Upload
editha-honradez
View
672
Download
91
Embed Size (px)
Citation preview
Y unit II Aralin 15Ang Kultura at
Pagbubuo ng Pagkakakilanlang
PilipinoEditha T. HonradezPasolo Elementary
SchoolPasolo Valenzuela City
Balitaan
Balik-aral:
Paano nagsumikap ang mga Pilipino upang mapaunlad at maisulong ang ating kultura?
Pag-aralan ang mga larawan:
Sagutin:Anong tradisyon ng mga Pilipino ang ipinapakita sa mga larawan?
Anong tradisyon ng mga Pilipino ang ipinapakita sa mga larawan?
Tukuyin ang mga katangian at mga tradisyon ng mga Pilipino.
Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
ALAMIN MOKilala ang mga Pilipino sa iba’t ibang kaugalian, tradisyon, at pagkain. Alam mo ba ang iba pang mga katangian ng isang Pilipino? Subukin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbilog sa mga katangian na makikita sa palaisipan sa susunod na pahina. Maaaring pahalang o patayo ang ayos nito.
S I S T E M A N G M A Y P A D R I N O
E G E N E A O U C B A Y A N I H A N M
A W F A A P P Y O A R R K L A B W R M
A S D F G H J J K K U Y I O A M A Y A
L K J H G F S A D R T Y K S P M U B P
L M Y D E B E V A N C P I D E A S D A
O P O H P I O U E I G E S A L G H J G
V M A A W A I N E H I C A X O Q W E B
I O P S R A C P A A T T M B V Y U I I
M A B U T I N G P A G S A S A M A S I
W A U E R D U S S Y M P N A N P O Y A
P A G G A L A N G T O H P M P G F A Y
Bilugan ang mga katangiang Pilipino makikita sa palaisipan.
Iba’t Ibang Katangian ng mga Pilipino
Malapit na ugnayan ng Pamilyang Pilipino
Binubuo ito ng mga lolo at lola, magulang, at kanilang mga anak.
Ama- pinuno ng pamilya, iginagalang siya at siya ang gumagawa ng huling pagpapasiya. Nagtatrabaho siyang mabuti para sa kaniyang pamilya. Ina - tumutulong din sa paghahanapbuhay at siyang namamahala sa gastusin ng pamilya. Minamahal din siya at ginagalang tulad ng ama. Lahat ng mga miyembro ng pamilya – nagtutulungan dinLolo at lola - ang tagapayo. Mahalaga ang kanilang opinyon sa bawat miyembro ng pamilya.
Paggalang ng mga Anak sa kanilang mga Magulang
Hindi tama para sa mga bata ang gumawa ng desisyon nang hindi kumukonsulta sa kanilang magulang lalo na kung nakaasa pa sila sa mga ito.
Ang batang sumasagot sa kanilang magulang o sa nakatatanda sa kaniya ay itinuturing na kawalang-galang.
Dapat gamitin ang “po” kapag nakikipag-usap sa matatanda tulad ng lolo at lola.
Maawain at Mapagbigay ang mga Pilipino
Handa silang makiramay at magbigay ng suportang emosyonal. Bukod dito, tumutulong din ang mga Pilipino sa pangangailangang pinansiyal, kahit pa sapat lamang ang kita nila.
Para sa mga hindi makapagbigay ng tulong pinansiyal, tumutulong sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang serbisyo.
May Pakikisama Nagpapakita sila ng pagtutulungan sa paggawa at mabuting pagsasamahan.
Karaniwang umaayon ang mga Pilipino sa pananaw ng pangkat at iniiwasan niyang magsalita ng nakasasakit tulad ng pagsasabi ng “hindi” nang walang pasubali. Ito ay upang hindi makasakit ng damdamin ng kasama.
Ang katangiang ito ay nakapagpapaunlad ng samahan ng isang grupo.
BayanihanNangangahulugan na handa ang
Pilipino sa oras ng pangangailangan, krisis, o kalamidad. Hindi lamang sa pagbubuhat ng kubo o sama-samang pagtatanim o pag-aani nakikita ang bayanihan.
May iba’t ibang anyo ito sa kasalukuyang panahon. Halimbawa nito ay ang rescue operation, kusang-loob na serbisyong pangkalusugan, at pagbibigay ng relief goods.
Maagap ang mga Pilipino sa pagtulong sa mga taong nangangailangan nang hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Sa pangkalahatan, mapagmahal sa kapayapaan ang mga Pilipino . Hangga’t maaari, umiiwas sila sa pakikipag-away.
