61
Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao ALAMIN

Daigdig yunit 1 aralin 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Daigdig yunit 1 aralin 2

Aralin 2: Ang mga Sinaunang TaoALAMIN

Page 2: Daigdig yunit 1 aralin 2

Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat na baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong ito sa pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaral.

Page 3: Daigdig yunit 1 aralin 2

Gawain 1. Kung Ikaw Kaya?

Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang dahilan ng iyong pagpili.

Page 4: Daigdig yunit 1 aralin 2
Page 5: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pamprosesong Tanong:

1. Alin ang iyong mga pinili ?

2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?

3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.

Page 6: Daigdig yunit 1 aralin 2

Gawain 2. I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart

Isulat sa unang kolum ng chart ang sariling sagot sa tanong. Paano umunlad ang pamumuhay ng tao noong sinaunang panahon?

Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman

Ito na ang Alam ko

Page 7: Daigdig yunit 1 aralin 2

PAUNLARINPagkatapos masabi ang alam mo Ngayon tungkol sa paksa, ay maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito, inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizer, at mga gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman

Page 8: Daigdig yunit 1 aralin 2

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay na makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.

May tatlong pangkat ng homo species na namuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao.

Page 9: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape hanggang sa paglitaw ng mga Homo Sapiens.

Ape- sinasabing pinagmulan ng tao

Chimpanzee- pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao ayon sa mga siyentista

Page 10: Daigdig yunit 1 aralin 2

Australopithecine- tinatayang ninuno

ng bagong tao; Ape na may kakayahang tumayo nang

tuwid.

Lucy- pinakatanyag na Australopithecus

afarensis na natuklasan ng mga

labi noong 1974

Page 11: Daigdig yunit 1 aralin 2

Homo habilis o Taong guma-

gamit ng kamay

Homo Erectus o

Taong naglalakad nang tuwid

Homo Sapiens o

Taong guma-

gamit ng Isip

Page 12: Daigdig yunit 1 aralin 2
Page 13: Daigdig yunit 1 aralin 2

TAKDANG ARALIN

Ilarawan ang mga sumusunod na panahon batay sa pag-unlad ng tao

A. PALEOLITIKO

NEOLITIKO

PANAHON NG METAL

Sanggunian: Learners Module pp. 41-45

Page 14: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao.

Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age)Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang “paleos” o matanda at “lithos” o bato.

PANAHONG PALEOLITIKODakong 2,500,000-10,000 BCE

Page 15: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga Hominid.

Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao

Page 16: Daigdig yunit 1 aralin 2

LOWER PALEOLITHIC PERIODNagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan.Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdigHindi pa lumilikha ng mga kasangkapanAng Homo Habilis ay nangangahulugang “able man” o “handy man” dahil sila ang unang species ng homonid na marunong gumawa ng kagamitang batoSinundan ng mga Homo Erectus na higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato

Page 17: Daigdig yunit 1 aralin 2

MIDDLE PALEOLITHIC PERIOD

Dakong 120,000-40,000 taon ang nakararaan

Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalipas

Umusbong ang pagiging artisano ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato

Nabuhay ang Taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi

Page 18: Daigdig yunit 1 aralin 2

UPPER PALEOLITHIC PERIOD

Dakong 40,000-8,500 taon ang nakararaan

Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang matatagpuan sa mga lambak

Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga taong Cro-Magnon

Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan

Page 19: Daigdig yunit 1 aralin 2

Mga Tanyag na Prehistorikong Tao

Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kweba.

Page 20: Daigdig yunit 1 aralin 2

Homo SapiensNeanderthalensi

Cro- Magnon

Page 21: Daigdig yunit 1 aralin 2

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

Page 22: Daigdig yunit 1 aralin 2

Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang Greek na neos o “bago” at lithos o “bato.”

Ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya

PANAHONG NEOLITIKODakong 10,000- 4,000 BCE

Page 23: Daigdig yunit 1 aralin 2

Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi.

Naganap sa panahong ito ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim.

Isa itong rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain.

Ito rin ang nagbigay-daan sa permanenteng paninirahan sa isang lugar upang alagaan ang mga pananim

Page 24: Daigdig yunit 1 aralin 2

Catal Huyuk- isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)

Isang pamayanang sakahan

Page 25: Daigdig yunit 1 aralin 2

May populasyon mula 3,000-6,000 katao

Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan

Inililibing ang mga yumao sa loob ng kanilang bahay

May paghahabi, paggawa ng alahas, salamin at kutsilyo.

Page 26: Daigdig yunit 1 aralin 2

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang Panahon ng Metal.

Page 27: Daigdig yunit 1 aralin 2

Panahon ng Tanso

Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato.

Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at 2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. naman sa Egypt

Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso

Panahon ng Metal4,000 BCE- Kasalukuyan

Page 28: Daigdig yunit 1 aralin 2

Panahon ng Bronse

Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito

Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay

Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat

Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang mga tao

Page 29: Daigdig yunit 1 aralin 2

Panahon ng Bakal

Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-europeo na naninirahan sa Kanlurang Asya dakong 1,500 BCE

Natutuhan nila ang magtunaw at magpanday ng bakal

Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpanday ng bakal.

Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian

Page 30: Daigdig yunit 1 aralin 2

Persian Silver Cup

Page 31: Daigdig yunit 1 aralin 2

Gawain 3. I-Tweet Mo!

Bumuo ng apat na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng mga kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer.”

Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa sa binasa. Nakatakda sa pangkat 1 ang Panahong Paleolitiko,at sa pangkat 2 at 3 ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 3 at 4 ang Panahon ng Metal.

Ibibigay ng bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng mga “tweet” o maiikling pahayag.

Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng komento ng diyagram

Page 32: Daigdig yunit 1 aralin 2

@Paraan ng Pamumuhay

_____ Tweet: ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

@Paraan ng Pamumuhay

____ Tweet: __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Komento

Komento

Page 33: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao?

2. Ano ang mga patunay na may naganap na pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay?

3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang tao?

Page 34: Daigdig yunit 1 aralin 2

JOURNAL LOGGING

Page 35: Daigdig yunit 1 aralin 2

TAKDANG ARALIN

1. Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa pamayanan ng Catal Huyuk

2. Ilarawan ang pamayanan ng Catal Huyuk

3. Ano ang mga patunay na ang Catal Huyuk ay lumitaw noong panahong Neolitiko?

4. Anu-ano ang mga kagamitang natuklasan sa pamayanan ng Catal Huyuk?

Page 36: Daigdig yunit 1 aralin 2

Gawain 4. Tower of Hanoi Chart

Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon.

Malaki ba ang epekto ng

heograpiya sa pag-usbong ng unang

pamayanan?1.

2.

3.

Malaki ba ang epekto ng agrikultura sa

pamumuhay ng tao?

1.

2.

3.

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa paggamit

ng metal?

1.

2.

3.

Page 37: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pamprosesong Tanong

1.Ano ang kaugayan ng iyong sagot sa nakatalang konklusyon?

2.Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng sinaunang tao? Patunayan.

3.Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito ng mga sinaunang tao? Pangatwiranan.

4.Ano ang gustong ipahiwatig ng mga konklusyon at ebidensyang nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao sa daigdig?

Page 38: Daigdig yunit 1 aralin 2

Gawain 5 Ano Ngayon? Chart

Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa kasalukuyang pamumuhay.Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan.

Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwa ng kahon.

Page 39: Daigdig yunit 1 aralin 2

Mga Pangyayari sa Kahalagahan sa Kasalukuyan

Iba’t ibang yugto ng

Pag-unlad

Paggamit ng apoy

____________________________________________________________________________

____________

Pagsasaka________________________________________________________________________

_________

Page 40: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pag-iimbak ng labis na pagkain

______________________________________________________________

_________

Paggamit ng mga pinatulis

na bato

______________________________________________________________

__________

Paggamit ng mga

Kasangka-pang Metal

______________________________________________________________

________

Page 41: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pagtatayo ng Permanenteng

tirahan

__________________________________________________________

________

Pag-aalaga ng mga hayop

______________________________________________________

_________

Page 42: Daigdig yunit 1 aralin 2

Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon?

Tsart

Pamantayan Paglalarawan Puntos

NilalamanMahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga pangyayari noong sinanunang panahon sa kasalukuyan

10

Ebidensya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng mga kongretong halimbawa

10

Kabuuan 20

Page 43: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pamprosesong Tanong

1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang panahon?

2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay ng tao?

3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?

