Click here to load reader

Yunit 3 istruktura ng wika

  • View
    5.110

  • Download
    15

Embed Size (px)

Text of Yunit 3 istruktura ng wika

  1. 1. Ponolohiya - makaagham na pag-aaral ng ponema Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap Semantika - ang pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika YUNIT III: ISTRUKTURA AT KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO
  2. 2. PONEMAPONEMA - makabuluhang yunit ng tunog na nakapagpapabago ng kahulugan kapag ang mga tunog ay pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita. Halimbawa: maestro- maestra abogado abogada tindero tindera Angelito Angelita
  3. 3. Ang wikang Filipino ay binubuo ng : 2 uri ng Ponema 1. Ponemang Segmental 2. Ponemang Suprasegmental
  4. 4. 15 katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, , w, / / / -pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin / / - kumakatawan sa titik na /ng / Ang Filipino ay may 21 Ponemang Segmental 5 patinig - /a, e, i, o, u/
  5. 5. 2. Ponemang Suprasegmental 1. TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita. Halimbawa: Ikaw. (may katiyakan) Ikaw? (hindi sigurado/nagtatanong) 3 Uri
  6. 6. 2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita. Halimbawa: BUkas - buKAS PIto - piTO SAya - saYA Upo - uPO
  7. 7. 3. ANTALA - ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang ipinahahayag. Halimbawa: Bigkasin at huminto kapag nakita ang / . Si Mark Anthony / at ako // Si Mark / Anthony / at ako //.
  8. 8. Halimbawa: Hindi siya si Jomar // Hindi / siya si Jomar // Hindi siya / si Jomar // Hindi ako ang gumawa. // Hindi / Ako ang gumawa. //
  9. 9. - alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. - ang mga diptonggo sa Filipino ay /y/ - ay, ey, oy, uy /w/ - aw, ew, iw, ow, uw DIPTONGGO
  10. 10. Halimbawa: /aw / agaw dalaw ibabaw lugaw ginaw kalabaw nakaw sabaw takaw dilaw halimaw palayaw anahaw hikaw sabaw tanaw apaw galaw hilaw sitaw araw bughaw langaw ayaw ihaw sigaw tunaw ikaw ligaw uhaw ginaw ilaw litawhataw kalabaw
  11. 11. Halimbawa: /iw / aliw sisiw baliw giliw paksiw
  12. 12. Halimbawa: /ay / bahay buhay tulay sabay palay tunay gulay kulay away bagay itay/inay panday alay akbay patnubay paypay hukay lagay saklay pilay tangay tibay pantay lakbay husay sampay patay
  13. 13. Halimbawa: /oy / kahoy tuloy langoy daloy abuloy baboy kasoy palaboy taboy apoy simoy tukoy amoy langoy unggoy biloy
  14. 14. Halimbawa: /ey / /uy / reyna aruy keyk baduy beyk beysbol
  15. 15. Mga Tulang may Diptonggo Ibig kong marating ang abot ng tanaw, Ibig kong maabot ang langit na bughaw Lupang malalawak sana ay malakbay, Dagat na malalim ay mapaglanguyan. Kaluluwa natit buhay Sa Diyos natin iaalay Nang tayo ay makinabang Nang lubos na katuwaan Doon sa langit na bayan.
  16. 16. Paalam na sintang lupang tinubuan Bayang masagana sa init ng araw Edeng maligayang sa amiy pumanaw At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
  17. 17. Kambal-Katinig /KLASTER - ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig. - ito ay maaaring makikita sa unahan, sa gitna o sa hulihang pantig ng salita.
  18. 18. Hal : (Kambal-Katinig / Klaster Unahan Gitna Hulihan drama iskwater rekord blusa eskwela tayp klerk biskwit nars krema kongklusyon kart gripo sumbrero beys dyaryo klima kard plano pilantropo relaks
  19. 19. Pares - Minimal - pares ng salitang magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang pinagkaiba ng kanilang kahulugan. - ginagamit ito upang maipakita ang pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig ngunit magkaiba ang ponem at kahulugan.
  20. 20. Halimbawa: Pares-Minimal misa mesa tila tela oso uso titik titig Selya silya Pepe pipi ilog irog iwan- ewan
  21. 21. Ponemang Malayang Nagpapalitan - ito ang mga ponemang e, i, o, u na maaaring magkapalit ng gamit ngunit walang nagbabago sa kahulugan.
  22. 22. Halimbawa: Ponemang Malayang Nagpapalitan e i o - u babae babai uso - usu lalake lalaki guro guru bibe bibi baso basu bobo bobu pito pitu sampo sampu
  23. 23. Halimbawa: Ponemang Malayang Nagpapalitan d r madami marami doon roon madamut maramot dito rito madungis - marungis
  24. 24. l r w y m b blusa d f g h k krus l p prutas r s t n
  25. 25. MORPOLOHIYA - pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika. - pag-aaral ng morpema /morfim
  26. 26. MORPEMA /Morfim - ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan Halimbawa: makahoy(2 morpema) ma(ang pagkakaroon) at kahoy
  27. 27. Mga Anyong Morpema / Morfim 1. Binubuo ng isang ponema. Ang ponemang a ay nauukol sa babae. Gayundin, ang ponemang o ay nauukol sa lalaki. Ang morpema ay maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.
  28. 28. Halimbawa: doktordoktora senador- senadora dekano- dekana senyorito senyorita Taliwas: ang mga ito ay para sa babae o lalaki: artista bata manggagawa manghuhula
