27
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4 Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 4 Ang Mapanagutang Paggamit ng

Kalayaan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

 

Page 2: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan - Modyul 4 Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Sangay ng Bukidnon Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City Telefax: (088) 813- 3634 E-mail Address: [email protected] Website: www.Depedbukidnon.net.ph  

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Modyul 4

 

 

Page 3: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

 

 

Page 4: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Talaan ng Nilalaman

Pahina

Cover Page

Copyright Page Title Page Talaan ng Nilalaman Paunang Salita

Alamin 1 Subukin 2-4 Balikan 5

Tuklasin 6

Suriin 6-10 Pagyamanin 10 Isaisip 11 Isagawa 12 Karagdagang gawain 13

Huling Pagtataya 13-15

Susi sa Pagwawasto 16 Sanggunian 17

 

 

Page 5: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Ang Pagkukusa ng makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Para sa mga tagapagdaloy, inaasahang mabigyan mo nang paunang kaalaman ang mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding masubaybayan at maitala mo ang mga pag-unlad nila habang hinahayaan silang mapamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mga mag-aaral habang isinasagawa nila ang mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

.

 

Page 6: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Para sa mag-aaral at magulang:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

 

 

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong iiwan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

4

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Alamin

Subukin

Balikan

Tuklasin

Suriin

Pagyamanin

Page 7: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng

 

 

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Isaisip

Isagawa

Tayahin

Karagdagang Gawain

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 8: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

 

 

Page 9: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

 

Alamin

Inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at Pag-unawa:

1. Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod;

2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod

1  

Aralin

Ang Mapanagutang

Paggamit ng Kalayaan

Page 10: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Paunang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP 10).

1. Ano ang tinuturing na kakmbal ng kalayaan? a. Kilos-loob b. Konsensya c. pagmamahal d. responsibilidad

2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao

kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?

a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili. b. Nakahahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng kalayaan. c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya. d. Ang hadlang sa pagiging Malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.

3. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?

a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob. b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya. c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensya. d. Sapagkat ang tao ay may kakayahnag pag-iisipan ang mga ito.

4. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa

kapuwa. b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na

ginawa.

2  

Subukin

Page 11: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.

d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.

5. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a. Nagagawa ni Erika ang mamasyal anomang oras niya gustuhin. b. Inamin ni ana ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa. c. Hindi mahiyain si Anton kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao. d. Kahit pagod na galling sa trabaho, sinasamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.

6. Ano ang mensahe nito?

A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti. b. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao. c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan. d. Ikaw ay Malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.

7. Ano ang tinutukoy na mabuti?

a. Ang pagkakaroon ng kalayaan. b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa. c. ang kakayahang ng taong pumili ng mabuti. d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahn.

8. Bakit kailangangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas,

katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali? a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan. b. magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian. c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao. d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.

9. Para saan ang pagkakaronn ng kalayaan ng tao?

a. Dahil kailangang malinang ang pagkato ng tao sa pamamagitan nito upang matamo

ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo. b. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang

tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon. c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang

nais na walang nakahahadlang dito. d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya

ibinigay sa kanya ang kalayaan.

3  

Page 12: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

10. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kanya?

a. Sang-ayon dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon. b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral. c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos. d. Di sang-ayon dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali. __________11. Ang pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” __________12. Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya makita ang lampas sa kaniyang sarili. __________13. Ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon akong kakayahang kumilos nang rasyonal o naayon sa katuwiran. __________14. Ang kalayan para sa (freedom for) ay ang makita na inuuna ang sarili bago ang kapuwa. __________15. Kalayan mula sa (freedom from) ay isang aspekto na nagpapalaya sa negatibong katangian ng isang tao.

4  

Balikan

Page 13: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Sa pagkakataong ito, balikan mo ang mga kaisipan at konsepto na natanim sa iyo tungkol sa kahulugan ng kalayaan. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong mga sagot. Gamiting gabay ang porma sa ibaba. (concept map)

5  

Tuklasin

Page 14: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Gawain 1 Panuto: Basahin at suriin ang kataga sa ibaba. Ano ang masasabi mo tungkol dito. Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagsulat nito sa iyong kuwaderno sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga 10 (EsP 10).