Page 44: Daigdig yunit 1 aralin 2

Sa pagkakataong ito, muling balikan ang I-R-F Chart. Muling sagutin ang tanong na nasa itaas ng Chart. Isulat ito sa ikalawang kolum, sa Refined Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula sa pagbabasa ng mahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing nagpapayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto sa Initial Idea.

Page 45: Daigdig yunit 1 aralin 2

Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa iyo na makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito.

Page 46: Daigdig yunit 1 aralin 2

GAWAIN 6. Archaeologist at Work

Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Inyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at sama-samang sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2.

Page 47: Daigdig yunit 1 aralin 2

Task Card

Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kasalukuyang naghuhukay sa Catal Huyuk. Nakapaloob sa task card na itom ang ilang artifact na natagpuan ng inyong pangkat sa nasabing lugar.

Ang iyong misyon

Gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1, suriin ang bawat artifact na nahukay sa Catal Huyuk. Tingnan ang pisikal na katangian, gamit at kahalagahan ng mga artifact na ito.

Kaligirang Impormasyon

Ang Catal Huyuk sa kasalukuyn ay isang lugar sa Turkey. Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24 football fields. Malapit ang Catal Huyuk sa pampang ng Ilog Carsamba.

Page 48: Daigdig yunit 1 aralin 2

Artifact Analysis Worksheet #1

1.Ano ang artifact? Ilarawan ang mga katangian nito.

___________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito noong sinaunang panahon?

___________________________________________

3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang panahon?

__________________________________________

4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na ito tungkol sa Catal Huyuk?

__________________________________________

Page 49: Daigdig yunit 1 aralin 2

Artifact Analysis Worksheet #2

1.Anu-ano ang katangian ng Catal Huyuk batay sa iyong ginawang imbestigasyon?

__________________________________________________________________________________________________________

2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay ng mga taga-Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang sumusunod na aspekto:

a.pang-araw-araw na gawain

b.Paraan ng paglilibing

c.Sining

d.Pinagkukunan ng pagkain

Page 50: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga taong nabuhay sa Catal Hȕyȕk?

2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hȕyȕk ay lumitaw noong panahong Neolitiko?

3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa Catal Hȕyȕk at sa kasalukuyang pamumuhay?

Page 51: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Artifact Worksheet #1

Mahusay na nsasuri ang katangian ng bawat artifact; mahusay na natukoy ang gamit at kahalagahan ng mga artifact na ito

10

Artifact Worksheet #2

Mahusay na nailalarawan ang mga katangian ng Catal Huyuk gamit ang mga sinuring Artifact ; mahusay na napaghahambing ang pamumuhay sa Catal Huyuk sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang iba’t ibang aspekto

10

Pag-uulat Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilahad na kasagutan; mahusay na nalagom ang mga impormasyong inilahad

5

Kabuuan 25

Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work

Page 52: Daigdig yunit 1 aralin 2

MURAL PAINTING

Page 53: Daigdig yunit 1 aralin 2

Isang Pigurin

Page 54: Daigdig yunit 1 aralin 2

Ceremonial Fleet Dagger

Page 55: Daigdig yunit 1 aralin 2

Obsidian Arrow Head

Page 56: Daigdig yunit 1 aralin 2

Palamuti mula sa Bato at Buto ng hayop

Page 57: Daigdig yunit 1 aralin 2

Labing nahukay sa loobng bahay sa Catal Huyuk

Page 58: Daigdig yunit 1 aralin 2

Pagkatapos talakayin ang mga sagot sa Archaeologist at work, muling sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong ito, ilagay ang sagot sa huling kolum na Final Idea. Pagkatapos, ibahagi sa klase ang lahat ng iyong kasagutan sa tatlong kolum ng chart.

Page 59: Daigdig yunit 1 aralin 2

Muling matututuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatatag ng mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa kasalukuyang panahon.

Halina’t pag-aralan ang mga sinanunang kabihasnan sa daigdig.

Page 60: Daigdig yunit 1 aralin 2

JOURNAL LOGGING

Page 61: Daigdig yunit 1 aralin 2

TAKDANG ARALIN

1. Ano ang kabihasnan?

2. Paano sumibol ang mga sinaunang kabihasnan?

3. Anu-ano ang batayan ng sinaunang kabihasnan?

Batayang aklat pp. 54-57