  29. 29. 2. Binubuo ng salitang-ugat. -ito ay mga salitang payak gaya ng ganda, buhay, isa. Ito ay tinatawag ding malayang morpema sapagkat may sariling kahulugan at makatatayong mag- isa. -mga payak itong salita dahil walang panlapi.
  30. 30. 3. Binubuo ng panlapi. -maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. -ang mga panlapi ay may sariling kahulugan kayat bawat isa ay isang morfim /morpema.
  31. 31. Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginagamit sa mga sumusunod na halimbawa: minata, matahin, mapangmata nagpayong, nagpayungan, pinayungan pagurin, ikinapagod, napagod tumaas, taasan batuhin, nagbatuhan, binato
  32. 32. Ang morpema ay maaari ring: 1. May Kahulugang Leksikal kung ang salita ay pang nilalaman Halimbawa: Pangngalan: aso, tao, sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag); (mosque, Tausug) Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo, tayo, kami, sila
  33. 33. Pandiwa: mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin, umalis Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, marami, makapal, masipag, mapagmahal Pang- abay: kahapon, kanina, doon, diyan, madalas, araw araw, bukas, madaling araw, takipsilim
  34. 34. 2. Pangkayarian - walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Halimbawa: Pang-angkop: na, ng Pangatnig: at, o saka, at iba pa Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa Pananda: ang, sa, si/sina, ni/nina, kay / kina
  35. 35. Wastong Gamit ng mga Salita
  36. 36. may- ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nasa pangngalan Hal. May kompyuter sa kanilang bahay. *ginagamit din sa pandiwa Hal. May naglilinis sa labas. *ginagamit din sa panghalip na paari (akin, kanila) Hal. May lalaking naghihintay sa akin sa labas. 1. may / mayroon
  37. 37. mayroon - kapag ang sinusundang salita ay panghalip na palagyo Hal. Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan. Mayroon siyang kotse. * kung sinusundan ng kataga o ingklitik Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
  38. 38. 2. Ng / Nang ng (of) gamit bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa Halimbawa: Ang dahon ng kahoy ay malago. Nagsipilyo siya ng ngipin bago matulog.
  39. 39. Ginagamit na pang-ukol na tagaganap ng pandiwa Halimbawa: Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay. Ginagamit na pananda sa tuwirang layon na pandiwang panlipat Halimbawa: Nag-aral siya ng leksyon para sa nalalapit na
  40. 40. nang- when Hal: Kumakain kami ng hapunan nang dumating ang mga panauhin. Katumbas na so that o in order to sa Ingles Hal: Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo ay makapasa Magsikap ka nang ang buhay mo ay guminhawa.
  41. 41. 3. Na + ng / nang Hal: Kumain na ng lugaw ang batang maysakit. Kapag napapagitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa Hal: takbo nang takbo ; sulat nang sulat, kain nang kain
  42. 42. 4. daw/din at raw/rin daw/din kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa malapatinig ma (y at w). Hal: May pangarap daw siyang makapagtrabaho sa Canada.
  43. 43. raw/rin -kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at (y at w). Hal: Sasakay raw sila sa eroplano. Buhay raw ng asawa niya ang nakasalalay dito.
  44. 44. 5. Kung/ Kong Kung ginagamit sa pangatnig na pasubali at karaniwang ginagamit sa hugnayan na pangungusap. Hal: Kung aalis ka sasama ako. Matutulog ako kung papatayin mo ang ilaw.
  45. 45. kong panghalip na panao Hal : Gusto kong manood ng sine. Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.
  46. 46. 6. Pahiran/Pahirin Pahiran lagyan Hal: Pahiran mo ng langis ang kanyang paa. Pahirin - alisin o tanggalin (wipe off) Hal: Pahirin mo ang mga luha sa iyong mata.
  47. 47. 7. Operahan / Operahin Operahan tumutukoy sa tao hindi sa bahagi ng katawan Hal: Siya ay ooperahan sa paggamutan. Operahin - tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan Hal: Ang bukol sa kanyang dibdib ay ooperahin.
  48. 48. 8. Subukan/ Subukin Subukan- malihim na pag- oobserba (to see secretly) Hal: Subukan nating tikman ang kanilang pagkain. Subukin- pagsisiyasat sa lakas (to test or try) Hal: Subukin mong gamitin ang kutsilyong iyan kung matalas.
  49. 49. 9. Walisan/Walisin Walisan- lugar Hal: Walisan natin ang ating silid-aralan. Walisin - tumutukoy sa bagay na aalisin Hal: Walisin mo ang alikabok.
  50. 50. 10. Binasag/ Nabasag Binasag - sinadya Hal: Binasag niya ang baso sa sobrang galit. Nabasag - di sinasadya Hal: Nabasag ang salamin dahil sa away nila.
  51. 51. 11. Pinto/ Pintuan Pinto door Hal: May kumakatok sa pinto. Pintuan doorway Hal: Huwag kayong magsisiksikan sa pintuan.
  52. 52. Sintaksis / Sintaks / Palaugnayan -pagsasama- sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap. -pag-aaral ng palatanungan, palabuuan at talasalitaan; -mga p