“Ang tunay na malaya ay hindi pabigat sa kanyang kapuwa.” Ano ang masasabi mo sa katagang ito? Isulat ang sagot sa iyong

kuwaderno.

6  

Suriin

Page 15: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

▪ Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang nais, sa pangangatwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin.

▪ Karaniwang sa pag-asam at pagsisikap na makamit ang kalayaan, nakaliligtaan ang mahalagang hakbang sa pagkamit nito.

▪ Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang na pagkamit. Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao.

▪ Bibihirang kinikilala na ang pinakamalakaing hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao.

▪ Ito ay hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng “higit” pa sa malayang kilos-loob (free will) upang maging malaya.

▪ Ang tinutukoy na ‘higit’ ay makikita kung tinintingnan ang kalayaan sa aspektong mayroon itong kakambal na responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad.

1. Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.”

▪ Ito ay kilos na nagmula sa akin . ▪ Ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako), sa

aking kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhaan, sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin sa pagpapasiya ko kung ano ang aking gagawin.

▪ Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob at mayroon ako nito dahil ako ay tao, likas ito sa akin.

7  

Page 16: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

▪ Sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmulan ng kaniyang kilos. Kaya may panangutan siya sa kaniyang ginawa.

▪ Nangangahulugan itong kailangan niyang harapin ang kahihinatnan ng kaniyang ginawa.

Halimbawa, maaring bumagsak ang marka ng isang mag-aaral na

hindi pumapasok sa klase. Hindi niya maiiwasang harapin ang resulta ng pagliban niyang ito. Ang tao ay karaniwang pinananagot sa paggawa ng isang bagay na hindi niya mabigyan ng mapangangatwirang dahilan (justifiable reason). Siya ay dapat managot (be accountable) sa mga kilos na ito.

2. Bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi ito

nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos.

▪ Bilang tao, ako ay responsible sa aking mga kilos, subalit hindi ito nangangahulugang ako ay isang responsableng tao.

▪ Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang pananagutan kundi ito ay kakayahng o abilidad na magbigay paliwanag (give account).

▪ Ibig sabihin, may kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang aking kilos ayon sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon.

▪ Ibig sabihin, kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan ng sitwasyon.

▪ Ang responsableng tao kung gayon ay ang taong tinutuon ang kaniyang kilos, may pagsisikap siyang tumugon ayon sa mga salik na ito at hindi ang pagpapairal ng sariling kagustuhan; kaya hindi siya mahihirapang ipaliwanag at bigyang-katwiran ang kanyang ginagawang kilos.

Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi makapagbibigay sa

akin ng kakayahang ipaliwanag ang aking kilos, gayundin ang pagkakaroon ng malayang kilos-loob, hindi masisigurong ako ay totoong malaya (sic underline). Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa kagustuhan, ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon akong kakayahang kumilos nang rasyonal o naaayon sa katwiran. Kaugnay ng tunay na kalayaan, ang malayang kilos-loob ay paraan lamang upang makamit ito, sapagkat ang makatuwirang kilos ay humihingi ng pagiging malaya sa pagiging makasarili (egoism).

8  

Page 17: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailan o humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. Ang pukos na ito ay ang pagpapahalaga sa kapuwa at paglalagay sa kanila na una bago ang sarili; ang tumugon sa kung ano ang kailangan ng sitwasyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at kapritso.

Sinang-ayunan ito ni Lipio (2004) sa kaniyang paliwanag na

ang tunay na kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan, ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa; ang magmahal at maglingkod.

▪ Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyan

katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais. Sa ganitong pag-unawa ng kalayaan masasabing Malaya ang tao kapag walang nakahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawas ng mga bagay-bagay. Subalit kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang nagaganap sa labas niya o sa sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa kaniyang loob. Ang nagaganap sa labas ng kaniyang sarili ay pangyayaring wala siyang kontrol at wala siyang kalayaan upang pigilan ito. Samantalang ang nagaganap sa loob ng tao ay kaya niyang pigilin at pamahalaan upang maging ganap siyang malaya. Ano kung gayon ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao? Ito ay ang mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t kahit mayroon siyang kilos-loob, pumipigil ito sa kaniya sa pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng kalayaan. Kailangang maging Malaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso, at iba pang nagiging hadlang upang magawa niya ang ikalawang uri ng kalayaan.

▪ Kalayaan para sa (freedom for). Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung malaya ang tao mula sa pagiging makasarili at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapuwa sa buhay niya. Gagamitin niya ang kaniyang kalayaan para tumugon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal sa kapuwa. Samakatuwid, kailangang maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa- ang magmahal at maglingkod.

9  

Page 18: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Isang halimbawa ng paliwanag tungkol sa dalawang aspekto ng kalayaan:

Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng

tutulong sa kaniya upang makatawid. Maari ko siyang tulungang tumawid o kaya’y huwag pansinin. Ngunit mayroon siyang pangangailangang nagsusumiksik sa aking kamalayan at humihimok sa akin na siya’y tulungan. Hindi ko siya tinutulungan para pasalamatan niya ako o kaya’y sa magandang pakiramdam na nagmumula sa pagtulong sa kapuwa. Bagkus nakikita ko ang kaniyang pangangailangan at kung hindi ko ito papansinin ay alam kong hindi ako karapat-dapat bilang ako. Ngunit hindi ko rin makikita ang kaniyang pangangailangan at hindi ako makatutugon kung sarili ko lang ang iniintindi ko. Kung paiiralin ko ang aking katamaran hindi ko nanaising gambalain ako ng iba.

Ang nasa kalooban kong pagpapakatao ang nagpapakilos sa

akin upang tumugon sa tawag na magmahal ng kapuwa. Sa pagtugon ko ng “oo” rito, inakay ko at tinutulungang tumawid ang matanda sa kalsada. Sa pagtulong sa kaniya, ipinakikita ko ang aking pananagutan sa kaniya, lumalaya at naliligtas ako mula sa aking makasariling mga interes, pagmamataas, katamaran at iba pang hindi kaaya-ayang ugali. Binubuksan nito ang aking kamalayan na gamitin ang aking kalayaan para maglingkod sa kapuwa at palalimin ang aking pagkatao. (Lipio, F, 2004 p.14)

Gawain 2

10  

Pagyamanin

Page 19: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang responsibilidad o pananagutan? 2. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan? 3. Ano ang tinatawag na tunay na kalayaan? 4. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng kalayaan

77

Gawain 3 Panuto: Ibuod ang iyong ideya tungkol sa kalayaan sa pamamagitan ng pagkompleto sa kahon. Sundin ang porma ng kahon sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa bawat hilera.

11  

Isaisip

Ako ay Malaya dahil… Bilang malayang tao, ako ay dapat…

Page 20: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Gawain 4 Panuto: Balikan at suriin mo naman ang iyong mga nagging pasiya at kilos nitong mga nagdaang araw. Isa-isahin moa ng mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaring naging hadlang sa inyong paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin ang porma sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

12  

Isagawa

Mga Negatibing Katangian na nagging Hadlang sa

aking Paggamit sa Tunay na kalayaan

Mga sitwasyon na Naipakita Ko ito

Ano ang Naging epekto sa Akin at sa Aking Kapuwa

Halimbawa: pagiging mapagmataas (pride)

Nagkatampuhan kami ng kaibigan ko, hindi ko siya binabati at hindi ako hihingi ng paumanhin kasi para sa akin, siya ang may kasalanan kaya siya ang dapat maunang gumawa ng hakbang para magbati kami.

Isang taon kaming hindi magkabati, nag-iiwasan, at hindi komportable sa presensya ng isa’t isa. Nabagabag ako, kaya naapektuhan ang aking pag-aaral.

1. 2. 3. 4.

