41
ESP Yunit II Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako! Editha T. Honradez Pasolo Elementary School Pasolo Valenzuela City

Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako

Embed Size (px)

Citation preview

ESP Yunit IIAralin 5

Kapuwa Ko, Nandito Ako!Editha T. Honradez

Pasolo Elementary SchoolPasolo Valenzuela City

Pakinggan natin ang kuwento niPaola.

Ako si Paola. Galing ako saMindanao. Lumipat kami sa inyongpook sapagkat isa ang pamilyanamin sa nakaranas ng maramingkalamidad. Ang iba’y gawa ng taoat ang iba nama’y dahil sa bangisng kalikasan. Ito ang larawan ng

karanasan ng aming pamilya.

kaguluhan saMindanao

pamilya na nakatirasa ilalim ng tulay

kaguluhan saMindanao

pamilya na nakatirasa ilalim ng tulay

Ang nasa unang larawan ay nangyari noongbata pa ako. Sabi ni Inay, dalawang taon pa lamang daw ako nang mangyari ito. Nalaman koito dahil ikinuwento nila. Napakarami raw ng naapektuhan ng gulong ito sa Mindanao.

Subalit ang gulo sa aming bayan ay nagpaulit-ulit. Noong nakaraang taon ay muling sumiklabang kaguluhan at nadamay pati ang amingpaaralan. Nasunog ito kasama ng iba pang mgabahay at gusali.

Ang aming mgaklase ay pansa-mantalang ginagawasa mga dampahabang itinatayongmuli ng pamahalaanang aming silid-aralan.

Sapagkat wala na rinkaming bahay namatitirahan kaya’tnapilitan kaming lumipatdito upang makaiwas sakaguluhan at makapag-patuloy kaming magka-patid ng aming pag-aaral.

Dahil wala kamingbahay, natutulog kami sailalim ng tulay kasamaang iba pang biktima ng iba’t ibang kalamidad. Naglalatag kami ng karton at banig sa amingkariton. Nagtitiis kamingmabasa kapag umuulan.

Upang matustusan angaming pagkain sa araw-araw, nangongolekta ng bote at plastik ang akingmga magulang mula samga tambak ng basura. Ibinibenta nila ito sajunk shop upang may maibili ng bigas at ulam.

Nag-aaral akong mabuti sapagkatnais kong matupad ang aking mgapangarap sa buhay. Nais ko ding makatulong sa aking mga magulang. Kapag walang pasok, nagtitinda akong mga basahan sa kalye. Nag-iingatnaman ako sapagkat iyon ang lagingbilin sa akin ng aking mga magulang. Naniniwala ako na pagpapalain din kami ng Diyos sapagkat nagsisikapkami at naghahangad ng mabuti para sa aming kapuwa.

Naniniwala ako napagpapalain din kami ng Diyos sapagkat nagsisikapkami at naghahangad ng mabuti para sa aming kapuwa.Ipinagdarasal ko rin na sanaay magkaroon ako ng mgakaibigan dito.

1. Ano ang iyong naramdamanhabang tinitingnan ang mgalarawan? Naawa ka ba sa kanila? Bakit? Ano ang maaari mong gawinpara sa mga katulad ni Paola? 2. Kung isa ka sa kanila, ano ang

iyong mararamdaman? Kanino ka lalapit at hihingi ng tulong?

(Ipabasang muli ang kuwento )

Matapos mong marinig ang kuwentoni Paola, ano ang nais mong itanong sakaniya?

Magbigay ng tatlong tanong:

1. _________________________________?

2. _________________________________?

3. _________________________________?

Ngayon naman ay bumuo ka ng isangplano kung paano ka tutulong sa kanila. Isulat ito sa isang bond paper.

Ang aking planoupang matulungan si

Paola

1.__________________________________________________

2.__________________________________________________

3._________________________________________________________________________

Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walangtao na nasa kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang wala na silangmaibibigay o maitutulong sa ibang tao at mgakaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na hindina mangangailangan ng tulong ng iba.

Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ngkung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.

Tandaan Natin

I. Panuto: Tama o mali.

______ 1. Mahirap man o mayaman ang isang tao ay may kakayahan na tumulong sa mga nangangailangan.

______ 2. Ang mga mahihirap lamang ang mganangangailangan.

______ 3. Mayroong tao na nasa kanya na ang lahat.

______ 4. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugangwala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan.

______ 5. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.

Gawain 1Basahin ang diyalogo nina Marla at Rolan.Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng. Rosales ang iyong ginawang plano ng pagtulong sa mga nakatira sa ilalim ng tulay.Rolan: Salamat Marla. Maganda rin namanang plano mo. Siguro may nakalimutan kalang isulat kaya may mga punang hindimaganda.

Isagawa Natin

Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa angkulang sa aking plano kaya kailangan kopang baguhin at ayusin. Kapag nagawa kona nang higit na maganda, ipakikita ko ulitsa inyo. Paano ka nga ba tutulong kina Paola?Rolan: Susulatan ko ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).Di bamay napag-aralan tayo tungkol sa programanilang"Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)?" May mga kaklase nga tayona kasali roon.

Marla: Ang galing mo naman, Rolan. Naisip mo silang ilapitsa DSWD para maisali sa 4Ps. Ito iyong programa ngpamahalaan na tumutulong sa mahihirap.Rolan: Alam mo, hindi lang naman silaang nangangailanganng tulong. Napakarami pa nating kababayan natalagangnakakaawa ang kalagayan, tuladng mga nabiktima ng kalamidad sa Tacloban, lindol sa Bohol, at madalas dingmay nasusunugan.

Marla: Pero marami naman angnagpapadala ng tulong mulasa ibang bansa, di ba? Napanood ko nga satelebisyon, marami ang nanggagaling samalalaking kompanya at mayayamang tao.Rolan: Marami nga pero mas kailangan ng ating mga kababayan ang dadamay sakanila nang may pagmamahal. Hindi langbasta nagpapadala ng mga pagkain. Kailangang nararamdaman natin angkanilang paghihirap at dapatbukal sa loob ang ating pagbibigay.

Marla: Bilib na talaga ako sa iyo. Pero sabi ni Inay, mayroon dawumaabuso. Iyon bang umaasa na langsa ibibigay ng kapuwa, hindi nanaghaha-napbuhay. Dapat pala,alamnatin kung sino talaga ang dapattulungan.Rolan: Oo nga. Hindi bale, tatalakayin pa naman natin angtungkol sa pagtulong sa mga daratingna araw.

Gumawa ng sulat sa isang ahensiya ng pamahalaan na nais mong hingan ng tulong para sa mga katulad ni Paola. Banggitin mo sa iyong sulat kung bakitnais mo silang matulungan ng pamahalaan.

Isapuso Natin

Ang mga munting regalo na kayang ibigay, tuladng pagtulong sa pag-akyat ng hagdan, ay isangkaginhawaan. Lahat ay magiging masaya at walangmaiiwan.

Ang mga gawa ni Mother Theresa, isang Santa mula sa Calcutta India, noong siya ay buhay pa ay likas na pagiging bukas-palad. Hanggang sa hulingmga sandali ng kaniyang buhay ay tumulong siya samga may sakit at wala siyang inasahang kapalit.

Tandaan Natin

Tama o Mali:

______ 1. Ang pagbabahagi ng oras ay paraan din ng pagtulong.

______ 2. Ang mayayaman lamang ang maaaringmakatulong.

______ 3. Ipagdamot ang mga biyayang natanggap.

______ 4. Tumulong nang maluwag sa kalooban at walang inaasahang kapalit.

______ 5. Kapat tapat ang pagtulong sanangangailangan siguradong pagpapalain ng Maykapal.

Muling balikan ang ginawa ninyong planosa pagtulong kayPaola at sa iba pang batangnatutulog sa ilalim ng tulay. Pag-usapan angmaaaring maging sagot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sainyong liham.

Isabuhay Natin:

Isabuhay Natin:Gumawa ng card at sulat na ipadadala

ninyo sa mg batang tulad ni Paola upang maipadama ninyo ang pagmamahal ninyo sa kanila.

Hindi kayamanan ang kailangan natinibahagi sa ating kapwa kundi ang oras, serbisyo, at pagmamahal, na maluwag sa saatingpuso. Ang anumang gawain natin namakakatulong sa kapwa aymagsisilbinginspirasyon sa maraming tao upang magingbukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilangkapuwa.

Tandaan Natin

Isulat sa sagutang Wasto o Hindi Wasto:

______1. Ang pagtulong sa kapwa ay isang magandanggawain na dapat ugaliin ng bawat bata.

______2.Tutulong lamang ako sa aking kaibigan kung alamko na may ibibigay siya na kapalit.

_____3. Ang (DSWD) Department of Social Welfare and Develpoment lamang ang dapat tumutulong sa mgamahihirap at mga biktima ng mga kalamidad.

____4.Lahat na tao ay may pangangailangan dahil walang tao na nasa kanya na ang lahat.

____5.Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.

Hindi kayamanan ang kailangan natinibahagi sa ating kapwa kundi ang oras, serbisyo, at pagmamahal, na maluwag sa saatingpuso. Ang anumang gawain natin namakakatulong sa kapwa aymagsisilbinginspirasyon sa maraming tao upang magingbukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilangkapuwa.

Tandaan Natin

Subukin NatinBasahin ang sitwasyon at sabihin kung anong

damdamin mayroon sa sumusunod na uri ngpagbibigay:

A. Napipilitan lamang magbigay

B. Nagbigay nang bukal sa kalooban

C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay

D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan angipinamigay

1. May dumating na donasyon galing sabansang Japan para sa mga biktima ng lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahansila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.

A. Napipilitan lamang magbigay

B. Nagbigay nang bukal sa kalooban

C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay

D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay

2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang makausapang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila angpagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito.

A. Napipilitan lamang magbigay

B. Nagbigay nang bukal sa kalooban

C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay

D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay

3. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na maramiang nagdadala ng relief goods sa covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walangnailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya angkaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit nahindi na nasusuot at ang mga de-latang malapitnang masira

A. Napipilitan lamang magbigay

B. Nagbigay nang bukal sa kalooban

C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay

D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay

4. Nagbigay ng isang sakong bigas angpamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng kanilangkapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.

A. Napipilitan lamang magbigay

B. Nagbigay nang bukal sa kalooban

C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay

D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay

5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahangnagkakawanggawa sa mga mahihirap na may kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadalasa inyong paaralan ng samahang ito ang mgakailangan ninyo sa pag-aaral.

A. Napipilitan lamang magbigay

B. Nagbigay nang bukal sa kalooban

C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay

D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan

E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay