasyon, ang lehislasyon ay napapanahon dahil maraming mamamayan ngayon ang gumagamit ng motorsiklo, scooter at iba pa at ang bilang ay patuloy na nadaragdagan araw-araw sapagkat bukod sa mas mura ang presyo nito ay matipid pa sa gasolina at madaling imaneho at imintena. Epektibo rin itong pang-iwas sa trapiko at madali pang iparada.

Ayon sa ilang pag-aaral, karamihan sa mga aksidente sa lansangan ay sangkot ang motorsiklo, lalo na ang maliliit. Iniulat ng World Health Organization (WHO) na sa halos 1.2 milyong taong namamatay sa mga aksidente sa lansangan sa mga bansa sa Asya, malaking porsiyento ay ang nagmamaneho ng motorsiklo na karamihan ay nasa edad 25 pababa. Kadalasang dahilan ng sakuna ay ang sobrang bilis ng pagpapatakbo, hindi pagsusuot ng helmet, pagiging agresibo at kawalan ng ingat at pagmamaneho ng nakainom ng alak, sabi pa ng ulat.

Ayon pa rin sa ulat, marami sa mga namatay ay resulta ng pagkakasugat sa ulo dahil bukod sa mas delikado ang motorsiklo, wala pang silang suot na helmet. Sinabi rin ng ulat na halos 40 porsiyentong ligtas sa kamatayan ang mga naaksidenteng nagmamaneho ng motorsiklo kung naka- helmet.

Sa pagpapatupad ng batas na ito, inaasahang mawawala na sa mga lansangan ang nagmamanehong walang suot na helmet na karaniwang nakikita ngayon sa mga lansangan at mababawasan na rin ang mga malubhang aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo. Ang mga lalabag sa ordinansa ay paparusahan ng pagmumulta ng salapi, pagrekisa sa sasakyan o pagkakulong o kumbinasyon ng alin man sa mga ito, depende sa bigat ng pagkakasala.

“Tungkulin natin na hikayatin ang mga motorista (motorcycle riders) na magsuot ng helmet upang maiwasan ang malulubhang aksidente,” pahayag ng Pangalawang Punong Lalawigan, pangunahing tagapagtaguyod ng nasabing batas. “Ang mga mamamayan ay dapat ding hikayating sumunod sa mga regulasyon ng trapiko at tamang pag-iingat sa lansangan,”dugtong pa niya.

2

Page 3: COLA ng mga COLA ng mga mga … · sangay ng pamahalaang lokal. Naturuan din sila kung paano magsagawa ng sesyon at pagpupulong ng lupon, at kung paano lumikha at magpatibay ng mga

BILANG huling hirit ng Sangguniang Panlalawigan bago magtapos ng kanyang termino sa isang taon, minsan pa ay inilunsad ang prestihiyosong proyektong Gawad Galing Sanggunian (GGS) 2009, upang minsan pa ay mabigyang parangal at pagkilala ang mahuhusay at natatanging pagganap sa tungkulin ng ating mga sangguniang bayan at sangguniang panlungsod sa larangan ng pagbabatas. Bilang unang hakbangin, muling binuo ang mga lupon na magsasagawa ng ebalwasyon at pagdalaw sa mga kalahok na sanggunian at ang pagbalangkas ng mga alutuntunin at pamamaraan ng gagamitin sa pagpili ng mga karapat-dapat na hiranging natatangi sa iba’t ibang kategorya, tulad ng: a. Natatanging Sangguniang Bayan/Panlungsod b. Natatanging Tagapangulo ng Sangguniang Bayan/ Panlungsod k. Natatanging Kagawad ng Sangguniang Bayan/Panlungsod d. Natatanging Kalihim ng Sangguniang Bayan/Panlungsod e. Mga Natatanging Parangal (Special Awards) Sapagkat nagkaroon ng pagkabalam sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto sa takdang panahon dapat ito isagawa at maikli na lamang ang nalalabing panahon upang isakatuparan ito, napagpasyahan ng Sangguniang Panlalawigan na paikliin na lamang ang panahon ng pagsasagawa nito.

Agad ay isinagawa ang promosyon at pagbabalita sa mga sangguniang bayan at sangguniang panlungsod hinggil sa proyekto sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan, itinakda ang iskedyul ng pagdalaw at ang mga dokumentong dapat isumite ng kalahok.

Samantala, ang Selection Committee at Screening Committee ay pinag-isa na lamang at binuo bilang Evaluation Team na dadalaw sa mga sanggunian upang isagawa ang ebalwasyon.

Ang mga “evaluators” ay binubuo ng ilang kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, sa pamumuno ni Bokal Michael Fermin, ilang pinuno ng mga tanggapan, nasyonal at lokal, kasama rin ang ilang kinatawan mula sa non-government organizations. Kasama rin ang mga kawani ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan na gumaganap bilang kalihiman.

Sa kasalukuyan ay naisagawa na ang pagdadalaw at isinasagawa naman ng Selection Committee ang ebalwasyon ng mga dokumento at matapos ito ay isusunod na ang pagpili ng mga “finalists” na siyang isasalang sa mga panayam upang mapili na ang mga hihiranging natatangi.

Wala pang takdang petsa ang Araw ng Parangal.

Pinapurihan ni Pangulong Arroyo ang mga Sangguniang Kabataan at ang kanilang kontribusyon sa pagtatagumpay ng mga programa at proyekto ng pamahalaan, lalo na ang “Green Philippines” na inilunsad noong isang taon. “Ang mga kabataan ay may nag-uumapaw na enerhiya upang matupad ang kanilang mga pangarap, .kaya panahon na upang sila, na siyang susunod na henerasyon, ay kumilos at aktibong makilahok sa mga pang-sibiko gawain, isatinig ang mga damdamin, at maging mga reponsableng kabataan tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap”, sabi ng punong ehekutibo. Ang prestihiyosong parangal ay ipinagkaloob ng National Youth Council (NYC) at Sangguniang Kabataan National Federation. Mahigit 4,000 kabataan sa buong kapuluan na mga opisyales ng Sangguniang Kabataan ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Bokal Guillermo, OSKAR Awardee

Mula sa Unang Pahina

3

GGS Sinimulan Na

SJDM City Council in session

Sangguniang Bayan of Obando in session

GGS Evaluation Team at work

Page 4: COLA ng mga COLA ng mga mga … · sangay ng pamahalaang lokal. Naturuan din sila kung paano magsagawa ng sesyon at pagpupulong ng lupon, at kung paano lumikha at magpatibay ng mga

VG Willy Sy-Alvarado with BMs Centi Cruz, Michael Fermin, FUN AND GAMES

Monet Posadas, Ferdie Estrella & Sec. Alice Javier Game na game sina Bokal Ferdie at Bokal Jonjon

CHOW TIME - Ate Jhopoc una sa pilahan SP staff all smiles as they posed for posterity

4

SP QUIKSTAT 2009

A. PLENARY AFFAIRS:

1. No. of Sessions Conducted: 39 B. COMMITTEE AFFAIRS:

1. No. of Committee Meetings Conducted: 303 2. No. of Committee/Public Hearings Conducted: 130

C. RESOLUTIONS/ORDINANCES

1. No. of Resolutions/Ordinances Adopted/Enacted:

Provincial Resolutions: 68 Provincial Ordinances: 4 City/Municipal Resolutions: 3 City/Municipal Ordinances 152 _____ Total 228

D. SIGNIFICANT ACCOMPLISHMENTS:

1. Conduct of Gawad Galing Sanggunian 2009 - On-going

2. Posting/Publication of Ordinances - 4 ordinances

3.Resolutions/Ordinances Scanned/ Backed-up - 8,763 Res.

4. Maintenance and Updating of Website - One website

5. Publication of Legislative Digest (LD) - 4 LDs

6. Approval of MOAs/MOUs - 28 MOAs

7. Approval of Annual Budgets (AB) - 24 ABs