Tradisyon
PAMAMANHIKAN
>Isa ito sa mga mahahalagang tradisyong Pilipino.
Kalimitang ang pamilya ng babae ang nangangasiwa nito.
>Ang ikakasal na lalaki at ang kaniyang mga magulang ay dadalaw sa pamilya ng babae para pormal na hingin ang kamay ng dalaga bilang mapapangasawa at para mapag usapan ang darating na kasalan.
>Kaugalian nang may dalang regalo ang bumibisitang pamilya.
>Isang magandang daan ito para sa dalawang partido na magkakilala.
PAMAMANHIKAN
PAGSAMA-SAMA NG PAMILYA
• Karaniwang sa mga pagtitipon nagkakasama-sama ang pamilya gaya ng Pasko, kasalan, pagkamatay ng isang mahal sa buhay, Bagong Taon, at araw ng kapanganakan.
• May mga pamilya namang nagtitipon-tipon kahit walang espesyal na okasyon.
• Layunin ng pagtitipon-tipon na mapanatili ang malapit na pag-uugnayan ng mga kasapi ng pamilya na lubhang pinahahalagahan ng mga Pilipino.
PAGSAMA-SAMA NG PAMILYA
>Karaniwang may handaan tuwing pista sa isang lugar.
>Maliban sa salo-salo ng pamilya at bisita, may misa, parada, at iba-iba pang programa tuwing pista.
PAGKAHILIG SA PISTA
Iba’t ibang Pagdiriwang sa Ating
Bansa
Pagdiriwang Petsa Lugar
ng Pista
Paglalarawan
Pista ng
Sinulog
Ikatlong
Linggo ng
Enero
Lungsod ng Cebu
Panlalawigang patimpalak tungkol sa kahulugan ng pagdating ng mga mananakop na Kastila para mapalaganap ang Kristiyanismo.
Pista ng Sinulog
Pista ng Sinulog
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Araw ng Cabanatuan
Pebrero 3
Cabanatuan
Binibigyang diin ng parada ang paglago ng Nueva Ecija at pag-unlad ng Cabanatuan mula noong bago dumating ang mga Espanyol hanggang sa pananakop ng mga Hapon at hanggang sa kasalukuyan.
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Semana Santa
(Mahal na Araw)
Marso 24–30
Buong bansa
Pagpapakita ng paghihirap at pagkamatay ni Kristo
Santa Cruz de Mayo o Santa Cruzan
Huling araw ng
Mayo
Lahat ng bahagi ng bansa
Pista na nagtatampok ng magagandang dalaga ng bansa na nakasuot ng magagarang tunika.
Semana Santa (Mahal na Araw)
Santa Cruz de Mayo o Santa Cruzan
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Pista ng Kalilang
Abril 10–15
Marawi CityLanao del Sur
Pista na nagpapaalaala ng anibersaryo ng charter ng Lungsod ng Marawi; pagpapakita ng mga tradisyonal na awit at sayaw ng Muslim, eksibit ng kulturang Maranao, mga gamit, pagkain at mga gawaing ukol sa relihiyong Muslim.
Pista ng Kalilang
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Pista ng Maskara
Oktubre 19
Bacolod City
Negros Occident
al
Pinakamalaking taunang pagdiriwang na nagpapa -kita ng pagmamahal at kasayahan ng mga katutubong taga-Bacolod. Kasabay sa pagdiriwang ng charter ng lungsod ang mga paligsahan sa isports, palatuntunang kultural, at pagsasayaw sa kalye ng mga nakasuot ng damit at maskara tulad ng sa Mardi-Gras.
Pista ng Maskara
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Pista ng Gran
Cordillera
Nobyembre
17–25
Lungsod ng
Baguio
Pagdiriwang sa rehiyon na ginaganap sa Benguet taon-taon na nagtatampok ng pagtitipon-tipon ng mga tribu na nagpa-pakita ng mga sayaw ng tribo at pagtatanghal ng mga ritwal ng pasasalamat.
Pista ng Cordillera
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Pista ng Higanteng parol ng San
Fernando
Disyembre
Paskuhan Village
San Fernand
o, Pampan
ga
Pista ng malahiganteng mga parol na may iba’t ibang kulay. Sumusukat ng mula 10 hanggang 15 piye ang diyametro ng mga parol na ito.
Pista ng Higanteng parol ng San Fernando
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Sayaw sa Obando
Mayo 17–19
Obando, Bulacan
Tatlong araw na pagdiriwang ng pista ni San Pascual Baylon, Sta. Clara at Nuestra Señora de Salambao. Ang mga mag-asawang walang anak, nagpapasalamat na mga magulang, nagpapasalamat na mga magsasaka at mangingisda ay nagsasayaw sa kalye kasama ng mga babaeng may kasuotang makukulay para ipagdasal ang mga bata at magandang ani.
Sayaw sa Obando
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
PaglalarawanPista ng
mga Pintado
Hunyo 29
Tubod, Lanao del
Norte
Isang kasiyahan sa kalye at paligsahan na nakasentro sa matatandang kaugalian ng pagta-tattoo na nagpapahiwatig ng tapang at istatus sa isang pamayanan
Pista ng mga Pintado
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng
Pista
Paglalarawan
Pista ng Sagaya
n
Hulyo 3–5
Basco, Batane
s.
Kakaibang pistang kultural na nagpapakita ng sayaw ng pakikidigma ng mga lalaking katutubo at ang “Kasiduratan” ng mga babaeng Muslim na suot ang kanilang makukulay at kakaibang kasuotan. Sumasali sa pistang ito ang lahat ng mga bayan ng lalawigan.
Pagdiriwang Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Pista ng Palupalo
Agosto 4–5
MalaybalayBukidnon
Pagtatanghal kultural ng iba’t ibang bayan ng Batanes na nagpapakita ng mga kakayahan ng mga Ivatan.
Pista ng Palupalo
Pagdiriwang
Petsa Lugar ng Pista
Paglalarawan
Pista ng Kaamula
n
Setyembre 5–7
Bukidnon
Kakaibang pista ng mga awit, sayaw at sosyo-kultural na gawain na nagsasama at pinag-iisa ang mga tribo ng pamayanan at ang iba pang mga sektor ng lalawigan ng Bukidnon.
Pista ng Kaamulan
GAWIN MOGawain AIsulat sa notbuk ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay mali.1. May malapit na ugnayan ang mga pamilyang Pilipino.2. Sa isang pamilyang Pilipino, ang ina ang namumuno.3. Lubhang maawain at mapagbigay ang mga Pilipino, lalo na sa pagtulong sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay.4. Ang pakikipag-away sa kaibigan at pananakit ng damdamin ang kahulugan ng pakikisama.5. Ang sistemang padrino ay ang paggamit ng tagapamagitan kung may hindi nagkakasundo.
GAWIN MO
6. “Bahala na” ang ginagamit na ekspresyon kapag ang tao’y naniniwala na ang kaniyang tagumpay at pagkabigo ay nakasalalay sa suwerte o kapalaran.7. Ang ugali ng mga Pilipino na tapusin
ang mgagawain sa oras ay tinatawag na mañana
habit.8. Ang amor propio ay tumutukoy sa pagpuna sa sarili.9. Ang panggagaya ay isang katangian ng mga Pilipino.10.Taglay ng Pilipino ang mga kanais-nais
at di-kanais- nais na katangian.
Gawain BItugma ang mga salita o parirala sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra ng sagot sa notbuk.
GAWIN MOGawain C Pangkatang Gawain: Lights, Camera ActionSuriin ang iba’t ibang katangian at tradisyon ng mga Pilipino. Isa-isahin ang epekto at bunga sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng Pilipino.
Pangkat I - PakikisamaPangkat II - Pagkahilig sa pistaPangkat III - Pagkakalapit-lapit ng
pamilyaPangkat IV - Pagiging matulungin
TANDAAN MO
Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino.
Mahalagang bahagi ng ating kultura ang iba’t ibang tradisyong Pilipino.
Ang mga tradisyong ipinamana ay katibayan ng yaman ng kulturang Pilipino.
Kopyahin ang mga bilang. Lagyan ng bituin ( ) ang bilang kung ito ay tumutukoy sa iyo bilang isang Pilipino at buwan ( � ) kung hindi.1.Pagdalo sa mga pista2.Pagwawalang-bahala sa oras3.Malikhain4.Madasalin5.Magaling makisama6.Matulungin7.Nakikiramay8.Mahilig magsimula ng gawain ngunit hindi tinatapos9.May pagtatangi sa sarili10.Panggagaya
TAKDANG GAWAIN
Gumawa ng isang liham na nagpapamalas sa paghanga sa mga katangian at tradisyon ng mga Pilipino.
Sanggunian:
AP LM: Aralin 15, LM, pp. 204–211K to 12 – AP4LKE
https://www.google.com