Page 21: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

Gawain 5 Isulat sa iyong kuwaderno ang mahahalagang repleksiyong nakuha mo mula sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na mga tanong:

a. Ano ang iyong nararamdaman nang balikan at suriin mo ang pagpapasiya at pagkilos

na isinagawa mo ng mga nagdaang araw? b. Ano-ano ang iyong natuklasan sa pagtala mo ng iyong mga pasiya at kilos na

nagpapakita ng mga negatibong katangian? c. Ano ang nakahadlang sa paggamit mo ng iyong kalayaan sa mapanagutang

paraan? d. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang mapanagutan ang kalayaan na

ipinagkaloob sa iyo? Huling Pagtataya

13  

Karagdagang Gawain

Page 22: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP 10). 1. Ano ang tinuturing na kakambal ng kalayaan?

a. Kilos-loob b. Konsensiya c. pagmamahal d. responsibilidad

2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?

a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili. b. Nakahahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng kalayaan. c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya. d. Ang hadlang sa pagiging Malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.

3. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?

a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob. b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya. c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensya. d. Sapagkat ang tao ay may kakayahnag pag-iisipan ang mga ito.

4. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailang ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa. b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanang sa kilos na ginawa. c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao. d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.

5. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a. Nagagawa ni Erika ang mamasyal anomang oras niya gustuhin. b. Inamin ni ana ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa. c. Hindi mahiyain si Anton kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.

14  

Page 23: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

d. Kahit pagod na galling sa trabaho, sinasamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.

5. Ano ang mensahe nito?

A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti. b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao. c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan. d. Ikaw ay malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.

6. Ano ang tinutukoy na mabuti?

a. Ang pagkakaroon ng kalayaan. b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa. c. ang kakayahang ng taong pumili ng mabuti. d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.

7. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?

a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan. b. magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian. c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao. d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.

8. Para saan ang pagkakaronn ng kalayaan ng tao?

a. Dahil kailangang malinang ang pagkato ng tao sa pamamagitan nito upang matamo

ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo. b. Para maging Malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang

tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon. c. para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang

nais na walang nakahahadlang ditto. d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahn ng taong piliin ang mabuti kaya

ibinigay sa kanya ang kalayaan.

9. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng intere na making sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya sinisi mo ang ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kanya?

a. Sang-ayon dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon. b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.

15  

Page 24: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos. d. Di-sang-ayon dahil may kakayhan kang piliin ang iyong kilos.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali. __________11. Ang pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” __________12. Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya Makita ang lampas sa kaniyang sarili. __________13. Ang pagiging Malaya ay nangangahulugang mayroon akong kakayahang kumilos nang rasyonal o naayon sa katuwiran. __________14. Ang kalayan para sa (freedom for) ay ang Makita na inuuna ang sarili bago ang kapuwa. __________15. Kalayan mula sa (freedom from) ay isang aspekto na nagpapalaya sa negatibong katangian ng isang tao.

Ops!!! Sa bahaging ito ay masusubok mo ang iyong pagiging tapat hindi lang sa iyong guro, sa iyong sarili, kundi lalo’t higit sa ating Panginoong Diyos na hindi nalulugod na makita ang bawat isa sa atin na lumalabag sa batas na magbibigay sa atin ng pagkakataon o oportunidad na maging tunay na makatao at maka-Diyos. Dagdag pa nito ay ang kaligayahang dulot na iyong mararamdaman dahil sa iyong katapatan at dahil diyan kami na mga tagapag-padaloy ng karunungan ay lubos din na masisiyahan at makakaramdam ng tunay na tagumpay.

16  

Susi sa Pagwawasto

Page 25: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

“Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul Para sa Mag-aaral” Kagawaran ng Edukasyon,

Republika ng Pilipinas, Unang Edisyon 2015 “Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Gabay sa Pagtuturo” Kagawaran ng Edkuasyon, Republika ng Pilipinas, Unang Edisyon 2015 Mula sa Internet https://www.google.com/search?q=teacher+clipart&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=7KUCpIwIcNIT2M%252CXK2aYogK8ja98M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kTXOxRxVy29ksy2WpF3_EU6-_xpxA&sa=X&ved=2ahUKEwjGh5SMkJ7qAhXGFIgKHQbtA_cQ9QEwCHoECAwQQA&biw=1280&bih=640#imgrc=7KUCpIwIcNIT2M

17  

Page 26: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng

18  

Page 27: Edukasyon sa Pagpapakatao · Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng